Modyul sa Fil101: Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan 2020-2021 PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Summary

This document is a module for a Filipino language course on language and culture in peaceful societies. It covers the definition of language, cultural importance, and links to the Filipino context. A course for undergraduate Filipino language learners.

Full Transcript

MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City KOLEHIYO...

MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES DEPARTAMENTO NG FILIPINO Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021 KURSO Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (Subject) YUNIT Yunit I: Batayang Konsepto ng Wika (Chapter) Kahulugan at Damulat ng Wika, Kultura at Lipunan; kapayapaan at pagpapaunlad ng bayan. PAMAGAT NG Kahalagahan, Kalikasan at Katangian ng Wika at Kultura ARALIN sa Konteksto ng Lipunang Pilipino (Lesson Title) Kaugnayan ng Wika sa Kultura ng Wika sa Lipunan, ng Wika sa Kapayapaan at Papel ng Wika sa Kaunlaran Mga Mahahalagang Teorya sa Wika at Kultura Pagkatapos ng 2 linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga sumusunod na layunin: 1. makapaglahad at makapagpapaliwanag ng ugnayan ng LAYUNIN NG wika, kultura at lipunan. batay sa napiling larawan na ARALIN kinuha mula sa internet; (Lesson Objectives) 2. makatutukoy at makapagpapaliwanag ng mga batayang konsepto ng wika; 3. makabubuo ng meme na nagpapakita ng kahulugan, kalikasan at katangian ng wika at kultura sa konteksto ng lipunang Pilipino; 4. makatutukoy, makapaglahad at makapagpaliwanag ng mga mahahalagang teorya sa wika at kultura; at 5. makapagsususri ng isang pelikula/dokumentaryo. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL LAGOM NG Matatalakay sa yunit na ito ang mga batayang konsepto ng PANANAW wika pati na rin ang mga mahahalagang teorya sa pagkatuto (Overview/ ng wika at kultura. Introduction) 1. Ano ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan? PAGSUSURI 2. Ilahad ang kahalagahan ng wika sa pagkamit ng kapayapaan (Analysis) sa isang lipunan? 3. Magbigay ng mga pangyayari na nagpapakita ng ugnayan ng wika at kultura sa isang lipunan. 4. Paano ginagampanan ng wika at kultura ang pagpapanatili ng iyong pagkakakilanlan sa isang lipunan? 5. Bilang isang mag-aaral na may natatanging wika na ginagamit sa isang komunidad, paano mo ginagamit ang wika bilang instrumento sa pagpapanatili ng kaayusan sa inyong komunidad? PAGLALAHAD BATAYANG KONSEPTO NG WIKA (Abstraction) Ang pinakmahalagang interes ng pag-aaral sa wika ay hindi ang wika mismo kundi ang gamit nito- kung paaano ang wika nagpapakita sa tao, ang sosyal niyanf kaligiran, mga pangarap at mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan ng kung saan siya kasapi (A.D. Edwards, 1979). Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pagbabalik-tanaw sa kahulugan ng wika at ilan pang impormasyon sa wika bilang wika. At ang pinakatunguhin ng susunod pang talakayan ay ang pag-aaral sa wika bilang kultura at ang kaugnayan nito sa araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa kapuwa niya tao at sa iba pang miyembro ng lipunan na kanyang MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL kinabibilangan. Gamit pa rin ang wika- natututo siyang makitungo sa mga taong nasa labas ng kanynag lipunan. Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang makapagsabi na nakahihigit o mas nangunguna ang wika niya kaysa sa iba. Kung may pangalan o simbolo ang isang bagay sa mag Amerikano, ganoon din ito sa mga Pilipino. Sa mahigit na 6,000 wika sa buong daigdig, walang nakalalamang o superyor na wika. KAHULUGAN NG WIKA = Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito-y umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi istatik. Ang mga dalubhasa sa wika ay may iba’tibang pakahulugan sa wika. EDWARD SAPIR (1949)- ang wika ay isang likas at makataong at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. CAROLL (1954)- ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unit- unting paglilinang sa loob ng maraming dantao at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukot na isang set ng mga hulwarean ng gawi na pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o kumunidad. TODD (1987)- Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL magkapareho bagaman ang bawat isa ay may sari-sariling set ng mga tuntunin. BUENSUCESO- ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. TUMANGAN,SR.ET AL.(1997)- Anmg wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. GLEASON- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA Sinabi ni Virgilio Almario, “kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo”. Natumbok sa winika ni Almario ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan. Kung ano ang sinasabi at wikang sinasalita ng tao, iyon din ang uri ng pagkataong mayroon siya. Nahulma ang pagkatao ng isang indibidwal mula sa kanyang ugali, paniniwala at pamamaraan ng buhay na maaaring bunga ng lipunang kinabibilangan. Impluwensya ito ng kinalakhang lipunan kaya kung paano magsalita at ano ang paggamit ng wika ay larawan din ng ugali. Bagaman pamilya ang unang may malaking ambag sa paghubog ng pagaktao ngunit ang patuloy na pakikisalamuha sa lipunan ay magdudulot din nang higit na ambag sa pagiging tao. Maaaring manatili ang ilang kinagawian at pwede ring may mababago o pagbabago dulot din ng pagtanggap sa mga umpluwensya ng lipunang dala sa pag-usbong ng siyensya,teknolohiya at integrasyon ng mga lipunan tulad ng ASEAN na integrasyon, kung may nakalilimot man, ito ay depende na sa tao at sa impluwensya ng lipunan sa kanila. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Ang kabatiran sa isang wika ay kabatiran din sa lipunan na ginagamit ang wikang ito. Karaniwan itong mapapansin sa karanasan ng Filipinong angtatrabaho sa ibang bansa. Halimbawa, ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Sausi Arabia na nagkikita sa isang hotel. Kung napapansin ni OFW-A na si OFW-B ay may puntong Filipino (o kahit anong wika sa Pilipinas) sa pagsasalita, tatanungin agad ito ni OFW-A kung taga-Pilipinas ba siya at saan sa Pilipinas. Sa puntong ito, ang Pilipinas bilang kanilang komon na lipunan ay nagsisilbing tulay sa kanilang komunikasyon. Tiyak pa, gagamitin nila ang wika Filipino sa pag-uusap. Ang pag-uusap ng dalawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa. Ito ang sinasabi ni Trudgill (2000) na panlipunang tungkulin ng wika. Ipinapahayag sa sitwasyong ito na hindi lamang simpleng pakikipagkomunikasyon ng impormasyon ang wika. Isa rin itong pinakamahalagang paraan sa pagbuo at pagpatibay ng koneksyon at relasyon sa ibang tao. Malamang bding ang pinakamahalagang bagay tungkol sa kanilang kombersasyon ang lipunang ang-ugnay sa kanila at ang bwikang ginagamit. Maaaring sa pagtira nila sa ibang bansa ay may impluwesnya at pagbabago sa kanilang ugali at kilos dahil sa bagong wika, lipunan at kultura ng palibot. Hindi naman ito hadlang sa pgpapanatili ng wika at lipunang kinalakhan. Maliban na lamang kung magkakaroon ng tuluyang paglimot ng kanyang pinanggalinagn dulot sa kawalan ng pagkakataon na magamit ang wikang kinagisnan at kawalan ng magpaalala sa pinagmulang lipunan. Ang sitwasyong ito ay gawi ng tao sa kanyang wika o tinatawag na gawi sa wika (language behaviour). May binanggit si Trudgill (2000) na dalawang aspekto ng gawi sa wika na mula sa panlipunang punto de bista: MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL 1. Ang tungkulin ng wika sa pagbuo ng panlipunang relasyon, 2. Ang papel na ginagampanan ng wika sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa tagapagsalita. Sa unang aspekto, isang instrumenyo ang wika sa pagkakaunawaan at pagbuo ng ugnayan sa isa’t isa. Ang ikalawang aspekto naman ay nagsasabing tagapaglarawan ang wika sa gumagamit nito. Naglalahad ito ng estado sa buhay, ng kinabibilangang ;ipunan, ng ideolohiyang pinaninindigang at iba pa. Malinaw na ang dalawa aspekto ng linggwistikong gawi na ito ay mga repleksyon ng katotohanang mayroong malapit na inter-relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Talagang ang wika ay sisang sistema ng komunikasyon kung saan ang tunog o simbolo ay nagtataglay ng mga bagay, kilos at ideya. Ayon kay Tumangan, Sr. Et al (1977), ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panadang binigkas na sa pamamagitan nito ay angkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. Ginagamit ito sa komunikasyon. Bagaman ang wika ay primaryang sinasalita at hindi isinusulat subalit sa paglaganap ng teknolohiya at mga mabag ng pagabbago naging esensyal na rin ang pagsulat na anyo nito. Halimbawa: Sa lipunan ng negosyador pangkapayapaan at negosasyong pangkapayapaan (peace negotiator and peace nogotiation) ang pasulat nma wika ay esensyal upang madokumento ang napagkasunduan ar anumang resolusyon. Kaya sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng pasulat na midyum at sa kalaunan ang sistema ng paglimbag ay naging daan na sa pagtatala ng mga impormasyon. Maiiwasan o makapagtatanggal ito ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit nito bilang instrumento sa ugnayan ng lipunan ng mga tao. Mungkahing MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL akisipan ito ni Malinowski (nasa Gellner 1998) na wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at pakikipagtalamitam (pakikipag-usap). Ito ang isang kailangang-kailangan na kasangkapan para sa pagbuo ng pagkakaisa ng lipunan sapagkat kung wala ito imposible ang pinag-isang panlipunang kilos. Samaktwid, wika ang pusod ng sangkatauhan at kabaitan. KAHALAGAHAN NG WIKA Sa kasalukuyan, Ingles ang lenggwahe ng globalisasyon. Ito ang linggwa franka ng mundo. Ang wika ay kasaman sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. Ang lahat ng bagong imbensyon na nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t ibang parte ng mundo. Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad, maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, sining at humanidades. Sa Pilipinas, Filipino ang pambansang linggwa franka. Ito ang wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang wika sa pakikipagkomunikasyon upang magkaintindihan. Alamin natin ang mga kahalagahan ng wika; 1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan. Ang wika ay tagapaghatid ng mga ideya o kaisipan na nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan ng bawat indibidwal o grupo man. Ngunit maaari ring magbigay ng maling kaisipan o impormasyon ang wika na magiging dahilan ng di pagkakaunawaan. 2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao. Tagapaghatid ito ng mga mensaheng pangjkaibigan o pakikipagpalagayang loob. Naipapaalam sa pamamagitan ng wika ang iba’t ibang emosyong nararamdaman ng bawat nilalang o grupo, maging ito’y pagkatuwa, pananabik, hinanakit, atbp. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL 3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita. Sa wikang ginagamit ng isang tao makikilala kung nasa anong posisyon o istatus ng buhay mayroon ang nagsasalita. Halimbawa, makikilala ang taong may pinag- aralan sa taong walang pinag-aralan sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit niya. Ang kapangyarihan ng wika sa taong gumagamit nito ay malakas na pwersang makapagpapasunod sa sinumang mababa sa kanya ang katayuan. 4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang karanasan. May mga salitang natatangi lamang sa isang grupo ng mga tao. Ang maratabat (pride sa wikang ingles) halimbawa ng mga Maranao, Maguindanao at iba pang etnikong grupo na matatagpuan sa Mindanao ay hindi matatagpuan sa wika ng ibang grupo. Ang salitang maratabat at ang konsepto niyo ay kaugaliang bahagi ng kultura ng partikular na grupong nag-aangkin lamang nito. Nangangahulugan ito ng pagbabangon ng dignidad na nadungisansa iba’t ibang kaparaanan na nangangailangang itindig anuman ang kahantungan o paraang gamitin. Ang salitang pakbet na isang uri ng luto o pagkain ay popular sa mga Ilokano, tulad din ng batsoy na isang uri rin ng lutuing popular naman sa mga ilonggo. Kung ang salitang btapis at nagmula sa mga taga-Luzonn at taga-Visayas, ang salitang malong naman ay popular sa mga taga-Mindanao partikular sa grupo ng mga Muslim. 5. Ang wika ay pagkakakilalan ng baway pangkat o grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap. Kapag ang nagsasalita o isang ispeker ay maririnig mong nagsabi ng “Wa ka kasabot?” (Hindin mo naintindihan?), masasabi ng nakaririning na pamilyar sa wika na ang nagsasalita ay isang Bisaya-Cebuanao. Kapag narinig naman ang “Damo gid ang akon nabal-an” (Talagang marami akong nalaman), ang nagsasalita ay isang Ilonggo. Ilokano naman ang nagsasalita kung ganito ang sasabihin MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL niya, “Napintas nga balasang” (magandang dalaga), “Napintas ti balasang?”(Ang magandang dalaga). Kahit na hindi sila magpakilala ng kanilang pangkat na pinanggalingan ay makikilala sila dahil sa wikang gamit nila. Maging ang mga bakla o bayot ay may kakaibang salitang ginagamit na hindi ginagamit ng ibang grupo ng tao. 6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit. Ang wika ng panitikan ay masining. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ang yamang-isip ng bawat pangkat. Ang panitikan ay lalong napapaganda nang dahil sa mga piling salita na gamit ng mga malikhaing manunulat. Malayang naipapahayag sa panitikan sa pamamagitan ng wika ang matatayog na pangarap, naiiisip o nadaraman ng sambayanan. Naopapahyag din dito ang dapat manatili at dapat baguhin, at maging ang mga nakalipas na mga pangyayaring naglalarawan ng sanlibutan, at ang mga kasalukuyang pangyayaring hindi lantad sa iba. 7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi. Wika ang dahilan kung bakit napag-aralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat kahit nasa malayo man silang lugar. Pasulat man ito o pasalita, wika ang naging daan para makilala natin ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang lahi. 8. Ang wika ang tagapagbigkis ng lipunan. Wikang panlahat ang tagapag-ugnay ng bawat mamamayan para mabuo ang solidong pagkakaunawaan at kapatiran sa bawat bansa o mundo. Halimbawa- Filipino ang linggwa franka sa buong Pilipinas. Ito ang wikang nag-uugnay sa mamamayan ng bansa. Ang Ingles ay isa sa mga linggwa franka ng daigdig na nagbubuklod samaraming bilang ng mga mamamayan ng daigdig. KALIKASAN NG WIKA Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak, sa panahon ng kanyang paglaki ay nagsasalita siya ng wikang kanyang kinagisnan at natutunan niya sa kanyang kaligiran. Kaya ang isang Cebuano ay nagsasalita ng Cebuano kung ipinanganak MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL dahil lumaki siya sa kaligirang Cebuano, tulad din ng Ilonggo na nagsasalita ng Hiligaynon o kaya’y Kinaray-a o iba pang varayti ng Hiligaynon, at ng Maranao na nagsasalita ng wikang Maranao. Ngunit kapag ang isang Ilonggo na mula pagkabata ay itinira sa syudad ng Iligan na nag wika ay Cebuani, lalaki siyang nagsasalita ng Cebuano dahil sa impluwesnya ng kanyang kaligiran. Malaki ang impluwensya sa kanya ng kalikasan ng wikang ginagamit ng kanyang kaligiran. Narito ang mga kalikasan ng wika; 1.Pinagsama-samang tunog. Ang wika ay pagsasama- sama ng mga tunog na nauunawaan ng mga tagagamit nito na kapag tinuhog ay nakabubuo ng salita. Nabubuong salita mula sa mga tunog na ito ay may kahulugan. 2. May dalang kahulugan. Bawat salita ay may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap. 3. May gramatikal istraktyur. Binubuo ito ng ponolohiya at morpolohiya (pagsasama ng mga tunog upang bumuo ng salita), sintaks (pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pngungusap), sematiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap), at pragmatiks (nagpapaliwanag sa pagkakasunod-sinod o pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap), sa partisipasyon sa isang kombersasyon at sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng tagapagsalita at tagapakinig. 4. Sistemang oral-awral. Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral) at pakikinig (awral). Ang dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigay-hugis sa mga tunog na napapakinggan. Ang lumalabas na tunog mula sa bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang kahulugan ng nakikinig. 5. Pagkawala o ekstinksyon ng wika. Maaaring mawaka ang wika kapag hindi na nagagamit o wala nang gumagamit. Tulad din ito ng pagkawala ng salita ng isang wika, i.e., ang MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL salitang banggerahan na bahagi ng sinaunang ayos ng kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga pinggan; baso atbp. Ay hindi na lam ng maraming kabataan sa ngayon. Dahil nagkakaroon ng pagbabagong istruktural ang bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang panahon at tuluyan nang di gagamitin ang salitang banggerahan kaya masasabing mawawala na ito o pupunta sa ekstinksyon. Hinid lamang salita o bahagi ng vokabularyo ng isang wika ang maaaring mawala. Ang buong wika ay maaaring mawala kung wala nang tagapagsalita ng wikang ito o kung hindi na ginagamit ang isang partikular na wika ng tagapagsalita nito dala ng, halimbawa, akulturasyon. Nangyari na ang pagakawala ng wika ng mga taga-Califirnia na wikang Yahi Indiansa pagitan ng 1853-1870. Nangyari rin ito sa wikang Eyah ng Alaska nang ang huling dalawang matanmdang nagsasalita nito ay pumanaw. Karamihan sa wikang nawawala ay wika ng mga minorya. 6. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus. Dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming grupo at/o etnikong grupo ang mga lahi o lipi. KATANGIAN NG WIKA Anumang wika ay nagtataglay ng sumusunod na katangian. 1. Dinamiko/buhay. Dahil dinamiko ang wika, ang vokabularyo nito ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Aktibo itong ginagamit sa iba’t ibang larangan. Hindi lamang ito pang-akademya kundi pangmasa rin. 2. May lebel o antas. May wikang batay sa gamit ay tinatawag na formal at di-formal, pang-edukado, balbal, kolokyal, lalawiganin, pasensya at pampanitikan. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Demedepende ang lebel o antas ng wika sa mga taong gumagamit nito at maging sa uri ng lugar na pinanggamitan. Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit sa palengke. Iba rin ang wika ng taong nakapag-aral kaysa sa taong hindi nakapag-aral. 3. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung wlaang salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrumento ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman. 4. Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. May pagkakaiba man ang mga wika, wala namang maituturing na superyor o imperyor. Napagsisilbing lubos ng partikular na wika ang lipunang gumagamit dito, kaya walang makapagsasabi na nakahihigit ang kanyang wika sa wika ng iba. 5. Magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring papaghiwalayin anhg wika at kultura. Maaari kayang may wika ngunit wlaang kultura? O, maaari kayang may kultura ngunit walang wika? Ang totoo, anuman ang umiiral sa kultura ng isang lipunan, ay masasalamin sa wikang ginagamit ng nasabing lipunan. Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay anangangahulugan ding pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang pagkakakilanlan sa isang kultura. 6. Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina /propesyon. Bawat disiplina/propesyon ay may MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL partikular na wikang ginagamit, kung kaya may mga partikular na rejister na lumalabas o nabubuo. Halimbawa, may mga salitang partikular na gamit lamang ng mga doktor, may kanya rin ang mga abogado, ang mga magsasaka at iba pang grupo. Maaaring may mga salitang pareho ang anyo na ginagamit sa iba’t ibang larangan ngunit may iba’t ibang kahulugan. Isang halimbawa rito ay ang salitang komposisyon. Sa larangan ng musika, ito ay nangangahulugang pyesa o awit; sa larangan ng wika, ito ay silatin; at sa larangan ng syensya, ito naman ay pinagsama-samang tunog. WIKA SA LIPUNAN PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA Hindin maiwawaglit sa pagtalakay ng ugnayan ng wika at lipunan o anumang tungkulin ng dalawa sa isa’t isa ang pagtukoy sa kahuluhan ng wika at lipunan. Nailahad na sa naunang bahagi ang kahulugan ng wika na sistema ng simbolo. Simbolo ito na maty mga elemento tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, semantika/pragmatika at tuntunin gaya ng gramatika. Bunga ang mga ito sa napagkasunduang paggamit ng lipunan sa isang wika. Sa kabilang banda nman, nabanggit ni Wardhaugh (2006) na ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin. Komprehensibong konsepto ang lipunan dito ngunit mahalaga ang komprehensibong pananaw na ito dahil sa iba’t ibang uri ng mga lipunan na nagbibigay ng direktang impluwensya sa wika o bise bersa. Maaaring mahulma ritoa ng kabuluhan ng wika sa palibot: ang wika ay kung ano ang sinasalita ng isang partikular na lipunan. Halimbawa, ang lipunan ng mga bayot/bakla ay may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita at nakauunawa. Kinikilala nila at ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na bekimon. Gumagamit naman ng sarili nilang wika sa teknikal nitong MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL kahulugan ay anyo. Ang kalagayan na ito ng wika at lipunan ay naipapaliwanag sa mga araling tumatalakay sa interrelasyon ng wika at lipunan sa isa’t isa. SOSYOLINGGWISTIKA Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipuinan nito at ang pag-aaral ng buhay panlipunan sa pamamagitanm ng linggwistika (Coupland at Kaworkski,1997). Pagtatagpo nito ng wika at impluwesnya ng lipunan sa isang tao. Ang sosyolinggwistika ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika at lipunan na may layunin sa pag-unawa sa istraktura ng wika at kung paano gumaganan ang mga wika sa komunikasyon (Wardhaugh 2006). Higit ang empasisi rito sa wika bilanmg may direktang relasyon sa lipunan. Itro ay tinatawag rin na mikro-sosyolinggwistika. Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang at maaari itong magamit upang ilarawan ang maraming iba’t ibang paraan ng pag-aaral ng wika. Ito ba ay tungkol sa kung paano ang mga indibidwal na nagsasalita gamitin ang wikaA? Ito ba ay tungkol sa kung paano ginagamit ng mga tao ang wika sa magakakiibang bayan o rehiyon? Ito ba ay tungkol sa kung paano ang isang bansa ay napasiya kung anong wika ang nakikilala sa mga korte o edukasyon? Sa kaso ng Pilipinas, ang pagkakaroon ng pulo-pulong anyo nito ay lumulikha ng iba-ibang paraan ng paggamit ng wika. Matutunghayan ito sa paraan ng pagbigkas, sa bokuabularyong ginagamit, sa istruktura at iba pa. Bahagi ng usapin din ng sosyolinggwistika ang pagkakaroon natin ng pambansang wika at mga opisyal na wika-ang wika Filipino at Ingles. Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong pagkakaiba-iba sa paraan na ginagamit nila ang kanilang wika. Ito ang tinatawag na baryason ng wika. Bahagi ito ng ugnayan ng wika sa lipunan kung saan ito ginagamit. Ang mga baryasyong ito ay ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko), at istruktura MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL (gramar). Maaaring may mga bagyang pagkakaiba lamang sa pagitan ng mga anyo ng isang wika, gaya sa paraan ng pagbigkas. Halimbawa, ang bigkas ng mga Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ng “pera” ay nagiging “pira”. Ito ang mapapansin sa isang patalastas ng Palwan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbidahan ni Aling Dionesia, ang ina ni Senador Manny Pacquiao. Hindi lamang sa bahaging ito amapapansin ang baryasyon sa wika. Minsan may mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga kalalakihan at kababaihan, iba’t ibang mga klase sa lipunan, at mga pagkaka9iba sa pagitan ng mga pangkat ng edad. Samakatuwid, ang mga sosyolinggwistika ay nakatuon sa pagkakaiba-iba ng wika na mula sa lipunan. Ang mga baryasyon at pagkakaibang ito ay bunga ng mga panlabas na faktor o dahilan gaya ng heyugrapikal o grupong sosyal. Tinalakay ninA Santos, et al. (2012) ang heyograpikal at sosyal bilang pangunahing ugat sa pagkakaiba ng wika. Heyograpikal na pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Halimbawa, ang Cebuano ay magkakaroon ng ibang paraan ng paggamit sa mga lugar ng Iligan kaya naging Cebuano-Iligan, Cgayan de Oro kaya naging Cebuano- Cagayan de Oro, Surigao, kaya naging Cebuano- Surigaonon. Soyal naman na salik ng baryasyon ng wika ang wtaga dahil sa posisyong sosyal o panlipunan ng bawat grupo. Ang konteksto ng pagkakaiba-iba ng gamit ng wika dulot ng sosya; na paktor ay tinatawag naman na sosyolek. Halimbawa, nito ang lipunan ng mga babae ay ,mapapansing may sariling paraan ng pagpapahayag na kaiba rin sa mga lalaki. Samaktuwid ito ay wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan. Maaaring ang grupo ay MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL nagkakaiba ayon sa edad, kasarian, uri ng trabahop, istatus sa buhay, uri ng edukasyon, at iba pa. May mga paraan o barayti naman ng paggamit ng wika na makikita sa sumusunod: REJISTER Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga gruping gumagamit nito na maaaring hindi maunawaan ng ma taong hindi kasali sa grupo o hindi familyar sa profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan (Santos,Hufana at Magracia, 2008). Ang guro ay may mga salita na grupo lamang nila ang nagkakaunawaan at gumagamit tulad ng lesson plan. Ang abogado naman ay may mga termino na sila lamang ang nakakaunawa gaya ng salitang order (sa parirala na order of the court) na nangangaihulgang kaayusa. DISIPLINA/ EKSPRESYON PROPESYON debit balance asset Akawntant cash flow book value credit panitikan gramatika Guro sa Filipino tula nobela ponolohiya morpema airball assist bounce pass Basketball player chest pass dribbling foul MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL ARGOT Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi limitado, ng mga magnanakaw at iba pang mga kriminal. Layunin nito an maiwasang mabatid o maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang kombersasyon sa loob ng samahan. Halimbawa: Sigue-sigue commando-gang o grupo sa bilibid Budol-budol gang- grupo na nagunguha ng pera sa pamamagitan ng panloloko BALBAL O SLANG Hindi sekreto ang kahulugan ng mga salita, higit na pampubliko, mas pangkalahatang magagamit at syempre mas kagalang-galang. SALITA KAHULUGAN nosi ba lasi sino ba sila yosi sigarilyo ermat mama erpat papa astig tigas Haggardo Versoza haggard Tom Jones gutom keber walang pakialam charot biro erpa/erps gwapo/maganda petmalu malupet lodi idol imal lami igop pogi MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL SOSYOLOHIYA NG WIKA Tinatawag din itong makro-sosyolinggwistika. Sabi ni Fishman (1997), patulopy na gumagamit ang tao ng wika- [asalota, pasulat at maging nakalimbag man- at patuloy rin siyang nakikipag-ugnayan sa kapuwa sa pamamgitan ng mga ibinahagaing mga norm ng pag-uugali. Dito nabuo ang papel ng sosyolohiya ng wika na sumusuri sa interaskyon sa pagitan ng nabanggit na pag-uugali ng tao: ang paggamit ng wika at ang sosyal na samahan ng pag-uugali (social organization of behavior). Sa madaling salita, ang sosyolohiya ng wika ay sumasaklaw sa mga paksa na may kaugnayan sa panlipunang samahan ng pag-uugali ng wika (social organizatiob of language behavior), kabilang hindi lamang ang paggamit ng wika sa bawat isa kundi kasama rin ang mga saloobin sa wika )language attitued( at mga pag- uugali ng pag-uusap sa wika at sa mga gumagamit ng wika. Lipunan ang tuon ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika samantalang ang sosyolinggwistika ay tungkol naman sa relasyon ng wika sa lipunan. Maaaring sabihin sa bahaging ito na ang dimarkasyon ng dalawa ay bmakikita sa paksang nais tingnan sa wika bilang produkto ng lipunan. Halimbawa, kapag napansin mo na si A ay may ibang pagbigkas ng tunog kaysa kay B kahit na pareho silang gumagamit ng wika ito ay may kaugnayan sa sosyolinggwistika. Sa kabilang banda, kapag higit ang pagturing ni A sa wikang Ingles bilang wika ng karunungan at si B naman ay higiy na nagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino bilang pambansang pagkakakilanlan, ito ay nasa larang ng sosyolohiya ng wika. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL ANTROPOLOHIKONG NG LINGGWISTIKA Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa paggawa at pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan ay mga panlipunang kaayusan. Tinitingnan dito ang wika sa pamamagitan ng lente ng natrolohikal na konsepto-kultura-upang makita ang kahulugan sa likod ng paggamit, maling paggamit o hindi paggamitng wika, ng iba’t ibang anyo nito, mga rehistro at estilo. Sinabi ni Foley (1997) na binibigyang diin ng Antrolohikong linggwistika ang larang ng linggwikstika upang maipaliwanag ang kultural na konteksto ng wika. ETNOLOGGWISTIKA Ugnayan ng wika at kultura ang tuon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika. Ayon kay Underhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May konotasyon ang larang na ito kung pagbabatayan ang kasamang salita nitong etnik/o na maaaring tumukoy sa mga marhinal na grupo-mga Lumad, Igorot,Meranao, at iba pa. Paliwanag ni Underhill. May dalang konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil sa mga marhinal na grupo. Habang ito naman ay maaaring mangangahulugang karaniwang grupo gaya ng imigrant na grupo at mayoryang grupo. Gayunpaman, sa lenete nito higt ang pagtingin sa pag-aaral ng wika sapagkat ito ay isang larang ng linggwistika na pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at kultura, at ang paraan ng iba’t ibang grupo ng etniko na nakikita ang mundo. Ito ang kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya at lingguwistika. Kinikilala rin ito bilang kultural na lingguwistika. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Halimbawa, mauunawaan lamang ng mg kapatoid nating Merano ang konsepto at pagpapakahulugan ng rido ngunit kahit maiinitindihan ito ng kristyano, hindi pa rin lubos maramdaman sapagkat wala sa kanilang kultura. ISTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN PANLIPUNANG ESTRUKTUA NG WIKA May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na rito ang panlipunang istruktua na maaring makaimpluwensya o kumilala ng linggwistikong estruktura at/o pag-uugali. Halimbawa rito ang ating bansang Pilipinas na may iba-ibang wika na sinasaliat dahilsa anyo na pulo-pulo. Ang mga baraytu ng wika na ginagamit brito ay sumasalamin sa kanilang kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong pinagmulan at maaaring kasarian rin. Gayundin, ang Pilipinas bilang bansang sinakop ng ilang taon ay naging dahilan rin para makabuo ng wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo ng wika ng mananakop (halimbawa kastila) at wikang bernakulae-gaya ng chavacano sa lungsod ng Zamboanga. Ang mga nabuong wika rito ay wika ng lipunan. Ang tinatawag na communicative isolation ay ang hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga pangkat sa isang partikular na lugar o bansa. Nangingibabaw parin ang rehiyunalismo. Antututo ang mga bata sa wikang kanilang sinasalita at pinatatatag ang katangiang taglay ng isang dayalektonhg naagamit na. Ang pagbabagong ito ng wikang sinasalita sa isang partikular na lugar ay hindi nangangahulugan na kakalat na ito sa ibang lugar. Sa isang grupo nng mga tagapagsalita na parating nag-uusap-usap sa isa’t isa ay maibabahagi nila ang pagbabagong ito sa kanilang grupo at matututunan ito ng kanilang mga anak o iba pang kasambahay. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Kung mayroon mang pisikal na hadlang sa pakikipagkomunikasyon tulad ng dagat, bundok o maaaring sa lipunan tulad ng politika, mga angkan o grupo ng tao at maging sa uri ng relihiyon- sa madaling salita hindi maibabahgai nang madalian ang pagbabagong lingguwiastika sapagkat may mga hadlang o sagabal (interference) sa komunikasyon at dahilan na rin sa kalakasan ng pagkakaiba sa dayalekto (dialecr differences). Ang pagkakaiba sa mga dayalekto ay ang pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na umusbong sa 9siang rehiyon na hini naibahagi sa iba pang rehiyon. Kasamang maririnig ang pagkakaiba sa punto twuing magsasalita. Amg punto o accent ay ponolohikal o ponetik na pagbabago sa paraan ng pagbigkas at katangian ng pagsasalit na siyang pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng nasabing dayalekto. DIYALEKTO Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyomng heyograpiko. Tinatawag din itong wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malakim man o maliit. Makikilala ang dayalekto hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distink na bokabularyo kundi maging sa punto o0 tono at istruktura ng pangungusap. Katulad din ito ng bernakular na palsak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan, lalawigan at pamayanajn. Nagsisilbi itong midyum ng komunikasyon sa isang pook na kung saan nasabing katutubong wika ay nabibilang (Belvez,2003). IDYOLEK Ang bawal indibidwal na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa’t isa ngunit wla sa kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ay pagkakaiba sa edad, kasarian, kalgayang pisikl o pangkalusugan, personalidan, lugar na pinaggalingan at MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL marami pang ibang faktor. Ang bukod tanging wika ng isang inbidwal ay tinatawag na idyolek. Ito ang pekyulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal. Maaaring sa tono, mga salitang gamit o sa estilo ng kanyang pagsasalita atbp. Pansinin ang natatanging pagsasalita nina Kris Aquino, Mike Enriquez, Mommy D at iba pa. TABOO May mga salita sa lipunan na tinatawag na taboo. Iyo ay ang mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring ganitin sa isang porma na usapan sa lipunan. Kug ang gawain ay taboo, ang paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Una ipinagbabawal ang paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na bukas sa mga mata ng publiko at ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na sa pormal na usapan at domeyn. Mahirap itong bigkasin sa mga lugar na pampubliko at tinitingnan ng mga nakikinig na hindi tama. Sa halip, papalitan ito ng mga salitang yufemismo. Halimbawa, bawal sabihin ang puki,nagtae atbp. YUFEMISMO Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng mga salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi masabi dahil malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di-magandang pakinggan. Halimbawa nito ay nagsiping sa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa halip na namatay, sakses sa halip na tumae atbp. KOMUNIDAD NG PAGSASALITA (SPEECH COMMUNITY) Ang loob ng isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng tao na may kaniya-kaniyang mga gawi at MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL pag-uugali. May ugnay rito ang banggit ninan Zalzmann,Atanlaw at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga miyembro nito. Ganito ang sitwasyon ng Pilipinas na bagaman tinatawag na mga Pilipino ,may mga partikular na pangkat etniko sa loob nito (Ilokano,higaonon atbp.), lahat sila ay mga Pilipino. Mayroon naman itong komplikadong lipunan na binubuo ng isang malaking bilang ng mga grupo na tinutukoy ng mga tao at mula sa kung saan ay nagmula ang natatanging mag balyu, mga pamantayan at mga tuntunin para sa pag-uugali. Ito ang tinatawag na sabkultura. Ayon kay Jandt (2010) iyo ay kultura sa loob ng isang kultura o lipunan sa loob ng isang lipunan sapagkat kahawig ito ng isang kultura sa isang lipunan na karaniwan ay sumasaklaw sa isang malaking bilang ng mga tao. Samaktuwid, ito ay grupo ng mga tao namay iisang wika na ginagamit at hindi lamang sa pansamanatalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang lahat ng kanilang gawi gaya ng paraan ng pagsasalita, pananamit, pananaw- mundo at iba pa. Dito nabuo ang tinatawag na komunidan ng pagsasalita o speech community. Hango sa wikang Aleman na SPRACHGEMEINSCHAFT na nangangahulugang speaking community sa wikang Ingles. Paliwang nina Zalzman, Stanlaw at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na tuntunin para sa nagsasalita at pagbibigay-kahuluhan sa wika at kahit isang barayti ng wika ay tinatawag na komunidan ng pagsasalita. Para naman kauy Hymes (1972) hindi ito lipunan na tinutukoy ng isang komon na wika ngunit sa komon na mga linggwikstikong norm: isang komunidad na may parehong mga tuntunin para sa pagsasagawa at interpretasyon ng pagsasalita at mga tuntunin ng kahit isang linggwikstikong barayti nito. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL Pareho man ang lugar na kinabibilangan ,maaaring nabibilang sa iba-ibang komunidan ng pagsasalita ang naninirahan dito. Halimbawa, makikita sa pagitan ng mga milenyal at ng mga may edad na. Hindi mauunawaan ng huli ang paraan ng paggamit ng wika ng una gaya ng pag-usbong ng lodi”idol”, petmalu”malupit” at iba pang umusbong na salita at paraan ng paggamit ng wika. Ngunit, kapag ang isang may edad ay mabilis makuha at masundan, gumagamit at ginagamit ang paraan na ito ng milenyal masasabing napabilang siya sa komunidad ng pagsasalita. Ang kailangan lamang gawin ay magbahagi ng spaat na katangian ng pagbigkas,pambalarila, bokabularyo at paraan ng pagsasalita upang maging miyembro ng kaparehong komunidad ng pagsasalita. LINGUA FRANCA, PIDGIN AT CREOLE Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipinan. Ang patuloy na ugnayang nabubuo ng bawat indibidwal at grupo ng bawat komunidad sa loob ng isang lipunan ay nabubuhay dahil sa mga wikang ginagamit nila. May pakikipag-ugnayan naman ng mga taong may iba-ibang wika at lipunan para sa pagpapahayag ng bawat hangarin at naisin-halimbawa sa emosyon, komersyo at maging sa turismo. Halimbawa, ang mga turistang bumibisita sa Pilipinas, kung wala ang wikang Ingles na mag- uugnay sa isa’t isa, walang pagkakaunawaang mabubuo, paano sila makikipagtalsatasan? Malambot ang wika at mabilis itong umangkop sa pangangailangan ng tao. Maaaring makalikha ang patuloy na ugnayang ito ng wika. Samaktuwid, makapagdisenyo ng paraan ang ugnayang mabuo upang mapagsama ang mga taong mula sa magkakaibang grupo o wika na nagkakasama. Ipinanganak sa kahingiang ito ang kaisipang lingu franca, pidgin at creole. A. LINGUA FRANCA- Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mga taong may ibat’ibang sinasalitang wika para MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL magkaunawaan. Mula sa UNESCO, ito ay wikang ginagamit ng mga taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang komunikasyon sa kanilang pagitan. Halimbawa, sa Pilipinas wikang Filipino ang lingu franca, wikang Ingles naman sa buong mundo. B. PIDGIN- Dulot ito sa pagkakaroon ng pangangailangan ng lingua franca. Bunga ito ng dalwang lipunan na may mga wikang hindi magkakalapait o uninteliigible languages ngunit kailngan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak na limitado o natatnging layunin-lalo na sa kalakalan. May namumuong ugnayan sa wika sa sitwasyong ito. May wika na kinikilalalang higit na makapangyarihan o mas prestihiyoso at wikang hindi kilala. Ang isang wika ay dumadaan din sa proseso ng pidginization. Proseso ng gramatikal at kelsikal na reduksyon dulot ng limitadonmg ginagampanan ng pidgin (Zalzman, Stanlaw at Adachi 2012). Ang sitwasyong ito ay lumilikha ng paghahalo ng dalawang wika na kinikilalalng bagong wika. Ang bokabularyo ng bagong wika na nalikha ay nagmumula sa wikang mas higit na gumagamit o wikang may prestihiyo. MGA KATANGIAN NG PIDGIN 1. Hindi unang wika ninuman. Walang taal na tagapagsalita dahil napunlad lamang ito mula sa dalawa o higit pang magkaibang mga wika. Ito ay ginagamit lamang bilang isang ugnay na wika para sa mga luinin ng komunikasyon. 2. Limitado ang gamit. Ito ay biglaang posibilidad ng panmgangailangan ng wika habang ito ay kinakailngan ngunit nawawala kung ito ay hindi na kailangan. Wala rin itong permanenteng pinanggagamitan tulad ng pagiging wika ng simbahan, sa paaralan, sa bahay at iba pa. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL 3. Limitado ang bokabularyo. Ang isang pidgin ay karaniwan nang mas simple kaysa sa mga unang wika ng mga gumaguamit nito kaya bang bdami naman ng leksikon nito ay nakabatay sa isa sa mga dalawang wika na may ugnay sa isa’t isa. Ang pagiging limitado sa gamit nito sa lipunan ang isa rin sa dahilan sa kakulangan ng bokabularyo. C. CREOLE- Ito ang wika na napaunlad mula sa pidgin. Dumaraan ito sa proseso ng creolizatuion o ekspresyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika. Samaktuwid, ito ay isang pidgin na nagiging unang wika ng isang komunidad ng pagsasalita o speech community. Umuunlad ito na anyo ng pidgin kaya mayroon na itong higit na malawak na bokabularyo, estruktura ng wika o gramatika at ginagamit bilang wika sa lahat ng domeyn. MGA KATANGIAN NG ISANG CREOLE (Sebba, 1997) 1. May katutubong tagapagsalita ito. Mangyayari ito kapag sa isang lip8unang nagsasaliya ng pidgin ay may ipinanganak na bata at ito ang kanyang magiging unang wika. Kaya, ang pidgin ay magiging creole sa pamamagitan ng proseso ng pagsakatutubo o nativization. 2. Ang mga creole ay laging lumalabas sa isang pidgin. 3. Ang proseso kung bsaan ang isang creole nagbabago at isang pidgin nagkakaroon ng katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization. 3. Ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag-unlad ng isang pidgin-maaaring gradwal na creolization o biglaang creolization. Sa madaling salita, ang creolization ay nagsisimula sa yugto kung saan ang pidgin ay lubos na nadebelop. Ito ay nailarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamantayan ng MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL paggamit ng wika. Magaganap naman ang biglaang creolization sa proseso bago lumabas ang matatag na pidgun mula sa maagang pag-unlad nito. Sa puntong ito, ito ay inilalarawan pa rin sa pamamagitan ng kakulangan ng matatg na linggwistikong mga pamantayan ng paggamit ng wika. BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay tumutukoy sa parehong pag-iral,pakikiharap at interakasyon ng magkaibang mga wika. Maaari itong mangyari sa panlipunan at indibidwal na lebel. Ito ay mula sa sitwasyong maaaring ang isang lipunan ay binubuo ng maraming sinasalitang wika na ginagamit naman ng iba-ibang grupo ng indibidwal. Sabi nga ni Wei (2013) maaring ang isang tao a isang komunidad ay magiging bilinggwal o multilinggwal habang ang buong lipunan na kanyang kinabibilangan ay kumukilala lamang ng isang wika para sa pampublikong gamit sa pamamagitan ng batas at ibang nayo ng regulatoryo. Ganito ngayon ang nangyayari sa ating bansa, habang ang bawat pulo sa Luzob, Visayas at Mindanao ay binubuo ng marami at iba-ibang mga wika isinusog naman ang pagkakaroon ng pambansang wika bilang lingua franca-ang wikang Filipino- at wika para sa global na pkikipag-ugnayan-ang wikang Ingles. Ang linggwalismo at multilinggwalismo ay hindi lamang penomenon na para sa isa o pangkat ng mga tao sapagkat iyo ay isang panlipunang penoemenon din. Banggit ni Romaine (2013), ito ay makikita sa lahat ng uri ng tao gaya ng mga nasa rural at maging sa mga kilalang historikal na mga tao tulad nina Hesu Kristo at Gandhi at mga kontemporaryong indibidwal gaya nina Pope Benedict XVI at Canadian na mang-aawit na si Celine Dion. Ano nga ba ang bilinggwalismo at multilinggwalismo? MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL A. Bilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika. Ngunit, nagkakaroon ito ng ibang pananaw ayon sa kakayahan ng indibidwal sa paggamit ng mga wikang ito. Kung pagbabatayan ang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935), hindi lamang sapat ang makapagsalita sapagkat ang kanyang pananaw dito ay paggamit ng dalawang wika sa tulad ng katutubong wika. Hindi lamang tungkol sa kakayahan ng pagsasalita bagkus rin sa kahusayan sa pagsasalita at paggamit nito na may konsiderasyon sa kahusayang linggwistika. Ipinaliwanag naman ni Trask (2007) na kahanga- hangang tagumpay na sa kasalukuyan ang magkaroon ng abilidad sa pagsasalita ng dalawang wika lalo na sa lipunang higit na diin ang pagsasalit ng wika Ingles. B. Multilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon. Tinatawag rin itong plurilinggwalismo sapagkatt ayon kay Crystal (2008), sa sosyolinggwistiko ito ay tumutukoy sa isang indibidwal na tagapagsalitang may kakayahan sa paggamit nang higit sa dalawa o maraming mag wika na may iba-ibang antas ng kahusayan. Hindi lamang ito tungkol sa paggamit ng wika o kakayahan ng isang indibidwal dahil mangyayari rin ito sa sitwasyong pamngwika sa buong bansa o lipunan. Ito ay lubos na karanasan ng Pilipinas na binubuo ng mga pulo. Bawat pulo na may iba’t ibang rehiyon ay mayroong sinasalitang wika. Bukod sa pambansang wikang Filipino at opisyal na wikang Ingles, ang ilang mamamayan dito ay nakakapgsalita ng kanilang wika bilang unang wika ar marunong din ng wika na lingua franca sa kanyang lipunan. Halimbawa ng sitwasyong ito ang isang Meranaw na nakatira sa Lunsod Marawi at nag- aaral sa lungsod Iligan. Unang wika na kanyang natutunan ay Meranaw dahil sa Marawi siya ipinanganak at tiyak marunong din siya ng wikang Filipino at Ingles dahil itinuturo ito sa paaralan. Nghunit, dahil sa lungsod Iligan siya nag- MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL aaral ng Cebuano ang lingua franca naging maalam na rin siya sa wikang ito. Ang pagiging at pagkakaroon ng bilinggwal at multilinggwal na kahusayan at kakayahan sa wika ay isang penomenon tungkol sa kahusayan at paggamit ng wika. Ito rin ay naglalarawan sa lipunan na kinabibilangan ng indibidwal. Sa kaso ng Pilipinas, naging normal sa mga mamamayan dito ang magkaroon ng kakayahan sa paggamit ng higit sa isang wika dahil sa implementasyon ng bilinggwal na polisiya sa pagtuturo bukod pa sa unang wika na batid ng isang mag-aaral. Sa kabilang banda naman, ang pagiging bilinggwal ng indibidwal ay maaaring maging temporaryo depende sa kanyang kinabibilangang sitwasyon. Gaya ito sa karanasan ng isang pamilyang Pilipino na nangibang bayan. Hindi man makalimutan ng mga anak na lumaki sa Pilipinas ang kanyang unang wika subalit ang mga anak ng anak niya ay mawawala ang wika na natutuhan sa Pilipinas sapagkat higit na ginagamit ang wika ng lugar na kanilang nilipatan. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Gumaganap ng napakahalagang papel ang wika sa buhay ng tao kaya naging isang panlipunang penomenon ito. Isa sa pangunahing tunguhi ng wika at gait sa pakikipag- ugnayan at pakikipagtalastasan sa kapwa upang magkaunawaan sa isa’t isa. Kapag nagsasalit ang tao, mayroon siyang tiyak na layunin o mensaheng nais ipaabot gamit ang wika. Ginagamit niya ang wika at nakikipag-usap siya sa kapwa upang magpahayag ng marami at iba-ibang dahilan gaya ng pagpapahayag ng mga damdamin, pagkuha ng impormasyon, paghahanap ng mga bagay, paghinging kapatawaran, at iba pa. Makabuluhan ang paggamit ng wika sapagkat gumaganap itong mga tungkuling na pagbuo at pagpatuloy ng relasyon sa loob ng isang lipunan. Gumagamit tayo ng wika upanang matugunan ang mga pangangailangan. Ang MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL paggamit naman ng wika sa lipunan ay nangangahulugan ring kahusayan sa pagpili ng mga salitang tumutugon sa mga nagnanais ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan. Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin ng wika sa lipunan: A. Nagbibigay-kaalaman(Informational). Ito ang tinitingnan ng karamihan na pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa lipunan. Nakatuon ito sa mensahe ng bagong impormasyon na ibinahagi. Nakadepednde ito sa katotohanan o halaga (value) ng kaisipan ng mensahe. Maibibigay na halimbawa rito ang pagbabasa ng mga balita at pagkilala kung alin sa mga ito ang fake news o totoong balita: “may martialk law sa Mindanao kaya marami ang namamatay rito.” may dalang impormasyon na dala ang balitang ito gaya ng pagkakaroon ng martial law at sa dami ng namatay. Ngunit, ituturing ito ng mga Mindanaon na fake news kahit totoo pang may martial dahil hind naman tama ang katuturan ng pahayag na “may maraming namatay rito.” B. Nagpapakilala (Expressive). Magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at pag-uugali ng nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang wika ay sinusubukang ipinapahayag ang kanyang damdamin sa tungkuling ito ng wika sa lipunan. Ito ay nagbibigay ng malinaw na imahe ng pagkatao ng tagapagsalita o manunulat sapagkat naglalahad ito ng kanyang impresyon at ang pagbago-bago ng mga ito. Makikita natin ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula at iba pang genre ng panitikan. Sa katunayan, ang tungkulin na ito ay pumupukaw ng tiyak nadamdamin sa mga halimbawang pahayag na: “napakasaya ko na kasama kita”. Lahat ng mga ito ay mga damdamin ng tao na maaaring mababago o hindi. Halimbawa rin dito ang MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL panunuodng isang pelikula na pumukaw sa inyong damdamin kaya tumawa o umiiyak ka habang nanunuod. C. Nagtuturo (Directive). Ito ay may layuning magbigay impluwensya sa pag-uugali ng iba. Malinmaw itomng makikita sa mga pagpapahayag na nag-uutos o nakikiusap. Ang tungkuling ito ng wika sa lipunan ay nagbibigay empasis sa tumatanggap ng pahayag kaysa sa nagbibigay ng mensahe. Gayunpaman, ito ay pagpapahayag ng tungkulin ng wika na hindi gaanong mahalaga dahil hindi ito pwersahan o may dalang kapangyarihang sundin. Ekspresyon ito na may halong konotatibong kahulugan o pagpapahiwatig kaya kung hindi makukuha ang ibig sabihin, hindi matutupad ang kahulugan ng mensahe. Sa kabilang banda, ipinahayag rin ito nang may paglalambing o di kaya pagpapahayag na may halong pagpaparinig. Halimbawa, ang nanay na nagsasabing “nauuhaw ako” ay parinig o pahiwatig na humihingi siya ng tubig sa anak. Ito rin ang sitwasyon sa mga magbabarkada na umuwi ngunit bilang nagyaya ang na kumain sa pamamagitan ng “nagugutom ako.” sa pag- uutos naman, magagawa ito asa pamamagitan ng pakiusap gaya ng “pakikuha po ng aking pera sa ibabaw ng kabinet.” D. Estetika (Aesthetic). Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit/paglikha ng wika o linguistic artifact mismo at wala ng iba pa. Tuon ng tungkuling ito ang ganda ng paggamit ng wika. May pagdidiin din tungkol sa paraan ng pagpapahayag para sa konseptwalisasyon ng kahulugan. Higit na binigigyan dito ng pansin ang poetika ng pagpapahayag ng isang mensahe kaysa ideolohikal na halaga nito. Halimbawa, maaaring mabibighani ka sa iyong manliligaw dahil sa husay at galing niya sa pagbigkas ng mga salit sa spoken poetry kahit hindi mo naiintindihan ang nais niyang sabihin. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL E. Nag-eengganyo (Phatic). Mahirap tumbasan sa wikang Filipino ang phatic na tungkulin ng wika sa lipunan. Ito ay nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula ng komunikasyon sa kapwa kaya tinutumbasan ito ng nang- eengganyo. Maaaring ito ay verbal o di-verbal na pakikipagtalastasan na nagbibigay palatandaan ng pagiging laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan at pagpapanatili ng maaayos na relasyon sa iyong lipunan. Sa kulturang Pilipino, ang pagattanong kung saan ka pupunta ay isang hudyat ng pagsisimula ng komunikasyon at anyo na rin ng pangungumusta sa kaibigan o kakilala. Hindi ito palatandaan ng pagiging mapang-usisa o tsismosa. Mapapansisn rin ito sa isang lugar na wla akang kakilala ngunit nakikipag-usap ka sa isang tao ng kahit ano bilang simula ng inyong komunikasyon na hahantong naman sa pagiging magkaibigan. Tungkulin din ng wika ang paglalahad ng kung ani mang dapat ipaliwanag ng isang tao sa kanyang kausap o tagapakinig. Halimbawa nito ay pagluluto ng iba’t ibang ulam o pagkain, pagpapaliwanag kung bakit nahihilig ang karamihan sa sosyal midya,atbp. Ang pagsasalaysay ay nagkukwento. Kung kailangang magsalaysay tungkol sa isang pangyayari upang malaman ng lahat ay maaaring magkwento. Pati ang paglalarawan ng hitsura, anyo, hugis, kulay, lasa, amoy at iba pang deskriptibong salita ay tungkulin din ng wika. Paglalarawan sa sarili mong bayang tinubuan, ang dating tahimik na bulkang Mayon, si Pangulong Duterte, atbp. Samantalang ang nanghikayat o humihingi ng pagtiwala sa isyung gustong paniniwlaaan ng lahat ay tungkuling pangangatwiranan ng wika. Ang mga halimbawa nito ay ang Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng mga bata, ang retayrment na edad ay dapat 70 na taon, hindi dapat pabayaaan ang mga bata na gumamit ng selfon o tablet at marami pang ibang isyu. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG PILIPINO Ayon kina Santos, et. Al. (2012), ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga mamamayang Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua franca nagagamit ito sa pagbabahaginan at pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin, at marami pang ibang nararamdaman ng isang tao lalo pa’t ang mga Pilipinong ay may iba’t iba ring sinasalitang wika. Dagdag nina Snatos, et. Al. Na ang mga sumusunod ay ang mga tungkulin ng wika Filipino: 1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino. Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng isang multikultural at multilinggwal na mga Pilipino, kasama pa ang napakaraming etnikong grupo, nagkakaroon ng integrasyon o pagkakaisa sa paggamit ng iisang wikang nauunawaan ng lahat. Saang sulok man ng Pilipinas, maging sa labas ng bansa magkita-kita ang mga Pilipino, nagkakaisa at nagkakaunawaan sila dahil sa paggamit ng wikang Filipino. 2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. Wika ang behikulo, pasulat man o pasalita, upang maihatid ang kaalaman o impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t ibang pangkat sa Pilipinas. Isa ang wika sa nakatutulong upang lalong mapayaman ang kulturang Pilipino. Mapalad ang mga pangkat na naisulat at naipreserba nila ang kanilang kultura. 3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino. May mga kultural na mga salita na tanging sumasalamin lamang sa mga Pilipino, na kapag binabanggit ang mag salitang ito, tiyak na identidad ng mga Pilpino ang nakikita. Halimbawa nito ang: balut, bahay-kubo,sapin- sapin, tabo, sarao, duipnry, bakya,barobg-tagalog atbp. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL 4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, napakarami ng ating OFW, at anuso na rin ang pagbabakasyon sa labas ng bansa. Wikang Filipino lang ang pumukaw sa damdaming Pilipino. Ang musikang Pilipino ay nakakaantig ng damdamin at isip lalo pa’t ikaw ay wala sa Pilipinas. Ang mapakinggan lamang ang nagsasalita nito na isang puti, itim man o dilaw ay nagpapasaya at nakabagbag damdamin sa isang Pilipino. Narinig ba ninyo ang mga banyagang kumakanta ng ating mga awitin? 5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Wikang Filipino ang isang mahalgang pagkakilanlan ng kahit sino para matawag na siya ay Pilipino. UGNAYAN NG WIKA, KULTURA, AT LIPUNAN Ang wika, kultura at lipunan ay magkakaugnay. Wika ang pangunahing ginagamit ng tao bilang instruemnto sa kanyang pakikipag-ugnayan sa lipunan at kultura. Binanggit ni Hoebel (1966) na ang isang lipunan o komunidad ay maaaring mabuhay nang wlang wika ngunit walang maunlad na kalinangan o kultura kung walang wika. Dito umusbong ang pangangailangan niya para makipagkomyunikeyt, gamit ang wikang alam niya. Bagaman tao ang may pangunahing pangangailangang makipagtalastalasan subalit ginagawa rin ito ng ibang nilalang o hayop. Sinabi ni Eller (2009) na lahat ng mga nilalang, kahit halaman, ay nakikipag-usap sa iba’t ibang hayop ay nakagagawa rin ng mga gawaing may pagkakatulad sa gawain ng mga tao at isa na rito ang linggwistikong kakayahan. Walang taong manunuhay nang mag-isa. Ito ang dahilan kaya patuloy siyang makikisalamuha upang mabuhay. Ang tuluyang pag-unlad ng tao ay dulot rin sa kanyang patuloy na pakikipagkapwa gamit ang wikang alam niya. Hindi MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL maihihiwalay sa pag-unlad ng buhay ang lutura at lipunang kinabibilangan ng tao. Higit pa, ang wika niya ay nakasalalay sa kultura at kanyang lipunan. Ang wika ay kultura at ang kultura ay bkomplikadong ideya na maaaring nakapaloob sa kilos, galaw at iba pang anyo. Ang dalawang mahahalagang salitang ito ay naging simbolo ng lipunan para makilala ang mga tao, ang isang kultura ay binubuo ng mga ideya at mga pananaw na ideya at mga paniniwala ay nakaenkowd sa isang magkakaugnay na sistema ng mga simbolo na nagsisilbing komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng isang lipunan. Dahil dito, ang wika ay mahalaga sa pag-andar ng kultura ng tao. Ang mga panlipunang pagbabago-tulad ng ead, kasarian at katayuan sa ekonomiya- ay maaaring makaimpluwensya kung paano ginagamit ng mga tao ang wika. Bukod dito, nakikipag-usap ang mga tao kung ano ang makabuluhan sa kanila, at karamihan ay tinutukoy ang kanilang partikular na kultura. Ang kanilang paggamit ng wika ay may epekto sa, at naiimpluwensyahan ng kanilang kultura. Ang wika ay isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat. Nailalahad ito sa paraang berbal at di-berbal. Simboliko itong natutuhan. Saan ito natututuhan ng mga tao? Sa lipunang kanyang kinabibilangan at nababatay rin ang wikang ito sa kultura ng lipuanng kinalakhan. Wika ang pangunahing nagpapahayag ng kultura. Ang kultura naman ay replaksyon ng lipunang kinabibilangan ng bawat indibidwal. Kung ano ang wika at kultura ng isang tao, bunga ito ng lipunang kanyang kinalakhan. Tunay nga na ang isilang ang tao ay wala pa siyang wika. Halimbawa, ang isang sanggol. Ang iba’t ibang paraan ng komunikasyon ng isang sanggol ay hindi matatawag na wika dahil ang wika ay natutuhan. Pag-edad ng ilang buwan, anong laking problema ang dulot niya sa kanyang mga magulang kung hidni pa siya marunong magsalita. Ang gamit MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL niyang mga salita sa pakikipag-usap ay nakukuha niya sa kanyang lipunang kinabibilangan, sa kanyang kapaligiran at sa lugar na kinalakhan. Ang mga salitang alam niya nagyon ay umaayon sa mga salitang gamit din ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Hindi maaaring mag-iba ang wika niya sa kanyang palibot. Ang isang sanggol na Meranao halimbawa, na pinalaki ( sa kung ano mang dahilan) ng mga magulang na nagsasalita ng Cebuano, siguradong ang sanggol na ito ay marunong ng wikang Cebuano kahit Meranaw ang wika ng kanyang mga magulang. Pati na rin kulturang Cebuano ng nag-aalaga sa kanya ay kanyang mamanahin. Ang kuwento ni Tarzan ay makapagpapatunay dito. Dahil lumaki siyang kasama ang mga gorilya, ang pagsasalita niya pati na kilos ay tulad na rin ng sa gorilya. Maliwanag ngayon na ang wika at kultura ay natutunan sa lipunan na kinalakhan ng isang indibidwal. Kung uunlad man siya o hindi, ito ay nakadepende sa kulturang kanyang kinalakhan. Wika ang isa sa mga dahilan kung bakit nakikilala ang kultura ng isang indibidwal. Wika rin ang naging tulay para patuloy na buhay ang kultura ng isang pangkat mula sa kauna-unahang panahon hanggang sa kasalukuyan. Kapag ang sariling wika ay mamamatay, maglalaho rin ang kulturang dala ng ginagamit na wika. Ito ay sa kadahilanang binubuo ang Pilipinas ng multikultural na mga btao, higit nakailangang matutuhan ng bawat isa na ang daan tungo sa kapayapaan ay ang pagkilala at pag-unawa sa wika, kultura at lipunan ng isang pangkat. Kapayapaan ang minimithi ng lahat. Magkakaiba man sa paniniwala, kulay, relihiyon, wika at anupaman kung may pagkakaunawaan ay may kapayapaan. Ito ang pinakadahilan kung bakit mahalaga na mtutunan ang wika at kultuta ng anumang uri ng lipunan. Ang pag-alam ng kung ano ka at ano sila, lalo na ang pag-unawa sa kanila ay makatutulong nang malaki sa katiwasayan at pag-unlad ng isang lipunan at ng MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL buong bansang Pilipinas. Ito ang malaking apepl na ginagampanan ng pag-unawa sa kultura ng iba- ang matagal at nilulumot nang minimithing kapayapaan. Mga Sanggunian: Hufana, Nerissa L. et al. 2018. Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City. Mutya Publishing House,Inc. Santos, Angelina L. et al. 2012. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc. Ang babasahin hinggil sa mga mahahalagang teorya sa pagkatuto ng wika ay naka-PDF na kalakip kasama ng modyul na ito. Batay sa maikling kuwento ni Mubarak M. Tahir na Ang Pagkatuyo ng Puso at Lupa https://cotabatoliteraryjournal.com/2019/09/02/ang- PAGLALAPAT pagkatuyo-ng-lupa-at-puso/ Tukuyin sa loob ng maikling (Application) kuwento ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan sa loob ng kuwento. Bumuo ng isang infographic na nagpapakita ng ugnayan ng wika at lipunan. Gawing batayan sa pagbubuo ang kryaterya sa ibaba. MODYUL SA FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan CSSH-ABFIL PAGTATAYA Magkakaroon ng isang mahabang pagsusulit na batay sa mga (Evaluation) paksang tinalakay sa loob ng Modyul I. Ibibigay ito sa VLE. Inihanda nina: MARY GRACE D. VALLE Fakulti MUBARAK M. TAHIR Fakulti

Use Quizgecko on...
Browser
Browser