Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (FPL - ARALIN 1)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon ukol sa pagsulat ng replektibong sanaysay sa Filipino. Binibigay ang mga layunin, sangkap, uri, at halimbawa ng paksang maaaring gawan ng ganitong uri ng sanaysay. Ito ay tila isang aralin sa Filipino.

Full Transcript

# Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (Sining ng Paglalahad) ## Mga Inaasahang Layunin - Nalalaman ang kahulugan at kalikasan ng Replektibong Sanaysay - Nakikilala ang Replektibong Sanaysay ayon sa layunin, gamit, at katangian - Nakasusunod sa panuntunan ng pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay...

# Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (Sining ng Paglalahad) ## Mga Inaasahang Layunin - Nalalaman ang kahulugan at kalikasan ng Replektibong Sanaysay - Nakikilala ang Replektibong Sanaysay ayon sa layunin, gamit, at katangian - Nakasusunod sa panuntunan ng pagsulat ng isang Replektibong Sanaysay ## Ang Sining ng Paglalahad - Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010), ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook o ideya. - Ayon kay Jose Arrogante (2000), sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon, ang paglalahad ay tinatawag na expository writing. ## Sangkap o Elemento ng Paglalahad - Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad, ayon sa aklat na Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran ng Filipino (TUP, Manila), ang paglalahad ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na sangkap o elemento: 1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay 2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan 3. Malinaw at maayos na pagpapahayag 4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang mapadali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag. 5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao. ## Sanaysay - Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay "sumubok" o "tangkilikin" - Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michael de Montaigne (1533-92) ## Mga Kahulugan ng Sanaysay - **Francis Bacon:** Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay. - **Paquito Badayos**: (sa kanyang aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag (2001: 111)) Naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan. - **Alejandro Abadilla:** Ang sanaysay, ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Pangunahing katangian: ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw. ## Uri ng Sanaysay - **Pormal:** Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos, mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. - Impersonal o Siyentipiko (makakuha ng impormasyon) - **Impormal:** Karaniwan itong may himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay. - Pamilyar o Personal (nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda) ## 12 Natatanging Uri ng Sanaysay 1. Nagsasalaysay 2. Naglalarawan 3. Mapag-isip o Di-kritikal 4. Kritikal o Mapanuri 5. Didaktiko 6. Nagpapaalala 7. Editoryal 8. Makasiyentipiko 9. Sosyo-Politikal 10. Sanaysay ng Pangkalikasan 11. Sanaysay na Bumabalangkas sa Isang Tao 12. Mapagdili-dili o Replektibo ## Replektibong Sanaysay - Ito ay isang uri ng sanaysay na patungkol sa mga isyu, opinyon, karanasan o pangyayaring naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit na hindi masyadong pinag-aralan ang isang paksa o isyu. - **Kori Morgan** (guro mula sa West Virginia University at University of Akron): Ang Replektibong Sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari. ## Halimbawa ng mga Paksang Maaaring Gawan ng Replektibong Sanaysay - Librong Katatapos Lang Basahin - Katatapos na Proyekto Hinggil sa Pananaliksik - Pagsali sa Isang Pansibikong Gawain - Praktikum Tungkol sa Isang Kurso - Paglalakbay sa Isang Tiyak na Lugar - Isu Tungkol sa Pagkagumon sa Ipinagbabawal na Gamot - Isu Tungkol sa mga Pinag-aawayang Teritoryo sa West Philippine Sea - Paglutas sa Isang Mabigat na Suliranin - Isang Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral ## Kabuuan ng Sanaysay sa Tatlo: 1. **Panimula/Simula:** Dapat ay nakatatawag ng pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga mambabasa. 2. **Katawan/Pinakanilalaman:** Kinikilalang maging mayaman sa kaisipan. 3. **Wakas:** Pangkalahatang impresyon ng may-akda. ## Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay ### Simula - Sa pagsulat nito, maaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong: - Ano ang aking nararamdaman o pananaw yungkol sa paksa? - Paano ito makakaapekto sa aking buhay? - Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao? - Makapukaw ng atensyon ng mambabasa ### Katawan - Inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan ytungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. - Maglagay ng obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipan na iyong ipinapaliwanag. - Makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-nilay o mga natutuhan at kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa karanasan o mga gintong aral na napulot. ### Wakas - Pag-isipang mabuti kung paano mo tatapusin. Sa pagsulat nito ay banggitin muli ang tesis. - Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo ang iyong natutunan sa buhay sa hinaharap. - Bilang pangwakas, maaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa o kaya'y tanong na maari nilang pag-isipan. ## Maraming Salamat sa Pakikinig!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser