Pangunahing Pagtataya sa Araling Panlipunan 7 (Libertad National High School) PDF
Document Details
Uploaded by PrudentLyric
Libertad National High School
2018
Tags
Summary
This is a past exam paper for Araling Panlipunan 7 from the Libertad National High School in the 2018-2019 academic year. The test covers diverse topics in Asian countries geography, history, and cultures.
Full Transcript
Republic of the Philippines Department of Education MIMAROPA Region Division of Romblon Liberta...
Republic of the Philippines Department of Education MIMAROPA Region Division of Romblon Libertad National High School PANGUNAHING PAGATATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 7 Taong Pampaaralan 2018-2019 Pangalan: _________________________________ Petsa: ______________ Taon at Seksyon: _______________ Iskor: _______ Marka: _______ Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay? a. Ang mga ito ay parehong napapailalaim sa halos parehong karanasang historical, kultural, agrikulrural, at sa klima. b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal. c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito aya halos pareho. d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito. 2. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganito ang uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang bahagi ng Russia at Manchuria? a. prairie b. savanna c. steppe d. tundra 3. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba-ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya? a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan. b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo. c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon. d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao. 4. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay? a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley. b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya. c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim. d. Galling sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito. 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity ng Asya? a. Patuloy na pagtaas ng populasyon. b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation c. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman. d. Introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang particular na rehiyon. 6. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan nito. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito? a. etniko c. katutubo b. nomad d. etnolingguwistiko 7. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang _______________? a. ideolohiyang political c. modernisasyon b. pagkakakilanlan d. pagkakaisa 8. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi.” a. Ang wika ay may iba’t-ibang layunin. b. Iba-iba ang wika ng iba-ibang tao c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao. d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi. 9. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba-ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakaaapekto sa pag-unlad ng mga bansa nito. Ikaw ay naanyayahan sa isang pagpupu- long upang talakayin ang solusyon sa mga suliraning ito. Ano ang iyong imumungkahi? a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin. b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran. c. Magpatupad ng program na nagbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak. d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa. 10. Ikaw ay isang Ambassador of Goodwill na naatasang hikayatin at impluwensyahan ang kabataang Asyano na magpalaganap ng programa para sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng isang multimedia advocacy. Alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang-alang? a. Organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain. b. Kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain. c. Nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon, kapakinabangan. d. Kawastuhan ng mga datos at madaling maunawaan. 11. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan? a. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao. b. Mataas na uri ng panirahan sa malawak na lupain. c. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan. d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailagan ng mamamayan. 12. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan? a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at pagsusulat b. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsusulat c. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat d. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado 13. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabihasnang Indus at Sumer? a. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon. b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan. c. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula. d. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming Diyos. 14. Sa China ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae na kung saan ay tinatanggal ang mga kuko, binabalian ng mga buto ang mga daliri, at binabalutan ng bondage at metal ang mga paa. Ano ang implikasyon nito sa kanilang kultura? a. Naging pamantayan na ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura. b. Naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain. c. Nakakabuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon. d. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito. 15. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino? a. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang. b. Dahil ito ang piangbatayan ng kanilang pamumuhay. c. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba-iba nilang wika. d. Dahil ito ang nagsilbing simbolo ng karakter ng mga Tsino. 16. Ang caste system sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may iba’t-ibang antas ng mga tao. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system? a. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat. b. Ang Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan. c. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras. d. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at karapatan. 17. Isa sa apat na Noble of Truths ng Budismo ay ang “Buhay ay nangangahulugan na puno ng paghihirap.” Ano ang implikasyon nito sa ating buhay? a. Bahagi ng buhay ng tao ang paghihirap at pagdurusa tulad ng pagkakasakit, pinsala, pagkahapo, katandaan at kalauna’y kamatayan. b. Habang nabubuhay hanggang kamatayan ang paghihirap ng tao. c. Kahit na magsumikap mararanasan pa rin ng tao ang paghihirap. d. Hindi maaaring takasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay. 18. Ang pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pagkakaiba-iba nito ay nagsisilbing ugat na pangkultura ng isang bansa. Dapat isanib ang inobasyong kultural sa pangangalaga sa tradisyon. Kung walang tradisyonal na kultura, at kung hindi umangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon, mahihirapan itong maisalin. Ano ang kabuuang mensahe nito? a. Ang lumang kultura at tradisyon ay dapat pahalagahan at pagyamanin katulong ang mga inobasyon na aangkop sa makabagong lipunan. b. Dapat proteksiyonan ang mga kultura at tradisyon ng bansa. c. Ibabagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan. d. Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting kultura at tradisyon ng bansa. 19. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na “Apat na Dakilang Dinastiya.” Bakit tinawag na “Dakilang Dinastiya” ang mga ito? a. Naganap sa panahong ito ang pag-unlad ng China sa iba’t-ibang larangan. b. Nagkaroon ng pagsakop ng mga dayuhan sa yaman ng bansa. c. Umunlad ang sining at arkitektura ng China. d. Lumawak ang mga impluwensya ng China. 20. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa? a. Great Wall of China c. Ziggurat b. Taj Mhal d. Hanging Garden INIHANDA NI: NAPAG-ALAMAN NI: _______________ ____________________ ALVIN F. FAA G. DANILO M. YLAGAN Guro Head Teacher IV INIWASTO NI: _____________________ GNG. SALLY F. FONTAMILLAS Filipino Coordinator SUSI SA PAGWAWASTO (ARALING PANLIPUNAN 7) 1. A 21. E 2. C 22. C 3. C 23. A 4. C 24. B 5. B 25. J 6. C 26. D 7. C 27. F 8. D 28. I 9. B 29. H 10. D 30. G 11. B 31. C 12. C 32. E 13. B 33. A 14. A 34. B 15. C 35. D 16. B 36. A 17. C 37. A 18. B 38. B 19. D 39. B 20. A 40. B