Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang presentasyon o ulat tungkol sa mga sinaunang sibilisasyon sa Asya, partikular na ang Egypt, Mesopotamia, India, at China. Tatalakayin ang mga aspeto ng kanilang politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, at lipunan. Mga impormasyon gaya ng mga pangunahing kabihasnan, panahon, at mga taong naimpluwensiyang.
Full Transcript
Mga Sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China, batay sa politika,ekonomiya, kultura rehiyon, paniniwala at lipunan ang ating tatalakayin Kabihasnang Mesopotamia Kabihasnang Indus Kabihasnang Egypt Kabihasnang China Ang Kabihasnang Mesopotamia...
Mga Sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China, batay sa politika,ekonomiya, kultura rehiyon, paniniwala at lipunan ang ating tatalakayin Kabihasnang Mesopotamia Kabihasnang Indus Kabihasnang Egypt Kabihasnang China Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Citation Asya Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagmula sa mga lambak-ilog o river valley. Ang kabihasnang Mesopotamia ay unang umusbong sa pagitan ng dalawang ilog. Ang dalawang Ilog Tigris at Ilog Euphrates na siyang pinagmulan ng kabihasnang ito. Kaya tinatawag itong Mesopotamia na mula sa salitang Griyego na meso o “pagitan” at potamos o “ilog.” Sa madaling salita ang kahulugan ng salitang Mesopotamia ay lupain sa “pagitan ng dalawang Ilog.” Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya Maraming mga pangkat ng mga taong naninirahan sa Mesopotamia. Kadalasan ang bawat pangkat ay may maraming naiambag na siyang nagpapatibay at nagbigay ng mga impluwensiya sa susunod pang mga pangkat. Binubuo ang Mesopotamia ng mga kabihasnang Sumer, imperyong Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea. Mga Pangkat na Naninirahan sa Mesopotamia Sumerian (3500-2340 BCE) Assyrian (1813-605 BCE) Akkadian (2340-2100 BCE) Chaldean (612-539 BCE) Babylonian (1792-1595 BCE) Persian (539-330 BCE) POLITIKA Ang Mesopotamia ay Ang mga hari o monarko ang nahahati sa mga city- namumuno, at sila ay madalas na state, na bawat isa ay itinuturing bilang mga kinatawan ng may sariling mga diyos. Ang pinaka-kilalang hari pamahalaan. Kabilang mula sa Mesopotamia ay si dito ang mga kilalang Hammurabi, na nagtatag ng Kodigo lungsod tulad ng Ur, ni Hammurabi, isa sa Uruk, at Babylon. pinakamaagang kilalang batas sa mundo. Ekonomiya Ang ekonomiya ng Mesopotamia ay Naging mahalaga rin ang pangunahing nakabatay sa kalakalan. Nagpapalitan sila agrikultura. Ang mga ng mga produkto tulad ng irigasyon mula sa Tigris at mga tela, palayok, at butil sa Euphrates ay nagbigay ng iba pang mga rehiyon. patubig sa mga sakahan. Kultura Mayamang sining at arkitektura ang umunlad sa Mesopotamia. Kilala sila sa kanilang mga ziggurat, na mga templo na itinayo bilang mga hakbang-hakbang na gusali na may mga dambana sa tuktok. ZIGGURAT Kultura Ang kanilang panitikan O LITERATURE ay sumasalamin sa kanilang paniniwala at mga alamat, tulad ng "Epic of Gilgamesh," isang epikong tula na naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang hari. Kultura Nagkaroon sila ng mga tanyag na sistema ng pagsulat tulad ng cuneiform, na ginagamit sa pagtatala ng mga batas, kasunduan, at transaksyon. Lipunan Ang lipunan ng Mahalaga rin ang papel Mesopotamia ay nahahati sa tatlong pangunahing ng mga babae sa lipunan, klase: ang mga noble at ngunit ang kanilang mga pari, mga mangangalakal karapatan ay mas limitado at artisano, at mga kumpara sa mga lalaki magsasaka at alipin. Mga Pangkat na Naninirahan sa Mesopotamia Sumerian (3500-2340 BCE) Assyrian (1813-605 BCE) Akkadian (2340-2100 BCE) Chaldean (612-539 BCE) Babylonian (1792-1595 BCE) Persian (539-330 BCE) Sumerian (3500-2340 BCE) Isang nomadikong pangkat na unang namalagi sa ilog-lambak ng Mesopotamia. Ang mga pari at hari ang pinakamataas sa hirarkiya ng lipunan. Kasunod dito ang mga mayayamang mangangalakal at ang mga ordinaryong taong nagsasaka. Pinakamababang antas sa lipunang Sumer ay ang mga alipin. Sumerian (3500-2340 BCE) Naniniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao. Tinatayang mayroong 3,000 diyos at diyosa ang mga Sumer. Nakaimbento sila ng sistema ng pagsusulat na tinatawag na cuneiform Akkadian (2340-2100 BCE) Ang mga Akkadian ang nagpabagsak sa Kabihasnang Sumer sa pamumuno ni Sargon I (2334-2279 BCE). Nakapagpatayo siya ng kauna-unahang imperyo na nakasentro sa lungsod-estado ng Ur. AKkadian (2340-1200 BCE) Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon. Babylonian (1792-1595 BCE) Ang mga Babylonians ay mga lagalag na Amorites, isang semitikong pangkat na naninirahan sa Mesopotamia. Kalaunan, ginawang kabisera ng mga Amorites ang lungsod ng Babylonia at nagtatag ng imperyo sa pamumuno ni Hammurabi. Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur Babylonian (1792-1595 BCE) Nagtakda si Hammurabi ng batas at tinawag itong Hammurabi Code. Ito ay batas na naniniwala sa prinsipiyo ng paghihiganti na kung tawagin ay lex taliones o “mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylonia. Assyrian (1813-605 BCE) Ang mga Assyrian ay mga malulupit at mababagsik na pangkat na naninirahan sa bulubunduking rehiyon sa hilaga ng Babylon. Sakop ng rehiyong ito ang hilagang bahagi ng Ilog Tigris hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia. Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo. Assyrian (1813-605 BCE) Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag- aalsa. Chaldean (612-539 BCE) Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at silangang pampang ng Ilog Euphrates. Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa. Kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Chaldean (612-539 BCE) Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia. Persian (539-330 BCE) Sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus the Great (559-530 BCE) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (kasalukuyang Turkey). Ang pamumuno ni Darius the Great (521-486 BCE) ay umabot hanggang India. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Ang Kabihasnang Indus ay sumibol sa pagitan ng mga lambak- ilog ng Mohenjo-Daro at Harappa na matatagpuan sa sinaunang India sa rehiyon ng Timog Asya. Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Unang naninirahan sa mga lungsod na ito ang mga Dravidian. Mailalarawan ang mga Dravidian bilang mga maiitim na tao na naninirahan sa isang maliit na pamayanan. Malinaw ang pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunang Indus. Ang mga naghaharing-uri tulad ng mga mangangalakal ay nakatira sa bahagi ng moog. May mga bahay na gawa sa tatlong palapag na katibayan sa pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Unang naninirahan sa mga lungsod na ito ang mga Dravidian. Mailalarawan ang mga Dravidian bilang mga maiitim na tao na naninirahan sa isang maliit na pamayanan. Malinaw ang pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunang Indus. Ang mga naghaharing-uri tulad ng mga mangangalakal ay nakatira sa bahagi ng moog. May mga bahay na gawa sa tatlong palapag na katibayan sa pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Nakagawa sila ng mga irigasyon para sa kanilang pagsasaka. Nag-alaga sila ng mga hayop. Nagtatag rin sila ng mga daungan patunay lamang na sila ay naglalakbay at nakikipagkalakalan rin sa mga karatig pook. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Hindi tiyak ng mga mananaliksik ang mga paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May mga haka-haka na maaaring naglaho ito dahil sa pagsabog ng bulkan, pananalakay ng ibang pangkat, at labis na pagbaha. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya Ang kabihasnang Tsino ay umusbong malapit sa tabing-ilog ng Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Itinuturing itong isa sa pinakamatandang kabihasnan sa buong mundo gaya ng sa Kabihasnang Mesopotamia at Kabihasnang Indus. Kapag umaapaw ang Huang Ho, ito ay nagiiwan ng banlik na nagsisilbing pataba sa lupa. Ito ang dahilan kung bakit nakapamumuhay ang mga sinaunang Tsino bilang mga magsasaka na siyang sanhi ng kanilang pamamalagi na nagdulot ng pagkakatatag ng unang dinastiya ng Xia. Xia (2000- 1570 BCE) Sinasabi na ito ang kauna-unahang Dinastiyang umusbong sa Huang Ho. Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya. Shang (1570 - 1045 BCE) Ang dinastiyang ito ay gumamit na ng bronse. Kadalasang isinagawa ang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing namamatay ang kanilang pinuno. Pinatalsik ang Shang ng mga Chou noong 1045 BCE. Shang (1570 - 1045 BCE) Ang dinastiyang ito ay gumamit na ng bronse. Kadalasang isinagawa ang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing namamatay ang kanilang pinuno. Pinatalsik ang Shang ng mga Chou noong 1045 BCE. Zhou o Chou (1045 -221 BCE) Ang dinastiyang ito ay gumamit na ng bronse. Ang mga tao sa panahon ng dinastiyang ito ay naniwala sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” Ayon sa kanilang paniniwala ang sinumang maging emperador ay pinahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Zhou o Chou (1045 -221 BCE) Umusbong sa panahong ito ang mga mahalagang kaisipang pilosopikal na humubog sa kamalayang Tsino tulad ng: Confucianismo - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan. Taoismo - Hangad ang balanse ng kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan. Zhou o Chou (1045 -221 BCE) Legalismo – ang pilosopiya na naniniwala na ang tao ay ipinanganak na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan. Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE) Napatalsik ang Zhou ng Dinastiyang Q’ín o Ch’in na siyang nagtuguyod ng unang imperyo sa Tsina (221- 210 BCE). Sa ilalim ng kanilang pamamahala, sa pamumuno ni Shih Huang Ti, ipinatayo ang Great Wall of China upang magsilbing- tanggulan laban sa mga mananalakay na tribong nomadiko na nakatira sa hilaga. Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huang Ti at napalitan ng Dinastiyang Han. Han (202 -200 CE) Ang Dinastiyang Han ang kauna-unahang yumakap ng Confucianismo Sa panahon ng kanilang pamamahala naitatag ang mga aklatan na naglalayon na mag-imbak ng mga mahahalagang kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Tsina. Sui (589 - 618 CE) Ang mga Sui ay nagpabuklod sa mga watak-watak na mga teritoryo ng Tsina Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na naglalayong mapagdugtong ang Huang Ho at Yangtze upang mapabilis ang transportasyon at mapasigla ang kalakalan ng mga karatig pook. Tang (618 - 907 CE) Sa panahon ng Dinastiyang Tang, masagana ang lupain at mabilis ang mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya. Malawakang tinangkilik ang relihiyong Budhismo ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao. Tang (618 - 907 CE) Pinagtibay ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahon ng Tang. Bumagsak ang dinastiya dahil sa pag-aalsa ng kanilang nasasakupan. Sung (960 - 1127 CE) Sa pagbagsak ng Han, humalili ang mga Sung na nagtayo ng malawakang hukbong imperyal. Sa panahong ito, naging sapat ang suplay ng pagkain sa Tsina dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural. Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag na nagpalago ng kanilang sistema ng imprenta. Humina ang Dinastiyang Sung sa mga pananakop ng mga barbaro dahilan ng kanilang paglisan noong ika12 siglo. Yuan (1279 – 1368 CE) Sa paglisan ng Dinastiyang Sung pumalit ang Dinastiyang Yuan sa pamumuno ni Kublai Khan mula sa bansang Mongolia. Sa unang pagkakataon, ang kabuuang Tsina ay pinamunuan ng dayuhang barbaro Pagkatapos ng mga labanan, naranasan ng dinastiya ang Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, at maayos na sistema ng komunikasyon. Ming (1368 – 1644CE) Nanumbalik ang Tsina sa mga Tsino sa pamumuno ni Emperador Zhu Yuanzhang. Isinaayos ang malaking bahagi ng Great Wall Naitayo din ang Temple of Heaven at Forbidden City sa Peking na naging tirahan ng emperador. Ang sining, kalakalan, at industriya ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable typewriter. Ming (1368 – 1644CE) Lumaki rin ang populasyon ng Tsina na umabot sa 100 milyon. Bumagsak ang dinastiya noong 1644 dahil pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pag-aalsa sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea. Qing o Ch’ing (1644 – 1911 CE) Ang Dinastiyang Qing o Ch’ing ay itinatag ng mga Manchu. Ang pagkatalo ng Tsina sa mga Digmaang Opyo laban sa Inglatera (1839-1842) at laban sa Inglatera at Pransya (1856- 1860) ay malaking dagok sa imperyo. Qing o Ch’ing (1644 – 1911 CE) Sa pagkatalo ng Tsina, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa Tsina bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang- ekonomiya ng nanalong bansa. Nagwakas ang sistema ng dinastiya sa Tsina nang naganap ang rebolusyon noong 1911 na nagbigaydaan sa pagkatatag ng Republika ng Tsina. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa Hindi kailan man nagpaiwan ang Africa kung ang sinaunang kabihasnan ang pag-uusapan. Unang umusbong ang kabihasnan ng Africa sa Ehipto. Kagaya sa Mesopotamia, Indus at Tsina, umusbong din ang Kabihasnang Ehipto sa may Ilog Nile. Ang Ilog Nile ay itinuturing na pinakamahabang ilog sa buong mundo. Batay sa mga natuklasang ebidensiya ng mga arkeologo, inilarawan nilang naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Ehipto. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa Hindi kailan man nagpaiwan ang Africa kung ang sinaunang kabihasnan ang pag-uusapan. Unang umusbong ang kabihasnan ng Africa sa Ehipto. Kagaya sa Mesopotamia, Indus at Tsina, umusbong din ang Kabihasnang Ehipto sa may Ilog Nile. Ang Ilog Nile ay itinuturing na pinakamahabang ilog sa buong mundo. Batay sa mga natuklasang ebidensiya ng mga arkeologo, inilarawan nilang naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Ehipto. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa Katulad ng naunang mga kabihasnan mahalaga ang papel na ginampanan ng lambak–ilog ng Nile. Ang taunang pagbaha ng bawat taon ay nagdala ng matabang lupa na naging daan upang manatili ang mga taong nanirahan sa pamayanan. Dahil mataba ang kanilang lupa, nakapagtanim ang mga magsasaka ng iba’t ibang panamin. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa Napatunayan rin na gumawa sila ng mga imbakan ng tubig at irigasyon upang mapaayos ang pagdaloy ng tubig patungo sa kanilang pananim. Ang Ilog Nile ay nagsisilbing ruta sa paglalayag na nag-uugnay sa mga pamayanang malapit sa ilog at pampang. Namuhay silang payapa at sagana sa mahabang panahon Kabihasnang Ehipto Napakalaki ng papel na ginampanan ng mga paraon (pharaoh) sa sinaunang Ehipto. Itinuturing silang diyos ng kanyang mga nasasakupan. Para sa mga paraon, sila ang tagapagtanggol at kontrolado nila ang pamumuhay ng mga tao. Kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagpapatupad ng batas at pagtiyak sa kaayusan ng pamayanan. Ayon sa mga historyador, ang kasaysayan ng Ehipto ay nahahati sa iba’t ibang panahon. Ito ay makikita sa talahanayan na nasa ibaba. Bago ang Panahon ng mga Dinastiya (Bago ang 3100 BCE) Namuhay ang mga sinaunang Ehipto sa pamayanang malapit sa lambak-ilog Nile Naglinang ng sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics. Panahon ng mga Unang Dinastiya (Una at Ikalawang Dinastiya 3100-2670 BCE) Sa panahong ito, pinamunuan ni Paraon Menes ang pag-iisa ng dalawang kaharian ng Upper Egypt at Lower Egypt. Panahon ng mga Unang Dinastiya (Una at Ikalawang Dinastiya 3100-2670 BCE) Sa panahong ito, pinamunuan ni Paraon Menes ang pag-iisa ng dalawang kaharian ng Upper Egypt at Lower Egypt. Panahon ng mga Unang Dinastiya (Una at Ikalawang Dinastiya 3100-2670 BCE) Sa panahong ito, pinamunuan ni Paraon Menes ang pag-iisa ng dalawang kaharian ng Upper Egypt at Lower Egypt. Panahon ng mga Unang Dinastiya (Una at Ikalawang Dinastiya 3100-2670 BCE) Panahon ng Ikatlo at Ikaanim na Dinastiya Sa panahong ito, naitayo ang mga kahanga-hangang estraktura ng piramide ng Ehipto. Dinastiya Ang mga piramideng ito gaya ng Great Pyramid ni Khufu sa Giza ay nagsilbing libingan ng mga paraon Unang Intermedyang Panahon (Ika-7 hanggang Ika11 Dinastiya) 2150-2040 BCE) Sa pagsapit ng 2160 BCE tinangka ng ng paraon ang pagbukluring muli ang Lower Egypt at Upper Egypt. Dulot nito nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya. Gitnang Panahon (Ika-12 at Ika-13 Dinastiya 2040-1650 BCE) Nagsagawa sila ng mga ekspedisyon upang makatuklas ng mga mahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Gitnang Panahon (Ika-12 at Ika-13 Dinastiya 2040-1650 BCE) Nagsagawa sila ng mga ekspedisyon upang makatuklas ng mga mahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Napalawak nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang hukbong sandatahan at paggamit ng chariot Gitnang Panahon (Ika-12 at Ika-13 Dinastiya 2040-1650 BCE) Nagsagawa sila ng mga ekspedisyon upang makatuklas ng mga mahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Napalawak nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang hukbong sandatahan at paggamit ng chariot Gitnang Panahon (Ika-12 at Ika-13 Dinastiya 2040-1650 BCE) Pinalawig nila ang kanilang kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi at pinatalsik ang mga Hyksos “prinsipe ng dayuhang lupain”. Ikalawang Intermedyang Panahon (ika-14 hanggang ika-17 Dinastiya 1650- 1550 BCE) Sa panahon ng Ika-15 Dinastiya nangibabaw ang isang bahagi ng Nile Delta. Nawalan ng kapanatagan at katatagan ang pamamahala sa dinastiya. Ang mga Great Hyksos ng ika-15 Dinastiya Sa ika-17 Dinastiya napatalsik ang mga Hyksos sa Ehipto. Bagong Kaharian (Ika-16 hanggang ika-20 Dinastiya 1550-1070 BCE) Ito ang itinuturing na pinakadakilang panahon ng Kabihasnang Ehipto Sa pamumuno ni Paraon Amenophis IV o Akhenaton, nabago ang paniniwala ng mga taga-Ehipto hinggil sa polythiesmo o pagsamba sa maraming diyos. Ikatlong Intermedyang Panahon (Ika-21 hanggang ika-25 Dinastiya 1070-664 BCE) Pinamunuan ang dinastiyang ito ng mga hari mula sa Libya at naitatag ang ika-22 Dinastiya sa pamumuno ni Shoshenq I. Maraming pangkat ang nagtunggali na nais mapasakamay ang kapangyarihan hanggang sa humantong ng pagkakabuo ng ika- 23 na Dinastiya. Pinamunuan ni Piye ang ika-24 na Dinastiya. Huling Panahon (Ika -26 hanggang Ika-31 Dinastiya 664-330 BCE) Pinamunuan ang dinastiyang ito ng mga hari mula sa Libya at naitatag ang ika-22 Dinastiya sa pamumuno ni Shoshenq I. Napasakamay ng mga Persian ang Ehipto sa pamumuno ni Cambysses II ang naging unang hari ng ika-27 Dinastiya. Noong 332 BCE sinakop ni Alexander the Great ang Ehipto. Huling Panahon (Ika -26 hanggang Ika-31 Dinastiya 664-330 BCE) Pinamunuan ang dinastiyang ito ng mga hari mula sa Libya at naitatag ang ika-22 Dinastiya sa pamumuno ni Shoshenq I. Maraming pangkat ang nagtunggali na nais mapasakamay ang kapangyarihan hanggang sa humantong ng pagkakabuo ng ika- 23 na Dinastiya. Pinamunuan ni Piye ang ika-24 na Dinastiya. Huling Panahon (Ika -26 hanggang Ika-31 Dinastiya 664-330 BCE) Noong 323 BCE namatay si Alexander the Great at pumalit sa kanya ang kanyang kaibigang si Ptolemy. Thank You for listening!