Konsepto ng Kontemporaryong Isyu PDF
Document Details
Uploaded by HandyFigTree
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagpapakilala sa konsepto ng mga kontemporaryong isyu. Binabalangkas nito ang iba't ibang uri ng mga kontemporaryong isyu, kabilang ang mga isyung panlipunan, kalusugan, kapaligiran, at kalakalan. Kasama rin sa dokumento ang mga halimbawa ng mga kontemporaryong isyu at mga posibleng mapagkukunan ng impormasyon para sa pag-aaral ng mga ito.
Full Transcript
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu Kontemporaryo tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkabagabag ng mga tao. Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas...
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu Kontemporaryo tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkabagabag ng mga tao. Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan. Isyu mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate. maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa Lipunan Kontemporaryong Isyu tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes at gaawi ng mga mamamayan. hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin. Kabilang ang mga napag-usapan na noon, subalit buhay pa rin hanggang ngayon. Uri ng Kontemporaryong Isyu 1.) Kontemporaryong Isyung Panlipunan - mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya. - Halimbawa: pag-aasawa ng mga may parehong kasarian (same sex marriage), terorismo, rasismo, halalan, eleksyon, kahirapan. 2.) KI Pangkalusugan - mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan. - Halimbawa: COVID-19, sobrang katabaan, malnutrisyon, Drug Addiction, HIV / AIDS, cancer 3.) KI Pangkapaligiran - tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan. - Halimbawa: global warming, polusyon, paglindol, baha, bagyo, El Niño, at La Niña 4.) Kontemporaryong Pangkalakalan - mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at Negosyo - kasama rito ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya. - Halimbawa: import/export, online shopping, free trade, samahang pandaigdigan, stock market, business news Mga Maaaring Mapagkunan ng Impormasyon Tungkol sa mga Kontemporaryong Isyu Radio Telebisyon Internet Social media mga nakalathalang materyal tulad ng pahayagan, flyers at magasin. Iba’t ibang uri ng media: Print Media - Halimbawa: komiks, magazine, diyaryo Visual Media - Halimbawa: balita, pelikula, dokyumentaryo Online Media - Halimbawa: facebook, online blogs, website Mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu: Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon. Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari na ito ay hango sa mga legal na dokumento, journal, sulat, larawan, at iba pa. Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng ugnayan, at pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari. Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon o haka-haka lamang