Tekstong Ekspositori PDF

Summary

This presentation provides information about Filipino 7 Expository Texts. It covers various sections of text type including definition, difference, similarities, and others.

Full Transcript

Tekstong Ekspositori Filipino 7 Tekstong Ekspositori Nagpapaliwanag at naglalahad ng mga impormasyon at ideya kaugnay sa isang paksa. Nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang mga pangangailangan ng mga mambabasa ng malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu. Nagl...

Tekstong Ekspositori Filipino 7 Tekstong Ekspositori Nagpapaliwanag at naglalahad ng mga impormasyon at ideya kaugnay sa isang paksa. Nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang mga pangangailangan ng mga mambabasa ng malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu. Naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paanong naiuugnay sa isang tiyak na paksa ang isang abstrak na konsepto na nasa isip ng tao. Nagbibigay impormasyon ukol sa sanhi at bunga, nagpapaliwanag ng mahalagang impormasyon, ito ay kadalasang walang pinapanigan. Iba’t-ibang estruktura ang tekstong ekspositori Depinisyon Pagkakaiba at pagkakatulad Sanhi at bunga Suliranin o solusyon Pagkakasunod-sunod at proseso 3 Depinisyon Pagbibigay kahulugan sa mga salita o terminolohiyang di pamilyar o mga salitang bagong usbong o bago sa pandinig ng mga mambabasa. Dalawang uri ng Depinisyon Denotasyon – Mga salitang kuha mula sa mga material na nakalimbag tulad ng diksyunaryo. Ito ang mga salitang tunay at literal ang pagpapakahulugan. Halimbawa: Kinatatakutan ang mga magsasaka ang panginoon. (Diyos/Tagapaglikha) Dalawang uri ng Depinisyon Konotasyon – Mga salitang di – tuwiran ang kahulugan. Nakabatay sa konsepto ng mambabasa at binibigyan ang pansariling pagpapakahulugan. Maari rin itong tumutukoy sa malalim o matatalinhagang salita. Halimbawa: Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang malupit na panginoon. (Makapangyarihang may ari ng lupa) Pagkakaiba at Pagkakatulad Ito ay bahagi ng paghahambingan. Ang pagkakatulad ay tumatalakay sa pagkakapareho ng dalawang bagay na pinagkukumpara. Ang pagkakaiba naman ay ang mga bagay na hindi makikita sa dalawang bagay na pinagkukumpara. Suliranin at Solusyon Ang suliranin ay ang pagpapahayag ng mga problema, pagsubok, o anumang bagay na kailangang matugunan. Ang solusyon naman ay ang lunas o kasagutan sa mga problemang inihain. Sanhi at Bunga Sa paraang ito, naipapaliwanag kung bakit nagaganap ang isang pangyayari o phenomena at magiging epekto o mga resulta. Ang kaya, dahil sa, nang, buhat, sapagkat, tuloy ay mga palatandaang salita na kadalasang ginagamit sa mga pangungusap o pahayag na ugnayang sanhi at bunga Pagsusunod-sunod at proseso Ito ay ang pagsasaayos ng mga kaisipan at ang serye ng wastong pagkakasunod-sunod ng isang pangyayari. Tatlong Uri ng Pagsusunod-sunod at proseso Sekwensyal Kronolohikal Prosijural Karaniwang ginagamitan Pagkakasunod-sunod ng Pagsusunod-sunod ng mga ng mga salitang una, mga magkakaugnay na gawain mula sa simula pangalawa, pangatlo, pangyayari ayon sa tamang hanggang sa wakas. sunod, at iba pa ng mga panahon at oras. serye ng mga pangyayari. URI NG TEKSTONG EKSPOSITORI Sanaysay Paglalahad ng Proseso Suring-basa o Rebyu Editoryal Balita o ulat 13 Sanaysay Pagpapahayg ng isang manunulat ng kaniyang ideya, kaisipan, pananaw, o damdamin kaugnay ng isang paksa. Paglalahad ng Proseso Ang ekstrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t-ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtatalakay. Suring-basa o Rebyu Nakatutulong sa mga manonood o mambabasa upang maging mapanuri sa pagpili ng aklat at pelikulang tatangkilikin. Editoryal Isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipahayag ang pananaw ng isang pahayagan o isang manunulat kaugnay ng isang isyu: Mapa-sosyal, politikal., ispiritwal, o kultural na may mahalagang impak sa buhay ng tao. Balita o ulat Madalas na nababasa o napapakinggan sa mga radio o telebisyon na nagbibigay ng tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na madalas at kaganapan lamang. Thank you! Grade 7-Micah

Use Quizgecko on...
Browser
Browser