Araling Panlipunan 9: Ikalawang Markahan - Linggo 7 PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga katanungan at gawain para sa araling panlipunan 9, ikalawang markahan, linggo 7. May mga tanong tungkol sa mga istruktura ng pamilihan, kabilang ang ganap na kompetisyon, monopolyo, at iba pa. Ang dokumento ay nakatuon sa mga konsepto ng ekonomiya at sa konteksto ng edukasyon sa sekondarya.

Full Transcript

1 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: _________________________ Pangkat: __________ Guro: ______________ Aralin KAHULUGAN AT KONSEPTO NG PAMILIHAN 7 PAMILIHANG MAY DI-GANAP NA KOMPETISYON Most Essential Learning Competency: Nasus...

1 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: _________________________ Pangkat: __________ Guro: ______________ Aralin KAHULUGAN AT KONSEPTO NG PAMILIHAN 7 PAMILIHANG MAY DI-GANAP NA KOMPETISYON Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap sa mga teksto at mapaghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at magdaragdag sa iyo ng kaalaman. Mapaghahambing ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng istruktura ng pamilihan; 2. Natutukoy ang mga katangian ng pamilihang may di-ganap na kompetisyon; at 3. Nailalarawan and iba’t ibang katangian ng iba’t ibang anyo ng pamilihang may di-ganap na kompetisyon. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Pamilihang libu-libo ang mamimili at nagtitinda ng produkto: A. Ganap na Kompetisyon C. Monopolistikong Kompetisyon B. Monopolyo D. Oligopolyo 2. Pamilihang may iilang suplayer o tagapagprodyus lamang: A. Ganap na kompetisyon C. Monopolistikong kompetisyon B. Monopolyo D. Oligopolyo 3. Ang industriyang may iisang prodyuser lamang ng produkto o serbisyo na walang malapit na kapalit at ang pagpasok ng mga potensyal na kakompetisyon ay lubhang mahirap: A. Monopolyo C. Ganap na kompetisyon B. Oligopolyo D. Monopolistikong kompetisyon 4.Ang uri ng kumpanya na karaniwang may monopolyo sa pamilihan ay: A.taga-suplay ng kuryente C. kumpanyang paliparan B. tagagawa ng kotse D. malakihang establisimiyentong nagtitingi. 5.Istruktura ng pamilihan na inilalarawan ng kawalan ng kontrol sa presyo ng mga nagbebenta, maraming magkatulad ngunit pinag-ibang produkto dahil sa tatak, at malayang nakapapasok o nakalalabas ang mga nagbebenta sa industriya: A. Ganap na kompetisyon C. Monopolistikong kompetisyon B. Monopolyo D. Oligopolyo AP9-Qrt2-Week 7 2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Panuto: Tukuyin ang ipinahahayag ng pangungusap. 1. Isang lugar kung saan ang mamimili at nagbibili ay nagtatagpo upang magtakda ng presyo at magpalitan ng produkto at serbisyo. A. Ospital B. Pamilihan C. Pamahalaan D. Mall 2. Pamilihan na gumagamit ng advertising o pag-aanunsyo bilang istratehiya ng pagbebenta. Ano ang impluwensya ng pag-aanunsyo sa epektibong pagbebenta? A. pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. B. May identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. C. Hindi nagkakaiba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan D. Hindi pareho ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan. 3. Madaling pumasok sa pamilihang may perpektong kompetisyon dahil ___________. A. Walang nagdodominang kompetitor. B. Walang pinag-iba ang produkto na isinusuplay ng isang suplayer sa produktong isinusuplay ng isa pang suplayer sa iisang industriya. C. Hindi malaki ang kapital na kailangan. D. A, B at C 4. Ito ang batayan ng mga prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo. A. Salapi B. Presyo C. Sahod D. Kita 5. Ito ang istruktura ng pamilihan na kinikilala bilang perpekto. A. Ganap na Kompetiyon C. Di ganap na kompetisyon B. Monopsonyo D. Monopolyo PAKSA: Iba’t Ibang Anyo at Katangian ng Pamilihan (Di-Ganap na Kompetisyon) Ang tuwirang kabaligtaran ng bilihang may ganap na kompetisyon ay isang bilihang walang kompetisyon. Ito ang tinatawag nating monopolyo. Ang monopolyo ay isang bilihang may nag-iisang prodyuser at nagbebenta ng produkto at serbisyo. Dahil isa lamang ang nagbebenta ng produkto, walang tuwirang kakompetensiya ang isang monopolista. Ang isang monopolistang kompanya ay masasabi nating may malakas na kapangyarihan o puwersa sa bilihan. May kapangyarihan din siyang pigilin at hadlangan ang pagpasok ng mga bahay-kalakal na nagnanais kumalaban sa kanya sa bilihan. Ipapaliwanag ng modyul na ito kung papaano nakukuha ng monopolista ang kapangyarihang ito sa bilihan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga katangian ng isang bilihang monopolyo. 1.Nag-iisang nagbibili – Walang direktang kalaban ang monopolista dahil nag-iisa lamang siyang nagbebenta ng produkto sa bilihan. Ito ang dahilan kung bakit malaki at malawak ang kaniyang hawak at kontrol sa bilihan. Ngunit kahit wala siyang direktang kakompetensiya sa pagbibili ng produkto sa isang bilihan, marami naman siyang di-tuwirang kakompetensiya. Ang isang monopolista na gumawa ng isang produkto ay nakikipagtunggali sa libu-libong produkto at serbisyo na ginagawa ng isang ekonomiya sa pagkuha ng malaking bahagi ng badyet ng isang pamilya. Halimbawa, ang Meralco ay isang monopolista sa pagbebenta ng kuryente sa mga pamilya sa kamaynilaan at walang kumakalaban sa kanya rito. Subalit nakikipagtunggali ito ng di-tuwiran sa mga prodyuser ng mga pagkain, pananamit, at pamamahay. Ang mga bilihang ito ay kumukuha ng malaking bahagi ng isang badyet ng isang pamilya. AP9-Qrt2-Week 7 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 2.Walang Kauring Produkto – ito ay isa pang katangian nakapagbibigay kapangyarihan sa mga monopolista sapagkat ang produktong ipinagbibili nila ay nag-iisa at walang kauring produkto sa bilihan. Dahil dito, malakas ang kontrol ng monopolista sa demand ng produkto. Ang pagbabawas niya ng produksyon ay maaaring magpataas ng presyo ng produkto , samantalang ang pagpapataas nito ng dami ay maaaring makapagpababa ng presyo. 3. Kakayahang hadlangan ang kalaban- dahil sa patent, copyrights at trademark gamit ang Intellectual Property Rights, hindi makapasok ang ibang nais na maging bahagi ng industriya na kaparehas sa hanay ng produkto at serbisyong nilikha ng mga monopolista. Ang patent ay pumoprotekta sa mga imbentor at sa kanilang imbensyon. Ipinagkakaloob ito ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang ibang gawin ito, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kanyang imbensyon. Ang trademark naman ay ang paglalagyan ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito. Samantalang ang copyright naman ay isang uri ng intellectual property rights na tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang sa mga akdang pampanitikan (literary works) o akdang pansining (artistic works). Kabilang din dito ang mga aklat, musika, iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, maps, technical drawings. Isang kauring bilihan ng monopolyo ay tinatawag na monopsonyo. Ang monopsonyo – ay isang bilihan na may isa lamang mamimili ng produkto sa bilihan ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang mamimili o konsyumer na impluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Isang halimbawa nito ay ang ating pamahalaan na siya lamang ang bumibili ng mga serbisyo ng mga kawani ng military sa bansa, pulis, bumbero, guro at iba pa. Dahil ang pamahalaan ang nag iisang kumukuha ng serbisyo ng mga nabanggit bilang empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga ito. Oligopolyo - Ito ay isang uri ng istruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Sa ganitong uri ng pamilihan may kakayanan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na umiiral sa pamilihan. Maari din nilang gawin ang hoarding o ang pagtatago ng produkto, ginagawa nila ito upang mapataas ang pangkalahatang presyo sa bilihan. Maaari silang makipagtunggalian sa isa’t isa o maaari ring makipagsabwatan na tinatawag na collusion. Ito ay nagaganap partikular na sa presyo sa ilalim ng kartel o samahan ng mga oligapolista. Monopolistikong Kompetisyon – Sa ilalim ng ganitong uri ng istruktura ng pamilihan, marami ang nagbibili at marami rin ang mamimili sa magkakatulad na produkto ngunit magkakaiba sa pamamagitan ng anunsiyo o pakete. Ang bilihang ito ay magkakatulad sa pamilihang may ganap na kompetisyon at bilihang monopolyo. Ilang halimbawa nito ay mga produktong katulad ng gatas, de lata, kape, baretang panlaba. Maraming nagkalat na sari-saring uri ng gatas na makikita sa tindahan at pamilihan subalit wala naman talagang likas na pagkakaiba ang mga sangkap. Ang tatak at anunsiyo lamang ang nagbibigay ng paniniwala sa mga tao ng pagkakaiba-iba nito. AP9-Qrt2-Week 7 4 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Gawain 1: MARKET-ANALYSIS; VENN DIAGRAM Matapos mong mabasa ang mga teksto ngayon ay paghambingin mo ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan ng paglalagay sa Venn Diagram ng pagkakapareho at pagkakaiba ng katangian ng bawat istruktura. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba at sagutin ang mga katanungan sa pamprosesong tanong upang mapunan mo ng wasto ang dayagram. PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA MONOPOLYO MONOPSONYO PAGKAKATULAD Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang katangian na magkatulad ang monopolyo at monopsonyo? 2. Sa ano-anong mga katangian naman sila nagkaroon ng pagkakaiba? 3. Sa iyong palagay bakit ito pinahihintulutan ng pamahalaan sa kabila ng may di magagandang dulot ito sa mga mamimili? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. GAWAIN 2: POSTER-RIFIC Panuto: Pumili ng isang istruktura ng pamilihan at gumawa ng isang pagguhit na nasa anyong poster na nagpapakita ng konsepto ng pamilihang napili. Ang larawang mabubuo ay dapat na masagot ang sumusunod na katanungan at ito ay bibigyan ng marka gamit ang rubrik. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang inyong ginawang larawan o poster? 2. Ano-anong mga simbolismo ang inyong ginamit at ibigay ang mga kahulugan nito? 3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipakita ng iyong larawan ang konsepto ng istruktura ng pamilihan na iyong pinili? Bakit? GAWING GABAY ANG IBIBIGAY NA PANUNTUNAN SA PAGMAMARKA NG GURO SA PAGGAWA NG POSTER. Ang pamilihang may di-ganap na kompetisyon ay isang istruktura Kung saan ang mga nagbibili ay may kapangyarihang na mabago ang presyo ng mga produkto at serbisyo na pinagbibili. Ang halimbawa nito ay Monopolyo, Oligopolyo at Monopsonyo na ang kanilang mga produkto at serbisyo ay walang katulad o kapareha kaya sila AP9-Qrt2-Week 7 5 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN ay may kakayahang magkontrol ng dami at presyo na kanilang ipagbibili sapagkat iisa lamang silang bumibili at nagbibili ng produkto at serbisyo. Magaling! Ngayong may sapat ka ng kaalaman tungkol sa pamilihan at mga istruktura nito maaari mo ng punan ang dayagram sa ibaba. Pamilihan katangian kalamangan kahinaan halimbawa Monopoly Oligopolyo Monopsonyo Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ano ang pinahihiwatig nito. Ilagay ang tamang sagot sa linya bago ang bilang. _________1. Ito ay istruktura ng pamilihan na may iisang konsyumer lamang sa iisang uri ng produkto o serbisyo. _________2. Ang mga prodyuser ay may iisang uri ng produkto pero magkakaiba ang tatak. _________3. Ang istruktura ng pamilihan na kung saan umiiral ang sistemang monopolyo, oligopolyo, monopsonyo, monopolistiko. _________4. Isang sistema sa pamilihan na kung saan iisa lamang ang nagtitinda ng walang kauring produkto. _________5. Sa istrukturang ito maaring magsabwatan sa pamamagitan ng kartel ang mga negosyante. Batay sa iyong natutunan sa araling ito, paano mo ito magagamit sa pang-araw –araw mong pamumuhay. Magbigay ng halimbawa sa pamamagitan ng pagbibigay isang sitwasyon batay sa sariling karanasan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. AP9-Qrt2-Week 7 6 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL - Week 7 Pangalan:____________________________ Pangkat :________ Guro :_________________ PAUNANG PAGSUSULIT BALIK-TANAW 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. MGA GAWAIN Gawain 1: MARKET-ANALYSIS; VENN DIAGRAM Gawain 2: POSTER-RIFIC PAG-ALAM SA NATUTUHAN Pamilihan katangian kalamangan kahinaan halimbawa Monopoly Oligopolyo Monopsonyo Paano mo ilalarawan ang pamilihan at mga istraktura nito? _____________________________________________________________________________ PANGHULING PAGSUSULIT PAGNINILAY: Isulat sa kwaderno. 1. 5. 2. 3. 4. AP9-Qrt2-Week 7

Use Quizgecko on...
Browser
Browser