Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu PDF
Document Details
Uploaded by DesirableGamelan
Prof. Jinky D. Bibat
Tags
Summary
Ang presentasyong ito ay tungkol sa mga kontemporaryong isyu. Tinatalakay dito ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga isyung ito at ang pagkilala sa mga primarya at sekundaryang sanggunian. Sakop ng presentasyon ang mga kontemporaryong isyu sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo.
Full Transcript
Pag-aaral ng mga KONTEMPORARYON G ISYU Araling Panlipunan 10 Prof. Jinky D. Bibat Layunin Naipapaliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig Nakikilala ang mga primarya at sek...
Pag-aaral ng mga KONTEMPORARYON G ISYU Araling Panlipunan 10 Prof. Jinky D. Bibat Layunin Naipapaliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig Nakikilala ang mga primarya at sekundaryang sanggunian pati ang mga uri ng pahayag: katotohanan (fact), opinyon, pagkiling (bias), hinuha (inference), paglalahat (generalization), at kongklusyon Kontemporaryong Isyu Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon, ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan. Para maturing ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay: mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan; may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o mamamayan; nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon; at may temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan. Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Pinagkunan: Manitoba Education and Training Ilang Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas at Ibang Panig ng Mundo Abortion Chemical Waste Cyberbullying Age Discrimination Chemical Weapons Disaster Relief AIDS Child Abuse Discrimination Animal Rights Child Labor Domestic Violence Anti-Muslim Discrimination Civic War/Ethnic Drinking & Driving Balanced Budget Conflict/Religious Conflict Drug Abuse/Drug Addiction Birth Control Climate Change & Global Economic Integration Bullying Warming Environmental Pollution Capital Punishment/Death Computer Hacking Euthanasia/Mercy Penalty Corporal Punishment Killing/Assisted Suicide Ilang Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas at Ibang Panig ng Mundo Freedom of Religion & Belief Hazing Minimum Wage & Equal Pay Gambling Homelessness Minorities Game Addiction Human Rights & Equality for Modern Slavery Gay Rights Women Multiculturalism Genetic Engineering Human Rights Violations Organ & Body Donation Genetically Modified Food Human Trafficking Overpopulation Global Health Pandemics Hunger Police Brutality/Excessive Globalization Independence of Judiciary Force by Law Enforcement Graft & Corruption Inequalities Political Dynasties Gun Control Migration Population & Migration Ilang Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas at Ibang Panig ng Mundo Trends Sex Trade Torture Pornography Sexual Harassment Unemployment Poverty Sexual Orientation & Gender Union Busting Prostitution Identity Vigilantism Racism Single Parenting Violence in Video Games Rape Sustainable Development Voter Disenfranchisement Reproductive Health Teen Pregnancy Weapons of Mass Destruction Recycling & Conservation Territorial Dispute Wife Abuse Right to Work Terrorism World Hunger Same-Sex Marriage Texting While Driving Pagkilala ng mga Primarya at Sekundaryang Sanggunian Primaryang Sanggunian Mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito. Halimbawa ng mga ito ay mga sulat, journal, legal na dokumento, guhit, at larawan. Sekundaryang Sanggunian Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng mga taong walang direktang partisipasyon sa mga pangyayaring itinala. Kadalasang ginagamit ng mga mananaliksik upang maunawaan ang nakaraang mga pangyayari, subalit sila mismo ang gagawa ng mga sekundaryang sanggunian. Halimbawa ng mga ito ay mga ulat, teksto, guhit, at kahit anong nabuo batay sa primaryang pinagkunan tungkol sa pangyayari. Sa pagsusuri ng mga datos, kailangang sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: Ano ang pinagmulan ng datos? Kailan naganap ang pangyayari? Kailan isinulat ang tala ng pangyayari? Naroon ba sa mismong pangyayari ang may-akda? Ang tala ba ay primarya o sekundarya? Pagkilala ng mga Uri ng Pahayag Katotohanan Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktuwal na datos. May mga ebidensiyang magpapatunay na totoo ang mga pangyayari. Halimbawa, tinatayang umabot sa milyon-milyon ang halaga ng pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda sa Tacloban at mga kalapit na bayan. Ang isang katotohanan ay hindi nagbabago. Opinyon (kuro-kuro, palagay, impresyon, o haka-haka) Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan. Ang opinyon ay hindi kailangang patunayan. Halimbawa, dapat ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pangangasiwa sa mga biktima ng Bagyong Yolanda. Malinaw na ang isang katotohanan ay mas matimbang kaysa sa isang opinyon lamang. Ang opinyon ay maaaring magbago. Pagkiling (Bias) Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan, kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan. Ang mga paglalahad ay dapat balanse. Kailangang ilahad ang kabutihan at ang hindi kabutihan ng isang bagay. Halimbawa: Maraming naipagawang ospital, health center, daan, at bahay para sa mga maralita ang administrasyong Marcos, ngunit utang ang ginamit upang maipagawa ang mga ito, kaban ng bayan ay ibinulsa, at marami rin ang taong nagdusa noong ipatupad ang Batas Militar. Pagkiling (Bias) Halimbawa ng pahayag na may pagkiling: Maraming nagaganap na paglabag sa karapatang pantao, pang-aabuso, at pagpatay. Ang administrasyong Marcos ang walang nagagawa para mapigilan ito. Maraming Pilipino ang nagpupunta sa United States dahil sa mas maginhawa ang pamumuhay roon kaysa sa ibang bansa. Hinuha (Inference) Isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay. Ang pagbuo nito ay kahalintulad ng pagbuo ng hypothesis. Upang magkahinuha, kailangang gamitin ang kaalaman at mga karanasan tungkol sa paksa o babasahin upang matuklasan ang mga nakatago nitong mensahe o kaisipan. Halimbawa, maraming napahamak sa Bagyong Yolanda dahil hindi nila pinansin ang mga babala tungkol dito. Paglalahat (Generalization) Ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon. Halimbawa, tuwing buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, nagaganap ang matinding bagyo sa bansa. (Batay ito sa mga tala ng PAGASA noong nakaraang 10 taon.) Kongklusyon Ang desisyon, kaalaman, o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensya o kaalaman. Sa pag-aaral ng mga pangyayari, nagbibigay ng generalization ang mga manunulat o mananaliksik. Ibinabatay ito sa mga impormasyon na sinusuri at pinag-aaralan. Kahalagahan ng Pag-aaral at Pagiging Mulat sa mga Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Ilan sa mga Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu 1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo 2. Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari 3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba't ibang sanggunian para makakalap ng mga impormasyon 4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsusuri ng kuwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan 5. Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba't ibang sanggunian, at pagsasaliksik Ilan sa mga Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu 6. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw 7. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang suliranin 8. Paggalang sa iba't ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito ay naiiba o salungat sa sariling paniniwala o pananaw 9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang pantao 10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba Tayo bilang mabuting mamamayan ay nalilinang sa mga sumusunod: 1. Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan upang makalahok sa mga makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamayanan, bansa, at daigdig 2. Pag-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig 3. Pag-unawa sa iba't ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya, ekonomiya, kultura, pamahalaan, at pansibiko gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba't ibang disiplina Tayo bilang mabuting mamamayan ay nalilinang sa mga sumusunod: 4. Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at pandaigdigang suliranin 5. Masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan, at makasandaigdigan na mag-uudyok upang maging produktibo at makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan at sa pagpapanday ng maunlad at mapayapang pamayanan, bansa, at mundo 6. Aktibong pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan, at pamayanan Maraming salamat sa pakikinig sa aking presentasyon. Patuloy tayong maging mga kababayan na maalam End of Presentationat aktibo sa ating lipunan!