Filipino 10 Reviewer - Q1 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a reviewer for Filipino 10. It covers topics such as mythology, Greek and Roman Gods, and includes various examples.
Full Transcript
Filipino 10 Ang mga kuwento ay nasa ilalim Mitolohiya -nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat. Mito/Myth - ay galing sa salitang Latin na mythos at sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. - ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa b...
Filipino 10 Ang mga kuwento ay nasa ilalim Mitolohiya -nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat. Mito/Myth - ay galing sa salitang Latin na mythos at sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. - ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. - sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga ayito, Diyos, at Diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Gamit ng Mitolohiya 1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig. 2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan. 3. Maikuwento ang mga sinaunang gawain panrelihiyon. 4. Magturo ng mabuting aral. 5. Maipaliwanag ang kasaysayan. 6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa sangkatauhan. Ang Mitolohiya ng Taga-Rome - tungkol sa politika - ritwal - moralidad - kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Aenid - pambansang epiko ng Rome - pinakadakilang likha ng Panitikang Latin - isinulat ni Virgil Iliad at Odyssey - isinasalaysay ni Homer - dalawalang pinakadakilang epiko sa mundo - mula ito sa Greece Metamorphes - sinulat ni Ovid na isang makatang taga Rome - ayon ito sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil. - tungkol ito sa mga Diyos at Diyosa. The Great 12 Olympian Gods 1. Zeus (Greek) Jupiter (Roman) - hari ng mga Diyos; Diyos ng kalawakan at panahon - tagapagparusa 2. Hera (Greek) Juno (Roman) - reyna ng Diyos - tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa - asawa ni Jupiter 3. Poseidon (Greek) Neptune (Roman) - kapatid ni Jupiter - hari ng karagatan, lindol - kabayo ang kaniyang simbolo 4. Hades (Greek) Pluto (Roman) - kapatid ni Jupiter - panginoon ng impyerno 5. Ares (Greek) Mars (Roman) - Diyos ng digmaan - buwitre ng ibon ang maiiugnay sa kaniya 6. Apollo (Greek) Apollo (Roman) - Diyos ng propesiya, liwanag ng araw, musika, at panalaan. - Diyos din ng salot at paggaling - dolphin at uwak ang kaniyang simbolo 7. Athena (Greek) Minerva (Roman) - diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan - kuwago ang ibong maiiugnay sa kaniya. 8. Artemis (Greek) Diana (Roman) - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan. 9. Hephaestus (Greek) Vulcan (Roman) - Diyos ng apoy, bantay ng mga Diyos 10. Hermes (Greek) Mercury (Roman) - mensahero ng mga Diyos, paglalakbay, pangangalakad, siyensa, pagnanakaw, at panlilinlang 11. Aphrodite (Greek) Venus (Roman) - diyosa ng kagandahan, pag-ibig - kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya. 12. Hestia (Greek) Vesta (Roman) - kapatid na babae ni Jupiter - diyosa ng apoy mula sa pugon Cupid at Psyche - isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Psyche -maganda at mapagmahal; matapang harapin ang pagsubok sa ngalan ng pag-ibig. Cupid - diyos ng pag-ibig; umibig kay Psyche at ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan. Venus - diyosa ng kagandahan; selosa at mapanibugho, binigyan ng mga pagsubok si Psyche. Zephyr - ang hangin na tumulong kay Psyche. - Diyos ng hangin Jupiter - diyos ng mga diyos; nagbigay ng basbas sa kasal nina Cupid at Psyche. Ilog ng Styx - ilog, kung saan kumuha ng itim na tubig si Psyche Proserpine - reyna ng kaharian sa ilalim ng lupa Charon - ang bangkero ng bangka na sinakyan ni Psyche upang makatawid. Cerberus (Isang aso tatlong ulo) - nagbabantay sa pintuan ng palasyo Cake - binigay sa aso para makapasok Ambrosia - pagkain ng mga Diyos at diyosa Wigan at Bugan - isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Wigan - lalaki Bugan - naglakbay Kiyangan - dito nakatira sila Wigan at Bugan sa Kiyangan Diyos na hinahanap - Ngilin, Bumabbaker, Bolang, Diyos ng mga hayop Igat (eel) - isang uri ng isda Ibyong - lugar Poitan Nahbah, Baningan Ilog ng Kinakin Lawa ng Ayangan - dito natagpuan ni Bugan ang igat Lawa ng Lagud - dito natagpuan ni Bugan ang Buwaya Pating (shark) Bumabbaker - naamoy si Bugan Baboy, Manok, Kalabaw - binigay kay bugan ng mga Diyos Bu-ad - tawag sa ritwal Pandiwa - ang pandiwa ay ginagamit sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari - nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang tao Mga Gamit ng Pandiwa 1. Aksiyon - may aksiyon ang pandiwa kapag may actor o tagaganap ng aksiyon o kilos. Hal. - Nagluto si Nanay ng masarap na ulam. - Itinapon ni Colleen ang regalo ni Mark - Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga Diyos. - Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus 2. Karanasan - nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. - dahil may nakaranas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Hal. - Nalungkot ang lahat nang nabalitaan ang masamang nangyari. - Natuwa si Cupid sa tagumpay ni Psyche. 3. Pangyayari - ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari. Hal. - Nagdiwang ang buong kaharian sa pagkaligta niya sa anak ng hari at reyna. - Nalunod ang mga tao sa matinding baha. Parabula Parabole - English Parabole - Greek - pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin Parabula - ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay sa Banal na Kasulatan. - realisyiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. - may tanong mapagmungkahi at maaaring may sangkap na misteryo Elemento ng Parabula 1. Tauhan 2. Tagpuan 3. Banghay 4. Aral o Magandang Kaisipan Katangian ng Parabula - reyalistiko ang banghay - tauhan ay tao - may mga tanong na mapagmungkahi - may sangkap na misteryo Ang Tusong Katiwala - isang parabula tungkol sa isang katiwala nagustong paalisin ng kanyang amo. - ito ay isang kwento tungkol sa isang katiwalang naglulustay ng ari-arianng kanyangamo. Nalaman ito ng kanyang mayaman na amo at inutusansiyang mag-ulat tungkol sa kanyang pangangasiwa. Nagingsuliranin ito ngkatiwala sapagkat, totoong nilustay niya ang ari-arian ng kanyang amo.Kaya naman, ginamit niya angkanyang pagkatuso upang malusotan ito.Binawasan niya ang bawat utang ng mga tao sa kanyang amo ng kalahatiupangmatakpan ang kanyang nalustay na ari-arian. -makikita sa Lukas 16: 1-15 Sino ang mga tauhan sa Tusong Katiwala? - ang mga tauhan ay sina Hesus, mga Alagad ni Hesus, mayayamang tao na may katiwala, katiwala, mga may utang sa amo ng may katiwala at mga Pariseo. Saan ang tagpuan ng Tusong Katiwala? - tahanan ng kaniyang amo, at tahanan ng may utang sa kaniyang amo. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng Tusong Katiwala - ikinagalit ng amo ang balita tungkol sa paglulustay ng kaniyang katiwala sa kaniyang ari-arian. - nilapitan niya lahat ng nagkautang sa kaniyang amo at pinapirma ng bagong kasulatan kung saan mas mallit na ang utang nito kesa dati.- - natuwa ang amo ng matuklasan ang ginawang katusuhan ng kaniyang katiwala. Aral na makukuha sa Ang Tusong Katiwala - ang kuwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. - dapat maging tapat ka sa mga taong nagtitiwala sayo sa maliit man o malaking bagay. Butil ng Kape - isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo - amang magsasaka - ayon sa anak, hindi makatarungan ang kaniyang buhay. - nilagyan ng ama ang tatlong palyok ng tubig at saka isinalang sa apoy. - inilagay ng ama ang carrot, pangalawa ang itlog, panghuli ang butil ng kape. Mensahe ng Butil ng Kape - ang mensahe ng kwento tungkol sa butil ng kape ay kung paano mohaharapin ang mga pagsubok sa buhay. - ipinapaliwanag dito ang iba't ibang paraan ng pagtugon sa mga suliranin tulad ng carrots na pinakuluan at lumambot, ang itlog na tumigas at ang butil ng kape na nagkaroon ng ibangbango at saysay. Maihahalintulad ito sa isang tao na sinubok ngunit sa simula lang malakas at kalaunan ay naging mahina at sumuko. - ang itlog naman ay mula sa mistulang malinis at malambot na balat nito ay biglang tumigas pagkatapos mapakuluan parang yung ibang tao na sa una sa mabubuti ngunit pagkatapos subukin ay nagiging matigas ang mga puso para sapagpapatawad. - samantalang, ang kape na pinakuluan na nagkaroon ng ibang lasa at amoy at parang ang taong iniharap mo sa maraming problema ngunit sa halip na maging mahina o kaya'y matigas ay nagbago at nagkaroon ito ng karagdagang gamit o sangkap at mas natututo ito sa pagsubok nanaranasan, mas nagiging mabuti kompara sa una. Alegorya - ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan at ibig sabihin. - Ito ay maaring magpahayag ng isang ideyang abstrak, mabubuting mga kaugalian, tauhan at isang pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan. - Ito ay nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan. - Ito ay nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento tungkol sa kabutihan at kasamaan, at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa ating buhay. - Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga tauhan at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig. Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamaraan: 1. Literal 2. Simboliko o masagisag Alegorya ng Yungib - isang sanaysay na ginawa ni Plato - ay tungkol sa isang tao na matatagpuan sa loob ng kweba na nakatali at nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay may apoy at ang tanging nakikita niya ay ang mga anino ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita niya ang katotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan na siya ay makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng kweba Yungib - nagsisimbolo sa utak Mga Bilanggo - tayo mismo Mga tao may dalang gamit - puppeteer Anino - inaakalang katotohanan Freeman - mga namulat sa katotohanan Araw - nagsisimbolo sa katotohanan Repleksiyon - nagsisimbolo ng katotohanan Ano ang Sanaysay? Sanaysay - nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay - isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha - pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao - komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw - sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari - uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao Uri ng Sanaysay 1. Pormal 2. Di-pormal Sulating Pormal o Maanyo - sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag- aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. - inaakay ng manunulat ang mga manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos. Sulating Di-pormal o malaya - ang mga sanaysay na di-pormal o sulating malaya ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. - ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. - karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba't ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda. Elemento ng Sanaysay Tema at nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi. Anyo at Istruktura - maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema Wika at Istilo - mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag Larawan ng Buhay - nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay - masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda Damdamin - naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan Himig - naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin Bahagi ng Sanaysay Panimula - pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa · dapat nakapupukaw ng atensyon Katawan - makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay Plato Asignaturang Naituro - Philosophy - Etika (Ethics) - Lohika (Logic) - Retorika (Rhetorics) - Relihiyon (Religion) - Sipnay (Mathematic) At ang walang hanggang tema "Platonic Love” ang Teorya ng Anyo Ano ang ALEGORYA? - isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. - ito ay maaaring magpahayag ng ideyang abstract, mabubuting kaugalian, at tauhan o pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon at panlipunan - ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamamaraan: literal at simboliko o masagisag. - ang alegorya ay nilikha upang magturo ng mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o kasamaan - ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari atb. sa isang alegorya at may mahalagang sinasagisag. - narito ang ilang mahahalagang impormasyon buhat sa Banal na Aklat. Mga Layunin ng Alegorya ng Yungib Makilala ang Kaibhan ng Anyo o Itsura sa Realidad 1. May posibilidad na magkaroon ng maling pag-unawa sa mga bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman etc. Maliwanagan 1. mga anino patungo sa realidad 2. pagkasangkot ng sakit at kalituhan 3. sa pakiramdam na hindi ka kabilang sa lahat 4. Paroroonang paglalakbay 5. Pinauunlad ka subalit ikaw ay nagiging kakaiba "nerd" 6. Binigbigyan ka ng malamyang pangkaisipan Ipakilala ang Teorya ng mga Ideya 1. Ang alegorya ng nagbibigay ng mga pagkakatulad mula anino hanggang sa pisikal na kaanyuan, mula sa pisikal na kaanyuan patungo sa mga Ideya Alegorya Ng Yungib - ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. - may apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. - at dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay. Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Damdamin 1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. - kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. - inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito: a. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa - Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commission on Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016. - Batay sa Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. - Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod amg paggamit ng Nobela - ito ay isang mahabang uri ng piksiyon na madalas ay nakasulat nang tuluyan o prosa. - maaaring makapagsalaysay sa nobela ng serye ng mga pangyayaring malawak ang saklaw. - madalas binubuo rin ito ng maraming tauhan. - ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang aklat ang haba na ang banghay ay inilalantad sa pamamagitan ng mga tauhan at dayalogo. Kaligirang Pangkasaysayan Novelus (Latin) Novella(Kastila) Novel (Ingles) Ang mga Kastila ang nagdala nito sa Pilipinas Layunin ng Nobela - gumising sa diwa at damdamin - nananawagan sa talino ng guni- guni - mapukaw ang damdamin ng mambabasa - magbigay ng aral tungo sa pag- unlad ng buhay at lipunan - nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan - nagbibigay inspirasyon sa mambabasa Katangian ng Nobela 1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan 2. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay 3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad 4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili 5. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan 6. maraming ligaw na tagpo at kaganapan 7. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari 8.malinis at maayos ang pagkakasulat Bahagi ng Nobela 1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela 3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. Pananaw - panauhang ginagamit ng may- akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda 5. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayarı Uri ng Nobela 1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan 2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na 3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa 4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa 5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan 7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o Sistema Dakilang Nobelista Jose Rizal - sinulat niya ang Noli me Tangere at El Filibusterismo Tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela 1. isang kuwento o kasaysayan 2. isang pag-aaral 3. paggamit ng malikhaing guni-guni. Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang. - maari rin itong magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan, o magbigay ng isang aral. Mga Pangyayari - dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari ay magkakaugnay. - may panimula, papaunlad na mga pangyayari na magsasalaysay ng tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na patungo na sa wakas. Paglalarawan ng tauhan - ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng tauhan. - ito'y ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay kaya't parang mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Kuba ng Notre Dame - ay isang nobela na tumatalakay sa isang kubang lalaki na palaging kinukutya dahil sa kanyang hitsura at minsan na rin siyang umibig sa isang dalaga. - Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo - Isinulat ni Victor Hugo Tauhan sa “Ang Kuba sa Notre Dame” 1. Quasimodo - “papa ng kahangalan” - protagonista - literal na kahulugan ng Quasimodo ay kalahati - protagonista sa nobela - ang puso niya ay sadyang dalisay (pure heart) at ang kadalisayan na ito ay nakaugnay sa katedral ng Notre Dame. - bingi (deaf) - ang pagmamahal niya sa kampanilya (bell) ng katedral ng Notre Dame ay para sa napakagagandang tunog na kumakatawan sa kanyang natatanging paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao. - siya ay inabandunang bata na naiwan sa notre dame at pinalaki ni Claude Frollo. - mayroon siyang napakalubha at napakalaking hump sa likod o sa ibang pagpapaliwanag, siya ay may malalang kakubaan, at mayroon siyang isang higanteng kulugo na halos sumasaklaw na sa isa niyang mata. 2. Pierre Gringoire - nagpupunyaging makata at pilosopo - nasagip ni La Esmeralda mula sa pagkabitay 3. Claude Frollo - paring antagonista - may pagkamahabagin (isang pakiramdam ng pagbibigay ng awa at habag para sa isang tao dahil sa isang pangyayari o sitwasyon.) - mahal niya ang kaniyang kapatid na si Jehan - kinupkop si Quasimodo at tinuruan maging iskolar - naglusong at nagsanib sa itim na mahika at kabaliwan dahil sa pagkabigo na paunlarin sina Jehan at Quasimodo - si Jehan ay naging mang-iinom, palaging nagsusugal gamit ang lahat ng kanyang pera, at talagang nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. - habang ang pagkabingi naman ni Quasimodo ay halos imposible na siyang maturuan ng kahit na ano. - si Quasimodo ang naging simbolo ng kabiguan ni Frollo kaya ginamit niya si Qausimodo sa paghiganti 4. La Esmeralda - babaeng niligtas ni Quasimodo 5. Phoebus - alagad ng hari 6. Sister Gudule - babaeng dating mayaman pero nasiraan ng bait nung nawala ang kaniyang anak na babae. - ang nawawalan na in ani La Esmeralda - ayaw sa tunog ng mga batang naglalaro - ayaw kay La Esmeralda dahil kumbinsiso siya na si La Esmeralda ang gypsy na nagnakaw ng batang inamun niya noon. - isinakripsyo ang buhay para mailigtas si La Esmeralda Ano Ang Panghalip? Panghalip - ang panghalip ay salita o kataga na panghahalili sa pangngalan ng tao, bagay, hayop at lugar. - ito ay salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. - ang salitang panghalip ay nangangahulugang panghalili o pamalit. Anapora - ito ay panghalip ng ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan. Mga halimbawa: a. Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap b. Si Rita'y nakapagturo sa paaralang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak. Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan. Mga halimbawa: a. Siya'y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya! b. Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga- France ay sunod sa uso manamit. Ang Cohesive reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol - ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita. Halimbawa: - Ito, dito, doon, iyon (para sa lugar/ bagay/hayop sila., siya, tayo, kanila, kaniya (para sa tao/hayop) Epiko - ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga divos o divosa. - ang salitang Epiko ay mula sa salitang Griyego na Epos na ang ibig sabihin ay salawikain o awit ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay. Layunin ng Tulang Epiko 1. Ang gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. 2. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakahaharap, lalong magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito'y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. Ang Epiko ni Gilgamesh - isinalin sa Filipino ni Cristina S. Chioco - isang epiko mula sa Mesapotamia (ngayon ay Iraq) ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay Bilgamesh (salitang Sumerian para sa Gilgamesh), hari ng Uruk. Mga Tauhan sa Ang Epiko ni Gilgamesh Anu - diyos ng kalangitan; ang diyos ama Ea - diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao Enkido - kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad Enlil - diyos ng hangin at ng mundo Gilgamesh - hari ng Uruk at ang bayani ng Epiko Ishtar - diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo Ninurta - diyos ng digmaan at pag-aalitan Shamash - diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao Siduri - diyosa ng alak at mga inumin Urshanabi - mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim. Utnapishtim - iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan. Ang Kuwintas ni Guy de Maupassant - Isinalin sa Filipino ni - Mathilde Loisel / Gng. Loisel Dokar - lumang sasakyan / kalesa Kultura Ng France: Kaugalian At Tradisyon - Kulturang Pranses sa Paris na sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura. - Celtic at Gallo-Roman Culture - Franks, isang tribong German - Ang France ay unang tinawag na Rhineland - Iron Age at Roman Era ay tinawag na Gaul. Mga wika sa France French - ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, - ito ang wikang opisyal ng France - unang wika ng 88% ng populasyon - ikalawang wika ng mga tao ng hindi French ang mother tongue 3% ng populasyon ang nagsasalita ng wikang German Flemish sa hilagang-Silangan Arabis - ikatlong pinakamalaking wikang ginagamig Italian - ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy Basque - mga nakatira sa French-Spanish-Border Relihiyon ng France Katoliko - pangunahing relihiyon ng France - 80% ng mga tao ay katoliko Islam Protestante Judaism Pagpapahalaga ng mga taga-France - malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-france sa kanilang bansa at pamahalaan - Chauvinism - Male-dominated culture - Egalite-Equality - Liberte-liberty-Freedom - Fraternite-Fraternity-Kapatiran Lutuin ng mga Taga France - pagkain at alak ang sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan at maraming pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. - palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain - Crusty Baguettes - Boeuf bourguinon - Keso - mahalagang sangkap ng bawat pagkaing French 1.Coq Au Vin 2. Steak-Frites 3. Cassoulet 4. Quiche 5. Soupe a l'Oignon(Sopas ng Sibuyas) 6.Tarte Tatin 7. Bouillabaisse 8. Souffle 9. Ratatouille 10. Magret de Canard (Duck Breast Pananamit - ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses - ang mga taga-France ay kilala sa hindimatatawarang mariringal na pananmit. - Sopistikado - Sunod sa uso - Disente - Amerikana - Terno - Mga Bandana - Berets Sining - ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France - Gothic - Romanesque Rococo - Neoclassic Ang Epiko ni Gilgamesh - isang isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna – unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh. Homer ng Greece - nagsimula sa kaniya ang tradisyon ng Epiko sa Europa noong 800BC. - Illiad at Odyssey Dactylic Hexameter - isang estilo ng pagsulat ng epiko - ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Virgil - lumikha ng isa sa mga mahalagang epiko ng Emperyong Romano. - sinulat ang Aeneid Dante - manunulat sa Italy - sinulat ang The Divine Comedy Espanyol - El Cid o El Cantar Mio Cid, sinulat ni Per Abbat Germany - dalawang epiko: The Heliad at The Nibelungenlid. Ingles - Beowulf Pilipinas - Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-ang ng Ilocos, at Tuwaang ng mga Bagobo. --------------------------------------------------GOODLUCK -------------------------------------------------------------- Cupid at Psyche Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat May hari at reyna na may tatlong magagandang anak na babae. Ang bunsong si Psyche ang siyang pinakamaganda sa lahat. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Palaging kinukumpara ang ganda nito sa diyosa ng kagandahan na si Venus. Sinasabing mas higit pa itong maganda kaysa sa diyosa. Maging ang pag-aalay sa templo nito any nakalimutan na rin ng kalalakihan. Nagalit si Venus sa mortal na si Psyche at agad niyang inutusan ang anak na si Cupid na paibigin ang dalaga sa isang halimaw. Hindi na niya naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya agad ang kaniyang puso. Hindi nagawa ni Cupid ang pinapagawa sa kanya ng kanyang ina. Samantalang umasa si Venus na nagawa ng anak ang kanyang inutos. Subalit laking pagtataka niya nang walang nangyayari kay Venus. Ang mga magulang naman ni Psyche ay nabahala para sa kanilang anak. Humingi sila ng payo kay Apollo na kung ano ang maaaring gawin upang makahanap ito ng pag-ibig. Ipinayo ni Apollo na bihisan nila ng pamburol ang anak at iiwan sa bundok nang mag-isa. Labag man sa kanilang kalooban ay tumalima sila sa payo ni Apollo. Nalulungkot man ang lahat sa pangyayari, buong-pusong tinanggap ni Psyche ang kanyang kapalaran. Nag-iisang naghintay si Psyche sa bundok. Nanginginig man sa takot hinintay niya kung ano man ang mangyayari sa kaniya. Dumating ang malamig na hangin ni Zephyr, nilipad siya nito at inilapag sa damuhang kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nawala ang kanyang pangamba habang nalilibang sa mansiyon. Hindi man nakikita ang mga kasama sa mansiyon, naaaliw siya sa mga musika ng lira at mga awitin ng koro na naririnig lamang niya. Pagsapit ng gabi nangyari ang di niya inaasahan. Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig, hindi niya rin nakikita ang lalaki. Narinig niya bumulong ang lalaki sa kanya na nagpawala ng kaniyang takot at pangamba. Nababatid niyang hindi halimaw ang kaniyang mangingibig. Isang gabi’y kinausap siya ng lalaki at binalaan hinggil sa maaaring mangyari na kasangkot ang kaniyang dalawang kapatid. Pakiusap nito na huwag siyang magpapakita sa mga ito. Nangyari nga ang sinabi ng lalaki. Hindi niya matiis ang pananangis ng mga kapatid. Hiningi niya sa asawa na makita ang mga ito. “Pagbigyan mo lang ang kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid,” buong pagmamakaawang hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki. Dinala siya ng ihip ni Zephyr sa kaniyang dalawang kapatid. Tuwang-tuwa silang nagyayakapan habang nag-iiyakan. Dinala niya ang mga kapatid sa kaniyang mansiyon. Labis na nanibugho ang mga kapatid sa nakikita nila sa paligid. Lalo pa ng dumakot ito ng mga hiyas at ginto bilang pabaon bago sila pinahatid kay Zephyr. Sa nakita ng magkapatid na walang katumbasa nakitang yaman ni Psyche ay binalot ng inggit ang mga ito na nauwi sa masamang balak. Kinagabihan, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa siyang huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong pangako,” masidhing paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga kapatid. Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang malagim na balak sa kanilang bunsong kapatid. Kanila itong kinausap nang kinausap. Nasuyo nila ang kapatid na dapat makita nito ang mukha ng asawa sapagkat ito ay isang nakakatakot na nilalang. Doon napagtanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki dahil isa itong halimaw. Nang malalim na ang gabi at mahimbing na ang tulog ng lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang tinagong punyal. Patiyad na lumapit sa higaan upang makita ang mukha ng lalaki. Laking tuwa niya nang malaman na hindi halimaw ang asawa kundi isang napakagwapong lalaki. Sa pagnanais na makita pa nang matagal ang mukha ng asawa ay nilapit niya ang lampara sa mukha nito. Hindi niya napansin na natuluan ng langis ang dibdib nito. Bigla siyang nagising at umalis. Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “ Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang kaniyang paglalakbay. Umuwi si Cupid sa kaniyang inang si Venus upang magpagaling. Kaniya ring tinuran ang nangyari sa ina. Nagpuyos sa galit si Venus at determinado itong ipakita sa mortal kung paano magalit ang diyosa. Naglakbay si Psyche at pinilit na makuha ang panig ng mga diyos. Subalit wala ni isang tumulong sa kaniya sapagkat natatakot din ang mga itong maging kaaway ng diyosa. Nabuo ang pasya ni Psyche na tumungo na lamang sa kaharian ng diyosa at harapin ang galit nito sa pagbabakasaling naroon din ang kaniyang kabiyak. Napahalakhak na lamang si Venus nang nabatid niyang pumunta si Psyche sa kanyang palasyo. Dahil sa galit at bilang parusa ay binigyan niya ito ng mahihirap na pagsubok. Kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago pa dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon. Lahat ng pagsubok ay napagtagumpayan ni si Psyche sa tulong na rin ng mga nasa paligid niya. Ang huling pagsubok ay ang pagkuha ng kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine. Pabalik na sa palasyo ni Venus si Psyche nang natukso itong kumuha ng kahit kunting ganda lamang mula sa kahon na naging sanhi ng kanyang panghihina. Nagising si Cupid mula sa pagpapagaling ngunit nagtaka siya kung bakit siya kinulong ng ina. Napagtanto niya ang lahat at naghanap ng paraan upang makatakas. Hinanap niya ang asawa at nakita niya itong nanghihina. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang ina. Tumungo si Cupid sa kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Humiling ito na sila’y tanggapin bilang mag-asawa. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos at pinakain ng ambrosia, ang pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At kung maninirahan na ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus. Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño Isinalin ni: Vilma C. Ambat “Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si Wigan. “Hindi man langtayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!” Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-momma tayo at saka natin isipinkung ano ang dapat nating gawin.” Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan na magtungo sa tahanan ngmga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin,Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.” Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa Poitan, nagtungosiya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa saAyangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan,“Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak niWigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito. “Sige magtungo ka sa silangan atmakipagkita ka sa mga diyos.” Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo salugar ng mga diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit kanaririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng akingasawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “ Hindi kita maaaring kainin sapagka’tnapakaganda mo.” Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap,kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi akomagkakaroon ng anak.” Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna saaking tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sahapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mgadiyos na sina Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong nanasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang kaalaman, nasa loob lamang ng bahay siBumabbaker. “May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ngginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon. “Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan. “Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker. Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy, manok at kalabaw.“Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ngmga anak, masaganang ani at pamumuhay.” Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilangsambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan angkanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan. "Ang Ningning at ang Liwanag" Emilio Jacinto Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-sapoy na sikreto ng araw ay nagningning: ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang nakaugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Datapwa'y marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang Isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangili at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya'y mabubuhay sa sipag at kapagalang tunay. Ay! Sa aling pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita. Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na nga ang mga hari at mga pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran, Ang kalikuhan at ang katalampasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin. Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko ay, ay matututo kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? Ang Kuba ng Notre Dame (Buod) ni Victor Hugo Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa "Pagdiriwang ng Kahangalan" na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo - ang kuba ng Notre Dame bilang "Papa ng Kahangalan" dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si ClaudeFrollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki - sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya't nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus - ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya - na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng "hamak na mananayaw" at "anak ng magnanakaw. "Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas. Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan. Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan, Ilang sandali'y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang "Santuwaryo". Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga't nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw - sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal - si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, "walang ibang babae akong minahal." Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo. Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani- paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga. Ang Alegorya ng Yungib ni Plato Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet. Nasilayan ko. At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo. Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino? Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila? Tunay nga. At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig? Walang tanong-tanong, ang tugon. Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon niya? O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan? Malayong katotohanan. At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa kasalukuyan? Totoo, ang sabi niya. At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan – ang katotohanan. Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya. Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa Liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga. Tiyak. Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya. Tiyak. At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig. Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay namapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila? Tiyak at tumpak. At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi? Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag- habag na kalagayan. Para makatiyak, sabi niya. At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan. Walang tanong, ang sabi niya. Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito. Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka. At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan. Oo, tunay na likas. At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan. Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon. Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib. Iyan, ang sabi niya na dapat itangi. Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan ni Plato sa halaga ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan. Ngayon, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw? Ang Epiko ni Gilgamesh Salin sa Ingles ni N.K Sandras Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chico 1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya. Pagyamanin 2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa- kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman. 3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik 4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag- iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.” 5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani- paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” 6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. 7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.