Panukala sa Paglalagay ng Student's Lounge (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
University of Cebu - Main Campus
2024
Tubalde, Russel Dylan G.; De Asis, Mary Anthonette N.; Ferraren, Jellian Angel A.; Layon, Jhulsane Alneiah S.; Miñoza, Alyanna Marie C.; Saga, James C.; Salanatin, Oliver Rey F.; Tango-an, Rufa Mae M.; Veloso, Lianchkha Xandra
Tags
Summary
This proposal details the plan for a student lounge on the sixth floor of the University of Cebu-Main Campus Senior High School. The proposal outlines the reasons for needing the lounge, the plan for the project, and the budget. Key concerns include a lack of space and the need for better student comfort and study spaces.
Full Transcript
Panukala sa Paglalagay ng Student's Lounge sa Ika-anim na Palapag ng University of Cebu-Main Campus Departamento ng Senior High School University of Cebu-Main Campus Departamento ng Senior High School 12 STEM 2A Mga Miyembro: Tubalde, Russel Dylan G...
Panukala sa Paglalagay ng Student's Lounge sa Ika-anim na Palapag ng University of Cebu-Main Campus Departamento ng Senior High School University of Cebu-Main Campus Departamento ng Senior High School 12 STEM 2A Mga Miyembro: Tubalde, Russel Dylan G. De Asis, Mary Anthonette N. Ferraren, Jellian Angel A. Layon,Jhulsane Alneiah S. Miñoza, Alyanna Marie C. Saga, James C. Salanatin, Oliver Rey F. Tango-an, Rufa Mae M. Veloso, Lianchkha Xandra Panukala sa Paglalagay ng Student's Lounge sa Ika-anim na Palapag ng University of Cebu-Main Campus Departamento ng Senior High School Mula sa G12 STEM 2A (3 Pangkat) J. Alcantara Street Cebu City Ika-12 ng Setyembre 2024 Haba ng Panahong Gugugulin: 20 na Araw I. Pagpapahayag ng Suliranin Ang University of Cebu Main Campus Departamento ng Senior High School ay isa sa mga kilalang paaralan sa Cebu na may mataas na bilang ng mag-aaral, kaya't ang mga klase ay hinati sa umaga at hapon upang matiyak ang kalidad ng pagtuturo. Patuloy na naaakit ang mga mag-aaral na mag-aral sa unibersidad kahit na kulang ang mga silid-aralan. Ang pangangailangan para sa mas maraming espasyo at mga pasilidad ay naging isang mahalagang isyu. Isa sa mga pangunahing suliranin ay nasa ika-anim na palapag ng gusali, na nagtataglay ng pinakamaraming bilang ng mag-aaral sa umaga at hapon. Dahil sa patuloy na pagdami ng mga estudyante, ang kakulangan sa espasyo ay lalong lumalala. Nagiging sanhi ito ng kakulangan ng lugar kung saan maaaring magpahinga, maghintay, o gumawa ng mga proyekto at takdang aralin ang mga mag-aaral. Ang hindi sapat na espasyo ay nagdudulot ng hindi komportableng kondisyon sa mga mag-aaral. Dahil dito, ang pamunuan ng unibersidad ay nahaharap sa hamon ng pagpapabuti ng mga pasilidad at pag-aayos ng espasyo upang mapabuti ang karanasan ng mga mag-aaral. Ang pagpaplano at implementasyon ng mga solusyon para sa kakulangan ng espasyo ay mahalaga upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon at maging komportable ang mga mag-aaral sa loob ng kampus. II. Layunin Makapaglalagay ng mga bangko at lamesa o student’s lounge sa ika-anim na palapag upang may lugar ang mga mag-aaral na mag-aral, maghintay sa klase, at makihalubilo sa ibang kamag-aral. Masisiguro nito ang sapat na lugar para sa mga estudyante at maiwasan ang peligro ng paggawa ng mga proyekto at takdang-aralin sa labas ng paaralan. III. Plano ng Dapat Gawin Petsa Gawain Pangalan Ika-10 ng Pagpapasa at Aproba Ikatlong pangkat ng Setyembre 2024 (1 araw) 12 Stem 2A Ika-11 hanggang Pangangalap ng mga presyo sa Ikatlong pangkat ng 18 ng Setyembre mga gamit na kakailanganin para 12 Stem 2A 2024 sa proyekto. (1 linggo at isang araw) Ika-19 ng Pagsasagawa ng pagpupulong Ikatlong pangkat ng Setyembre 2024 para sa badyet at kakailanganing 12 Stem 2A kontribusyon ng bawat mag-aaral ng 12 STEM 2A.(1 araw) Ika-20 hanggang Pagbili o pag-order ng mga Ikatlong pangkat ng 28 ng Setyembre kagamitan na kinakailangan sa 12 Stem 2A 2024 proyekto. (1 linggo at 1 araw) Ika-29 ng Paglalagay ng mga upuan at Ikatlong pangkat ng Setyembre 2024 lamesa sa pasilyo (hallway) ng 12 Stem 2A ika-anim na palapag. (1 araw) IV. Badyet BILANG NG PAGLALARAWAN PRESYO NG PRESYONG AYTEM NG AYTEM AYTEM (Php) PANGKALAHATAN 2 piraso Monoblock long table 1613 3226 2 piraso 6ft foldable bench chair 1354 2708 Kabuuang Halaga Php 5,934. 00 V. Pakinabang Para sa mga estudyante ng University of Cebu Main Campus Departamento ng Senior High School. Nakakatulong ang proyekto na paglalagay ng "student's lounge" sa ika-anim na palapag nang University of Cebu sa mga estudyante. Dito maaaring makapaghintay at manatili ang mga estudyante kapag meron silang bakanteng oras. Maari din silang mag aral at gawin ang kanilang proyekto o gawain dito ng maaga. Sa pagkakaroon ng student’s lounge magkaroon sila ng isang komportable na lugar na pwede silang manatili. Lugar kung saan sila makakaplano o maka brainstorm ng maayos para sa kanilang mga gawain. Para sa mga guro at bisita, nakakatulong din ang proyekto na ito sa kanila. Maari din gumamit ang mga guro nito kapag sila ay may kinokunsulta na estudyante o kapag sila ay naghihintay sa kasunod nilang klase at para narin makapag pahinga sila habang naghihintay. Maari din gumamit ang mga bisita nito habang naghihintay sa kanilang mga “appointment“ o pakay sa.pagbisita. Sa pangkalahatan, ang pagkakaroon ng student's lounge ay masasabi na ang lahat ay makikinabang dito at makakabuti ito sa paaralan ng University of Cebu Main Campus Departamento ng Senior High School. VI. Halimbawang Larawan