Summary

This document is a lesson plan about human rights. It discusses the concept of human rights, their historical development through various documents such as the Cyrus Cylinder, Magna Carta, and Bill of Rights.

Full Transcript

**ARALIN 3: PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO\ DIGNIDAD\ **- Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao\ - Kabuuan ng ating pagkatao\ - Mahalaga upang maging ganap ang pagkatao\ - Tinataglay ng bawat tao -- kaya tayong lahat ay pantay-pantay\ **KARAPATANG PANTAO\ **- Payak na pamantayang kina...

**ARALIN 3: PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO\ DIGNIDAD\ **- Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao\ - Kabuuan ng ating pagkatao\ - Mahalaga upang maging ganap ang pagkatao\ - Tinataglay ng bawat tao -- kaya tayong lahat ay pantay-pantay\ **KARAPATANG PANTAO\ **- Payak na pamantayang kinakailangan ng mga tao upang makapamuhay ng may\ dignidad\ - Ginagarantiya ang ganap at kabuoang pag-unlad ng mga tao\ - Lahat ng kinakailangan ng tao upang protektahan ang kaniyang dignidad bilang\ indibidwal\ - Saligan ng kalayaan, hustisya at kapayapaan sa mundo\ - Pangunahing obligasyon ng Estado o Gobyerno at mga kasapi nito na\ pangalagaan at tugunan ang karapatang pantao\ - Kaakibat ang responsibilidad na paunlarin at pangalagaan ang sariling dignidad\ at ang sa ibang tao\ - Nagbibigay gabay sa mga tao upang panghawakan ang kanilang mga buhay at\ umaksyon para sa pagbabago sa lipunan\ -- tumutukoy sa \"payak na mga **karapatan** at mga **kalayaang** nararapat na\ matanggap ng lahat ng mga tao.\" Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at\ mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga\ karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa\ pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan,\ pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok\ sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan\ sa edukasyon.\ **Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao\ **Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.\ Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay\ mabuhay nang may dignidad bilang tao.\ Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling\ siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain.\ Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na\ nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi\ niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay\ tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na\ kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong\ bahagi ng tao.\ Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga\ pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga\ 80\ pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating\ karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan\ ang ating karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan\ ng iba.\ Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang\ karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng\ bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa\ lipunang Pilipino.\ **Historikal ng Pag-unlad ng Konsepto ng Karapatang Pantao\ "Cyrus Cylinder" (539 B.C.E.)\ **- Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng\ Babylon.\ - Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling\ relihiyon.\ - Idineklara rin ang pagkakapantay pantay ng lahat ng lahi.\ - Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na **"Cyrus\ Cylinder."\ **- Tinagurian ito bilang **"world's first charter of human rights."\ **- Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang\ kabihasnan tulad ng **India**, **Greece**, at **Rome**.\ - Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng **Judaism**,\ **Hinduism**, **Kristiyanismo**, **Buddhism**, **Taoism**, **Islam** at iba pa ay nakapaglahad\ ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin\ nito sa kaniyang kapwa.\ **1215- Magna Carta\ **- Noong 1215, sapilitang lumagda si **John I**, **Hari ng England**, sa **Magna Carta**,\ isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England.\ - Ilan sa mga ito ay hindi maaaring **dakpin**, **ipakulong**, at **bawiin ang\ anumang ari-arian** ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa\ dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng **hari** ng bansa.\ **Petition of Right (1628)\ **- Sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad\ nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal\ sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar\ sa panahon ng kapayapaan.\ **Bill of Rights (1791)\ **- Noong 1787, inaprubahan ng **United States Congress** ang **Saligang-batas\ **ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang **Bill of Rights** na\ ipinatupad noong **Disyembre 15, 1791**.\ 81\ - Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga **karapatang pantao** ng lahat ng\ mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.\ **Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789)\ **- Noong 1789, nagtagumpay ang **French Revolution** na wakasan ang ganap na\ kapangyarihan ni **Haring Louis XVI**.\ - Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na\ naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.\ **The First Geneva Convention (1864)\ **- Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing- anim na **Europeong bansa\ **at ilang estado ng **United States** sa **Geneva, Switzerland**.\ - Kinilala ito bilang **The First Geneva Convention** na may layuning isaalangalang ang pag- alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang\ anumang diskriminasyon.\ **Universal Declaration of Human Rights (1948)\ **- Noong 1948, itinatag ng **United Nations** ang **Human Rights Commission** sa\ pangunguna ni **Eleanor Roosevelt**, asawa ng yumaong **Pangulong Franklin\ Roosevelt** ng United States.\ - Ang **Universal Declaration of Human Rights (UDHR)** ay isa sa mahalagang\ dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna\ may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.\ o Karapatang sibil\ o Karapatang politikal\ o Karapatang ekonomiko\ o Karapatang sosyal\ o Karapatang kultural\ - Nang itatag ang **United Nations** noong **Oktubre 24, 1945**, binigyang-diin ng\ mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak\ na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa\ lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng **UN General Assembly** noong\ 1946.\ - Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng **Human Rights\ Commission** ng United Nations si **ELEANOR ROOSEVELT**. Binalangkas ng\ naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag\ ang talaang ito bilang **UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS** o\ **"International Magna Carta for all Mankind",** noong Disyembre 10, 1948.\ - Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng\ karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing\ batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.\ Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto\ ng buhay ng tao.\ 82\ Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang\ kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao.\ Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na\ pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba't ibang panig ng daigdig\ Ang **Katipunan ng mga Karapatan** o **Bill of Rights** ng Konstitusyon ng ating\ bansa ay listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating\ konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa **Seksyon\ 8, 11, 12, 13, 18 (1),** at **19**.\ Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat\ mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon\ ang constitutional rights.\ Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado\ Hal: Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian\ **Apat na Klasipikasyon ang Constitutional Rights.\ Constitutional Rights** - Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng\ Estado.\ Karapatang Politikal -- Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o\ hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan\ Karapatang Sibil -- mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging\ kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.\ Karapatang Sosyo-ekonomik -- mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at\ pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.\ Karapatan ng akusado -- mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na\ inakusahan sa anomang krimen\ **Statutory** - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa\ pamamagitan ng panibagong batas.\ HAL: Karapatang makatanggap ng minimum wage\ **KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO\ **1. Likas sa Tao (Inherent)\ 2. Pandaigdigan (Universal)\ 3. Di-mahahati (Indivisible)\ 4. Di-maiaalis (Inalienable)\ **GRUPO O KLASIPIKASYON NG MGA KARAPATAN\ ** Ayon sa Katangian (Nature)\ o Civil Rights o Karapatang Sibil\ o Political Rights o Karapatang Pulitikal\ o Economic Rights o Karapatang Pang-Ekonomiya\ o Social Rights o Karapatang Panlipunan\ o Cultural Rights o Karapatang Pang-Kultura\ 83\ Ayon sa kung sino ang Tumatanggap (Recipient)\ o Individual Rights\ o Collective/ Group Rights\ Ayon sa Pinagmumulan (Source)\ o Natural Rights\ o Legal Rights\ Ayon sa Pagpapatupad (Implementation)\ o IMMEDIATE -- Dagliang maipapatupad; immediate obligations of states to\ implement\ o INCREMENTAL O PROGRESSIVE -- graduwal o paunti-unting\ pagpapatupad; necessary steps and measures to give effect to the rights\ stated\ Ayon sa Derogability\ o Non-derogable or absolute rights -- mga karapatang hindi pwedeng\ suspindihin o alisin kahit na anong panahon\ Art. 6 Karapatan sa Buhay\ Art. 7 Karapatan laban sa tortyur at di-makataong parusa\ Art. 8 Karapatan laban sa Pang-aalipin\ Art. 11 Karapatan laban sa pagkakakulong bunga ng hindi\ pagtupad sa obligasyon sa isang kontrata\ Art. 15 Karapatan laban sa paghahabla ng kaso sa isang\ pagkakasala na hindi krimen sa panahong ito ay naganap\ Art. 16 Karapatang kilalanin ng batas bilang tao saan man sa\ mundo\ Art. 18 Karapatan sa Malayang Pag-iisip, Budhi at Relihiyon\ o Derogable or relative rights -- mga karapatang maaring suspindihin o alisin\ depende sa sitwasyon\ **Ang Uri ng Karapatang Pantao\ **Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan.\ **1. Indibidwal o personal na karapatan.** Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng\ mga indibidwal na tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga\ karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, ay\ kultural na karapatan.\ **a. Karapatang Sibil.** Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at\ mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang mabuhay,\ pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng\ hanapbuhay.\ **b. Karapatang Pulitikal.** Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga\ proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa\ referendum at plebisito.\ **c. Karapatang Panlipunan.** Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa\ isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.\ 84\ **d. Karapatang Pangkabuhayan.** Ito ang mga karapatan ukol sa pagsususulong\ ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.\ **e. Karapatang Kultural.** Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay\ kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.\ **2. Panggrupo o kolektibong karapatan.** Ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo\ ng pamayanan upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at pangkultural ng pagunlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng\ malusog na kapaligiran.\ **Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao\ **Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas sa\ Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang\ pagsilang ay may karapatang dapat na natatamasa na, mas nakasisiguro tayo kung ito\ ay nakasulat sa ating batas upang magsilbing sandigan natin kung sakaling hindi natin\ natatamasa ang ating mga karapatan.\ Ang mga pangunahing instrumentong legal ay ang Saligang-Batas ng Pilipinas at\ ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.\ **Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na Kumikilala sa Karapatang\ Pantao\ **Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na naksulat sa SaligangBatas ng 1987. sa dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bil of Rights\ (Art. III); Pagboto (Art V); Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado\ (Art II); Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art XIII); Pambansang\ Ekonomiya at Patrimonya (Art Xii); Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura\ at Isports (Art. XIV).\ Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at\ patakaran ng Estado (Art. II) ay ang mga sumusunod:\ Papapahalaga sa dignidad ng isang tap at paggarantiya ng buong respeto sa\ karapatang pantao;\ Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;\ Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal ay\ panlipunang kapakanan ng mga kabataan;\ Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan;\ Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng\ tao;\ Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at\ Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural.\ Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat natin sundin ang mga\ ito.\ 85\ Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill of Rights (Art. II) tulad\ ng:\ Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian\ Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas\ Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan\ Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay nagsusulong ng\ karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipino. Obligasyon ng\ pamahalaang Pilipinas na magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon,\ kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang mga taong walang pambayad ay matulungan\ nang libre ng pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo ng panlipunang katarungan na ang\ mga taong mahihirap ay dapat magbigyang proteksyon ng ating batas at pamahalaan.\ **Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal\ Declaration of Human Rights o UDHR)\ **Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda sa\ deklarasyong ito kayat ang instrumentong ito'y dapat ipatupad sa ating bansa.\ Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na lahat ng\ tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na dignidad. Itinakda nito ang\ pangunahing prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon\ upang matamasa ang karapatang pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao.\ Ang mga **sibil na probisyon** ng UDHR ay ang mga sumusunod:\ Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas ng isang tao\ Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o paninilbihan\ Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakakababang-uri ng\ pagtrato at kaparusahan\ Pagkilala sa tao sa harap ng batas\ Pantay na proteksyon sa harap ng batas\ Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao\ Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensyon, at pagpapalayas sa sariling\ bansa\ Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang\ kinikilingang tribunal\ Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi napapatunayang\ maysala\ Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksyon na hindi pa krimen noong ito ay\ ginawa\ Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya, bahay at\ mga sulat\ Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at maging sa pag-alis sa isang lugar\ Mag-asawa at magkaroon ng pamilya\ Magkaroon ng ari-arian\ 86\ Ang Mga **Pulitikal na Karapatan** ay:\ Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang maging\ mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa kanyang\ bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan\ Karapatang magkaroon ng nasyonalidad\ Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon\ Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita\ Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon\ Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa\ Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa\ Ang mga **Karapatan sa Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultura** ay ang\ mga sumusunod:\ Karapatan sa panlipunang seguridad\ Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at kalayaan sa pagpili ng empleo\ Pantay na bayad sa pantay na paggawa\ Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay na may\ dignidad\ Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal\ Karapatan sa pahinga at paglilibang\ Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ang karapatan sa\ pagkain, pananamit, pabahay at gamot)\ Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay, pagkakasakit,\ pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa, pagtanda ai iba pang\ pagkakataon na wala sa kontrol ng tao\ Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak\ Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay may karapatang mamili ng edukasyon\ ng kanilang anak\ Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan\ Magkaroon ng proteksyon sa moral at material na interes na nagreresulta sa\ pagiging may akda ng siyentipiko, literari at artistikong produksyon\ **Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal\ **Ang kasunduang ito ay ipinatutupad sa mga bansang sumang-ayon dito. Ang\ Pilipinas ay isa sa mga bansang pumirma dito. Pangunahing binibigyang proteksyon ng\ kasunduang ito ang karapatang mabuhay ng bawat isa. Sakop nito ang mga\ sumusunod na **karapatang sibil**:\ **Karapatang Mabuhay\ ** Walang sinuman ang dapat kitlan ng buhay nang hindi makatwiran;\ Walang sinuman ang maging biktima ng pananakit, di makataong pagtrato o\ pagparusa; maging alipin o biktima ng di makatwirang aresto at pagkakulong;\ Sinumang inaresto ay dapat mabigyan ng impormasyon hinggil sa dahilan ng pagaresto;\ 87\ Sinumang inaresto o ikinulong dahil sa isinampang krimen laban sa kanya ay dapat\ iharap sa hukom o sinumang taong may kapangyarihang maglitis ng kaso; at\ Sinumang naging biktima ng ilegal na aresto o pagkakakulong ay dapat\ magkaroon ng karampatang sahod sa mga araw ng kanyang pagkakakulong;\ **Karapatan Maging Malaya\ ** Karapatan ng bawat isa na malayang maglakbay, pumili ng tirahan at umalis ng\ bansang tinitirhan; ngunit karapatan ng estado na paalisin ang mga dayuhang\ lumalabag sa batas ng estado;\ Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng batas kayat karapatan ng bawat\ tao na maidulog ang kanyang kaso ayon sa makatarungang proseso;\ Hindi dapat bigyan ng parusa ang mga taong may pagkilos na hindi pa labag sa\ batas noong kanyang ginawa ang pagkilos.\ Dapat makatao ang pagtrato sa sinumang nakulong at walang sinuman ang dapat\ makulong dahil sa di pagtupad sa kontrata;\ Hindi dapat bigyang kaparusahan ang isang tao sa isang aksyon na hindi pa\ krimen noong ito ay ginawa; at\ Hindi dapat pakialaman ang kalayaan ng isang pribadong indibidwal, pamilya,\ tahanan at mga sulat;\ **Mga Karapatang Pulitikal\ **Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng tao bilang isang mamamayan ng bansa:\ Kalayaan sa pag-iisip, konsyensya at relihiyon, maging ang kalayaan sa pananalita\ at karapatan sa impormasyon;\ Kalayaan sa anumang uri ng propaganda para sa digmaan. Ang pagsusulong ng\ galit sa bansa, lahi o relihiyon na nag-uudyok ng diskriminasyon, kasungitan o\ agresyon ay ipinagbabawal sa batas;\ Karapatang sumali sa matahimik na asembliya;\ Karapatan sa pagbubuo ng mga samahan;\ Ang mga babae at lalaki ay may karapatang mag-asawa at magtatag ng pamilya.\ Kinikilala din nito ang pagkakapantay-pantay ng mga mag-asawa habang sila ay\ kasal at maging sa panahon na napawalang bisa ang kanilang kasal;\ Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng pamilya, lipunan at nasyonalidad,\ Karapatan ng bawat mamamayan na sumali sa anumang gawaing pampubliko,\ bumoto at iboto, at makinabang sa mga serbisyong publiko;\ Lahat ng tao ay may proteksyon sa ilalim ng batas; at\ Dapat magkaroon ng mga batas upang bigyang proteksyon ang mga pangkat\ etniko, relihiyon o linggwistikong grupo.\ Ang mga karapatang sibil ay ukol sa mga karapatan ng tao bilang tao samantalang\ ang mga karapatang pulitikal ay tungkol sa mga karapatan ng tao bilang mamamayan\ ng isang estado.\ Halos lahat ng nasa probisyong ito ay matatagpuan sa Bill of Rghts ng SaligangBatas ng 1987 ng Pilipinas.\ 88\ **Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan\ at Pangkultural\ **Ang kasunduang ito ay nabuo upang bigyang proteksyon ang mga indibidwal o\ pangkat sa iba't ibang panig ng mundo. Ang mga karapatang ito ay ang mga\ sumusunod:\ Karapatan ng lahat ng tao na bigyang direksyon ang kanyang katayuang pulitikal,\ kabuhayan, panlipunan at pangkultural na pag-unlad;\ Karapatan ng tao na ibahagi at paunlarin ang kanilang likas na kayamanan;\ Karapatan ng bawat isa na maghanapbuhay, magkaroon ng makatao at\ makatarungang kondisyon sa trabaho, magkapantay na suweldo at trabaho, ligtas at\ maayos na lugar ng trabaho at magkaroon ng pahinga at libangan;\ Karapatang bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal, karapatang mag- aklas\ at karapatan sa panlipunang seguro\ Proteksyon para sa mga nanay at kabataan\ Karapatan sa sapat na antas na pamumuhay: sapat na pagkain, damit at bahay.\ Lahat ay may karapatan sa mataas na pamantayan sa pisikal at pangkaisipang\ kalusugan at Edukasyon.\ Ang mga bansa na pumirma sa kasunduan ay dapat maglaan ng libreng edukasyon\ sa primarya at pagsikapang libre ang edukasyon sa sekondarya. Pantay din ang\ pagkakataon sa lahat na makapg-aral sa tersyarya. Ang mga magulang at legal na\ tagapag-aalaga ay malayang nakakapili ng mga paaralan upang mabigyang proteksyon\ ang kanilang edukasyong pangrelihiyon at moral.\ Lahat ay may karapatang makibahagi sa buhay kultural ng pamayanan at\ magtamasa ng mga nadiskubreng siyensya. Dapat may mga hakbang na nagawa upang\ mapanatili, mapaunlad at mapalawak ang kultura at agham. Ang kalayaan sa\ pananaliksik at paglikha ay dapat irespeto at lahat ay may karapatang magtamasa ng\ mga benepisyo sa sariling pananaliksik at paglikha.\ Ang mga karapatang ito ang pinakamahirap matugunan sapagkat maraming mga\ bansa ang mahirap at kapos ang kanilang badyet upang mabigyan ng serbisyo ang mga\ mamamayan.\ **Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata (Convention on the Rights of the\ Child)\ **Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang pandaigdigang kasunduan\ ng mga bansa upang mabigyang proteksyon ang mga batang may 18 gulang pababa sa\ anumang bansa sa daigdig.\ Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat na aspeto: karapatang mabuhay,\ karapatang magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon at karapatan\ sa partisipasyon sa lipunan.\ Ang mga **karapatang mabuhay ng may dignidad (Survival Rights)** ay ang\ mga sumusunod:\ Karapatang Mabuhay\ Karapatan sa kalusugan\ Karapatan sa pamilya\ 89\ Karapatan sa maayos na pamumuhay\ Ang mga bata ay wala pang kakayahan na maghanapbuhay upang mapangalagaan\ ang kanilang sarili. Mahalaga ang kalinga ng mga magulang at pamilya upang sila ay\ mabuhay nang may dignidad. Pangunahing prinsipyo na dapat igalang sa mga bata ay\ ang pangangailangan nila ng kalinga upang mabuhay.\ Ang mga **karapatang pangkaunlaran (Development Rights)** ay:\ Karapatan sa edukasyon\ Karapatan sa pagpapaunlad ng personalidad\ Karapatan sa relihiyon\ Karapatang makapaglaro at makapaglibang\ Karapatan sa impormasyon at kaalaman\ Mahalagang mapaunlad ang kakayahan ng mga bata habang sila ay bata pa upang\ sa mga susunod na panahon ay makabubuo tayo ng bansang maunlad din.\ Ang mga **karapatan ukol sa pagbibigay proteksyon (Protection Rights)** ay:\ Karapatan sa isang payapa at ligtas na pamayanan\ Karapatan sa proteksyon sa oras ng armadong paglalaban\ Karapatan sa proteksyon laban sa diskriminasyon\ Karapatan laban sa pang-aabuso at pagsasamantala\ Ang pangangalaga sa kapakanan ng mga bata ay mas mahalaga sa panahon ng\ digmaan, kalamidad at panganib. Unang dapat isaalang-alang ng mga magulang at\ pamahalaan ang kapakanan ng mga bata sapagkat wala pa silang kakayanan na iligtas\ ang kanilang sarili.\ At ang **karapatan sa pakikilahok (Participation Right)** ay:\ Karapatang makapagpahayag g sariling opinion o pananaw\ Ang mga bata ay tao rin kayat nararapat lamang na bigyan sila ng pagkakataong\ magpahayag ng kanilang saloobin.\ **Ang Kababaihan sa Lipunang Pilipino\ **Maraming katangian ang mga kalalakihan na halos pareho din sa mga babae tulad\ ng pagiging agresibo, matalino, mapagbigay, masipag, malambing, at iba pa. May mga\ gawain naman ang mga lalaki na kaya rin ng babae tulad ng gawain ng abogado,\ doktor, mekaniko, kaminero, inhenyero, at iba pa.\ Sa mahabang panahon, tiningnan ang mga tungkulin ng babae at lalaki batay sa\ bayolohikal na katangian ng ating lipunan. Ang mga babae ay nanganganak kayat\ pangunahin sa naging tungkulin niya ay mag-alaga ng bata at gampanan ang mga\ gawaing bahay. Dahil sa ang lalaki ay hindi nanganganak, naging tungkulin niya ang\ maghanapbuhay sa labas ng tahanan. Maskulado ang lalaki kayat ang mga mabibigat\ na gawain ay iniatang sa kanya. Samantala, tiningnan ang babae na may maliit at\ malambot na pangangatawan kayat pananahi, panunulsi, pagluluto at iba pang\ pambahay na gawain ang iniatang sa kanya. Dahil nagkaroon ng pagkakaiba-iba ng\ tungkulin ng babae at lalaki: ang babae sa loob ng bahay lamang at ang lalaki sa labas\ 90\ ng bahay, ang naging resulta ay ang kakulangan ng pagkakataon ng babae sa\ pagganap ng mahahalagang gawain sa lipunan.\ Karamihan ng pinuno ng mga bayan ay mga lalaki. Ang mga namamahala ng\ malalaking negosyo ay ibinibigay ng pamilya o ng mga miyembro sa lalaki. Nawalan ang\ babae ng mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa. Dahil dito, marami sa mga\ kababaihan ang nakaranas ng di-pantay na pagtingin na nagreresulta sa iba't ibang\ problema tulad ng pambubog ng asawa, karahasan sa kababaihan, pagbebenta sa mga\ babae, at iba pa.\ Ang ganitong sitwasyon ang nag-udyok upang bigyang proteksyon ang karapatan\ ng mga kababaihan.\ **Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan (Convention\ on Elimination of Discrimination Against Women)\ **Ang kasunduan sa pag-aalis ng diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinimulang\ ipatupad noong 1981. Ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod na karapatan ng mga\ kababaihan:\ Karapatan sa pantay na pagtingin sa babae at lalaki\ Partisipasyon sa pulitikal at pampublikong larangan\ Partisipasyon sa pandaigdigang talastasan\ Karapatan sa nasyonalidad\ Pantay na karapatan sa edukasyon\ Karapatang maghanapbuhay\ Karapatan sa pangangalaga ng kalusugan at pagpaplano ng pamilya\ Karapatang magtamo ng pangkabuhayan at panlipunang benepisyo\ Pantay na pagtingin sa mga kababaihan sa rural\ Pantay na pagtingin sa harap ng batas\ Karapatang mag-asawa at magkapamilya\ **Konsepto ng Paglabag sa Karapatan\ **Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng\ paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang karapatang\ mabuhay nang may dignidad. Halimbawa, ang pagkitil ng buhay ay isang pagpigil sa\ karapatan ng taong mabuhay. Maging ang pagsikil sa kalayaan ng tao ay isang pagaalis sa karapatan ng taong mabuhay nang malaya.\ Sa pangkalahatan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag nilabag\ ng tao at ng estado Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga Pandaigdigang Instrumento\ sa Karapatang Pantao.\ Iba't iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pisikal, sikolohikal o\ emosyonal at istruktural.\ ** Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao.** Pisikal na paglabag ang turing\ kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog,\ pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang parte ng katawan ay ilan sa halimbawa ng\ pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad ng panghahalay at\ pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang pantao.\ 91\ ** Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao.** Ang pisikal\ na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya\ nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya\ sa kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao ay isang uri ng\ sikolohikal na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay nagreresulta sa balisang\ estado ng isang tao.\ ** Istruktural.** Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may\ kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi pagtatamasa ng\ karapatan istruktural. Ang istruktural na paglabag ay makikita kung ang tao ay walang\ kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihan\ magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig. Ang mga\ paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa tahanan, pamayanan, paaralan,\ trabaho, bansa, at daigdig.\ Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan.\ Ang hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa bata, hindi pagpapaaral sa mababang\ paaralan, hindi pagbibigay ng pangalan at damit ay ilan lamang sa mga paglabag sa\ karapatang pantao ng mga tao.\ Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag ang mga\ lokal na opisyal ng pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling panatilihing malinis,\ maayos at mapayapa ang kapaligiran. Tungkulin din ng lokal na pamahalaan na\ paratingin ang mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng serbisyo sa kalusugan,\ kuryente, tubig, komunikasyon, edukasyon, at iba pa.\ Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing serbisyong dapat ihatid sa mga\ mamamayan. Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga mag-aaral ay ay\ paglabag din sa karapatan ng mga mag-aaral.\ Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang karaniwang paglabag sa karapatang\ pantao. Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag ang mga kinatawan ng pamahalaan\ tulad ng pulis, militar, pinuno at kagawad ng barangay, o iba pang sangay ng\ pamahalaan, ay nanakit sa mga tao. Istruktural ang paglabag kapag ang pamahalaan\ ay walang programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at kultural na\ kalagayan ng mga mamamayan.\ Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o bayolasyon ay madarama kapag ang\ mga kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga tao o kaya ay gumawa ng mga\ kasunduang nakasasama sa tao. Ilan dito ay ang pakikipagdigmaan, paggawa ng mga\ armas pandigmaan, at pakikipagkalakal na mayayamang bansa lamang ang may\ pakinabang.\ **PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO SA PANAHON NG KOLONISASYON\ **- Ang mga mamamayan ay biktima ng sistemang pang -- aabuso at\ pananamantala.\ - Tulad ng sapilitang paggawa, diskriminasyon, pagkabilanggo, pagpatay, at iba\ pa.\ 92\ **Pakikibaka ng Comfort Women\ **Comfort Women\ - Nagmula sa Pilipinas, China, Korea at iba pa.\ - Dumanas ng Pisikal, Sikolohikal, at Sekswal na pang-aabuso\ - Mga babaing binihag ng mga Hapon para magbigay ng serbisyong sekswal.\ - Hanggang ngayon ay nahingi pa rin sila ng katarungan.\ **Hangarin ng Comfort Women\ Una.** Isang pormal na paghingi ng kapatawaran ng pamahalaang Hapones\ **Ikalawa.** Pagbibigay ng bayad -- pinsala sa kanila.\ **Ikatlo.** Paglalagay sa mga textbook ng Hapon tungkol sa mga dinanas ng Comfort\ Women at ang karahasang ginawa ng mga Hapones\ **Ang mga Jew at ang Holocaust\ **ADOLF HITLER\ Diktador ng Germany\ Pinamunuan ang Partidong Nazi sa Germany\ Naniniwala siya na natatangi ang lahing Aryan kaya naman isinagawa niya ang\ tinatawag na **Holocaust\ Holocaust\ **- Ang mga Jew ay ibinilanggo sa mga Concentration Camps at sila'y ipinapatay sa\ loob ng Gas Chamber. Parang isang Shower room ang Gas Chamber na para ka\ lang naliligo ngunit pinapatay ka na sa pamamagitan ng Gas.\ Anne Frank\ Isa sa mga kilalang nabuhay noong panahon ng Holocaust\ Naisulat niya ang mga dinanas nila noong panahong iyon sa kanyang Diary.\ Nang siya ay mamatay, nakuha ng kanyang ama ang kanyang Diary at ito'y\ ipinalimbag dahil sa pangarap ni Anne na maging isang manunulat.\ **Paglabag sa Karapatang Pantao ng mga Katutubong Mamamayan\ **- Ang mga Indigenous people na nagiging biktima rin ng pang- aabuso.\ - Nagkakaroon ng Ethnocide.\ - Ang kanilang Ancestral Domain ay nasisira dahil sa ngalan ng kaunlaran.\ Ginagawa itong tourist site\ - HALIMBAWA: MGA KATUTUBONG AETA\ **Iba pang Paglabag sa Karapatang Pantao\ ** Yellow -- Dog Contract\ o Hindi pinahihintulutang sumama sa kahit anong unyon ang isang\ manggagawa at kung kasali man ay kailangan niyang tumiwalag\ Child Soldier\ o Nilalabag ang karapatan ng batang makapag -- aral, makapaglibang, at\ mamuhay ng maayos.\ 93\ Double Standard\ o Uri ng pagtatangi kung saan magkaibang pamantayan ang ginagamit sa\ magkaibang grupo upang paboran ang isa.\ **Mga Paglabag sa Karapatang Pantao sa panahon ng Diktadura\ Pamahalaang Diktaturyal\ **- Dumaranas ang mga mamamayan ng pisikal at sikolohikal na pagpapahirap.\ - Ang mga **desaparecidos**; ito ang tawag sa mga bangkay na hindi pa mahanap\ pa.\ - Dahil sa galit ng mamamayan ay nagawa nilang makibaka tulad ng\ demonstrasyon sa kalsada, boykot, armadong pakikidigma at iba pa.\ - Tinapatan ito ng panggigipit at pandarahas, pananakot, pagpatay, dislokasyon,\ militarisasyon at iba pa.\ **Mga Kilalang Tao noong Panahon ng Pamahalaang Diktaturyal\ **Pol Pot\ Ne Win\ Ngo Dinh Diem\ Ferdinand Marcos\ Anastacio Somoza\ Augusto Pinochet\ Jean Claude Duvalier\ **Mga Hakbang Upang Mabigyang Proteksyon Laban sa Mga Paglabag sa\ Karapatang Pantao\ **Maraming paraan upang mabigyan tayo ng proteksyon at hindi malabag ang ating\ karapatan bilang tao. Ito ang mga hakbang:\ **1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman.** Kapag nalabag ang iyong karapatan,\ maaring magsimulang dumulog sa katarungang pambarangay lalo na kapag ang uri ng\ paglabag ay sakop nito. Kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang hukuman.\ May mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang Komisyon sa Karapatang\ Pantao, at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa pagsasampa at paglilitis ng\ kaso. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ang karaniwang dinidinig ng mga korte sa\ Pilipinas.\ Ang mga kawani ng pamahalaan ay maaring magsampa ng reklamo sa kanilang\ mga opisina o sa Komisyon ng Serbisyo Sibil at kung ang pagkakasala ay may malakas\ na ebidensya, maari itong idulog sa Sandigang Bayan.\ Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ay tumutulong naman sa mga manggagawa\ hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman sa paggawa.\ Ang Komisyon ng Karapatang Pantao at Public Attorney's Office ng Kagawaran ng\ Katarungan ay nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong mahihirap.\ **2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International\ Court of Justice).** Kapag ang mga kaso ay patungkol na sa mga alitan ng tao na\ galing sa iba't ibang nasyonalidad o alitan ng mga bansa, ito ay idinudulog sa\ 94\ Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan. Nililitis nila ang mga kaso na nagiging\ sagabal sa pagsusulong ng karapatang pantao.\ **3. Edukasyon para sa karapatang pantao.** Ito ang isa sa pinakamahusay na\ paraan upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag-alam sa iba't ibang\ karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging\ mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating karapatan ay siyang magmumulat\ ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay.\ **4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao.** Mahalagang hindi huminto ang pagaaral ng karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga batas.\ Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang\ hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na pagkilos upang\ mapigilan ang paglabag sa ating karapatan at sa karapatan ng iba.\ **STATE OBLIGATIONS\ **RESPECT -- ang di pagawa ng mga aksyon o polisiyang maaring maka-abuso sa\ karapatang pantao\ PROTECT -- pagdepensa sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal at pagpigil sa\ pangaabuso na maaring gawin ng ibang partido\ FULFILL -- pagawa ng mga aksyon upang masigurong tuloy-tuloy na matatamasa ang\ mga karapatang pantao\ **OBLIGATIONS OF NON-STATE ACTORS\ **RESPECT -- siguraduhing di gagawa ng anumang bagay na maaaring maka-abuso sa\ integridad ng mga tao\ FULFILL -- responsibilidad na makatulong sa pagpapalawig ng karapatang pantao\ **HUMAN RIGHTS ABUSES\ ** BY COMMISSION\ o Pagawa ng mga aktong umaabuso sa karapatang pantao\ o Pagsasatupad ng batas na aabuso sa karapatang pantao\ o Pagalis ng mga batas ng pumoprotekta sa karapatang pantao\ BY OMMISSION\ o Di paglagay ng mga batas o programa na proprotekta sa mga karapatang\ pantao\ o Di pag-aksyon para sa pagpapalawig ng karapatang pantao\ **MISCONCEPTIONS ON HUMAN RIGHTS\ **- ESC rights are ‗positive rights (dapat ibigay)' while CP entitlements are ‗negative\ rights (di dapat gawin). Mas madali ang mga bagay na ‗hindi lang dapat gawin'\ kaysa sa mga bagay na ‗dapat ibigay'.\ - Ang mga kabuuhan ESC rights ay mga ‗state aspirations (panagarap abutin)'\ lamang habang ang mga CP rights are ‗human rights proper (tunay na mga\ karapatang pantao)'\ - Kailangan lamang ng political will para ipatupad ang CP Rights habang kailangan\ ng malaking resources and ESC Rights\ 95\ - (Justiciability Issue) Mas madaling ihabla ang estado sa mga internasyunal na\ korte at mekanismo kung ang isyu ay CP Rights. Paano mo naman gagwin yan\ kung ang isyu ay ESC Rights? Eh sa wala ngang kapasidad!\ Lahat ng mga karapatan ay\ INDIVISIBLE (di nahahati),\ INTERDEPENDENT (nakaasa sa isa't isa) at\ INTERRELATED (magkakaugnay)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser