Isyu sa Paggawa G10-AP-Q2-Week-3-4 PDF
Document Details
Uploaded by EngagingEclipse5827
Tags
Summary
Ang presentasyon ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino, kabilang ang mababang pasahod, kawalan ng seguridad at proteksyon sa trabaho, at mismatches sa mga kasanayan at employment. Mayroon ding pagtalakay sa iba't ibang sektor ng ekonomiya sa Pilipinas.
Full Transcript
Isyu sa Paggawa Maraming mangagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang hamon at anyo ng suliranin sa paggawa. Ito ay ang mga sumusunod: 1. MABABANG PASAHOD Hindisapat o nagkukulang ang sahod para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. 2. Kawalan ng Seguridad Kawala...
Isyu sa Paggawa Maraming mangagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang hamon at anyo ng suliranin sa paggawa. Ito ay ang mga sumusunod: 1. MABABANG PASAHOD Hindisapat o nagkukulang ang sahod para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. 2. Kawalan ng Seguridad Kawalan ng proteksyon sa trabaho. 3. Job Mismatch Hindiakma ang trabaho sa kanyang kakayahan o kinuhang kurso 4. Kontraktwalisasyon Hindi pangmatagalan ang trabaho. ARE YOU GLOBALLY COMPETITIVE? SKILLS EDUCATIONAL LEVEL Basic writing, reading and arithmetic ELEMENTARY Theoretical knowledge and working skills SECONDARY Practical knowledge and skills of work SECONDARY Human relations skills SECONDARY Work Habits SECONDARY Will to work SECONDARY Sense of responsibility SECONDARY Social responsibility SECONDARY Ethics and Morals SECONDARY Health and Hygiene ELEMENTARY KASANAYAN PARA SA IKA-21 SIGLO 1. Media & Technology Skills. 2. Learning and Innovation Skills. 3. Communication Skills 4. Life & Career Skills. -DepEd, 2012 Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng 2 taon sa Basic Education ng mga mag-aaral sa Senior High school. The Enhanced Basic Education Act of 2013 (K to 12) R.A. 10533 K to 12 1 year kindergarten education 6 years of elementary education 6 years of secondary education 4 years of Junior High school 2 years of Senior High school 4 na Haligi para sa Disente at Marangal na Paggawa 1. Employment Pillar- Ito ay tumutukoy sa paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa. 2. Worker’s Rights Pillar palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga “ batas” para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. 3. Social Dialogue Pillarang laging “bukas na Palakasin pagpupulong” sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit. 4. Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa “proteksyon” ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad. KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR. SEKTOR NG AGRIKULTURA Lubusang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Kakulangan para sa mga patubig. Suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa. Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs. Patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan. SEKTOR NG INDUSTRIYA Imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa. Import liberalizations. tax incentives sa mga TNCs. deregularisasyon sa mga polisiya ng estado at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. MGA INDUSTRIYANG NAAPEKTUHAN Konstruksiyon Telecommunikasyon Beverages Mining Enerhiya SEKTOR NG SERBISYO mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino. malayang patakaran ng mga mamumuhunan. samu’t saring suliranin tulad ng over-worked. mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small- Medium Enterpirses (SMEs). ISKEMANG SUBCONTRACTING tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. 1.) LABOR-ONLY CONTRACTING ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya; 2.) JOB-CONTRACTING ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. UNEMPLOYMENT & UNDEREMPLOYMENT 1 milyong OFW ang lumalabas ng bansa taon-taon. Nagsimula ito noong dekada 70. Ang mga OFW ang tinaguriang mga bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa. UNEMPLOYMENT UNDEREMPLOYMENT ay isang ay may trabaho ka kondisyon kung ngunit hindi sapat saan ang mga ang perang manggagawa ay sinasahod mo, o walang makita o kaya'y hindi tugma mapasukang ang trabaho na sa trabaho. kurso na tinapos mo. “MURA AT FLEXIBLE LABOR” Isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. EPEKTO NG KONTRAKTUWALISASYON Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benipisyo na tinatamasa ng mga regular na empleyado. Ang Department Order 18-A ng DOLE 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Mga Mahalagang Karapatan Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization (ILO) ay ang sumusunod. Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa. Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang- aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’. Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan. Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho. Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas. Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat- dapat para sa makataong pamumuhay. 1. Ano ang iyong nahinuha sa mga natuklasan na trabaho sa iyong komunidad? 2. Sa aling sektor ang mas maraming nagtatrabaho? Bakit? 3. Pumili sa kahit anong trabaho, ano ang mga maaaring dahilan ng mga suliranin sa paggawa?