Pangkaalamang Pakultad PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pilosopiya at ang isip ng tao. Tinatalakay dito ang mga kakayahan ng tao, ang kahalagahan ng pag-iisip at pag-unawa sa mundo, at ang mga prinsipyo ng batas moral. Ito ay isang mahusay na pag-aaral ng paksa.

Full Transcript

Pangkaalamang Pakultad Dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip, ang tao ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatuwiran. Dalawang Kakayahan ng Tao A. Panlabas na Pandama Paningin Pandinig Pang-amoy Panlasa Nagbibigay ng direktang ugnayan sa pa...

Pangkaalamang Pakultad Dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip, ang tao ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatuwiran. Dalawang Kakayahan ng Tao A. Panlabas na Pandama Paningin Pandinig Pang-amoy Panlasa Nagbibigay ng direktang ugnayan sa paligid B. Panloob na Pandama Kamalayan: Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag- uunawa. Memorya: Kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan. Imaginasyon: Kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito. Instinct: Kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katuwiran. Ang Kabutihang Kalikasan ng Tao Kalikasan ng Tao o Pangkaalamang Pakultad o Pagkagustong Pandama o Materyal (Katawan) o Panlabas at Panloob na Pandama o Emosyon o Ispirituwal (Kaluluwa, Rasyonal) Kakayahan ng Isip May kakayahang magnilay o magmuni-muni Nakauunawa May kakayahang mag-abstraksyon Makabubuo ng kahulugan at kabuluhan ng bagay Kakayahan ng Kilos-Loob Pumili, magpasya, at isakatuparan ang pinili Naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama Gamit at Tungo ng Isip Humanap ng impormasyon Umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng impormasyo n Gamit at Tungo ng Kilos-Loob Malayang pumili ng gustong isipin o gawin Ang Isip at Kilos-Loob Ang isip at kilos-loob ang kambal ng kapangyarihang nagpapabukod-tangi sa tao sa lahat ng nilalang. Ang isip ay ang kakayahan ng tao para sa pag-unawa o kapangyarihang mag-isip. Ang kilos-loob ay ang kapangyarihang magpasiyang pumili batay sa mga nakalap na impormasyon ng isip. Ang kilos-loob ay ang likas na pagkagusto o pagkahilig sa mabuti. Ang isip ay may kakayahang magsuri, magtaya, at manghusga tungkol sa mga bagay, pangyayari, o sitwasyon na inilalahad na mabuti sa kilos-loob. Karunungan at Katotohanan Ang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob batay sa katotohanan. Ang tao ay may kapangyarihan na mag-isip kaya’t may kakayahang alamin ang katotohanan. Ang katotohanan ay batay sa kalikasan ng tao at para sa kabutihan ng lahat o nakararami. Kapag ang isang bagay ay totoo, tiyak itong mabuti at hindi nakasasakit sa materyal at espirituwal na katangian ng tao. Mataas na Paggamit ng Kilos-Loob Ang mataas na paggamit ng kilos-loob ay ang malayang pagpili na dulot ng mataas na kamalayan sa sariling pag-iisip at pag-unawa ng kaalaman. Ang mataas na antas ng kaalaman ay nangangailangan ng malalim at mataas na pang-unawa sa sariling kamalayan. Pilosopiya ni Aquinas 5 Yugto ng Pagbabago at Interaksyon ng Isip at Kilos-Loob: 1. Ang isip ay tumutukoy sa sitwasyon at layunin. Ang kilos-loob ay sumasang- ayon o hindi sa layunin. 2. Ang isip ay tinutukoy na ang layunin ay matatamo. Ang kilos-loob ay magkakaroon ng intensyon upang makamit ito. 3. Ang isip ay nagbibigay ng iba't ibang paraan para sa layunin. Ang kilos-loob ay tatanggapin ang mga paraan o hihingi ng iba pang paraan. 4. Ang isip ay tutukuyin ang pinakamabuting paraan. Ang kilos-loob ay pipili ng pinakamabuti batay sa isip. 5. Ang isip ay iuutos ang pinakamabuti. Ang kilos-loob ay gagamitin o kokontrolin ang katawan o pag-iisip na kinakailangan. Batas Moral Definition: Batayan ng pagkilos ng tao upang ito ay maging tama at mabuti. Kilala rin bilang Likas na Batas Moral (Natural Moral Law). Gumagabay sa tao kung paano makipag-ugnayan sa Diyos at kapwa. Ugat ng Batas Moral Batas na Walang Hanggan (Eternal Law): Ang batayan ng lahat ng batas moral, unibersal at iisa lamang ang ugat ng mga batas moral. Batas ng Diyos (Divine Law): Ang pinagmumulan ng Batas Moral, unibersal at hindi nagbabago. Uri ng Batas na Pamantayan at Gabay ng Kilus-Tao (Human Act) 2. Batas Eternal (Eternal Law): o Prinsipyo ng paghahari, pamamahala, paggabay, at pangangalaga ng Diyos sa lahat ng nilikha mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamaliit. 3. Lex Naturalis (Batas Kalikasan o Natural Law): o Pakikibahagi ng tao bilang rasyonal na nilikha sa batas eternal. Nagpapahayag ng diwa nito sa kaliwanagan ng isip na umuunawa ng mabuti at masama. 4. Batas ng Tao (Law of the State): o Tumutukoy sa mga partikular na prinsipyo na ibinabatay ng isip sa mga pangunahing prinsipyo ng Lex Naturalis. Pangunahing Prinsipyo ng Batas Moral Sto. Tomas Aquinas: o Ang tao ay likas na may kakayahang umunawa sa mga pangunahing prinsipyo ng Batas Kalikasan at Batas Moral na tinutukoy bilang mga "batas na nakaukit sa ating puso." Douglas McManaman: o Kabilang sa mabubuting likas na kahiligan: i. Buhay ii. Katotohanan iii. Kagandahan iv. Kasanayan v. Pakikipagkapwa vi. Relihiyon vii. Katapatan Pangalawang Prinsipyo ng Batas Moral 5. Hindi dapat sinisira ang isang mabuti upang gumawa ng mabuti. 6. Hindi dapat tratuhin ang tao bilang paraan para sa isang layunin. 7. Hindi dapat kinikilingan ang ilan, maliban kung kinakailangan para sa kabutihan ng lahat. 8. Hindi dapat nagsasarili na kumilos para sa kabutihan ng tao. 9. Hindi dapat kumilos nang nababatay lamang sa bugso ng damdamin, takot, galit, o pagnanasa. Konsiyensiya Definition: Kakayahan ng isip sa paglapat ng kaalaman sa paghusga ng tama at mali. 3 Paraan ng Konsiyensiya: 1. Nagpapatunay kung mayroon kang ginawa o hindi ginawa. 2. Naghuhusga kung mayroon kang dapat o hindi dapat ginawa. 3. Naghuhusga kung mabuti o masama ang ginawa. 2 Uri ng Konsiyensiya: 4. Tama ang Konsiyensiya: Nagpapasiya o kilos batay sa tamang panuntunan at naaayon sa Batas Moral. 5. Mali ang Konsiyensiya: Nagpapasiya nang taliwas sa mga prinsipyo ng Batas Moral. Maaaring may iba't ibang paraan: ▪ Tuliro o may duda, Maluwag, manhid, Ipokrito Mga Moral na Prinsipyo Paghubog ng Isip Dikta ng Konsiyensiya Pagsunod Pag-iwas Mabuting Kilos Masamang Kilos Kalayaan Definition: Ang kalayaan ay likas sa pagiging tao, nangangahulugang ang posibilidad na kumilos ayon sa sariling pagpapasiya at plano, malayo sa pamimilit o pagbabawal ng iba. 10. Ang Likas na Kalayaan ng Tao o Malayang mag-isip o Magpasiya o Mangarap o Mag-asam o Magmahal o Magalit o Kumilos 11. Ang Mapanagutang Kalayaan o Kakayahang pumili at kumilos batay sa pagkakilala sa tama at mali, mabuti at masama. o Ang kalayaan ay hindi lubos at may kasamang pananabik na malaman ang magiging resulta ng bawat kapasiyahan at kilos, na nakakaapekto sa sarili, sa ibang tao, at sa kapaligiran. 12. Kalayaang Panloob at Panlabas o Panloob: ▪ Kakayahang maging makapangyarihan ang sarili. ▪ Pagtanggap sa sariling lakas o kahinaan. ▪ Kakayahang manindigan sa tama at mali. o Panlabas: ▪ Naaayon sa batas at pamantayan ng pakikipagkapwa at pagkamakabayan. Dalawang Responsibilidad 1. Kalayaang kaugnay ng malayang Kilos-loob 2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangaila-ngan ng sitwasyon Dalawang Aspekto ng Kalayaan 1. Kalayaan Mula sa (Freedom from) 2. Kalayaan Para sa (Freedom for) Ang Layunin ng Kalayaan ay para sa Pagmamahal at Paglilingkod PAGMAMAHAL Ang pagmamahal ay pananagutan sa kapwa. Ang kalayaan ay talagang naglalayon para sa pagmamahal, at ang kalayaan na walang pagmamahal ay walang halaga. Ito ay dahil wala kang pananagutan sa iba. Walang saysay ang kahulugan ng buhay kapag walang kaibigan, Ang tunay na kalayaan ay pagkaalipin sa paglilingkod nang may buong pagmamahal sa iba. Ito ay mayroong (2) uri: 1. Ang paglilingkod nang may pagmamahal ay kabaligtaran ng masamang ugali ng pagkamakasarili. 2. Ang utos na maglingkod nang may pagmamahal ay kabaligtaran ng pagpapaalipin sa batas. KAHULUGAN Dignidad ng Tao: ➤ Dangal ng pagkatao. Ito ay pagkabanal at pagkabukod-tangi ng tao, mula sa material at espirituwal na kalikasan. Ang bawat tao ay biniyayaan ng dangal o dignidad mula sa pagkakalalang. Dignidad at Karapatang Pantao ➤ Ang bawat tao ay may dangal na pinagmumulan ng karapatan. ➤ Ang karapatang pantao ay dapat igalang dahil ang tao ay may dignidad. PAGGALANG SA KARAPATAN NG KAPWA: PAGGALANG SA DANGAL PANTAO ➤ Ang karapatan ng isang tao ay likas din sa kapwa. ➤ May karapatan ang bawat tao na ipaglaban ang sariling dignidad. DIGNIDAD: LIKAS NA PAGKABUKOD-TANGI NG TAO 13. Paggalang sa Sarili: ➤ Simula ng paggalang sa pantaong dignidad. 14. Pag-apekto sa Dangal Pantao: ➤ Ipinagkakaloob sa lahat ng tao, anuman ang gulang, kabuhayan, kasarian, relihiyon o lahi. 15. Tatlong Antas ng Aksyon sa Pagpapatibay ng Dangal Pantao o ➤ Pansarili: Mabuting buhay o ➤ Pakikipagkapwa: Mabuting ugnayan o ➤ Panlipunan: Karapatang pantao at batas 16. Apat na Pinakamahalagang Aksyon sa Pagsanggalang ng Dangal ng Tao o ➤ Pagtatanggol sa kabanalan ng buhay o ➤ Pagtatanggol sa dignidad ng paggawa o ➤ Pagtatamo ng edukasyon at kalinangan o ➤ Pagpapaunlad ng kabutihang panlahat at katarungang panlipunan 17. Pagtatanggol sa Kabanalan at Dignidad ng Buhay o ➤ Ang buhay ay banal, at ang dignidad ng tao ay batayan ng moral na pamumuhay ng lipunan. PRINSIPYO NG DIGNIDAD PANTAO ➤ Ang tao ay banal mula sa pagkalalang hanggang kamatayan. ➤ Ang bawat tao ay mahalagang kasapi ng pamayanan. ➤ Ang dignidad ay dapat ipinagtatanggol sa pamamagitan ng paggalang, pagmamahal, at pag-aaruga. PAGKILING SA MAHIHIRAP: PAG-ANGAT SA DIGNIDAD NG BUHAY ➤ Hindi lamang pagbabawal sa pagpatay o pagpapahirap, kundi pagtulong sa mga mahihirap. ➤ Ang pagkakaisa at pagtulong sa mahihirap ay makapagpapalakas sa pamayanan. UTOS NG DIYOS: "HUWAG KANG PAPATAY" ➤ Ang bawat buhay ay dapat igalang sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Pagtatanggol sa mga Karapatan ng Katutubo: Pag-aangat sa kanilang Pantaong Dignidad ➤ Mayroong 110 pangkat na nakalista sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). ➤ Pantay na dignidad ang ipinaglalaban para sa mga katutubo, sa pamamagitan ng makatarungan at pantay na mga patakaran. Mga Prinsipyo sa Pakikipag-ugnayan sa mga Katutubo ➤ Pagkilala at pagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo. ➤ Pagsang-ayon sa pamamahala ng mga katutubo sa kanilang pag-unlad. ➤ Paggalang sa katutubong kaalaman, kultura, at tradisyunal na gawain. ➤ Pagkiling sa walang militarisasyon sa mga lupain ng katutubo para sa kapayapaan at pag-unlad. Karapatan ng mga Katutubo ➤ Karapatan ng mga katutubong pamilya at komunidad sa paggabay at edukasyon ng kanilang mga anak. ➤ Pantay na dignidad at karapatan tulad ng ibang tao.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser