KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK 2.2 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document discusses communication and linguistic topics in Tagalog. It explains concepts like communication skills, linguistic skills, and the components of communicative competence. The document further explains aspects like phonology, morphology, semantics, syntax and orthography.
Full Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK 11 Paksa 2.2. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO - Ito ang kakayahan o abilidad ng isang tao na makipag-ugnayan o maghatid ng impormasyon sa tagatanggap nito na maging malinaw at mayroong tamang impormasyong ayon sa nilalayon nito. - Tumutuko...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK 11 Paksa 2.2. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO - Ito ang kakayahan o abilidad ng isang tao na makipag-ugnayan o maghatid ng impormasyon sa tagatanggap nito na maging malinaw at mayroong tamang impormasyong ayon sa nilalayon nito. - Tumutukoy ito sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal (Del Hathaway Hymes). Paano ba natin malalaman kung mayroon ka nang kakayahang komunikatibo? May limang bahagi ang kakayahang komunikatibo: 1. Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal 2. Kakayahang Sosyolingguwistiko 3. Kakayahang Pragmatik 4. Kakayahang Diskorsal 2.2.1. ANO BA ANG KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO? - Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa kakayahan sa pag-unawa sa paggamit ng mga kasanayan sa PONOLOHIYA, MORPOLOHIYA, SEMANTIKA, SINTAKS, at mga TUNTUNIN SA ORTOGRAPIYA. PONOLOHIYA - Ang pag-aaral sa palatunugan ng wika. - Ang ponolohiya ay pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika. PONEMA - Ito ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. - Ang Filipino ay may 21 ponema - 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig. Mga Katinig - / p, t, k, ˀ, b, d, g, m, n, h, s, l, r, w, y/ Mga Patinig - / i, e, a, o, u/ MORPOLOHIYA - Ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita. - Ito ay itinuturing na pag-aaral sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking kahulugan. Ito ay maaaring panlapi o salitang ugat. MORPEMA - Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita. URI NG MORPEMA 1. Morpemang Ponema /a/ at /o/ - Kung nagbabago ang kahulugan ng isang dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o /o/ Halimbawa: - Gobernador - gobernadora - Abogado - abogada - Maestro - maestra 2. Morpemang Salitang-ugat Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ang payak na anyo ng isang salita. Halimbawa: - Indak - Bait - Awit - Aklat - Yaman 3. Morpemang Panlapi Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaaring makapagpapabago sa kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang mga panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan. MORPEMANG KAHULUGAN SALITANG- BAGONG PANLAPI UGAT MORPEMA Ma- Pagkakaroon ng bait mabait katangiang taglay ng salitang ugat um- Pagganap sa awit umawit kilos -an Lugar na aklat aklatan pinaglalagyan ma- Nagsasaad ng pera mapera pagkakaroon SEMANTIKA - Ito ay pag-aaral sa kung ano at paano inuunawa ang mga salita sa pagpapahayag. - Layunin ng SEMANTIKA na matukoy at masuri ang kahulugan ng mga salita na bumubuo sa isang pahayag o pangungusap. - Kabilang sa pag-aaral ng SEMANTIKA ay ang DENOTASYON AT KONOTASYON ng mga salita. DENOTASYON - Ito ay tumutukoy sa mga salitang nabibigyan ng kahulugan ayon sa likas nitong kahulugan Halimbawa: Ahas - isang hayop na gumagapang Buwaya - isang malaking hayop na nabubuhay sa mga katubigan, kadalasan sa mga ilog na mabagal ang agos. Pagong - isang reptilya na mabagal maglakad KONOTASYON - Ito ay tumutukoy sa mga salitang nabibigyan ng ibang kahulugan maliban sa literal nitong kahulugan. Ang pagpapakahulugan sa salita ay maaaring pampersonal. Halimbawa: 1. Mahirap makisama sa isang ahas na kaibigan. - Ang salitang ahas sa pangungusap na ito ay may konotatibong pagpapakahulugan na traydor. 2. Malaki ang ipinagbago niya dahil tuta siya ng kilalang politiko. - Ang salitang tuta sa pangungusap na ito ay may konotatibong pagpapakahulugan na sunod-sunuran o palasunod. SINTAKS - Ito ay pag-aaral ng mga salita para makabuo ng pangungusap. - Ang isang pangungusap ay binubuo ng SIMUNO at PANAGURI. 1. SIMUNO - Ang bahaging ito ang pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na gumaganap ng kilos. Halimbawa: Si Mang Jose ay may taniman. Simuno: Si Mang Jose ay may taniman. 2. PANAGURI - Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Halmbawa: Si Mang Jose ay may taniman. Panaguri: Si Mang Jose ay may taniman. ORTOGRAPIYA O PALABAYBAYAN - Ito ang gabay na naglalaman ng mga tuntunin sa pagbaybay o ispeling para sa isang wika. - Ang ortograpiyang Filipino ay sinig ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit, wastong baybay. MGA KADALASANG PAGKAKAMALI SA BALARILANG FILIPINO 1. Pagpapalit ng D at R Kung ang sinundang letra ng D ay isang patinig, ito ay papalitan ng R. Halimbawa: a. Madami - marami b. Ako na diyan - Ako na riyan c. Pagdadasal - Pagdarasal d. Siya daw - Siya raw 2. Mga Salitang Inuulit May mga pagkakataong nalilito ang karamihan tuwing sila ay mag-uulit ng salita. Mayroon ding mga karaniwang pagkakamali ang madalas na nagagawa dahil ito’y gamit ng karamihan. a. Iba’t ibang, hindi iba’t-ibang. b. Anu-ano at ano-ano - Ang anu-ano ay ginagamit lamang kapag ikaw ang magtatanong. - Anu-ano ang inyong handa para sa pasko? - Ang ano-ano ay ginagamit kapag tumutukoy sa mga bagay na hindi mapangalanan. - Ang handa namin sa pasko ay kung ano-ano lang sigurong pagkain na gustong kainin ng bunso namin. 3. Paggamit ng ng at nang - Ang 'ng' naman ay ginagamit para maipakita ang pag-aari o para matukoy ang isang bagay. Halimbawa: Humingi ng ¼ na papel ang mag-aaral. - Ginagamit ang 'nang' para makonekta ang pang-abay(adverb), at dalawang inuulit na pandiwa(verb). Ginagamit ito bilang pamalit sa "noong" at "para" o "upang. Halimbawa: Mali: Natuwa ako NG makita ko sila. Tama: Natuwa ako NANG nakita ko sila. - Ang NANG ay katumbas ng WHEN sa Ingles. Halimbawa: Nang malaman ko na kami ay magkakaroon ng pagsusulit, ako ay nag-aral kagabi. 4. Kana, palang, mona, nalang, atbp. Madalas na mapapansing pinagdirikit ng iba ang mga nabanggit na dapat ay magkahiwalay. Mali: Akin kana lang. Tama: Akin ka na lang. Mali: Alam mona ba ang nangyari? Tama: Alam mo na ba ang nangyari? Mali: Ganito nalang ang gawin natin. Tama: Ganito na lang ang gawin natin. Mali: Hindi moba gustong kumain? Tama: Hindi mo ba gustong kumain? Mali: Sinabi kolang naman. Tama: Sinabi ko lang naman. Mali: Diyan kalang sa kinauupuan mo. Tama: Diyan ka lang sa kinauupuan mo. Mali: Nandito palang sa bahay. Tama: Nandito pa lang sa bahay. Mali: Ito palang ang aking naaaral. Tama: Ito pa lang ang aking naaaral. GAWAIN 2.3. Panuto: Bilang paghahanda para sa magiging pasulit sa pagbabalik ng klase, isulat sa iyong kwaderno ang mahahalagang punto sa modyul na ito. Isulat sa kuwaderno ang pagpapakahulugan ng mga salita sa ibaba sa loob ng 1-2 pangungusap lamang. 1. Kakayahang Komunikatibo 2. Kakayahang Lingguwistiko 3. Ponolohiya 4. Ponema 5. Morpolohiya 6. Morpema 7. Morpemang Ponema 8. Morpemang Salitang-Ugat 9. Morpemang Panghalip 10. Semantika 11. Denotasyon 12. Konotasyon 13. Sintaks 14. Simuno 15. Panaguri 16. Ortograpiya