KAHULUGAN NG WIKA AYON SA MGA DALUBWIKA PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan ng wika ayon sa mga dalubwika at mga teorya sa pinagmulan nito. Sinusuri rin ang iba't ibang katangian ng wika at ang iba't ibang barayti nito. Isang masusing pag-aaral ito para sa mga gustong malaman ang tungkol sa linggwistika.
Full Transcript
**KAHULUGAN NG WIKA AYON SA MGA DALUBWIKA** - **LINGUA-** nagmula sa latin na nangangahulugang **"DILA" at "WIKA"** - **ARCHIBALD A. HILL-** Ayon sa kanya ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. - **HENRY GLEASON-** Ayon sa kanya ang wika ay **ma...
**KAHULUGAN NG WIKA AYON SA MGA DALUBWIKA** - **LINGUA-** nagmula sa latin na nangangahulugang **"DILA" at "WIKA"** - **ARCHIBALD A. HILL-** Ayon sa kanya ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. - **HENRY GLEASON-** Ayon sa kanya ang wika ay **masistemang balangkas** dahil ito ay may sinusunod na ayos o estruktura. - **CHARLES DARWIN-** Ayon sa kanya ang wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. - **PLATO-** Ayon sa kanya, ang wika ay nalikha dahil sa pangangailangan ng tao na magpahayag ng kanyang mga naiisip at nararamdaman. Naniniwala siya na ang wika ay bunga ng pangangailangan sa pakikipagkomunikasyon. **KATANGIAN NG WIKA** - **ARTIKULADOR-** tumutukoy sa mga bahagi ng katawan (bibig, dila, labi) na nagbabago ng tunog upang makabuo ng iba\'t ibang tunog o salita. - **RESNODARO-** Ang resonador ay may kinalaman sa mga bahagi ng katawan (katulad ng dibdib at bibig) na nagbibigay ng resonance o lakas ng tunog mula sa vocal cords. - **ARBITRARYO-** Ibig sabihin, ang kahulugan ng salita ay napagkasunduan lamang ng mga tao sa isang lipunan. Halimbawa, walang likas na dahilan kung bakit ang \"aso\" ay tumutukoy sa isang hayop, ngunit ito\'y ginagamit sa ganoong paraan dahil napagkasunduan ito. - **DINAMIKO-** Ang wika ay nagbabago at nag-i-evolve sa paglipas ng panahon. Bagaman mayroong mga tuntunin, hindi ito palaging matibay at static. Nakikibagay ang wika sa mga pagbabago sa kultura, teknolohiya, at pangangailangan ng mga tao. - **SISTEMATIKO-** Ang wika ay may tiyak na istruktura at sistema. May mga gramatikal na tuntunin na sinusunod upang maging maayos ang pagbuo ng mga salita, parirala, at pangungusap. **TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA** - **TA-TA-** Ipinapalagay ng teoryang ito na ang wika ay nagsimula mula sa mga galaw ng katawan o pagkilos ng kamay na sinasabayan ng tunog, na kalaunan ay naging mga salita. **Hal.** A. Ang paggalaw ng kamay bilang pagpaalam ay maaaring nag-evolve upang maging salitang \"paalam\" o \"goodbye.\" B. Ang pagtaas ng kilay bilang pagbati ay maaaring naging salitang \"kumusta\" o \"hello.\" - **TA-RA-RA-BOOM-DE-AY-** Ang teoryang ito ay nagsasabing ang wika ay nagmula sa mga ritwal, sayaw, at musika **Hal.** A. Mga sayaw at awit sa panahon ng anihan, na ginagamit bilang pagsamba o pasasalamat sa mga diyos ng kalikasan. B. Ritwal ng mga sinaunang tao na may kasamang chanting o mga paulit-ulit na tunog upang patahimikin ang mga diyos o Espiritu. - **BOW-WOW-** nagmula sa panggagaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan o hayop. **Hal.** A. Meow meow (Tunog ng pusa) B. Tweet tweet (Tunog ng ibon) - **POOH-POOH-** ang wika ay nagsimula mula sa mga hindi sinasadyang tunog na nalikha dahil sa matinding emosyon, tulad ng takot, galit, o tuwa. Ang mga tunog na ito, tulad ng pag-iyak o pag-sigaw, ay naging mga unang salita. **Hal.** A. Aaaaaaaaaaaaaaah!!! (Tunog ng pagkagulat) B. HAHHAHAHAHAHA (Tunog ng katuawaan) **Barayti ng Wika** - **Sosyolek**- ginagamit ng isang partikular na grupo ng tao batay sa kanilang antas ng pamumuhay, interes, o propesyon. Kadalasang nakabase ito sa estado sa lipunan o grupong kinabibilangan. **HAL.** A. **Bekimon/Gaylingo-** Wika ng LGBTQ+ community na nagtatampok ng mga kakaibang salita tulad ng \"charot\" (joke) o \"borta\" (malaki o maskulado). **B. Coño-** Karaniwang ginagamit ng mga kabataan o mga nasa alta-sosyedad na madalas maghalo ng Filipino at Ingles, tulad ng \"Like, let's go na to the mall." **C. Jargon -** Uri ng wika o terminolohiya na ginagamit ng isang partikular na grupo ng mga tao na may espesyal na kaalaman o propesyonal na kasanayan. - **Dayalek** - isang barayti ng wika na ginagamit sa isang partikular na rehiyon o lugar. **HAL.** A. **Cebuano**: \"Unsay imong ngalan?\" (Ano ang pangalan mo?). B. **Ilokano**: \"Kayat ko sika\" (Gusto kita) - **Ekolek**- wika na karaniwang ginagamit sa loob ng tahanan o pamilya. Madalas itong di-pormal at nauugnay sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya. **HAL**. A. **\"Palikuran\"** (toilet), ginagamit na pormal na termino sa loob ng bahay B. \"**Nene\" o \"Totoy\":** Tinatakdang tawag para sa mga bata sa pamilya. - **Idyolek-** natatanging paraan ng pagsasalita ng isang indibidwal. Karaniwan itong nagiging tatak o pagkakakilanlan ng isang tao dahil sa kanyang unique na istilo ng wika. **HAL.** A. **Kris Aquino:** Kadalasang gumagamit ng \"love, love, love\" sa kanyang mga pahayag. B. **Mike Enriquez:** \"Hindi kita tatantanan!\" -- isang sikat na linya sa kanyang mga balita. - **Pidgin-** Isang barayti ng wika na nabubuo kapag ang dalawang tao o grupo na magkaiba ang wika ay kinakailangang magkaintindihan. Kadalasan, ito\'y walang pormal na gramatika o istruktura, at ginagamit lamang para sa limitadong layunin. HaL. A. \"Ako gusto bili\" (Gusto kong bumili). B. **"**You go store, me wait here\": **Gamit ng Wika sa Lipunan** - **Heuristiko-** gamit ng wika upang magtanong, mag-imbestiga, o humanap ng impormasyon. Karaniwang ginagamit ito sa pagsasaliksik, pagtatanong, o pag-aaral. Halimbawa: A. isang estudyante ang nagtatanong: "Bakit bumababa ang temperatura tuwing taglamig?" B. Pag-interview o paghingi ng detalye mula sa isang resource person sa isang panayam. - **Impormatibo -** gamit ng wika upang magbigay ng impormasyon o datos. Ginagamit ito upang magpaliwanag, mag-ulat, o magturo ng kaalaman. - **Interaksyunal -** gamit ng wika upang makabuo at mapanatili ang ugnayan o pakikipagkapwa-tao. Halimbawa: A. Pagsasabi ng "Kumusta?" sa isang kaibigan bilang pagbati. B. Pagdalo sa isang party at pakikipag-usap sa mga kaibigan para mapanatili ang koneksyon**.** - **Personal-** gamit ng wika upang maipahayag ang sariling damdamin, opinyon, o saloobin Halimbawa: A. Sa tingin ko, mas epektibo ang online learning dahil mas flexible ito para sa mga estudyante. B. Para sa akin, mas maganda ang traditional na libro kaysa sa e-book dahil mas madali itong basahin at hindi nakakasakit sa mata - **Regulatori-** Ang wika upang magbigay ng mga utos o panuto, o kontrolin ang kilos o asal ng iba. Ginagamit ito upang pamahalaan ang mga gawain at ugnayan sa lipunan. HALIMBAWA: A. "Huwag magtapon ng basura sa ilog. Multa ang ipapataw sa mga mahuhuli" B. "Bawal Pumarada Dito." - **Instrumental-** Ang wika ay ginagamit para makakuha ng tao ang kanyang mga pangangailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo. - **Imahinatibo-** tumutukoy sa paggamit ng wika upang lumikha ng mga imahinasyon, ideya, at emosyon. HALIMBAWA: A. Paglikha ng mga Istorya: Ginagamit ang wika upang magkuwento ng mga alamat, pabula, o mga kwentong pantasya. B. Ang paggamit ng wika sa mga tula ay madalas na puno ng simbolismo, metapora, at iba pang mga stylistic na elemento na nagbibigay ng artistic na pahayag. **Wikang Panturo -** Wikang ginagamit sa pagtuturo Filipino, Ingles at (Mother Tongue **- Kinder - Grade 3)** **Wikang Pambansa-** Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas (Filipino) **Wikang Opisyal-** wika na itinatadhana ng batas upang gamitin sa opisyal na komunikasyon ng pamahalaan alinmang sangay o ahensya ng gobyerno (Filipino at Ingles) **Unang Wika-** Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. (**MOTHER TONGUE)** **Ikalawang Wika**- Isang opisyal na wika o wikang namamayani sa Lipunan at panibagong wikang natutunan. (**FILIPINO**- Rehiyon sa buong Pilipinas) (**ENGLISH-** Global) **Homogeneous-** isang wika na may uniform na estruktura at gramatikal na mga patakaran sa loob ng isang komunidad o grupo. **Heterogeneous-** Ito ay mula sa salitang "heterous na nangangahulugan na magkaiba o "genos" naman ay uri o lahi. **TANDAAN:** A. Ang patakarang **bilingguwalismo** ay paggamit ng dalawang wika (Pilipino at Ingles) nang magkahiwalay sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. B. Ang **multilingguwalismo** ay tumutukoy sa paggamit ng higit sa isang wika, kabilang ang Filipino, mother tongue, at Ingles, sa pagtuturo at pakikipagtalastasan. C. Tenor- tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng mga taong kasangkot sa pag-uusap at ang sitwasyon o konteksto ng pag-uusap. Sa halimbawa, ang nagsasalita ay inaangkop ang kanyang wika sa isang sitwasyon. D. Ang **Chavacano** ay isang wikang nagsimula bilang pidgin (isang simpleng anyo ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao na may magkaibang wika) at kalaunan ay naging **creole** (isang ganap na wika na ginagamit ng isang komunidad sa pang-araw-araw na buhay). Ito ay may malakas na impluwensya ng wikang Kastila at sinasalita sa mga lugar tulad ng Zamboanga, Cavite, at ilang bahagi ng Mindanao.