KABANATA 2 - SI RIZAL SA IKA-19 NA SIGLO NG MUNDO AT PILIPINAS PDF
Document Details
Uploaded by InestimableNonagon
UERMMMCI College of Medicine
Tags
Summary
This document discusses Jose Rizal and the Philippines in the 19th century. It analyzes the impact of global events on the Philippines during this time period, also looking at the social, political, and economic aspects of the Philippines' history during the 19th Century.
Full Transcript
1. Mataya ang kaugnayan ng isang indibidwal sa kaniyang lipunan 2. Masuri ang iba’t ibang panlipunan, pampolitika, pang- ekonomiya, at pangkulturang pagbabago na naganap noong ika-19 dantaon 3. Maunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng kaniyang panahon Ang Mundo Noong Panahon ni Rizal...
1. Mataya ang kaugnayan ng isang indibidwal sa kaniyang lipunan 2. Masuri ang iba’t ibang panlipunan, pampolitika, pang- ekonomiya, at pangkulturang pagbabago na naganap noong ika-19 dantaon 3. Maunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng kaniyang panahon Ang Mundo Noong Panahon ni Rizal Ang Pilipinas Noong Panahon ni Rizal Noong ika-19 ng Pebrero, 1861, apat na buwan bago ipinanganak si Rizal sa Calamba, Laguna, ang liberal na pinuno ng Rusya na si Alexander Il (1855-1881) ay ipinahayag ang pagpapalaya sa 22,500,000 na manggagawa sa mga taong namamahala sa kanila. Ipinanganak si Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861 na kasidhian ng Giyera Sibil ng Amerika na ang dahilan ay ang isyu tungkol sa pang-aalipin sa mga Negro. Ang malalang kaguluhan noong Abril 12, 1861 ang naging dahilan upang iproklama ni Pangulong Lincoln ng Estados Unidos ang pagpapalaya sa mga Negro sa pang- aalipin noong ika-22 ng Setyembre, 1862. Ika-15 ng Mayo, 1867 nang talunin ng mga Mehikano (Mexicans) sa pamumuno ng kanilang pangulong si Benito Juarez sa tulong ni Pangulong Lincoln ng Estados Unidos ang mga sundalong Pranses sa pamumuno ni Maximilian ng Austria na itinalagang puppet Mexican Emperor ni Emperor Napoleon Ill sa "Battle of Queretaro." Ika-19 ng Hunyo, 1867 na taong anibersaryo ng kapanganakan ni Rizal nang bitayin si Emperor Maximilian na naging malaking dagok sa ambisyon ni Emperor Napoleon III na sakupin ang Latin Amerika. Dalawang bansa sa Europa ang matagumpay na napagkaisa ang kanilang mamamayan at naitaboy ang sa kanila'y nananakop. Ang Italya ay pinatalsik ang mga sundalong Austriano at Pranses at itinatag ang kaharian ng Italya sa pamumuno ni Haring Victor Emmanuel. Ang mga Russiano sa pamumuno ni Otto Van Bismarck ay tinalo ang Pransya at itinatag ang German Empire noong ika-18 ng Enero, 1871 sa pamumuno ni Haring Wilhelm ng Russia. Naging malawak ang kanlurang imperialismo ng mga bansang nais mapalawak ang nasasakupan at kapangyarihan. Inglatera ang nangungunang imperialismong bansa sa pamumuno ni Queen Victoria (1837-1901) na nagwagi sa 1st Opium War kontra Tsina (1840-1842) at nasakop ang Hong Kong. Sa 2nd Opium War, nasakop niya ang Kowloon Peninsula. Taong 1859 nang sakupin niya ang India, Pakistan at Baghdad at 1885 ang Burma. Sinakop din ng Inglatera ang Ceylon (Sri Lanka), Maldives, Aden, Malayan at South Pacific. Noong 1858-1884, sinakop ng Pransya ang Vietnam, Cambodia at Laos. Ang mga Dutch, matapos paalisin ang mga Portuguese at Kastila sa East Indies ay sinakop at pinangalanan itong Netherlands East Indies (ngayon ay Indonesia). Nagpalawak naman ng nasasakupan ang Rusya pasilangan at nasakop niya ang Siberia, Kamchatka, Kuriles at Alaska na ibinenta niya sa Estados Unidos noong 1867 sa halagang $7,200,000. Simula 1865-1884 ay sinakop pa ng Rusya ang Muslim Khannates ng Bokhara, Khiva, at Kokand ng Central Asia. Sumama siya sa Inglatera, Pranses at Alemanya upang sakupin ang Manchuria at magawa ang 5,800 milyang Trans-Siberian Railway, ang pinakamahabang riles sa buong mundo. Nagkaroon ng digmaan ang Japan at Tsina (1894-1895). Tinalo ng Japan ang Tsina at sinakop ang Formosa (Taiwan) at Pescadores at noong 1910, sinakop ng Japan ang Korea. Sa pag-aagawan ng Alemanya at Espanya sa Carolines at Palaus archipelagos, kapwa sila pumayag sa desisyon ni Pope Leo XIII na ang pag-aari sa mga isla ay sa Espanva at ang pagbibigay karapatan sa Alemanya sa pakikipagkalakalan at pagtatayo ng coaling station. Maraming bansa na nasakop ng Espanya ang nag-alsa dahil sa pagmamalabis nito at nakamit ang kalayaan. Kabilang dito ang Paraguay (1811), Argentina (1816), Chile (1817), Colombia at Ecuador (1819) ng Latin Amerika, (Costa Rica, Honduras, Guatemala, El Salvador at Nicaragua) ng Central Amerika (1821), Venezuela (1822), Peru (1824), at Bolivia at Uruguay (1825). Hindi nabubuhay ang mga Kastila na kasalamuha ng mga Pilipino. Sila ay hindi naging kadamdamin ng mga katutubong Pilipino bagkus ay naging hayagan o lantaran ang pagpapakita ng diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino. Nabigo ang bayan nang ipahayag ng Gobernador na ang binabanggit na Konstitusyon ng 1821 ay hindi para sa mga Pilipino kaya't ang mga Pilipino ay patuloy na nagbabayad ng mga buwis at hindi nila makakamit ang mga karapatang ipinagkakaloob sa mga Kastila. Sa kabila ng pagwawalang bahala at diskriminasyon ng mga pinunong Kastila sa pagbibigay ng karapatan sa mga Pilipino, ang kabuhayan sa kapuluan ay patuloy na umuunlad. Nagbukas ang Espanya ng bagong pamilihan para sa mga produkto sa Silangang Asya at ang Maynila ay naging sentro ng kalakalan sa Silangan. Naging pook ng kayamanan ang Maynila at ang kasaganaang iyan ay dahil sa malayang kalakalan. Nainggit sa kaunlaran ng Maynila ang mga mangangalakal ng Cadiz at Sevilla at sila ay nagsagawa ng iba't ibang paraan upang mapilit ang pamahalaan ng Espanya na higpitan ang kalakalan ng Mehiko at Maynila. Nagsikap si Ventura delos Reyes, isang kinatawan sa Cortes ng Espanya noong 1811 na putulin ang kalakalan ng galleon sa Maynila at Acapulco dahil sa kasamaang naidudulot nito sa bayan tulad ng monopoliya sa mga industriya, ang limitadong bilang ng taong nakikinabang, pagkasira ng mga likas na yaman, di makatarungang pagpapatrabaho sa mga Pilipino at ang mabagal na pag-unlad ng bansa. Napalitan ito ng pagbubukas ng kalakalan ng dayuhan sa Maynila at iba pang lungsod sa kapuluan. Nakapagtatag ng mga bangko at bahay-kalakal ang mga dayuhan sa Maynila. Pinamahalaan ni Ferdinand de Lessep noong Nobyembre 17, 1869 ang pagbubukas sa Kanal Suez na nakatulong upang makapasok sa Pilipinas ang mga bagay at diwang dayuhan. Marami sa mga Pilipino ang nakinabang at umunlad ang kabuhayan. Nakarating ang maraming Pilipino sa Maynila at ang iba naman ay nangibang bansa. Nakamalas ang mga Pilipino ng bagong anyo ng buhay at nakadama sila ng pagiging malaya. Naranasan nila ang makasalamuha ang mga taga-ibang bansa pati na ang mga Kastila at pinakitunguhan sila ng katulad nila. Lumawak ang kanilang pang-unawa sapagkat nakilala nila ang kanilang sarili na sila ay may mga katangiang katulad o higit pa sa mga dayuhan. Naisip at namalas nila kung paano dinuduhagi at binabalewala ang kanilang mga karapatan at kung paanong tinatakipan ng pananampalataya ang pagmamalabis ng mga paring Kastila. Sa panahong ito, nadama sa Pilipinas ang himagsikan sa Mehiko (1822) laban sa Pamahalaang Kastila. Natipon na lamang sa Cuba, Puerto Rico at Pilipinas ang kolonya ng Espanya. Unti-unting nababawasan at nabubuwag ang kapangyarihang pandaigdig ng Espanya. Ang mga Pilipino noong panahon ni Rizal ay mga biktima ng mga sumusunod na suliranin, pagmamalabis at kalupitan ng mga kastila: 1. Ang suliraning politikal ng Espana na dulot ng pag-aalitan ng mga Kastilang maka- autokratiko (pamamahala ng isang tao) at makaliberal (kalayaan at progresibo), pagkakaroon ng digmaan (Carlist Wars), pagsasagawa at pagsunod sa 4 na konstitusyon noong 1834-1862 at rebelyon ang labis na nakaepekto sa pag-unlad sa aspetong politikal at ekonomiya ng Pilipinas. Ang madalas na madaliang pagpapalit ng mga administrador na Kastila sa mga posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas ay dahilan kung bakit hindi lubusang magampanan ang kanilang tungkulin sa maikling panahon lamang ng kanilang panunungkulan. 2. Karamihan sa mga kastilang administrador/opisyales ng pamahalaan na ipinadala ng Espanya sa Pilipinas ay malulupit sa mga Pilipino, hindi tapat sa kanilang tungkulin, imoral, at hindi kwalipikado sa kanilang mga gaganaping tungkulin. 3. Ang Pilipinas na dati ay may representante/kasapi sa Kagawarang Tagapagbatas (Spanish Cortes) ng Espanya noong 1810-1837 na kung saan naipaaabot ng mga Pilipino ang kanilang suliranin at pangangailangan ay tinanggalan ng representasyon at hindi na muli naibalik. Si Ventura de los Reyes ang unang delegado na naging bahagi sa pagsasagawa ng 1812 na konstitusyon at ang pagpapatigil "Kalakalang Galleon" dahil sa suliranin sa monopoliya ng mga produkto, sapilitang pagpapatrabaho, at pagsasamantala sa likas na yaman ng bayan. 4. Ipinagkait ng mga Kastila ang mga karapatang pantao (kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pakikibahagi, atbp.) ng mga Pilipino na sinusunod ng mga Kastila sa kanilang konstitusyon. 5. Ipinatupad ng mga Kastila ang hindi pagkakapantay-pantay sa hustisya katulad ng pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nagkasalang Pilipino at mestizo at magaang na parusa sa nagkasalang puting Kastila. Hindi makaapela ang mga Pilipino sa batas para sa hustisya sapagkat ang batas na ipinatutupad ng mga Kastila ay para lamang sa mga mapuputing Kastila. 6. Bukod sa mas pinapanigan ng korte Suprema ang mga Kastila kontra sa mga Pilipino, maraming Pilipino ang nakaranas magdusa dahil sa kabagalan ng pagpapatupad ng hustisya, kakulangan sa kaalaman ng nagpapatupad ng batas/hustisya at maling pagpapatupad ng batas at hustisya. 7. Mababang antas ang pagtingin sa mga Pilipino ng mga Kastila at tinatawag ng mga Kastila ang mga Pilipino na "Indios" (Indians). Naging malawakan ang diskriminasyon sa pamahalaan, Korte Suprema, militar, edukasyon at relihiyon. 8. Naging talamak ang "frailocracy" (frailocracia) o pamamahala ng mga paring Kastila sa kanilang makapangyarihang impluwensya sa relihiyon, edukasyon, pulitika at ekonomiya ng Pilipinas. 9. Ang sapilitang pagpapagawa (forced labor) o ang tinatawag noong "polo" na kompulsaryong paggawa na utos ng mga Kastila sa lahat ng mga may edad nang kalalakihan sa mga imprastruktura at paggawa ng mga barko. 10.Ang mga paring Kastila ang nagmamay-ari ng mga "hacienda” (agricultural lands) sapagkat sila ang nakakakuha ng titulo ng pag-aari sa pamahalaang Kastila at ang mga Pilipino na matagal nang nakatira at nagsasaka dito ang naging mga manggagawang pinagsasaka at pinangangalaga nito. 11.Ang pang-aabuso ng mga Guardia Civil na kulang sa pagsasanay militar at sa disiplina sa mga inosenteng Pilipino na pinagnanakawan ng kanilang alagang mga hayop at mga kagamitan at inaabusong sekswal ang mga kababaihan.