Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 at Sekularisasyon ng mga Prayle PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 at ang papel ng mga pari sa Pilipinas. Ito ay nagbibigay ng mga pangkasaysayang detalye tungkol sa mga pangyayari, mga dahilan, at mga epekto ng pag-aalsa. Ang dokumento ay nagbibigay pansin sa mga isyu tulad ng sekularisasyon at ang paglaban para sa karapatan.
Full Transcript
# Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 at Sekularisasyon ng mga Prayle ## Buod - Ang pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ay isang pag-aaklas ng humigit-kumulang 200 sundalo at manggagawa sa arsenal sa Cavite laban sa pamahalaang kolonyal ng Espanya. - Nag-ugat ito sa pagpataw ni Gobernador-Heneral Rafael de...
# Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 at Sekularisasyon ng mga Prayle ## Buod - Ang pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ay isang pag-aaklas ng humigit-kumulang 200 sundalo at manggagawa sa arsenal sa Cavite laban sa pamahalaang kolonyal ng Espanya. - Nag-ugat ito sa pagpataw ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo ng buwis at polo y servicio, o sapilitang trabaho sa mga sundalo at manggagawa na dating hindi saklaw nito. ## Bersyon ng mga Kastila - Ang pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ay naitala ng Spanish historian na si Jose Montero y Vidal at inilathala rin ni Gobernador Heneral Rafael Izquierdo. - Nagsimula ang pag-aaklas dahil sa pagpataw ng personal na buwis at sapilitang trabaho sa mga kawal at manggagawa. ### Mga dahilan ng pag-aaklas: - Rebolusyon laban sa Espanya - Pagdami ng propagandang nakararating sa Pilipinas - Kawalan ng tiwala ng mga native clergy sa mga Espanyol na prayle - Si Gobernador Izquierdo ay malapit sa mga prayle at iniulat sa hari ng Espanya na gusto ng mga Pilipino ng bagong hari, na suportado nina Padre Burgos at Padre Zamora. - Ayon kina Jose Montero y Vidal at Gobernador Izquierdo, ang pag-aalsa ay matagal nang binalak ng mga edukadong pinuno, mestizos, abogadillos, residente ng Maynila at Cavite, at mga native clergy. - Plano ng mga nag-aalsa: supilin ang mga opisyal ng Espanya at patayin ang mga prayle. - Ang pag-aaklas ay nagsimula noong Enero 20, 1872, sa pamumuno ni Sergeant Fernando La Madrid, kung saan nakubkob nila ang Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 opisyal na Espanyol. - Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan sila ng mga sundalo mula sa Maynila, ngunit hindi ito nangyari. - Sa pagitan ng Enero 20-21, 1872, si Gobernador Izquierdo ay nagpadala ng pwersa upang sugpuin ang pag-aaklas, kung saan karamihan sa mga nag-aklas ay namatay o napatay. - Dalawampu't isang insurekto ang napatay sa pagtakas, at walo ang nadakip at ikinulong. - Apatnapu't siyam na bangkay ang natagpuan sa Fort San Felipe, kabilang ang isang lieutenant at isang sergeant na pinaslang ng mga nag-aklas. - Ang pag-aalsa ay nabigo dahil sa hindi pagdating ng tulong mula sa Maynila. - Ang mga pangunahing instigators, kasama si Sergeant La Madrid, ay namatay sa sagupaan. - Ang GOMBURZA (Padre Gomez, Burgos, at Zamora) ay hinatulan ng pagbitay, na naging simula ng pagkakaisa ng mga Pilipino. - Patriyota tulad nina Joaquin Pardo de Taverna, Antonio Ma. Regidor, J. Pio Basa, at iba pang lokal na abogado ay inaresto at hinatulan ng habangbuhay na pagkakulong sa Isla ng Marianas. - Tuluyang nabuwag ni Gobernador Izquierdo ang lokal na pwersa ng artilyero at bumuo ng pwersa ng Peninsulares. - Noong Pebrero 17, 1872, ipinataw ang parusang kamatayan sa GOMBURZA, na nagdulot ng takot sa mga Pilipino upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari. ## Bersyon ng mga Pilipino - Insidente sa Cavite (1872): Pag-aaklas ng mga sundalong Pilipino at mga tauhan ng Cavite arsenal dahil sa hindi kasiyahan sa mga patakaran ni Gov. Izquierdo. - Pinangunahan ni Sergeant La Madrid: Higit kumulang 200 katao ang lumaban laban sa mga opisyal na Espanyol. - Reaksyon ng mga awtoridad: Kaagad na pinalakas ang hukbong Espanyol sa Cavite matapos ang insidente. - Pagsasamantala ng mga prayle: Gamit ang pag-aaklas upang palakasin ang kanilang kapangyarihan at impluwensya sa gobyerno. - Mga paring martir (GOMBURZA): Nahuli at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote, bagamat hindi sila ang mga tunay na utak ng pagaalsa. - Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraiso: Mga mason na nahatulan ng pagkakakulong at pagkakatapon, ngunit nagkaroon ng pagkakataong makatakas. - Crisanto de los Reyes: Matalinong negosyante at masugid na tagasuporta ng Masoneriya, nagtagumpay siya sa negosyo bago at pagkatapos ng insidente. ## Sino ang GOMBURZA at bakit hindi sila binitay? - Tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. - Binitay noong Pebrero 17, 1872, kaugnay ng Cavite Mutiny. - Malalaking personalidad sa kilusang sekularisasyon at reporma sa Pilipinas. ## Bakit hindi sila binitay? - Ayon sa mga ulat, sina Gomburza ay walang direktang kaugnayan sa Cavite Mutiny. - Ginamit ni Francisco Zaldua, isa sa mga pangunahing nag-organisa ng rebelyon, ang pangalan ni Burgos upang makahikayat ng mga kasapi. - Si Gobernador Heneral at ang mga lider ng rebelyon ay parehong miyembro ng mga Mason (isang lihim na samahan), na maaaring nagdulot ng pagprotekta o pagbawas ng kanilang pananagutan. ## Tatlong paring martir (GOMBURZA) ### 1. Padre Mariano Gomez - Ipinanganak: Agosto 2, 1799, Santa Cruz, Maynila - Edukasyon: Unibersidad ng Santo Tomas - Pangunahing Gawain: Pari ng Bacoor, Cavite: Tagapagtatag ng pahayagang La Verdad - Huling Salita: "Tayo'y magtungo na kung saan, ang mga dahon ay hindi titinag kung hindi papagalawin ng Maykapal." - Pagkabitay: Siya ang unang binitay at pinakamatanda sa tatlong martir. ### 2. Padre Jose Burgos - Ipinanganak: Pebrero 9, 1837, Vigan, Ilocos Sur - Edukasyon: Dalawang doktorado – Teolohiya at Canon Law - Kaugnayan sa Mutiny: Isa sa mga pangunahing inakusahan, ngunit ipinagdiinan niyang wala siyang kasalanan. - Mga Huling Salita: “Wala akong ginawang anumang kasalanan!" - Pagkamatay: Pinakahuling binitay sa tatlo, may madamdaming eksena bago siya namatay. ### 3. Padre Jacinto Zamora - Ipinanganak: Agosto 14, 1835, Pandacan, Maynila - Kaugnayan sa Mutiny: Iniuugnay dahil sa isang imbitasyon sa “Grand Reunion," ngunit ang kanyang liham ay tumutukoy lamang sa isang laro ng baraha, hindi sa rebelyon. - Pagkakulong at Bitay: Isa sa mga naakusahan ng walang sapat na ebidensya. ## Konklusyon - Ang Gomburza ay naging simbolo ng paglaban para sa karapatan at reporma sa Pilipinas. - Bagama't sila'y binitay, maraming naniniwalang sila'y naging biktima ng hindi makatarungang hatol, na nagbunga ng inspirasyon para sa kilusang makabayan. ## Pagkakakilanlan ng mga Awtor - Ang Gomburza ay naging simbolo ng paglaban para sa karapatan at reporma sa Pilipinas. - Bagama't sila'y binitay, maraming naniniwalang sila'y naging biktima ng hindi makatarungang hatol, na nagbunga ng inspirasyon para sa kilusang makabayan. ### Virgilio S. Almario (Rio Alma) - Premyadong makata at kritiko / Tagasalin, patnugot, guro, at tagapamahala ng kultural - Lumaki sa Camias, San Miguel, Bulacan / Kabataan sa Hukbalahap (1950s) - Nagtapos ng A.B. Political Science sa UP (1963) / Nagturo sa alma mater - Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura (2003) / Dating opisyal ng CCP at National Commission for Culture and the Arts ### National Historical Commission of the Philippines - Sangay ng gobyerno na nangangalaga sa makasaysayang pamana / Itinatag noong 1965 (Republika Blg. 4368) - Nagpapalaganap ng kasaysayan at pangkulturang pamana ### Jose S. Arcilla, S.J. - Miyembro ng Kagawaran ng Kasaysayan / Propesor sa Ateneo de Manila - Archivist sa Philippine Province of the Society of Jesus / Nakapagtapos sa US at Espanya - May-akda ng "Aspects of Western Medieval Culture" / Coordinator ng International Jesuit Encyclopedia - Isinulat ang libro tungkol sa konteksto ng "Noli Me Tangere" / Inspirasyon ni Rizal mula sa pagpatay sa tatlong paring martir - Nagbigay ng bagong perspektibo sa Pag-aalsa sa Cavite (1872) ## Mga Dapat Tandaan - Ang pag-aalsa sa Cavite ay naganap dahil sa utos ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo tungkol sa pagpapataw ng buwis at sapilitang paggawa ng mga Pilipino. - Ito ang nagresulta sa pagkakabitay ng tatlong paring martir na kilala bilang GOMBURZA. - ENERO 20, 1872 - naganap ang pag-aalsa sa arsenal sa Cavite. ### Ang pag-aalsa ay naganap dahil... #### Spanish Version: - Dahil matagal nang naplano ng mga Indios na palayain ang Pilipinas sa ilalim ng gobyerno ng mga espanol. - Dahil sa pagpataw ng personal na buwis ng Gobernador sa mga kawal at manggagawa; at nang sapilitang pagbibigay trabaho sa mga ito. - Dahil sa dumaraming propagandang hindi kontrolado. - Sa pagkawala ng tiwala ng mga native clegy sa mga prayleng Espanyol. #### Filipino Version: - Dahil sa mga polisiyang ipinatupad ni Gov. Izquierdo tulad ng abolisyon ng kanilang mga pribilehiyo. - Pagbabawal sa pagtatag ng mga paaralan ng sining at kalakalan para sa mga Pilipino. - Dahil sinamantala ng prayle ang pagsasabwatan ng mga taong naglalayong wasakin ang soberanya ng Espanyol sa bansa. ### Mga kaganapan noong Pag-aalsa sa Cavite: - Tagumpay na nakubkob ang Fuerza San Felipe (military fortress in Cavite City) at pinaslang ang 11 Español na opisyal. - Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan sila ng mga sundalo sa Maynila. - Inakalang hudyat ng pagsisimula ng labanan ang pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng Birhen ng Loreto Ngunit sila'y nagkamali. ### Mga kaganapan pagkatapos ng Pag-aalsa sa Cavite: - Ang nasabing rebolusyon ay hindi naging matagumpay. - Sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves. - Ang GOMBURZA ay sinubukang patawan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote. - Ang mga tunay na utak ng pagaalsa na sina Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes at Enrique Paraiso ay na kasama sa mga napatapon lamang. - Sina Pio Basa at iba pang lokal na abogado ay inaresto at hinatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sa Isla ng Marianas. - Tuluyang nabuwag ni Gobernador Izquierdo ang lokal na rehimen ng artilyero. - Sinimulan ng gobyernong Espanyol at Frailocracia na manatili ang takot ng mga Pilipino upang hindi na maulit ang naturang pangyayari. # Thank you for listening