LITR 101 MODULE PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Rogelio L. Ordonez
Tags
Summary
This document is a module on literature related to human rights. It includes poems, discussions on dignity, types of human rights, and historical views on human rights, relevant to Filipino literature studies.
Full Transcript
ligaya at dugo‘y nilagok ng lupang di kanya susunugin mga bangkay upang maging ginto mga kabukiran ng uring mapagsamantala! at maging asukal ang laksang tubuhan. Kape Ko’y Walang Krema kailan tatamis itong aking kape? Ni...
ligaya at dugo‘y nilagok ng lupang di kanya susunugin mga bangkay upang maging ginto mga kabukiran ng uring mapagsamantala! at maging asukal ang laksang tubuhan. Kape Ko’y Walang Krema kailan tatamis itong aking kape? Ni Asukal kailan pupusyaw ang itim na kulay? June 16, 2012 by plumaatpapel ni kailan magtatalik ang krema at tubig? Rogelio L. Ordonez oo, kape ko‘y walang krema ni asukal (Tula) simpait ng buhay ng mga nilikhang ibinayubay kape ko‘y walang krema ni asukal sa krus ng luha ng dalita‘t lumbay maitim tulad ng gabing oo, kape ko‘y dinikdik na apdo ang pait humahalik makapal na ulap tamis ay sinaid ng mga gahaman sa mata ng gaplatong buwan krema‘y sinuso ng mga dayuhan mapait tulad ng lugaming buhay ngunit huwag magulumihanan ng mga nilikhang namahay sa lipunang pinaghaharian namuhay sa ilalim ng tulay ng iilang imbing diyus-diyosan yumakap-nangarap mga galit na anino‘y laging naglalamay sa mabahong tiyan at balikat maglalagablab din sigang sinindihan ng gumagapang na tripa de gallina sa dibdib ng kanayunan ng nakalupasay na canal de la reina sa puklo ng kalunsuran at naglilingkisang mga eskinita. ng la tierra pobrezang pinakamamahal at, sa wakas, kape nati‘y magkakaasukal maitim ang gabi linamnam ng krema ay malalasahan tulad ng aking kape magiging singtamis ng pulut-pukyutan! sa mga kalyehon ng kalunsuran sa mga kariton at barungbarong sa tabi ng mga basurahan sa mga parkeng himlayan ng mga pagal na katawan maitim ang gabi sa gilid-gilid ng dalampasigan habang binabayo ng mga alon pusod ng lungsod ng karalitaan. mapait ang buhay tulad ng kape kong walang asukal sa labi ng batang mapintog ang tiyan kahit hangin lang ang laman sa susong natigang-naluoy ng inang laging nagdarasal sa bibig na puno ng ngitngit ng amang laman ay nilamon ng grasa‘t makina sa mga pabrika 78 ARALIN 3: PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO DIGNIDAD - Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao - Kabuuan ng ating pagkatao - Mahalaga upang maging ganap ang pagkatao - Tinataglay ng bawat tao – kaya tayong lahat ay pantay-pantay KARAPATANG PANTAO - Payak na pamantayang kinakailangan ng mga tao upang makapamuhay ng may dignidad - Ginagarantiya ang ganap at kabuoang pag-unlad ng mga tao - Lahat ng kinakailangan ng tao upang protektahan ang kaniyang dignidad bilang indibidwal - Saligan ng kalayaan, hustisya at kapayapaan sa mundo - Pangunahing obligasyon ng Estado o Gobyerno at mga kasapi nito na pangalagaan at tugunan ang karapatang pantao - Kaakibat ang responsibilidad na paunlarin at pangalagaan ang sariling dignidad at ang sa ibang tao - Nagbibigay gabay sa mga tao upang panghawakan ang kanilang mga buhay at umaksyon para sa pagbabago sa lipunan – tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon. Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao. Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga 79 pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino. Historikal ng Pag-unlad ng Konsepto ng Karapatang Pantao “Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.) - Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. - Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. - Idineklara rin ang pagkakapantay pantay ng lahat ng lahi. - Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” - Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.” - Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome. - Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa. 1215- Magna Carta - Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England. - Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa. Petition of Right (1628) - Sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. Bill of Rights (1791) - Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. 80 - Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789) - Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. - Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. The First Geneva Convention (1864) - Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing- anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. - Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang- alang ang pag- alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon. Universal Declaration of Human Rights (1948) - Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. - Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. o Karapatang sibil o Karapatang politikal o Karapatang ekonomiko o Karapatang sosyal o Karapatang kultural - Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946. - Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si ELEANOR ROOSEVELT. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS o “International Magna Carta for all Mankind”, noong Disyembre 10, 1948. - Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas. Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng tao. 81 Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao. Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba‘t ibang panig ng daigdig Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19. Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang constitutional rights. Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado Hal: Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian Apat na Klasipikasyon ang Constitutional Rights. Constitutional Rights - Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado. Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas. Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal. Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. HAL: Karapatang makatanggap ng minimum wage KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO 1. Likas sa Tao (Inherent) 2. Pandaigdigan (Universal) 3. Di-mahahati (Indivisible) 4. Di-maiaalis (Inalienable) GRUPO O KLASIPIKASYON NG MGA KARAPATAN Ayon sa Katangian (Nature) o Civil Rights o Karapatang Sibil o Political Rights o Karapatang Pulitikal o Economic Rights o Karapatang Pang-Ekonomiya o Social Rights o Karapatang Panlipunan o Cultural Rights o Karapatang Pang-Kultura 82 Ayon sa kung sino ang Tumatanggap (Recipient) oIndividual Rights oCollective/ Group Rights sa Pinagmumulan (Source) Ayon oNatural Rights oLegal Rights sa Pagpapatupad (Implementation) Ayon oIMMEDIATE – Dagliang maipapatupad; immediate obligations of states to implement o INCREMENTAL O PROGRESSIVE – graduwal o paunti-unting pagpapatupad; necessary steps and measures to give effect to the rights stated Ayon sa Derogability o Non-derogable or absolute rights – mga karapatang hindi pwedeng suspindihin o alisin kahit na anong panahon Art. 6 Karapatan sa Buhay Art. 7 Karapatan laban sa tortyur at di-makataong parusa Art. 8 Karapatan laban sa Pang-aalipin Art. 11 Karapatan laban sa pagkakakulong bunga ng hindi pagtupad sa obligasyon sa isang kontrata Art. 15 Karapatan laban sa paghahabla ng kaso sa isang pagkakasala na hindi krimen sa panahong ito ay naganap Art. 16 Karapatang kilalanin ng batas bilang tao saan man sa mundo Art. 18 Karapatan sa Malayang Pag-iisip, Budhi at Relihiyon o Derogable or relative rights – mga karapatang maaring suspindihin o alisin depende sa sitwasyon Ang Uri ng Karapatang Pantao Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan. 1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, ay kultural na karapatan. a. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay. b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito. c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan. 83 d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay. e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan. 2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at pangkultural ng pag- unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran. Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas sa Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang pagsilang ay may karapatang dapat na natatamasa na, mas nakasisiguro tayo kung ito ay nakasulat sa ating batas upang magsilbing sandigan natin kung sakaling hindi natin natatamasa ang ating mga karapatan. Ang mga pangunahing instrumentong legal ay ang Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao. Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na Kumikilala sa Karapatang Pantao Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na naksulat sa Saligang- Batas ng 1987. sa dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bil of Rights (Art. III); Pagboto (Art V); Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art II); Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art XIII); Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Art Xii); Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Art. XIV). Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at patakaran ng Estado (Art. II) ay ang mga sumusunod: Papapahalaga sa dignidad ng isang tap at paggarantiya ng buong respeto sa karapatang pantao; Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya; Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal ay panlipunang kapakanan ng mga kabataan; Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan; Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng tao; Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural. Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat natin sundin ang mga ito. 84 Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill of Rights (Art. II) tulad ng: Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay nagsusulong ng karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipino. Obligasyon ng pamahalaang Pilipinas na magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang mga taong walang pambayad ay matulungan nang libre ng pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo ng panlipunang katarungan na ang mga taong mahihirap ay dapat magbigyang proteksyon ng ating batas at pamahalaan. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda sa deklarasyong ito kayat ang instrumentong ito‘y dapat ipatupad sa ating bansa. Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na dignidad. Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa ang karapatang pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao. Ang mga sibil na probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod: Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas ng isang tao Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o paninilbihan Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakakababang-uri ng pagtrato at kaparusahan Pagkilala sa tao sa harap ng batas Pantay na proteksyon sa harap ng batas Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensyon, at pagpapalayas sa sariling bansa Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang kinikilingang tribunal Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi napapatunayang maysala Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksyon na hindi pa krimen noong ito ay ginawa Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya, bahay at mga sulat Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at maging sa pag-alis sa isang lugar Mag-asawa at magkaroon ng pamilya Magkaroon ng ari-arian 85 Ang Mga Pulitikal na Karapatan ay: Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang maging mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa kanyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan Karapatang magkaroon ng nasyonalidad Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa Ang mga Karapatan sa Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultura ay ang mga sumusunod: Karapatan sa panlipunang seguridad Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at kalayaan sa pagpili ng empleo Pantay na bayad sa pantay na paggawa Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay na may dignidad Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal Karapatan sa pahinga at paglilibang Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ang karapatan sa pagkain, pananamit, pabahay at gamot) Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay, pagkakasakit, pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa, pagtanda ai iba pang pagkakataon na wala sa kontrol ng tao Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay may karapatang mamili ng edukasyon ng kanilang anak Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan Magkaroon ng proteksyon sa moral at material na interes na nagreresulta sa pagiging may akda ng siyentipiko, literari at artistikong produksyon Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal Ang kasunduang ito ay ipinatutupad sa mga bansang sumang-ayon dito. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pumirma dito. Pangunahing binibigyang proteksyon ng kasunduang ito ang karapatang mabuhay ng bawat isa. Sakop nito ang mga sumusunod na karapatang sibil: Karapatang Mabuhay Walang sinuman ang dapat kitlan ng buhay nang hindi makatwiran; Walang sinuman ang maging biktima ng pananakit, di makataong pagtrato o pagparusa; maging alipin o biktima ng di makatwirang aresto at pagkakulong; Sinumang inaresto ay dapat mabigyan ng impormasyon hinggil sa dahilan ng pag- aresto; 86 Sinumang inaresto o ikinulong dahil sa isinampang krimen laban sa kanya ay dapat iharap sa hukom o sinumang taong may kapangyarihang maglitis ng kaso; at Sinumang naging biktima ng ilegal na aresto o pagkakakulong ay dapat magkaroon ng karampatang sahod sa mga araw ng kanyang pagkakakulong; Karapatan Maging Malaya Karapatan ng bawat isa na malayang maglakbay, pumili ng tirahan at umalis ng bansang tinitirhan; ngunit karapatan ng estado na paalisin ang mga dayuhang lumalabag sa batas ng estado; Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng batas kayat karapatan ng bawat tao na maidulog ang kanyang kaso ayon sa makatarungang proseso; Hindi dapat bigyan ng parusa ang mga taong may pagkilos na hindi pa labag sa batas noong kanyang ginawa ang pagkilos. Dapat makatao ang pagtrato sa sinumang nakulong at walang sinuman ang dapat makulong dahil sa di pagtupad sa kontrata; Hindi dapat bigyang kaparusahan ang isang tao sa isang aksyon na hindi pa krimen noong ito ay ginawa; at Hindi dapat pakialaman ang kalayaan ng isang pribadong indibidwal, pamilya, tahanan at mga sulat; Mga Karapatang Pulitikal Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng tao bilang isang mamamayan ng bansa: Kalayaan sa pag-iisip, konsyensya at relihiyon, maging ang kalayaan sa pananalita at karapatan sa impormasyon; Kalayaan sa anumang uri ng propaganda para sa digmaan. Ang pagsusulong ng galit sa bansa, lahi o relihiyon na nag-uudyok ng diskriminasyon, kasungitan o agresyon ay ipinagbabawal sa batas; Karapatang sumali sa matahimik na asembliya; Karapatan sa pagbubuo ng mga samahan; Ang mga babae at lalaki ay may karapatang mag-asawa at magtatag ng pamilya. Kinikilala din nito ang pagkakapantay-pantay ng mga mag-asawa habang sila ay kasal at maging sa panahon na napawalang bisa ang kanilang kasal; Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng pamilya, lipunan at nasyonalidad, Karapatan ng bawat mamamayan na sumali sa anumang gawaing pampubliko, bumoto at iboto, at makinabang sa mga serbisyong publiko; Lahat ng tao ay may proteksyon sa ilalim ng batas; at Dapat magkaroon ng mga batas upang bigyang proteksyon ang mga pangkat etniko, relihiyon o linggwistikong grupo. Ang mga karapatang sibil ay ukol sa mga karapatan ng tao bilang tao samantalang ang mga karapatang pulitikal ay tungkol sa mga karapatan ng tao bilang mamamayan ng isang estado. Halos lahat ng nasa probisyong ito ay matatagpuan sa Bill of Rghts ng Saligang- Batas ng 1987 ng Pilipinas. 87 Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultural Ang kasunduang ito ay nabuo upang bigyang proteksyon ang mga indibidwal o pangkat sa iba‘t ibang panig ng mundo. Ang mga karapatang ito ay ang mga sumusunod: Karapatan ng lahat ng tao na bigyang direksyon ang kanyang katayuang pulitikal, kabuhayan, panlipunan at pangkultural na pag-unlad; Karapatan ng tao na ibahagi at paunlarin ang kanilang likas na kayamanan; Karapatan ng bawat isa na maghanapbuhay, magkaroon ng makatao at makatarungang kondisyon sa trabaho, magkapantay na suweldo at trabaho, ligtas at maayos na lugar ng trabaho at magkaroon ng pahinga at libangan; Karapatang bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal, karapatang mag- aklas at karapatan sa panlipunang seguro Proteksyon para sa mga nanay at kabataan Karapatan sa sapat na antas na pamumuhay: sapat na pagkain, damit at bahay. Lahat ay may karapatan sa mataas na pamantayan sa pisikal at pangkaisipang kalusugan at Edukasyon. Ang mga bansa na pumirma sa kasunduan ay dapat maglaan ng libreng edukasyon sa primarya at pagsikapang libre ang edukasyon sa sekondarya. Pantay din ang pagkakataon sa lahat na makapg-aral sa tersyarya. Ang mga magulang at legal na tagapag-aalaga ay malayang nakakapili ng mga paaralan upang mabigyang proteksyon ang kanilang edukasyong pangrelihiyon at moral. Lahat ay may karapatang makibahagi sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng mga nadiskubreng siyensya. Dapat may mga hakbang na nagawa upang mapanatili, mapaunlad at mapalawak ang kultura at agham. Ang kalayaan sa pananaliksik at paglikha ay dapat irespeto at lahat ay may karapatang magtamasa ng mga benepisyo sa sariling pananaliksik at paglikha. Ang mga karapatang ito ang pinakamahirap matugunan sapagkat maraming mga bansa ang mahirap at kapos ang kanilang badyet upang mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan. Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata (Convention on the Rights of the Child) Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang pandaigdigang kasunduan ng mga bansa upang mabigyang proteksyon ang mga batang may 18 gulang pababa sa anumang bansa sa daigdig. Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat na aspeto: karapatang mabuhay, karapatang magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon at karapatan sa partisipasyon sa lipunan. Ang mga karapatang mabuhay ng may dignidad (Survival Rights) ay ang mga sumusunod: Karapatang Mabuhay Karapatan sa kalusugan Karapatan sa pamilya 88 Karapatan sa maayos na pamumuhay Ang mga bata ay wala pang kakayahan na maghanapbuhay upang mapangalagaan ang kanilang sarili. Mahalaga ang kalinga ng mga magulang at pamilya upang sila ay mabuhay nang may dignidad. Pangunahing prinsipyo na dapat igalang sa mga bata ay ang pangangailangan nila ng kalinga upang mabuhay. Ang mga karapatang pangkaunlaran (Development Rights) ay: Karapatan sa edukasyon Karapatan sa pagpapaunlad ng personalidad Karapatan sa relihiyon Karapatang makapaglaro at makapaglibang Karapatan sa impormasyon at kaalaman Mahalagang mapaunlad ang kakayahan ng mga bata habang sila ay bata pa upang sa mga susunod na panahon ay makabubuo tayo ng bansang maunlad din. Ang mga karapatan ukol sa pagbibigay proteksyon (Protection Rights) ay: Karapatan sa isang payapa at ligtas na pamayanan Karapatan sa proteksyon sa oras ng armadong paglalaban Karapatan sa proteksyon laban sa diskriminasyon Karapatan laban sa pang-aabuso at pagsasamantala Ang pangangalaga sa kapakanan ng mga bata ay mas mahalaga sa panahon ng digmaan, kalamidad at panganib. Unang dapat isaalang-alang ng mga magulang at pamahalaan ang kapakanan ng mga bata sapagkat wala pa silang kakayanan na iligtas ang kanilang sarili. At ang karapatan sa pakikilahok (Participation Right) ay: Karapatang makapagpahayag g sariling opinion o pananaw Ang mga bata ay tao rin kayat nararapat lamang na bigyan sila ng pagkakataong magpahayag ng kanilang saloobin. Ang Kababaihan sa Lipunang Pilipino Maraming katangian ang mga kalalakihan na halos pareho din sa mga babae tulad ng pagiging agresibo, matalino, mapagbigay, masipag, malambing, at iba pa. May mga gawain naman ang mga lalaki na kaya rin ng babae tulad ng gawain ng abogado, doktor, mekaniko, kaminero, inhenyero, at iba pa. Sa mahabang panahon, tiningnan ang mga tungkulin ng babae at lalaki batay sa bayolohikal na katangian ng ating lipunan. Ang mga babae ay nanganganak kayat pangunahin sa naging tungkulin niya ay mag-alaga ng bata at gampanan ang mga gawaing bahay. Dahil sa ang lalaki ay hindi nanganganak, naging tungkulin niya ang maghanapbuhay sa labas ng tahanan. Maskulado ang lalaki kayat ang mga mabibigat na gawain ay iniatang sa kanya. Samantala, tiningnan ang babae na may maliit at malambot na pangangatawan kayat pananahi, panunulsi, pagluluto at iba pang pambahay na gawain ang iniatang sa kanya. Dahil nagkaroon ng pagkakaiba-iba ng tungkulin ng babae at lalaki: ang babae sa loob ng bahay lamang at ang lalaki sa labas 89 ng bahay, ang naging resulta ay ang kakulangan ng pagkakataon ng babae sa pagganap ng mahahalagang gawain sa lipunan. Karamihan ng pinuno ng mga bayan ay mga lalaki. Ang mga namamahala ng malalaking negosyo ay ibinibigay ng pamilya o ng mga miyembro sa lalaki. Nawalan ang babae ng mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa. Dahil dito, marami sa mga kababaihan ang nakaranas ng di-pantay na pagtingin na nagreresulta sa iba‘t ibang problema tulad ng pambubog ng asawa, karahasan sa kababaihan, pagbebenta sa mga babae, at iba pa. Ang ganitong sitwasyon ang nag-udyok upang bigyang proteksyon ang karapatan ng mga kababaihan. Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan (Convention on Elimination of Discrimination Against Women) Ang kasunduan sa pag-aalis ng diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinimulang ipatupad noong 1981. Ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod na karapatan ng mga kababaihan: Karapatan sa pantay na pagtingin sa babae at lalaki Partisipasyon sa pulitikal at pampublikong larangan Partisipasyon sa pandaigdigang talastasan Karapatan sa nasyonalidad Pantay na karapatan sa edukasyon Karapatang maghanapbuhay Karapatan sa pangangalaga ng kalusugan at pagpaplano ng pamilya Karapatang magtamo ng pangkabuhayan at panlipunang benepisyo Pantay na pagtingin sa mga kababaihan sa rural Pantay na pagtingin sa harap ng batas Karapatang mag-asawa at magkapamilya Konsepto ng Paglabag sa Karapatan Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang karapatang mabuhay nang may dignidad. Halimbawa, ang pagkitil ng buhay ay isang pagpigil sa karapatan ng taong mabuhay. Maging ang pagsikil sa kalayaan ng tao ay isang pag- aalis sa karapatan ng taong mabuhay nang malaya. Sa pangkalahatan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag nilabag ng tao at ng estado Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga Pandaigdigang Instrumento sa Karapatang Pantao. Iba‘t iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pisikal, sikolohikal o emosyonal at istruktural. Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang parte ng katawan ay ilan sa halimbawa ng pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad ng panghahalay at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang pantao. 90 Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao ay isang uri ng sikolohikal na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay nagreresulta sa balisang estado ng isang tao. Istruktural. Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi pagtatamasa ng karapatan istruktural. Ang istruktural na paglabag ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihan magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig. Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa tahanan, pamayanan, paaralan, trabaho, bansa, at daigdig. Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan. Ang hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa bata, hindi pagpapaaral sa mababang paaralan, hindi pagbibigay ng pangalan at damit ay ilan lamang sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga tao. Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling panatilihing malinis, maayos at mapayapa ang kapaligiran. Tungkulin din ng lokal na pamahalaan na paratingin ang mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng serbisyo sa kalusugan, kuryente, tubig, komunikasyon, edukasyon, at iba pa. Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing serbisyong dapat ihatid sa mga mamamayan. Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga mag-aaral ay ay paglabag din sa karapatan ng mga mag-aaral. Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang karaniwang paglabag sa karapatang pantao. Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag ang mga kinatawan ng pamahalaan tulad ng pulis, militar, pinuno at kagawad ng barangay, o iba pang sangay ng pamahalaan, ay nanakit sa mga tao. Istruktural ang paglabag kapag ang pamahalaan ay walang programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at kultural na kalagayan ng mga mamamayan. Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o bayolasyon ay madarama kapag ang mga kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga tao o kaya ay gumawa ng mga kasunduang nakasasama sa tao. Ilan dito ay ang pakikipagdigmaan, paggawa ng mga armas pandigmaan, at pakikipagkalakal na mayayamang bansa lamang ang may pakinabang. PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO SA PANAHON NG KOLONISASYON - Ang mga mamamayan ay biktima ng sistemang pang – aabuso at pananamantala. - Tulad ng sapilitang paggawa, diskriminasyon, pagkabilanggo, pagpatay, at iba pa. 91 Pakikibaka ng Comfort Women Comfort Women - Nagmula sa Pilipinas, China, Korea at iba pa. - Dumanas ng Pisikal, Sikolohikal, at Sekswal na pang-aabuso - Mga babaing binihag ng mga Hapon para magbigay ng serbisyong sekswal. - Hanggang ngayon ay nahingi pa rin sila ng katarungan. Hangarin ng Comfort Women Una. Isang pormal na paghingi ng kapatawaran ng pamahalaang Hapones Ikalawa. Pagbibigay ng bayad – pinsala sa kanila. Ikatlo. Paglalagay sa mga textbook ng Hapon tungkol sa mga dinanas ng Comfort Women at ang karahasang ginawa ng mga Hapones Ang mga Jew at ang Holocaust ADOLF HITLER Diktador ng Germany Pinamunuan ang Partidong Nazi sa Germany Naniniwala siya na natatangi ang lahing Aryan kaya naman isinagawa niya ang tinatawag na Holocaust Holocaust - Ang mga Jew ay ibinilanggo sa mga Concentration Camps at sila‘y ipinapatay sa loob ng Gas Chamber. Parang isang Shower room ang Gas Chamber na para ka lang naliligo ngunit pinapatay ka na sa pamamagitan ng Gas. Anne Frank Isa sa mga kilalang nabuhay noong panahon ng Holocaust Naisulat niya ang mga dinanas nila noong panahong iyon sa kanyang Diary. Nang siya ay mamatay, nakuha ng kanyang ama ang kanyang Diary at ito‘y ipinalimbag dahil sa pangarap ni Anne na maging isang manunulat. Paglabag sa Karapatang Pantao ng mga Katutubong Mamamayan - Ang mga Indigenous people na nagiging biktima rin ng pang- aabuso. - Nagkakaroon ng Ethnocide. - Ang kanilang Ancestral Domain ay nasisira dahil sa ngalan ng kaunlaran. Ginagawa itong tourist site - HALIMBAWA: MGA KATUTUBONG AETA Iba pang Paglabag sa Karapatang Pantao Yellow – Dog Contract o Hindi pinahihintulutang sumama sa kahit anong unyon ang isang manggagawa at kung kasali man ay kailangan niyang tumiwalag Child Soldier o Nilalabag ang karapatan ng batang makapag – aral, makapaglibang, at mamuhay ng maayos. 92 Double Standard o Uri ng pagtatangi kung saan magkaibang pamantayan ang ginagamit sa magkaibang grupo upang paboran ang isa. Mga Paglabag sa Karapatang Pantao sa panahon ng Diktadura Pamahalaang Diktaturyal - Dumaranas ang mga mamamayan ng pisikal at sikolohikal na pagpapahirap. - Ang mga desaparecidos; ito ang tawag sa mga bangkay na hindi pa mahanap pa. - Dahil sa galit ng mamamayan ay nagawa nilang makibaka tulad ng demonstrasyon sa kalsada, boykot, armadong pakikidigma at iba pa. - Tinapatan ito ng panggigipit at pandarahas, pananakot, pagpatay, dislokasyon, militarisasyon at iba pa. Mga Kilalang Tao noong Panahon ng Pamahalaang Diktaturyal Pol Pot Ne Win Ngo Dinh Diem Ferdinand Marcos Anastacio Somoza Augusto Pinochet Jean Claude Duvalier Mga Hakbang Upang Mabigyang Proteksyon Laban sa Mga Paglabag sa Karapatang Pantao Maraming paraan upang mabigyan tayo ng proteksyon at hindi malabag ang ating karapatan bilang tao. Ito ang mga hakbang: 1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman. Kapag nalabag ang iyong karapatan, maaring magsimulang dumulog sa katarungang pambarangay lalo na kapag ang uri ng paglabag ay sakop nito. Kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang hukuman. May mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang Komisyon sa Karapatang Pantao, at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa pagsasampa at paglilitis ng kaso. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ang karaniwang dinidinig ng mga korte sa Pilipinas. Ang mga kawani ng pamahalaan ay maaring magsampa ng reklamo sa kanilang mga opisina o sa Komisyon ng Serbisyo Sibil at kung ang pagkakasala ay may malakas na ebidensya, maari itong idulog sa Sandigang Bayan. Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ay tumutulong naman sa mga manggagawa hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman sa paggawa. Ang Komisyon ng Karapatang Pantao at Public Attorney‘s Office ng Kagawaran ng Katarungan ay nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong mahihirap. 2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice). Kapag ang mga kaso ay patungkol na sa mga alitan ng tao na galing sa iba‘t ibang nasyonalidad o alitan ng mga bansa, ito ay idinudulog sa 93 Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan. Nililitis nila ang mga kaso na nagiging sagabal sa pagsusulong ng karapatang pantao. 3. Edukasyon para sa karapatang pantao. Ito ang isa sa pinakamahusay na paraan upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag-alam sa iba‘t ibang karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating karapatan ay siyang magmumulat ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay. 4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao. Mahalagang hindi huminto ang pag- aaral ng karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga batas. Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na pagkilos upang mapigilan ang paglabag sa ating karapatan at sa karapatan ng iba. STATE OBLIGATIONS RESPECT – ang di pagawa ng mga aksyon o polisiyang maaring maka-abuso sa karapatang pantao PROTECT – pagdepensa sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal at pagpigil sa pangaabuso na maaring gawin ng ibang partido FULFILL – pagawa ng mga aksyon upang masigurong tuloy-tuloy na matatamasa ang mga karapatang pantao OBLIGATIONS OF NON-STATE ACTORS RESPECT – siguraduhing di gagawa ng anumang bagay na maaaring maka-abuso sa integridad ng mga tao FULFILL – responsibilidad na makatulong sa pagpapalawig ng karapatang pantao HUMAN RIGHTS ABUSES BY COMMISSION o Pagawa ng mga aktong umaabuso sa karapatang pantao o Pagsasatupad ng batas na aabuso sa karapatang pantao o Pagalis ng mga batas ng pumoprotekta sa karapatang pantao BY OMMISSION o Di paglagay ng mga batas o programa na proprotekta sa mga karapatang pantao o Di pag-aksyon para sa pagpapalawig ng karapatang pantao MISCONCEPTIONS ON HUMAN RIGHTS - ESC rights are ‗positive rights (dapat ibigay)‘ while CP entitlements are ‗negative rights (di dapat gawin). Mas madali ang mga bagay na ‗hindi lang dapat gawin‘ kaysa sa mga bagay na ‗dapat ibigay‘. - Ang mga kabuuhan ESC rights ay mga ‗state aspirations (panagarap abutin)‘ lamang habang ang mga CP rights are ‗human rights proper (tunay na mga karapatang pantao)‘ - Kailangan lamang ng political will para ipatupad ang CP Rights habang kailangan ng malaking resources and ESC Rights 94 - (Justiciability Issue) Mas madaling ihabla ang estado sa mga internasyunal na korte at mekanismo kung ang isyu ay CP Rights. Paano mo naman gagwin yan kung ang isyu ay ESC Rights? Eh sa wala ngang kapasidad! Lahat ng mga karapatan ay INDIVISIBLE (di nahahati), INTERDEPENDENT (nakaasa sa isa‘t isa) at INTERRELATED (magkakaugnay) MGA AKDA HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO Maikling Kwento "Ang Magkakambal na Jaakmal" ni Manuel Lorenzo D.S. Donato Isang maikling kwento tungkol sa terorismo Isang araw sa liblib na lugar ng Sulu mayroong isang lider ng terorista na nagngangalang Commander Al-Abar Jaakmal. Siya ay isang nakakasindak, tuso at sakim na lider ng teroristang grupo na Al-Taro. Marami na siyang buhay na nakikitil sa pakikipaglaban, miske sa maliit o sa malaking dahilan. Kabaliktaran nito ang kanyang kakambal na si Al- Sabanur el Kiram al Jaakmal, hindi siya mahilig makipaglaban ngunit siya ay bihasa rito. Sinasabing noong bata pa lamang sila ay si Al-Sabanur ay ang mas pinagtutuunan ng pansin ng kanilang Ama na si Mohammadi Saim al-Jaakmal. Noong bibigyan na ni dating Commander Mohammadi ang kanyang anak na si Al-Sabanur ay bigla itong tinanggihan kaya‘t ibinigay ang kapangyarihan kay Al-Abar na hindi masyadong nahalata ng madla ang pinagkaiba ng dalawa dahil parehas silang may kakaibang balbas na patulis, mahaba at malago. Hindi tumagal ay nainggit ng lubos si Al-Sabanur sa kanyang kapatid dahil sa natatangi nitong kapangyarihan, na minsa‘y kanyang tinanggihan. Sa tingin niya‘y nung siya ang namuno sa Al-Taro ay hindi marami ang mamamatay at mas magiging payapa ang kanila pamumuhay sa Sulu. Isang gabi, pinlano ni Al-Sabanur na dakipin ang sarili niyang kapatid at tanggalan ito ng balbas. Sa grupo ng Al-Taro, tanging ang mga kalalakihang may balbas lamang ang itinuturing na makapangyarihan, bawal kang magpatubo nito kung mababa lamang ang iyong pwesto. Nanghingi ng tulong si Al- Sabanur sa kanyang matalik na kaibigan na si Josef Ismael Al-Karin upang madakip ang Commander. Noong sumunod na gabi ay kinausap ni Al-Sabanur ang kanyang kapatid upang magpulong tungkol sa nalalapit na labanan. Agad namang pumayag si Al-Abar. Nang binigyan ni Al-Sabanur ng senyas si Al-Karin ay dali dali niyang tinakpan ng tela ang mukha ni Al-Abar. Nagulat na lamang si Al-Abar na sa kanyang paggising ay nasa tulugan siya ng walang mga mahihirap, agad agad siyang pumunta pabalik ng kanyang tahanan, nang may nadaanan siyang palaisdaan. Dito niya naaninag na ang kanyang 95 mukha. Hindi siya makapaniwala dahil mistulang naglaho ang kanyang kay haba- habang balbas. May narinig siyang lipon ng taong naghihiyawan at nagsisigawan kaya‘t dali-dali niyang sinundan ang tinig na kanyang naririnig. Nang makita niya ang mga tao na natutuwa ay agad niyang ipinagtaka. Dito niya nakita ang kanyang mga tauhan na mistula sinasamba ang kanyang kapatid. TInanong niya ang kanyang katabi kung ano ang nangyayari at nalaman niyang tila nagbago ng pamamaraan ng pamumuno an glider nila, na si Commander Al-Abar Jaakmal. Agad niya itong ikinagulat at sinabing siya ang tunay na Al-Abar at dapat na siya ang bigyan ng respeto. Nagresulta lamang ito ng katatawanan at paglait sa kanya ng madla. Lahat ng malapit sa kanya ay binabalewala lamang siya. Wala siyang magawa kundi manghinayang at magduda kung ano ang nangyari. Naalala niya ang nangyari kinagabihan at natandaang nakipagpulong siya sa kanyang kapatid na si Al-Sabanur at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Wari niya ay pinagplanuhan siya ng sarili niyang kapatid upang maagaw ang kanyang pamumuno bilang Commander. Nagtungo na lamang siya papunta ng lugar na kanyang tinulungan. Habang patungo siya roon ay naisip niya ang ang dati niyang sinisinta, na si Al-Alym. Agad niya itong pinuntahan sa kanyang tahanan.Pinapasok ni Al-Alym ang dati niyang kasintahan at dito na humingi ng tulong si Al-Abar. Kinwento ni Al-Abar kay Al- Al-Alym ang nangyari sa kanya. Kahit na may kinikimkim pa ring galit si Al-Alym ay tinulungan pa rin niya ang dating sinisintasa isa pang kondisyon. Dapat balikan ni Al- Abar ang dating sinisinta at ibalik ang dati nilang samahan, dapat ding ikimkim ni Al- Abar ang sikreto kung bakit sila naghiwalay ni Al-Alym. Pumayag si Al-Abar at nagpalipas muna ng gabi kayla Al-Alym. Kinabukasan ay nagplano na sila upang ibalik ang trono kay Al-Abar. Naalala ni Al-Alym na may kakamatay lang na tao na may katungkulan sa Al-Taro kaya nakaisip siya ng hindi kanais-nais na plano. Una ay magbibihis muna sila ng kasuotang hindi sila mamumukhaan at pagkatapos ay susubukan nilang hingin ang balbas ng maylabi upang magsilbing balbas ni Al-Abar, bagay na hindi niya sinang-ayunan dahil ang plano daw na ito ay para sa mga taong "utak monggo" lamang. Ikinagalit ito ni Al-Alym dahil sa tingin niya ito na lang ang natatanging solusyon lalo't narinig niya na ipapatigil na daw ng Commander ang giyera sa Sulu upang magkaroon na ng kapayapaan. Dito na napilitang pumayag si Al-Abar dahil kahit kailan at di niya pinlanong itigil ang giyera. Agad silang nagbihis at pumunta sa labi ni Al-Nad Zutra, ang pumanaw na namumuno sa Platoon E-1 ng Al-Taro. Kinausap nila ang asawa ni Al-Nad ngunit hindi ito pumayag na ibigay ang balbas. Labis itong ikinadismaya ni Al-Abar ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Al-Alym. Bumalik sila sa tahanan ni Al-Alym at nag-isip ng bagong plano. Naisip ni Al-Alym na bumalik ng hatinggabi at subukang nakawin ang labi ni Al-Nad, bagay na mas lalong nagpalungkot kay Al-Abar ngunit wala na siyang nagawa dahil paliit nalang ng paliit ang oras. Kinagabihan noong araw na iyon ay pinuntahan na nila ulit ang labi, at nagtagumpay sila. Pinunta nila ito sa maliwanag na lugar atsaka ginunting ang balbas ng labi. Binalik din nila ito ng walang nakakahalata. Pag-uwi sa tahanan ni Al-Alym ay kinorte na nila ang balbas sa mukha ni Al-Abar at sinubukan itong ilagay gamit ang kanin. Gumana ito at nagmukha na nga siyang isa na ulit na Commander. Nagpahinga na sila para sa panibago naming plano na kanilang 96 gagawin kinabukasan. Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na ang mata ni Al- Abar, sabik na siyang angkinin ulit ang trono. Maya maya ay nagising na rin si Al-Alym at nagsikilos na ang dalawa papunta sa bahay ni Al- Abar na ngayon ay tinitirhan na ni Al-Sabanur. Buti na lang ay alam ni Al-Abar ang mga iba‘t ibang paraan papasok sa kanyang silid kaya‘t agad nila itong napuntahan. Dito niya nakita ang kapatid na nag- aayos sa dati niyang silid. Hinarap ni Al-Abar ang kanyang kapatid habang may hawak na baril at tinanong kung bakit niya ito nagawa. Dito na kinwento ni Al-Sabanur na gusto niya lamang na mas mapaganda at tumahimik na ang Al-Taro para mawala na ang gulo, bagay na sa tingin niya‘y di gagawin ng kanyang kapatid. Naalala niya tuloy ang nakaraan, ang pangyayaring nagbago ng kanyang buhay. Isang gabi dati, panahong binate pa lamang si Al-Sabanur ay may hindi siya sinasadyang nabaril sa kagubatan. Tumakbo na lamang ito at nalaman kinabukasan na namatay ang mag- asawang Al-Adnaloy at Al-Mar sa baril sa katawan. Di nagtagal ay kinwento niya ito sa kanyang Ama na Commander noong panahong iyon at ipinalabas nitong mga kalaban ang bumaril sa mag-asawa. Nagbunga din ito ng sapilitang paghihiwalay sa magkasintahang Al-Abar at Al-Alym noong tumagal. Kung hindi lamang daw nangyari iyon si Al-Sabanur sana ang Commander ng Al-Taro. Napaluha si Al-Alym at naalala ang mga araw na nangungulila siya sa pagkamatay ng kanyang magulang. Lubos ding nanlambot ang puso ni Al-Abar noong nalaman ang saloobin ng kanyang kapatid. Nagyakapan ang magkapatid at humingi ng tawad sa isa‘t isa. Sa huli ay parehas silang humarap sa madla upang ianunsyo na ititigil na ang digmaan. Ikinatuwa ito ng lahat. Pinarating rin ng dalawa na simula sa araw na iyon ay parehas na silang magsisilbing pinuno ng Al-Taro. Dito natapos ang higit sa isang dekadang digmaan at nabuhay nang mapayapa ang Al-Taro sa pamumuno ng magkakambal na si Al-Abar, na nakipagbalikan kay Al-Alym at si Al-Sabanur. Kapayapaan Sa Madaling-Araw ni Rogelio L. Ordonez (Maikling Kuwento — sinulat noong 1961 at ayaw ilathala ng komersiyal na mga magasin dahil brutal daw at hindi makatao ngunit malimit nang nangyayari ngayon.) KANGINA, nang nakaupo pa si Andong sa harap ng simbahan ng Quiapo at nakalahad ang kanyang mga kamay sa naglisaw na mga taong waring nangalilito at hindi malaman ang patutunguhan, hindi niya naisip, kahit saglit, na lubhang nakahahabag ang kanyang kalagayan. Hindi dumalaw sa kanyang pang-unawa na sisimulan niya ang kinabukasan at marahil ang maraming-marami pang kinabukasang darating sa pagpapalimos sa pook ding iyon mulang umaga hanggang hapon. Ngunit ngayong sibsib na at nagsisimula nang pumikit-dumilat ang neon lights sa mga gusali, at ang mga taong dati-rati‘y huminto-lumakad sa mga bangketa, pumasok- lumabas sa mga restawran, sa mga tindahan, sa mga sinehan, ay nagmamadali nang umaagos patungo sa abangan ng mga sasakyan, saka iglap na lumatay sa diwa ni Andong ang katotohanang iyon; at bigla ang nadama niyang pagnanasa na ang gabi ay 97 manatiling gabi magpakailanman at, kung maaari, ang kinabukasan ay huwag nang isilang. Iniahon ni Andong sa kanang bulsa ng kanyang halos gula-gulanit nang pantalong maong ang mga baryang matagal din bago naipon doon; at wala siyang nadamang kasiyahan nang bilangin niya iyon, di tulad noon, di gaya kahapon, na kapag sumapit na ang gayong oras, ang kalansing ng mga baryang iyon ay nagdudulot sa kanya ng lakas at ng pananabik na makita agad ang magpipitong taong gulang na si Totong sa barungbarong na nakikipagsiksikan sa kapwa mga barungbarong na nangakalibing sa makalabas ng lungsod sa gilid ng kalawangin at malamig at mahabang-mahabang daangbakal na iyon. Hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin sa kanyang napagpalimusan. Dati-rati, inilalaan niya ang apat na piso sa kanilang hapunan at almusalan ni Totong kung hindi siya makahingi ng tira-tirahang pagkain ng mga nagpapakabundat sa mga restawran. Ibinibili niya ng pansit ang dalawang piso sa maliit na restawran ng Intsik na malapit sa palengke ng Quiapo at pandesal naman ang piso sa panaderyang nasa gilid ng tulay. Naitatago pa niya ang natitirang piso kung nahahabag ang konduktor ng bus na sinasasakyan niya na siya‘y singilin pa. At ang labis sa kanyang napagpalimusan ay isasama niya sa mataas-taas na ring salansan ng mga barya sa loob ng munting baul na nasa pinakasulok ng kanyang barungbarong. Kung malaki-laki na ang halaga ng laman ng baul na iyon, nagtutungo siya sa Central Market at bumibili ng pinakamurang damit na itinitinda roon — para kay Totong, para kay Aling Petra na kalapit-barungbarong niya na tagapag-alaga ni Totong kung siya‘y wala. Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang butuhan na niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito. Naisip niya, laging madilim ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa. Tinatanglawan lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong. Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi, panoorin ang unti-unting paglugmok ng gabi — ang pagkikindatan ng mga neon lights sa mukha ng mga gusali, ang pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng mga bunganga ng underpass. Mabuti pang doon na siya hamigin ng gabi, doon na siya bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga lamang, ang iluluwal na umaga ay huwag na niyang makita magpakailanman. Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan. Alam niyang maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at malamigan. Mula noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng Paco ang isang malaking tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin ng ubo na naging dahilan ng pagkumpis ng dati‘y bilugan at malaman niyang dibdib, ng paghumpak ng kanyang pisngi, at pagiging buto‘t balat ng kanyang mga braso, at siya‘y hindi na nakapagkargador. At marahil, dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na hirap na sa paglalabada, at malimit pa silang mag-away, nilayasan siya nito isang gabi, iniwan ang noon ay mag-aanim na taong gulang lamang na si Totong. At magdadalawang buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang kakilala, na ang kinakasama ngayon ni Tasya ay isang tsuper ng bus na nagyayao‘t dito sa Maynila at Laguna. 98 Matagal na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa mapansin niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay langkay-langkay na nagsalasalabat at nangagmamadali. Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Malamig na malamig ang mga baryang iyon. Kasinglamig ng malapit nang pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay Tasya, at kasinglamig din ng pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya. At naramdaman niyang nagiginaw ang kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan. Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at madaling-araw na at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag nang makita ang umaga, at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan ng araw na nasa bulsa pa rin niya. Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad nang lumakad, at mapadpad siya kahit saan. Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan, kahit sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa tabi ng umaalingasaw na mga basurahan, kahit sa madidilim at makikipot at mababahong mga eskinita, o kahit sa nagbabanta nang mga patak ng ulan. Madilim na madilim na sa kalangitan, at walang maaninaw si Andong ni isa mang bituin. Lumabas siya sa bakuran ng simbahan. Parang wala sa sariling tinumbok niya ang kalye Evangelista. Saglit siyang huminto sa panulukan, at inaninaw niya ang mga mukha ng dalawang batang lalaking magkasiping sa loob ng munting kariton. At naalaala niya si Totong. Kangina pa naghihintay si Totong… natutulog na marahil si Totong. Ginaygay niya ang bangketa, at sa suluk-sulok, hindi iilang pagal na katawan ng mga bata at matanda ang inilugmok ng gabi sa pira-pirasong karton at pinagtagni- tagning diyaryo. Lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan. At, naisip niya, hindi na marahil magtatagal, igugupo siya ng kanyang karamdaman. Bakit kinakailangan pa niyang mangarap nang mangarap? Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad. Paano si Totong kung wala na siya? At nang lumiko siya sa isang panulukan, isang binatilyo ang sumulpot sa dilim, lumapit sa kanya, at may inianas. At bigla ang pagbabangon ng damdaming sumuno sa kumpis nang dibdib ni Andong. Bakit wala si Tasya? At hindi niya maunawaan kung bakit sa kalagayan niyang iyon, nakuha pang sumuno ang damdaming iyon. Marahil, sapagkat siya‘y may puso, may utak, may laman at buto at dugo. Huminto siya at inaninaw niya sa manipis na karimlan ang mukha ng binatilyo. Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa kanyang bulsa at nang maisip niyang pinagpalimusan niya iyon, iglap na lumusob sa kanya ang di mawaring paghihimagsik. ―Magkano?‖ Ngumisi ang binatilyo at itinaas ang kanang palad na nakatikom ang hinlalaki at nakaunat ang apat na daliri. Iniahong lahat ni Andong sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga baryang naroroon, dalawang ulit niyang dinaklot at iniabot sa binatilyo. Nagkislap-kislap ang 99 mga baryang iyon nang bilangin ng binatilyo sa tama ng liwanag ng bombilya ng posteng malapit sa panulukan. ―Sobra ho ito,‖ sabi ng binatilyo. ―Iyo na.‖ Paos ang tinig ni Andong. Magkasunod na nilamon ng madilim at makipot na eskinita na nasa pagitan ng dalawang lumang aksesorya ang yayat na kabuuan ni Andong at ng binatilyo. Tinalunton nila ang nagpuputik na eskinitang iyon hanggang sa sumapit sila sa kalagitnaan. Huminto ang binatilyo, at huminto rin si Andong. Sa manipis na karimlan, nabanaagan niya ang ilang babaing magkakatabing nakaupo sa bungad ng isang pinto ng aksesorya. Pumako ang tingin ng mga iyon sa kanya at naghagikhikan. Bakit wala si Tasya? Ibig niyang makita, himasin ang mukha ni Tasya. Ibig niyang madama ang init ng katawan ni Tasya. Itinuro niya ang babaing nasa gilid ng pinto. Tumayo ang babaing iyon. Payat iyon, mataas, manipis ang labi, singkit, pango. Sumunod siya nang pumasok ang babae sa aksesorya at, sa ulunan ng radyo-ponograpong hindi tumutugtog, nakapako sa dinding ang karatulang tisa na may pulang mga titik na GOD BLESS OUR HOME. At dinalahit ng ubo si Andong nang lumabas siya sa silid na iyong marusing at marumi at may kakaibang alingasaw at nakakalatan ng lukut-lukot na tissue paper ang mahina nang suwelong tabla. At sumanib sa sunud-sunod na pag-ubo ni Andong ang matinis na halakhak ng mga babaing nasa bungad ng pinto ng aksesorya. Malamig at madilim at malungkot ang daangbakal at, sa langit, ang bunton ng makakapal at maiitim na ulap ay bibitin-bitin na lamang sa kalawakan. Ang madaling- araw ay nailuwal na ng gabing nagdaan, ngunit madilim na madilim pa at waring hindi na daratal pa ang umaga. Kumislot si Totong nang pumasok si Andong sa barungbarong. Ibig pa niyang lumakad nang lumakad hanggang sumisigid sa kanyang kaluluwa ang lamig ng pagdaralitang hindi niya matakasan, at isasama niya si Totong upang hanapin nila ang kapayapaan, kahit sa malalaki at masinsing patak ng ulan na ngayon ay naglagi-lagitik sa kalawanging bubong ng mga barungbarong. ―Totong,‖ paos ang tinig ni Andong. Dumilat si Totong, kinusut-kusot ang mga mata, tumingin sa malamlam at waring namamaalam na ningas ng gasera. ―Totong,‖ lumuhod si Andong sa tabi ng anak at hinimas ang payat na kabuuan ni Totong. Bumangon si Totong. ―Me uwi kang pansit, ‗Tay?‖ Iginala ni Totong ang tingin sa kabuuan ng nagiginaw na barungbarong, lumungkot ang mukha nito nang mapansing walang nakapatong na supot sa mesitang yari sa pinagputul-putol na tabla. Nangilid ang luha ni Andong. ―Ba‘t ‗ala kang uwing pansit ngayon, ‗Tay? Kahapon, saka noon pa, lagi kang me uwi. Ba‘t ‗ala kang uwi ngayon, ha, ‗Tay? ―Bibili tayo.‖ ―Senga, ha, ‗Tay?‖ Namilog ang mga mata ni Totong. 100 Tumango si Andong. ―Kelan?‖ Nangulimlim ang mukha ni Totong. ―Ngayon.‖ Napalundag si Totong. ―Saka pandesal, ha, ‗Tay! Saka ‗yong tulad nang uwi mo noong ‗sang gabi, ‗yon bang masarap, ‗yong me lamang keso!‖ Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong. Inakay niya ito palabas ng barungbarong. Sa labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos. Ang mga barungbarong ay nagiginaw, nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag- indak-indak na ningas ng mga gasera. Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang kapasiyahan. Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad. ―Umuulan, ‗Tay. Maliligo tayo sa ulan, ‗Tay? Tuwang-tuwa si Totong. Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod, mahahaba. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Nagsayaw-sayaw sa kanyang katawan ang malamig na malamig na patak ng ulan. Waring nananangis ang mga bubungang yero ng mga barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling mga patak ng hindi masawatang ulan. Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong. Sumampa sila sa daangbakal. Lumuksu-lukso pa si Totong, nilalaru-laro ang masinsing mga patak ng ulan,. Tinalunton nila ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo. ―Malayo pa, ‗Tay? Sa‘n me tindang pansit, ha?‖ mayamaya‘y tanong ni Totong. ―Ma…malapit na, Totong.‖ Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan. Nagpatuloy sila sa paglakad. Lalong lumalakas ang ulan. Lalong tumitindi ang pagnanasa ni Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami pang umagang darating. Darating na ang kapaypaan… darating na iyon. ―Malayo pa ba, ha, ‗Tay?‖ pamuling tanong ni Totong. ―Gutom na ‗ko, ‗Tay. Pansit, ha, saka ‗yong me palamang keso.‖ Hindi sumagot si Andong. Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang dibdib, nagsisikip. Nangangati ang kanyang lalamunan. Muli siyang inubo, tuyot, sunud- sunod, mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad. Napaupo siya sa riles, hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang kanyang paningin, nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong; nagtatanong ang mga mata nito, kukurap-kurap. Yumayanig na ang riles, naramdaman ni Andong, at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Tumingin siya sa pinagmumulan ng dagundong ngunit madilim pa, kahit mag-uumaga na. Ang kalawakan ay lalong pinadidilim ng masinsin at malalaking patak ng ulan na waring galak na galak sa pagbuhos. Sa malayo, ang dagundong ng tren ay papalapit, papalakas. Yumupyop na si Totong sa tabi ni Andong. ‗Tay, uwi na tayo! ‗Yoko na sa ulan. ‗Yoko na ng pansit,‖ parang maiiyak si Totong. 101 Rikitik…rikitik…rikitik…wooo… wooo! Papalapit iyon, papalakas, papabilis. Dumapa si Andong sa riles ng tren. Patuloy siyang dinadalahit ng ubo. Naramdaman niyang nagwawala si Totong sa kanyang pagkakahawak. Rikitik…rikitik…rikitik…rikitik…woooo…woooo! ―‗Tay!‖ Nilamon lamang ng malakas na malakas nang dagundong ng tren ang sigaw ni Totong. Nagdudumilat sa harapan ang dalawang ilaw ng rumaragasang tren. Luha ng kahapon Akda ni: Ian Feidalan Marso noon. Nakakapaso ang init ng kapahunan. Maalinsangan din ang hanging dumadampi sa aking balat. Ang panahon ay nakikisimpatya sa kalungkutan na bumabalot sa kanayunan. Lungkot na nakakabagabag. Hindi lang pala ako ang nagbalik sa lugar ng aking pagkabata. Isa-isa ring nagbalikan sa aking gunita ang mga alaala ng lumipas na panahon— ang mga lunan, pangyayari at mga personahe ng nakaraang kabanata ng istorya ng aking kahapon. Sa batis na iyon madalas akong tumungo at magmuni-muni. Ang lagaslas ng tubig ay himig ng kapayapaan. Ang himig na binigyan pa ng buhay mula sa tunog ng langitngit ng kawayan at ingay ng mga kulisap. Dito ang aking takbuhan kapag ako'y may problema. Sa lugar kung saan nagiging panatag ang aking kalooban. Malayo sa ingay at kaguluhang likha ng tao. Paraiso kung maituturing. Doon ay aking isinasagawa ang kakaibang ritwal upang mawala ang anumang problemang aking pinapasan. Uupo sa batuhan dala ang kapirasong papel at panulat. Matiyaga ko‘ng isusulat sa papel ang mga ito at nang matapos ay ginagawa ko namang mumunting bangka. Dahan-dahan akong lalapit sa batis at ipaaanod ito. Kung saan man tumungo ang bangkang papel kasama rin ang aking dala-dalang mga suliranin... Marami na ngang pagbabago. Ang daan tungo sa dating masukal na lugar na madalas kong sinusuyod tuwing dapit-hapon ay maaliwas na at natabasan. Wala na ang dating malawak na parang kung saan ako at aking mga kaibigan ay madalas na nagpapalipad ng guryon. Pumalit dito ang mangilanngilang bahay na nakapalibot sa kampo ng sundalo. Matatag pa ring nakatayo ang puno ng akasya sa gawing kanluran ng parang. Para bagang ito lamang ang nag-iisang saksi sa anumang kaganapang hindi kayang itala sa gunita. Bigla ko ring naalala si Lina. Noong nasa ikalimang baiting ako, doon ko inukit ang kanyang pangalan. Ang paghanga sa kanya ay hindi ko maitago. Mahaba ang kanyang buhok, mapupungay ang mata at napakabait pa. Sayang, hindi ko na s‘ya nakita pa matapos ang pagtatapos sa paaralan. Nasan na kaya s‘ya ngayon? ―O iho, kailan ka pa dumating mula sa lungsod?‖ Si tandang Ador pala. Bahagya ko pang ikinagulat ang kanyang pagtatanong na pumutol sa daloy ng mga gunita. Bata pa kami‘y iyon na ang nakagawian tawag sa kanya— tandang Ador. Ang matanda‘y tila hindi tumatanda. Sa katunayan, sa sampung taon na nakalipas ay halos walang nagbago sa itsura niya maliban sa ilang marka ng guhit sa noo. ―Aba‘t natatandaan n‘yo pa po pala ako?,‖ tugon ko. 102 ―Ay lintik na batang a-re, paanong hindi ay madalas mong kunin ang mga bungang kakaw sa likodbahay. Saan ka ba nagpunta at ang putik ng iyong mga paa?‖ Pilit kong hinagilap ang iba pang gunita ng aking kabataan na may kinalaman kay tandang Ador ngunit liban sa kanyang paminsan-minsang kwento tuwing tanghali at manaka-naka ring pananaway ay wala na akong maalala. Tanging ang boses na kakakakitaan ng tapang ang siyang tumanin sa aking isipan. Tapang na hindi ko maramdaman ngunit aking nababatid sa kanyang mga kwentong punong-puno ng pakikipagsapalaran. Mga kwento iyon na naglalarawan ng kagitingan alang-alang sa pagtatanggol sa kapwa at sa bayan. Sa murang gulang ay naintindihan ko ang ibig sabihin ng mga labanan na nagaganap sa pagitan ng mga sundalo at NPA. Kung anumang pagsasalarawan sa mga nangyayaring putukan, takot pa rin ang nangibabaw sa akin. Takot na sa bawat engkwentro, may mamamatay. Ngunit ang pilit ko pa ring inuunawa ay kung bakit nagagalit si tatay sa akin tuwing darating ako nang halos takip-silim na. ―Ikaw bata ka, bakit hinapon ka na naman? Di ba‘t sabi ko‘ng ‗wag kang pupunta sa burol?‖ Bulyaw ni tatay sa akin isang hapon. ―Hindi naman po. Dumaan lang ako kina tandang Ador. May binigay s‘yang tirador sa akin. Tingnan n‘yo po, ang ganda ng pasanga na napili n‘ya. Yari sa punong bayabas.‖ Nangatwiran pa ako sa pag-aakalang makaliligtas ako sa nagbabadyang galit ni tatay. Akala ko ay ayaw lamang talaga niyang aabutin ako ng dilim sa labas lalo pa nga at nasa burol ako. Sa aking pakiwari‘y lalo pa siyang nagalit nang malamang galing ako kay tandang Ador. ―Hoy Arnel, hindi ka na kumibo?‖ ―Ah, diyan pos a batis nagpahangin..‖ ―Balita ko sa iyong ina ikaw daw ang magsasalita sa darating na pagtatapos ng mga mag-aaral bukas?‖ ―Opo munting mensahe para sa mga bata.‖ Muli kong tugon. ―Hintayin mo ako ha? Huwag kang magsisimula hangga‘t wala ako doon.‖ Pangiting biro niya. Nagpaalam ako sa kanya ng hapon ding iyon. Madilim na ang kapaligiran nang marating ko ang bahay mula sa maghapong pag-iikot. Pinuntahan ko rin kasi ang aking mga kabarkada na karamiha‘y may kanya-kanya na ring pamilya. Nakakatawang isipin ngunit parang kalian lamang nang naliligo kami sa ulan habang nagtitiliw ng palaka. Halos mamatay sa takot si Hector nang akmang dadakmain ang napagkamalang palaka na isa palang bayawak. Kinabukasan, nakita ko‘ng bakante ang kanyang upuan. ―Absent si Hector. May liham ang kanyang ina at nabanggit na itong si Hector ay nagbabad sa paliligo sa ulan kaya nagkasakit. Kayo, mga bata huwag kayong magbababad sa ulan. Baka matulad kayo kay Hector,‖ wika ni Bb. Cruz, ang aming maestra. Hindi kaya sa takot kaya nilagnat itong si Hector at hindi sa paliligo sa ulan? Tahimik ang gabing iyon. Nakakabingi ang tunog ng bawat tik-tak mula sa orasan. Alumpihit sa higaan, muli akong bumangon upang tunguhin ang kusina. Sa sobrang alinsangan ay halos matuyo ang aking lalamunan. 103 Binuksan ko ang bintana upang makapasok ang hangin sa silid. Mula roon natatanaw ko ang kalangitang namumulaklak ng mga bituin. Maliwanag sa labas bagama‘t hindi kabilugan ng buwan. Sa kalayuan ay may natanaw akong parang gumagalaw. Anino ng tao? Multo? Hindi.. matanda na ako para maniwala sa mga maligno at anu-ano pang kwentong halimaw. Marahil ay guni-guni ko lang iyon. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at pinasadahan ng pagbabasa ang talumpating aking bibigkasin kinabukasan. ―..Ngayon ay panibagong simula. Unti-unti n‘yong buuin ang inyong pangarap. Sapagkat ang buhay ay isang napakahabang paglalakbay..‖ Bakit wala si tandang Ador? Akala ko ay manonood s‘ya ng pagtatapos ng mag- aaral? Siguro‘y dahil sa katandaan, nakalimutan na nya na ngayon ang araw na ito. Natapos ako sa talumpati at bumaba ng entablado ―Arnel.. Arnel! Nabalitaan mo nab a ang nangyari kagabi sa bahay ni tandang Ador?‖ Si Hector. ―Bilis halika, puntahan natin!‖ Nakita si tandang Ador kaninang mag-uumaga na wala ng buhay. Kwento ni Mang Simon, papunta s‘ya sa bahay ni Tandang Ador upang humiram ng lagari ngunit nang ilang mga minutong walang sumasagot, nalamang bukas ang pinto at nang buksan tumambad sa kanya ang walang buhay na si Tandang Ador. Nakahandusay ang katawan na tadtad ng saksak. Nakatali ang kamay. Mangitimngitim na pasa sa mukha. Sino ang maaaring gumawa nito? Walang kagalit ang matanda… Si tatay ang nagpaliwag sa naguguluhan kong isipan. Ayon sa kanya, si Tandang Ador ang namumuno sa mga mamamayang tumututol sa pagtatayo ng minahan sa bayan ng San Martin. Marahil dito, iniuugnay sya ng mga sundalo sa opensiba ng NPA laban sa kanila. Marami pang kwento si tatay patungkol sa matanda. At wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ni tandang Ador. Para sa kanyang kapwa rin ang isinusulong nyang pakikibaka. Kung walang nagsalita laban sa pagmimina noon marahil tuluyan nang nasira ang mga burol. Marahil nadaluyan na rin ng nakalalasong kimikal ang batis. O naligwakan ng putik ang daloy ng mga patubig sa kabukiran. Marahil dumalaw din ang delubyo ng baha na kikitil sa ilang buhay dulot nang patuloy na pagpuputol sa kakahuyan sa kabundukan. Kung totoong sangkot nga sya sa mga NPA, ang pinakatamang gawin ng mga awtoridad ay sampahan s‘ya ng kaso at litisin ng patas sa harap ng hukuman. Hindi ba‘t batas naman dapat ang umiral? Ang batas na dapat ipinatutupad ng mga alagad ng pamahalaan. Bakit pinapatay ang nagtatanggol sa katwiran? Bakit siniselyohan ang bibig ng mga taong nagsasalita laban sa pamahalaan at maling pamamalakad nito? Maraming tanong na nanuot sa aking kamalayan. Isang kaganapan na di ko maiwaksi sa aking pag-iisip. Walang malapit na kamag-anak si tandang Ador. Upang mabigyan ng maayos na libing, pinagtulungtulungan ng mga kababaryo ang mga bayarin. Si nanay na mismo 104 ang nag-asikaso sa lahat nang dapat gawin. Nais din ng aking magulang na mabigyan sya ng marangal na burol. Ngayon ko lang napasok ang kabuuan ng loob ng bahay. May ilang kasangkapan, bilang ng mga libro at baul. Madilim at masalimoot ang paligid. Pinagkaitan ng liwanag. Sa isang sulok ay may maliit na mesa. Maalikabok. Madumi. Heto, ang aklat ay buhay pa rin. Lipunan at Rebolusyong Pilipino? Eto ang madalas niyang basahin sa akin tuwing dumaraan ako sa bahay niya. Habang iniisa-isa ko ang pahina, isang pirasong papel ang nalaglag sa sahig. Dali-dali kong pinulot ito. Isang liham. Manilawnilaw na sa kalumaan. Umupo ako sa gilid ng tarangkahan at binasa: Aking anak, patawad ngunit kailangan kitang ipaalaga sa ibang tao.Hindi ko gustong mapahamak ka. Mahirap ang sitwasyon natin. Alam kong di mo maiintindihan ang ginagawa ko sa ngayon. Darating din ang panahon at mauunawaan mo ang prinsipyong ipinaglalaban ko. Basta‘t tatandaan mo na lagi akong narito Abner. Anak ko, para sa iyo rin at sa mga batang tulad mo kung bakit ko ito ginagawa. Gusto ko sana paglaki mo ay manaig ang na ang katwiran, wala nang pang-aapi.. ―O Arnel bakit nariyan ka? Tulungan mo ako ditto. Pakidala ng mga baso dito sa labado. Ang hiyaw ni nanay. Lumapit ako kay nanay habang nangingilid ang aking luha. ―Nay nabasa ko po ang sulat ni tandang Ador. Naiintindihan ko.. Hindi po ako nagagalit.‖ Para kay Solidad Buenavista: Ang Pokpok Naming Ina” Sa panulat ni Dian Joe Jurilla Mantiles Tunay ngang ang pag-ibig ng isang ina ay kapara ng mga talang sa kalangita‘y nakaukit at walang ibig na huminto sa pagkislap. Kasabay nito ay ang napakalalim at purong pagmamahal na kahit sino ma‘y hindi makakapantay. Mula sa ating kauna- unahang pagbigkas ng salitang ―ma-ma‖ hanggang sa patuloy nating matutunan ang katuturan ng ating mga pansariling wika. Lingid din sa ating kamalayan na habang tayo ay nasapupunan pa lamang niya ay kapwa iisa na ang tibok ng ating mga puso – ang makapangyarihang tibok na kung saa‘y namumutawi ang lubusang kaluwalhatian at pag-ibig na walang katapusan. Tatlong dekada na ang nakalipas nang si mama ay lumisan sa mundong ibabaw. Ang aming pamilya ay buhat sa dako ng katagalugan. Doo‘y nakilala siya sa katauhang Mommy Solidad Buenavista. Ang kanyang kariktan ay walang kupas at hindi napangiiwanan ng panahon. Ang boses niyang mabini na tila isang anghel na galing sa kalangitan. At higit sa lahat ay ang kanyang pagmamahal at dedikasyon bilang isang ina sa aming pamilya. Subalit sa kabila ng lahat ng mga parangal at papuring ito, siya ay isang walang kwentang babae. Ako ay lumaki sa poder ng aking ina. Sa murang kaisipan pa lamang ay nasaksihan ko na ang kahirapan sa buhay. Sa lansangan ang noo‘y aming naging kanlungan. Napakahirap tanggapin ang katotohanang mabuhay sa wala. Ang masalimuot na impresyon sa ilalim ng liwanag ng buwa‘y banayad na sumasaklaw sa 105 aming mga balat habang binabagtas namin ang mga lansangang sa aking diwa ay tila isang makipot na lugar sa kawalan. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang labis na pagkatakot na sa anumang pagkakataon ay isa sa amin ang mapahamak at mapaslang sa kadahilanang ito. Dahil isang musmos pa lamang ay wala akong naging kabatiran at lakas ng loob upang makagawa ng kahit na anong kaparaanan upang makatulong sa aking ina na siyang iisang nagtataguyod sa aming sampung magkakapatid. Salat man kami sa mga bagay na ito, kahit na kaila‘y hindi ko naramdamang ibinaon ni mama ang kanyang pagmamahal at mabuting hangarin para sa aming magkakapatid. Nasaksihan ko rin kung papano inalintana ni mama ang paghihirap at labis na sakit ng katawan mula sa buong araw na pangangalakal at pagbebenta ng mga bakal at bote buhat sa mga basura ng tao. Sa paglipas ng apat taon na aming paghihirap, masasabi kong kahit papaano ay nakapag-pundar na si mama ng aming munting tahanan. Ako na ata ang pinakamasayang bata sa pagkakataong iyon! Hindi ko mawari ang aking kagalakan na sa wakas ay makaka-apak na kami sa isang lunan na kung saa‘y may apat na pader at kisameng masisilungan sa tuwing sasapit ang dagok ng hangin at ulan. Sa wakas ay nawala na rin ang takot na nananahanan sa aking puso at isipan. Akala ko sa paglipat naming iyon ay matitiyak kong ligtas na kaming magkakapatid. Subalit ang lahat ng pangmalas na iyon ay kapara na lamang ng mga ulap sa himpapawid na unti-unting naglalaho sa pagdaan ng maikling takda ng panahon. Nagbago si mama. Ang dating pagmamahal niya‘y napalitan ng matinding galit at poot. Sa bawat umagang ginawa ng Diyos ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pagbuntunan ng galit at saktan kaming magkakapatid. Mayroong kung ano sa kanya‘y nangyari kung bakit siya nagbago. Ang dating sandigan ko ay bakit tila ngayo‘y kinatatakutan ko na. Ano ang nangyari kay mama? Hanggang sa isang araw habang kami ay naglalakad pauwi buhat sa bayan upang makapagbenta ng mga bakal at bote. Isang pangkat ng mga bata ang sa ami‘y tila nakatingin ng kakaiba. Sinubukan kong ibali ang atensiyon ko sa aking mga kapatid at nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad subalit tiyak kong kami nga ang sinusundan ng mga ito. Hindi ko maialis sa aking isipan ang labis na pag-iisip at pagkatakot sapagkat may kung ano sa amin ang binabalak gawin ng mga ito. Maaring pakay nila kaming saktan o marahil ay nakawin mula sa aming kustal ang perang aming kinita. Sa isang tiyak na sandali, wala sa dalawang ito ang nangyari. Ang noo‘y akala kong pisikal na pang-aabuso ay higit na mas naging masalimuot. ―Pokpok ang nanay niyo! Mga anak ng pokpok!‖ sigaw ng mga batang ito. Paulit ulit itong tumatatak sa aking nagugulumihanang isipan. Hindi ko maipaliwanag subalit parang may isang patalim ang bumabaon sa aking puso at tila walang katapusan ang pag-agos ng dugo at pagluha nito sa tuwing naiisip ko ito. ―Hindi ito magagawa ni mama,‖ ang pilit kong itinatatak sa aking mga nakababatang kapatid na noo‘y naguguluhan pa lamang at hindi pa lubusang batid ang mga ito. Sa bawat umaga ng aming pakikipagsapalaran, ito ang nagsisilbi naming umagahan – ang mga hindi makataong pangungutya at panlalait mula sa iba. Dahil dito ay naglakas loob akong alamin ang katotohanang sumasaklaw sa lahat ng mga 106 paghahatol na ito. Palihim kong sinundan si mama sa kanyang trabaho na sabi niya sa amin noon ay isang negosyo lamang. Hindi ko maitatagong mangamba sapagkat sa tuwing aalis siya sa aming bahay ay punong-puno ng kolorete ang kanyang mukha at pulang-pula ang kanyang labi. Sa aking nasaksihan, totoo nga ang lahat ng mga ito. Iba‘t ibang mga lalaki ang sa kanya‘y nakapalibot at siya ay tila nagsisilbing isang masarap na ulam na kinatatakaman ng mga ito. Nahiwa ang aking pagkatao sa aking natunghayan. Napuno ng mga katanungan ang aking murang isipan. Napakahirap na maging anak ng isang pokpok. Walang katapusang pangaalipusta ang sa ami‘y ibinabato. Napakaliit lamang ng pagtingin sa amin ng lipunan. Dahil nga ba ito sa hanapbuhay ni mama? Hindi ko rin masisi si mama sapagkat nararamdaman ko mula sa ikabuturan ng aking puso na ginagawa lamang niya ito dahil ayaw niya kaming mamatay sa gutom. Dahil nahihirapan na siyang magpakalat-kalat kami sa gitna ng madilim at mapanganib na lansangan. Sa makatuwid nagawa niya ito dahil mahal niya kami. Sa bawat paglunok ko ng kanin sa aming hapagkainan ay naiisip ko ang hanapbuhay ni mama. Labis ang pagbuhos ng aking mga luha sa tuwing tumatakbo sa aking isipan ang katotohanang hinyaan niyang madurog ang kanyang pagkatao para mabuo lamang niya ang responsibilidad niya sa amin. Sabi nga nila, handang gawin ng isang ina ang kahit na ano para lamang sa kapakanan ng kanyang mga anak. Sa kabila nito ay hindi ko pa rin matanggal sa aking isipan ang magiging kaligtasan ni mama. Papaano na lamang kung saktan o paslangin siya ng mga customer niya? Paano na lamang kung dapuan siya ng mga mapanganib at nakamamatay na karamdaman? Siya isang inang nakikipagsapalaran lamang para mabuhay kami. Wala siyang ibang adhikain kung hindi ang makakabuti lamang para sa amin. Nagpatuloy ang kanyang hanapbuhay sa loob ng maraming taon, dahil din dito ay nakapagtapos ako sa kolehiyo at iba ko pang mga kapatid. Napakasakit man sa akin bilang isang anak na makitang nagbebenta ng sariling laman ang aking ina subalit pinilit kong tanggapin na lamang ito at gawing insiparsyon upang makapag-aral at makaahon mula sa labis na pagka-lugmok sa kahirapan. Sa wakas ay tumigil na rin si mama sa kanyang hanapbuhay. Sa loob ng isang taon ay napuno ang aming tahanan ng masasayang mga ala-ala. Noo‘y doon ko lamang nakita ang labis na kasiyahan mula kay mama. Kahit papaano ay unti-unti kong napapawi ang madilim naming nakaraan. Subalit lang ng ito ay nagbago ng matuklasan naming may sakit si mama. Ang sakit na ito ay nakuha niya sa kanyang nagdaang hanapbuhay. Labis ang aking panghihina nang malaman ko ang tungkol dito. Hindi ko pa nadadala si mama sa iba‘t ibang bansa. Hindi ko pa lubusang nasusuklian ang kanyang sakripisyo. Ang sakripisiyong para sa akin ay higit na dakila sa kahit sino pa mang magulang na nagha-hanapbuhay din para sa pamilya. Ibang-iba si mama. Marahil hindi ako ngayon isang propesiyonal kung hindi dahil sa kanya. Hindi nagtagal ay pumanaw na rin si mama. Baon niya ang masasaya naming ala-ala hanggang sa kanyang huling hininga. Ano pa man ang kanyang naging maling desisyon noon, masaya siya sapagkat nagbunga ito ng maganda – at ang aming 107 tagumpay ang kumukha rin ng kanya. Hanggang sa huli mama, tunay na nakaukit sa aking puso‘t isipan ang iyong ala-ala. Ito ay para sa aking pokpok na ina. Ipinagmamalaki kita! Barya Nakalathala sa Daloy Dalumat Alas-7 ng umaga. Nag-aabang ako ng bus mula Mandaluyong pa-Nova. Tanging laman ng bulsa ko‘y sampung-pisong barya. Sinasalat-salat ko ng mga daliri ng isang kamay ang bagol sa bulsa ko; sinasalat-salat ang nakaukit na mga mukha nina Mabini at ni Bonifacio. Nag-iisa, walang kalansing ang barya sa aking bulsa. Ang kumakalampag ay ang kalam at hilab ng aking bituka na hindi man lang nasayaran ng mainit bago ako umalis. Walang almusal sa opisina ng Kilusan. Simot ang mga botelyang plastik ng kape at asukal. Siguro naman ay may kape sa bahay na pagdarausan ng talakayan sa isang komunidad sa Nova. Pumara ang isang bus na pwede kong sakyan sa loading bay. Sinasalat pa rin ang bagol sa aking bulsa, nag-aagam-agam na sumakay ako. Ang sampung-piso sa aking bulsa ay kulang sa pamasahe hanggang Nova. Tatawaran ko ang konduktor kung papayag ito o ibabayad ang sampung-pisong barya kung hanggang saan ang abutin nito. Kadilakad na lang hanggang lugar na aking pupuntahan. Maaga pa at kukonti pa ang pasahero. Pinili ko ang isa sa mga upuan sa tabi ng bintana sa dakong likuran ng bus. Mas madaling makiusap kung walang makakarinig na iba. Hindi ako kaagad pinuntahan ng konduktor para singilin. Magdaragdag pa muna siguro ng mga pasahero bago magtiket at maningil. Parang karo sa bagal ang takbo ng bus. At madalas na patigil-tigil upang mangahoy ng maagang mga pasahero. Isinandig ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan. Pumikit. Naopuyat ako sa kababasa sa nilalaman ng pinakahuling isyu ng dyaryo ng Kilusan bilang paghahanda sa talakayan: Ang standoof ng Pinas at China sa Scarborough Shoal. Ang pagpapalakas ng pwersang militar ng US sa Asya at ang Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement sa pagitan ng US at Pinas bilang angklahan nito. Ang pagpapatibay ng Senado sa State of Visiting Forces Agreement (SoVFA) sa Australia, ang pangunahing ayudante ng US sa bagong estratehiya nito sa Asya-Pasipiko… Habang nagrirepaso para sa talakayan ang aking isip, tinighaw ko ang aking gutom sa mabangong amoy ng binusang mani ng isang ambulant vendor na umangkas para ilako ang paninda. At nanaginip na bumili ako ng isang botelya ng malamig na malamig na mineral water. 108 Bayan! Pagulantang akong nagising. Mabilis na sinalat ang sampung-pisong bagol sa aking bulsa. Naruon pa. Hindi ako tiniketan at siningil ng konduktor. Inilabas ko ang aking kamay na nakaipit na sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ang sampung-pisong barya na tanging kayamanan ko sa araw na iyon. Tumayo na kasabay ng nagtayuan ding mga pasahero para magsibaba. Hawak ko ang aking bagol kung sakaling sisitahin ako ng konduktor. Ni hindi tumingin sa akin ang konduktor. Kahit pa palingap-lingap ako dito habang pababa na ng estribo. Nagulat pa ako nang humugong ang makina ng bus at muling umandar. Kasabay ng palatak ko ng Yes! biglang dumulas ang bagol sa pagitan ng dalawa kong daliri; nalaglag sa paanan ko, gumulong, at bago ko nahabol ay tuluy- tuloy na nahulog sa imburnal sa di-kinalayuan sa aking kinatatayuan. Tula Paggalang sa Karapatang Pantao ni Charlene L. Lizardo Nakikita mo silang nasasaktan? Dahil yan sa iyong kaugalian Na dulot ng masama na kaisipan Na gusto mag-sira sa mga tauhan. Ang hinihingi lang naman ay respeto, Hindi lang sa akin kundi rin sa iyo Halika at tayo‘y magsasama magtrabaho Upang makamit ang kapayapaan sa dulo. Ang kapayapaan ba ay talagang gusto mo? Kung gusto mo, magsimula ka sa pagrespeto Ito ay hindi lang para sa akin kundi pati rin sa iyo Magsimula tayo sa paggalang ng karaptang pantao Bakit Kami’y Inyong Pinapatay? ni Rogelio L. Ordonez kami ang nagtatanim ng palay naghahawan ng mga damo sa tubuhan at nagpapabulas sa mga gulay nag-aalaga sa manggahan at pinyahan upang inyong mga labi‘y masiyahan at humalakhak ang inyong tiyan. kami ang maghapong gumagawa 109 nagbubungkal ng inyong lupa upang buhay ninyo‘y sumagana at lumagi kayong pinagpala. bakit kami‘y inyong pinapatay? kami ang alipin sa pabrika at nagpapaandar sa makina lumilikha ng inyong mga damit mga gatas na de lata mga inuming nakabotelya mga gamot na ikinapsula. kami ang kapiling ng lagari‘t tabla ng semento, buhangin at graba upang gusali ninyo‘y mapuno ng pera. kami rin ang kuba na‘t nagpapasan ng sangkatutak na mga buwis mapalamon lamang ang mayayaman at laging may makurakot-madambong mga tulisan sa pamahalaan. bakit kami‘y inyong pinapatay? kami ang taga-hugas ng inyong pinggan taga-dulot ng inyong pagkain taga-masahe ng inyong katawan taga-maneho ng inyong kotse taga-laba ng inyong mga damit taga-alaga ng inyong mga anak taga-gawa ng marami pang bagay oo, kami ang suhay ng inyong buhay upang patuloy kayong mabuhay sa karangyaan at kaluwalhatian at tamasahin ang kamunduhan. bakit kami‘y inyong pinapatay? sa halip na kalingain at pagpalain bakit ayaw ninyo kaming tratuhin bilang tunay na mga tao rin sa ilalim ng isang lipunang marangal at naghahari‘y hustisya sosyal? hanggang kailan dignidad nami‘y inyong yuyurakan 110 at ipagkakait ang kinabukasan? masisisi pa ba ninyo kami kung balang araw kayo naman ang patayin namin. bakit kami‘y inyong pinapatay? Ako, Ikaw, at ang Lahat ni Omar Shariff Juaini Katangian ng Pilipino ang maging makatao Lahat ay dapat magsikap upang maging maginoo Sapagkat tayo ay ginawa ng iisang Diyos, Tayo‘y ginawa at tayo‘y kayang gawing pulbos. Ang karapatang pantao ay ibinibigay sa lahat, Kaya‘t obligasyon nating mga tao ang maging tapat. Lahat ay dapat nating ituring isang kaibigan Upang ang pagkatao natin ay hindi maiwan Sa lahat ng bagay ay kailangan nating rumespeto Sapagkat ginawa tayo ng Diyos upang maging kumpleto. Tayong lahat ay pare-pareho sa mata ng Diyos, Kaya‘t kailangan nating magsikap magmahal ng lubos. Karapatan sa Buhay at Dignidad Sa panulat ni Ginoong Jetty G. Orozco Buhay ko, Buhay mo, Buhay nating lahat Sa mundong ito, lahat tayo ay namulat. Wala na yatang bagay na bago sa ilalim ng araw ay hindi pa nasisiwalat, Bagay na di dapat ikagulat. Sa simula't sapul Ng tayo pa ay mumunting supling at sanggol Habang akay-akay ng ating magulang 111 May dignidad na sa atin ay lumulatang Basehan na tayo ay may karapatang mabuhay, ipagpatuloy ito, maging masaya at magtagumpay. Dunong at diwa sa atin ay ibinigay Mula sa Maykapal na kabutihan ang siyang taglay. Gamitin ito sa wasto at huwag iabuso. Binigay sa atin ito upang ipagyabong at antas ng pamumuhay ay tumaas Hindi para manlinlang, manloko at maging mandarambong Kaya nga moralidad ay kumukupas. Huwag mang-apak ninuman Lalo na sa kanilang pagkatao at karapatan At pag bumaligtad ang panahon Baka ikaw naman ang nasa piitan. Hindi ko lubos na maisip na sa sinauna pa man hanggang sa kasalukuyan Sa tinagal-tagal ng pakikibaka ng sinuman sa sanlibutan Meron pa ring sa kalayaan o karapatan ay pinagkaitan Ganid at makapangyarihan, Kung sila ay ilarawan. Mapangahas at mapusok, lalo nang kasuklam-suklam Kung ganilang galit ay pumutok. Hinagpis at poot, huwag ikubli, Dinggin ang puso sa pag-abot ng katarungang minimithi. Magsumbong sa kinauukulan Nang sa gayon, sungay ny salbahe ay maputulan. 112 Anak ka man ni Pontio Pilato o karaniwang tao lamang, Basta hustisya at iyong karapatan na ang pinag-uusapan, Huwag hayaang yurakan. Matuto tayong lumaban, Puri at sarili ay ingatan Karapatan nating ipagtanggol ang sarili Sa anumang uri ng pang-aapi At kailanman huwag hayaan magapi Datapwat kalayaan ay ipagbunyi. KALAYAAN, Sa anumang uri, Ito ang ating karapatan, Kalayaan na hinahangad ng karamihan, Mahirap man o mayaman. Lahat tayo, ito ating inasam-asam, Pagkat tao man lan naman at nangangailangan ng kaligayahan Karapatan natin ito, ng bawat nilalang. At sa pagsubok huwag na huwag kang susuko yan ating isaalang-alang. At kung ikay yamot at pagod na sa buhay Huwag kang magpapakamatay Lalo lamang itong gugulo Kung marunong ka lang maghintay. Darating ka rin diyan,pero ngayon ang bata mo pa May bukas na naghihintay at marami ka pang magagawa. Ang iba nga diyan, tulad ng maysakit at may edad na Gusto pang mabuhay, ikaw pa kaya 113 Dahil lang sa mga rasong ang bababa. Pero sabi mo, "Buhay ko naman to", Sige bahala ka,basta alam mong sa purgatoryo o impyerno ka patutungo Maging matatag ka lang sana Kasi walang sinuman ang may karapatang kumitil nito Kundi ang tagapaglikha lamang, na pinahiram mang tayo. Tungkol naman sa karapatan, Marami itong kinabibilangan, Isa na rito ang karapatang pantao - Karapatang mabuhay, magkaroon ng maganda at maayos na pamumuhay, disenteng tahanan, karapatang makapag-aral, makapagtrabaho, maging masaya, ipagtanggol ang sarili at kanyang karapatan karapatang mamili at karapatang mamuhay nang tahimik. Lahat ito, nararapat lang angkinin at ating pagyamanin Dahilan kung bakit di na natin kailangan ng dalubhasa O sinumang makata na lilikha ng alinmang konstitusyon Na nagbibigay lamang sa atin ng altapresyon Dahil sa pagpapatupad ay ang kukupad at namimili pa, Kaya naman karapatan ay ang bagal umusad. Nasasani kong hindi na natin kailangan sila dahil itoy napakasimple Pagkat tayo mismo sa sarili nating paraan, Tiyak karapatan ay 114 makakamtam. Pangalawa, ang karapatang pangkalikasan o panghayop Hindi lang tayong tao ang may karapatang mabuhay sa mundo Dahil kung makapagsalita lang ang hayop Tiyak ito ang sasabihin nila "Hoy buwisit ka, Hayop man kami, mas lalo ka na, Kami riy may puso at pakiramdam Buhay namin ito at hindi sa inyo Kaya huwag niyo kaming pakialaman, Patayin at ikulong, para lang pagkaperahan". Gaano man kaliit o isa mang higante Maliit gaya ng langgam o singlaki pa ng elepante Lahat tayo ay may karapatan Ikaw may tao, hayop o halaman Basta may buhay Pag-ibig ang dapat nating ialay. Kolum Republikang Mamon ni Rogelio L. Ordonez HINDI na dapat ikagulat pa kung bakit napawalang-sala sa CA (Court of Appeals) ang marinong Amerikanong si Daniel Smith at walang kaabug-abog na nakauwi na sa Estados Unidos ng Amerika. Sa RTC (Regional Trial Court) ng Makati, puspusang nilitis si Smith ni Hukom Benjamin Pozon sa kasong panggagahasa sa isang Suzette ―Nicole‖ Nicolas na nangyari noong malibog na gabi ng 2005. Napatunayan siyang nagkasala at nasentensiyahang mabilanggo ng mga 40 taon. 115 Habang nakaapela sa CA ang kanyang kaso, mga dalawang taon nga siyang ikinulong noon sa Embahada ng Amerika dito na, maliwanag, hindi sakop ng mga batas at hurisdiksiyon ng Pilipinas. Matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat nang ilipat ng kulungan si Smith sa sakop ng teritoryo ng bansa — halimbawa‘y sa Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa — hindi naman iyon naipatupad kahit isang minuto dahil kailangan pa diumanong ―linawin‖ ang ilang teknikalidad sa mga probisyon ng nakasusukang VFA (Visiting Forces Agreement) na sumalaula na naman sa soberanya o kasarinlan ng bansa. Sadyang binimbin ang pagpapatupad ng naturang kautusan, ibinitin at pinatawing-tawing sa hangin kaya, sa wakas, namaniobra o nasalamangka ng makapangyarihang mga kamay ang lahat-lahat at nagmukhang tanga ang Republikang Mamon. Maaalaala, kahit parang dumaraan sa butas ng karayom ang sinumang aplikante para mapagkalooban ng visa sa Embahada ng Amerika dito, biglang-bigla na lamang pumutok ang balitang nasa Amerika na si Nicole, kasama ang Nanay, upang doon na magsimula ng panibagong buhay matapos ang madamdamin niyang pagsasalaysay noon kung paano nilaspag ni Smith ang kanyang puri. Pagkatapos, bigla rin ang ipinalabas niyang bagong pahayag na hindi na niya tiyak kung ginahasa nga siya o hindi ni Smith dahil ―lasing na lasing‖ siya noong gabing iyon. Maliwanag, ang nabaligtad na pahayag ni Nicole ang isa sa mga matibay na batayan ng tatlong babaing mahistrado ng CA — bukod sa iba pa marahil na mahiwagang mga kadahilanan, kasama diumano ang konsensiya — kaya, sa wakas, mabilis pa sa alas kuwatrong napawalang-sala si Smith at parang ipu-ipong nakauwi agad sa Amerika. Dumaan, diumano, sa tamang proseso ang lahat, ayon kay Embahador Kristie Anne Kenny, at gayundin ang o