MAIKLING-KWENTO116-REVIEWER.pdf
Document Details
Tags
Full Transcript
MAIKLING KWENTO 116 REVIEWER MAIKLING KWENTO- Isang anyong panitikan na may layuning magsalaysay isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. -Layunin nito manlibang EDGAR ALLAN POE- Ama ng maikling kwento sa buong mundo DEOGRACIAS A. ROSARIO- Ama ng maikling kwen...
MAIKLING KWENTO 116 REVIEWER MAIKLING KWENTO- Isang anyong panitikan na may layuning magsalaysay isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. -Layunin nito manlibang EDGAR ALLAN POE- Ama ng maikling kwento sa buong mundo DEOGRACIAS A. ROSARIO- Ama ng maikling kwentong tagalog DAGLI - Unang anyo ng maikling kwentong tagalog RONALDO TOLENTINO- Ang modernong maikling kwento ang pinakabuso sa mga anyong panitikan sa bansa 2 MEDELO NG PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO RONALDO TOLENTINO- May pihit (twist) JAMES JOYCE- Tahimik na paglamulat sa wakas ng kwento URI NG TAUHAN BILOG/ROUND CHARACTERS - Nagbabago ang katauhan sa loob ng akda LAPAD/ FLAT CHARACTERS- Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula ng kwento hanggang sa katapusan UGAT NG MGA MAIKLING KWENTO MITOLOHIYA- Salaysay na tungkol sa iba't-ibang diyos na pinapaniwalaang mga sinaunang katutubo. ALAMAT- Pinagmulan ng isang bagay PABULA- Uri ng kwento na gumagamit ng hayop PARABULA- salaysay na hango sa bibliya KWENTONG BAYAN- Ipinapakita ang pag-uugali, tradisyontradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi ANEKDOTA- Salaysay na pangyayaring katawatawa at ang pangyayari ay kapupulutan ng aral sa buhay KAHALAGAHAN NG MAIKLING KWENTO 1. Pagpapalawak ng imahinasyon 2. Pagpapahalaga sa wika at kultura 3. Pagpapahayag ng kaisipan at damdamin 4. Pag-aliw 5. Edukasyon 6. Aral/mensahe MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO SIMULA -makikita ang tauhan, tagpuan at ang tema SULIRANIN makikita ang problema na hahanapan ng kalutasan SAGLIT NA KASIGLAHAN - makikita ang aksyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas ng suliranin KASUKDULAN dito nahihiwatigan ang mangyayari sa tauhan; pinakamataas na uri ng kapanabikan KAKALASAN tulay tungo sa wakas WAKAS ito ang kinahinatnan ng buong akda 3 BAHAGI NG MAIKLING KWENTO 1. Simula 2. Gitna 3. Wakas ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO 1. Banghay 2. Tunggalian 3. Tema 4. Tauhan 5. Tagpuan (lunan at panahon) 6. Diyalogo 7. Panauhan/Paningin BANGHAY- Ito ay tumutukoy sa pagkakaayos ng mga pangyayari habang isinasalaysay ito; pinagisipan kung paano ilalahad at pinipili kung alin ang mga itatampok na pangyayari. SULIRANIN O TUNGGALIAN- Ang pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang may maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos. MGA SULIRANIN O TUNGGALIAN 1. Tao laban sa sarili 2.Tao laban sa tao 3. Tao labas sa kalikasan 4. Tao laban sa lipunan TEMA- Ang tema ay isang pundamental na bahagi ng bawat akda, nagbibigay-daan sa mga manunulat, mang-aawit, at mga siningero na magbahagi ng kanilang mga mensahe at damdamin sa kanilang mga gawa. TAUHAN- Ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. KARANIWANG TAUHAN- Pangunahing tauhan Katunggali ng tauhan TAGPUAN- Walang pagsasalaysay o naratibo na mabubuo kung walang lugar na pinagyarihan ng kwento at panahon kung kailan ito naganap DIYALOGO- Ginagamit ang diyalogo upang gawing makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-uusap ng tauhan. IBA'T IBANG URI NG NARASYON DIYALOGO- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag- uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari. FORESHADOWING- Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento. PLOT TWIST- Tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento. ELLIPSIS- Pag-alis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. COMIC BOOK DEATH- Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento. DEUS EX MACHINA (GOD FROM THE MACHINE)- Nababago rin ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na tila walang solusyon sa pamamagitan ng biglang pagpasok ng isang tao, bagay, at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng kuwento. URI NG PANINGIN PANINGIN SA UNANG-PANAUHAN - Ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang panauhan ("ako"). PANINGIN SA PANGATLONG PANAUHAN - Ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. TINAKDANG OBHETIBONG PANINGIN- Ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya'y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay. OBHETIBONG PANINGIN - o paninging palayon, na ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatatala nito ang bawat nakikita at naririnig PANINGING PANARILI-isang paraan ng pagsulat sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o stream of consciousness. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may- akda na ang isipan at damdamin ay naaayon,sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. PANINGING LAGUMAN- Magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paninging ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagamat hindi rin siya dapat punmasok sa katauhan ng ibang tauhan maliban sa pangunahing tauhan. Kanta ka muna Magbalik: Song by Callalily Wala nang dating pagtingin Sawa na ba saking lambing Wala ka namang dahilan Bakit bigla na lang nang iwan Di na alam ang gagawin Upang ika'y magbalik sa'kin Ginawa ko naman ang lahat Bakit bigla na lang naghanap Hindi magbabago Pagmamahal sa iyo Sana'y pakinggan mo Ang awit ng pusong ito Tulad ng mundong hindi Tumitigil sa pag-ikot Pag ibig di mapapagod Tulad ng ilog na hindi Tumitigil sa pag agos Pag ibig di matatapos Alaala'y bumabalik Mga panahong nasasabik Sukdulang mukha mo ay Laging nasa panaginip Bakit biglang pinagpalit Pagsasamaha'y tila nawaglit Ang dating walang hanggan Nagkaroon ng katapusan Hindi magbabago Pagmamahal sa iyo Sana'y pakinggan mo Ang awit ng pusong ito Tulad ng mundong hindi Tumitigil sa pag-ikot Pag ibig di mapapagod Tulad ng ilog na hindi Tumitigil sa pag agos Pag ibig di matatapos Tulad ng mundong hindi Tumitigil sa pag-ikot Pag ibig di mapapagod Tulad ng ilog na hindi Tumitigil sa pag agos Pag ibig di matatapos Tumitigil (pag ibig di matatapos) Tumitigil Pag-ibig di matatapos