Modyul 4 (Kas 1) PDF
Document Details
Uploaded by UsableFoil
University of the Philippines
Vicente C. Villan, Ph.D.
Tags
Summary
This module details the continuing struggle and evolution of Filipino identity from 1719-1861. It covers the causes and impacts. Analysis of historical events that shaped national consciousness.
Full Transcript
MODYUL 4 KRISIS NG KABAYANAN: PAGPAPATULOY NG PAKIKIBAKANG BAYAN AT ANG PAGBANGON NG TUNGGALIANG PANGKAMALAYAN, 1719-1861 Vicente C. Villan, Ph.D. UP Departamento ng Kasaysayan/UP...
MODYUL 4 KRISIS NG KABAYANAN: PAGPAPATULOY NG PAKIKIBAKANG BAYAN AT ANG PAGBANGON NG TUNGGALIANG PANGKAMALAYAN, 1719-1861 Vicente C. Villan, Ph.D. UP Departamento ng Kasaysayan/UP Tri-College Mga Tiyak na Layunin Nasusuri ang kasaysayan ng pagpapatuloy ng pakikibakang bayan at Sa pagtatapos ng pagbangon ng tunggaliang pangkamalayan; modyul na ito, inaasahan sa Nasisiyasat ang mga sanhi sa pagpapatuloy ng pakikibakang bayan at mga mag-aaral dahilan sa tunggaliang pangkamalayan; na matatamo Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa ang mga pagpapatuloy ng pakikibakaang bayan at pagbangon ng tunggaliang sumusunod na pangkamalayan; at kakayahan Nabibigyang saysay ang pagpapatuloy ng pakikibakang bayan at tunggaliang pangkamalayan. Pagganyak sa mga Mag-aaral Ipinakikita sa larawang nasa itaas ang mahahahalagang kaganapan sa naganap na pagpapatuloy ng pakikibakang bayan at tunggaliang pangkamalayan. Inaasahan sa mga Mag-aaral Sa modyul na ito, iyong matutuhan ang mga pangyayari mula 1719 hanggang 1861—panahon kung kailan nagganap ang muling pagmumuog sa 1861 Zamboanga matapos 1815 Sekularisasyo lisananin ito noong 1662 1778 Paghinto ng n hanggang sa umusbong 1754 Pagbuo ng Galleon Marina Sutil ang kilusang 1719 Pagbuo ng Hukbo ng sekularisasyon sa taong Reportipikasyo n ng Zamboang Kaharian, at Fort of Ozamiz 1861—mga tagpong nagbigay daan sa pagpapahina ng kilusang Moro, paglakas ng paghihimagsik sa Kabisayaan, at Luzon. PANGKALAHATANG TANONG Sa papaanong paraan maipapaliwanag ang pagpapatuloy ng kilusang bayan sa Pilipinas at tunggaliang pangkamalayan? SUBUKIN NATIN Pangkalahatang Layunin Maipapakita ang pagpapatuloy ng pakikibakang at tunggaliang pangkamalayan, mga naging sanhi nito, at epekto sa kabuuang daloy ng kilusang panlipunan sa Pilipinas Mga Susog na Katanungan 1. Anu-ano ang kapansin-pansing sitwasyon o kaganapan pagkatapos na lisanain ng mga Espanyol ang kanilang mga muog sa Visayas, Mindanao, at Moluccas? ______________________________________________ ________________________________________________________ ___________________________________ Pagpapalawak, pagbibigay laman, 2. Bakit mahalagang mapag-aralan at mauunawaan ang mga kaganapan sa pakikibakang bayan at tunggaliang pangkamalayan? at pagpapalalim sa ________________________________________________________ ________________________________________________________ kaalaman ng mga _________________________ mag-aaral. 3. Anu-ano ang naging kagyat na epekto at naging tugon ng mga Espanyol at ng mga mamamayan sa Pilipinas sa pangkalahatan sa naganap na muling pagbabalik ng marubdob na interes sa Mindanao?_______________________________________________ ________________________________________________________ __________________________________ KONSEPTWAL NA BALANGKAS SIYASATIN NATIN Sa iyong ginawang PAGKUBKOB NI PATULOY NA PA pagsusuri sa DATU DULASI SA NGANGAYAW ZAMBOANGA MORO dyagram, ano ang kagyat mong napapansin? Hindi ba kapansin- pansing mayroong PAG-AALSA NG apat na PAGHIHIMAGSIK MAG-ASAWANG pangunahing NI DAGOHOY SILANG AT BASI REVOLT pangyayari mula 1719 hanggang 1861? MGA SALIK SA PAGPAPATULOY NG PAKIKIBAKANG BAYAN AT TUNGGALIANNG PANGKAMALAYAN Kung susuriin, ang PAGLAKAS NG SULU- CHINA TRADE pagpapatuloy ng pakikibakang bayan mula noong 1719 at pag-usbong ng tunggaliang REPOTIPIKASYON NG 4 PAGHIMASOK NG SANHI BRITISH SA SULU-CHINA pangkamalayan sa ZAMBOANGA TRADE Pilipinas pagpasok ng 1861 ay bunsod ng mga sumusunod na mga salik. KALAKASAN NG ISLAMIKONG PANANAMPALATAYA Reportipikasyon ng Zamboanga (Fort Pilar) Bunsod ang reportipikasyon ng Zamboanga ng mga pangyayari mula 1662 hanggang 1719. Ang pag- atras ng mga Espanyol mula timog tungong Luzon para labanan ang mga Tsino ay humantong sa walang saysay na kampanya sa Cordillera. Nagtulak ito kay Manuel Bustos Bustamante para balikan ang Mindanao pagsapit ng taong 1719 – ang reportipikasyon ng Zambianga. Paglakas ng Sulu-China Trade Paiuugat sa mga sumusunod na kadahilan ang paglaksa ng Sulu- China Trade: 1. Pag-atras ng mga Espanyol sa Mindanao, Visayss, at Moluccas; 2. Di-naresolbang Suliraning Moro nagdadala sa patuloy na pangangayaw sa kapuluang Pilipinas; 3. Alsanyang Moro sa mga Olandes at pagkatapos sa mga British; 4. Pagtaas ng mataas na demand ng tsaa sa pandaigdigang mercado at mga produkto mula sa Sulu sa merkadong Tsino. Panghihimasok ng mga British sa Sulu-China Trade Ipinagpalit ng British ang naagaw na Maynila noong 1760s sa stratehikong pook ng Balambangan sa Sulu (sakop ng Tawi- tawi ngayon) upang makapasok sa aktibong kalakalang Tausug-Tsino noong ika-18 siglo. Kalakasan ng Islamikong Pananampalataya Ang kalakasan ng Islam sa Pilipinas ay maiuugnay sa pagiging bukas nito sa nakagisnag gawain ng mga mamayan ng Mindanao at Sulu. Pangunahin sa mga ito ay ang pagpapaloob ng razzia ng mga Moro naririyang pangangayaw na taala sa mga taga-Mindanao. Tangi rito, ang pagpapatuloy sa papel ng sinaunang mga namiminunong angkan na naging sandigan sa matibay na ugnayan hindi lamang sa nasasakupoan, kundi maging sa maykapangyarihan sa kaitaasan. Pagkubkob ni Datu Dulasi sa Muog ng Zamboanga Walong buwan matapos ang reportipikasyon ng Zamboanga noong 1719, kinubkob ng may 5,000 Morong mandirigma ang muog ng Zamboanga. Ngunit bunsod ng mga dagdag ng pwersa mula sa Kabisayaan at Luzon, nadepensahan ng ang nasabing muso mula sa mga Moro. Paghihimagsik ni Francisco Dagohoy sa Bohol Ito ang pinakamatagal na paghihimagsik na natala sa kasaysayan ng Pilipinas na tumagal ng 85 taon simulang umarangkada ito sa Bohol noong 1744 hanggang 1825. Sanhi ng paghihimagsik na ito ang patuloy ng pagmamalabis sa mga Boholano bilang pangunahing pinagmumulan ng hukbong pandagat para labanan ang mga Maranao, pagtatayo ng armadilla, at pagbuo ng muog sa Ozamiz. Sinasabing natagalan ni Dagohoy ang paghihimagsik dahil sa suporta ng mamayan, anting anting na tinataglay, at sariling pamamahala sa kabundukan. Pag-aalsa ng Mag-asawang Silang sa Ilokos Naging inspirasyon ng mag-asawang Silang ang pagkabagsak ng mga Maynila sa kamay ng mga British noong 1762 upang simulan ang paghihimagsik sa pag-asang wakasan na ang ang paghihirap ng mga Ilokano sa kahilagaan bunsod ng monopolyo ng tabako, sapilitang paggawa, atiba pang serbisyong kolonyal sa Espanya. Patuloy na Paglawak ng Pangangayaw Moro Ang patuloy na paglawak ng pangangayaw Moro ay makikita sa pagkaakaroon ng mga ito ng Tangcalan – bagsakan ng mga bihag sa mga tatlong mahahalagang pook ng pangayawan sa Pilipinas – Isla inapulungan (Samar), Ticao (Masbate), at Maburao (Mindoro Occidental). Pagbuo ng Marina Sutil Humantong pang pagbuo ng aramdilla de bol-anon, royal navy, at la armada de pintados sa pagkakabalangkas ng marina sutil noong 1778 bunsod nang walang tigil na pangangayaw Mor sa Pilipinas. Repormang Pang-ekonomiya Tanging solusyon para sa suliraning Moro para kay Basco ay ang kaunlarang pang- ekonomiya. Matutugunan nito ang patuloy na pagdami ng pangangayaw Moro, kalinangang nakaugta sa karagatan, at mga paghihimagsik na bumabangon sa kapuluan.