FIL Q1 QE REVIEWER PDF

Document Details

FamousAntigorite5870

Uploaded by FamousAntigorite5870

Tags

Tagalog Literature reviewer materials Filipino literature literature analysis

Summary

This document is a Tagalog literature reviewer for Filipino high school students. It covers definitions and analysis of literature.

Full Transcript

KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PANITIKAN Batay sa Pagsusuri ni Dr. Jose Villa Panganiban Etymology ng Salitang "Panitikan": ○ Ang salitang "panitikan" ay binubuo ng: Unlapi: pang- Hulapi: -an Salitang-ugat: titik ○ Pagkal...

KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PANITIKAN Batay sa Pagsusuri ni Dr. Jose Villa Panganiban Etymology ng Salitang "Panitikan": ○ Ang salitang "panitikan" ay binubuo ng: Unlapi: pang- Hulapi: -an Salitang-ugat: titik ○ Pagkaltas ng letrang "t", kaya naging "panitikan" na katumbas ng salitang "literature" sa Ingles. Mga Iba't Ibang Depinisyon ng Panitikan: 1. Sauco, Papa, Geronimo (2004): ○ Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak, at pangamba. 2. Hon. Azarias (Pilosopiya ng Literatura): ○ Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa iba't ibang bagay—sa daigdig, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Diyos o Bathalang Lumikha. 3. Arrogante (1983): ○ Ang panitikan ay talaan ng buhay kung saan isinasalaysay ng tao ang mga bagay na kanyang napupuna sa kulay ng buhay at sa kanyang daigdig. 4. Salazar (1995): ○ Ang panitikan ay isang makapangyarihang kasangkapan na nagpapagalaw sa lipunan. Maaari itong magpalaya ng mga ideya na nagpupumiglas upang makawala. 5. Webster: ○ Ang panitikan ay anumang naisasatitik na may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito'y totoo, kathang-isip, o bungang-tulog lamang. Buod: Ang panitikan ay isang masalimuot at malawak na konsepto na kinapapalooban ng iba't ibang aspeto ng buhay, damdamin, at karanasan ng tao. Isa itong mahalagang kasangkapan sa pagpapahayag ng mga saloobin at ideya, pati na rin sa pag-unawa sa lipunan, pananampalataya, at kaugnayan ng tao sa Diyos at sa kanyang kapaligiran. Mga Saligan sa Pagsusuri ng Panitikan: 1. Magkaroon ng Likas na Kuro-kuro 2. Pag-unawa sa Buhay ng May-Akda 3. Pagiging Tapat at Obhektibo 4. Pagkakaroon ng Batayan o Patunay 5. Masinsinang Pagbabasa at Paglalagom Buod: Ang bisa ng akda sa isip, kaasalan, at damdamin ng mambabasa ay nagpapakita ng malalim na impluwensya ng panitikan sa buhay ng tao. Sa isip, nagdudulot ito ng kaalaman at pagsusuri; sa kaasalan, hinuhubog nito ang moralidad at pagkatao; at sa damdamin, binubuhay nito ang emosyon na nag-uugnay sa mambabasa sa mga tauhan at mga pangyayari sa akda. PANUNURING PAMPANITIKAN Mga Tala tungkol sa Pagsusuri ng Akdang Panitikan Ano ang Pagsusuri? Ang pagsusuri ay isang pag-aaral na nagbibigay-paliwanag, reaksyon, at buhay sa sining ng isang akdang pampanitikan. Malalim na paghimay ng mga akda gamit ang iba't ibang dulog ng kritisismo upang maunawaan nang mas malalim ang panitikan. Kahalagahan ng Pagsusuri: 1. Pagpapalawak ng Kaalaman: 2. Makatarungang Paghuhusga: 3. Pagpapaliwanag ng Mensahe at Layunin: 4. Pagtuklas sa Estilo ng Manunulat: Bisang Pampanitikan (Bisa sa Isip, Damdamin at Kaasalan) 1. Bisa sa Isip Pagkatuto at Pag-unlad ng Kaalaman: Ang pagbasa ng isang katha ay nagbibigay ng bagong kaalaman sa mambabasa. Pagsusuri at Pagtimbang ng Impormasyon: Hindi lahat ng impormasyon mula sa akda ay tinatanggap agad; ito’y sinusuri upang makabuo ng makabuluhang ideya na nagiging bahagi ng karanasan ng mambabasa. Pagsusuri ng Sarili: Mababatid kung nagkabisa ang katha sa pamamagitan ng pagsusuri kung nagkaroon ng pagbabago sa kaalaman, pananaw, at pag-unlad ng kaisipan. Gabay sa Pagpapasiya: Ang mga natutunang kaalaman ay magiging gabay sa mga desisyon ng mambabasa sa hinaharap. 2. Bisa sa Kaasalan Pilit sa Pagkatao: Ang damdaming naramdaman mula sa mga tauhan ay lumikha ng pilat sa katauhan ng mambabasa, nag-iiwan ng pamantayang moral na nagsisilbing batayan ng pagsusuri ng sariling pagkatao. Paghahambing ng Sarili sa mga Tauhan: Inihahambing ng mambabasa ang sarili sa mga tauhan sa akda, sinusuri kung magkatulad ba sila ng kilos, ugali, at kaasalan. Pagbabago ng Pagpapahalaga: Anumang aral o moralidad na napulot sa nabasa o napanood ay nagiging bahagi ng moral na pagpapahalaga ng mambabasa at nagdudulot ng pagbabago sa kanyang paniniwala. 3. Bisa sa Damdamin Pagiging Bahagi ng Katha: Habang nagbabasa ng akda, nagiging bahagi ang mambabasa ng mga pangyayari at nararamdaman ang damdamin ng mga tauhan. Pagpukaw ng Emosyon: Ang pagbabasa ay nagdudulot ng iba’t ibang damdamin—kasiyahan, galit, takot, pag-asa—na natitinag ang puso’t damdamin ng mambabasa. Pag-apekto sa Pandama at Alaala: Nakikigalak o nakikilungkot ang mambabasa sa mga tauhan. Ang damdamin ng tauhan at ng may-akda ay sabay-sabay na pumupukaw sa emosyon ng nagbabasa. MGA KATANGIAN NG KRITISISMO/PANUNURI Katangian ng Pagsusuri: Pag-unawa sa Kaisipan at Simbolismo: Mahalaga ang pagsusuri upang malaman ang mga natatagong kaisipan, simbolismo, at ideya ng may-akda. Malalim na Pagsusuri: Ang isang mambabasa o manunuri ay kailangang may malawak na pang-unawa at masusing pagmamasid upang mabuo ang paglalahat sa akda. Pag-abot sa Mensahe ng May-Akda: Sa pagsusuri, matutuklasan ang tunay na layunin ng may-akda, kasama na ang pahiwatig at simbolismo na ginamit niya. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Panunuri: 1. Pagkilala sa Uri ng Akda: Tukuyin kung ito ay nobela, maikling kuwento, sanaysay, tula, dula, at iba pa. 2. Masinsinang Pagbabasa at Paglalagom: Basahin nang maigi ang akda at gumawa ng maikling lagom para maipahayag ang pangunahing diwa ng akda. 3. Pagpapahalaga sa Nilalaman at Estilo: Bigyan ng halaga ang paraan ng pagkakasulat ng akda at ang nilalaman nito. 4. Balanseng Pagpapakahulugan: Ibanggit ang kahusayan at kahinaan ng akda at magbigay ng karampatang interpretasyon. 5. Gamit ng Sipi o Quotation: Pumili ng mga angkop na sipi mula sa akda at lagyan ng maikling paliwanag upang mas palalim ang pagsusuri. 6. May Batayan sa Pagsusuri: Iwasan ang pagbibigay ng opinyon na walang patunay. Ang mga pahayag ay kailangang may sapat na batayan. 7. Pagsunod sa Pamantayan: Tiyakin na ang mga pagpapasya ay nakabatay sa tamang pamantayan, ngunit maaari ring isama ang sariling pananaw nang may katapatan. Pangangailangan ng Panunuri: Kaalaman sa Paksa: Ang manunuri ay dapat may malalim na kaalaman sa paksang tinatalakay ng akda. Pag-unawa sa May-Akda: Mahalaga rin ang pag-alam sa buhay at kaisipan ng may-akda upang maunawaan ang mga karanasan at damdaming nasa akda. Kakayahang Magsuri: Dapat ay may sapat na kaalaman sa mga bahagi at aspekto ng panitikan upang maging masusing manunuri. Katapatan at Likas na Kuro-Kuro: Dapat tapat ang manunuri at may likas na kakayahang bumuo ng kuro-kuro. Balangkas ng Pagsusuri: I. Pamagat ng Katha – May-akda II. Buod ng Katha III. Pagsusuri Uri ng Pampanitikan: Paliwanag sa uri ng akda (nobela, maikling kuwento, tula, atbp.) Istilo ng Paglalahad: Pagsusuri sa paraan ng paglalahad (patumbalik-isip, daloy ng isipan, in media res, atbp.) Mga Tayutay: Halimbawa ng mga tayutay at ang kahulugan ng mga ito. D. Sariling Reaksyon: Mga puna sa mga tauhan, estilo ng awtor, at galaw ng mga pangyayari. 1. Bisang Pampanitikan: - Bisa sa Isip - Bisa sa Damdamin - Bisa sa Kaasalan Buod: Ang pagsusuri ng panitikan ay nangangailangan ng masusing pag-unawa sa akda, sa may-akda, at sa mga pamantayan ng pagsusuri. Ang mahusay na pagsusuri ay makapagbibigay ng balanseng pagtingin sa mga kahusayan at kahinaan ng akda, at magiging gabay sa pag-unlad ng panitikang Filipino. KAHULUGAN AT SANGKAP NG SANAYSAY Sanaysay - Ito ay isang komposisyong binubuo ng magkakaugnay na pangungusap na naglalaman ng mga kuro-kuro, palagay, at damdamin ng may-akda. Paraang Pakikipagkomunika: Layunin ng sanaysay na magpaliwanag, maghayag ng damdamin, at magbigay ng kaalaman sa mambabasa. Mga Uri ng Sanaysay: Kasama dito ang mga pahayagan, balita, editoryal, journal, movie review, artikulo sa mga magasin at pahayagan, tesis, disertasyon, diskurso, mga akdang pampanitikan, at talumpati. Kahulugan mula sa mga Manunulat: Alejandro G. Abadilla: Ito ay "pagsasalaysay ng isang sanay". Geoveva Edroza-Matute: Ito ay pagtalakay sa isang paksa nang tuluyan at malayang nagpapakita ng kaisipan at damdamin ng sumusulat. Bienvenido Lumbera: Ang sanaysay ay maaaring sumaklaw sa iba't ibang akdang patuluyan na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, nangihihikayat, at nang-aaliw sa mambabasa. Sangkap ng Sanaysay: 1. Tema at Nilalaman: Ito ang pangunahing paksa at layunin ng sanaysay na dapat malinaw at organisado. 2. Anyo at Estruktura: Ang pagkakaayos ng mga ideya at pangungusap ay mahalaga para sa malinaw na pagpapahayag ng mensahe. 3. Wika at Estilo: Ang uri at antas ng wika, pati na rin ang estilo ng pagsulat, ay nakatutulong sa komunikasyon ng may-akda sa mambabasa. 4. Kaisipan: Ito ang mga ideya at konsepto na binibigyang-diin at ipinaliliwanag sa sanaysay. 5. Larawan sa Buhay: Ito ay ang masining na paglalahad ng buhay at karanasan gamit ang personal na pananaw ng sumusulat. 6. Damdamin: Ipinapakita ng manunulat ang kaniyang damdamin nang naaayon sa paksa at layunin ng sanaysay. 7. Himig: Ang pagsasaad ng mga damdamin at kuru-kuro ng may-akda na nagbibigay ng kulay at kalikasan sa kaniyang pagsusulat. KAHULUGAN AT ELEMENTO NG TULA Tula - Ang tula ay isang sining ng paggamit ng mga salita upang makalikha ng ilusyon saating mga pandama. Sining ng Paggamit ng Salita: Ginagamit ang mga salita upang likhain ang ilusyon o imahinasyon sa mga pandama ng mambabasa. Hindi Koleksyon ng Salita: Ayon kay Almario (1985), ang tula ay buo at organisadong pangungusap na naglalaman ng makabuluhang balangkas ng mga salita upang ipahayag ang diwa, damdamin, pangyayari, larawan, o kaisipan. Sining ng Pagsasaayos ng Simbolo: Mula kay Bryant (batay kay Arrogante, 2000), ang tula ay sining ng pagpili at pag-aayos ng mga simbolo ng kaisipan sa paraang nakakapagudyok ng imahinasyon. MGA ELEMENTO NG TULA: Tema Pangunahing ideya o mensahe ng tula. Sentral na konsepto na hindi dapat ikalito sa paksa ng tula. Tono Atityud o damdamin ng manunulat sa kanyang paksa. Maaaring mapanumbat, seryoso, mapagbiro, galit, o iba pang damdamin. Nakaaapekto ang diksyon o pagpili ng salita sa tono ng tula. Tinig Paraan ng pakikipag-usap ng tula sa mambabasa. Sino ang nagsasalita o nagpapahayag ng damdamin sa tula. Taludtod Dalawa o higit pang linya sa loob ng isang saknong ng tula. Maaaring may iba't ibang haba tulad ng couplets, quatrains, o iba pa. Ritmo Paggamit ng sukat at tugma para sa makabuluhang pagsasalaysay ng tula. Mahalaga ang pagkakaroon ng ritmo upang maging melodiko at magaan ang pagbigkas. Tayutay Tinatawag din bilang talinghaga. Ginagamit upang palakasin ang damdamin o imahinasyon ng mambabasa. Tunog Bunga ng pagkakaroon ng sukat at tugma ng tula. Instrumento ng makata upang maipahatid ang kaniyang damdamin at karanasan. Sukat Bilang ng mga pantig sa isang taludtod ng tula. Hindi ito tumutukoy sa diin kundi sa bilang ng pantig. Karaniwang sukat sa mga tulang Filipino ay wawaluhin, lalabindalawahin, at iba pa. Tugma Pagkakatulad o pagkakahawig ng tunog sa huling pantig ng mga salita sa bawat taludtod. Maaaring tularan (kahalintulad) o hawigan (katumbas) ang mga tugmaan. Larawang-Diwa Imagery sa Ingles. Naglalayong magbigay ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Persona Nagpapakilala sa nagsasalita o tagapagsalaysay sa loob ng tula. PAGSUSURI NG TULA: Sosyolohikal at Pormalismo I. Pananaw Sosyolohikal - maipaliwanag ang epekto ng mga sosyal na pangyayari sa mga akdang pampanitikan. Kahulugan: Ang pananaw sosyolohikal ay isang paraan ng pagsusuri ng panitikan na nakatuon sa relasyon ng akda at ng lipunan o kapaligiran ng may-akda. Sinusuri nito kung paano naaapektuhan ng mga karanasan ng manunulat ang kanyang mga likha. Aspeto: 1. Kamalayan ng Manunulat: ○ Sinasalamin ng akda ang pananaw, damdamin, at karanasan ng may-akda na may kaugnayan sa lipunan. 2. Mga Isinisiwalat na Pangyayari: ○ Binibigyang-diin ang mga tagumpay, kabiguan, pakikibaka, at iba pang emosyonal na karanasan sa lipunan. 3. Interaksiyon ng Tao: ○ Pagsusuri sa relasyon ng tao sa kapwa tao at sa mga institusyong panlipunan tulad ng pamilya, edukasyon, at politika. II. Teoryang Pormalistiko - Ang pormalistikong pagsusuri ay isang paraan ng pagsusuri sa mga akdang pampanitikan na nakatuon sa sining ng akda. Mga Aspeto ng Pagsusuri 1. Pisikal na Katangian ng Akda: ○ Pagsusuri sa anyo at anyo ng akdang pampanitikan (hal. tula, kwento, atbp.). 2. Nilalaman: ○ Pagsusuri sa mensahe at tema na nakapaloob sa akda. 3. Mga Elemento ng Akda: ○ Pagsusuri sa mga pangunahing elemento tulad ng: Tono: Damdamin ng may-akda. Sukat at Tugma: Rhythm at rhyme sa tula. Larawang-Diwa: Imaginative imagery na bumubuo sa karanasan ng mambabasa. 4. Paraan ng Pagkakasulat: ○ Pagsusuri sa estilo ng manunulat sa paggamit ng wika at tayutay. ○ Pagpapahalaga sa mga teknik sa pagsulat na ginamit ng may-akda. KAHULUGAN AT ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO Maikling Kuwento - isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Katangian ng Maikling Kuwento 1. May Madulang Bahagi 2. Pangunahin Tauhan 3. Mahalagang Tagpuan 4. Mabilis na Galaw ng Pangyayari 5. Iisang Kakintalan 6. Maikling Kaanyuan: 7. Nababasa sa Isang Upuan Lamang: KATUTURAN AT KATANGIAN: ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO: I. Tauhan - Pinakamahalagang Elemento Protagonista (Bida) Antagonista (Kontrabida) Pantulong na Tauhan Paraan ng Paglalarawan: 1. Tuwirang Pagpapahayag: ○ Binabanggit ng may-akda o ibang tauhan ang mga katangian ng tauhan. 2. Madulang Pagpapahayag: ○ Mahihinuha ang katangian ng tauhan mula sa kanilang kilos at pagsasalita. II. Banghay - Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Tradisyonal na Bahagi ng Banghay: 1. Panimula: ○ Ipinapakita ang tagpuan at ipinakikilala ang mga tauhan. 2. Tunggalian: ○ Ang pagsasalungat o laban na nararanasan ng mga tauhan. 3. Kasukdulan: ○ Ang bahagi kung saan nagaganap ang pinakamadramang bahagi ng kwento. 4. Kakalasan: ○ Ang bahagi kung saan mababatid ng mambabasa ang kinalabasan ng tunggalian. 5. Wakas: ○ Naglalahad kung paano tatanggapin ng pangunahing tauhan ang kabiguan o tagumpay. III. Tunggalian - Pinapadami ang tensiyon at kawilihan ng mambabasa. Iba't Ibang Uri ng Tunggalian: 1. Tauhan laban sa Tauhan: ○ Tunggalian sa pagitan ng bida at kontrabida. 2. Tauhan laban sa Kalikasan: ○ Suliranin na dulot ng mga puwersa ng kalikasan. 3. Tauhan laban sa Lipunan: ○ Pagsalungat sa mga tradisyon at batas. 4. Tauhan laban sa Sarili: ○ Sikolohikal o pandamdaming suliranin ng tauhan. 5. Tauhan laban sa Supernatural: ○ Tunggalian laban sa mga supernatural na elemento tulad ng multo o mga diyos. IV. Tagpuan - Lugar at panahong pinangyarihan ng kuwento. V. Paningin (Punto de Vista) - Perspektibo ng awtor sa pagkukuwento. Uri ng Paningin: 1. Unang Panauhan: ○ Ang bida ang nagsasalaysay. 2. Ikalawang Panauhan: ○ Gumagamit ng panghalip na ikaw, ka, at iba pa. 3. Ikatlong Panauhan: ○ Gumagamit ng panghalip na siya, niya, at iba pa. May tatlong paraan: ○ Omnisyente: Alam ng nagsasalaysay ang lahat. ○ Limitadong Omnisyente: Limitado sa pananaw ng isang tauhan. ○ Obhetibo: Walang sinasabi tungkol sa iniisip at nararamdaman ng tauhan. VI. Tema - Paksang-diwa na naglalarawan sa sentral na ideya ng kuwento na nagpapahayag ng pagkaunawa sa buhay. TAYUTAY Isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit-akit ang pagpapahayag. PAGTUTULAD - paghahambing ng dalawang magkaibang bagay PAHAMBINGIN - pagwawangis, tiyakan o diretsahan PERSONIPIKASYON - linilipat ang katangian ng tao sa bagay PAGMAMALABIS/EKSAHERASYON - pagbibgay labis o kulang PAGSASATAO - linilipat ang katangian ng tao sa bagay ONOMATOPOEIA - pag-uulit ng salita SIMBOLISMO - bagay sa tula na may kinakatawang mensahe PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO: REALISMO AT FEMINISMO Feminismo - Isang pananaw na nakatuon sa mahalagang ambag ng kababaihan sa kabuoan ng isang teksto. Sinusuri ang papel na ginagampanan ng babae, kabilang ang kanilang mga kalakasan at kahinaan. Layunin ng Feminismo Masuri ang akda sa paningin ng babae Baguhin ang de-kahong paglalalarawan sa kababaihan Apat na Magkakaibang Feminismo (Storey, 1993) Radikal: Naniniwala na ang opresyong nararanasan ng kababaihan ay bunga ng sistemang radikal, na nagtataguyod ng dominasyon ng kalalakihan. Marxist: Tinutukoy na ang opresyon ng kababaihan ay bunga ng kapitalismo, kung saan nadodominahan ng kalalakihan ang kababaihan sa larangan ng pagtatrabaho. Liberal: Tinitingnan ang di-pantay na pagtingin sa kababaihan sa ilalim ng batas at iba't ibang larangan ng buhay. Dual-System Theory: Nagmumungkahi na ang opresyong nararanasan ng kababaihan ay bunga ng komplikadong sirkulasyon ng patriarkiya at kapitalismo. REALISMO - isang pananaw na nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng realidad o katotohanan ng buhay. Layunin ng Realismo: Masuri ang akda sa mga pangyayaring buhay na buhay Masuri kung ang akda ay angkop sa tunay na buhay Pagsusuri ng Akdang Realista (Ines-Ramos at Mendiola, 1994): 1. Kritikal na Realismo: 2. Sosyalistang Realismo: ○ Nagtutukoy sa kaapihan ng mga manggagawa na naglalayong makahanap ng katarungan. 3. Sikolohikal na Realismo: ○ Nakatuon sa pagkilos ng tao na bunga ng damdaming likha ng kapaligiran. 4. Pino o Mabining Realismo: ○ Tumutukoy sa pagiging matimpi ng akda, kung saan kontrolado ng tauhan ang kanilang damdamin, kilos, at pananalita. 5. Sentimental na Realismo: ○ Nagtutok sa mga mithiin ng tauhan sa halip na sa paglutas ng mga suliranin. 6. Mahiwagang Realismo o Magic Realism: ○ Nagsasama ng katotohanang hinahaluan ng pantasya o kababalaghan, kung saan ang mahika ay bahagi ng araw-araw na buhay. PAGBASA NG DULA AT ANG PAGSUSURING MARXISMO AT ROMANTISISMO I. Romantisismo - tungkol sa damdamin at pagsasakripisyo para sa pag-ibig at kalayaan Pangunahing Diin: ○ Namamayani ang emosyon at likas na kalayaan. ○ Mas binibigyang halaga ang damdamin kaysa sa ideyang siyentipiko Pag-ibig at Sakripisyo: ○ Ipinakikita ang iba't ibang paraan ng tao sa pagpapakita ng pag-ibig—sa kapwa, bayan, o kalikasan. ○ Ang isang tao ay handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal, maging ito man ay kapwa tao o bansa. II. Marxismo - nakatuon sa tunggalian sa lipunan at pakikibaka ng mga mahihina laban sa mga makapangyarihan. Pokus: ○ Nakatuon sa tunggalian sa pagitan ng mahina at malakas, mahirap at mayaman. ○ Nakabatay sa makatotohanang pananaw at pagsusuri ng karanasan ng tao. Layunin: ○ Sinusuri ang pakikipagtunggali ng mga nasa ibabang bahagi ng lipunan sa mga may kapangyarihan at yaman. KAHULUGAN AT ELEMENTO NG DULA: DULA- Nahango sa salitang Greyigo na “drama” nanangangahulugang gawin o ikilos. ELEMENTO NG DULA: Tauhan o Aktor/Karakter - Sila ang gumaganap ng aksiyon sa dula. Tagpuan/Tanghalan - Tinutukoy nito ang lugar at panahon kung saan naganap ang dula. Aksiyon - Ito ang mga pangyayari sa dula na nagbibigay linaw sa simula, gitna, at wakas ng kwento. Iskrip o Banghay - Kaluluwa ng dula; dito makikita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Tagadirehe o Direktor - Siya ang namamahala sa mga aktor at tauhan, tinutulungan silang ipakita ang kanilang papel ayon sa iskrip. Dayalogo - Pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan. Tema - Ang pinakapaksa ng dula na nagbibigay-diin sa mga damdamin, aksiyon, at mensahe ng dula.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser