Filipino sa Iba't ibang Disiplina PDF

Summary

This document outlines skills in Filipino in various disciplines. It covers basic translation skills and sources for research topics. The document emphasizes understanding the importance of research and translation skills and offers strategies for choosing subjects.

Full Transcript

Filipino sa Iba’t ibang Disiplina FILDIS PAG-UNLAD PANGKAALAMAN 4.1 Maunawaan ang halaga ng pananaliksik MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK Kasanayan sa Pagsasalin Dahil sa karamihan ng mga dokumento at siyentipikong pag-aaral ay naggaling sa mga mauunlad na bansa, isa samga n...

Filipino sa Iba’t ibang Disiplina FILDIS PAG-UNLAD PANGKAALAMAN 4.1 Maunawaan ang halaga ng pananaliksik MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK Kasanayan sa Pagsasalin Dahil sa karamihan ng mga dokumento at siyentipikong pag-aaral ay naggaling sa mga mauunlad na bansa, isa samga nagiging kahingian ay ang pagsasalin ng mga ito sa Filipino nang sa gayon ay maging bahagi ito ng pagpapalakaw ng saliksik sa bansang Pilipinas. Nilagom ni Karen San Diego (2014) sa kaniyang isinasagawang pag-aaral hinggil sa pagsasalin wika na hinggil sa labing-walaong (18) paraan ng pagsasalin ni Peter Newman (1988) mula sa aklat na A textbook of Transnlation Narito ang labing-walang (18) paraan ng pagsaslain ayon sa libro ni Peter Newman (1988) 1. Adapsyon (Transference) – Ito ay ang paraan ng panghihiram o paglilipat ng mga kultural na salita mula sa Pinagmulang Wika (PM) patungo sa Target na Wika (TW) 2. Isahang Pagtutumbas (One-to_One Traslation) – literal na pagsasalin sa isa-sa- isa pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay at pangusap sa pangusap 3. Saling Hiram (Through Traslation) Katumbas nito ang ginagamit sa pagsasalin ng mga karanniwang kolokasyon. 4. Naturalisasyon (Naturalization) – may pagkakahawig sa Transference o adapsyon ngunit dito ay nakikiaayon muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika na inaayon sa ortgrapiya ng Tunguhing Wika 5. Leksikal na Sinonim (Lexical Synonymy) paraan ng pagsaslain na nagbibigay nang malapit na katumbas na salita kasingkahulugan sa target na wika 6. Transposisyon (Transposition) – Tinatawag ding Shift na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng pagbabago sa gramatika ng pinagmulang wika kapag isinalin sa target na wika 7. Modulasyon (Modulation) – Pagsasalin na may pag-iiba sa punto de bista o pananaw sa pagbibigay-kahulugan sa mga dahilan sa iba’t ibang teksto. 8. Kulturan na Katumbas (Cultural Equivalent)- Ito ang malapit o halos wastong salin, ang ang isang kulturang salita PW ay isasalin sa katumbas ding kulturang salita Filipino sa Iba’t ibang Disiplina FILDIS sa TW 9. Gamiting Katumbas (Function Equivalent) – Paraan ng pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o kahulugan. 10. Deskriptibong Panumbas (Descriptive Equivalent) – Pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng depinisyong naglalarawan gaya ng paggamit ng pariralang pangngalan o sugnay na pang-uri 11. Kinikilalang Salin (Recognized Translation) – ang paraan sa pagsasalin sa opipsyal at tinatanggap na nakararami na salin ng anumang termino 12. Pagdaragdag /Pagpapalawak (Addition/Expansion)- pagdaragdarg ng salita sa istrukturang gramatika upang maging malinaw ang kahulugan 13. Pagpapaikli/Pagpapaliit (Rduction/Contraction)- paraan sa pagsasalin na pinaiikli o pinaliliit ang mga salita ng kabuuang gramatika. 14. Pagsusuri sa mga Bahagi (Componential Analysis)- Paraan sa pagsasalin na naghahati-hati batay sa leksikal na yunit sa mga makabuluhang sangkap o hanay 15. Hawig (Paraphrase) – Paraan sa pagsasali na nagpapaliwanag sa kahulugan ng isang hanay, pangungusap o talata 16. Kompensasyon (Compensation) – pagsasalin na ginagamit kapag ang pagkawala ng kahulugan ng isang bahagi ng parirala pangungusap o talata ay nagtutumbasan o napupunan ng ibang bahagi 17. Pagpapabuti (Improvement) – nagwawasto sa mga gramatikal o tipograpikal na kamalian sa OT, Kaya’ walang mali sa ST 18. Kuplets (Couplets) – paraan sa pagsasalin na pinagsasama ang paggamit ng dalawa , tatlo o higit pa sa mga pamamaraang nabanggit. 4.2 Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang nasanggunian sa pananaliksik Kasanayan sa Paglalagom at Pagpaparapreys Paglalagom ang tawag kapag inilahad nang payak ang orihinal na materyales na nabasa sa paglalagom alalahaning huwag muling isulat ang orihinal na akda, Kailangang mapanatili maiksi ito at gumamit lamang ng sariling pananalita Kasanayan sa Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik Pinakamahirap na suliranin ng isang mananliksik ang pagpili at paghanap ng paksa ng pag-aaral. Hindi madaling pumili ng paksa ng isasagawang pananaliksik Filipino sa Iba’t ibang Disiplina FILDIS Mga Maaaring Paghanguan ng Suliranin Sarili – nag mayamang karanasan ng tao ay isa nang sapat na hanguan ng maaaring piliing suliranin o paksa Pang-araw-araw na Babasahin- Mula sa dyaryo, magasin at iba pang pang- araw-araw na babasahin ay makahahango ng mga suliranin malaki ang maitutulong ng paghagilap sa mga napapanahong isyu o balita sa iba’t ibang sektor ng lipunan Brodkast Midya- Malaki ang maitutulong sa paggalugad ng suliranin ang pakikinig at panonood ng mga balita at mga programa sa radyo at sa telebisyon na tumatalakay sa mga mahahalaga t napapanahong isyu ng lipunan Mapagkakatiwalaang Tao- Maraming ideya ang maaaring makuha mula sa pagtatanong sa mga taong mapagkakatiwalaan lalo’t higit sa larangang kanilang kinabibilangan. Mga Maaaring Paghanguan ng Suliranin Internet- Hindi na maiaalis sa bawat mag-aaral ang mabilisang pagpindot sa mga search engine gaya ng google at yahoo.com kapag may ninanais na hanapin o masagot na paksa Laybrari- Hindi maitatanggi na ang pinakamadali at pinakamaraming datos na maaaring pagbatayan ng paggawa ng isang pananaliksik ay ang Laybrari. Mga Dapat isaalang-Alang sa Pagpili ng Paksa 1. Paghahanguan- Kailangan na siguraduhin na mayroong pagkukuhaan ng datos ang mananaliksik 2. Panahon- Haba na igugul sa paggawa ng Pananaliksik 3. Pinansyal- Huwag mangarap ng malaking pananaliksik ng hindi kaya ng inyong pinansiyal 4. Paksa- Siguraduhin na ang pananaliksik na gagawin ay may kinalaman sa inyong Kurso 5. Pagnanais- Siguraduhin na ang paksang pipiliin ay naayos sa kagustuhang gawin. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina FILDIS Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagsasaayos ng Paksa Kailangang maisaayos ang suliranin sang-ayon sa kasaklawan at kahangganan nito. Maaaring mabigyang hangganan o limitasyon ang pananaliksik ayon sa sumusunod. 1. Panahon- Kailan nagsimula at kailan magtatapos ang isinasagawang pananaliksik 2. Edad- Anong sakop ng edad lamang ang gagawan ng pananaliksik 3. Kasarian- Maaaring lagyan ng limitasyon ang pananaliksik sang-ayon sa kasarian 4. Perspektibo- Maaaring limitahan ng Pananaliksik batay sa Perspektibo Hal. Sosyal, Emosyon, Ispiritual, Ekonomiya at iba pa. 5. Propesyon- Maaring ipokus ang pananaliksik sa isang propesyon 6. Tiyak na Kaso- Maaaring tiyakin o tukuyin ang artikular na kaso batay sa malakihang suliranin. 4.3 Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik Karaniwang Format ng Kwantitatibong Pananaliksik sa mga Pamantasan Narito ang mga balangkas na nilalaman ng Kwantitatibong Pananaliksik KABANATA 1 Panimula Kaligitang Kasaysayan ng Pag-aaral Batayang Teoretikal Balangkas Konseptwal Paglalahad ng Suliranin Ano Saan Kailan Mga Tikay na Suliranin Hipotesis o Asumpsyon Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral Filipino sa Iba’t ibang Disiplina FILDIS Katuturan ng mga Katawagan KABANATA 2 Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Salik Pantao Salik Pampapel Salik Pang-elektroniko KABANATA 3 Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik Teknik sa pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik Paraan sa Pangangalap ng mga Datos Kompyutasyong Istatistika KABANATA 4 Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos Paglalahad ng mga Datos Pagsusuri ng Datos Interptretasyon ng mga Datos KABANATA 5 Lagom ng mga Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon Lagom ng mga Natuklasan Mga Konklusyon Mga Rekomendasyon

Use Quizgecko on...
Browser
Browser