Gabayan sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto para sa Pananaliksik (Baitang 11, Yunit 7)-PDF

Summary

Ang dokumento ay isang gabay sa pag-aaral para sa tekstong prosidyural sa Baitang 11. May mga aralin tungkol sa kahulugan, katangian, at mga bahagi ng tekstong prosidyural. May mga halimbawa ng tekstong prosidyural, at mga gawain na naglalayong pag-aralan ang mga mahahalagang elemento ng isang tekstong prosidyural.

Full Transcript

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK BAITANG 11, YUNIT 7 Tekstong Prosidyural TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Ara...

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK BAITANG 11, YUNIT 7 Tekstong Prosidyural TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Kasanayan sa Pagtatala Bilang Salalayan ng Pananaliksik 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Pag-aralan Natin 6 Alamin Natin 6 Sagutin Natin 12 Pag-isipan Natin 12 Gawin Natin 12 Aralin 2: Kahulugan at Bahagi ng Konseptong Papel 14 Layunin Natin 14 Subukan Natin 15 Alamin Natin 16 Pag-aralan Natin 16 Sagutin Natin 18 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19 Aralin 3: Pagbuo ng Rasyunal at Pagsulat ng Mga Layunin 21 Layunin Natin 21 Subukan Natin 22 Alamin Natin 23 Pag-aralan Natin 23 Sagutin Natin 28 Pag-isipan Natin 28 Gawin Natin 28 1 Aralin 4: Ang Pamaraan ng Pananaliksik at ang Inaasahang Bunga Nito 30 Layunin Natin 30 Subukan Natin 31 Pag-aralan Natin 32 Alamin Natin 32 Sagutin Natin 37 Pag-isipan Natin 37 Gawin Natin 37 Pagyamanin Natin 39 Paglalagom 42 Dapat Tandaan 42 Gabay sa Pagwawasto 43 Sanggunian 44 2 Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman BAITANG 11 | PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK YUNIT 7 Tekstong Prosidyural May iba’t ibang uri ng teksto batay sa layunin at gamit. May tekstong nais magbigay ng impormasyon, maglarawan, manghikayat, magsalaysay, o makipagtalastasan. Mayroon din namang teksto na nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong gabay sa isang gawain. Ito ay ang tekstong prosidyural. Mahilig ka bang magluto? Ano ang paborito mong lutuin? Nasubukan na ba ninyong magluto ng isang putahe mula sa isang cookbook? Madali bang nasusundan ang mga hakbang dito? Naging masarap ba ang inyong niluto dahil sinundan ninyo ang mga hakbang? Paano ito nakatulong para mailuto ninyo nang madali at masarap ang putahe? Bakit mahalaga ang isang maayos na paglalahad ng proseso o pamamaraan ng isang gawain? Saklaw ng yunit na ito ang pagtalakay ng katangian at kalikasan ng teksto, pagtukoy sa paksa ng teksto, kahulugan at katangian ng mga salita sa teksto, at paggamit ng mga cohesive device. 3 Aralin 1 Katangian at Kalikasan ng Teksto Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang kahulugan, katangian, kalikasan, at mga bahagi ng tekstong prosidyural. Basahin natin ang sumusunod na halimbawa ng tekstong prosidyural: Pagluto ng Adobong Pula Mga Sangkap: 2 kilo ng karneng manok 1 ulo ng bawang ¼ tasang atsuwete 2 dahon ng laurel 2 kutsarang mantika 2-3 kutsarang patis ½ tasang suka paminta 1 tasang toyo asin Mga Hakbang: Una, ibabad ang manok sa suka, toyo, asin, at paminta sa loob ng 20 minuto. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Itabi ang mantikang ginamit. Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Pakuluin hanggang lumambot ito. Habang kumukulo, isama ang dahon ng laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang may atsuwete. Bahagyang haluin hanggang sa mamula ang karne ng manok. Ilagay sa plato ang nalutong adobong pula at lagyan ng bawang para maging kaaya-aya ang presentasyon ng putahe. Batay sa lunsarang teksto, ano ang tekstong prosidyural? Ano ang mga katangian at kalikasan nito? Ano ang mga bahagi nito? 4 Subukan Natin Ibigay ang unang tatlong hakbang sa pagluluto ng adobong pula. Pagluto ng Adobong Pula Unang hakbang Ikalawang hakbang Ikatlong hakbang 5 Pag-aralan Natin Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng Alamin Natin proseso o pamamaraan upang maisagawa, matapos, o makamit ang isang inaasahang bagay, Tandaan at gawing gabay ang gawain, o pangyayari. Ang bagay o pangyayaring kahulugan ng sumusunod na ito ang itinuturing na kalalabasan ng proseso. salita: proseso – paraan klarado – malinaw espesipiko – tiyak maligoy – magulo; paulit- ulit isalang – ilagay ang niluluto sa paglulutuan Ito ay nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong gabay sa isang gawain. Halimbawa, para makapagluto ng masarap na adobo, may wastong proseso o paraan na dapat sundin. Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural May iba’t ibang uri ng tekstong prosidyural batay sa inaasahang kalalabasan ng gawain. Narito ang ilan: Halimbawa Katangian Recipe Nagipapaliwanag ng mga hakbang sa pagluluto o paghahanda ng pagkain User manual o guide Nagsasaad ng pagbuo o pag-assemble ng isang gamit Tour itinerary Nagbibigay ng direksiyon papunta sa isang lugar Instruction Nagbibigay ng panuto sa paglikha ng isang e-mail o social media account 6 Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural May apat na bahagi ang isang tekstong prosidyural: 1. Pamagat 2. Mga sangkap o kagamitan 3. Sunod-sunod na hakbang sa paggawa 4. Kongklusyon o inaasahang kalalabasan Tukuyin natin ang mga bahagi ng tekstong prosidyural mula sa ating recipe. Pamagat Ang pamagat ay ang kalalabasan ng proseso. Sinasagot nito ang tanong na “Ano ba ang nais nating magawa o mabuo?” Sa ating teksto, nais nating magluto ng adobong pula. Pamagat Pagluto ng Adobong Pula 7 Mga Sangkap o Kagamitan Ang mga sangkap o kagamitan ay listahan ng mga kakailanganin para sa gagawing proseso. Nakatutulong ito para maihanda ang lahat ng sangkap bago pa simulan ang gawain. Sa ating lunsaran, narito ang mga kailangan sa pagluluto ng adobo. Mga Sangkap: 2 kilo ng karneng manok ¼ tasang atsuwete 2 kutsarang mantika ½ tasang suka 1 tasang toyo 1 ulo ng bawang 2 dahon ng laurel 2-3 kutsarang patis paminta asin Sunod-sunod na Hakbang sa Paggawa Ano ang mga hakbang sa paggawa? Ito ang sunod-sunod na hakbang na kailangang sundin upang makamit ang inaasahang kalalabasan ng proseso. Mahalaga na klarado at tama ang pagkakasunod-sunod nito. Sa ating halimbawa, sinimulan ang hakbang sa pagbababad ng mga sangkap hanggang maluto na ang adobong pula. Mga Hakbang: Una, ibabad ang manok sa suka, toyo, asin, at paminta sa loob ng 20 minuto. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Itabi ang mantikang ginamit. Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Pakuluin hanggang lumambot ito. Habang kumukulo, isama ang dahon ng laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang may atsuwete. Bahagyang haluin hanggang sa mamula ang karne ng manok. 8 Kongklusyon o Inaasahang Kalalabasan Ano naman ang kongklusyon? Ito ay ang inaasahang kalalabasan ng ginawang proseso. Ang paglalahad kung paano ihahain ang nilutong adobong pula ay ang malinaw na halimbawa ng kongklusyon. Ilagay sa plato ang nalutong adobong pula at lagyan ng bawang para maging kaaya-aya ang presentasyon ng putahe. Balikan natin ang mga bahagi ng ating tekstong prosidyural. Mayroon itong pamagat, mga sangkap, mga hakbang, at kongklusyon. 9 Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural Upang matulungan ang mambabasa na makamit ang inaasahang kalalabasan ng proseso, dapat na: Simple ang mga salitang gagamitin para madaling maunawaan at masundan ng mga mambabasa. Masinsin at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang. Espesipiko ang mga direksiyon at paglalarawan ng mga sangkap at hakbang. Hindi maligoy ang mga salita. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin sa bawat hakbang. Simple ba ang mga salitang ginamit ng teksto? Kung madali mo itong naintindihan at natukoy ang mga kailangang sangkap at mga hakbang na susundan, masasabing simple ang mga salitang ginamit rito. Pansinin din ang paggamit ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang: una habang pagkatapos kapag Kung gayon, masinsin ang teksto. Masasabi ring espisipiko ang pagkakalahad ng teksto. Tiyak ang mga gagawing hakbang tulad ng: ibabad, gisahin, isalang, pakuluin, at haluin. Dahil dito, masasabi ring hindi maligoy at direkta ang paglalahad sa teksto. 10 Palagi nating tandaan ang mahahalagang kaalaman tungkol sa tekstong prosidyural: Naglalahad ito ng proseso o pamamaraan upang maisagawa, matapos, o makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari. Nakatutulong ito para maisagawa natin nang wasto ang pang-araw-araw nating gawain. Halimbawa nito ang mga tekstong naglalahad ng mga hakbang tulad ng user manual ng bago ninyong cellphone. Kung susulat ng isang tekstong prosidyural, tandaan na gawin itong simple, malinaw, tiyak, at madaling maintindhan. Kahulugan Tekstong Prosidyural Halimbawa Bahagi Katangian Kailangang maayos na ilahad ang mga hakbang o paraan sa paggawa ng isang bagay o gawain. Mahalaga ito upang maisagawa ito nang maayos at wasto, at makamit ang inaasahang resulta o kalalabasan. Halimbawa, makapagluluto tayo ng masarap na adobong pula dahil nauunawaan, nasusundan, at naisasagawa natin nang maayos at wasto ang inilahad na mga hakbang dito. 11 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang tekstong prosidyural? 2. Bakit mahalaga ang isang maayos na paglalahad ng proseso o pamamaraan sa isang gawain? 3. Paano masasabing epektibo o makabuluhan ang pagkakasulat ng isang tekstong prosidyural? Pag-isipan Natin Paano mo ilalapat o iuugnay ang konsepto ng kalikasan, katangian, mga bahagi, at paraan ng pagsulat ng tekstong prosidyural sa sarili, sa pamilya, sa paaralan, at sa bansa? Gawin Natin Sumulat ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod: Recipe User manual o guide Tour itinerary Instruction Malayang makapipili ng tiyak na paksa o pamagat. Ipasa ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon. 12 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Nilalaman Wala o may Sinikap na Mahusay ang Napakahusay ng kaunting makasulat ng pagkakabuo ng pagkakasulat ng pagsisikap na magandang teksto; bagaman teksto; tama ang makagawa ng teksto, subalit may ilang mali sa pagkakasulat ng tamang teksto; mali ang mga bahagi at teksto gamit ang napakalabo ng pagkakalahad ng katangian, mga bahagi at pagkakasulat ng alinman sa mga masasabing halos katangian; tiyak teksto dahil bahagi o tama ang na tiyak na natuto walang sapat na katangian; pagkakasulat; sa aralin kaalaman sa mga kailangan pang natuto sa aralin bahagi at matuto sa aralin katangian; tila at magsanay para walang natutunan sa tamang pag- sa aralin unawa Kaayusan at Walang kaayusan Kailangang Maayos at malinis Napakaayos at Kalinisan at napakadumi ng matutong maging ang output; may napakalinis ng output; maayos at ilang nakitang ipinasang output; napakaraming malinis sa bura, dumi, o walang nakitang nakitang bura, paggawa; pagkakamali bura, dumi, o dumi, o maraming pagkakamali pagkakamali nakitang bura, dumi, o pagkakamali Kasanayan Matatamo ang Kung May sapat na May at kasanayan at magsasanay, may kasanayan at katangi-tanging Kahusayan kahusayan sa potensiyal na kahusayan sa kasanayan at pagsulat kung maging bihasa at pagsulat likas na magiging mahusay sa kahusayan sa seryoso pagsulat pagsulat Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Paggawa output sa loob ng output sa loob ng output sa output bago pa ilang panahon ilang panahon itinakdang ang itinakdang matapos ang matapos ang panahon ng panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 13 Aralin 2 Pagtukoy sa Paksa ng Teksto Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang paksa, pangunahing ideya, at ang sumusuportang mga ideya ng isang tekstong prosidyural. Natutunan natin mula sa unang aralin ng yunit na ito ang mga batayang kaalaman tungkol sa tekstong prosidyural. Naglalahad ito ng proseso upang makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari. Nakatutulong ito para maisagawa natin nang wasto ang pang-araw-araw nating gawain. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, tandaan na gawin itong simple, malinaw, tiyak, at madaling maintindhan. Sa araling ito naman ay tatalakayin natin kung paano matutukoy ang paksa at mahahalagang kaisipan o ideya ng isang tekstong prosidyural. Bawat teksto ay may paksa at nakapaloob na mga ideya. Kasabay nito, aalamin din natin kung ano ang kahalagahan ng paksa at mga ideya sa epektibong pagkaunawa sa binasang teksto. Paano matutukoy ang paksa ng isang tekstong prosidyural? Bakit mahalagang matukoy ang paksa at mga ideya ng isang tekstong prosidyural? 14 Subukan Natin Tunghayang muli ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang apat na bahagi ng teksto? 2. Patunayan na ang tekstong ito ay: simple masinsin tiyak madaling maintindhan 15 Pag-aralan Natin Basahin nating muli ang halimbawang teksto sa Alamin Natin sinundang pahina. Sa pagkakataong ito ay Tandaan at gawing gabay ang tutukuyin naman natin ang paksa, pangunahing kahulugan ng sumusunod na ideya, at sumusuportang mga ideya ng teksto. salita: kalalabasan –resulta Pero, bago ito ay unawain muna natin ang kaluluwa – diwa kahulugan ng paksa, pangunahing ideya, at sumusuportang mga ideya sa konsteksto ng tekstong prosidyural. Kahulugan ng Mahahalagang Tampok na Konsepto Makatutulong ang paggamit ng graphic organizer para mabilis nating makita ang ugnayan ng tatlong konsepto. Paksa Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa teksto. Sa tekstong prosidyural, ito ang inaasahang kalalabasan ng proseso. Matutukoy ito mula sa pamagat ng teksto. Ito ay mahalagang bahagi ng tekstong prosidyural dahil nagsisilbi itong gabay upang matukoy kung ano ang kalalabasan ng proseso o gawain. Pangunahing Ideya Ang pangunahing ideya ay ang prosesong gagawin para makamit ang paksa o resulta. Karaniwan itong makikita sa pamagat ng tekstong prosidyural. Sumusuportang Ideya Ang sumusuportang mga ideya naman ng tekstong prosidyural ay ang mga hakbang na naglalahad kung paano isasagawa ang proseso para makamit ang inaasahang resulta. 16 Pansinin na magkakaugnay ang tatlong konsepto sa isang tekstong prosidyural. Mahalaga ang bawat isa para maunawaan at maisagawa nang tama ang isang proseso o gawain. Ang mga hakbang (sumusuportang mga ideya) ay kailangan para maisagawa ang nais na proseso o paraan (pangunahing ideya) upang makamit naman ang inaasahang kalalabasan o resulta (paksa). Pagtukoy ng Paksa, Pangunahing Ideya, at Sumusuportang Ideya Muli, balikan natin ang lunsarang teksto, ang “Pagluto ng Adobong Pula.” Tukuyin natin ang sumusunod na konsepto: Konsepto Sagot, Paliwanag, at Patunay Paksa Ang paksa nito ay ang “adobong pula.” Ito ang inaasahang kalalabasan ng proseso. Matutukoy ito mula sa pamagat ng teksto. Tingnan ang pulang mga salita. 17 Pangunahing Ang pangunahing ideya ay ang “pagluluto” nito. Ideya Ang pangunahing ideya ay ang prosesong gagawin para makamit ang paksa o resulta. Karaniwan itong makikita sa pamagat ng tekstong prosidyural. Tingnan ang asul na salita. Sumusuportang Ang mga hakbang sa pagluluto ng adobong pula ang Ideya sumusuportang mga ideya. Ang sumusuportang mga ideya ng tekstong prosidyural ay ang mga hakbang na naglalahad kung paano isasagawa ang proseso para makamit ang inaasahang resulta. Tingnan ang berdeng teksto. Ang paksa, pangunahing ideya, at mga sumusuportang ideya ng tekstong prosidyural ay mahalaga para maisagawa nang maayos ang isang proseso para makamit ang inaasahang kalalabasan o resulta. Ang paksa at pangunahing ideya ng tekstong prosidyural ay nasa pamagat nito. Ang mga hakbang sa paggawa naman ang sumusuportang mga ideya. Tandaan natin na ang paksa at kaugnay na mga ideya ng isang tekstong prosidyural ay ang kaluluwa ng teksto. Ito ang nagtataglay ng kabuluhan nito. Kung marunong tayong tukuyin ang mga ito, higit nating mauunawaan ang mensahe ng teksto at ang inaasahang mangyayari mula sa pagsasagawa nito. Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang paksa sa isang tekstong prosidyural? Paano ito matutukoy? 2. Magkakaugnay ba ang paksa at ang mahahalagang ideya sa tekstong prosidyural? Patunayan. 3. Bakit mahalagang matukoy ang paksa at mga ideya ng isang tekstong prosidyural? 18 Pag-isipan Natin Ang mga hakbang (sumusuportang mga ideya) ay kailangan para maisagawa ang nais na proseso o paraan (pangunahing ideya) upang makamit ang inaasahang kalalabasan o resulta (paksa). Ano ang praktikal na aplikasyon ng konsepto o pangungusap na ito sa buhay mo? Gawin Natin 1. Nakasulat na kayo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod: Recipe User manual o guide Tour itinerary Instruction 2. Mula sa isinulat na teksto, tukuyin ang sumusunod: Paksa Pangunahing ideya Sumusuportang mga ideya Ipakita ito sa pamamagitan ng malikhaing grapikong pantulong at mga katulad nito. Ipasa ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon. Gamitin ang sumusunod na rubrik sa kasunod na pahina bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Nilalaman Hindi natukoy Natukoy nang Natukoy nang Natukoy nang nang tama ang tama ang paksa, tama ang paksa, tama ang paksa paksa at mga ngunit marami ngunit may isa o at mga ideya sa ideya sa teksto; sa ideya sa dalawang teksto; napakagulo teksto ang hindi kaisipan sa napakahusay na nang natukoy; teksto na hindi nailahad sa pagkakalahad gumamit ng natukoy; malikhaing simpleng mahusay na 19 sa grapikong grapikong naipakita sa grapikong pantulong pantulong grapikong pantulong pantulong Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi, o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 20 Aralin 3 Kahulugan at Katangian ng mga Salita sa Teksto Contextual Analysis Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nabibigyang kahulugan ang mga di-pamilyar na salita sa loob ng tekstong prosidyural sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Sa pagbabalik-tanaw, maaalala nating ang kabuluhan ng isang tekstong prosidyural ay matutukoy mula sa paksa at kaugnay na mga ideya nito. Sa tulong ng mga ito ay agad nating matutukoy ang inaasahang resulta at paraan para makamit ito. Sa ating pagbabasa, may mga pagkakataong nagkakaroon ng sagabal sa pag-unawa natin sa teksto. Naranasan mo na bang huminto sa pagbabasa dahil may salita rito na hindi mo nauunawan ang kahulugan? Ano ang ginagawa mo kung may ganitong pagkakataon? Bakit mahalagang nauunawaan ang mga di-pamilyar na salitang ginamit na tekstong prosidyural? 21 Subukan Natin Ibigay ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa teksto. Salita Kahulugan gisahin atsuwete isalang sarsa bahagya 22 Pag-aralan Natin Mula sa mga nakaraang aralin, maaalala natin na ang mga di-pamilyar na salita ay mga salitang hindi kaagad nauunawaan ang kahulugan dahil Alamin Natin hindi ito karaniwang ginagamit. Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na Mga Paraan sa Pagtukoy ng Kahulugan salita: Salita paalpabeto – ayon sa May iba’t ibang paraan para matukoy ang alpabeto kahulugan ng mga di-pamilyar na salita. Ilan sa parirala – lipon ng salita na mga ito ay ang: walang diwa Pag-alam ng kahulugan sa diksiyonaryo; nakapaloob – sangkap Pagtukoy sa ayos ng salita; at Paggamit ng mga context clue. Pag-alam ng kahulugan mula sa diksiyonaryo Isang paraan sa pagtukoy ng kahulugan ng di-pamilyar na salita ang paggamit ng diksiyonaryo. Ang diksiyonaryo ay aklat kung saan nakaayos nang paalpabeto ang mga salita. Nakalahad rin dito kung paano ito binibigkas at sa anong bahagi ng pananalita ito kabilang. Higit sa lahat, mababasa rito ang kahulugan ng mga Bunga ng puno ng atsuwete salita. Halimbawa: Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang may atsuwete. 23 Sa tulong ng diksiyonaryo, ang salitang “atsuwete” ay maliit na punongkahoy na namumunga ng mga butong ginagamit bilang pampakulay ng pagkain at halamang gamot. Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, atsuwete - punongkahoy na may butong isama ang mantikang may atsuwete. pampakulay ng pagkain Pagtukoy sa ayos ng salita Paano kung wala diksiyonaryo? Isa pang paraan para mahinuha ang kahulugan ng di- pamilyar na salita ay ang pagsusuri sa ayos ng salita. Sa ganitong paraan, kinukuha natin ang salitang-ugat at panlaping bumubuo sa di- pamilyar na salita. Pagkatapos ay inaalam natin ang kahulugan ng mga ito at kung paano ito nagbabago dahil sa ginamit na panlapi. Halimbawa: Habang ibinababad ang manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Ang salitang “gisahin” ay binubuo ng salitang-ugat na “gisa,” at hulaping “-hin.” Ang salitang-ugat na “gisa” ay nangangahulugang “pagluto ng pagkain sa mantika, bawang, at sibuyas.” Ang ibig sabihin ng hulaping “-hin” ay pag-uutos na magawa ang kilos sa isang bagay. Kung gayon, ang kahulugan ng salitang “gisahin” ay “pag-utos na maluto ang isang pagkain sa mantika, bawat, at sibuyas.” Habang ibinababad ang manok, gisahin gisahin - lutuin ang pagkain sa mantika ang atsuwete sa mantika. 24 Iginigisang mga buto ng atsuwete sa mantika Paggamit ng context clues May iba pa bang paraan para matukoy ang kahulugan ng di-pamilyar na salita? Kung walang diksiyonaryo o hindi madaling suriin ang ayos ng salita, maaari din tayong gumamit ng mga context clue. Ang context clue ay mga pahiwatig, salita, o parirala na nakatutulong upang maunawaan ang kahulugan ng isang di-pamilyar na salita sa pangungusap o talata. Makikita ito sa paligid ng di-pamilyar na salita, maaaring nasa unahan o nasa hulihan o katabi ng salita. Halimbawa: Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Kung ating aalamin ang kahulugan ng salitang “isalang,” maaari nating tingnan ang mga context clue na “kawali” at “pinagbabaran.” Ang salitang isalang ay isang pandiwa na maaaring mahinuha na ginagawa sa kawali. Kung ating titingnan, ang nasa kawali ay karne ng manok na ibinabad. Maiisip nating ang kilos na “isalang” ay may kinalaman din sa 25 pagbabad sa kawali. Kung gayon, ang ibig sabihin ng salitang “isalang” ay “paglagay sa kawali.” Pagkatapos nito, isalang - paglagay sa isalang sa kawali ang kawali karne kasama ang pinagbabaran. Isinasalang sa kawali ang karne ng Patibayin pa natin ang ating natutuhan. manok Halimbawa: Habang kumukulo, isama ang dahon ng laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng adobo, isama ang mantikang may atsuwete. Anong mga paraan ang magagamit natin sa pagtukoy ng kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa halimbawa? Alam mo ba ang kahulugan ng salitang “sarsa?” Magagamit natin ang diksiyonaryo sa pagtukoy ng kahulugan nito. Hindi masusuri ang ayos nito dahil wala itong panlapi. Maaari ding gumamit ng mga context clue. Maaaring tingnan ang mga salitang “kakaunti” at “habang kumukulo” bilang mga context clue. Mula sa mga ito, mahihinuha na dahil sa pagkulo ng nilulutong adobo ay kumakaunti na ang sarsa nito. Ibig sabihin, ang sarsa ay isang bagay na kumakaunti kapag pinakukuluan sa apoy. Kung gayon, mahihinuha na ang sarsa ay isang likido na maituturing na sabaw ng adobo. 26 Habang kumukulo, isama ang dahon ng laurel. Kapag kakaunti na ang sarsa ng sarsa – sauce; likido o malapot na sabaw adobo, isama ang mantikang may atsuwete. Maraming paraan para mabigyan natin ng kahulugan ang mga di-pamilyar na salita sa teksto gaya ng paggamit ng diksyonaryo, mga context clue, at pagsusuri ng ayos ng salita. Ayos ng salita Diksiyonaryo Context clue Di- pamilyar na salita Pakatandaan na hindi magiging buo ang pagkaunawa natin sa prosesong inilahad ng isang tekstong prosidyural kung hindi natin nauunawaan ang lahat ng salitang nakapaloob dito. Mahalagang nauunawaan natin ang mga di-pamilyar na salita sa isang teksto para maisagawa nang tama at maayos ang prosesong sinusundan. Dahil dito, makabubuo tayo ng maganda at inaasahang resulta. 27 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit may mga di-pamilyar na salita sa isang teksto? 2. Paano mahihinuha ang kahulugan ng di-pamilyar na salita? 3. Bakit mahalagang nauunawaan ang mga di-pamilyar na salitang ginamit na tekstong prosidyural? Pag-isipan Natin May naiisip ka bang sariling paraan upang madaling maunawaan o mahinuha ang kahulugan ng mga salitang di-pamilyar o may malalim na kahulugan? Paano? Gawin Natin 1. Nakasulat na kayo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod: Recipe User manual o guide Tour itinerary Instruction 2. Mula sa isinulat na teksto, natukoy na ninyo ang sumusunod: Paksa Pangunahing ideya Sumusuportang mga ideya 3. Mula sa sinuring teksto, piliin ang limang di-pamilyar na salita at bigyan ang mga ito ng kahulugan gamit ang: Context clues Pagsusuri ng ayos ng salita Diksiyonaryo Ipasa ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: 28 [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Nilalaman Napili nang Napili nang Napili nang Napili nang tama ang tama ang tama ang tama ang limang di- limang di- limang di- limang di- pamilyar na pamilyar na pamilyar na pamilyar na salita; wala o salita; nabigyan salita; nabigyan salita; nabigyan nabigyan ang 1 ang 2-3 salita ng ang 4 na salita ang 5 salita ng salita ng tamang ng tamang tamang tamang kahulugan kahulugan kahulugan kahulugan gamit ang gamit ang gamit ang gamit ang tatlong paraan tatlong paraan tatlong paraan tatlong paraan Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi, o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 29 Aralin 4 Paggamit ng mga Cohesive Device Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga cohesive device sa pagsulat ng isang tekstong prosidyural. Nakasulat na kayo ng sariling tekstong prosidyural. Maaaring ito ay isang recipe, user manual, tour itinerary, o kaya naman ay instructions sa paggawa o pagbuo ng isang e-mail o anumang personal na account online. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang mga cohesive device na angkop gamitin sa pagsulat ng tekstong prosidyural. Ano ang mga cohesive device na angkop sa pagsulat ng tekstong prosidyural? Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga cohesive device sa pagsulat ng tekstong prosidyural? 30 Subukan Natin Isa pang uri ng cohesive device ang pag-uugnay, kung saan gumagamit ng iba’t ibang pangatnig para pag-ugnayin ang dalawang pangungusap. Ilista ang lahat ng pangatnig na ginamit sa teksto. Sumangguni sa ibinigay na halimbawa. Mga pangatnig: 1. habang 2. _________________ 3. _________________ 4. _________________ 5. _________________ 31 Pag-aralan Natin Ang mga cohesive device ay mga salita o kataga Alamin Natin na nagsisilbing pamalit upang hindi paulit-ulit ang paggamit ng mga pangngalan sa pangungusap. Tandaan at gawing gabay ang Higit nitong pinagaganda ang anumang tekstong kahulugan ng sumusunod na isinusulat. Malaki ang naitutulong nito sa pagsulat salita: ng tekstong prosidyural, sapagkat higit na transisyon – paglilipat nagiging organisado ang paghahanay ng kaisipan. ipinahihiwatig– ipinababatid lilimitahan – may takda pagsasapribado – gagawing Cohesive Device: Pagpapatungkol pribado; lingid sa publiko Sa mga nakaraang yunit ay tinalakay natin ang masinsin – maayos at mga cohesive device bilang anapora at katapora. malinaw Ito ang uri ng cohesive device na tinatawag na Pagpapatungkol, kung saan gumagamit ng mga panghalip bilang kahalili ng mga pangngalan sa pangungusap. Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ginagamit lamang bilang pamalit ang mga cohesive device. Katunayan, may apat na uri ng cohesive device ayon sa gamit nito. Para sa tektong prosidyural, pinakaangkop gamitin ang mga cohesive device na nag-uugnay sa mga kaisipang nakapaloob sa teksto. Cohesive Device: Pag-uugnay Ang pag-uugnay ay uri ng cohesive device na ginagamitan ng mga pangatnig. Layunin nitong gawin malinaw ang transisyon o pagkakasunod-sunod at mapag-ugnay ang mga hakbang sa isang prosesong isinasagawa. Ano ang pangatnig? Ang pangatnig ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay, pangungusap, o pahayag. Sa tekstong prosidyural, inuugnay nito ang mga pahayag o ang magkakasunod na hakbang sa pagitan ng mga sugnay at pangungusap. Ang mga halimbawa ng pangatnig ay habang, pagkatapos, susunod, una, huli, at mga kagaya nito. 32 Talakayin natin ang isang halimbawa mula sa recipe ng adobong pula. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Ano ang cohesive device sa pangungusap? Ang salitang “habang” ay isang pangatnig at cohesive device. Pinagdurugtong nito ang dalawang proseso o pangungusap: Ibinababad ang manok. Gisahin ang atsuwete sa mantika. Sa paggamit ng “habang,” ipinahihiwatig na ang dalawang magkaugnay na hakbang ay isasagawa nang “sabay.” Pansinin na kahit baliktarin natin ang ayos ng pangungusap ay magkapareho lamang ang ipinahahayag nito. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. (Gisahin ang atsuwete sa mantika habang ibinababad ang karne ng manok.) Narito pa ang isang halimbawa: Pagkatapos itabi ng mantika, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Ang cohesive device dito ay ang salitang “pagkatapos.” 33 Ano ang mga hakbang na pinag-uugnay nito? Itabi ng mantika. Isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Gamit ang “pagkatapos,” ipinahihiwatig na ang ikalawang hakbang (ang pagsasalang ng karne at pinagbabaran sa kawali) ay isasagawa lamang kapag natapos na ang unang hakbang (ang pagtatabi ng mantika). Kahit pa pagbaliktarin ang kanilang ayos, nananatili ang mensahe nito dahil tama ang pagkakagamit ng cohesive device. Pagkatapos itabi ng mantika, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. (Isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran pagkatapos itabi ng mantika.) Pagsulat ng Tekstong Prosidyural Ngayon naman ay subukan nating sumulat ng isang tekstong prosidyural, gamit ang mga cohesive device. Alalahaning may apat na bahagi ang tekstong prosidyural: 1. Pamagat 2. Mga sangkap 3. Hakbang sa paggawa 4. Kongklusyon Tandaan ding ang mga salitang gagamitin ay kailangang: simple masinsin espisipiko hindi maligoy 34 Mga gabay: 1. Ang unang hakbang sa pagsulat ng tekstong prosidyural ay ang pagsulat ng pamagat. Ito ang maglalahad ng paksa ng ating teksto. Halimbawa, paano ba lilimitahan ang mga taong makakikita ng ating Facebook account. 2. Huwag kalimutan na ang pangunahing ideya ng ating teksto ay nakalahad rin sa pamagat ito. Kung gayon, mula sa nais natin gawin na paglilimita sa mga taong makakikita ng ating Facebook account, maaari nating gamitin ang salitang “pagsasapribado” bilang kaakibat na proseso para sa ating pamagat. 3. Maaari nang sumulat ng mga hakbang kung paano isasapribado ang ating Facebook account. 4. Habang sumusulat ng tekstong prosidyural, gumamit ng simple, malinaw, at tiyak na mga salita. Kung maaari, bawasan ang paggamit ng mga di-pamilyar na salita. Higit sa lahat, huwag kalimutang gumamit ng mga pangatnig na mag-uugnay sa mga hakbang, proseso, o kaisipan. 5. Pagkatapos, sumulat na ng kongklusyon. Tiyaking malinaw ang paglalahad ng kongklusyon na nagpapakita ng inaasahang resulta o kalalabasan. Maaari pa ring gumamit ng pangatnig bilang cohesive device. Basahin natin ang isinulat nating tekstong prosidyural. Pagsasapribado ng Facebook Account Una, i-click ang edit button (imahe ng kandado o padlock) na nasa malayong kanan ng screen. Pagkatapos, mula sa drop-down, piliin kung sino-sino ang nais makakita ng iyong mga post. I-set ito sa “friends” kung ang mga kaibigan lamang sa Facebook ang nais mong makakita ng mga ito. Kapag tapos na, maaari mong ulitin ang proseso upang tiyaking nakapribado na nga ang iyong Facebook account. Mahalagang mapanatili mong pribado at limitado ang may access sa iyong Facebook account para sa iyong kaligtasan. Suriin natin. 35 Taglay ba ng tekstong ito ang mga katangian ng isang tekstong prosidyural? Simple ang mga salitang ginagamit. Madali itong maintindihan ng mga mambabasa. Masinsin ang teksto. Walang nakaligtaang hakbang sa proseso. Espesipiko ang mga salitang ginagamit. Malinaw ang paglalarawang mababasa sa teksto. Hindi maligoy ang mga salitang ginamit. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin sa bawat hakbang. Gumamit ba ng wasto at angkop na mga cohesive device sa pagsulat ng teksto? Pansinin ang mga pangatnig na: una pagkatapos kung kapag para Ito ay mga pangatnig na nagpapahiwatig ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang. Talakayin natin kung bakit mahalaga ang mga cohesive device sa pagsulat ng tekstong prosidyural? Una, pinagaganda nito ang teksto. Gayundin, higit na nagiging organisado ang paghahanay ng mga kaisipan. Panghuli, nagiging gabay ito ng mga manunulat at mambabasa sa tamang pagkakasunod-sunod ng sinusundang hakbang o gawain sa teksto. Sa huli, nakatitiyak tayo na naisagawa nang maayos at wasto ang proseso at makakamit ang inaasahang resulta o kalalabasan. Mahalagang matutuhan natin ang mga pangunahing konsepto tungkol sa yunit na ito, subalit mas mahalagang mailapat sa buhay ang mga natutuhan mula sa aralin. Tandaan na ang lahat ng bagay ay dapat ginagawa nang may kaayusan at katalagahan. 36 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang mga cohesive device na angkop sa pagsulat ng tekstong prosidyural? 2. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga cohesive device sa pagsulat ng tekstong prosidyural? 3. Ano ang natitiyak kapag nagagamit nang tama ang mga cohesive device sa pagsulat ng tekstong prosidyural? Pag-isipan Natin Ano ang mga “cohesive device” sa buhay mo bilang mag-aaral? Paano nakatutulong ang mga ito sa iyong pag-aaral? Gawin Natin 1. Nakasulat na kayo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa isa sa sumusunod: Recipe User manual o guide Tour itinerary Instruction 2. Mula sa isinulat na teksto, natukoy na ninyo ang sumusunod: Paksa Pangunahing ideya Sumusuportang mga ideya 3. Mula sa sinuring teksto, natukoy na ninyo ang limang di-pamilyar na salita at nabigyan ang mga ito ng kahulugan gamit ang: Context clues Pagsusuri ng ayos ng salita Diksiyunaryo 37 4. Kaugnay pa rin ng isinulat na tekstong prosidyural, gawin ang sumusunod sa tulong ng mga kaalaman sa paggamit ng mga cohesive device: Pagandahin ang teksto. Gawing malinaw ang transisyon o pagkakasunod- sunod at pag-ugnayin ang mga hakbang sa tulong ng mga cohesive device. Gawin itong simple, masinsin, espisipiko, at hindi maligoy. Ipasa ang kinakailangang output bago o sa itinakdang panahon. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Nilalaman Halos hindi Sinubukang Mahusay, dahil Napakahusay, umunlad ang mas mas maganda dahil higit sa teksto sa kabila mapaganda pa at mas inaasahan, ng pagsisikap at organisado organisado ang napaganda at na mapaganda ang teksto, teksto; mahusay naging ito; napakagulo subalit ang organisado ang ng maraming pagkakagamit teksto; tama at pagkakagamit cohesive device ng cohesive napakahusay ng ng cohesive ang hindi wasto devices, pagkakagamit devices ang bagaman may ng cohesive pagkakagamit ilang mali devices Kaayusan Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi, o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali 38 Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN Pagyamanin Natin Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task). Kayo ay beteranong mga manunulat. Ibabahagi ninyo ang inyong kakayahan at kasanayan sa pagsulat ng tekstong prosidyural tungkol sa sumusunod: Recipe User manual o guide Tour itinerary Instructions Naniniwala kayo na mahalagang taglayin ng bawat mag-aaral ang kakayahan at kasanayang gumawa o sumulat ng tekstong prosidyural tungkol sa iba’t ibang larangan o paksa. Ang kakayahan at kasanayang ito ang magiging daan upang magkaroon ng higit na pagkakaintindihan at matagumpay na ugnayan ang manunulat at mga mambabasa. 39 Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS: Tunguhin Ibahagi ang kakayahan at kasanayan sa pagsulat ng (Goal) tekstong prosidyural Gampanin Mga bihasang manunulat (Role) Tagatanggap Mga mag-aaral (Audience) Dapat mataglay ng bawat mag-aaral ang kakayahan at Kalagayan kasanayang gumawa o sumulat ng tekstong (Situation) prosidyural Bunga at Pagganap (Product and Talakayan, Tekstong prosidyural Performance) Pamantayan Rubrik (Standard) Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Napakagulo ng Katamtaman Mahusay ng Napakahusay ng bunga at lamang ang bunga at bunga at pagganap; kalidad ng pagganap; may pagganap; may napakalabo ng bunga at malinaw na napakalinaw na mga bahagi, pagganap; mga bahagi, mga bahagi, katangian, may mga katangian, katangian, paksa, at bahagi, paksa, at paksa, at mga kaisipan; hindi katangian, kaisipan; akma kaisipan; akma ang paksa, subalit ang akmang-akma pagkakagamit ng medyo malabo pagkakagamit ang mga salita at ang kaisipan; ng karamihan pagkakagamit ng cohesive device hindi akma ang ng salita at lahat ng salita at ilang salita at cohesive device cohesive device cohesive device 40 Walang malinaw Hindi gaanong Natamo ang Natamo ang na tunguhin at naipakita ang pangunahing pangunahing hindi napalutang pangunahing layunin at layunin at ang layunin at hindi mahusay na nagampanan pangunahing gaanong nagampanan nang buong layunin; hindi nagampanan ang role husay ang nagampanan ang role tunguhin o role ang role Pagpapa- Nangailangan ng Nakayang gawin Nakayang Pinaghirapan at halaga paggabay kahit ang madadaling gawin ang pinaghandaang sa simpleng bahagi, mahihirap na mabuti ang gawain; nangailangan bahagi, gawain, hindi na madaling ng paggabay; nangailangan nangailangan ng umayaw; ginawa muna ng paggabay; paggabay; umaasa sa iba ang mahihirap ginawa muna madaling na bahagi, ang mahihirap nakaugnay at maaaring na bahagi, kaya natapos sa oras umayaw kung pa ring ang gawain walang magpatuloy paggabay kahit walang paggabay Pakikilahok Hindi nakilahok May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng ng Bawat at walang interes kaunting interes interes subalit masidhing Indibidwal sa paghahanda at pakikilahok hindi gaanong interes at at sa paghahanda nakilahok sa aktibong pagsasakatupa at paghahanda at pakikilahok sa ran ng pagsasakatupa pagsasakatupar buong inaasahang ran ng an ng paghahanda at pagganap inaasahang inaasahang pagsasakatupa (performance pagganap pagganap ran ng task) (performance (performance inaasahang task) task) pagganap (performance task) KABUUAN 41 Paglalagom Tekstong Prosidyural Katangian ng Pagtukoy sa Kahulugan ng Cohesive Devices Teksto Paksa mga Salita paksa, context clues, naglalahad ng pangunahin, at pagsusuri ng ayos, pangatnig paraan o proseso sumusuportang at diksyunaryo ideya DAPAT TANDAAN Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng proseso o pamamaraan upang maisagawa, matapos, at makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari. Layon ng tekstong prosidyural na gabayan ang mga mambabasa sa wastong pamamaraan sa pagsasagawa ng isang bagay o gawain. May apat na bahagi ang tekstong prosidyural: pamagat, mga sangkap o gamit na kakailanganin, mga hakbang sa paggawa o pagbuo, at ang kongklusyon. Kinakailangang maging simple, masinsin, espesipiko, at hindi maligoy ang wikang gagamitin sa pagsulat ng tekstong prosidyural. Ginagamitan din ito ng mga cohesive device. Sa tulong ng mga pangatnig, madaling magabayan ang mambabasa sa pagkakasunod- sunod ng mga hakbang nito. 42 Gabay sa Pagwawasto Aralin 1: Katangian at Kalikasan ng Teksto Subukan Natin 1. Una, ibabad ang manok sa suka, toyo, asin, at paminta sa loob ng 20 minuto. 2. Habang ibinababad ang karne ng manok, gisahin ang atsuwete sa mantika. Itabi ang mantikang ginamit. 3. Pagkatapos nito, isalang sa kawali ang karne kasama ang pinagbabaran. Aralin 2: Pagtukoy sa Paksa ng Teksto Subukan Natin 1. Pamagat, mga sangkap o gamit na kakailanganin, mga hakbang sa paggawa o pagbuo, at ang kongklusyon 2. Simple ang mga salitang ginagamit. Madali itong maintindihan ng mga mambabasa. Masinsin ang teksto. Walang nakaligtaang hakbang sa proseso. Espesipiko ang mga salitang ginagamit. Malinaw ang paglalarawang mababasa sa teksto. Hindi maligoy ang mga salitang ginamit. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin sa bawat hakbang. Aralin 3: Kahulugan at Katangian ng mga Salita sa Teksto Subukan Natin Salita Kahulugan gisahin iluto sa mantika atsuwete punongkahoy na may mapupulang bunga at mga buto isalang ilagay sa pinaglulutuan sarsa malapot na sabaw bahagya hindi gaano; kaunti 43 Aralin 4: Paggamit ng mga Cohesive Device Subukan Natin 1. habang 2. pagkatapos 3. una 4. para 5. huli Sanggunian Gonzales, Lydia Garcia, Makabagong Gramar ng Filipino. Quezon City: Rex Publications, 1999. Sicat-de Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Publications, 2016. 44

Use Quizgecko on...
Browser
Browser