Kakayahang Sosyolingguwistiko PDF
Document Details
Uploaded by ResoundingHeptagon
TUP
Tags
Related
- Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF
- "METAMORPOSIS" (TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO) PDF
- GABAY SA PAGKATUTO (Tagalog) PDF
- WIKA - Tagalog Language Presentation PDF
- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (KPWKP) Q2 Linggo 3 PDF
- Kakayahang Sosyolinggwistiko PDF
Summary
This presentation discusses sociolinguistic competence in the Tagalog language. It details different factors that influence language use, based on context, participants, and purpose, making examples of how speaking styles change in various situations.
Full Transcript
KAKAYAHANG SOSYOLINGUWISTIKO: PAGLIKHA NG ANGKOP NA PAHAYAG SA TIYAK NA SITWASYON ANO ANG KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO? Kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. NILINAW NG SOSYOLINGGUWISTANG SI DELL HYME...
KAKAYAHANG SOSYOLINGUWISTIKO: PAGLIKHA NG ANGKOP NA PAHAYAG SA TIYAK NA SITWASYON ANO ANG KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO? Kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. NILINAW NG SOSYOLINGGUWISTANG SI DELL HYMES (1974) ANG NASABING MAHAHALAGANG SALIK NG LINGGUWISTIKONG INTERAKSYON GAMIT ANG KANIYANG MODELONG S P E A K I N G S- (SETTING AND SCENE) 🌏 Saan ang pook ng pag uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari? P- (PARTICIPANTS) 👪 Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap? E- (ENDS) 🏆 Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap? A- (ACT SEQUENCE) ⏳ Paano ang takbo o daloy ng pag- uusap? K- (KEY) 🎶 Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o pabiro? I- (INSTRUMENTALITIES) 📣 Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika? N- (NORMS) 🔃 Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksyon dito ng mga kalahok? Casual o di-casual G- (GENRE) 📝 Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit (halimbawa:interbyu, panitikan, liham)? ETNOGRAPIYA NG KOMUNIKASYON ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. PAGKILALA SA MGA VARAYTI NG WIKA Pormalidad at impormalidad ng sitwasyon -maaaring maging pormal o impormal ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap Ugnayan ng mga tagapagsalita -may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang mga biruan at pahiwatigan na hindi nauunawaan ng hindi kabilang sa kanilang grupo. Pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat -gumagamit ng lokal na wika at/o diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita; at Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan -tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng salita sa harap ng guro,magulang, at iba pang nakakatanda at may awtoridad. PANLIPUNANG PENOMENON nagkakaroon ng kabuluhan ang anumang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao. INTERFERENCE PHENOMENON ito ang siyang lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino--- Ilokano-Filipino, Bikolnon-Filipino, Kapampangan-Filipino, Hiligaynon- Filipino, at iba pa. Dahil din sa kaalaman sa mga wika,sa proseso ay nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin (Constantino 2002). Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa: malling, presidentiable, at senatoriable VARIABILITY CONCEPT (WILLIAM LABOV) Likas na pangyayari ang pagkaka-iba ng anyo at pagkakaroon ng varayti sa isang wika. Nararapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng mga varayti Walang maituturing na mataas o mababang anyo ang wika. Maraming Salamat sa Pakikinig ❣