Kasaysayan ng Asuwang in Capiz (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Prof. Randy R. Gigawin
Tags
Summary
Ang papel na ito ay naglalahad ng kasaysayan ng konsepto ng Asuwang sa lalawigan ng Capiz, partikular na sa panahong bago dumating ang mga Europeo. Tinalakay ang mga paniniwala sa mga kwentong bayan at ang interpretasyon ng mga Espanyol sa kultura ng Babaylan. Sa huli, inilahad ang pagsusuri sa salitang "asuwang" bilang insulto ng mga mananakop.
Full Transcript
At sa ating pagbabalik sa kasaysayan, alamin naman natin ang kasaysayan ng konsepto ng asuwang. Narito ang kwento ng aming kasama si Shau Chua sa Shau Time. Ako ay Pilipino. Makasaysayang araw po! It\'s Shau Time! Noong isang linggo ay nagtungo ako sa Roja City sa Capiz para magsalita sa Unang Bori...
At sa ating pagbabalik sa kasaysayan, alamin naman natin ang kasaysayan ng konsepto ng asuwang. Narito ang kwento ng aming kasama si Shau Chua sa Shau Time. Ako ay Pilipino. Makasaysayang araw po! It\'s Shau Time! Noong isang linggo ay nagtungo ako sa Roja City sa Capiz para magsalita sa Unang Boris Youth Leadership Institute Social Science Camp. Nang sabihin ko sa isang mahal sa buhay na nagmula ako sa Capiz, tinanong ba naman sa akin, nakakita ka ba ng asuwang? Asuwang sa Capiz? Hindi na naalis sa Capiz noon ang stigma na sila ay bayan ng mga asuwang, therefore, bayan ng mga delikadong tao. Ano ba ang ugat ng konsepto ng asuwang? Sa pamamagitan ng pagbabasa na mga kwentong bayan at tala ng mga Espanyol, ipinakita ni Prof. Randy R. Gigawin sa kanyang papel na Debunking the Myth of Aswang in Capiz. Ito ay bilang tugon sa hamon ng pagtuturo ng lokal na kasaysayan ng Capiz sa Araling Panlipunan sa Grade 7 sa ating K-12 kung saan kabilang ang aswang. Bago pa man dumating mga Espanyol, mayroon ng mga kwentong bayan sa Capiz na binabanggit ang aswang. Ang isa ay binabanggit na may mga naghari sa Isla ng Panay na nakakahango pa lamang noon mula sa dakilang baha. Sinaagurang ang mabuting kaluluwa na nakagagaling at aswang ang masamang kaluluwa na maaaring makasama o makamatay. Ang pangalawa naman ay sa Humadapnon kung saan nabinanggit na isang aswang si Paglambuhan, isang matapang, kagalang-galang at batikang mandirigma o hangaway na iniipon ang mga buto ng mga taong natalo niya sa isang manumanong labanan at kinilalang dato ng lipunan. Kung titignan ng aswang ay ikinakabit sa kahit na sinong kinatatakutan o iniiwasan ng bayan. Sa definisyon sa mga diksyonaryong isinulat ng mga priling Espanyol, ang aswang naman ay ito, Echicero, Brujo y Fantasma na ang kahulugan ay Sorcerer Ghost. Mula sa mga pagbasang ito, makikita na ang pinapatungkulan ng mga Espanyol na mga aswang ay yung mga Babaylan, ang mga dating espiritual na pinuno ng bayan na dahil nais nilang palitan ay siniraan nila upang tawaging May sa Demonyo. Malakas kasi ang Babaylanismo sa Panay at magtutungo sila at kang kanilang mga tagasunod sa kabundukan upang umiwas sa Katolisismo at Kolonyalismo. Kaya naman, ang mga tagabundok ay tatawaging mga masasamang tao. Kaya gumawa na ng iba\'t ibang kwento ang mga priling na katulad ni Juan de Plasencia na nagsasabing, ang mga aswang ay nakikitang lumilipad, pumapatay ng mga tao at kinakain ang kanilang mga laman. Kay Ortiz, ang aswang ay lumilipad sa bubong ng bahay, nilalabas ang dila na parang sinulib at pinapasok sa puyta ng bata upang kainin ang mga lamang loob nito. Binabanggit din ng mga priling na nagiging aso ito, minsan pusa o ipis upang makalapit sa bata. Kinakain din daw nila ang mga may sakit at ang mga patay. Sa huli, ayon kay Alicia Magos, eksperto sa kasaysayan ng Panay, dalawang Babaylan sa Panay ang siyang tumutol na sumailalim sa mga Espanyol, sinakunitnit at kawayway. At dahil sa patuloy na pagpapraktis nila ng katotobong paniniwala, ibinigay sa kanila ng mga Espanyol ang pinakamalaking insulto sa mga Panayanhon, ang katawagang aswang. Muli, paninimang puri ng mga Espanyol ang salitang aswang sa mga ninuno nating Babaylan, di sila masasamang tao. Ako po si Shau Chua, pastelebisyon ng Bayan.