Full Transcript

PANITIKAN JOSE P. LAUREL: PANGULO SA PANAHON NG PANGANIB ni: Teodoro Agoncillo ARALIN 5 ALAM MO BA? Alam mo bang bukod sa mga Espanyol at mga Amerikano ay sinakop din ang Pilipinas ng isang maliit ngunit malakas na bansang matatagpuan din sa kontinente ng Asya...

PANITIKAN JOSE P. LAUREL: PANGULO SA PANAHON NG PANGANIB ni: Teodoro Agoncillo ARALIN 5 ALAM MO BA? Alam mo bang bukod sa mga Espanyol at mga Amerikano ay sinakop din ang Pilipinas ng isang maliit ngunit malakas na bansang matatagpuan din sa kontinente ng Asya? Ito ay ang bansang Hapon na minsang tinaguriang "Energetic Dwarf” sa kasaysayan dahil sa kahusayan nito sa larangan ng digmaan. Ang bansang ito na isa ring arkipelago ay matatagpuan sa Silangang Asya. Kilala rin ang bansang ito sa taguring "The Land of the Rising Sun." ALAM MO BA? Ang Komonwelt (Commonwealth) ay tinatawag ding Malasariling Pamahalaang may layuning sanayin ang mga Pilipinong mamahala sa bansa sa loob ng sampung taon. ALAM MO BA? Ang Digmaan sa Pasipiko ay nagsimula noong ika-8 ng Disyembre, 1941 (oras sa Pilipinas) nang biglang salakayin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, ang himpilan ng hukbong-dagat ng mga Amerikano sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay sa Pearl Harbor ay tinawag na "Araw ng Kataksilan" ayon kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos. ALAM MO BA? Noong ang Pilipinas ay nasa gitna ng matinding digmaan laban sa mga Hapones, si Manuel L. Quezon ay nakaratay na at may malubhang karamdaman. Kaya't makalipas lamang ang ilang buwan, noong Agosto 1, 1944, siya ay namatay sa sakit na tuberculosis sa Saranac Lake, New York, Estados Unidos. ALAM MO BA? Ang mga taong 1942 hanggang 1945 ay tinawag na "Panahon ng Kadiliman" sa ating bansa dahil ito ang yugto ng ating kasaysayan na ang Pilipinas ay naghirap nang lubos sa kalupitan ng mga Hapones. JOSE P. LAUREL Si Jose P. Laurel ay isang mahalagang pigura sa kasaysayan ng Pilipinas, lalo na sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ay naging pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas, isang pamahalaan na itinatag sa ilalim ng pananakop ng mga Hapones. Narito ang ilang mga pangunahing hakbang na isinagawa niya upang mapanatili ang kaayusan at pag-unlad ng bansa sa gitna ng digmaan: 1. Pagpapalakas ng Pamahalaan sa Panahon ng Digmaan: Si Laurel ay nagtatag ng mga estruktura ng gobyerno upang mapanatili ang kaayusan sa bansa sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones. Bagaman ang kanyang administrasyon ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Hapones, sinikap niyang tiyakin ang pagpapatuloy ng mga pangunahing serbisyo at pamamahala. 2. Pagsasagawa ng mga Reporma: Sa kanyang panahon, isinagawa ni Laurel ang ilang mga reporma upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Kabilang dito ang pagpapalakas ng mga industriya at agrikultura upang makabawi sa mga pinsala dulot ng digmaan. Pinagtuunan din niya ng pansin ang mga social services tulad ng edukasyon at kalusugan. 3. Pag-aalaga sa Relasyon sa mga Hapones: Sinikap ni Laurel na mapanatili ang maayos na relasyon sa mga Hapones upang hindi lumala ang sitwasyon sa bansa. Ang kanyang administrasyon ay nakipag-ugnayan sa mga Hapones para sa mga pangangailangan ng bansa, kahit na may mga limitasyon sa kapangyarihan. 4. Pagpapalakas ng Nasyonalismo: Sa kabila ng pagiging kontrolado ng mga Hapones, nagbigay si Laurel ng diin sa nasyonalismo at pagkakaisa ng mga Pilipino. Ang layunin niya ay mapanatili ang pagkakabigkis ng bansa sa gitna ng kahirapan at hindi pagkakasunduan. 5. Pagbibigay Suporta sa mga Pilipino: Isinulong ni Laurel ang mga hakbang upang matulungan ang mga Pilipino sa kanilang pang-araw- araw na buhay. Nagbigay siya ng suporta sa mga lokal na negosyo at industriya upang magbigay ng trabaho at oportunidad sa mga mamamayan. 6. Pagpapalaganap ng Edukasyon: Sa panahon ng kanyang administrasyon, nakatuon siya sa pagpapalaganap ng edukasyon sa bansa. Ang mga paaralan at unibersidad ay patuloy na pinatatakbo upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga kabataan, kahit sa gitna ng digmaan. 7. Pag-unlad ng Imprastruktura: Bagaman limitado ang resources, nagpatuloy ang kanyang pamahalaan sa ilang mga proyekto sa imprastruktura upang mapanatili ang pag-unlad ng bansa at mapabuti ang kondisyon ng mga daan, tulay, at iba pang pasilidad. JOURNAL 5 Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider, paano ka mamumuno upang maging maayos ang iyong pinamumunuan? WIKA PAGBUO NG PINAL NA TALASANGUNIAN AT PINAL NA PAPEL PANANALIKSIK ARALIN 5 Sa pananaliksik, mahalagang matutuhan mo rin ang tamang paggawa ng talasanggunian o bibliyograpiya. Ngunit tandaang sa pangangalap ng mga impormasyon ay hindi lamang isang aklat ang iyong magagamit upang mapagsanggunian. Maaari ka ring gumamit ng internet, panayam, o panoorin sa pangangalap ng mga impormasyon. Maaari ka ring gumamit ng internet, panayam, o panoorin sa pangangalap ng mga impormasyon. Mahalaga ang paggawa ng talasanggunian dahil bukod sa pagbibigay- galang sa mga may-akda o may idea ng iyong mga nakalap no impormasyon, ito rin ay isang matibay na ebidensiya o pagpapatunay ng - katumpakan ng mga impormasyong iyong nakalap. Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng talasanggunian ay: Isaayos nang paalpabeto batay sa pangalan ng may-akda ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang sa pinakaluma. Pagpangkat-pangkatin ang mga uring sanggunian kung ito ba ay aklat, mula sa isang pahayagan, magasin, ulat, o internet. Ilagay ang pangalanng may- akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag at taon ng pagkakalimbag. Siguraduhin ang tamang baybay ng mga salita. Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng talasanggunian ay: Isaayos nang paalpabeto batay sa pangalan ng may-akda ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang sa pinakaluma. Pagpangkat-pangkatin ang mga uring sanggunian kung ito ba ay aklat, mula sa isang pahayagan, magasin, ulat, o internet. Ilagay ang pangalanng may- akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag at taon ng pagkakalimbag. Siguraduhin ang tamang baybay ng mga salita. Narito ang halimbawang pormat ng isang talasanggunian. Internet http://ofw-bagongbayani.com/b- haiskul.htmlhttp://www.Infoplease.com.ph Magasin Sirleaf, Ellen Johnson. "The World Cannot Afford 'Pandemic Fatigue'. Time March 2023. Print. Pelikula/Panoorin Maria Clara at Ibarra. Dir. Zig Dulay, GMA Network, 2022. Aklat Dayag, Alma. Et al. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2023. Print. Sa pagsulat ng pinal na papel- pananaliksik, may tatlong bahaging dapat mong tandaan- ang introduksiyon, katawan ng pananaliksik, at kongklusyon. Sa introduksiyon ay makikita ang maikling kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili, ang layunin ng pananaliksik, kahalagahan ng paksa o pananaliksik, at saklaw at limitasyon nito. Sa bahaging katawan ng pananaliksik, ay siguraduhing mayos ang ilalahad na mga ideya. Sa bahaging ito ay banggitin ang papel na gagampanan ng isinulat na pananaliksik. Isama ang mga naunang pangyayari sa paksa at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan gayundin ang mga nasaliksik na halimbawa ng akdang magpapatibay ng iyong pananaliksik. Sa kongklusyon ay isulat ang buod, ebalwasyon, at rekomendasyon ng pananaliksik na nabuo. Siguraduhing kaugnay at naisakatuparan ang mga layuning nabanggit sa bahaging introduksiyon ng pananaliksik.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser