KOMPAN-ARALIN-9-1-AT-2 PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Summary

This document discusses the situations of the Filipino language in broadcast and print media. It details the differences between radio and television, the use of Filipino in broadcasting, interviewing techniques and types of interviews, and various types of print media.

Full Transcript

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 9: Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Broadcast at Print Media (Mga Sitwasyong Pangwika sa Kulturang Pilipino) Aralin 1.1 Ang Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Broadcast Media Broadcast Media ayon sa Enc...

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 9: Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Broadcast at Print Media (Mga Sitwasyong Pangwika sa Kulturang Pilipino) Aralin 1.1 Ang Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Broadcast Media Broadcast Media ayon sa Encyclopedia, ay ang paghahatid ng impormasyon sa mga mamamayan gamit ang radyo at telebisyon? Ito ay karaniwang gumagamit ng radio waves upang maihatid ang mga impormasyon. Ang Radio / TV Broadcasting ay ang pagsasahimpapawid ng serbisyong naipadadala sa pamamagitan ng dagibalniingliboy (electromagnetic wave) mula sa isang transmitter sa isang tumatanggap ng antenna at inilaan upang maabot ang isang malawak na madla. Narito ang pagkakaiba ng radyo sa telebisyon. 1.Radyo – Ito ay isang teknolohiyang pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng dagibalniing-liboy (electromagnetic wave) na may dalas (frequency) na mas mababa kaysa liwanag. Ito ay may dalawang uri ng modulation – ang Amplitude Modulation (AM) na karaniwang balita ang nilalaman at ang Frequency Modulation (FM) na may balita ngunit madalas ay musika at panlibangan. Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Radyo:  Ang nangungunang wikang ginagamit sa radyo ay ang Wikang Filipino subalit may mga ilan ding FM stations ang gumagamit ng wikang Ingles at mayroon ding mga estasyon sa radyo sa mga probinsiya na gumagamit ng rehiyonal o bernakular na wika ngunit kapag may kinapapanayam sila, karaniwang ginagamit ay wikang Filipino pa rin. 2.Telebisyon o tanlap (tanaw + diglap) – Isa itong pamamaraang telekomunikasyong ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may iba’t ibang kulay, o may tatlong sukat (3D). Puwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang telebisyon ay pangmasang panghatid ng libangan, edukasyon, balita o pang-alok. Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Telebisyon:  Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.  Sa kabila ng paglakas ng internet at social media, hindi pa rin maikakailang marami pa rin ang hindi nakapag-a-access nito lalo na sa liblib na mga lugar o ‘di naman kaya’y kawalan ng mga gadyet. Kaya, umaasa pa rin ang mga mamamayan sa serbisyong dala ng telebisyon.  Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channels gaya ng GMA-7, TV5, GTV, A2Z, Kapamilya Channel, HOA (Heart of Asia) Channel at iba pa.  Ang halimbawa ng mga programang pantelebisyong gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga teleserye, mga pantanghaling mga palabas (noontime shows), mga magazine show, news and public affairs at reality shows.  Maging sa mga patalastas, wikang Filipino pa rin ang malawakang ginagamit.  Ang pagdami ng mga palabas, partikular sa telebisyon ng mga teleseryeng panghapon at panggabi o pantanghaliang programa ay ang sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong manonood na dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.  Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal at maging sa karamihan ng pambansang palabas.  Ang mga palabas naman mula sa ibang bansa gaya ng mga Kdrama, mga Asian Drama mula sa China, Thailand, Japan, Taiwan, Turkey, Mexico atbp, mga animé, cartoons, foreign movies at iba pang palabas ay nakadub na rin sa wikang Filipino.  Ang madalas na eksposyur sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na ‘di Katagalugan. Pakikipanayam Panayam – ang tawag sa sistema ng komunikasyong nagtatanong para makakuha ng impormasyon, tulad ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag ng kawilihan sa madla, karaniwang nagmumula sa tanyag na tao o kilalang awtoridad? Maituturing itong isang kasanayan sa makrong pagsasalita. Pinaghahandaan ito lalo ng magpapanayam. Kailangang ang bawat tanong at sasabihin niya ay komprehensibong maipahahayag. Mga Uri ng Pakikipanayam 1. Pakikipanayam na Pagkuha ng Impormasyon – Ito ay isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa taong kinapapanayam. Ito ay pakikipanayam na ginagawa ng mamamahayag, pulis, reporter, doktor, abogado, negosyante at mag-aaral. 2. Pakikipanayam para sa Trabaho / Pag-aaral – Ito ay isinasagawa para sa naghahanap ng trabaho, sa mga magaaral sa unang taong nais na matanggap sa kolehiyo o pamantasan o sa mga mag-aaral na gustong makapasok sa mga programa sa paaralang gradwado. 3. Pakikipanayam upang Magbigay ng Payo – Ito ay sinasagawa upang patnubayan at suportahan ang taong kinapapanayam lalong-lalo na sa gitna ng kaniyang mga suliraning personal. Ginagamit ng mga Guidance Counselor, Psychiatrist, mga kaibigan o miyembro ng pamilya. 4. Mapanghikayat na Pakikipanayam – Ito ay naglalayong baguhin ang paniniwala, pananaw o pag-uugali ng taong kinapapanayam. Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam na ginagawa ng mga volunteer agency sa mga taong gustong magtrabaho sa kanilang ahensiya. 5. Pakikipanayam sa Pagbebenta – Ito ay naglalayong humikayat sa mga mamimili upang bumili ng mga ibinebentang produkto, tulad ng ginagawa ng mga ahente ng seguro, gamot, alahas, bahay atbp. 6. Pakikipanayam na Tumataya o Nag-eebalweyt – Ito ay nakatutulong sa pagtataya ng nagawa ng isang indibidwal kaugnay ng kaniyang trabaho na nagiging basehan sa pagbibigay sa kaniya ng promosyon o gantimpala o pagtanggal sa kaniya sa kaniyang katungkulan o pagtulong sa kaniya na makilala ang kaniyang kalakasan at kahinaan. 7. Pakikipanayam na Nag-iimbestiga – Ito ay dinesenyo upang makakuha ng impormasyon mula sa taong kinapapanayam sa pamamagitan ng malayang pagsisiyasat. Ginagamit ng mga abogado sa korte, pulis na nagiimbestiga, mga opisyal ng bangko, o ng NBI. 8. Pakikipanayam sa Media – Ito ay nagaganap kapag ang tagapanayam ay nagtatanong sa isang panauhin sa radyo o telebisyon. Ginagawa sa isang talk show o balita. Mga Tanong na Ginagamit sa Pakikipanayam 1. Saradong Tanong – Ito ay sumasagot lamang sa tanong na Oo o Hindi o may pamimilian o tiyak ang kasagutan. Sa ganitong uri ng tanong, ang tagapanayam ay nakakukuha ng maraming impormasyon sa maikling panahon. Ngunit hindi ito nagbibigay ng pagkakataon sa kinapapanayam na makapagbigay ng mga karagdagang impormasyon. Halimbawa: “Ano naman po ang natapos ninyong kurso?” “Kaya mo bang magtrabaho kahit sa gabi?” 2. Bukas na Tanong – Ito ay tanong na walang restriksyon. Ang taong kinapapanayam ay nagbibigay ng higit na kalayaang sumagot sa mga tanong. Sa ganitong uri ng tanong, natutuklasan ng tagapanayam ang pananaw, pagpapahalaga at layunin ng kaniyang kinapapanayam. Halimbawa: “Ano po ang masasabi ninyong pagpapahalaga ng pamahalaan sa ating wikang pambansa?” “Gaano po kayo kahanda bilang Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino?” 3. Primary Questions – Ito ay mga tanong na inihanda bago pa man isagawa ang aktuwal na pakikipanayam. Ang mga tanong na ito ay nagsisilbing pangunahing puntos sa balangkas ng pakikipanayam. Halimbawa: Maari itong sarado gaya ng “Mahal mo ba ang wika mo?” o bukas gaya ng “Ano naman ang masasabi mo tungkol sa pagkalito ng mga kabataan sa paggamit ng wikang pambansa?” 4. Secondary Questions – Ito ay mga tanong na ibinabatay sa mga sagot ng kinapapanayam. Ang mga tanong na ito ay binubuo ng tagapanayam habang nagpapatuloy siya sa pakikipanayam. Halimbawa: “Pagkatapos noong 1935, ano ang nangyari sa wikang pambansa? “Ano pa ang masasabi ninyo tungkol sa patakarang bilingguwal?” Mayroon namang secondary questions na sumusuri sa sinasabi ng kinakapanayam, gaya ng “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Maari po bang pakiulit ang sinabi ninyo?” Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam 1. Tawagan nang maayos ang taong kapapanayamin upang maitakda ang pakikipanayam. 2. Magsaliksik tungkol sa paksang pag-uusapan bago isagawa ang pakikipanayam. 3. Ihanda nang maaga ang balangkas ng mga tanong. 4. Hangga’t maari, irekord ang pakikipanayam. 5. Maging magalang sa pakikipanayam. 6. Tapusin ang pakikipanayam sa loob ng itinakdang oras. 7. Iwasan ang pagtatanong ng hindi inaasahan upang hindi mapahiya ang tao. 8. Huwag kalimutang magpasalamat. Pagbabalita Balita ang tawag sa isang uri ng sulating tumatalakay sa mga nagdaan o kasalukuyang kaganapan sa loob at labas ng isang bansang nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan?  Maari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, internet o galing sa bibig at ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.  Para masabing balita, dapat na isinusulat kaagad ang mga talang nakuha kaugnay ng isang pangyayari.  Pinagtutuonan ng pansin ang mga mahahalagang punto. Siguraduhing wasto ang mga pangalan ng tao.  Kailangan din ang kawastuhan sa petsa at mga pangyayari.  Iwasan ang paglalagay ng kuro-kuro.  Banggitin ang awtoridad na pinagmulan ng balita.  Ilahad ang mga pangyayari nang walang pinapanigan at gumamit ng isang pangungusap na talata.  Dapat na maikli, malinaw at payak ang mga pangungusap, at  Huwag kalimutang isulat ang balita ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mga Uri ng Balita 1. Paunang Paglalahad – Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla. 2. Tuwirang Paglalahad – Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye. 3. Balitang bunga ng Pakikipanayam – Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napanonood ay bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat. 4. Kinipil na Balita – Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama. 5. Madaliang Balita o Flash – Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin. 6. Depth news o Balitang may lalim – Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito. 7. Balitang Pangsiyensiya – Ito ay tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na makatutulong sa pagpapadali ng mga gawain. 8. Balitang Panlokal – Ito ay mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay. 9. Balitang Pambansa – Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa. 10. Balitang Pandaigdig – Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa: Digmaan sa Iraq 11. Balitang Pampolitikal – Mga pangyayaring may kinalaman sa politika. 12. Balitang Pampalakasan – Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pangkalakasan 13. Balitang Pang-edukasyon – Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon. 14. Balitang Pantahanan – Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa pamamahala ng tahanan. 15. Balitang Pangkabuhayan – Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa. 16. Balitang Panlibangan – May kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa. 17. Balitang buhat sa talumpati – Ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong. Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip ng Balita sa Radyo o Telebisyon 1.Tandaan mong ang pagsulat ng balita sa radyo at telebisyon ay isinusulat para sa tagapakinig o manonood. 2.Gumawa ng Outline o balangkas. Alamin ang mga elemento ng istorya. Isaalang-alang ang 5W questions (Who, What, When, Where, Why). 3.Sumulat ng teaser. Ito ang ginagamit para bigyan ng patikim ang tagapakinig o tagapanood bago iere ang balita. Kailangang hindi hahaba kaysa sa pangungusap. 4.Sumulat ng pangunahing pangungusap (Lead Sentences). 5.Isulat ang katawan ng istorya. Lahat ng mahahalagang punto ay kailangang maisama. Sa isang balitang pangradyo karaniwang tumatako lamang sa trenta Segundo (65 words) hanggang isang minuto (130 words) 5.Sumulat ng konklusyon. 6.Patingnan sa Time Keeper ang bilang ng salita 10 segundo = 25 na salita 15 segundo = 35 na salita 20 segundo = 45 na salita 30 segundo = 65 na salita 60 segundo = 130 na salita Aralin 1.2 Ang Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Print Media Print Media ay isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba pa ay nakalimbag at malayang nahahawakan? Ang ilan sa mga halimbawa nito ay diyaryo o pahayagan, magasin, komiks at iba pang uri ng lathalain. Sinasabi ring ang pamamahayag ang pinakamahalagang sitwasyong pangwikang behikulo sa pagpapalaganap ng wika. Ang wikang ginagamit ay Filipino kaya naman madaling nauunawaan ng madla. Narito ang mga halimbawa ng Print Media. 1.Pahayagan, Diyaryo o Peryodiko – Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga balita, impormasyon at patalastas na kadalasang naimprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes at kadalasan itong inilalathala nang araw-araw o lingguhan. Dalawang Uri ng Pahayagan a.Broadsheet – Ito ang pinakamalaking pormat ng pahayagan. Nailalarawan ito sa pamamagitan ng mahabang patayong mga pahina (karaniwang 22 pulgada 0.560 mm). Ang target readers ay mga Class A at B kung saan ang mga mambabasa nito ay halos mga propesyonal o karaniwang maykaya sa buhay. Tinatalakay nito ang mga seryosong paksa sa ating komunidad. Kadalasang Ingles ang gamit na wika, pormal ang estilo at seryoso. b.Tabloid – Ito ay uri ng pahayagang may mas maliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan ng sukat para sa tabloid. Ang target readers ay mga Class C at D kung saan itinuturing itong pahayagan ng masa. Filipino ang pangunahing wikang gamit, hindi pormal at pokus sa mga balitang may kaugnayan sa “sex”, showbiz, karahasan, krimen atbp. Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa at iba pa dahil nakasulat ito sa wikang higit nilang nauunawaan. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding senseysyonal kung saan lumalabas ang impormalidad ng mga ito. 2.Magasin – ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento, anunsyo, larawan at iba pa. Ito ay naghahatid ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Mas malaki ang sukat nito kaysa sa aklat ngunit mas maliit kaysa sa pahayagan. Ito’y naglalaman ng larawan ng mga produktong iniindorso ng sikat na tao sa bansa. 3.Komiks – ay isang halimbawa rin ng print media. Ito ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahing nagbibigay saya sa mga mambabasa, nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsusulong ng kulturang Filipino. Ito rin ay itinuturing na grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang maghatid ng kuwento. Ito ay naglalaman ng kaunti o walang salita, binubuo ng isa o higit pang larawan. Sa Pilipinas sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipinong gumawa ng Komiks na may pamagat na “Pagong at Matsing”. Ito’y inilathala sa magasing “Trubner’s Record noong 1884.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser