PAMILIHAN Grade 9 PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pamilihan. May mga tanong at gawain na maaaring gamitin sa klase.

Full Transcript

# PAMILIHAN ## AP 9 Q2 W6 ## ANO ANG PAMILIHAN? * Isang mekanismo o lugar na nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda ng mga produkto. * Lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer and sagot sa marami nitong pangangailangan at kagustuhan ## SINO ANG DALAWANG AKTOR NG PAMILIHAN? * Konsyumer *...

# PAMILIHAN ## AP 9 Q2 W6 ## ANO ANG PAMILIHAN? * Isang mekanismo o lugar na nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda ng mga produkto. * Lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer and sagot sa marami nitong pangangailangan at kagustuhan ## SINO ANG DALAWANG AKTOR NG PAMILIHAN? * Konsyumer * Prodyuser ## MGA URI NG PAMILIHAN * Lokal na pamilihan * Panrehiyon * Pambansa * Pandaigdigan ## LOKAL NA PAMILIHAN Matatagpuan sa lokal na komunidad. Ang mga produkto at serbisyong matatagpuan ditto ay mga pinakamaliit na produktong kailangan sa pangaraw-araw na pamumuhay. ## PANREHIYONG PAMILIHAN Matatagpuan ditto ang mga produktong natatangi at ipinagmamalaki ng mga rehiyon. ## PAMBANSANG PAMILIHAN Malawak na pamilihan kung saan matatagpuan ang mga produktong mula sa mga likas na yaman ng bansa, na tumutugon sa pangmalawakang pangangailangan ng mga mamamayan. Dito rin umaangkat ang mga maliliit na negosyante ng kanilang mga produktong ibebenta sa lokal na pamilihan. ## PANDAIGDIGANG PAMILIHAN Dito nagaganap ang import at export ng mga produkto at serbisyo. Sa kasalukyang panahon, ang internet at social media ay maituturing na ring pamilihang pandaigdig dahil nadadala nito ang produkto at serbisyo sa pamamagitan ng mga internet. Mahalaga ang pamilihang ito dahil dito nakikilala ang mga produktong maipagmamalaki ng mga bansa. ## Pag-isipan: Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapatatag ng pamilihan? ## Performance Task Bumuo ng grupo kasama ang inyong mga kabarangay o kalapit barangay. Pumili ng isang lokal na produkto sa inyong lugar at gumawa ng 2-3 minutes informercial kung paano ninyo ipapakilala sa pandaigdigang pamilihan ang inyong produkto.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser