Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula ARALIN 11.1 PDF

Summary

This document is a learning guide for the Filipino subject in Grade 6. It focuses on the topic of identifying the theme and main ideas in poems.

Full Transcript

Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula ARALIN 11.1 Paksa at Mahalagang Kaisipan sa Tula Talaan ng Nilalaman Introduksiyon 1...

Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula ARALIN 11.1 Paksa at Mahalagang Kaisipan sa Tula Talaan ng Nilalaman Introduksiyon 1 Mga Layunin sa Pagkatuto 2 Kasanayan sa Pagkatuto 2 Simulan 3 Pag-aralan Natin 3 Ang Paksa at Mahalagang Kaisipan 4 Ilang Hakbang sa Pagtukoy ng Paksa at Mahalagang Kaisipan 5 Sagutin Natin 6 Subukan Natin 6 Isaisip Natin 6 Pag-isipan Natin 7 Dapat Tandaan 7 Mga Sanggunian 8 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula Aralin 11.1 Paksa at Mahalagang Kaisipan sa Tula Lar. 1. Ang bawat akda ay naglalaman ng mga impormasyon at detalyeng kaugnay ng usaping napili ng isang manunulat. Introduksiyon Ang bawat akda o teksto ay tumatalakay sa isang partikular na usapin kung saan nakapokus o nakasentro ang mahahalagang ideya o kaisipan na ipinararating nito sa mga mambabasa. Ang bawat detalye at mga pangyayaring nakasaad sa isang akda ay nakasalalay sa usaping pinag-uusapan sa akda. Katulad sa mga tula, ang mga impormasyon, damdamin at ideyang laman nito ay nakabatay sa usaping napili ng manunulat na maging pokus ng kaniyang tula. Ang pinag-uusapang ito sa sa isang akda tulad ng mga tula ay tinatawag na paksa. Mahalaga ang gampanin ng paksa at mahalagang kaisipan sa mga akda tulad ng tula. Kaya naman mahalagang bigyang-pokus ang araling ito sapagkat dito higit mong makikilala, malalaman, 1 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula at mauunawaan ang paksa at mahalagang kaisipan sa tula. Mga Layunin sa Pagkatuto Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagtukoy ng paksa at mahalagang kaisipan. Natutukoy ang paksa at mahalagang kaisipan ng tula. Kasanayan sa Pagkatuto Sa araling ito, ikaw ay inaasahang naibibigay ang paksa ng napakinggang teksto. (F6PN-IIId-19). 2 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula Simulan Basahin at Unawain Mga Materyales kuwaderno panulat Mga Panuto 1. Basahin at unawaing mabuti ang tulang may pamagat na “Alay Para sa Bayan.” 2. Sagutin ang mga gabay na tanong na kaugnay ng gawain. Mga Gabay na Tanong 1. Tungkol saan ang tulang binasa? 2. Batay sa tula, ano ang nararapat isulong ng bayan kapag may mapagkamkam na dayuhan? 3. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang tula? 4. Sa kabuoan, ano ang mensahe o nais iparating ng tula sa mga mambabasa? Pag-aralan Natin Mahahalagang Tanong Ano ang paksa at mahalagang kaisipan ng tula? Ano ang nararapat gawin upang matukoy ang paksa at mahalagang kaisipan ng isang tula? Bakit kailangang tukuyin ang paksa at mahalagang kaisipan ng tula o ng isang akda? 3 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula Alamin Natin taludtod mga linya sa tula saknong grupo ng mga linya sa tula isasaad ipapahayag o sasabihin Ang Paksa at Mahalagang Kaisipan Ang tula ay uri ng panitikan na nagbibigay-diin sa ritmo, tunog, paglalarawan, at paraan ng pagbibigay ng kahulugan ng mga salita. Ang mga salita sa tula ay inayos sa pamamagitan ng taludtod at saknong. Kaiba ito sa ordinaryong panulat na isinaayos sa mga pangungusap at talata. Ang tula ay maituturing na isang pamamaraan ng pagpapahayag ng damdamin, saloobin maging ng kaisipan ng isang makata o ng taong sumusulat at bumibigkas ng isang tula. Bawat tula ay tumatalakay sa isang partikular na isyu o usapin na nagiging sentro o pokus ng mga impormasyong isinasaad sa tula. Ang partikular na isyu o usaping ito ang tinatawag na paksa. Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa isang akda o isang tula. Sumasagot ito sa tanong na “tungkol saan?” dahil isinasaad nito ang isyu o usaping tinatakay sa isang akda o tula. Kaugnay ng paksa, ang mga tula rin ay nagpapahayag ng natatanging ideya na nais ng manunulat na isabuhay at isapuso ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang natatanging ideya na ito ay tinatawag na mahalagang kaisipan. Ang mahalagang kaisipan ay tumutukoy sa impormasyon o ideyang nangibabaw sa tula. Maaari itong kaalaman, pananaw at saloobing nais na iparating ng manunulat sa mambabasa. Maaari rin itong maglaman ng aral o kabuoang nais iparating o ipahayag ng manunulat. Mahalaga sa isang tula ang paksa at mahalagang kaisipan dahil ang mga ito ang naglalaman 4 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula ng mga pangunahing impormasyon at detalyeng nais na iparating ng manunulat sa mga mambabasa at tagapakinig. Kung wala ang paksa, hindi magkakaroon ng kaayusan ang nilalaman ng tula at hindi magiging kumpleto ang diwa o nais nitong iparating. Kung wala rin ang paksa, hindi magiging malinaw ang mga impormasyon at detalyeng isasaad ng tula namagdudulot lamang ng kalituhan sa mga mambabasa. Gayundin, kung hindi mabibigyang-pansin ang mahalagang kaisipan, maaaring hindi makuha ng mambabasa o tagapakinig kung ano ang tunay na mensahe at aral na ipinararating ng akda at manunulat. Ilang Hakbang sa Pagtukoy ng Paksa at Mahalagang Kaisipan Mula sa masusing pakikinig o pagbabasa ng isang tula, maaaring matukoy ng mga tagapakinig o mambabasa ang paksa at mahalagang kaisipang nakapaloob sa tula. Ilan sa mga hakbang na maaaring makatulong sa pagtukoy ng paksa at mahalagang kaisipan sa tula ang sumusunod: Basahin o pakinggan at unawaing mabuti ang ipinahahayag sa bawat taludtod o linya ng tula. Alamin ang kahulugan ng matatalinhagang pahayag o mga pahayag na may nakatago at hindi lantad ang kahulugan na ginamit sa tula upang lubusang maunawaan ang nilalaman nito. Pagkatapos mabasa o mapakinggan ang kabuoan ng tula ay pag-ugnay-ugnayin ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat saknong. Suriin ang nilalaman ng bawat saknong at mula sa pag-uugnay sa mga ito ay tukuyin ang namayani o lumutang na usapin o paksa sa tula. Buhat sa natukoy na paksa, alamin at tukuyin kung anong partikular sa paksa ang nais na iparating ng tula upang makuha ang mahalagang kaisipan. Maaari ring tanungin ang sarili kung ano ang napagtanto tungkol sa paksa matapos na mabasa o mapakinggan ang tula at iyon ang magbibigay-daan sa pagtukoy sa mahalagang kaisipan. Maaari ring bigyang-pansin ang tono o damdaming namayani sa tula upang matukoy ang paksa at mahalagang kaisipan na nais nitong iparating. 5 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula Sa kabuoan, mahalagang matukoy ng mambabasa o tagapakinig ang paksa at mahalagang kaisipan ng tula dahil makatutulong ito sa lubos na pagkaunawa sa nais na iparating ng tula sa mga mambabasa at tagapakinig. Sa tulong din ng pagtukoy sa paksa at mahalagang kaisipan, matataya o malalaman kung naunawaan nga ba ng mambabasa o tagapakinig ang tula. Gayundin, nakapagpapatalas ng isipan at ng kritikal na pag-iisip ang pagtukoy sa paksa at mahalagang kaisipan sa tula. Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang paksa? 2. Ano ang unang dapat isaalang-alang sa pagtukoy ng paksa at mahalagang kaisipan? 3. Bakit mahalaga ang paksa at mahalagang kaisipan sa isang tula? Subukan Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang nararapat gawin upang matukoy ang paksa at mahalagang kaisipan ng isang tula? 2. Bakit mahalagang matukoy ang paksa at mahalagang kaisipan ng isang tula? Isaisip Natin Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa pagtukoy ng paksa at mahalagang kaisipan ng tula? Pag-isipan Natin 6 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula Pakinggan at unawaing mabuti ang tula ni Dr. Jose Rizal na may pamagat na “Sa Aking mga Kabata.” Sagutin ang mga tanong na kaugnay ng pinakinggan. 1. Tungkol saan ang napakinggang tula? 2. Ano ang nangibabaw na damdamin sa iyo matapos pakinggan ang tula? 3. Sa iyong palagay, kanino inihahandog ni Dr. Jose Rizal ang tula? 4. Sa iyong palagay, bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang tula? 5. Ano ang mahalagang kaisipang nais iparating ng tula? Dapat Tandaan Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa isang akda o isang tula. Sumasagot ito sa tanong na “tungkol saan?” dahil isinasaad nito ang isyu o usaping tinatakay sa isang akda o tula. Ang mahalagang kaisipan ay tumutukoy sa impormasyon o ideyang nangibabaw sa tula. Maaari itong kaalaman, pananaw at saloobing nais na iparating ng manunulat sa mambabasa. Maaari rin itong maglaman ng aral o kabuoang nais na iparating o ipahayag ng manunulat. Mga Sanggunian 7 Filipino Baitang 6 Yunit 11: Tula Autor, Evelyn at Vasil Victoria. 2014. Masining na Pagpapahayag. Quezon City: HisGoPhil Publishing House Inc. Lalunio, Lydia, et. al. 2001. Ugnayan: Aklat sa Wika at Pagbasa. Quezon City: Vibal Publishing House. Raflores, Ester V. 2000. Binhi 6. Valenzuela City: JO-ES Publishing Inc. Santos, Corazon L. and Bernie C. Santos. 2002. Kawil II: Aklat sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Rex Bookstore, Inc. Taruc, Zendell. 2015. Sanghaya 6: Wika at Pagbasa sa Filipino. C & E Publishing, Inc. Quezon City. 8

Use Quizgecko on...
Browser
Browser