Panitikan ng Rehiyon: Filipino 202 Module - Kabisayaan PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Pamantasan ng Lungsod ng Pasig

Tags

Philippine Literature Regional Literature Kabisayaan Filipino Language

Summary

This document appears to be a module of a Filipino language course titled Panitikan Ng Rehiyon (Literature of Regions). It provides introductions to some of the literature of the Kabisayaan region, including details about Labaw Donggon and other folk tales. It may also contain learning objectives, summaries, and references.

Full Transcript

![](media/image2.png) PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City KOLEHIYO NG EDUKASYON KAGAWARAN NG FILIPINO Unang Semestre 2024-2025 **Pamagat ng Asignatura**: FIL 202 -- Panitikan Ng Rehiyon (Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas) **Deskripsyon ng Asignatura:...

![](media/image2.png) PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City KOLEHIYO NG EDUKASYON KAGAWARAN NG FILIPINO Unang Semestre 2024-2025 **Pamagat ng Asignatura**: FIL 202 -- Panitikan Ng Rehiyon (Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas) **Deskripsyon ng Asignatura: Ang kursong ito ay pag-aaral sa iba't ibang anyo ng panitikan/literatura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusuri sa mga tekstong pampanitikang hango sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas. Matatalakay rin ang teoryang pampanitikang magpapaliwanag ng simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng sistematikong paraan ng paglalarawan ukol dito.** **Paksang-Aralin:** LITERATURA SA KABISAYAAN Labaw Donggon Ugali ng Tagabukid Ang Pinagmulan ng Bohol Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan Ang Tambuli ni Ilig Ang Habilin ng Ina Inaasahang Pagkatuto: Naibubuod ang mga piling akda Nasusuri ang mga akda gamit ang teoryang pampanitikan Napahahalagahan ang kasaysayan, tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng mga lugar sa bansa na makikita sa mga akda Pagtalakay/Paglalahad: **LITERATURA SA KABISAYAAN** Ang **Visayas** ay isa sa tatlong grupo ng mga isla sa Pilipinas na kasama ng Luzon at Mindanao. Ito ay binubuo ng iba't ibang mga pulo sa gitnang bahagi ng kapuluan ng bansa. Ang Visayas ay binubuo ng ng tatlong rehiyon na nahahati sa 16 na mga probinsya. Ang mga pangunahing isla nito ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar. Ang **Kanlurang Visayas (Rehiyon VI)** ay binubuo ng isla ng Panay at kanlurang hati ng Negros. Ang mga probinsya nito ay Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental. Ang Palawan ay naging bahagi ng rehiyon nito noong Hunyo 5, 2005. May mga alamat na nakapaloob sa librong Maragtas, tungkol sa sampung datu na tumakas mula sa paniniil ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang mga Datu at ang kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga Bisaya. Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama't ito ay isang alamat, base pa rin ito sa mga katotohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa isang aklat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong 1907. Kiniray-a o Hiyara ang wikang gamit ng mga nasa gitna at katimugang bahagi ng Iloilo, lahat ng lalawigan ng Antique at karamihan sa lalawigan ng Capiz. Hiligaynon naman ang wikang gamit sa Lungsod ng Iloilo at sa lahat ng mga bayan nitong malapit sa dagat, sa Guimaras, sa Lungsod ng Roxas sa Capiz, sa Bacolod at sa halos lahat ng bahagi ng Negros Occidental. Ang *Ilongo* ay kasalukuyang ginagamit bilang mas informal at mas popular na Hiligaynon. Ang mga taga-Aklan naman ay gumagamit ng wikang Aklanon na nagmula sa Kiniray-a. Malawak ang sakop ng mga katutubong literatura ng kanlurang Visayas. Ito'y binubuo ng maiikling bugtong, sawikain, tula, mga awit pang-ritwal, mga awit ng pag-ibig hanggang sa mga mahahabang epiko. Ang tula ay *binalaybay* at ang kwento naman ay *asoy* o *sugilanon*. Ito ay maaaring maging isang alamat o kwento ng isang *folk hero* tulad ng isang epiko. Ang pinakakilalang epiko ng Panay ay ang *Labaw Donggon* at *Hinilawod*. Ang bugtong ay paktakon at ang sawikain naman ay *hurabaton.* Pareho itong may dalawang linya at may tugma. Ang mga katutubong awit ay maaaring kasimpayak ng *ili-ili (lullaby)* o kasing kompleks ng *ambahan*, isang awit ng pag-ibig kung saan may soloista at may koro. kung sino sa binatang kanilang kinakatawan ang dapat pakasalan ng isan babae Ang *siday* ay isang tunggaliang patula kung saan ang dalawang makatang kumakatawan sa dalawang pamilya ay nagpapagalingan sa pagtula (*siday sa pamalaye*). Ang tunggalian sa pagtula ng isang babae at lalaki ay tinatawag na *balitaw.* Ang mga awit pang-ritwal ay ginagawa ng mga *babaylan* o manggagamot upang palubagin ang mga *diwata* o espiritu kapalit ng kalusugan, magandang kapalaran at masaganang ani. Sa pagdating ng mga Kastila at ng Kristyanismo, nagkaroon ng bagong hugis ang mga katutubong literatura ng kanlurang Visayas. Ito na rin ang simula ng paglilimbag ng mga dasal at buhay ng mga santo na sinalin sa Kinaray-a, Hiligaynon at Aklanon. Isa na rito ang *luwa*, isang nakatutuwang tula na may apat na linya at binibigkas ng talunan sa *bordon*, isang larong popular sa mga lamayan (*belasyon*); at ang composo, isang madamdaming awit tungkol sa buhay ng isang katutubong bayani o isang mahalagang pangyayari sa kamunidad. Dumarami rin ang mga literaturang panrelihiyon tulad ng *Flores de Mayo,* isang awit-dasal para sa Mahal na Birheng Maria na sinasabahayan ng pag-aalay ng bulaklak tuwing buwan ng Mayo. Ang *pasyon,* na gumugunita sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus na naging kaugalian tuwing Semana Santa. Ang *gozos,* na isang siyam na araw na novena sa isang santo na nagbibigay diin sa pagiging Kristyano at gumugunita sa buhay nina Hesus at Birheng Maria. Tuwing may kapistahan, ang kinokoronahang reyna ay inaalayan ng *pagdayaw,* isang tulang pumupuri sa kanyang angking kagandahan. Dalawang uri ng dula ang umusbong noong panahon ng Kastila. Ito ay ang *moro-moro,* isang maaksyong dula na kumokondina sa mga pagano at Moro at ang *zarzuela* na isang dramang musikal na naging vehikulo ng mga subersibong gawain laban sa mga Kastila. Ang pagdating ng Amerikano ang tinuturing na *Golden Age* ng literaturang Hiligaynon. Sa panahong ito nakilala ang unang nobelang *Benjamin* ni Angel Magahum, at ang mga makatang sina Delfin Gumban, Serapion Torre, Flavio Zaragoza Cano na isa ring tagasalin mula sa wikang Kastila; Rosendo Mejica, isang manunulat at peryodista; Jose Ma. Ingalla at Jose Ma. Nava, mga batikang kompositor ng sarzuela; Miguela Montelibano, isang mandudula; Magdalena Jalandoni, isang nobelista at makata ; Augurio Abeto at Abe Gonzales, mga manunulat ng sanysay; at ang mga batang nobelistang si Ramon L. Musones at ang makatang si Santiago Alv. Mulato. Sina Gumban, Torre at Zaragoza Cano ang mga nagtutunggali sa tula, ang tunggaliang ito ay pinasidhi ng balagtasan. Ang pagbuo ng *Hiligaynon* magazin ng *Liwayway* Publications sa Maynila at ng *Makinaugalingon* *Press* ni Rosendo Mejica ng Iloilo City ay lalong nagpalakas sa literaturang Hiligaynon. Kabilang naman sa **Gitnang Visayas (Rehiyon VII)** ang mga pulo ng Cebu at Bohol, at ang silangang hati ng Negros. Ang mga probinsya nito ay Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor. Ang gitnang Visayas ay ang tinaguriang Prinsesa ng Kabisayaan. Napapaloob dito ang Cebu, ang pinakamatandang lungsod sa buong Pilipinas at ang tinaguriang Queen City of the South. Cebuano ang wikang ginagamit hindi lamang ng gitnang Visayas kundi ng halos sang-apat na bahagi ng Pilipinas. Ang salitang Cebuano ay nanggaling sa *Subuhanon* na ang ibig sabihin ay *lumakad sa tubig.* Noong unang panahon daw, mababaw ang mga pampang at ang mga manlalakbay na paparating ay nakikita ang mga taong lumalakad sa pangpang na wari nila'y naglalakad sa tubig. Ngayon, ang terminong Cebuano ay ginagamit hindi lamang bilang pantukoy sa wika kundi pati na rin sa mga gumagamit ng wikang ito kahit saan pa siya nanggaling. Bihirang makakita ng isang Crbuanong hindi mahilig tumugtog at umawit. Kakambal ng pagtugtog ng instrumento ay ang pag-awit ng *ambahan,* *awit,* o *biyao* na inaawit para sa ibat ibang okasyon. Kasama na rito ang *saloma (sailor songs), hila, hele, holo,* at *hia (work songs), dayhuan (drinking songs), kandu (epic songs), kanogon (dirges), tirana (debate songs),* at *balitao* o *romansada* (mula sa balitao) at mga *awit-dasal (chant)*, awit sa panliligaw at awit ng kasal, mga *lullaby,* mga awiting pambata, at mga awiting sinasabayan ng sayaw at pagtugtog ng gitara. Sa pagpasok ng mga Kastila, lumawak ang kaalaman ng mga Cebuano hinggil sa kanlurang musika. Ang Cebu ay nakilala sa kanilang galing sa paggawa at pagtugtog ng gitara. Nadaig ng gitarang Kastila na tinatawag na sista ng Cebuano ang iba pang katutubong instrumentong de-kwerdas. Ipinakilala rin ng mga Kastila ang pag-awit ng mga awiting pamasko na tinawag nilang dayegon at mga awit ng pag-ibig na kilala bilang harana. Dahil dito, naging mahalagang ambag ng Gitnang Visayas ang mga komposisyong pansimbahan. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo ay namulaklak ang musikang Cebuano dahil sa pagbubukas ng mga tanghalan tulad ng *Cebuano Theater* noong unang bahagi ng 1900. Mga sarzuela ang paboritong itanghal kayat lalong dumami ang mga compositor, mangaawit at artista sa entablado. Ang *Teatro Oriente* sa Cebu ay nakilala sa pagtatanghal ng mga sarswelang Cebuano at Kastila, mga operang Italyano at mga *bodabil* na estilong Amerikano. Dito rin napapanood ang mga dula ni Buenaventura Rodriguez at Florentino Borromeo na sinasabayan ng malaking orkestra. Sa mga baryo naman ay nagpatuloy ang pagtatanghal ng mga Cebuanong *balitao* dahil na rin sa pagpapatuloy ng mga gawaing pansimbahan. Kaya hindi rin kataka-taka na kahit sa mga baryo ay magkaroon ng mga pagtatanghal ng dula at pagtugtog ng mga lokal na orkestra. Sa paglipas ng mga panahon, ang mga pelikula at pagtatanghal sa radyo ay humuhulma sa pagkamalikhain ng mga kompositor at artistang Cebuano. Samantala, ang **Silangang Visayas (Rehiyon VIII)** ay binubuo ng mga isla ng Leyte at Samar. Ang mga probinsya nito ay Biliran, Leyte, Timog Leyte, Silangang Samar, Hilagang Samar, at Samar. Ang mga lalawigang ito ay sumasaklaw sa pinaka silangang mga pulo ng Visayas: Leyte, Samar, at Biliran. Ang kabiserang panrehiyon ay ang Lungsod ng Tacloban. Ang Literatura ng Silangang Visayas ay nakasulat sa wikang Waray at sa wikang Cebuano. Ang pangongolekta, pagtatala at pagdodokumento ng literaturang Waray ng mga iskolar at mananaliksik ay nagsimula sa pagpupursigi ng isang paring Aleman na namamahala sa isang universidad sa Tacloban dahil sa pangangailangang pag-ingatan ang yamang literatura ng rehiyon. Kaya't tuwing pinag-uusapan ang litertura ng silangang Visayas, ang tinutukoy dito ay ang literaturang Waray. May mga literatura ang Silangang Visayas na nakasulat sa Cebuano ngunit kulang o hindi pa ito naitatala nang husto. Ang pinakaunang tala ng literatura ng silangang Visayas ay nagsimula pa noong 1668 nang idokumento ng isang paring Hesuitang nagngangalang Padre IgnacioFrancisco Alzina ang iba't ibang uri ng tula tulad ng candu, haya, ambahan, canogan, bical, balac, siday at awit. Inilarawan din niya ang susumaton at posong, bilang mga unang mga tulang narativ. Ang pagsasama ng sining ng pagtatanghal ay nababanayad na rin sa mga tula, ritwal at mga sayaw. Ang mga sayaw ay nagpapahiwatig ng mga kasiya-siyang gawain ng mga Waray noong unang panahon. Dahil sa halos tatlong siglong pananakop ng Kastila at pagdating ng panahon ng mga Amerikano, ang mga lumang ritwal at mga tula ay sumailalim sa mahabang proseso ng pagbabago. Ang *balac* na isang tudyuan na patula sa pagitan ng isang babae at lalaki ay tinawag na *amoral* noong panahon ng Kastila. Ito namn ay napalitan ng *ismayling* galing sa Ingles na *smile* noong panahon ng Amerikano. Ayon sa isang *literary investigator,* ang *balac* o *ismayling* ay nagkaroon ng bagong anyo upang magpakita ng mga damdaming laban sa imperyalismo. Ang babae ang kumakatawan kay Inang Bayan at ang lalaki naman sa mga Pilipinong nagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa bayan. Ang kasalukuyang literaturang Waray ay binubuo ng tula at dula na nagsimula pa noong 1900. Gumanda nag takbo ng ekonomiya at dahil dito maraming limbagan ang nabuksan. Ang *An* *Kaadlawon* ang unang dyaryong Waray ang nakatulong sa pamumulaklak ng ng mga tulang Waray. Ang *An Lantawan* sa Leyte ay naglimbag ng mga relihyosong tula at mga satirikong tula nina Bagong Katipunero, Luro, Datoy Anilod, Marpahol, Vatchoo (Vicente I. de Veyra), Julio Carter (Iluminado Lucente), Ben Tamaka (Eduardo Makabenta), at Kalantas (Casiano Trinchera) na tumuligsa sa mga tiwaling ofisyal ng pamahalaan at nagbigay ng mga komentaryo sa mga nangyayari sa paligid. Kasunod nito ang pag-usbong ng mga bagong makata na sila Agustin El O'Mora, Pablo Rebadulla, Tomas Gomez Jr., Filomeno Quimbo Singxon, Pedro Separa , Francisco Aurillo, at Eleuterio Ramos. Ang dramang Waray ay karaniwan na sa mga baryo tuwing may kapistahan. Isang *hermano* mayor ang sumusubaybay mula sa pagsulat hanggang sa pagtatanghal nito para sa ikasasaya ng mga manonood. Ito ang bumuhay sa mga manunulat ng dula at tagapagtanghal. Maraming dula na naitatanghal sa ngayon ay nagmula pa sa makalumang tradsyon ng hadi-hadi at *sarswela.* Ang *hadi-hadi* ay nauna pa sa *sarswela.* Ito'y isang dramang itinatangha tuwing may kapistahan at ang tema nito ay ang digmaan ng mga Kristyano at Muslim. Ang unang sarswelang naitanghal noong 1899 sa Tolosa, Leyte ay ang *An Pagtabang* *ni San Miguel* ni Norberto Romualdez. Pinukaw ng sarswelang ito ang maraming manonood dahil sa ganda ng kanyang musika at aksyon. Maliban kay Romualdez, marami pang naging tanyag na manunulat ng sarswela tulad nina Alfonso Cinco, Iluminado Lucente, Emilio Andrada Jr. Francisco Alvarado, Jesus Ignacio, Margarita Nonato, Pedro Acerden , Pedro Separa, Eduardo Hilbano, Morning Fuentes, Virgilio Fuentes, at Agustin El O'Mora. **Labaw Donggon** (Buod) Isa sa tatlong anak ni Diwata Abyang Alunsina at Buyung Panbari si Labaw Donggon. Kagila-gilalas ang kanyan katauhan dahil pagkasilang pa lamang niya ay agad na siyang lumaki. Siya'y natuto na ring magsalita, naging matalino at lumaking malakas. Minsan, nagpaalam si Labaw Donggon sa kanyang ina upang hanapin ang isang dalagang nagngangalang Anggoy Ginbitinan. Madali niyang natunton ang kinaroroonan ng dalaga at nakamit niya ang pagsang-ayon nito upang sila ay makasal.Hindi pa nagtagal ang kanilang pagsasama, muling umalis si Labaw Donggon upang suyuin naman ang dalagang si Anggoy Doroonan na kanyang napagasawa rin. Hindi kalaunan, napamalita ang kagandahan ng babaeng si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata kung kaya't umalis muli si Labaw Donggon upang suyuin ang ikatlong babae. Ngunit si Nagmalitong Yawa ay may asawa na, Buyong Saragnayan. Hindi pumayag si Buyong na ibigay ang kanyang asawa kay Labaw kung kaya't naglaban ang dalawang lalaki. Tumagal nang maraming taon ang kanilang paglalaban sapagkat kapwa sila nagtataglay ng pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si Buyong sa tubig at ito'y tumagal nang pitong taon sa ilalim ng tubig. Pinaghahampas ni Labaw si Buyong ng mga puno ngunit nagkalasug-lasog ang mga punong pinanghampas niya. Hinawakan niya sa paa ang kanyang kalaban at kanyang ipinaikut-ikot sa hangin ngunit buhay pa rin si Buyong. Nang mapagod si Labaw, siya naman ang itinali ni Buyong na parang baboy at ikinulong sa silong ng kanyang bahay. Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonan, Si Baranungan. SiAnggoy Ginbitinan ay nagkaanak din, si Asu Mangga. Ang dalawang bata ay nagpaalam sa kani-kanilang ina upang hanapin ang kanilang ama. Nagkita ang magkapatid sa kanilang paghahanap at ipinasya nilang magsama upang palayain ang kanilang ama sa kamay ni Buyong. Nang marating nila ang lugar ni Buyong, hinamon ni Baranugan si Buyong sa isang labanan. Hindi nagapi ni Buyong ang binata, ngunit agad siyang humingi ng tulong sa mga impakto. Isang kawan ng mga impakto ang dumating. Nilabanan ng magkapatid ang mga impakto at sila'y nagtagumpay. Ngunit hindi mamatay-matay si Buyong. Agad na humingi ng tulong si Baranugan sa kanyang lolang si Alunsina. Ayon sa matanda, kailangang pumatay silang magkapatid ng isang baboy-ramo upang mapatay nila si Buyong. Nang makatagpo ang nagkapatid ng baboy-ramo ay agad nila iyong pinatay. Lumindol at dumilim nang magkapatid si Buyong. Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang am ngunit hindi nila natagpuan ang ama sa silong ng bahay ni Buyong. Maging sina Humadapnon at Dumalaplap, mga kapatid ni Labaw ay tumulong na rin sa paghahanap. Nang matagpuan nila Labaw ay isa nang sintu-sinto. Ginamot nila Anggoy Doronan at Anggoy Ginbitinan ang kanilang asawa. Nang bumalik ang katinuan ni Labaw, ipinagtapat niya sa kanyang dalawang anak na lalaki na si Nagmalitong Yawa ay may dalawa pang magagandang kapatid na babae. Noon din ay umalis sina Baranugan at Asu Mangga upang hanapin ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa. **Composo Hinggil sa Pangyayari Noong Ika-29 ng Marso:** **Marcopa, Kabangkalan, Negros Occidental** salin ng Kumposo Sang Natabo Marso 29: Marcopa, Kabankalan, Negros Occidental Salin ni Romualdo M. Protacio Mga kanayon, makinig sa akin Isang komposa aking sasambitin Marso 29 ang araw na angkin Walong tao sukat ba namang dakipin Hayaang aking isalaysay kanilang pinagdaanan Na umabot hanggang kina Toting, sa may bukohan Sa kahulihulihan sila ay dinala Sa bahay ng pulis na si Ikot Garcia Sila ay inembestigahang isa-isa Sobrang pagpapahirap naranasan nila Sa walo, naisalba lang ay isa Si Ikot Garcia ang humusga Ang pito ay pinag-gugulpi Ngmga armadong militari Sa kanilang pagmamakaawa, mga awtoridad ay bingi Sila ay sinakal, ginapos at binikti Sa kanilang bibig ay wala nang mamutawai Hanggang sa sila'y ginapos sa isang *piggery* Sadyang kaawaawa ang kanilang kondisyon Ni walang pagkain sa tiyan ay ibinaon Pitong tao ay hinayaang magutom Tadyak at sipa kanilang ininom Ito ang simula ng kanilang Seman Santa Martes nang sila'y iginisa Nagsisigawan lahat ng biktima Ito ang kanilang penitensya Lahat sila'y itinali sa babuyan Isa ay iniimbestigahan habang ang isa'y inuupakan Sa lalim nang gabi'y nagsisigawan Walang nakaligtas, ang paglaya'y 'di pinahintulutan Sa kahulihulihan sila ay dinala Sa kampo ng Mayor, sa kanyang hacienda Malalim ang hinukay nila sa lupa At ang pito'y inilibing ng buhay pa. **Ugali ng Tagabukid** ni Erwin S. Sustento salin ng may-akda ng kanyang *Batasan sang Taga-uma* **Si Tiyoy** Naguyuhum-yuhum si Tiyoy Oscar nahil-ob na kuno ginapursyentuhan nga uma kay Tay Berto Gin bangot sang hugot ang iya karbaw asis a tun-og, kag kapung-aw sang gab-I siya magasagap pakadto-pakari **Tiyoy Oscar** Ngumingiti si Tito Oscar Tapos na raw ang gawain Sa pinupursiyentuhan na lupa Kay Tatang Berto Ipinugal nang mabutia ang kalabaw Baka sa hamog at kadili Ng gabi Siya maghahanap paroo't parine Madason nga makit-an Nagalibut-libot na sila tana Sa tunga sang ila deharyo Serbesa kag sibarilyo Kasubong sang aso Ila kakutoy sa panarbahao Magalupad-lupad piho Kaupod sang ila pursyento Susunod namakikita Lumilibot na silang lahat Sa gitna ng deharyo Serbesa't sigarilyo Katulad ng usok Pagod na sila sa trabaho Lilipad piho Kasama ng kanilang pursyento **Si Nanay** Pagpanilaok sang manok Si nanay malumpat na Mangita bugas parasa Pamahaw Nagadagun-dagon Mamuhog pa siya baboy Agud tayuyon Iya pag-ubra Pagsilak sang adlaw Si Nanay makit-an sa uma nagapanggarab Nagapangabudlay Para sa pulo niya ka bata Samtang si Tatay Nagmanihar sang manibela Kag sang preno para sa iya pamahaw Kag paneharyo. **Si Inay** Pagtilaok ng manok Si Inay lulundag agad Maghahanap ng bigas para sa Almusal Nagmamadali Magpapakain pa ng baboy Upang tuloy-tuloy Kanyang gawain Pagsikat ng araw Si inay, makikita sa bukid Gumagapas ng palay Nagpapakahirap Para sa sampung anak Habang si Itay Nagmamaniobra ng manibela At preno Para sa miryenda At paneharyo. **Taga-uma** Naga-karum-karom Magahinutlog Nga daw sa sardines Kahakos and tagiptipon nga ulunan Habol nga katsa Buta sang sulsi Ang ila capital Sa salug nga kawayan Kag dapya Sang malamig nga hangin Nga hamot dagami. Bali wala lang Naga huruyangak Waay sapayan Sang iya tiil nga puno lunang Nga wala pa gain mahugasi Padayon sa pagtulog samtang ang ido nagabordahe mahumu-uk man gihapon ining pobre nga taga-uma para may kakusog. sa buwas sa aga. **Tagabukid** Dumidilim nakahanay parang mga sardinas kayakap ang maitim-itim na unan kumot na katsa puno ng sulsi ang kanilang pananggalang sa sahig na kawayan at simoy ng malamig na hangin na amoy na dagami Bale wala lang nahihimbing di alintana ang kanyang paa na puno ng putik na hindi pa nga nahuhugasan Patuloy sa pagtulog habang ang aso paroot parine nahihimbing pa rin ang kawawang tagabukid upang may lakas bukas ng umaga. **Ang Pinagmulan ng Bohol** salin ng *Myth of Boho*l ni Francisco Demeterio, S.J. salin ni Patrocinio V. Villafuerte Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap. Isang araw, ang kaisang-isang anak na babae ng datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang datu. "Tanod may sakit ang anak ko, Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot. Ngayon din!" Nang dumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng datu... "Magagawa ng matandang lalaki ang anuman na makakagaling sa kanya!" ang sabi ng datu. Sinuri nang mabuti ng manggagamot ang maysakit. Pagkatapos ng pagsusuri, nag-usap ang manggagamot at ang datu sa labas ng kubo. Tumawag ng pulong noon din ang datu. "Mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay, makinig kayo sa akin. Maysakit ang aking anak na babae at ang tanging hiling ko ay ang inyong tulong. Sundin ninyong lahat ang tagubilin ng manggagagamot, upang makabalik ang dating lakas ng aking anak." "Mga lalaki, dalhin ninyo ang maysakit sa malaking puno ng balite. Hukayin ninyo ang lupang nakapaligid sa mga ugat," ang utos ng manggagamot. "Gagawin namin ang inyong ipinag-uutos alang-alang sa pagmamahala namin sa datu at kanyang kaisa-isang anak na babae!" Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng datu. Pinuntahan nila ang kinatatayuan ng puno ng balite. Ang maysakit na anak ng datu ay isinakay nila sa duyan. Hinukay ng ilang lalaki ang lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite. Nang ito'y matapos.... "Dalhin ang maysakit sa kanal! Ang tanging makakagaling sa kanya ay ang mga ugat ng malaking puno ng balite." Buong ingat na inilagay sa kanal ang maysakit. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa. "Ooooops, Aaaa. Ama ko, tulungan ninyo ako Ama..." At ang babae'y tuluyang nahulog sa hukay ng ulap. "O, diyos ko. Ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa akin. O, hindi! Ang aking anak!" "Huli na ang lahat, Datu. Siya'y patay na!" Sa ilalim ng ulap ay may malaking daluyan ng tubig. Gumulong sa hangin ang maysakit bago tuluyang bumagsak ang katawan sa malaking daluyan ng tubig. Nakita ng dalawang bibe ang pagkahulog ng babae. "Isplas! Wass! Isplas! Nagmamadaling lumangoy ang dalawang bibe at mabilis na bumagsak sa likod nila ang katawan ng babae. Sa kanilang mga likod namahinga ang maysakit. "Kwak! Kwak, kwak, kwak!" At isang pulong ang idinaos. "Ang babaeng kababagsak lamang mula sa ulap ay labis na nangangailangan ng tulong. Kailangang tulungan natin siya." "Oo, dapat tayong gumawa ng bahay para sa kanya." "Lumundag ka, palaka, at dalhin mo ang dumi ng puno sa ibaba." ang utos ng pagong. Sumunod ang palaka ngunit hindi siya nagtagumpay. Inutusan naman ng malaking pagong ang daga. Siya ma'y sumunod nguunit bigo. Hanggang sa... "Susubukin ko," ang kusang loob na sabi ng malaking palaka. Sa pagkakataong ito, ang lahat ng hayop ay nagsigawan at nagpalakpakan, maliban sa malaking pagong. "Natitiyak naming hindi mo iyan magagawa. He he he ! Ha-ha-ha." "Subukin mo baka ikaw ang mapalad." Huminga nang malalim ang matandang palaka at nanaog. Sa wakas, ang samyo ng hangin ay dumating at sumunod ang matandang palaka. Sa kanyang bibig, nagdala siya ng ilang butil ng buhangin na kanyang isinabog sa paligid ng malaking pagong. At isang pulo ang lumitaw. Ito ang naging pulo ng Bohol. (Kung susuriin ang likod ng pagong , mapapansin ang pagkakatulad nito sa hugis at anyo ng Bohol). At dito nanirahan ang babae. Nanlamig ang babae kaya't muling nagdaos ng pulong. " Kailangan nating gumawa ng paraan para siya mainitan." "Kung makaaakyat ako sa ulap, makukuha ko ang kidlat at makagagawa ako ng liwanag," ang sabi ng maliit na pagong. "Gawin mo ang iyong magagawa. Marahil ay magiging mapalad ka." Isang araw, nang hindi pa gaanong dumidilim, uminog ang ulap at tinangay ang pagong nang papa-itaas. "Uww-sss! Brahos!" Mula sa ulap, kumuha siya ng kidlat. "Brissk! Brumm! Swiss!" Nabuo ang araw at ang buwan na nagbigay ng liwanag at init sa babae. Mula noon, naninirahan ang babae sa piling ng matandang lalaki na nakita niya sa pulo. At nanganak siya ng kambal. Sa kanilang paglaki, ang isa'y naging mabuti at ang isa'y naging masama. "Ihahanda ko ang Bohol sa pagdating ng mga tao." Ang mabuting anak ay gumawa ng mga kapatagan, mga kagubatan, mga ilog at maraming hayop. Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis. Ngunit ang ilan sa mga ito'y sinira ng masamang anak. Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis ang mga isda kaya't mahirap kaliskisan ang mga ito. "Ano ang ginawa mo?" "Walang halaga lahat 'yan." "Walang halaga?" Bakit mo pinahihirapan ang iyong sarili sa paggawa rito? Hangal ka!" "Inihahanda ko ang lugar na ito para sa pagdating ng mga tao." "Dito, dito'y wala tayong kinabukasan. Samantalang sa ibang lugar ay hindi ka kailangang gumawa. Isa kang baliw!" Kaya't naglakbay sa kanluran ang masamang anak. Dito siya namatay. Samantalang ang mabuting anak ay nagpatuloy sa pagpapaunlad ng Bohol at inalis ang mga masasamang ispiritung dala ng kanyang kapatid. Hinulma ng mabuting anak ang mga Boholano sa pamamagitan ng pagkuha ng dalawang lupa sa daigdig at hinugis ang mga ito ng katulad ng tao. Sila'y nabuhay. "Ngayong kayo'y naging lalaki at babae, iniiwan ko sa inyo ang mga magagandang katangiang ito: kasipagan, mabuting pakikitungo, katapatang kabutihang-loob, at mapagmahal sa kapayapaan." Ikinasal ang dalawa at nagsama. Isang araw, kinausap sila ng mabuting anak. "Narito ang iba't ibang uri ng buto. Ibig kong itanim ninyo ang mga butong ito para kayo matulungan. Gawin ninyong laging sariwa at magandang tirahan ang lugar na ito." Nang malaunan, ang mabuting anak ay lumikha ng igat at ahas katulad ng isda sa ilog. Lumikha rin siya ng malaking alimango. "Humayo kayo, dakilang igat at dakilang alimango saan mang lugar na ibig ninyong pumunta." Sinipit ng malaking alimango ang malaking igat. Nagkislutan ang dalawa at ang kanilang paggalaw ang lumikha ng lindol. Ito ang dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol, maging sa lupa o sa dagat, at ang igat na kauna-unahang nilikha ng mabuting anak. Gustong-gusto kainin ito ng mga Boholanos. Hindi sila kumakain ng palaka dahil iginagalang nila ang mga ito. Hindi rin nila kinakain ang mga pagong katulad ng ibang mga Bisaya kahit maaaring ihain ang mga ito sa handaan. Sanggunian: Almario, V. (2006). Pag-unawa sa Ating Pagtula. Mandaluyong City: ANVIL Publishing, Inc. Arrogante, J.A. et al. (2004). Panitikang Filipino (Antolohiya). Mandaluyong City: Cacho Hermanos Inc. Casanova, A. et. al., (2011). Mga Kuwentong-Bayan ng Katimugang Pilipinas. Mandaluyong City: ANVIL Publishing, Inc. Mag-atas, R.U. (1994). Panitikang Kayumanggi. Valenzuela City: Printing Co., Inc. Villafuerte, P. et. al., (2006). Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser