G8 - Aralin 3 (A) PDF

Summary

Notes on short story elements in Filipino literature for 8th-grade students.

Full Transcript

MAIKLING KUWENTO MAIKLING KUWENTO Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad saisang paraang mabilis ang galaw. PANGKAT NG MGA MANUNULAT NG MAIKLING KWENTO MAKAL...

MAIKLING KUWENTO MAIKLING KUWENTO Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad saisang paraang mabilis ang galaw. PANGKAT NG MGA MANUNULAT NG MAIKLING KWENTO MAKALUMANG MANUNULAT Naniniwalang mahalagang magkaroon ng isang balangkas ang maikling kwento. MAKABAGONG MANUNULAT Naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas sa pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang kalooban. MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO: 1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay. 2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilangibang mga tauhan. 3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo. 4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan nasinusundan kaagad ng wakas. 5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan. MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO Banghay Tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mgapangyayari. Tauhan Tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaringpangunahing tauhan at pantulong na tauhan. Ang mga akdang tuluyan gaya ng alamatay may nga tauhang kinikilala. MGA TAUHAN SA AKDA Pangunahing Tauhan Ang pinakamahalagang tauhan ng isang akda. Sakanya umiinog ang kasaysayan ng akda. Katunggaling Tauhan Ang sumasalungat sa hangarin ng pangunahingtauhan. Malaga ang ginagampanang papel ng katunggaling tauhad dahil siya angnagbibigay ng buhay sa daloy ng pangayyari ng akda. Mga Katuwang na Tauhan mga karaniwang tauhan ng akda na kasama ngpangunahing tauhan bilang kapalagayan ng loob. nagbibigay ng suporta ang katuwangna tauhan sa pangunahing tauhan at ilang tagpo ng akda. May-akda Ayon kay Domingo Landicho sa kanyang Manwal sa pagsulat ng Maikling Kuwento, ang pangunahing tauhan at ang awtor ay laging magkasama o magkasanib sa loob ng akda. Bagama’t ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng mga tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. URI NG TAUHAN Tauhang lapad (Plain character) Ito ay uri ng tauhan sa anumang anyo ng panitikan na hindi nagbabago ang katauhan sa loob ng kwento. Tauhang bilog (Round character) Nagbabago ang katauhan ng isang tauhang bilog sa loob ng kwento. Peripetia Mga tauhan/ tauhan na nagbabago ang karakter batay sa sitwasyon. Versimilitudes Masasabing sobrang tangang karakter. DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN NG MAY-AKDA SA TAUHAN Tuwirang Pagpapahayag Kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan. Madulang Pagpapahayag Kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, nanangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilosat pagsasalita niya. Tagpuan Tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento. Makatotohananang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang makatotohanan din angpangyayaring magaganap dito. Paningin Pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento. URI NG PANINGIN Unang Panauhan Ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang panauhang “ako”. Pangatlong Panauhan Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago Tinakdaang Obhetibong Paningin Ang pananaw ay limitado sa isa lamangta uhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya’y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay. Paninging Palayon Ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita atnaririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mgapangyayari sa kwento. Nakikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabinila , ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama. Paninging Panarili Isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin atkaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na “ako”. Paninging Laguman Magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayonsa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sapagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan. Paksang-diwa Tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral naideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Katimpian Masining na paglalarawan sa damdamin. Pahiwatig Tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mgapangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Simbolo Ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa. Suliranin Mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap Tunggalian Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong magingkawili-wili at kapana- panabik ang mga panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. URI NG TUNGGALIAN TAO LABAN SA TAO TAO LABAN SA SARILI TAO LABAN SA KALIKASAN Kasukdulan Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik angmadarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Himig Ito’y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin. Salitaan Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo. Kapananabikan Nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhanlaban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mgamambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sakanyang pakikipagtunggali. Kakalasan Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda. Galaw Tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha. BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO Pamagat Tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng mga pangyayari. May-akda Tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Panimula Ito ang simulain ng kwento. Tunggalian Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mgakasalungat na maaaring isa ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rinniya. Kasukdulan Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang at malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin. Wakas Ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento. URI NG MAIKLING KWENTO Katutubong Kulay Binibigyang diin ang kapaligiran at ang pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. Pakikipagsapalaran Nasa balangkas ang pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kwentong ito. Kababalaghan Mga di-kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mgakatatakutan ang siyang diin ng kwentong ito. Katatawanan Ang diin ng kwentong ito’y nagpapatawa at bigyang-aliw ang mambabasa. Sikolohiko Sinisikap na pasukin ang kasuluk-sulukang pag- iisip ngtauhan at ilahad ito. Talino Ito’y punumpuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa nalutasin. Ang ganitong uri ng kwento ay karaniwang walang tiyak na katapusan. Pampagkakataon Isinulat para sa isang tiyak na pangyayari gaya ng Pasko, Bagong Tao, atbp. Kapaligiran Ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga na lipunan. Ito rin ay kadalasang patungkol sa kwentong tumatalakay sa kalikasan. Quiz #5

Use Quizgecko on...
Browser
Browser