Summary

This document discusses various aspects of the Tagalog language, including its nature, characteristics, uses, and importance in Filipino society.

Full Transcript

Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 MGA KONSEPTONG PANGWIKA Aralin 1 Kahulugan ng Wika Sapiro Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng...

Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 MGA KONSEPTONG PANGWIKA Aralin 1 Kahulugan ng Wika Sapiro Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog. Hemphill Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan, at nagkakaisa ang mga tao. Gleason Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong kabilang sa isang kultura. Bienvenido Lumbera Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan. At ang wikang ito kapag ginagamit sa edukasyon ay nakatutulong nang malaki sa pagpapalalim ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan. Hill Ang wika ang pangunahin at pinakalaboreyt na anyo ng gawaing pantao. Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na estruktura. Katangian ng Wika 1. Ang Wika ay Masistema ○ nangangahulugan ito na ang wika ay may sinusundang padron at sistemang balangkas sa pamamagitan ng mga tuntuning gramatikal upang mabuo ang isang makabuluhang mensahe. 2. Ang Wika ay Arbitraryo ○ nangangahulugan na ang isang umiiral na wika sa isang komunidad ay napagkasunduan ng mga taong gumagamit nito. Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 3. Ang Wika ay Tunog ○ binubuo ng mga maliliit na yunit ng tunog ang wika. 4. Ang Wika ay Kabuhol ng Kultura ○ kakabit ang kultura ang wika ng mga taong nagsasalita nito. 5. Ang Wika ay Nagbabago at Dinamiko ○ nagbabago ang wika bunga ng ating kapaligiran at lipunan. 6. Ang Wika ay Makapangyarihan ○ may kakayahan ang wika na magkontrol, mag-impluwensya o magpabago ng isip ng tao. 7. Ang Wika ay Malikhain 8. Ang Wika ay Pantay-pantay Kahalagahan ng Wika 1. Wika at Komunikasyon 2. Wika at Pag-unlad 3. Wika, Kapayapaan, at Pagkakaisa 4. Wika, Kultura, at Kasaysayan Mga Konseptong Pangwika Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Bansang Pilipinas, Artikulo XIV Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. ○ Ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay simbolo ng identidad at pambansang pagkakakilanlan ng Pilipinas. ○ Ang Filipino bilang Wikang Opisyal ay nangangahulugang nakatakda ito bilang wika ng mga transaksyong pampamahalaan. Sa tadhana ng batas kasama ang Ingles bilang Wikang Opisyal ng bansa. ○ Bilang Wikang Panturo ang Filipino ay gagamitin bilang midyum sa sistemang edukasyon. Sa kasalukuyang sistemang MTB-MLE kasama ang mga unang wika at Ingles bilang midyum. Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 1. Dimensyong Heograpiko ○ Ang diyalekto ay yaong varyasyon ng wika batay sa katangian nito, halimbawa sa punto o aksent, na karaniwang ginagamit ng mga tao sa isang rehiyon o pook (Rubrico 2006). 2. Dimensyong Sosyal ○ Ang sosyolek ay yaong varyasyon ng wikang ginagamit ng mga komunidad ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad, at iba pang panlipunang sukatan (Ocampo 2002). Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan- mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o factor ○ Ang rehistro/register ay varayting may kaugnayan sa higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng nagsasalita sa oras ng pagpapahayag (Alonzo 2002). Ang varyasyong ito, ayon kay Rubrico (2006) ay ang paggamit ng ispiker ng wika hindi lang batay sa kanyang lokasyong heograpikal kundi batay sa kanyang katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang kinabibilangan. Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor. ○ Ang jargon ay maiuugnay sa isang partikular na grupo, halimbawa ang mga doktor na gumagamit ng mga terminolohiyang medikal, o ang mga eksperto sa kompyuter. ○ Ang idyolek ay tumutukoy sa kabuuan ng mga katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal. Maaring maipakita ito sa tining, lakas, gaspang at estilo ng boses o salita. ○ Ang pidgin ay produkto ng dalawang magkaibang wika na sinasalita ng dalawang magkaibang tao hanggang sa sila ay makabuo ng sariling wika. ○ Ang creole ay nangyayari kung ang pidgin ay nasimulan ng matutunan ng isang bata hanggang sa kanyang pagtanda. ○ Ang etnolek ay wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong pangkat ng ating bansa. Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Aralin 2 Wika bilang Repleksyon ng Panlipunang Pangangailangan at Konteksto ni Malinowski Masasalamin sa wika ang mga panlipunang pangangailangan at konteksto (Haslett 2008). Ang silbi at tungkulin ng wika ay nililikha alinsunod sa gamit nito sa isang partikular na kultura. Halimbawa: ○ May mga salita sa Filipino na sensitibong ginagamit bilang konsiderasyon sa kultural na aspekto ng pakikipag-ugnayan. ○ Paggamit ng “po” at “opo” Prinsipyo ng Sitwasyonal na Konteksto ni Firth Ang paglalarawan sa kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa tiyak na konteksto. Inilahad niya ang proseso ng pormal na paglalapat nito. a. Pagsusuri sa mga kalahok (kabilang ang kanilang mga makabuluhang berbal at di berbal na pahayag) b. Makabuluhang berbal at di-berbal na pangyayari/pagkakataon sa isang tiyak na konteksto. c. Epekto ng mismong mga pahayag. Halimbawa: a. Halimbawa: May iba't ibang paraan ng pangungumusta ang isang tao gaya ng berbal na pagsasabing “Hi,” “Oy,” “Pare,” “Anong balita?” o simpleng di-berbal na pagtapik sa balikat, pagtango, o pagkalabit. Maaaring ang konteksto ay batay sa lugar, panahon, ugnayan ng mga kalahok, at okasyon. Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 Teorya ng Panlipunang Gamit ng Wika ni M.A.K. Halliday 1. INSTRUMENTAL ○ Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. ○ Halimbawa, may iba't ibang paraan tayo ng pagsasabi ng ating kagustuhan at ayaw sa isang tao. Gayundin sa pagpapahayag ng ating desisyon ukol sa mga isyu at preperensiya sa porma ng pagkilos. 2. REGULATORI ○ Nagagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kausap o sinuman sa kanyang paligid. 3. HEURISTIKO ○ Gamit ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos. Ang wika ay nagsisilbing tagakuha ng impormasyon imbes na tagapagbahagi. ○ Halimbawa, sa isang panayam, lumilikha tayo ng mga tanong upang makakuha ng impormasyon sa kinakapanayam. 4. REPRESENTATIBO ○ Tumutukoy ito sa paglalahad ng impormasyon, datos, at nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba’t ibang paraan. ○ Kung sa heuristiko nagaganap ang proseso ng pagtuklas, sa representatibong gamit naman nagsisimulang bigyan ng interpretasyon at ilahad ang mga natuklasang ideya, konsepto, at kaisipan. ○ Halimbawa, gumagamit tayo ng pag-uulat, lumalahok sa forum, at gumagawa ng mga poster na pampananaliksik upang magbigay ng impormasyon at kabatiran sa madla. 5. INTERAKSYONAL ○ Mabisang matatamo ang mahusay na interaksyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang paralingguwistiko, paris ng kilos, tuon ng mata, at galaw ng katawan. 6. PERSONAL ○ Nakatuon sa personal na gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling identidad o pagpapakilala ng personalidad na hindi sumasaklaw sa layuning magpahayag ng pangangailangan. ○ Halimbawa, pagpapahayag ng posisyon sa napapanahong isyu at mga pansariling pagninilay sa pang-araw-araw na pansariling karanasan, at pagsulat ng journal at personal na sanaysay o diary. Komunikasyon at Pananaliksik Almero, Alyssa Marae C. | 11HA-06 7. IMAHINATIBO ○ Ito ay tumutukoy sa eksplorasyon ng imahinasyon upang tumugon sa malikhaing gampanin nito. ○ Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines, halimbawa, ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser