Summary

This document provides a timeline of Jose Rizal's life, covering key events, dates, and aspects of his biography.

Full Transcript

Timeline ng Buhay ni Rizal 1877: Nagtapos ng Bachelor of Arts sa Ateneo Municipal de Manila. 1882: Nag-aral sa Universidad Central de Madrid sa Espanya, kung saan siya ay kumuha ng kursong Medisina. Bagong aktiviti: hanapin ang mga iskolar sa Germany na nakapunta sa Pilipinas. H...

Timeline ng Buhay ni Rizal 1877: Nagtapos ng Bachelor of Arts sa Ateneo Municipal de Manila. 1882: Nag-aral sa Universidad Central de Madrid sa Espanya, kung saan siya ay kumuha ng kursong Medisina. Bagong aktiviti: hanapin ang mga iskolar sa Germany na nakapunta sa Pilipinas. Hulyo 30, 1886 - Kinontak ni Rizal si Ferdinand Blumentritt. Hulyo 1886 - Nanirahan si Rizal sa Leipzig ng 2 1/2 buwan habang hinihintay ang sulat ni Paciano. Nobyembre 1886 - Mayo 1887 - Nakatira si Rizal sa Berlin. Enero 1887 - Naging kasapi si Rizal ng Lipunang Etnograpik ng Berlin. Pebrero 21, 1887 - Natapos ni Rizal ang "Noli Me Tangere." Marso 21, 1887 - Ipinadala ang mga unang kopya ng "Noli Me Tangere" sa mga piling kaibigan. Agosto 5, 1887 - Bumalik si Rizal sa Maynila. Setyembre 2, 1887 - Ipinatawag si Rizal sa Malacanang ni Heneral Emilio Terrero. Disyembre 30, 1887 - Pormal na nag-usisa ang Gobernador Sibil kay Rizal. ○ Rektor ng Arzobispo: "heretikal, walang-galang, at iskandoloso sa relihiyon at di patriotiko at subersibo sa kaayusang publiko." Iminungkahing ipagbawal ang aklat. ○ Aksiyon: nirefer sa Permanenteng Komison ng Sensorship at binigyan ng eskort na guardia civil si Rizal (Jose Taviel de Andrade). Pebrero 8, 1888 - Tumungo si Rizal sa Hongkong. Mayo 24, 1888 - Dumating si Rizal sa Liverpool. Marso 1, 1888 - Nagharap ang gobernadorsilyo ng Maynila ng petisyong humihiling ng pagpapatalsik sa mga prayle. Disyembre 1888 - Itinayo ang samahang La Solidaridad sa Barcelona. Pebrero 1889 - Lumabas ang diyaryong La Solidaridad. La solidaridad 1889 Sulat kay Pardo de Tavera: Humuhulang si Rizal na kung hindi magbabago ang kondisyon sa loob ng 10 taon, magkakaroon ng rebolusyon. Pagkikita nina Del Pilar at Rizal: Nagtagpo sila sa Paris. Pagbuo ng Indios Bravos: Itinatag ni Rizal ang samahan sa Paris. 1890 Sucesos de las Islas Filipinas: Inilathala ni Antonio Morga. Pinasok ng mga kawal ang Calamba: 30 pamilya, kabilang ang mga Rizal, ay binigyan ng 24 oras upang umalis. 1891 Marso: 40 puno ng pamilya ang naipatapon, 300 pamilya ni Rizal ang nawalan ng lupain. Disyembre: Nakipagkalas si Leonor at ibinalitang ikakasal na kay Henry Kipping. 22 Setyembre 1891: Inilathala ang kanyang ikalawang nobela, "El Filibusterismo," na mas radikal at naglalaman ng mga ideya tungkol sa rebolusyon at pagbabago. Pagsisimula ng Liga Filipina: Pormal na inilunsad ni Rizal ang Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892. 1892 Hunyo 26: Bumalik si Rizal sa Maynila at nagtuloy sa Hotel Oriente. Hulyo 1892: Itinatag ang Liga Filipina, isang samahan na naglalayong makamit ang reporma at kalayaan. Hulyo 5: Hinalughog ang lahat ng bahay na binisita ni Rizal. Hulyo 6: Muling pinuntahan ni Rizal si Despujol. Hulyo 7: Dinakip si Rizal at dinala sa Fuerza de Santiago. Hulyo 14: Ipinatapon si Rizal sa Dapitan, na nagmarka ng katapusan ng kanyang politikal na karir at ng Liga Filipina. Hulyo 17, 1892 Pagbuo ng Katipunan: Matapos ang pagpapatapon ni Rizal, si Andres Bonifacio at ang kanyang grupo ay nagtatag ng Katipunan, isang lihim na kilusan na naglalayong humiwalay sa Espanya sa pamamagitan ng armadong rebolusyon. Buhay Sa Dapitan Setyembre 1892: Nanalo ng ikalawang gantimpala sa loteri sina Carnicero at Rizal. Bumili si Rizal ng lupa sa Talisay, isang kilometro mula Dapitan. Nagsaka at nag-aral ng Tagalog grammar at Bisaya. Patuloy ang pakikipagsulatan kay Blumentritt at iba pang mga siyentipiko sa Europa. ○ Mga ipininangalan kay rizal ○ Draco rizali (Wandolleck) - butiking himpapawid ○ Rachophorous rizali (Boetger) - palaka ○ Apoginia rizali (Heller) - uwang 1893: Pinalitan si Pastells ni Juan Ricart at si Carnicero ni Juan Sitges. Nawala sa tungkulin si Despujol at pinalitan ni Heneral Ramon Blanco y Erenas. Agosto 1893: Dumating si Teodora Alonso kasama sina Narcisa at Trinidad sa Dapitan. Ibinalita ni Narcisa ang pagkamatay ni Leonor. ○ Nagpatuloy sa paggamot si rizal ○ Nagtayo ng eskuwelahan ○ Umabot sa 21 ang mga naging estudyante. Pagbasa, pagsulat, arithmetik at geometry, Espanyol at Ingles; agrikultura; boxing, fensing at paglangoy; pamamasyal-masyal, paglalayag, at iba pa. Paghanap sa baston upang makita ng tapang ng estudyante Hulyo 1894: Nagpatuloy ang mga sulat ni Rizal, na naglalaman ng mga mensahe ng pag-asa at suporta. Pebrero 1894: Humiling si Rizal kay Heneral Blanco na palayain siya. 1895: Matagumpay na naoperahan ni Rizal ang kanyang ina. ○ Nabigyang pardon si Paciano at mga bayaw ○ Dumating si Josephine Bracken sa buhay ni Rizal. Josephine Bracken 18 taong gulang. Anak sa labas ni George Taufer, isang sundalong British. Ampon Tunay na magulang: ama: James Bracken (Irish) at ina: isang Tsina. Kasamang dumating sa Dapitan si Manuela Orlac, kalaguyo ng isang prayle. Walang wala sa larangang pangkaisipan subalit mahal na mahal si Rizal. Disyembre 1895 - nakunan si Josephine Hulyo 1, 1896: Kinausap ni Dr. Pio Valenzuela si Rizal tungkol sa planong himagsikan. Nagboluntir si Rizal na maging doktor sa Cuba. Hulyo 31, 1896: Nagpaalam ang buong bayan ng Dapitan kay Rizal. Agosto 19, 1896: Nabunyag ang Katipunan. Agosto 30, 1896: Nagsimula ang rebolusyon sa pagsalakay sa kuta ng San Juan Del Monte. Setyembre 2, 1896: Inilipat si Rizal sa barkong Isla De Panay. Oktubre 3, 1896: Dumating si Rizal sa Barcelona at inilipat sa Monjuich. Oktubre 6, 1896: Barkong Colon patungong Pilipinas. Disyembre 3, 1896: Dumating si Hen. Camilo Polavieja sa Maynila. Disyembre 6, 1896: Nagsimula ang paglilitis kay Rizal. ○ Koronel Francisco Olive: Manipis ang ebidensiya. ○ Maagang Nobyembre - inaresto si Paciano at dinala sa Fuerza de Santiago kung saan siya ininterogeyt at tinortyur. ○ Ininterogeyt ni Olive si Rizal nang limang araw. ○ Ispesyal na hukom: Rafael Dominguez - "pangunahing tagaorganisa at buhay na kaluluwa ng insureksiyon! Disyembre 15 - sumulat si Rizal ng Manifesto sa llang mga Pilipino Disyembre 26, 1896: Nagbigay ng guilty verdict ang Korte Militar. Disyembre 28 - inaprobahan ng Gobernador Heneral ang hatol. Disyembre 29, 1896: Ipinahayag kay Rizal ang hatol. Si Rizal sa Kontemporaneong Panahon Mga Kaganapan at Paliwanag: 1. Crisis at Pagkakataon: a. Ang konteksto ng semi-feudal at semi-kolonyal na sistema sa Pilipinas ay nagdudulot ng panganib at pagkakataon. Ang mga Pilipino ay nahaharap sa pagpili: manatili sa ilalim ng pang-aapi o lumaban para sa kalayaan. Ang mga ideya ni Rizal at Bonifacio ay nag-aanyaya sa mga tao na suriin ang kanilang pagkakakilanlan at ang kanilang papel sa kasaysayan. 2. Pagsusuri sa "Manifesto" ni Rizal: a. Sa kanyang "Manifesto," hindi tinatanggihan ni Rizal ang layunin ni Bonifacio na makamit ang kalayaan. Sa halip, ang kanyang layunin ay linawin ang kanyang posisyon at ipakita ang mga panganib ng rebelyon. Ang kanyang retorika ay naglalaman ng mga takot sa "criminal methods" ng rebelyon, na nagiging dahilan upang hindi niya lubos na kilalanin ang mga positibong aspeto ng pakikibaka. 3. Edukasyon at Virtud ng Mamamayan: a. Binibigyang-diin ng diskurso ang kahalagahan ng edukasyon at mga civic virtues sa pagbuo ng isang politikal na lahi. Ang pagsasanib ng teorya at praktika ay mahalaga sa pagbabago ng lipunan. Ang mga ideya ni Rizal tungkol sa edukasyon ay dapat isama ang mga aspeto ng labor at civic virtues upang makamit ang tunay na pagbabago. 4. Liga Filipina at Katipunan: a. Ang Liga Filipina, na itinatag ni Rizal, ay isang hakbang patungo sa pampulitikang organisasyon at conscientization. Ang Liga ay nagbigay-daan sa mas mabilis na pagbuo ng Katipunan, na naglalayong makamit ang kalayaan. Ang pagkakaroon ng Liga ay nagpapakita ng estratehiya ni Rizal na gamitin ang mga legal na paraan upang maipahayag ang mga ideya ng rebolusyon. 5. Independensya bilang Proseso a. Ang independensya ay hindi isang bagay na ibinibigay kundi isang proseso na dapat ipaglaban. Ang mga Pilipino ay dapat makilahok sa isang patuloy na pakikibaka para sa kanilang kalayaan, at ang mga ideya ni Rizal at Bonifacio ay nagbibigay ng inspirasyon at gabay sa prosesong ito.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser