Filipino 10 Q2 L1M1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document contains practice questions on mythology from Iceland. It covers questions on the characteristics of mythology and Norse gods.
Full Transcript
10 Filipino Ikalawang Markahan Modyul 1 “Mitolohiya mula sa Iceland” 0 Panimula Sa araling ito ay matutunghayan mo ang mitolohiya ng Iceland na pinamagatang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante na orihinal na isinulat ni Snorri Sturluson. Nagsasaad ang Edda ng...
10 Filipino Ikalawang Markahan Modyul 1 “Mitolohiya mula sa Iceland” 0 Panimula Sa araling ito ay matutunghayan mo ang mitolohiya ng Iceland na pinamagatang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante na orihinal na isinulat ni Snorri Sturluson. Nagsasaad ang Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang Europa kabilang dito ang kanilang pinaniniwalaang mga diyos at diyosa na matutunghayan sa kanilang mitolohiya.Tinatawag na mitolohiyang Norse o mitolohiyang Eskandinaba ang mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic Languages. Aalamin mo rin kung paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan. MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: |F10PN-IIa-b-71| Nailalahad ang mga pangunahing paksa at idea batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan. |F10PT-IIa-b-71| Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation) |F10PD-IIa-b-69| Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood. |F10PU-IIa-b-73 | Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. SUBUKIN Bago po tayo magsimula sa ating paksang aralin, bilang unang araw sa modyul na ito, sagutin mo muna ang mga katanungan. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa hiwalay na buong papel ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. A. dagli C. alamat B. epiko D. mitolohiya 2. Ang mga sumusunod MALIBAN SA ISA ay katangian ng mitolohiyang kanluranin na maiuugnay sa mitong Pilipino. A. Nagsasaad ng katotohanan B. Naglalahad ng mga aksiyong kapana-panabik C. Nagpapakilala sa mga tauhang may taglay na kapangyarihan D. Tumatalakay kaugnay sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at pangyayari. 3. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na___________________. A. Aesir B. Aesir C. Kasir D. Laesir 1 4. Si Skrymir ay nag-abot ng kamay kay Thor. Ang salitang may salungguhit ay maiuugnay sa kahulugan na ______. A. kapit-bisig C. balat-sibuyas B. kambal-tuko D. bantay-salakay Para sa bilang 5 Bago naghiwalay ng landas sina Thor at Utgaro Loki, nagpahayag ang huli, “May aaminin ako sa iyo Thor.Kaya kayo natalo sa ating mga paligsahan ay dahil sa ginagamitan ko kayo ng mahika.Kinakailangan kong gawin ang panlilinlang sapagkat ang iyong lakas ay maaaring magdulot ng matinding kapahamakan sa aming lupain.” 5. Anong mahalagang kaisipan ang makukuha sa naging pahayag ni Utgaro Loki? A. Kahusayan C. Kayabangan B. Katapatan D. Kababaang-loob 6. Kung ikaw si Thor at ang kanyang mga kasamahan, ano ang iyong magiging damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan.? A. magalit C.mag-isip B. magsaya D.magparaya 7. Ang sumusunod ay mga katangiang taglay ng mitolohiya MALIBAN SA ________. A. Kapanipaniwala ang wakas B. May salamangka at mahika C. May kaugnayan ng paniniwala sa propesiya D. Tumalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan 8. Ang salitang pinagsama na nangangahulugang likido mula sa dagat ay___________. A. tubig-alat B.tubig-kanal C. tubig-tabang D.tubig-ulan 9. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng hari ng mga higante upang hindi sila mapasakop sa kapangyarihan nito.” A. Matalino man ang matsing napaglalangan din. B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang. C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa. D. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan. Para sa bilang 10-12 Kinabukasan,habang natutulog pa ang higanti ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito.Napatayo si Skrymir,kinamot ang kanyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno.Nang siya ay nagising tila may mga nahuhulog na dahon sa kanyang ulo.”Gising ka na ba Thor? wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis.Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro.Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kwentang higante.Kung makararating kayo kay Utgaro, makikita ninyo ang malalaking tao roon.Bibigyan ko kayo ng mabuting payo huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki” sabi pa nito. 2 10. Ang pangunahing ideya sa usapan nina Thor at Skrymir ay______________. A. Paghahanda sa paglalakbay B. Pakikipagtalo sa kung sino ang pumokpok sa maso C. Pagmamayabang sa kanyang angking kapangyarihan D. Pagnanais na makaharap at makalaban ang mga higanti 11. Kung ikaw si Thor, maiuugnay mo ba sa iyong sarili na ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng_____________. A. pagkabahala B. pagmamahal C.pagmamalaki D.pagmamalasakit 12. Si Utgaro Loki ay hari ng mga ________________. A. higante B.duwende C.dragon D.halimaw Para sa bilang 13-14 Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kanyang ulo at agad kinuha ang kanyang maso at pinukpok sa ulo ng higanti. Nagising si Skrymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. 13. Sa usapang ito, anong katangian ang ipinakita ni Thor? A. malupit B. maginoo C. masayahin D. mapagmahal 14. Siya ay diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir at madalas niyang dala ang kanyang maso na tinatawag na Mjolnir. A. Thor B.Odin C. Freyr D. Balder 15. “Ang mag-anak ng magsasaka ay labis na ___________ upang hindi magalit si Thor sa kanila” Anong angkop na salita ang bubuo sa pangungusap? A.kaawa-awa C. pagmamakaawa B. nagmamakaawa D. magmamakaawa “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante” Mitolohiya mula sa Iceland Aralin Ni Snorri Sturluson 2.1 Isinalin sa Filipino ni Sheila C.Molina PANITIKAN ALAMIN Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Iceland na orihinal na sinulat ni Snorri Sturluson. Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: a. nakapaglalahad sa mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan; b. naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan 3 at nagamit sa sariling pangungusap;(collocation) c. nakapagbubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang nabasa; at d. naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. BALIKAN / PAGGANYAK Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan. GAWAIN 1: Magbasa at Magsuri Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkalikha ng mundo Paano Nagkaanyo ang Mundo? Si Odin kasama ang dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba’t ibang bagay mula sa iba’t ibang parte ng katawan nito. Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa katawan ng higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha sila ng kalupaan at mga bundok. Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na sulok nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magpoprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante. Tinawag nila itong Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap. Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at buwan. Ang maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na pinangalanang Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Si Araw ay isang matalino at masayahing bata. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at mga kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Sila ay inutusang magpaikot-ikot habang nakasakay sa mga kabayo nila. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay siyang nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang asong-lobo. Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkakaroon ng paglubog at paglitaw ng araw. Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, 4 pilak at ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na Alfhem, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng mundo. Norse Mythology, kinuha noong Nobyembre 5,2014 - Mula sa (http://www.wattpad.com/71491550-norse-mythology) Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng mundo. Pagkatapos, sa kasunod na bahagi ay lagyan ng tsek ang patlang kung ang binabanggit na elemento ng mitolohiya ay taglay ng binasang ak- da. Mga Elemento ng Mitolohiya 1. Tauhan ______ mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang ______ kapangyarihan mga karaniwang mamamayan sa komunidad 2. Tagpuan ______ may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan ______ sinaunang panahon naganap ang kuwento ng mitolohiya 3. Banghay ______ maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian ______ maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari ______ nakatuon sa mga suliranin at pa malulutas ______ ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa ______ tumatalakay sa pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig 4. Tema ______ ipinaliliwanag ang mga sumusunod: ______ ang natural na mga pangyayari ______ pinagmulan ng buhay sa daigdig ______ pag-uugali ng tao ______ mga paniniwalang panrelihiyon ______ katangian at kahinaan ng tauhan ______ mga aral sa buhay 5 TUKLASIN GAWAIN 2: Pagtatala ng mga Impormasyon Panuto: Basahin ang paglalahad tungkol sa mga diyos ng Norse. Pagkatapos sa tulong ng grapikong representasiyon, itala ang nakuha mong impormasyon at sagutin ang tanong. Ang mga Diyos ng Norse Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng digmaan at ng kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng Greek Gods. Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap na makita. Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng mga diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga kalaban na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante na nananahan naman sa Jotunheim. Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng mga nanahan sa Asgard lalo na sa kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng pagwawakas. Ang kaniyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang diyosa na may kakayahang makita ang hinaharap. Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr. Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos. Ang kaniyang kamatayan ang maituturing na pinakalamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kaniya ring pangalan hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang madalas niyang dala ang malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa mundo ay nasa kamay ni Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa Asgard. At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa kaniyang pangalan hinango ang araw ng Martes. Mula sa Mythology (Hamilton, 1969) 6 paglalarawan sa Asgard Odin Balder Thor pagpapakilala sa mga Freyr diyos ng Norse Heim-dall Tyr Tanong: Suriin ang tagpuan at mga trauhan na inilarawan sa binasang teksto. Ano ang masasabi mo rito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Alam mo ba na… ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan. Bakit mahalaga ang mitolohiya? Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan. Ano-ano ang elemento ng mitolohiya? 1. Tauhan Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. 2. Tagpuan May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon. 3. Banghay Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa sumusunod: a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian 7 b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa _____ a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig 4. Tema Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod: a. sa natural na pangyayari b. pinagmulan ng buhay sa daigdig c. pag-uugali ng tao d. mga paniniwalang panrelihiyon e. katangian at kahinaan ng tauhan f. mga aral sa buhay Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al ,1993) Ngayon inaasahan ko na nagkaroon ka ng kabatiran tungkol sa mga elementong taglayng mitolohiya. Alam kong handa ka nang basahin ang paglalakbay ni Thor sa lupain ng mga higante. Makatutulong ito upang matuklasan mo kung paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni Snorri Sturluson Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan sila ay naglakbay sakay ng karuwahe na hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thialfi at Roskya naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumusunod ang anak na lalaki na si Thialfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at ginati ito gamit ang kutsilyo kinabukasan nagbihis si Thor, kinuha ang kanyang maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor. Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag- anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thialfi at Roskva ay naging alipin niya pagkatapos. Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon. Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang 8 kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niya ang kaniyang maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya- maya pa ay nakarinig sila nang malakas na ungol. Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante. Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor ang pangalan ng higante. Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante pala ang kanilang tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid. Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang paglalakbay at ito ay Pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon niyang bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang lugar. Napag- kasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si Thor, kaya’t pinagsama ni Skyrmir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno.Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang uloagad kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang ang malakas na hilik ng higante. Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante. Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?” sabi ni ThorSinabi nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog. Naisip niya nakapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skrymir maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang higanti. Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito. Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan. Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro- Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito. Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa ang mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang naiwan sa parte ni Loki ngunit ni walang butong natira sa parte ni Logi. 9 Kaya’t malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan. Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang si Thialfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi. Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipapakita nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. “Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante. Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok. Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman. “Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. “Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki. “ Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon, “ sabi ni Thor. “Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas. ”Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse siThor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang maayos. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto. 10 Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang langit. Kamangha- mangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin. Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos. Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA Matapos mong mabasa ang akda, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang tanong na: Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ SURIIN/TALAKAYIN GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan at pagkatapos gamitin ang nabuong salita sa sariling pangungusap. Isulat ang sagot sa isang buong papel. 11 ulan alat tubig pampaligo kanal BAHA KUWENT Y O Gawain 4: Unawain mo Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa isang buong papel. 1. Ano ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Paano sila pinarusahan ni Thor? 2. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sag alit niya ay hinahampas niya ng maso si Skrymir? 3. Ano-anong paligsahan ang nilahukan ng mga panauhin sa kaharian ni Utgaro-Loki? Ilahad ang naging resulta nito. a.Loki vs Logi b.Thialfi vs Hugi c.Thor vs Cupbearer 4. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na? Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan. 5. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ilarawan ang iyong magiging damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit? 6. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa sa pamumuhay ng tao ngayon? 12 ISAISIP Ang akdang sina Thor at Loki sa Lupain ng mga higante ay isang mitolohiya mula sa Iceland na sinulat ni Snorri Sturluson na isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina. Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.Ang salitang mitolohiya aym hango sa salitang Griyego na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. GAWAIN 5: Pagsusuri sa Elemento ng Mitolohiya Panuto: Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa flow chart. Isulat ang sagot sa isang buong papel. Elemento ng Mitolohiya Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor. Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay? Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya? ISAGAWA GAWAIN 6: Magsanay Magsuri Rihawani Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon. 13 Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang- gubat, at iba pa. Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usa na nasa kaniyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon. Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong tanong daw ang mga ito kung saang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagagabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa- hiwalay at magkita- kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglalakad-lakad naman at nagsipat- sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang puting usa na sinasabi ng matanda. Nang mapadako ito sa tabing- ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan ng mga mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napaka- gandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga nangangaso ang dakong iyon ng kagubatan. Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. al, 1991) Tauhan Tagpuan Banghay Tema 14 Natutuwa ako na matagumpay mong naisagawa ang mga gawaing ibinigay. Alam kong handa ka nang sagutan ang mga tanong na ibinigay sa iyo sa panimula ng aralin. Gawain 7 Panuto: Sagutin ang mga tanong sa tulong ng concept organizer technique at dialog box.Isulat ang sagot sa isang buong papel. Ang mga tauhan sa mitolohiya ay pawang … Kadalasan Maaaring Paano naiiba ang ang tagpuan ang banghay ay … mitolohiya sa iba pang ay akdang tuluyan? tumatalakay sa … Ang tema naman ay tungkol sa … Ngayon, ito na ang yugto na magkakaroon na ng bunga ang iyong pagtitiyaga sa pag- aaral. Magsasaliksik ka ng mitolohiya sa bansang kanluran at pagkatapos susuriin mo ang taglay ni- tong element. PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN Gawain 8 Panuto: Magsasaliksik ng mitolohiya mula sa bansang kanluran na iyong ma- ibigan at suriin mo ang taglay nitong elemento. Pangalan:_______________ Seksiyon:______________________ Iskor :_____________ Output blg.1 Paksa: Pananaliksik ng isang mitolohiya mula sa bansang kanluran at pagkatapos suriin ang taglay nitong elemento.Tutulungan ka ng sumusunod na tanong upang makapagsuri ng mahusay: 1. Ang tauhan ba ay isang diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan? Ipakilala. 2. Saan at kailan naganap ang mga pangyayari? Ilarawan. 3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay? Isalaysay. 4. Ano ang temang tinatalakay sa mitolohiya? 15 Pamantayan: Naipakikilala nang mahusay ang tauhan sa mitolohiya._______10 Nailalarawan nang mabuti ang tagpuan.__________________ 10 Naisasalaysay nang maayos ang mga pangyayari.__________15 Nailalahad nang wasto ang tema ng mitolohiya.____________ 10 Ang sagot ay binubuo ng apat na (4) talata na may lima( 5 ) hanggang sampung (10) pangungusap ___________________5 KABUUAN : 50 Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawaing inihanda para sa iyong pagkatuto. Maghanda para sa mga bagong hamon ng susunod na aralin. TAYAHIN Para sa bilang 1-3 Kinabukasan,habang natutulog pa ang higanti ay hihugot ni Thor ang maso sa ulo nito.Napatayo si Skrymir,kinamot ang kanyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno.Nang siya ay nagising tila may mga nahuhulog na dahon sa kanyang ulo.”Gising ka na ba Thor? wika niya Oras na upang bumangon at magbihis.Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro.Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kwentang higante.Kung makararating kayo kay Utgaro, makikita ninyo ang malalaking tao roon.Bibigyan ko kayo ng mabuting payo huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki” sabi pa nito. 1. Ang pangunahing ideya sa usapan nina Thor at Skrymir ay______________. A. Paghahanda sa Paglalakbay B. Pakikipagtalo sa kung sino ang pumokpok sa maso C. Pagmamayabang sa kanyang angking kapangyarihan D. Pagnanais na makaharap at makalaban ang mga higanti 2. Kung ikaw si Thor, maiuugnay mo ba sa iyong sarili na ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng_____________. A.pagkabahala B.pagmamahal C. pagmamalaki D. pagmamalasakit 3. Si Utgaro Loki ay hari ng mga______________. A.higante B. duwende C. dragon D. halimaw 4. Ang salitang pinagsama na nangangahulugang likido mula sa dagat ay_________. A. tubig-alat C. tubig-tabang B. tubig-kanal D. tubig-ulan 5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya MALIBAN SA_______. A. Kapanipaniwala ang wakas B. May salamangka at mahika 16 C. May kaugnayan ng paniniwala sa propesiya D. Tumalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan 6. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng hari ng mga higante upang hindi sila mapasakop sa kapangyarihan nito.” A. Matalino man ang matsing napaglalangan din. B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang. C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa. D. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan. 7. Si Skrymir ay nag-abot ng kamay kay Thor. Ang salitang may salungguhit ay maiuugnay sa kahulugan na ________. A.Kapit-bisig C. Balat-sibuyas B.Kambal-tuko D. Bantay-salakay Bago naghiwalay ng landas sina Thor at Utgaro Loki, nagpahayag ang huli, “May aaminin ako sa iyo Thor.Kaya kayo natalo sa ating mga paligsahan ay dahil sa ginagamitan ko kayo ng mahika.Kinakailangan kong gawin ang panlilinlang sapagkat ang iyong lakas ay maaaring magdulot ng matinding kapahamakan sa aming lupain.” 8. Anong mahalagang kaisipan ang makukuha sa naging pahayag ni Utgaro Loki? A.Kahusayan C. Kayabangan B.Katapatan D. Kababaang-loob 9. Kung ikaw si Thor at ang kanyang kasamahan, ano ang iyong magiging damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? A. Magalit C. Mag-isip B. Magsaya D. Magparaya 10. Ang mga sumusunod MALIBAN SA ISA ay katangian ng mitolohiyang kanluranin na maiuugnay sa mitong Pilipino. A. Nagsasaad ng katotohanan B. Naglalahad ng mga aksiyong kapana-panabik C. Nagpapakilala sa mga tauhang may taglay na kapangyarihan D. Tumatalakay kaugnay sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at pangyayari. 11. Ito ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. A. dagli B. epiko C. alamat D. mitolohiya 17 Para sa bilang 12-13 Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kanyang ulo at agad kinuha ang kanyang maso at pinukpok sa ulo ng higanti. Nagising si Skrymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. 12. Sa usapang ito, anong katangian ang ipinakita ni Thor? A. malupit B. maginoo C. masayahin D. mapagmahal 13.Siya ay diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir at madalas niyang dala ang kanyang maso na tinatawag na Mjolnir. A.Thor B.Odin C. Freyr D. Balder 14.“Ang mag-anak ng magsasaka ay labis na ___________ upang hindi magalit si Thor sa kanila” Anong angkop na salita ang bubuo sa pangungusap? A. kaawa-awa C. pagmamakaawa B. nagmamakaawa D. magmamakaawa 15.Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na _________________. A. Asir B. Kasir C. Aesir D. Laesir Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 18 MGA SUSING SAGOT SA GAWAIN Gawain 1 Gawain 2 1. Tauhan ______✓ Asgard Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan Tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan Mga diyos ng Norse Odin- bathala ng mga diyos at lumikha sa tao Balder- pinakamamahal sa lahat ng mga diyos Thor- diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir Freyr- tagapangalaga sa prutas ng mundo Heimdall- ang tanod ng Bilfrost Tyr- diyos ng digmaan Tagpuan May kinalaman ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon Tauhan Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihan ______ 2.Tagpuan ______ ______✓ 3.Banghay ______ ______ ✓ ______ ______ ✓ ______ ✓ 4.Tema ______ ______ ✓ ______ ✓ ______ ______ ✓ ______ ✓ Gawain 3 Bahay Kuwento bahay-kubo Kuwentong-bayan bahay-aliwan Kuwentong-pambata bahay-ampunan Kuwentong-kababalaghan bahay-bakasyunan Kuwentong-katatawanan 19 Gawain 4 1. Ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito ay ang di pagsunod ng anak na lalaki na si Thialfi na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito, sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo.Napilayan ang isang kambing. Bali ang paa sa likod at nang mapansin ito ni Thor nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kanyang mga mata. 2.Dahil hindi maalis ni Thor ang buhol ng baon nilang bag kaya’t uminit ang kanyang ulo at agad kinuha ang kanyang maso at pinukpok sa ulo ang higanti. 3.a.Loki vs Logi- natalo si Loki b.Thialfi vs Hugi- natalo si Thialfi c.Thor vs cupbearer- natalo si Thor 4. Ipinagtapat ni Utgaro Loki kay Thor na nilinlang niya si Thor gamit ang kanyang mahika sariling opinyon) 5. Sa panahon ngayon maraming tao ang nanlilinlang sa kanilang kapwa para sa sarilin interes upang kumita ng pera. (sariling opinyon) GAWAIN 5 Si Thor ay diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir Ang tagpuan sa akdang sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ay sa Silangang bahagi ng Utgaro. Ang malaking bahagi ng istorya ay nakatuon sa paglalakbay ni Thor at ang kanyang pangkat kasama sina Loki, Thialfi at Rovka. Ang unang tagpuan ay ang bahay ng mag-asawang magsasaka. Pangalawa ay ang inaakalang kweba ni Thor na siya palang kamay ng higanti. Sa huli ay nakarating na ang pangkat kay Utgaro Loki. Naglakbay sina Thor at Loki sa Utgaro ang kaharian ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos.Nang mapagod sa paglalakbay nagpahinga sa tahanan ng mag-asawangmagsasaka, dito nakilala nila ang isang higante na si Skrymir na laging nahahambalos ni Thor ng kanyang maso dahil sa paghihilik nito tuwing natutulog. Si Utgaro-loki ang hari ng mga ang humamon kay Thor sa ibat-ibang paligsahan, si Loki ang nakatapat ni Logi sa pabilisan ng pagkain at natalo siLoki. Si Hugi ang nagiging katunggalian ni Thialfi , hinamon ni Thor ang hari sa pabilisan sap ag-inom ngunit nabigo si Thor. Kasunod hinamon naman ni Utgaro si Thor sa pagbuhat ng pusa at nabigo rin siThor sapagkat isang paa lang ang umangat dito.Kasunod nakipagbuno naman si Thor kay Elli ngunit bigo pa rin siyang matalo ito.At nang papaalis na sina Thor ipinagtapat ni Utgaro na ginagamitan niya ng mahika ang tunggalian kaya hindi nanalo si thor para maprotektahan ang kanilang kaharian. Ang paksa o tema ng mitolohiyang “Si Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante” ay tungkol sa mga kapangyarihan at paghahari, may mga pinuno na gagawin ang lahat para hindi masabing sila ay hindi mahina at mapahiya sa kanilang nasasakupan kaya gumagawa sila ng panglilinlang upang masabing sila ang pinakamahusay o pinakamagaling sa lahat.Kaya dapat nating tanggapin na may mga bagay pa rin tayong hindi kayang gawin at maaring ang iba ay mas magaling pa sa atin. 20 GAWAIN 6 Elemento ng mitolohiya Tauhan Tagpuan Banghay Tema Rihawani Naganap sa isang ka- Inilarawan nito ang Ang tema ng Rihawani gubatang maraming ugnayan ng tao at ng ay tungkol sa kung mga puting usa bundok sa isang lugar mga diyos at diyosa. gaano kahalaga ang mga dayuhan ng Marugbu. Ang banghay ng kwento pagsunod sa mga ay nakabatay sa tagubilin o payo na gabay ng mga manga- kagubatan kung saan ibinigay sa iyo. ngaso naninirahan ang diyosa na kilala bilang si matandang nagbigay ng Rihawani.Ang gubat din payo sa mga dayuhan na ito ay kinatatakutan ng mga tao na nakatira sa lugar ng Marugbu. 21 Gawain 7 Ang tauhan ay tungkol sa mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Kadalasan ang tagpuan ay may kaugnayan sa Maaaring ang banghay ay kulturang kinabibilangan at tumatalakay sa pagkakalikha sinauna ang panahon Paano naiiba ang ng mundo, pagbabago ng mitolohiya sa iba pang panahon at interaksiyong akdang tuluyan? nagaganap sa araw,buwan at daigdig etc. Pag-uugali ng tao, katangian at kahinaan ng tauhan, mga pani- niwalang panrelihiyon, nagpapaliwanag sa natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig at mga aral sa buhay 22