Filipino 10 Q1 Mod 1: Mito Mula sa Rome, Italy PDF

Summary

This module covers the first quarter, Module 1 of Filipino 10, focusing on myths from Rome, Italy. It examines the origin of the myths, and their significance to Filipino culture. It includes introductory assessments to help students understand the concepts covered in the module.

Full Transcript

10 Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Rome, Italy (Panitikang Mediterranean) CO_Q1_Filipino10_Module1 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 1: Mito mula sa Ro...

10 Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Rome, Italy (Panitikang Mediterranean) CO_Q1_Filipino10_Module1 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 1: Mito mula sa Rome, Italy Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Alvin D. Mangaoang Editor: Luisito V. Libatique Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado, Editha T. Giron, Gina A. Amoyen, Gemma M. Erfelo, Rowena R. Abad, Renato R. Santillan, Maria Teresita R. Gapate Tagaguhit: Rodel R. Rimando, Charles D. Mabalot Tagalapat: Alvin D. Mangaoang Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Arlene A. Niro, Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Atty. Donato D. Balderas Jr., German E. Flora, Virgilio C. Boado, Alejo R. De Sesto Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] 10 Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Rome, Italy (Panitikang Mediterranean) Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. ii Alamin Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Nakahanda at sabik ka na bang mag-aral at matuto? Batid kong oo, kung gayon ikaw ay maghanda na sa mga susunod na araling ating pag-aaralan. Ang Modyul 1 ay tungkol sa klasikong Mito mula sa Rome, Italy. Ang Rome, na kasalukuyang kabisera ng bansang Italy ay dating bahagi ng Imperyong Roman. Isang malawak at maipluwensiyang imperyo na may malaking ambag sa kasalukuyan. Ang bansang Italy ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng Europe at pinalilibutan ng dagat Mediterranean. Ang pangalang “Italya” ay hango sa isang matandang katawagan sa lugar at mga tao sa katimugang Italy na “Vitalia”. Galing ito sa salitang Latin na “Vitulus” na ang ibig sabihin ay “baka”. Samakatuwid, nangangahulugan itong “Lupain ng mga Baka”. Bagaman ang Mitolohiyang Roman ay halaw mula sa Mitolohiyang Greek, binigyan naman ito ng bagong mukha at lalong pinagyaman ng mga taga-Rome. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya, astrolohiya, sining at panitikan sa buong daigdig. Itatampok ang “Cupid at Psyche” na isa sa mga pinagmulan ng mito mula sa Rome, Italy. Makikilala mo ang iba’t ibang diyos at diyosa na pinaghugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Aalamin mo rin kung gaano kahalaga ang tiwala sa pag-iibigan ng bawat isa at ang kaugnayan ng kaisipang nakapaloob sa mababasang mito sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. Matatalakay rin dito kung paano magagamit nang angkop ang pokus ng pandiwa. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan / pananaw sa nabasang mitolohiya. (F10PN-Ia-b-62) 2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda na nangyayari sa sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-Ia-b-62) 3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-Ia-b-61) 4. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya. (F10PD-Ia-b-61) 5. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay. (F10PS-Ia-b-64) 6. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan) a. sa pagsasaad ng aksiyon, pangyayari at karanasan; b. sa pagsulat ng paghahambing; c. sa pagsulat ng saloobin; d. sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at e. isinulat na sariling kuwento. (F10WG-Ia-b-57) Kaya kung nakahanda ka na, maaaring ka nang magsimula sa mga gawain at aralin. 1 CO_Q1_Filipino10_Module1 Subukin Bago tayo magtungo sa ating talakayan tungkol sa mitolohiya, magkakaroon ka muna ng paunang pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin. PAUNANG PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang buod ng mitong “Si Malakas at Si Maganda” at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Si Malakas at si Maganda Malungkot ang bathala noon dahil mag-isa lamang siya. Dahil dito ay naisipan niyang buoin ang malawak na kalangitan at binuo rin ang makinang na araw kasama ng iba pang bituing hindi mapigilan ang pagningning sa kalangitan. Ngunit hindi pa rin naging maligaya ang bathala kaya naman ikinumpas nito ang kaniyang kamay at nabuo ang daigdig. Sa loob ng pabilog na hugis nito ay nabuhay ang iba’t ibang nilalang tulad ng mga puno, halaman, isda at ang mga ibong malayang nakalilipad sa kalangitan. Mayroon ding mga anyong tubig tulad ng ilog at dagat ang walang patid sa pag-agos. Nalikha na nga ng bathala ang sanlibutan. Ang mga ibon ay walang ginawa kung hindi ang lumipad. Nang minsang mapadapo ang isang ibon sa kawayan, mayroon siyang kakaibang tinig na narinig sa loob nito. May tinig na nakikiusap na tuktukin ng ibon ang kawayan upang bumuka ito. Ginawa nga ng ibon at lumabas ang isang lalaki. Siya raw si Malakas. Muli siyang nakiusap sa ibon na tuktukin pa ang isa pang kawayan upang makalabas ang kasama niya sa loob. Ginawang muli ng ibon at lumabas ang isang dilag na ang ngalan ay Maganda. Isinakay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang lahing kayumanggi. _____ 1. Batay sa nabasa, alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mito o mitolohiya? A. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa. B. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu. C. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng buhay sa daigdig. D. Kadalasang sa sinaunang panahon naganap ang isang mito. _____ 2. Ang sumusunod ay kabilang sa mga gamit ng isang mitolohiya noong unang panahon MALIBAN SA ISA. A. nagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan B. isinasalaysay ang gawaing panrelihiyon C. nagpapahayag ng matinding damdamin D. maipaliwanag ang kasaysayan 2 CO_Q1_Filipino10_Module1 _____ 3. “Isinakay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang lahing kayumanggi.” Ang mga tauhan sa bahaging ito ay tumutukoy sa anong lahi? A. Romano C. Pilipino / Malay B. Tsino D. Aprikano _____ 4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian nina Malakas at Maganda sa kulturang Pilipino? A. Si Malakas ang nagrerepresenta na ang mga Pilipino ay palaban sa hamon ng buhay samantalang si Maganda ang nagrerepresenta na sa kabila ng mapait na pagsubok, may magandang mga bagay na sasalo sa iyo. B. Si Malakas ang nagrerepresenta ng pagiging malakas at masipag ng mga Pilipino sa kahit anomang aspekto samantalang si Maganda naman ang nagpapakita ng kagandahang panloob at panlabas ng mga Pilipina. C. Si Malakas ang representasyon na ang mga Pilipino ay malalakas gaya ni Manny Pacquiao at iba pang mga atleta samantalang si Maganda ang nagpapakitang ang mga Pilipina ay palaban at laging nanalo sa mga Beauty Pageants. D. Si Malakas ay nagpapakitang makisig ang mga Pilipino samantalang si Maganda naman ang nagpapakita ng ideal na katangian ng isang Pilipina. _____ 5. Ano ang kaugnayan ng pangkalahatang kaisipan sa mitong nabasa sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig? A. Ipinakikita nito ang konsepto ng paglikha ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Nais nitong ipaliwanag ang pinagmulan ng mga sinaunang tao tungo sa pagkabuo ng pamilya, pamayanan at lipunan sa malikhaing kaparaanan. B. Isinalaysay nito ang pinanggalingan ng mga sinaunang Pilipino. Mula sa isang lalaki at babaeng bumuo ng pamilya’t lumago patungo sa isang nagkakaisang pamayanan at lipunan. C. Nais nitong patunayang ang mga Pilipino ay may sarili ring bersyon ng mito at hindi lamang mga kanluranin ang may kakayahan sa pagbuo ng mga kuwento ng paglikha at pakikipagsapalaran. D. Ipinahahayag nito ang mayamang kulturang Pilipino na may kakayahang maibandera hindi lamang sa kapuluan kundi sa buong mundo. B. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita batay sa kayarian nito at isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel upang mabuo ang diwa ng talata. Matapos maisulat ang salita, tukuyin ang kayarian nito kung ito ba ay Payak, Tambalan, Maylapi o Inuulit. Gayahin ang tsart sa iyong sagutang papel. Sa isang malayong kaharian, naging matunog ang pangalang Psyche. Si Psyche ay hinahangaan ng lahat ng mga tao sa kanilang 1. __________________ dahil sa kaniyang angking kagandahan. Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kaniya. Maging ang iba pa niyang 2. __________________ ay hanga rin sa kaniya. Bagaman maraming humahanga sa kaniya, wala namang nangahas na siya’y ligawan at maging asawa. Kahit sa anomang parte ng mga 3. __________________ ay wala ni isa. 3 CO_Q1_Filipino10_Module1 Kung kaya humingi ng tulong ang kaniyang ama kay Apollo upang magkaroon na siya ng asawa. Iminungkahi niyang siya’y makapangangasawa ng isang nakatatakot na halimaw. Agad naming tumalima ang hari kung kaya kinaumagahan ay nagbihis na si Pscyhe upang siyang ikasal. Sa araw ng kaniyang kasal ay mistula siyang ihahatid ng 4. __________________ sa kaniyang libingan. Nagsama sila ng kaniyang naging asawa na sa una’y akala niyang halimaw ngunit ito pala ay si Cupid na isang diyos. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil na rin sa utos ni Cupid na sinuway ni Pscyhe. Aksidenteng natuluan ng kumukulong langis ang balikat ng lalaki nang tiningnan ni Pscyhe ang mukha nito dahilan upang umalis ang lalaki. Hinarap ni Pscyhe ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa kaniya. Matagumpay niyang nagawa ang lahat at muli silang nagsama ni Cupid. Nang sila’y nag- 5. __________________, si Psyche ay naging diyosa na. balik-bayan bayan taumbayan bayan-bayan kabayan Salita Kayarian ng salita 1. 2. 3. 4. 5. C. Panuto: Pumili ng limang pandiwa at saka bumuo ng makabuluhang pangungusap na nagsasaad ng aksiyon, karanasan o pangyayari sagutang papel. humahalakhak pinana nailawan nagkimkim inihatid umiiibig nasabit lumipad naglakbay pinakain nakulayan hinangaan ipinadala nag-alay nagtagumpay binuksan 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________________________ D. Panuto: Gamit ang mga salitang nagpapahayag ng kilos o pandiwa, bumuo ng makabuluhang pangungusap na naghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel gamit ang pormat. Sariling Kultura Kultura ng ibang bansa 1. 2. 3. 4. 5. Mahusay! Nagawa mo ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating mga mapag-aaralan. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong nakuhang iskor. Pagkatapos ng araling ito ay tiyak mapatataas mo pa iyan at marami kang matututuhan. Magpatuloy pa tayo. 4 CO_Q1_Filipino10_Module1 Aralin Mito mula sa Rome, Italy 1.1 Panitikan: Cupid at Psyche Balikan Noong nasa ikasiyam na baitang ka, napag-aralan mo ang Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano. Saksi ka sa pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Gayon din ang malalimang pagtalakay sa mga kaganapan sa Nobela. Ngayon, sikapin mong gawin ang kasunod na gawain sapagkat ito’y may kinalaman sa nilalaman ng akdang iyong babasahin at susuriin sa mga susunod na pahina. Alam kong magiging masaya ito para sa iyo kaya gawin mo na ito. Gawain 1: Pana ng Pag-ibig Panuto: Gumuhit ng malaking hugis-puso sa iyong papel at sa loob nito, gumawa ng isang liham sa taong hinahangaan o itinatangi ng iyong puso. Isulat ang kaniyang pangalan at katangiang taglay na dahilan ng iyong pagtatangi o paghahanga at kung ano ang kaya mong gawin para sa kaniya. Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Tayo bilang tao ay likas na umiibig sa kung sinoman ang nagpapatibok ng ating puso. Dumarating sa puntong humihiling ka pa ng mga sensyales sa Panginoong Diyos sa kung sino ang nararapat o kung hindi naman kaya’y maitadhana ang taong nararapat at magtatagal para sa iyo. Ngunit lingid sa ating kaalaman, noong sinaunang panahon, humihiling na rin ang mga tao sa iba’t ibang mga diyos at diyosa ng mga senyales kung sino ang nararapat na mga nilalang na kanilang iibigin. Tunghayan mo ang tungkol sa mitolohiya ng mga sinaunang Roman. 5 CO_Q1_Filipino10_Module1 Tuklasin Narito ang isa sa mga bahagi ng mito mula sa Rome, Italy. Isinalaysay ni Apuleuis, isang manunulat na Latino. Bahagi lamang ito ng mitong Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass. Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino. Cupid at Psyche Muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa kaniya. Sinasabi ring kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kaniya ay ang pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay, maging ang kaniyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga papuring para sa kaniya ay napunta sa isang mortal. Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kaniyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kaniyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kaniyang anak, hindi na rin ito nag- usisa. Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring nagtangkang umibig sa kaniya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila Muling iginuhit ni Rodel R. Rimando (2020). Larawan nina Cupid at Psyche. ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kaniyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging mapanglaw si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kaniyang anak at kailangan tumalima sa kaniyang ipinayo. 6 CO_Q1_Filipino10_Module1 Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak-pangkasal. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan, naghintay ang magandang dalaga sa kaniyang mapapangasawa. Walang kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kaniyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-ibig na si Cupid. Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kaniyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kaniyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kaniyang asawa. Nangulila si Psyche sa kaniyang mga kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya ang mga ito. Pinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala. Nang magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kaniya. Labis kasi ang yaman ng asawa ni Pscyhe na hindi mapapantayan ng kanilang mga napangasawa. Dahilan ito upang mabuo ang pangimbulo o selos sa kanilang mga puso. Sa pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kaniyang mga kapatid ang nabuo nilang masamang balak, sinulsulan nila itong suwayin ang kondisyon ng kaniyang asawa. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay Psyche. Kaya upang hindi siya mapatay nito kailangang unahan na ni Psyche ang asawa. Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng kaniyang mga kapatid. Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng asawa. Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita. Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”, wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. Nagsisisi si Psyche sa kaniyang kasuklam-suklam na nagawa kung kaya’t para maipakita niya ang marubdob na pagsisisi at pagmamahal, nagpasya siyang hanapin ito. Nakarating siya sa tahanan ni Venus. Nagpasya siyang harapin ang mga pagsubok na ibibigay ng diyosa para lamang muling maibalik ang tiwala at pagmamahal ni Cupid sa kaniya. 7 CO_Q1_Filipino10_Module1 Nang malaman ni Venus ang nangyari kay Cupid, lalo itong nasuklam kay Psyche at siya ay pinahirapan niya nang husto. Binigyan niya si Psyche ng mga pagsubok. Unang pagsubok ay pagsama-samahin ang mga butong magkakauri. Bagaman nahirapan, nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam. Pangalawang pagsubok ay ang pagkuha ng gintong balahibo mula sa mga mapanganib na tupa. Natutukso na siyang tumalon sa ilog, ngunit pinayuhan siya ng mga halaman ng tamang tiyempo. Hinintay niyang magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong balahibo na nasabit sa mga sanga. Ikatlong pagsubok ay ang pagsalok ng itim na tubig mula sa itim na talon. Hindi madaling pagsubok ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko. At para sa huling pagsubok, pinakuha siya ng kahon upang humingi kay Proserpine ng kagandahan. Ito ang pinakamapanganib na pinagawa sa kaniya, ngunit kagaya ng mga naunang pagsubok ay tinulungan siya ng isang tore na makapunta sa kaharian sa ilalim ng lupa, sa kaharian ni Hades. Nakakuha siya ng kagandahan ngunit natukso siyang buksan ang kahon upang kumuha ng kaunting kagandahan para magustuhan muli siya ni Cupid ngunit siya ay nawalan ng malay dahil dito. Nalaman ni Cupid ang pagpapahirap ni Venus kay Psyche kung kaya’t dali- dali siyang natungo sa kaniya upang ito’y iligtas. Nang makita ni Cupid si Psyche, kaniya itong pinana ng kaniyang palaso at pana. Nagising si Psyche. Tinulungan siya ni Cupid upang madala niya ang kahon kay Venus. Nagawa niya lahat ng pagsubok. At upang hindi na muling magambala pa ni Venus ang kanilang pag- iibigan, humingi sila ng basbas kay Jupiter. Naging imortal na rin si Psyche sa pamamagitan ng pagkain ng Ambrosia, ang pagkain ng mga diyos at diyosa. Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at hindi na mabubuwag kailanman. Maaaring panoorin sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc Gawain 2: TALAS-salitaan Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na salita o parirala. Buoin mo ang salitang tinutukoy ng crossword puzzle.. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Pahalang Pababa 1. Hindi pagsunod sa utos 6. Pagkain ng mga diyos-diyosan 2. Akmang sasaksakin 7. Lakad na ang mga daliri ng paa lamang 3. Patalim ang sumasayad 4. Masidhi, maalab, 8. Nahimok, nahikayat masikhay na pagnanasa 9. Tumupad sa tungkulin, 5. Nagalit, nainis sumunod sa utos 10. Walang kamatayan, walang katapusan 8 CO_Q1_Filipino10_Module1 1. P A S U 6. A 7. P B T 2. I A T R A Y S 3. P 8. N A I 9. A 4.M R U D O I M A Y O I T 5. A U L A Dagdag kaalaman… Mga Kayarian ng Salita 1. Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: punyal, dilim, langis 2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Mga halimbawa: kasabay, paglikha, marami, sinasabi, sumahod, tumugon, unahin, sabihin, linisan, pag-isipan, pag-usapan, kalipunan, pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan 3. Inuulit – ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit. Mga halimbawa: araw-araw, sabi-sabi, sama-sama, aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad 4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. Mga halimbawa: bahay-kalakal, habing-ilok, balik-bayan hampaslupa, kapitbahay, bahaghari Gawain 3: Kayarian, Iugnay Mo! A. Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap at tukuyin kung ano ang kayarian nito. Gamitin ang tsart sa pagbibigay ng mga kasagutan sa inyong sagutang papel. 1. Hindi niya lubos maisip na dahil sa kaniyang ginawang pagtataksil sa asawa, siya’y magiging labis na malungkot. Naging mapanglaw si Pscyhe sa mga pangyayari. 2. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak- pangkasal. Nang araw nang kasal niya, tila nawalan ng saysay ang kaniyang trahe de boda dahil maipakakasal lang pala siya sa isang nakatatakot na halimaw. 3. Hindi masilayan ni Psyche ang mukha ng kaniyang kabiyak. Sabik na sabik na siyang makita ito ngunit naaala pa rin ang bilin ng kaniyang asawa. 9 CO_Q1_Filipino10_Module1 4. Nagsisisi si Psyche sa kasuklam-suklam niyang nagawa. Kung kaya, hinarap niya ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa kaniya upang maibsan ang kamuhi-muhing ginawa niya sa asawa. 5. Isa sa mga delikadong pagsubok ni Venus ang pagpapapuno niya ng itim na tubig sa bote mula sa ilog Styx. Hindi madaling pagsubok ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko. Kaugnay o kasingkahulugang salita Kayarian 1. 2. 3. 4. 5. B. Panuto: Tukuyin ang kayarian ng mga salitang naitiman sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. A. Payak B. Maylapi C. Inuulit D. Tambalan _____ 1. Sa ganda ni Psyche, talaga namang maraming humanga sa kaniya. _____ 2. Walang kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kaniyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-ibig na si Cupid. _____ 3. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay Psyche. _____ 4. Hinintay niyang magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong balahibo nitong nasabit sa mga sanga. _____ 5. Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagtagpo. C. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Anong tambalang salita ang nangangahulugang pagsikat ng araw? ___________________________________________________________________________ 2. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang silid- tulugan? ___________________________________________________________________________ 3. Anong tambalang salita ang kasingkahulugan ng salitang mayaman? ___________________________________________________________________________ 4. Anong payak na salita ang tumutukoy sa pagkaing maraming sangkap at kinakain tuwing mainit ang panahon? ___________________________________________________________________________ 5. Anong salitang inuulit ang ginagamit sa pagtatanong ng iba’t ibang mga bagay-bagay? ___________________________________________________________________________ Gawain 4: Pagsusuri sa Akda Panuto: Suriin mo ang mga mahahalagang pangyayari sa mitong Cupid at Psyche sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. 1. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 10 CO_Q1_Filipino10_Module1 2. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging manugang si Psyche? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Gawain 5: Opinyon Ko, Mahalaga! Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na tanong at pahayag sa iyong sagutang papel. 1. Sa iyong paniniwala, bakit kaya sa kabila ng kagandahan ni Psyche ay walang nangahas na manligaw sa kaniya? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nikita? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Magbigay ng sariling reaksyon sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag- ibig? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Anong katangian ng mga tauhan sa mito ang nais mong tularan o ayaw mong tularan? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Binabati kita sa mahusay mong pagsagot sa mga tanong. Ang tunay at wagas na pag-ibig ay hindi kailanman mahahadlangan ng kahit anomang pagsubok. Ngunit ang napakahalaga ring isaisip ay ang pagtitiwala sa isa’t isa upang ang nabuong pag-iibigan ay kailanman hindi masisira. 11 CO_Q1_Filipino10_Module1 Suriin Basahin at unawain mo ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolohiya mula sa Rome, Italy upang iyong matuklasan kung paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino at upang masagot ang pokus na tanong na – paano naiiba ang mito o mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan? Alam mo bang… Mitolohiya ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito (myth) at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Ang salitang mito (myth) ay galing sa salitang Latin na “mythos” at mula sa Greek na “muthos”, na ang kahulugan ay “kuwento”. Ito ay isang akdang pampanitikang kadalasang ang mga tauhan ay pumapatungkol sa mga diyos at diyosa at nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan. Ito’y maiuugnay rin sa epiko bagaman mas litaw sa mito ang hindi kapani-paniwalang mga pangyayaring may kinalaman sa mga diyos-diyosan. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao at ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan at apoy. Ginagamit din ito upang ikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon, magturo ng mabuting asal at maipaliwanang ang kasaysayan. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. Ang Mitolohiya ng mga Roman Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga-Rome hanggang sa ang katutubong relihiyon nila ay napalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura. Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na isinalaysay naman ni Homer at tinagurian ang mga ito bilang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo”. 12 CO_Q1_Filipino10_Module1 Mga Elemento sa Mabisang Pagsulat ng Mito 1. Tauhan – Kadalasang mga diyos o diyosang may taglay na kakaibang kapangyarihan at mga karaniwang mamamayan sa komunidad ang mga tauhan. May pagkakataong namumukod-tangi ang kabayanihan ng isang pangunahing tauhan at kaniyang pakikipagsapalaran. 2. Tagpuan – May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at kadalasang sa sinaunang panahon naganap ang isang mito. 3. Banghay – Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian ang banghay ng isang mito. Maaaring tumatalakay ito sa pagpapaliwanag ng pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari. Nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas at ipinakikita rin ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa. 4. Tema – Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, mga paniniwalang panrelihiyon at katangian at kahinaan ng tauhan. 5. Estilo – Pasalaysay ang estilo ng pagsulat ng mito na nagbibigay ng idea hinggil sa paniniwala, kaugalian at tradisyon at may paniniwalang kayang malampasan ng bida ang mga pagsubok. 6. Tono – Nadadala ang mambabasa sa tonong mapang-unawa at nangangaral. 7. Pananaw - Kadalasang nasa ikatlong pananaw ang pagsulat nito. Upang lubos na maunawaan ang mitong “Cupid at Psyche” mabuting makilala mo ang mga diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece lalo na ang labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa na kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods at iba pang naidagdag na mga diyos at diyosa. Zeus (Greek) | Jupiter (Roman) Hari ng mga diyos, diyos ng kalangitan, kulog at kidlat, tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako, asawa niya si Juno. Simbolo niya ang kidlat at agila. Hera (Greek) | Juno (Roman) Reyna ng mga diyos at diyosa at tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa, kababaihan at pamilya. Kapatid at asawa siya ni Jupiter. Simbolo niya ay ang peacock at baka. Guhit ni Rodel R. Rimando (2020). Larawan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Greek at Roman. 13 CO_Q1_Filipino10_Module1 Poseidon (Greek) | Neptune (Roman) Diyos ng karagatan, tubig, bagyo, lindol at alon. Kapatid ni Jupiter at Orcus (Pluto). Simbolo niya ang kabayo at trident Demeter (Greek) | Ceres (Roman) Diyosa ng agrikultura, kalikasan at panahon. Simbolo niya ang Cornucopia at baboy. Athena (Greek) | Minerva (Roman) Diyosa ng karunungan at pakikipagdigma. Anak nina Jupiter at Metis Simbolo niya ang kuwago at puno ng oliba. Hermes (Greek) | Mercury (Roman) Mensahero ng mga diyos, diyos paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw at panlilinlang. Anak nina Jupiter at Maia Simbolo niya ang Caduceus. Ares (Greek) | Mars (Roman) Diyos ng digmaan. Anak nina Jupiter at Juno. Simbolo niya ang sibat at buwitre. Guhit ni Rodel R. Rimando (2020). Larawan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Greek at Roman. 14 CO_Q1_Filipino10_Module1 Apollo (Greek) | Apollo (Roman) Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika, panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at Latona. Kakambal na lalaki ni Diana. Simbolo niya ang lyre at sisne. Artemis (Greek) | Diana (Roman) Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at buwan. Anak nina Jupiter at Latona. Kakambal na babae ni Apollo. Simbolo niya ang buwan at lobo. Aphrodite (Greek) | Venus (Roman) Diyosa ng kagandahan, pag-ibig at pagnanasa. Anak ni Jupiter at Dione. Asawa ni Vulcan Kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya. Hestia (Greek) | Vesta (Roman) Diyosa ng apuyan. Siya ang panganay na anak nina Saturn at Ops. Nakatatandang kapatid nina Pluto, Ceres, Neptune, Juno at Jupiter. Simbolo niya ang apoy at apuyan. Hephaestus (Greek) | Vulcan (Roman) Diyos ng apoy, panday ng mga diyos at diyosa. Anak nina Jupiter at Juno. Asawa ni Venus Simbolo niya ang apoy, martilyo at pugo. Guhit ni Rodel R. Rimando (2020). Larawan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Greek at Roman. 15 CO_Q1_Filipino10_Module1. Dionysus (Greek) | Bacchus (Roman) Diyos ng alak, ubas, pagdiriwang at kasiyahan. Anak nina Jupiter at Stimula. Pinakabata sa mga diyos at diyosa ng Bundok Olympus. Ubasan at kambing ang kaniyang mga simbolo. Hades (Pluto) (Greek) | Orcus (Roman) Diyos ng kamatayan at hari ng kabilang buhay. Kapatid nina Vesta, Ceres, Neptune, Juno at Jupiter. Cerberus (asong may tatlong ulo) ang maiuugnay sa kaniya. Eros (Greek) | Cupid (Roman) Diyos ng sekswal na pag-ibig at kagandahan. Anak nina Venus at Mars. Guhit ni Rodel R. Rimando (2020). Larawan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Greek at Roman. Maaaring panoorin sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8 Dagdag kaalaman… Narito ang paraan ng pagbasa at pagbigkas ng mga pangalan ng diyos at diyosa sa Greek/Roman. 1. Zeus (Zoo-s) 7. Hermes (er-mes) 2. Hera (EE-ra) 8. Aphrodite (a-fro-die-tee) 3. Poseidon (po-say-don) 9. Hestia (es-TEE-A) 4. Ares (AIR-ezz) 10. Dionysus (die-oh-nie-ses) 5. Athena (ah-thee-NAH) 11. Hades (ei-deez) 6. Hephaestus (he-fes-tus) 12. Psyche (say-ki) 16 CO_Q1_Filipino10_Module1 Gawain 6: Saliksikin Mo! Panuto: Magsaliksik at alamin ang mga planeta, produkto, kompanya, termilolohiyang pangmedisina at iba pang mga bagay na naibatay sa pangalan ng mga diyos at diyosa ng mga Roman. Isulat ang katangian ng mga ito kung bakit ito ang kanilang naging pangalan. Planeta / Produkto Pinagbatayang diyos o / Kompanya / Katangian diyosa Medisina atbp. 1. 2. 3. 4. 5. Pagyamanin Sa bahaging ito, pagyayamin pa natin ang iyong kaalaman sa Mitolohiya. Iyong babasahin ang isang halimbawa ng Mito mula sa mga Ifugao ng Pilipinas upang magkaroon ng pagkukumpara ng Mito mula sa Rome, Italy. Basahin at unawain mo ito upang matukoy ang mensahe at layunin ng mitolohiya. Maaaring panoorin ang cartoon ng mito ng Ifugao sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=u6WnjqnETTQ Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat “Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak, mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!” Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag- momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin”. Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.” Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat 17 CO_Q1_Filipino10_Module1 hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan”, wika ng nito. “Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.” Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa”, sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.” Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kaniyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.” Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker. “May naamoy akong tao”, sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa kaniyang lusong. “Anong ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon. “Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan. “Kahibangan”, wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker. Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy, manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka naming tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.” Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan. Gawain 7: Unawain Mo! Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na tanong at pahayag sa iyong sagutang papel. 1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 18 CO_Q1_Filipino10_Module1 3. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa mitolohiyang “Cupid at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan.” Sagutin sa tulong ng dayagram. MITO CUPID AT NAGKAROON NG PSYCHE ANAK SINA WIGAN AT BUGAN PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD 4. Ano-anong mga kulturang Pilipino ang masasalamin sa mitong ito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Ano ang mensahe at layunin ng nabasa / napanood na mito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isaisip Gawain 8: Dugtungan Mo! Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutuhan sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Natutuhan kong ang Mitolohiya ay…____________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa…____________________________________________ ________________________________________________ Ang mga elemento sa mabisang pagsulat ng Mito ay…____________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ 19 CO_Q1_Filipino10_Module1 Isagawa Gawain 9: Iugnay Mo! Panuto: Iugnay mo ang mga kaisipan o mensaheng nakapaloob sa mitong Cupid at Psyche sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gayahin ang grapikong presentasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan sa sagutang papel. sarili pamayanan Kaisipan mula sa Cupid at Psyche pamilya lipunan 20 CO_Q1_Filipino10_Module1 Aralin Wika at Gramatika: 1.2 Pokus ng Pandiwa Balikan Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga katanungan sa nakaraang aralin. Sa bahaging ito, malalaman mo kung paano mabisang magagamit ang pandiwa sa pagpapahayag at pasasalaysay ng mga karanasan at pangyayari buhat sa binasang mito o iba pang kauri nito. Bago tayo magtungo sa talakayan, sagutin muna ang gawain. Gawain 1: …Aksiyon! Panuto: Sa loob ng callout, magtala ka ng limang (5) mga salitang nagsaad o nagpakita ng kilos o galaw mula sa mitong Cupid at Psyche at gamitin ito sa pangungusap. Muling iginuhit ni Charles D. Mabalot (2020). Cupid at Psyche. Nahango mula sa https://mcswhispers.wordpress.com/2017/01/06/the-psyche-of-eros/ Napakahusay! Nagawa mo ang gawain. Sa pagkakataong ito iyong tutunghayan ang iba pang mito upang masuri kung ano-ano ang mga pandiwang nakapaloob dito. 21 CO_Q1_Filipino10_Module1 Tuklasin Sagana ang ating bansa sa mga mito. Bawat rehiyon ay may kaniya-kaniyang bersiyon nitong nakabatay sa kanilang mayamang kultura. Basahin mo ang isang bahagi ng palabas na Encantadia at pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Maaaring panoorin ang pagsasalaysay ng carton sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=VLSNVXV0BM0 Ang Simula ng Encantadia ni Suzette Doctolero Noong unang panahon, may tatlong bathalang nanirahan sa ating mundo – Sina Emre, Arde at Ether. Ngunit nang makita nila ang mga sinaunang tao sa mundo, hindi sila nasiyahan. Ang nakita nila’y mga mababang uri ng nilalang, mga barbaro na kailangan pang magtrabaho upang mabuhay, mga nilalang na walang kapangyarihan. Dahil dito, nilikha ng tatlong bathala ang mga Encantadong Diwata ng Lireo, ang mga lamang lupang Adamyan, mga manggagamot na Sapiryan, mga mahiwagang panday na Encantado mula sa Hathoria at isang bagong dimensyon na tinawag nilang Encantadia. ‘Di gaya ng mga tao, ang mga Encantadong ito ay may mga kapangyarihang taglay: Sa tubig, nang manatiling malinis at masagana ang karagatan. Sa hangin, nang mapangalagaan ang buhay. Lupa, nang manatiling mayaman sa pagkain ang kalupaan. At apoy, nang mabigyang liwanag ang buong mundo. Ang mga Encantadong ito ay sumamba kay Emre, kung kaya’t lubhang nagselos sina Ether at Arde. Nagplano silang paslangin si Emre ngunit natuklasan niya ang balak ng mga ito. Kaya’t sinumpa niya si Arde na maging dragon at ipinadala sa impyernong kung tawagin ay Balaak upang maging tagapagbantay doon. Samantlang si Ether naman ay ginawa niyang isang ahas upang habambuhay niyang ‘di makalimutan ang kaniyang kataksilan. May mga Encantado ring pumanig kay Ether, kung kaya sinamba nila ito at itinatag ang ikalimang kaharian, ang Etheria. Isa sa mga naging reyna nito ay si Avria. Dahil sa kaniyang kasakiman, sinubukan niyang sakupin ang mga kahariang Lireo, Sapiro, Hathoria at Adamya. Ngunit dahil sa pagsanib-puwersa ng apat na kaharian, natalo si Avria at nawasak ang Etheria. Magmula noon, tanging ang Lireo, Adamya, Sapiro at Hathoria na lamang ang natitira sa limang kaharian. Ito ang simula ng Encantadia, isang mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa 1. Ano ang mensahe at layunin ng nabasa / napanood mong cartoon? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 22 CO_Q1_Filipino10_Module1 2. Masasabi mo bang taglay ng teksto ang mga katangian ng isang mito? Patunayan. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Mula sa nabasang teksto, magtala ng sampung (10) mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Paano nito napagalaw ang iyong imahinasyon? Suriin Ang bawat akda ay nagtataglay ng mga pangyayaring pinagagalaw sa pamamagitan ng mga salitang-kilos. Mga salitang-kilos na nagpapalawak sa imahinasyon ng mga mambabasa at tumutulong upang higit nilang maunawaan ang nilalaman nito at maging ang pagkatao ng bawat karakter. Alam mo bang… Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw? Mabisang instrumento ito upang makapagsalaysay ng mga pangyayari sa isang akdang pampanitikan. Pokus ng Pandiwa Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ayon sa paksa at panlaping ikinakabit sa pandiwa. 1. Pokus sa Tagaganap (Aktor) – Ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Magagamit ang mga panlaping um-/-um. mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at magsipag- an/han. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang at magagamit din bilang pokus sa tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo, kami, kayo at sila. Mga halimbawa: a. Naglakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga diyos. b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus. Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay naglakbay at ang tinutukoy dito ay ang paksang si Psyche. Ito ay nasa Pokus sa Tagaganap dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang siyang gumanap ng kilos nito at gumamit ng panandang si. 2. Pokus sa Layon (Gol) – Ang pokus ay nasa pokus sa layon kung ang pinag- uusapan ang siyang layon ng pangungusap. Ginagamit na panlapi sa pandiwa ang –in/hin, -an/-han, ma-, paki-, ipa- at pa- at panandang ang sa paksa o pokus. 23 CO_Q1_Filipino10_Module1 Mga halimbawa: a. Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo ng tupa. b. Iniayos ni Psyche ang mga buto ayon sa pagkakauri nito. Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay kinuha na tumutukoy sa paksang ang gintong balahibo ng tupa. Ito ay nasa Pokus sa Layon dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang siyang layon ng pangungusap at gumamit ng panandang ang. 3. Pokus sa Tagatanggap (Benepaktibo) – Ang paksa ng pangungusap ay ang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa. Kilala rin ito sa tawag na Pokus sa Pinaglalaanan. Sumasagot ito sa tanong na “para kanino?” Ginagamit ang mga panlaping i-, -in, ipinag-, ipag-, -han/-an atbp. Mga halimbawa: a. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam. b. Ipinag-utos ni Apollo na bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay ipinagluto na tumutukoy sa paksang kami. Ito ay nasa Pokus sa Tagatanggap dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang siyang tatanggap sa kilos. 4. Pokus sa Kagamitan (Instrumental) – Ang kasangkapan o ang gamit ang paksa ng pangungusap upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. Kilala rin ito sa tawag na Pokus sa Gamit. Sumasagot ito sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?” Ginagamit ang panlaping ipa-, ipang-, maipang-. Mga halimbawa: a. Ipantatarak niya ang punyal sa mahal na asawa. b. Ang pana ni Cupid ay maipanggagamot kay Psyche. Pansinin ang unang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay ipantatarak na tumutukoy sa paksang ang punyal. Ito ay nasa Pokus sa Kagamitan dahil ang paksa ang instrumento o gamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. Mahusay! Binabati kita sapagkat matagumpay mong nalaman ang iba’t ibang Pokus ng Pandiwa. Kung ikaw man nalilito sa aralin, huwag kang mag-alala dahil maaari mo itang balikan. Ngayon, magpapatuloy pa tayo sa ating talakayan. Kaya ito’y mas pakatutukan. Gamit ng Pandiwa 1. Aksiyon – May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon / kilos. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag, ma-, mang-, maki-, mag-an at iba pa. Mga halimbawa: a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos. b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus. Pandiwa: Naglakbay, Tumalima Aktor: si Bugan, si Psyche 24 CO_Q1_Filipino10_Module1 2. Karanasan – Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin / emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin. Mga halimbawa: a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan. b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari. Pandiwa: Tumawa, nalungkot Aktor: si Bumabbaker, ang lahat 3. Pangyayari – Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari. Maaaring kapwa may aktor at damdamin ang pandiwa. Mga halimbawa: a. Sumasaya ang mukha ni Venus dahil sa nakikita niya sa paligid. b. Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha. Pandiwa: Sumasaya, Nalunod Resulta: nakita niya sa paligid, isang matinding baha Magaling, sana’y naunawaan mo ang Gamit ng Pandiwa. Ngayon sa bahaging ito, paano magagamit ang Pokus ng Pandiwa sa pagsasaad ng Aksiyon, Karanasan at Pangyayari? Tunghayan ang mga halimbawa. a. Sila ay sumamba kay Emre. Pansinin ang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay sumamba na isinagawa ng paksang sila. Ito ay nasa Pokus sa Tagaganap at nagsasaad ng Aksiyon. b. Lubhang nagselos sina Ether at Arde. Pansinin ang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay nagselos na nagpahayag ng damdamin ng paksang sina Ether at Arde. Ito ay nasa Pokus sa Tagaganap at nagsasaad ng Karanasan. c. Dahil sa kasakiman, sinubukang sakupin ni Ether ang mga kaharian. Pansinin ang halimbawa, ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay sakupin na layon ng paksang ang mga kaharian. Ito ay nasa Pokus sa Layon at nagsasaad ng Pangyayari. Nawa’y nauunawaan mo na ang iba’t ibang pokus at gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan at pangyayari. Isagawa mo ang sumusunod na pagsasanay upang mahasa ang iyong kasanayan kung paano mo mabisang magagamit ang pandiwa. Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika A. Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay tagaganap, layon, tagatanggap o kagamitan. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel. _________________ 1. Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation ang mga natipong donasyon para sa nabiktama ng kalamidad. _________________ 2. Pinaunlad ng kapitalismo ang mga indibidwal na negosyante. 25 CO_Q1_Filipino10_Module1 _________________ 3. Ang abaka ay ipinantali niya sa duyan. _________________ 4. Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga batang lulong sa masamang bisyo. _________________ 5. Ipinanghugas ko sa mga plato ang Joy Ultra. _________________ 6. Gusto nilang mahalungkat ang sikreto niya. _________________ 7. Kinain ni Psyche ang Ambrosia. _________________ 8. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche. _________________ 9. Pinakain ni Psyche ng cake ang mabangis na Cerberus. _________________ 10. Natukso si Psyche na buksan ang kahon ng kagandahan. B. Panuto: Base sa nasalungguhitang pandiwa sa bawat pangungusap, tukuyin mo ang gamit ng mga ito. Isulat sa iyong sagutang papel kung ito ba’y aksiyon, karanasan, o pangyayari. _________________ 1. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid na mag- ingat sa kaniyang asawa. _________________ 2. Nasuklam si Venus sa ginawa ni Psyche kay Cupid. _________________ 3. Nalungkot si Psyche sa pagsubok ni Venus. _________________ 4. Umibig ang lahat ng kababaihan kay Cupid. _________________ 5. Dahil sa pagiging mausisa, nabuyo siya. _________________ 6. Hindi nasiyahan si Jupiter dahil sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche. _________________ 7. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos. _________________ 8. Tumulong ang mga langgam kay Psyche upang maisaayos ang mga buto. _________________ 9. Nahimatay si Psyche dahil sa pagbukas niya ng kahon. _________________ 10. Umuwi siya sa kaharian ni Venus. Pagyamanin Sa bahaging ito ay iyong pagninilayan ang mga mensahe ng nakaraang paksa kung ano ang kaugnauyan nito sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gawain 4: Galaw-galaw, Araw-araw Panuto: Mula sa napag-aralang impormasyon hinggil sa pokus ng pandiwa, gamitin ito sa pagbuo ng mga pangungusap na nagsasaad ng aksiyon, karanasan at pangyayari. Isulat ang pangungusap na mabubuo sa sagutang papel. Aksiyon 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ Karanasan 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ Pangyayari 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ 26 CO_Q1_Filipino10_Module1 Isaisip Gawain 5: Sagutin Natin Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pokus ng pandiwa? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Paano matutukoy ang pokus ng pandiwa sa isang pangungusap? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Alin sa mga pokus ng pandiwa ang para sa iyo’y pinakamadali? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Alin sa mga pokus ng pandiwa ang para sa iyo’y pinakamahirap? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Paano makatutulong sa iyo ang pag-aaral ng pokus ng pandiwa? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isagawa Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw tungkol sa mitolohiya at pandiwa. Gamit ang teknik na GRASPS ,isagawa ang paglalapat sa hiwalay na sagutang papel. Gawain 6: GRASPS Ikaw ay makasusulat ng sariling-gawang mito batay sa napag- Goal aralang elemento sa mabisang pagsulat nito. Role Ikaw ay magiging isang manunulat at makata. Audience Guro, mga kapwa mag-aaral. Ipagpalagay na ikaw ay lalahok sa isang patimpalak sa pagsulat ng Situation mitong may kaugnayan sa kultura ng inyong lokalidad. Product Sariling-gawang mitong ginagamitan ng pokus ng pandiwa. A. Malinaw na nilalaman…………………….……………….… 35 puntos B. Estruktura ng pagkakasulat……...……………….……......35 puntos Standards C. Paglalapat ng pokus ng pandiwa……………………………20 puntos D. Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 10 puntos Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos 27 CO_Q1_Filipino10_Module1 Tayahin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan? A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu. B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa. C. May taglay na talinghaga. D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. _____ 2. Ang sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman MALIBAN SA ISA. A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad. B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek. C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang Iliad at Odyssey. D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento. _____ 3. Alin sa sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche? A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid. B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid. C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi. D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa. _____ 4. Mabuti bang taglayin ng tao ang katangian ng Diyos? A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos. B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kaninaan ng tao. C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao. D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa. _____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.” A. Walang pag-ibig kung walang tiwala. B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala. C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala. D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay 28 CO_Q1_Filipino10_Module1 B. Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit ayon sa kayarian nito. Matapos maisulat ang salita, tukuyin ang kayarian nito kung ito ba ay Payak, Tambalan, Maylapi o Inuulit. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sa isang malayoNg kaharian, naging matunog ang pangalang Psyche. Si Psyche ay hinahangaan ng lahat ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa kaniyang angking kagandahan. Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kaniya. Maging ang iba pa niyang kabayan ay hanga rin sa kaniya. Bagaman maraming humahanga sa kaniya, wala namang nangahas na siya’y ligawan at maging asawa. Kahit sa anomang parte ng mga bayan-bayan ay wala ni isa. Kung kaya humingi ng tulong ang kaniyang ama kay Apollo upang magkaroon na siya ng asawa. Iminungkahi niyang siya’y makapangangasawa ng isang nakatatakot na halimaw. Agad naming tumalima ang hari kung kaya kinaumagahan ay nagbihis na si Pscyhe upang siyang ikasal. Sa araw ng kaniyang kasal ay mistula siyang ihahatid ng taumbayan sa kaniyang libingan. Nagsama sila ng kaniyang naging asawa na sa una’y akala niyang halimaw ngunit ito pala ay si Cupid na isang diyos. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil na rin sa utos ni Cupid na sinuway ni Pscyhe. Aksidenteng natuluan ng kumukulong langis ang balikat ng lalaki nang tiningnan ni Pscyhe ang mukha nito dahilan upang umalis ang lalaki. Hinarap ni Pscyhe ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa kaniya. Matagumpay niyang nagawa ang lahat at muli silang nagsama ni Cupid. Nang sila’y nagbalik-bayan, si Psyche ay naging diyosa na. Salita Kayarian ng salita 1. 2. 3. 4. 5. C. Panuto: Pumili ng limang pandiwa at saka bumuo ng makabuluhang pangungusap na nagsasaad ng aksiyon, karanasan o pangyayari sagutang papel. humahalakhak pinana nailawan nagkimkim inihatid umiiibig nasabit lumipad naglakbay pinakain nakulayan hinangaan ipinadala nag-alay nagtagumpay binuksan 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________________________ 29 CO_Q1_Filipino10_Module1 D. Panuto: Gamit ang mga pandiwa, bumuo ng makabuluhang pangungusap na naghahambing sa sariling kultura sa Italy. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel gamit ang pormat. Sariling kultura Kultura ng Italy 1. 2. 3. 4. 5. Lubos na Mahusay! Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman sa Mitolohiya ng Rome, Italy at kung paano ito nagkaiba at nagkatulad sa ating sariling Mitolohiya at nabatid mo rin ang tungkol sa mabisang paggamit ng pokus ng pandiwa. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 2 (Parabula mula sa Syria). 30 CO_Q1_Filipino10_Module1 CO_Q1_Filipino10_Module1 31 PAUNANG PAGTATAYA A. B. C. Iba-iba ang sagot 1. B 1. bayan - payak 2. C 2. kabayan - maylapi D. Iba-iba ang sagot 3. C 3. bayan-bayan - inuulit 4. B 4. taumbayan - tambalan 5. A 5. balik-bayan - tambalan ARALIN 1.1 (Panitikan: Cupid at Psyche) BALIKAN Gawain 1: Pana ng Pag-ibig Iba-iba ang sagot. TUKLASIN Gawain 2: TALAS-salitaan 1. PAGSUWAY 6. AMBROSIA 2. ITATARAK 7. PATIYAD 3. PUNYAL 8. NABUYO 4. MARUBDOB 9. TUMALIMA 5. NASUKLAM 10.IMORTAL Gawain 3: Kayarian, Iugnay Mo! A. Kahulugan ng Salita Kayarian B. 1. malungkot Maylapi 1. B 2. gayak-pangkasal Tambalan 2. C 3. asawa Payak 3. A 4. kamuhi-muhi Inuulit 4. D 5. bote Payak 5. A C. Iba-iba ang sagot. Gawain 4: Pagsusuri sa Akda Iba-iba ang sagot. Gawain 5: Opinyon Ko, Mahalaga! Iba-iba ang sagot. TUKLASIN Gawain 6: Saliksikin Mo! Iba-iba ang sagot. PAGYAMANIN Gawain 7: Unawain Mo! Iba-iba ang sagot. ISAISIP Gawain 8: Dugtungan Mo! Iba-iba ang sagot. ISAGAWA Gawain 9: Iugnay Mo! Iba-iba ang sagot. Susi sa Pagwawasto CO_Q1_Filipino10_Module1 32 ARALIN 1.2 (Wika at Gramatika: Pokus ng Pandiwa) BALIKAN Gawain 1: …Aksiyon! Iba-iba ang sagot TUKLASIN Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa Iba-iba ang sagot. Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika A. 1. Kagamitan 6. Layon 2. Tagatanggap 7. Layon 3. Kagamitan 8. Tagaganap 4. Tagatanggap 9. Layon 5. Kagamitan 10.Tagaganap B. 1. Aksiyon 6. Pangyayari 2. Karanasan 7. Aksiyon 3. Karanasan 8. Aksiyon 4. Karanasan 9. Pangyayari 5. Pangyayari 10.Aksiyon PAGYAMANIN Gawain 4: Galaw-galaw, Araw-araw Iba-iba ang sagot. ISAISIP Gawain 5: Sagutin Natin Iba-iba ang sagot. ISAGAWA Gawain 6: GRASPS Iba-iba ang sagot. Ibatay ang pagwawasto sa pamantayan. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. 1. B B. Iba-iba ang sagot 2. C C. Iba-iba ang sagot 3. B D. Iba-iba ang sagot 4. C 5. D Sanggunian Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. pa. 114-118, 182, 213-214 at 227. Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc. pa. 42-44 at 313-315. Literature: World Masterpieces. (1996). USA: Prentice-Hall, Inc. Gonzales, L.F. (1982). Panitikan sa Pilipino 2: (Pandalubhasaan) (Vol. 2). Quezon City: Rex Bookstore. Apuleius Z.M. (ND). Metamorphoses: The Tale of Cupid and Psyche. Luca, C. (ND). The Origin of the Name ‘Italy’. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa http://www.yourguidetoitaly.com/origin-of-the-name-italy.html mu Cupid at Psyche | Greek Mythology. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A. Cupid at Psyche – Tagalog Subbed. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=fTtk3TTWbjc. Labindalawang diyos at diyosa. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8 The Twelve Olympians. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://greekgodsandgoddesses.net/olympians/. The Olympian Gods. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://www.infoplease.com/arts-entertainment/mythology/olympian-gods-and- goddesses Elemento ng Mitolohiya. Nahango noong Mayo 25, 2020 mula sa https://www.academia.edu/31496630/ELEMENTO_NG_MITOLOHIYA Mga Kayarian ng Salita at halimbawa. Nahango noong Mayo 25 mula sa https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html. Ang Simula ng Encantadia. Nahango noong Hunyo 26, 2020 mula https://encantadiasaga.wordpress.com/2016/07/17/ang-simula-ng-encantadia- full-transcript/ Si Malakas at Si Maganda. Nahango noong Hunyo 26, 2020 mula https://www.panitikan.com.ph/si-malakas-at-si-maganda-buod/ Ang Kuwento ng Encantadia. Nahango noong Hunyo 26, 2020 mula https://www.youtube.com/watch?v=VLSNVXV0BM0 Rimando, Rodel R. (2020). Larawan ng mga Diyos at Diyosa ng mga Greek at Roman. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://aminoapps.com/c/mystic- messanger/page/blog/psyche-cupid/QdL1_7rcXulKBlwoz57prvle1l2npJjXj5 Mabalot, Charles D. (2020). Muling Guhit nina Cupid at Psyche. Nahango noong Mayo 10, 2020 mula sa https://mcswhispers.wordpress.com/2017/01/06/the-psyche-of- eros/ 33 CO_Q1_Filipino10_Module1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser