M2-Wk3-4_Q1-ESP (4) PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Tags

Tagalog education Filipino study guide social studies

Summary

This document appears to be a Philippine secondary school module focusing on Filipino Social Studies concepts like political communities, subsidiarity, and unity. It contains questions related to the provided text.

Full Transcript

9 Edukasyon saPagpapakatao Unang Markahan – Modyul 2: Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa (Ikatlong Linggo – Ika-apat na Linggo) MODYUL 2: LIPUNANG PAMPOLITIKAL, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY, AT PR...

9 Edukasyon saPagpapakatao Unang Markahan – Modyul 2: Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa (Ikatlong Linggo – Ika-apat na Linggo) MODYUL 2: LIPUNANG PAMPOLITIKAL, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY, AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA Alamin Mga Layunin: A. Naipaliliwanag ang dahilan kung bakit may Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa; B. Natataya ang pag-iral o kawalan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa; at C. Napatutunayan na may pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal, mapanatili ang pagkukusa, at maibahagi ang pag-unlad sa lipunan. Subukin Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong sagutang papel. 1. Saan inihambing ang isang pamayanan? A. Pamilya C. Barkadahan B. Organisasyon D. Magkasintahan 2. Ang mahusay na pamamahala ay mga ganitong kilos: A. sabay B. mula sa namumuno patungo sa mamamayan C. mula sa mamamayan patungo sa namumuno D. mula sa mamamayan para sa mamamayan 3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamahalaan. A. Batas C. Kabataan B. Mamamayan D. Pinuno 4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay ______________. A. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan 1 B. kakayahang gumawa ng batas C. angking talino at kakayahan D. pagkapanalo sa halalan 5. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. A. Ninoy Aquino B. Nelson Mandela C. Malala Yuosafzai D. Martin Luther King 6. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang ___________. A. mamamayan C. pangulo at mamamayan B. pangulo D. kabutihang panlahat 7. Ito ay proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan. A. Lipunang Politikal C. Komunidad B. Pamayanan D. Pamilya 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapaliwanag sa konsepto ng Lipunang Politikal? A. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. B. Kasama sa pamamahala ng pinuno ang ipinagkaloob na tiwala ng mga tao C. Pananagutan ng mga kasapi na pangalagaan ang nabuong kasaysayan ng pamayanan D. Kinakailangan ng mga kasapi na makisali sa pag-iisip at pagpapasiya para sa lipunan. 9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, MALIBAN sa _________________. A. pagsisingil ng buwis B. pagbibigay daan sa Public Bidding C. pagsasapribado ng mga gasolinahan D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay 10. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa _________________. A. pagkakaroon ng kaalitan B. bayanihan at kapit-bahayan C. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan D. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong 2 Panimulang Aral Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ang paghahanap ng mga matatalik na kaibigan. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging kaibigan mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng maraming karanasan. Sila ang kabiguan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming mga seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamang pumalaot sa higit pang dakilang tunguhin sa buhay. Ngunit, habang lumalaki ang grupo, nagiging mas mahirap pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Isang pagsisikap na abutin at tuparin ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. Ilan sa mga epektibong paraan sa pagbubuklod ng lipunan upang makamit ang kabutihang panlahat ay ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity). Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan na magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan. Sa Lipunang Pampolitika ang ideal ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng magkakabarkada. Walang "boss" sa barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan. "Boss" ng bayan ang pinuno—magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat. "Boss"naman ng pinuno ang taumbayan—walang gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa- isang kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at pagtutulungan. Tandaan mo na ang Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito. Dahil dito, ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan. 3 ARALIN 1: BARKADAHAN KATULAD NG PAMAYANAN (Ikatlong Linggo) Tuklasin at Suriin A. Gawin mo ito. 1. Gumawa ng profile ng samahang iyong kinabibilangan. Pumili ng isa sa mga sumusunod: pamilya kaklase sa paaralan barkada organisasyong kinaaniban 2. Magtala ng 3-5 kasapi sa iyong napiling samahan. Kopyahin at sagutin ang tsart na ito sa isang short bondpaper. “Profile ng Aking Samahan” Katangian na kapareho Katangian na Pangalan sa iyo bukod-tangi Halimbawa: Shena mapagmahal sa kapatid magaling magpatawa 1. 2. 3. 3. Sa ibaba ng papel, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: a. Paano nakakatulong ang inyong pagkakapare-pareho sa pagiging matatag na samahan? b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang mapanatili ang magandang samahan? B. Basahin mo ito. Hawig sa isang barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila ng kanilang kinatatayuang lugar. Halimbawa, Brgy. Katapatan! Doon sila nakatira at doo’y sama-sama silang bumuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga kuwento silang pinagdadaanan. May kuwento silang binubuo. Ang valedictorian na anak 4 ni Aling Norma, tagumpay ng buong kapitbahayan. Ang aksidente ni Manuel sa motor ay lubhang ipinag-alala ng buong baranggay. Ang pagliligawan nina Eric at Jenny, ikinakilig ng lahat. Ang problema sa patubig ang laman ng usapan sa barberya at palengke. Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang www.stevenhpage.blog kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura. Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan, gaya ng: 1. mga tradisyon 2. nakasanayang gawin 3. pamamaraan ng pagpapasya 4. mga hangarin na kanilang pinagbabahagian sa paglipas ng panahon Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining, at ritwal upang huwag makalimutan. Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa kinabukasan. Babalikan nila ang nakaraang nakaukit sa kanilang kultura upang makita ang mga landas na mainam na tahakin sa kinabukasan. www.theculturetrip.com Isaisip Ngayon na may ideya ka na kung paano nagsimula ang iyong samahan, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel: 1. Bakit mahalagang magkaroon ng samahan? 2. Paano pinagtitibay ng kultura ang isang samahan? Isagawa 1. Balikan mo ang una mong ginawa sa Tuklasin at Suriin. 2. Maaari kang pumili ng isa (1) sa mga pamamaraang ito: a. gumuhit ng isang kultura b. maghanap ng larawan na nagpapakita ng iyong pagkakaibigan 5 3. Ilagay ito sa isang short bondpaper at sulatan ng maikling pagpapaliwanag sa ibaba ng larawan. Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ito ay TAMA at M naman kung ito ay MALI. _____ 1. Hindi magkaiba ang barkadahan at ang pamayanan. _____ 2. Sa loob ng pamayanan ay may kani-kaniyang kuwento ang tao ngunit pinagsasamahan pa rin nila ang mga karanasang ito. _____ 3. Pinagkakaisa ng kultura ang isang samahan. _____ 4. Mabubuo pa rin ang kultura kahit na binabalewala lang ito ng mga kabataan. _____5. Ang mga karanasang pinagdadaanan sa loob ng pamayanan ay puwedeng maging gabay sa paglutas ng problema sa hinaharap. ARALIN 2: LIPUNANG PAMPOLITIKA Balikan (Review) Mula sa nagdaang aralin, matatandaan mo pa ba ang ilan sa mga konseptong ito: 1. Anu-ano ba ang mga dahilan ng pagkakabuo ng isang samahan? 2. Paano kaya napapanatili ng isang pamayanan ang pagkakabuklod nito? Tuklasin at Suriin Sa isang lipunan, mas maraming interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, nagiging mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang iisang kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at 6 nagbabanggaang kultura ang umiiral na parehong nagnanasa ng pagyabong. Ito ang kinakaharap ng lipunan: 1. Paano siya makagagawa at maging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito? 2. Paano magiging isa pa rin ang direksiyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong tunguhan ng mga tao? Hindi madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na abutin at tuparin ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. Narito ang kanyang mga tungkulin. isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan mag-iipon, mag-iingat, at magtatag ng estruktura na magbabahagi ng yaman sa maninigurong nakakamit ng pamamagitan ng pagbubuwis at mga tao ang kanilang batayang pagbibigay-serbisyo pangangailangan magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na tingnan ito bilang nasa itaas ng mga tao. Palibhasa nasa kamay ng mga namumuno ang kapangyarihan na bigyang-direksiyon ang kasaysayan at kinabukasan ng estado, itinuturing kung minsan ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang sakop lamang ng pamahalaan. Totoo ito, ngunit, kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala ay kaloob ng mga tao 7 sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa. Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Hindi iba ang pagtitiwalang ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga kabarkada o kasamahan sa pamayanan minsan sa ating buhay. Sa barkada at pamayanan, sumusunod agad ang mga kasapi sa tumatayong lider kahit sa una’y ayaw naman talaga. Bakit kaya? 1. Mayroong nakikita sa kanilang pag-aalab ng kalooban 2. May matatayog silang pangarap na maaaring maabot sa pakikipagtulungan sa iba 3. May talas sila ng paningin upang makita ang potensyal ng grupo o pamayanan 4. May husay sila sa pagsasalita www.iconfinder.com Hindi lahat ng tao ay ganyan. At ang mga ganyan, ang natural na nagiging pinuno ng lipunan. Isaisip Maaaring naisip mo na ngayon ang dami ng pamayanan na may iba’t ibang kultura na kailangang pagsilbihan ng pamahalaan. Subukan mo na ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa iyong sagutang papel: 1. Anu-ano kaya ang pwedeng umusbong na mga problema at pangangailangan kung magiging mas marami ang mga samahan? 2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mahusay na pinuno sa lipunan. Isagawa Panuto: Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba. May isang bus na bumibayahe galing Baguio patungong Maynila. Ito ay naglalaman ng humigi’t kumulang na apatnapung pasahero. Mayroon silang iisang tunguhin: ang makarating sa Maynila. May iisa silang paraan upang makarating sa paroroonan – ang bus. Sila ay may ugnayang ginagawa tulad ng simpleng kuwentuhan tuwing hihinto ang bus sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng bawat pasahero. May mga batas silang sinusunod upang huwag mapahamak habang naglalakbay at alituntunin katulad ng dapat ay may tiket upang 8 makasakay. Nagbabayad ang lahat para sa gastusin ng sasakyan at sweldo ng driver at konduktor. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Anu-ano ang mga katangiang nakikita mo sa sitwasyon na hawig sa isang lipunan? (magbigay lang ng tatlo ) 2. Mula sa mga katangiang ito, maaari bang ituring na isang lipunang pampolitika ang sitwasyong ito? Ipaliwanag. Tayahin Panuto: Gumuhit ng graphic organizer sa iyong sagutang papel at ipahiwatig ang iyong naiintindihan sa mga sumusunod na konsepto ng aralin: 1. mga katangian ng isang lipunan (4) 2. mga hamon na hinaharap ng pinuno sa lipunan (2) 3. mga katangian ng isang epektibong pinuno (4) ARALIN 3: PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA (SOLIDARITY) (Ikaapat na Linggo) Balikan (Review) Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mga pamamalakad na dapat gampanan ng isang pinuno habang mas dumadami pa ang mga grupo sa isang lipunan; 1. gaano ba kahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay na pinuno sa isang lipunan? 2. ano kaya ang posibleng mangyari kung magiging kurap ang pinuno ng isang lugar? 9 Tuklasin at Suriin Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga pinuno lamang ang dapat magpatakbo ng lipunan, na ilagak na lamang sa kanilang mga kamay ang kasalukuyan at kinabukasan nating lahat dahil sa pagtitiwalang magaling sila. Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Maaaring mahusay ang isang pinuno, ngunit kailangan niya ng katuwang upang maisagawa ang, malalaki niyang proyekto. Ang totoo, hindi naman talaga sa kaniya ang proyektong kaniyang sinimulan. Ang mga ito ay proyekto ng kaniyang mga kasamahan na nagkataong siya lamang ang nakapagpaliwanag at nanguna sa paggawa. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kaniyang sarili. Ito ay proyekto ng at para www.hiclipart.com sa kanyang pinamumunuan. Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.” Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan naman sumusunod din sa gabay ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan. Prinsipyo ng Pagkakaisa Prinsipyo ng Subsidiarity (Solidarity) Tutulungan ng pamahalaan ang Tungkulin ng mga mamamayan mga mamamayan na magawa nila na magtulungan ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga Magtatayo ang pamahalaan ng mamamayan mula sa mga pinuno akmang estruktura upang sa pamamagitan ng pag-aambag makapagtulungan ang mga sa estado ng kanilang buwis, mamamayan. lakas, at talino. Hindi panghihimasukan ng mga Tungkulin ng mga mamamayan lider ng pamahalaan kung paano na magtulungan tungo sa mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili. pag-unlad ng lipunan. 10 Marahil, sasabihin ng iba na, “Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami”. Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinion isinilang ang pinakamahusay na katarungan. Narito ang ilan sa mga tao na ginamit ang kanilang munting tinig upang maipahayag nila ang saloobin: 1. Ninoy – siya ang nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos 2. Martin Luther King – siya ang tinig ng mga African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat 3. Malala Yuosafzai – isang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay. Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ang kanilang paglilingkod. Tandaan: Ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang Nangunguna lamang sila sa grupo at hindi nasa itaas ng iba Utang na loob nila sa taumbayan na ipanaubaya sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan. Sa lipunang pampolitika, sino ba ang ating maituturing na “boss”? Kabutihang Panlahat Ito ay ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan Pinuno Taumbayan Siya ay Dapat na ingatan, pagtitiwalaan ng payabungin, at bayan sa kanyang paunlarin ang pangunguna Sino kanilang karapatan ang at kalayaan tunay na "boss"? 11 Ang Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na mapatupad ang layuning ito. Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat – ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan. Isaisip Panuto: Narito na tayo sa panghuling bahagi ng modyul na ito. Ngayon, subukan mong sagutin ang mga tanong na ito sa iyong sagutang papel: 1. Ano ba ang pinagkaiba ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity? 2. Bakit mahalaga pa rin na gamitin ang munting tinig sa pagpapahayag ng saloobin? 3. Sino nga ba ang tunay na “boss” sa lipunan? Isagawa: Panuto: 1. Gumuhit ng slogan na nagpapakita ng kagustuhan mo na maabot ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibong kakayahan na magmumula sa iyo. 2. Gawin ito sa short bondpaper at lagyan ng disenyo bilang margin. Tayahin A. Unawain ang bawat sitwasyon at tukuyin kung alin sa mga konsepto ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ang umiiral dito. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Halimbawa: Sa panahon ng COVID-19 pandemic, sinisiguro ng ating pamahalaan na ligtas ang bawat mamamayang Pilipino kaya may ibang lugar na inilagay sa Enhanced Community Quarantine. Tamang sagot: ___prinsipyo ng subsidiarity___ 12 1. Noong buwan ng Mayo 2020, nabigyan ang libu-libong pamilyang Pilipino ng 6,000 Php bilang ayuda mula sa pamahalaan. Tamang sagot: _________________________ 2. Si Aling Doris ay namahagi ng pagkain sa kaniyang mga kapitbahay na nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown. Tamang sagot: _________________________ 3. Nalilito si Erick kung paano siya makakapag-enroll ngayong pasukan. Humingi siya ng tulong mula sa kaniyang kaibigang si Mark at hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya. Tamang sagot: _________________________ 4. Nalulungkot si Mang Kulas sapagkat bawal na siyang makapamasada dahil naka-ECQ ang kanilang lugar. Buti nalang at binigyan ng pamahalaan ang bawat tsuper ng dyip ng tig-iisang sako ng bigas at isa siya sa mga nakatanggap nito. Tamang sagot: _________________________ 5. Kahit pagod na sa kaniyang trabaho bilang nurse sa pampublikong hospital, lagi pa ring umaalay ng dasal si Doris sa bawat pasyente na kaniyang inaalagaan. Tamang sagot: _________________________ Pangkalahatang Pagsubok Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng saknong na bubuo sa bawat pangungusap at isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Ang pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ay ang paghahanap ng ______________ (kaibigan, kasintahan). 2. Maihahalintulad natin ang _______________ (barkadahan, pamilya) sa isang lipunan. 3. _______________ (Tradisyon, Kultura) ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. 4. Habang ______________ (lumalaki, lumiliit) ang grupo, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat. 13 5. Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay magkakaroon ng maayos na pamumuhay ay _______________ (pampolitika, pang-ekonomiya). 6. Ang pamamahala ay usapin ng _______________ (kawalan, pagkakaloob) ng tiwala. 7. Sa Prinsipyo ng _______________ (Subsidiarity, Pagkakaisa), tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. 8. Sa Prinsipyo ng _______________ (Subsidiarity, Pagkakaisa), tungkulin ng mga mamamayan na magtulungan tungo sa pag-unlad ng lipunan. 9. Si ________________ (Malala Yuosafzai, Martin Luther King) ang tinig ng mga African-American na sumigaw sa pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. 10. Sa lipunang pampolitika, ang tunay na boss ay ang _______________ (pinuno, kabutihang panlahat, taumbayan) Susi sa Pagwawasto 14 Sanggunian Aklat Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul Para sa Mag-aaral T. Punsalan, et al: Pagpapakatao 9, Manila, 2014 Mga larawan www.hsetvenhpage.blog www.theculturetrip.com https://www.iconfinder.com/icons/4625649/government_individuals_la w_legal_public_society_icon www.uihere.com 15

Use Quizgecko on...
Browser
Browser