MODYUL 8: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO PDF

Summary

This document discusses the concepts of participation and volunteerism in Filipino. It highlights the importance of participation in community well-being, the different levels of participation, and the benefits of volunteerism. It also touches on the differences between participation and volunteerism.

Full Transcript

# MODYUL 8: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga dahil: - Maisasakatuparan ang isang gawain na makakatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan. -...

# MODYUL 8: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga dahil: - Maisasakatuparan ang isang gawain na makakatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan. - Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto ng mayroong pagtutulungan. - Maibabahagi ang sariling kakayahan na makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ito ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo. Ito ay isang makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kanyang tungkulin para sa kabutihang panlahat. ## Antas ng pakikilahok na makakatulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon kay Sherry Arnsteinis: - **Impormasyon** - Sa isang taong nakikilahok, mahalaga na matuto siyang magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap na impormasyon. Makatutulong ito na madagdagan ang kaalaman ng iba. - **Sama-samang pagpapasya** - Upang lalong maging matagumpay ang isang gawain, mahalaga ang pagpapasiya ng lahat. Ito ay hindi lamang dapat gawin ng isang tao kundi ng nakararami at kailangan na isaalang-alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas nakararami. - **Konsultasyon** - Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na hindi lang sariling opinyon o ideya ang nangingibabaw kundi kailangan din makinig sa mga puna ng iba na maaring makatulong sa tagumpay ng gawain o proyekto. - **Sama-samang pagkilos** - Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat. - **Pagsuporta** - Mapapadali ang isang gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta dito. Mula sa pakikilahok ay nahuhubog ng tao na mapukaw ang kanyang damdamin at kaisipan na siya ay maging kabahagi ng kanyang lipunan sa pagpapalaganap ng kabutihan. Maipapakita ito sa pamamagitan ng: - **a. Paggalang sa makatarungang batas.** - **b. Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng pagtataguyod ng maayos na pamilya at pagiging tapat sa gawain.** Ngunit may mga tao na nakikilahok dahil sa pansariling interes tulad ng: - Naglilingkod o tumutulong dahil mayroong hinihintay na kapalit. - Mga tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas oras. - Kapag nakuha na ang nais o pakay ay tumitigil na sa kanilang ginagawa. Ang pakikilahok ay hindi lamang minsan ginagawa kundi isang patuloy na proseso hangga't kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan. Sa pamamagitan nito, ang tao ay nagiging mapanagutan hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa kanyang kapwa. # Ang Bolunterismo Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng Bayanihan, Damayan, Kawanggawa o bahaginan. ## Mga kabutihang naidudulot ng bolunterismo: - Pagkakaroon ng personal na pag-unlad - Nakakapagbigay ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan. - May pagkakataon na makabuo ng ugnayan at suporta sa iba. - Nagkakaroon ng pagkakataon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati kanyang sarili. ## Pagkakaiba ng Pakikilahok at Bolunterismo Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin ay hindi ka apektado, kundi ang iba na hindi mo tinulungan. Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo ngunit lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok. Sa pakikilahok at bolunterismo, dapat na makita ang tatlong T's: - **Panahon (Time)** - Mahalaga ang panahon sapagkat kapag ito ay lumipas, hindi na ito maibabalik. - **Talento (Talent)** - Bawat isa ay may talentong kaloob ng Diyos at ito ay magagamit upang ibahagi sa iba. - **Kayamanan (Treasure)** - Sa pagbibigay ay hindi mahalaga ang dami, ang mahalaga ay kusa itong ibinigay at buong puso.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser