Pagsilang at Kabataan ni Rizal PDF
Document Details
Uploaded by DiversifiedSphinx
Bulacan State University
Tags
Summary
This document details the birth and early life of José Rizal, a key figure in Filipino history, tracing his ancestry and family background. It explores his upbringing and childhood experiences in Calamba, Laguna, Philippines.
Full Transcript
Topic: Reporters: (Group 1) Pagsilang at kabataan ni Rizal Dela Cruz, Richter Vhon Fernandez, Charlene J....
Topic: Reporters: (Group 1) Pagsilang at kabataan ni Rizal Dela Cruz, Richter Vhon Fernandez, Charlene J. Galang, Jozza Garzon, Ronalito Soriente, Josef Alanrey Remarks: VG Program and Section: CpE 3A Kapanganakan ni Rizal Full Name: José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda Date of Birth: Wednesday, June 19, 1861 between 11:00 pm – 12:00 pm, a few days before the full moon Place of Birth: Calamba, Laguna Religion: Catholic; His birth was not an easy one, as his mother struggled to deliver him due to the size of his head. Fortunately, both Rizal and his mother survived. Ilang araw bago ang kabilugan ng buwan, muntikan nang ikamatay ng kanyang ina ang panganganak sa kanya dahil sa kalakihan ng kanyang ulo. Ayon sa talaarawan ni Rizal na Memorias de un Estudiante de Manila (Mga Alaala ng Isang Mag-aaral sa Maynila), gamit nya ang pangalang P. Jacinto, ang pagkakaligtas ng kanyang ina ay bunga ng pamamanata nito sa Birhen ng Antipolo Ang pinanggalingan ng pangalan ni Rizal: Siya ay bininyagan sa isang Simbahang Katolika sa Calamba noong Hunyo 22, nang siya'y tatlong araw pa lamang. Ang pari na nagbinyag sa kanya ay si Rev. Rufino Collantes. Pinangalanan siya ayon sa dalawang santo: San Jose, dahil sa debosyon ng kanyang ina sa kanya, at San Gervacio Protacio, na ang kapistahan ay sa Hunyo 19, kaparehong araw ng kapanganakan ni Rizal. Sa seremonya ng binyag, napansin ni Padre Rufino Collantes na hindi pangkaraniwan ang laki ng ulo ni Rizal para sa isang sanggol. Namangha ang pari at pinayuhan ang pamilya ni Rizal na alagaan siyang mabuti, dahil naniniwala siya na ang malaking ulo ay tanda ng katalinuhan at isang araw ay magiging isang dakilang tao si Rizal. (at ayun totoo nga ang sinabi ni Rev. Collantes dahil ngayon ay itinuturing siya bilang isang bayani dahil sa kanyang talino) Palayaw: Pepe Bakit Pepe: Ayon sa aklat na In Excelsis, ipinaliwanag ng manunulat na si Felice Prudente Santa Maria na nakuha ni Rizal ang palayaw na "Pepe" dahil ang mga titik na "P.P." ay laging ginagamit pagkatapos ng pangalan ni San Jose. Sa Latin, ang "P.P." ay nangangahulugang "pater putativus," na ang ibig sabihin ay "ama sa pagkaakala." Sa Kastila, ang titik na "P" ay binibigkas bilang "peh," na nagdulot sa mga tao na tawagin si San Jose bilang "Pepe" sa halip na "Jose." Dahil ang pangalan ni Rizal ay Jose, tinawag din siya ng mga tao na "Pepe" bilang palayaw. Ang Pamilya Rizal Mga Ninuno mula sa Pamilya ng Kanyang Ama DOMINGO LAMCO Siya ay ang great-great-grandfather ni Jose P. Rizal Siya ay isang Tsinong mangangalakal na mula sa Chanchow, lungsod ng Fookien, China. Dumating sa Maynila noong 1960 Nanirahan sa Binan, Laguna at nagpakasal kay Ines de la Rosa Siya ay nagpabinyag bilang Katoliko noong 1697 sa Binondo, Maynila Ines de la Rosa Siya ay ang great-great-grandmother ni Jose P. Rizal at asawa ni Domingo Lamco Isang mayamang Tsinong Kristiyano sa Maynila Siya ay anak ng isang negosyanteng mag-asawa sa Binondo, Maynila Mercado Ginamit noong 1731 ni Domingo Lamco Ang Mercado ay hango sa salitang Ingles na market. Francisco Mercado Siya ay ang great-grandfather ni Jose P. Rizal Anak ni Domingo Lamco at Ines de la Rosa Nahalal bilang gobernadorcillo noong 1783 sa Binan, Laguna Cirila Bernacha Siya ay ang great-grandmother ni Jose P. Rizal Asawa ni Francisco Mercado Juan Mercado Siya ay ang lolo ni Jose P. Rizal Anak nina Francisco Mercado at Cirila Bernancha Naging gobernadorcillo ng Binan, Laguna noong 1808,1813 at 1823 Labintatlong anak Cirila Alejandro-Mercado Siya ay ang lola ni Jose P.Rizal Naging asawa ni Juan Mercado Mga Ninuno mula sa Pamilya ng Kanyang Ina Eugenio Ursua Siya ay ang great great grand father ni Jose P. Rizal Nagmula sa lahi ng mga Hapones Benigna Ursua Siya ay ang lola ng lola (great-great grandmother) ni Jose P. Rizal Asawa ni Eugenio Ursua Regina Ursua Siya ay ang lola sa tuhod (great grandmother) ni Jose P. Rizal Anak nina Eugenio at Benigna Ursua Manuel de Quintos Siya ay ang great-grandfather ni Jose P. Rizal Naging asawa ni Regina Ursua Pinanganak sa Lingayen, Pangasinan Naging kapitan ng isang bayan sa Pangasinan Brigida de Quintos Siya ay ang lola ni Jose P. Rizal Anak nina Regina Ursua at Manuel de Quintos Ina ni Teodora Alonzo at ng kanyang 4 pang kapatid Lorenzo Alberto-Alonzo Siya ay ang lolo ni Jose P. Rizal Anak nina Cipriano Alonzo at Maria Florentina Asawa ni Brigida de Quintos Ama ni Teodora Alonzo at ng kanyang 4 pang kapatid Mga Magulang Ni Rizal Ama: Francisco Engracio Mercado Rizal - Tubong Biñan - Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 - Nakapag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila - Ikinasal kay Teodora noong Hunyo 28, 1848 - Huwarang Ama - Ipinangalan ang anak ni Rizal - Namatay noong Enero 5, 1898 sa edad na 80 Rizal hango sa salitang Ricial na ang ibig sabihin ay luntian na bukirin Bukid na tinatamnan ng trigo, na inaani habang lunti pa at muling tutubo Claveria Decree November 21, 1849 Kautusang kailangang gumamit ng mga Pilipino ng mga apelyidong Espanyol para sa layuning pan- census. Gobernador-Heneral Narciso Claveria According to Rafael Palma, Rizal inherited "from his father a profound sense of dignity and self-respect, seriousness and self-possession; - Isang masipag at progresibong magsasaka - Purong Filipino ang pisikal na anyo - Iginagalang sa Calamba (Don Francisco / Tiniente Kiko - Nahalal na cabeza de barangay sa Calamba - Malakas ang pangangatawan, matalas ang isip - Sinasabi ring konti man ang kanyang salita, nakikita sa gawa nya ang kanyang galing - Huwarang Ama - 1881, clay bust of Don KIko - 6 yrs later, life-size wood sculpture - Ipinangalan ang kanyang anak kay Francisco - Nagsulat ng liham patungkol sa pagmamahal niya sa ama bago mamatay - Free spirit, independence, determination, hard work - Importance of hard work, perseverance, love for family and community Don Francisco's original family name was Mercado. Rizal wrote to his friend, Prof Ferdinand Blumentritt of Austria in 1889, that "our family name was really Mercado, but in the Philippines there were many Mercado's who were not related to us. During the Spanish colonial period, there's widespread racism and hostility against the Chinese by Spanish authoritires. In order to avoid anti- Chinese sentiment from the Spanish authorities, Lam-co changed his family's surname to Mercado ("market"), which also reflected their merchant roots. Rizal’s father chose Rizal as their surname because Mercado sounded common. The surname Rizal is the surname adapted by the Mercados during the 1840s because of the Claveria decree.¹² During the 1840s, Governor-General Narciso Claveria mandated that Filipinos adopt surnames to facilitate census work and tax collection.¹³ Each province was given a list from which each family could choose a new surname from this book: "Catálogo alfabético de apellidos" or "Alphabetical Catalogue of Surnames in English." The Mercados of Calamba chose the unlisted name Rizal. The family's original choice was Ricial, which means "the green of young growth" or "green fields," reflecting their livelihood. However, this was denied for unknown reasons. Even though they picked Rizal, they continued to use Mercado. This is because the new surname (Rizal) caused confusion in the commercial affairs of the family. Don Francisco thus settled on the combination name ‘Rizal Mercado’ as a compromise (though he often just used his more known surname ‘Mercado’). It is in this respect, it seems as though I am an illegitimate child." - Rizal Ina: Teodora Alonso Realonda y Quintos Ipinanganak noong November 8, 1826, sa Manila Galing sa “principalia” clan Ang principalía o noble class ay ang namumuno at karaniwang may pinag-aralan na mataas na uri sa pueblos noong panahon ng kastila sa Pilipinas Ang katayuan ng principalia ay namamana, kasama ang mga posisyon sa gobyerno na kanilang hawak. Ang kanyang ama at lolo ay parehas na naging Gobernadorcillo. Ang kanyang lolo, si Cipriano Alonso, ay nagsilbi bilang gobernadorcillo ni Biñan noong 1790 at 1802, at ang kanyang ama, si Lorenzo Alberto Alonso, ay humawak din ng posisyon noong 1844. Bukod sa paghawak ng pampublikong tungkulin, ang principalia class ay may mga pribilehiyo tulad ng pagiging exempt sa pagbabayad ng buwis at pagpapaupa ng malalawak na lupang sakahan. Si Teodora Alonso Realonda y Quintos ay tumanggap ng mataas na uri ng edukasyon sa prestihiyosong eskwelahan ng Colegio de Santa Rosa, kung saan nagpakita siya ng isang espesyal na pagkahilig sa panitikan at musika. Ang kanyang edukasyon at refined culture ang nagbukod sa kanya sa karamihan ng mga kababaihan sa kanyang panahon. Nasabi sa impormasyon na ito na mahilig siya sa panitikan at musika maaaring dito din nakuha ni Rizal ang kanyang pagiging masining. Ang Alonso at Realonda ay galing mula sa kanyang ina Ang apelyidong Alonso ay nagmula sa lumang pangalan ng pamilya ng ina ni Rizal, habang Ang apelyidong Realonda ay ang inangkop na apelyido ng mga Alonso ng Binan dahil sa Claveria Decree. Katulad ng mga Mercado, patuloy nilang ginamit ang apelyidong Alonso. (Mukhang pangkaraniwang gawain ito, kaya ang bawat pamilya ay nauwi sa apat na apelyido: bawat isa sa luma at bagong mga pangalan ng pamilya ng ina at ama.) Si Teodora ang unang naging guro ni Rizal Itinuro ni Teodora sa kanyang mga anak kung paano magbasa, magsulat, at manalangin sa murang edad. Pati na rin ang mga mahahalagang halaga tulad ng disiplina, katarungan, at malasakit, at higit sa lahat, ang pagpapahalaga sa mga Indio bilang mga kapantay. Si Teodora rin ang nagsilbing guro at tagasuri ng pagbabasa ni Rizal, at magkasama nilang binabasa ang mga libro sa kanilang tahanan. Isa na dito ang sikat na kwento tungkol sa gamu-gamo Ang mga ginawa ni Teodora Alonso sa pagtuturo kay José Rizal ay nagkaroon ng malaking epekto sa kanyang pag-unlad bilang isang pambansang bayani: Pangunahing Edukasyon at Kaalaman – Sa murang edad, itinuro ni Teodora ang pagbabasa at pagsusulat, na naging pundasyon ng katalinuhan ni Rizal bilang manunulat at doktor. Disiplina at Katarungan – Itinanim ni Teodora ang disiplina at katarungan, na naging gabay ni Rizal sa kanyang laban para sa karapatan ng mga Pilipino. Pagpapahalaga sa Kapwa – Tinuruan ni Teodora si Rizal na tratuhin ang lahat nang pantay, na nagpalalim ng kanyang adbokasiya para sa kalayaan ng mga Pilipino. Pagpapanday ng Pagiging Makabayan – Sa pamamagitan ng pagbabasa at edukasyon, hinubog ni Teodora ang intelektuwal at makabayang damdamin ni Rizal, na naging gabay sa kanyang mga reporma. Si Doña Teodora ay nakulong ng mga awtoridad ng Espanya sa mga mababaw na dahilan, ngunit matapang niyang tinaguyod ang pagdurusa na ipinataw sa kanya at sa kanyang pamilya. Full Story: Si Teodora Alonso, ina ni Rizal, ay biglaang inaresto sa isang malisyosong paratang na siya at ang kanyang kapatid na si Jose Alberto ay nagtangkang lasunin ang asawa ni Jose Alberto. Bilang parusa, si Teodora ay pinilit na maglakad ng 50 km mula Calamba hanggang Santa Cruz at ipinagbawal na gumamit ng anumang uri ng sasakyan. In his student memoirs, Rizal described the deep grief that he and his siblings felt for their mother's arrest. He wrote: "Our mother’s arrest, we knew, was unjust. The men who arrested her pretended to be friends and had often been our guests. Ever since then, child though I was, I have distrusted friendship. We learned later that our mother, away from us all and along in years, was ill. From the first, the alcalde believed the accusation. He was unfair in every way and treated my mother rudely, even brutally. Finally, he persuaded her to confess to what they wished by promising to set her free and to let her see her children. What mother could resist that? What mother would not sacrifice life itself for her children? They terrified and deceived my mother as they would have any other mother. They threatened to condemn her if she did not say what they wished. She submitted to the will of her enemies and lost her spirit. The case became involved until the same alcalde asked pardon for her. But this was only when the matter was before the Supreme Court. He asked for the pardon because he was sorry for what he had done. Such was his meanness that I felt afraid of him. Attorneys Francisco de Marcaida and Manuel Masigan, Manila’s leading lawyers, defended my mother and they finally succeeded in having her acquitted. They proved her innocence to her judges, her accusers and her hosts of enemies. But after how much delay?—After 2 ½ years" Dahil sa pag-aresto sa kanyang ina, naibukas nang malawak ang mga mata ng batang Rizal sa malupit na realidad ng mundo. Ito ay isang sandali ng pagtutuos, isang tagpong maghuhubog magpakailanman sa kanyang kapalaran. Ang kawalang-katarungan na dinanas ni Teodora ang siyang nagpaalab ng ilaw ng tadhana sa kanyang bunsong anak na lalaki na si Jose Rizal, na ang tahimik na panata ng nasyonalismo ay naging matatag at hindi mapipigilan sa pag-usad nito patungo sa huling wakas ng kamatayan at kabayanihan. Ilang taon bago siya namatay sa edad na limampu't lima, magalang niyang tinanggihan ang pensyon na inalok sa kanya ng gobyerno, na sinasabi: "Ang aming pamilya ay hindi naging makabayan dahil sa pera. Kung ang gobyerno ay may maraming pondo at hindi alam kung ano ang gagawin dito, mas mabuting bawasan ang buwis." Ang pagtanggi ni Teodora Alonso sa pensyon na inalok sa kanya ng gobyerno ay nagpapakita ng kanyang walang kapantay na pagmamahal sa bayan at integridad. Ang kanyang sinabi na, "Ang aming pamilya ay hindi naging makabayan dahil sa pera," ay sumasalamin sa dalisay at tunay na nasyonalismo ng kanilang angkan. Hindi nila hinangad ang yaman o gantimpala kapalit ng kanilang mga sakripisyo para sa bayan. Ang kanyang pagmumungkahi na bawasan ang buwis sa halip na magbigay ng pensyon ay nagpapakita ng kanyang malasakit sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino. Isa itong patunay na ang kanyang pagiging makabayan ay hindi lamang sa salita kundi sa gawa, isang pamana ng nasyonalismo na ipinasa niya sa kanyang mga anak, lalo na kay José Rizal, na naging simbolo ng kalayaan at pagkakaisa ng bansa. Ang kanyang hindi matitinag na prinsipyo at pagmamahal sa bayan ay isang inspirasyon at huwaran ng tunay na kabayanihan. Ang pamanang mga aral ni Teodora ay patunay sa kapangyarihan ng pagmamahal ng isang ina at sa walang hanggan na potensyal ng isang tao. Siya ay hindi lamang isang ina, kundi isang puwersa ng kalikasan na humubog sa kapalaran ng kanyang mga anak at, sa huli, sa kapalaran ng kanyang bansa. Ang kanyang walang kapantay na dedikasyon sa edukasyon at kultura ay nagbigay ng sigla sa kanyang mga anak na nagbunsod sa pagsilang ng kalayaan ng Pilipinas. Mga kapatid ni Rizal 1. Saturnina (1850 - 1913) - Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid - ang kanyang palayaw ay neneng - Pinakasalan niya si Manuel T. Hidalgo at nagkaroon sila ng limang anak - Siya din ay tumayong ina noong nakulong ang ina nila na si Teodora - Kilala siya na sumuporta sa pag aaral ni Rizal 2. Paciano (1851 - 1930) - Nag iisang kapatid na lalaki ni Rizal - Nag aral sa Colegio de San Jose Manila - Kilala siya bilang si “Lolo Ciano” - Sumali siya sa Rebolusyon at naging heneral (combat general) - After the Revolution, he retired to his farm in Los Baños, where he lived as a gentleman farmer and died an old bachelor aged 79. Nagkaroon ng dalawang anak kay Severina Decena 3. Narcisa (1852 - 1939) - Siya ang nakahanap sa puntod ng kanyang kapatid sa old paco cemetery - Napangasawa niya si Antonio Lopez, pamangkin ni Father Leoncio Lopez Si Leoncio Lopez ay pari ng Calamba. Si Padre Lopez ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa mga inapo(descendants) ni Rizal upang magkaroon ng mabuting pagkatao at respeto mula sa ibang tao. Bilang isang pari, tungkulin niyang pangalagaan at mapanatili ang maayos na pamumuhay batay sa mga tamang pagpapahalaga at moralidad, at ito ang nakaimpluwensya kay Rizal na gawin din ang gayon. 4. Olimpia (1855 - 1887) - Pinakasalan niya si Silvestre Ubaldo, at nagbunga ng tatlong anak - Significant figure siya sa pamilya nila pagdating sa art and music - Ang kanyang palayaw ay Ypia. - Namatay siya nung 1887 dahil sa panganganak (32 years old) 5. Lucia (1859 - 1945) - Pinakasalan niya si Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Father Casanas. Nagkaroon sila ng limang anak - noong 1889, pumanaw si Mariano dulot ng epidemya ngunit hindi siya pinayagan na magkaroon ng christian burial dahil brother in law siya ni Rizal 6. Maria (1859 - 1945) - Pinakasalan niya si Daniel Faustino Cruz ng Biñan, Laguna. Nagkaroon sila ng limang anak. - Ang palayaw niya ay Biang. - Mauricio Cruz, isa sa anak ni Maria na naging estudyante ni Rizal.sa Dapitan, sinasabing naging isa siya sa naging paborito ng kanyang tiyuhin. - Singit: kilala sya na madalas tumanggap ng sulat mula kay Rizal at siya din ang madalas na kinakausap ni Rizal tungkol sa pagpapakasal kay Josephine Bracken noong majority sa pamilya ni Rizal ay tutol dito. 7. Dr. Jose P. Rizal - Siya ay ang ikapitong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo - Tinaguriang bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas 8. Concepcion Rizal - Siya ay ang ikawalong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo - Paboritong kapatid ni Jose Rizal - Namatay sa sakit noong tatlong taong gulang 9. Josefa Rizal-Mercado - Siya ay ang ikasiyam na anaknina Francisco Mercado atTeodora Alonzo - Panggoy – palayaw - Nagkaroon ng sakit na epilepsy - Sumapi sa sektor ng kababaihan ng Katipunan, kasama si Gregoria de Jesus - Namatay na walang asawa sa edad na 80 - They safeguarded the secret papers and documents of the society and danced and sang during sessions so that civil guards would think that the meetings were just harmless social gatherings 10. Trinidad Rizal-Mercado - Siya ay ang ikasampung anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo - Trining – palayaw - Katulad ni Josefa Rizal, sumapi rin siya sa Katipunan - Namatay na matandang dalaga sa edad na 83 - Trinidad was the one who received an alcohol lamp from brother Jose, in which he secretly hid the "Last Farewell" better known as "Mi Ultimo Adios," a poem Rizal wrote on the eve of his death in 1896. Trinidad died in 1951, outliving all her siblings. 11. Soledad Rizal-Mercado - Siya ay ang bunsong anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo - Choleng – palayaw - Isang guro at pinaka-edukado sa magkakapatid - Ikinasal kay Pantaleon Quintero ng Calamba Kabuhayan ng Pamilya Rizal: Principalia Kinikilala sa katapatan at kasinupan sa buhay Mayroong malaking bahay sa tabi ng simbahan Mayroong karuwahe, simbolo ng yaman Ang pinakamalaking pribadong aklatan sa Calamba na may mahigit na 1,000 tomo Napag-aral lahat ng anak Nakapag-aani ng palay, mais, at tubo mula sa lupang inuupahan sa Ordeng Dominikano Mayroong mga alagang baboy, manok, at pabo May maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina at gawaan ng hamon. Mga tiyuhin ni Rizal Tiyo Jose Alberto, isang mahusay na artista, ang nagtanim kay Rizal ng pagpapahalaga sa sining at kalikasan. Tinuruan niya si Rizal ng iba't ibang uri ng sining tulad ng pagpipinta, pagguhit, at eskultura, na nagpalago sa kanyang kakayahang malikhaing at pandama sa kagandahan. Tiyo Gregorio, isang bihasang iskolar, ang nagtanim kay Rizal ng pagmamahal sa edukasyon at itinuro ang kahalagahan ng pagsusumikap. Hinikayat niya si Rizal na mag-isip nang kritikal, obserbahan ang kanyang kapaligiran nang mabuti, at palalimin ang kanyang kaalaman at kuryosidad. Sa ilalim ng kanyang gabay, lumawak ang pagmamahal ni Rizal sa pagbabasa. Tiyo Manuel, na nag-aalala sa pisikal na kalusugan ni Rizal, ang nagturo sa kanya ng iba't ibang atletikong kakayahan tulad ng paglangoy, eskrima, pakikipagbuno, at iba pang sining pandigma. Sa Calamba Sa lugar ng Calamba noon naninirahan ang pamilya Rizal. Isang asyendang bayan na pinauupahan ng mga ordering dominikano. Dito ay nakapag-aani ng palay, mais, tubo, at nakapagalaga dun sila ng mga hayop. Habng si Dony a Teodoraay may isang maliit na tindahan at gawaan ng hamon. Sa kanyang pagkamusmos, si Jose ay maliit at sakitin. Dahil dito, hindi siya karaniwang nakikipag – laro sa mga kapwa niya Kabataan. Ang kanyang ama ay nagtayo ng isang maliit na bahay-kubo para sa kanya. Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na pagmasdan ang mga bulaklak, ulap, at mga ibong lumilipad na nagsimula ng kanyang pagkahilig at kuryosidad sa kagandahan ng kalikasan. Ang kanyang ina, si Donya Teodora ang siyang nagging unang guro ni Jose. Sa edad na tatlo, ay nagagawa na niyang bumasa ng alpabeto at sa edad na lima nagsimulang bumasa si Jose ng Bibliya na nakasulat sa wikang kastila. Mula pagkabata, si Jose ay nakabibilang na sa sabayang pagdarasal ng kanyang pamilya. Samasamang nananalangin sa orasyon kapag takipsilim, maging sa pagrorosaryo. Ang yaya ng pamilya ay mahilig rin mag kwento sa mg bata ng tungkol sa mga engkantada, nabaong yaman, punong namumunga ng brilyante at iba pa. Ito ang nagpukaw sa interes ni Jose sa mga Alamat at kwentong – bayan. Sa magkapatid, Pinakamalapit si Jose kay Concha (Concepcion). Subaliut, nang magkasakit at mamatay ito sa edad na tatlo, si Jose ang labis na nalungkot. Ito ang kanyang nagging unang pagdadalamhati. Noong Hunyo 6, 1968 nagtungo si Jose sa kanyang Ama sa Antipolo para sa paregrinasyon na ipinanata ng kanyang ina noong ipinanganak si Jose. Ito ang naging unang paregrinasyon ni Jose, at kanya ring unang pagtawin sa Lawa ng Laguna. Ang Batang Gamo Gamo Sa mga ikinukwento ng kanyang ina, ng tungkol sa batang gamugamo ang nakintal sa isipan ni Rizal. Nabanggit ito isang gabi sa pagtuturo ng kanyang ina. Habang siya ay tinuturuan ng El Amigos de los Ninos wala rito ang interes ni Rizal kundi sa gamugamong umaaligid sa isang ilaw. Dahil dito, isnisnalaysay ng kanyang ina ang kwento ng gamugamo sa paglapit nito sa isang lampara. Sinabi ng kanyang in ana huwag tutularan ni Jose ang gamugamo subalit, higit na hinangaan ng batang Jose ang batang gamugamo dahil sa lakas ng loob nitong lapitan ang liwanag kahit na ikapahamak pa ito ng kanyang buhay. Ipinakita din ng batang Rizal ang kanyang husay sa sining sa pamamagitan ng pagguhit sa pamamagitan ng lapis, at paghubog ng magagandang bagay na yar isa luwad o wax. Isang araw ay napagkaisahan na pagtawanan si Rizal dahil sa hindi siya nakikipaglaro at pagiging masakitin. Sa gitna ng nagtatawanan niyang mga kapatid, sinabi ni rizal: “ Sige, pagtawanan Ninyo ako ang pagtawanan ngayon! Balang Raw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin!” Sa edad na walo raw ay nagkaroon na ng kakayahang sumulat ng tula si Rizal na itinanghal sa harap ng taong bayan. Pinamagatang “ Sa aking mga Kabata”, sinasabi na ito ay ipinagbii sa halagang dalawang piso ng Goberadorcillio ng Pete. (subalit, sa kasalukuyan, nagkakaroon ng debate kung talaga nga bang si Rizal ang nagsulat ng tulang ito. Isa sa mga pinagpipitagan ni Rizal ay si Padre Leoncio Lopez, kura ng bayan. Siya ang nagtimo sa kanyang pagkatao ng mataas na pagpapapahalagasa Karapatan ng ibang tao at makabuluhang pagpapaliwanag sa mga bagay sa paligid. Mayroon rin siyang tatlong tiyuhin na nakaimpluwensya at nagturo sa kanila. 1. Tiyo Jose alberto – naghikayat sa kanya sap ag ukit at paglililok. 2. Tiyo Manuel – nagturo ng paglalaro tulad ng pangangabayo, paglalangoy, at pagbubuno. 3. Tiyo Gregorio – nagpatingkad ng kanyang interes sa pagbabasa Habang lumalaki si Jose ay nagkaroon siya ng mga pribadong guro. Maestor, Celestino, Maestro Lucas, at G. Leon Monroy. Si Ginoong Leon Monroy ay datintg kaklase ng kanyang ama. Ang pagkamatay ni Monroy ang nagfudyok sa pamilya Rizal na ipadala siHose sa Bunan yupang makapag aral. Pagbabalik ni José Rizal sa Biñan para Mag-aral (1869-1870) ·Pagpunta ni José Rizal sa Biñan (Hunyo 1869): Si Rizal, kasama ang kanyang kapatid na si Paciano, ay nagpunta sa Biñan, Laguna upang magpatuloy ng pag-aaral. Nangulila si Rizal sa kanyang pamilya at bayan, Calamba. Pormal na Edukasyon: Unang beses na makatanggap si Rizal ng pormal na edukasyon sa isang bahay-kubo na paaralan, sa ilalim ng guro na si Justiniano Aquino-Cruz. Sa Paaralan o Pakikipagbuno kay Pedro o Mga Laban at Pagdepensa sa Sarili o Kakayahan ni Rizal sa Pag-aaral o Paglalarawan kay Justiniano Aquino-Cruz Pag-uwi sa Calamba (Disyembre 17, 1870): Tumanggap ng liham si Rizal mula kay Saturnina at pinayagang umuwi ng Calamba. Masaya siyang nakasakay sa barkong Talim, kasama ang kaibigang Pranses ng kanyang ama na si Arturo Camps. Nang siya ay siyam na taong gulang kasama ang tumayong pangalawang ama na si Paciano ay nagtungo si José Rizal sa Biñan, Laguna mula sa kanilang bayan sa Calamba upang ipagpatuloy ang kanyang edukasyon, linggo ng Hunyo 1869,. Lulan ng karomata at bangka, ang paglalakbay na ito ay umabot ng isang araw. Dito unang naramdaman ni rizal ang pangungulila sa pamilya at kanyang datinang pueblo(Calamba). Sila ay nanirahan sa kanilang Tiyahin na si Isabel Unang Pormal na Edukasyon Kinabukasan ay agad nagtungo sina Rizal at Paciano sa eskuwelahan na nasa loob ng isang bahay- kubo na malapit sa bahay ni Tiya Isabel. Ito ang unang pagkakataon na si Rizal ay makatanggap ng isang Pormal na edukasyon sa ilalim ng pangagasiwa ng maestro na si Justiniano Aquino-Cruz UNANG ARAW SA PAARALAN "Do you know Spanish?" "A little, sir," replied the Calamba lad. "Do you know Latin?" "A little, sir." Lahat ng mga estudyante sa klase ay nagsitawanan, particular na si Pedro. Walang matibay na ebidensya ngunit ayon sa mga libro, sya ay anak ng guro. Nagsimula ang klase. Kinahapunan, habang nagsisiesta ang guro. Nakita ni Rizal si pedro. Galit sya rito gawa nang kanyang panunukso nitong umaga. Inaya ni Jose si Pedro na makipagbuno. Tinanggap ni Pedro at inakalang mananaig sya sa kadahilanang maliit at mas bata si Rizal. Si Rizal, naturuan ng kanyang Tio Manuel, ay nanalo at kalaunay naging sikat sa kanilang klase. Nasundan ito mga ayain sa palakasan, hindi basagulero si Rizal. Subalit, hindi rin sya tumatakbo sa laban. Maari itong magsilbing lesson na hindi masama ang lumaban, ang ipagtanggol ang sarili at higit sa lahat, ang lumaban para bayan. Tinaguriang best student in School si Rizal, mapakahit anong asignatura ay napagtagumpayan nya ang lahat sa paaralan. At maging ang mga nakakatandang kaklase ni Rizal ay naiingit sa kanyang kapasidad, at sa bawat may away si Rizal ay nagkakaripas silang maiulat ito sa mga guro at minsa’y may dagdag o di kaya naman ay ibang bersyon ng istorya ang nababatid ng guro na naging dahilan upang maparusahan si Rizal. Mababakas mo rito, na dati palang may pag-ka “Crab-Mentality” na ang mga Filipino, isa nang malaking halimbawa ang nasabi kanina na kung saan sinisiraan at ibinababa ang isang mag-aaral ng nagpupunyagi sa larangang tinatahak nya. JUSTINIANO AQUINO – CRUZ Inilarawan ni Jose Rizal ang guro na isang payat na matangkad, mahaba ang leeg, may matangos na ilong at medyo pakuba na ang katawan. Mahusay ito sa gramatika subalit ay may kabagsikan. Mahigpit/Strikto na guro – isa sa mga pundasyon sa pagkatuto ni Rizal. Sya ang nagturo kay Rizal Ng mga kaalaman particular sa mga pormal na asignatura. Hindi man nya direktang nakaambag sa malaking pagkatao ni Rizal, ay dahil sa kanyang kapamaraanan sinasabing mas umigting pagtingin, disiplina at kasanayan ni Rizal sa pag-aaral. Pag-uwi sa Calamba (Disyembre 17, 1870) The imprisonment of Dona Teodora - -Si Doña Teodora ay pinaratangan ng maling akusasyon (paglason sa kanyang hipag) - -Kahit walang sapat na ebidensya, inaresto si Doña Teodora at pinalakad ng 50 kilometro, kung saan siya ay ikinulong ng mahigit dalawang taon. - Ang maling pagkabilanggo sa kanyang ina ay labis na ikinasama ng loob ni Rizal, na nagpaigting sa kanyang galit laban sa mga abusadong Kastila at nagtulak sa kanya upang labanan ang kolonyal na sistema. Ang galit ni Rizal dahil sa nangyari sa kanyang ina ay mababakas sa Memorias de un Estudiante de Manila at sa kanyang liham kay Blumentritt noong 1887, kung saan binanggit niya ang personal na karanasang ito bilang nagbukas ng kanyang kamalayan sa paglaban sa mga pang-aabuso ng mga Kastila. GOMBURZA - Ang mga paring sina Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora (GOMBURZA) ay binitay ng mga Kastila matapos silang mapagbintangang kasangkot sa Pag-aalsa sa Cavite. - Ang tunay na dahilan ng kanilang pagkakabitay ay ang kanilang pagsuporta sa sekularisasyon. Ang kanilang kamatayan ay nagbigay ng malalim na kamalayan kay Rizal tungkol sa pangangailangan ng kalayaan at reporma para sa kanyang bayan. Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo sa GOMBURZA, at sa iba't ibang liham niya, binanggit niya na ang kanilang pagkamatay ay nagsilbing inspirasyon para sa kanyang pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas. Bago sumapit ang pasko Taong 1870 ay may natanggap na liham si Jose mula kay Saturnina, nakasaad dito na sya ay nagpaalam dahil babalik o uuwi na sya ng Calamba. December 17, 1870 nang umalis si Rizal pabalik ng Calamba lulan ng barkong talim at mababakas sa mukha ay kasiyahan dahil ito ang unang pagkakataon nyang makasakay rito. Dito rin nya nakasabay ang dating kaibigan ng ama na isang Pranses na si Arturo Camps, at syang nagalaga kay Rizal. The imprisonment of Dona Teodora Bago mag Hunyo 1872, ipiniit si Dona Teodora dahil sa maring paratang (false accusation) na kasapi raw siya sa tangkang paglason sa kanyang hipag na si Teodora Formoso, na asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto Alonso. Maikli lang naman ang kwento nito, pagkagaling ni Jose Alberto sa kanyang paglalakbay galing Europa, natuklasan niyang may kinakasama (o kabit) ang kanyang maybahay (o asawa). Syempre nagalit ito at gusto nang makipaghiwalay, pero pinigilan siya ni Dona Teodora, para makaiwas daw sa iskandalo. Pero kahit maganda na yung loob ni Dona Teodora, nakipagsabwatan yung asawa ni Jose Alberto sa isang tenyenteng kastila ng guardia sibil. Nagsampa siya ng kaso na nagtatangka raw siyang lasunin ng magkapatid. Nung nadakip na si Dona Teodora, kahit walang sapat na ebidensya, pinaglakad siya mula Calamba hanggang Sta. Cruz, na may distansyang 50 kilometro. Imagine, nilakad niya ang anim na bayan. For reference, iyon ang layo mula Malolos, hanggang BGC ng Taguig. Or mula Malolos, hanggang Angeles, Pampanga. Approximately 16-17 hours daw naglakad si Dona Teodora. Napiit siya sa kulungang probinsyal ng mahigit dalawang taon. Ngayon, pano ito naging canon event sa buhay ni Rizal? Sinasabi na talagang ikinagalit at dinamdam ni Rizal ang maling pagkabilanggo ng kanyang ina. Ang pangyayaring ito ay nagpaigting ng kanyang damdamin laban sa kolonyal na sistema at ang kanyang pagkamuhi sa mga pang-aabuso ng mga Kastila, na kalaunan ay naging isang malaking motibasyon sa kanyang pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas. Parang may part din na narealize niya na sila ngang medyo may mataas na na katayuan sa lipunan noon (dahil mestizo), paano pa kaya yung mga nasa mababang antas? Kung ganon ang parusa sa walang ebidensya, pano pa kaya kung meron? GOMBURZA Ang tatlong paring sina Padre Mariano Gómez, Padre José Burgos, at Padre Jacinto Zamora (kilala bilang Gomburza) ay binitay ng mga Kastila noong Pebrero 17, 1872. Sila ay inakusahang mga kasabwat sa Pag-aalsa ng Cavite, isang rebelyon ng mga manggagawa sa arsenal ng Cavite na nagprotesta laban sa hindi patas na trato ng mga Kastila. Sa kabila ng kakulangan ng ebidensya, ginamit ng pamahalaang Kastila ang pagkakataong ito upang patahimikin ang mga Pilipinong pari na nananawagan ng secularization o karapatan ng mga Pilipino na pamahalaan ang mga simbahan, na noon ay hawak ng mga paring Kastila. Si José Rizal, na labing-isang taong gulang nang mangyari ito, ay malalim na naapektuhan ng pagbitay sa Gomburza. Ang kanyang kuya na si Paciano Rizal ay malapit kay Padre Burgos, dahil ang pari ay naging kabigan, guro, at kasama sa bahay habang nagaaral sa Colegio de San Jose. Dahil dito, nakita ni Rizal ang kawalang-katarungan at kalupitan ng mga Kastila. Ang alaala ng Gomburza ay nagtanim sa puso ni Rizal ng masidhing damdamin para sa reporma at kalayaan ng Pilipinas mula sa pang-aabuso ng mga dayuhan. Ang kanilang kamatayan ay naging simbolo ng pagnanais para sa kalayaan at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon, kabilang si Rizal. Sa katunayan, inalay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibustersismo sa tatlong pari, na makikitang nakasulat sa simula ng aklat. Sa ilan ding mga nakitang liham ni Rizal, binanggit niya ang epekto ng pagkamatay ng Gomburza sa kanyang pagkatao at paniniwala. Tulad nalang ng Liham kay Mariano Ponce, na kapwa ring repormista, noong 1889 (The injustice done to the Gomburza will never be forgotten). Liham sa kanyang pamilya noong 1882 (I have vowed to dedicate my life to avenge so many innocent victims..), at liham kay Ferdinand Blumentritt, na kanyang kaibigan at mentor, noong 1887 (The execution of those innocent priests was the start of my thoughts on the liberation of our country.) REFERENCES https://www.researchgate.net/publication/361668067_Ang_Kabataan_at_Pagkabinata_ni_Rizal