KABANATA 1: KULTURANG PINOY AT KULTURANG POPULAR PDF
Document Details
Uploaded by FeistySanDiego
Negros Oriental State University
Tags
Related
Summary
This document discusses the various aspects of Filipino culture. It explores the diverse influences on Filipino culture, including traditions, beliefs, and customs. The text explores the prominent cultural elements like religious beliefs, architecture, art, music, literature, food and rituals. The document may serve as a learning material.
Full Transcript
KABANATA 1 ﹕ KULTURANG PINOY AT KULTURANG POPULAR Ano ang kulturang Pinoy? Ang kulturang Pinoy ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at mga katutubong Pilipino Mga bagay na nakaiimpluwensya sa kultura Bago pa man dumating ang mga unang...
KABANATA 1 ﹕ KULTURANG PINOY AT KULTURANG POPULAR Ano ang kulturang Pinoy? Ang kulturang Pinoy ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at mga katutubong Pilipino Mga bagay na nakaiimpluwensya sa kultura Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mgamangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, nahanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. RELIHIYON KRISTIYANISMO Naimpluwensyahan ng Kristiyanismo ang kulturang Pilipino sa halos lahat ng mga tapyas, mula sa visual art, arkitektura, sayaw, at musika. S a k a s a l u kuya n , a n g P i l i p i n a s ay i s a s a dalawang nakararaming Katolikong Romanong (80.58%) nasyon sa Asya-Pasipiko, East Timor ang isa pa. ISLAM Dumating ang mitolohiyang Islam sa Pilipinas noong ika-13 siglo sa pamamagitan ng mga daan ng pangangalakal sa Timog-Silangang Asya. ARKITEKTURA Bilang kolonya ng Imperyong Kastila nang 333 taon, ipinakilala ng mga Kastila ang Europeong arkitekturang kolonyal sa Pilipinas. SINING-BISWAL Nagsimulang lumikha ang mga Pilipino ng mga pinta sa tradisyong Europeo sa panahong Kastila noong ika-17 siglo. PAGSASAYAW Kabilang sa mga Pilipinong katutubong sayaw ang Tinikling at Cariñosa. MUSIKA Tumugtog ang mga dayuhang Kastila at mga Pilipino ng mga iba't ibang instrumentong pangmusika, kabilang ang mga plauta, gitara, yukulele, biyolin, trumpeta, at tambo. PANITIKAN Magkakaiba at masagana ang panitikan ng Pilipinas, at nagbabago nang nagbabagoito sa mga siglo. Nagsimula ito sa mga tradisyonal na alamat na nilikha ng mgasinaunang Pilipino bago ang panahon ng mga Kastila. LUTUIN Nagluluto ang mga Pilipino ng sari-saring pagkain na naimpluwensyahan ngIndyano, Tsino, at ng mga katutubong sangkap. RITWAL NG PAGTULI Bawat taon, madalas sa Abril at Mayo, pinapatuli ang libu-libong mga Pilipinong batang lalaki. sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WAyonHO), halos 90% ng lalaking Pilipino ay natuli, isa sa pinakamataas na antas ng pagtutuli EDUKASYON Naimpluwensyahan ang edukasyon sa Pilipinas ng mga ideolohiyang at pilosopiyang Kanluranin at Silanganin mula sa Estados Unidos, Espanya, at ngkanyang mga karatig na Asyanong bansa. LARO Ang isang laro ng lahing Pilipino ay ang luksong tinik. Ito ay isang napakasikat nalaro sa mga kabataang Pilipino kung saan kailangang lumundag sa tinik at tumawidsa kabila nang hindi masaktan. Kabilang din sa mga ibang laro ng lahing Pilipinoang yo-yo, piko, patintero, bahay kubo, pusoy, at sungka. PAGDIRIWANG Nagmula ang mga pagdiriwang sa Pilipinas, kilala bilang mga pista sa Pilipinas mulasa kapanahunang kolonyal ng Espanya noong ipinakilala ng mga Kastila angKristiyanismo sa bansa. Kakaiba at natatanging gawain ng isang Pinoy Bayanihan Ø Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. MATINDING PAGKAKABUKLOD- BUKLOD NG MAG-ANAK Ø Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag- anak. Pakikisama Ø Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba. Utang na Loob Ø Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. Panghaharana Ø Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Pagalang sa Matanda Ø Lubos na magalang ang mga Pilipino, mapamatanda man o bata, kahit sino pa ang kausap, magalang ang pananalita ng mga lokal. Ilan sa mga tanda ng paggalang sa matatanda ay ang pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo”, pagtulong sa kapwa, at marami pang iba. Pagmamano Ø Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang kaugalian na ito. PAMAMANHIKAN ØIsinasagawa ag pamamanhikan kapag ang isang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng kaniyang nobya sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan.