Balangkas ng Banghay ng Pagtuturo (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay isang balangkas ng banghay ng aralin, na naglalaman ng mga layunin, paksa, kagamitan, at pamamaraan para sa pagtuturo. Naglalaman din ito ng iba't ibang aspekto ng pagtuturo at pag-aaral na maaaring makatulong sa mga guro sa pagpaplano ng kanilang mga aralin.

Full Transcript

**Ang Balangkas ng Banghay ng Pagtuturo** **Banghay ng Aralin:** isang plano ng mga aralin ng isang guro. (takbo ng talakayan sa araw-araw) **Banghay ng Pagtuturo:** **Layunin:** naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral (kognitibo, a...

**Ang Balangkas ng Banghay ng Pagtuturo** **Banghay ng Aralin:** isang plano ng mga aralin ng isang guro. (takbo ng talakayan sa araw-araw) **Banghay ng Pagtuturo:** **Layunin:** naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral (kognitibo, apektibo, saykomotor) - - - **Paksang Aralin:** pinakadeskripsyon ng paksa, kagamitan, sanggunian, at pagpapahalaga **Pamamaraan:** naglalaman ng mga gawain ng guro at ng kaniyang mga estudyante mula sa panimulang gawain, motiveysyon, paglalahad ng aralin, malayang talakayan, paglalahat, paglalapat hanggang sa pagsasagawa at pangwakas na gawain. **Ebalwasyon:** masukat ang natutuhan ng mga mag-aaral (mga katanungan) **Takdang Aralin:** huling bahagi o kasunduan o pagbibigay ng asaynment **Kahalagahan ng Banghay ng Pagtuturo:** Ang banghay ng pagtuturo ay isang balangkas ng mga layunin, pagksang aralin, kagamitan at hakbang na sunod sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin. - - - - - **Katangian ng Balangkas:** **Detalyado:** nagsisilbing gabay sa pagtukoy ng mga mahahalagang impormasyon (sumusuporta) **May sapat na impormasyon**: kailangan limithan ng manunulat ang paksa at ideya para madaling intindihin at unawain ang nais malaman at matutuhan. **Maikli:** maikli ngunit may kahalagahan **KAYARIAN NG BALANGKAS** **Masusing Banghay:** Nakatala na dito ang tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral **Mala-Masusing Banghay:** Ito\'y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo binabanggit na lamang nang sunod-sunod ang gagawin ng guro sa klase **Maikling Banghay**: Sa banghay na ito, sapat ng banggitin kung anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya\'y banggitin ang sunod- sunod na hakbang sa maikling pangungusap **E-Kagamitang Pampagtuturo:** **Guro:** Alagad ng agham at sining Apat na **"m"** Matalino, Mapagmahal, Masiyahin, Malikhain **Ang Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo:** - - - - - **Uri ng Kagamitang Pampagtuturo:** - - - - - - - - - - - - - - **Mga Batayang Kaalaman sa Paghahanda ng E-Kagamitang Pampagtuturo:** **Tatlong Sitwasyon ng Paggagamitan:** 1.Guro ang maghahanda at gagamit bilang bahagi ng paglalahad ng aralin at magmamasid lamang ang mga mag-aaral; 2\. Guro at mag-aaral ang gagamit bilang bahagi ng mga gawain sa pagkatuto; at 3\. Mag-aaral ang maghahanda at gagamit sa ilalim ng pagsubaybay ng guro, halimbawa nito ay sa pagbuo nila ng synthesis at ebalwasyon ng mga natutunan nila. **Ang Paghahanda ng mga E-Kagamitang Pampagtuturo:** 1\. Sapat na kaalaman sa paggamit ng kompyuter at iba pang gamit 2\. Pagkilala sa ilang karaniwang files o dokumento 3\. Kasanayan sa ilang programang pang-kompyuter 4\. Kaalaman sa pag-akses sa internet **Iba't Ibang Elemento sa Paghahanda ng E-Kagamitang Pampagtuturo:** **Tunog/Musika/Boses/Sound/Music/Voice** Ang mga tinatawag na sound files ay mga tunog na maririnig mula sa ispiker ng kompyuter. Maaaring ito ay tunog na nalilikha ng tao (pag-iyak, pagtawa, paghilik), hayop (aw aw aw, Maaah, meow), o mga ingay ng iba\'t ibang bagay (pagkulo ng tubig, ingit ng pinto, busina ng jip). Ang mga ito ay tinatawag na sound effect. **Imahe/Larawan** Tinatawag namang image files ang mga imahe o larawang nakikita sa monitor ng kompyuter. Mga larawan ng iba\'t ibang bagay, may kulay o wala. Tulad din ng mga larawang makikita sa mga litrato, babasahin, poster, at iba pang pisikal na bagay, nakikita rin ito sa elektronikong paraan. **Animated Graphics** Ang mga animated graphics o pictures ay tulad din ng mga image files, iyon nga lamang, gumagalaw ito o may animation. Maaaring buong larawan o bahagi lamang nito ang gumagalaw. Karaniwang ang galaw nito ay limitado o paulit-ulit kaya hindi ito itinuturing na video clips. **Video/Movie** Tinatawag na video o movie ang mga dokumentong napapanood. Karaniwang nakasangkap din dito ang elemento ng tunog, larawan, o animation. Ang isang video o movie files ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga programang pang-kompyuter. **Powerpoint Presentation** Isa sa palasak na gamit ng e-kagamitan sa kasalukuyan 'di lamang sa pagtuturo sa paaralan, kundi maging sa mga seminar, pagpupulong, o demonstrasyon. **Paggamit at Pag-uugany ng Teknolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto:** Bilang mga guro kailangan nating sabayan ang pagbabago ngkurikulumatgumamitngmga makabagong kagamitan upang kunin ang atensiyon at higit sa lahat ay pukawin ang natutulog na alimpatakan ng ating mag aaral. - **Ayon kina Abad at Ruedas (2001),** ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto, halimbawa: Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral; Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto; Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto; Nag-aambag ito ng iba't ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa kanilang sarili at kapaligiran; Nagbibigay ito ng mga tunay at iba't ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling gawain ng mag-aaral; Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon ang pagtuturo at pagkatuto; Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo; Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng aralin sa loob ng silid-aralan. **Ang Teknolohiya Bilang Gamit sa Prosesong Pagtuturo at Pagkatuto:** Ang teknolohiya ay nakakatulong upang mas mapadali ang pagpapaabot ng kaalaman ng bawat guro sa kanyang mga estudyante. Ang teknolohiya rin ay ang nagsisilbing daan para alamin ng guro ang pag-unlad ng isang estudyante. Sa tulong ng teknolohiya ay mas gaganahan ang mga estudyante na mag-aral. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay mas nagiging epektibo ang mga collaborative na gawain ng mga mag-aaral. Ang guro at estudyante ay may access na sa mga impormasyon ano mang oras **Integrasyon ng Teknolohiya sa Pagtuturo:** **Integrasyon:** siyang nangangahulugan bilang \"pagsasama sama ng isang bagay **Teknolohiya:** tumutukoy sa mga kagamitan na ginagamit upang mapadali ang buhay ng tao. **Proseso** - - - - - **Writing:** Google Docs Voice Typing Google sites Blogger Book creator Storybird **Audio/Video:** Screencastify Wevideo Toontastic Soundtrap Touchcast **Infographic:** Canva Adobe spark Google slides Piktochart Google earth, Google drive zoom meeting edmodo moodle google classroom youtube **Mga Dapat Tandaan sa Integrasyon ng Teknolohiya:** Kalidad higit sa dami ng paggamit ng mga tool Ihanda ang mga estudyante sa mga kakailanganing tools at skills Makipag kolaborasyon sa ibang guro at asignatura **Pagtataya at Gampanin ng Mga Datos Nito:** **Pagtataya:** Ginagamit upang subukin, patunayan, ang kaalaman at nalalaman na ng isang estudyante **Diagnostic Assessment (Pre-Assessment)** ay isinasagawa sa unang araw ng klase, o sa unang oras ng pagbibigay ng lecture sa klase (ginagamit upang mapag-aralan ang kalakasan at kahinaan ng isang estudyante) **Formative Assessment:** ay isang uri ng pagtataya na sumusukat sa kakayahan ng mga estudyante sa paksang kasalukuyang ibinabahagi sa klase. **Summative Assessment**: ginagawa upang sukatin ang lalim ng pang-unawa ng mag-aaral sa mga nakalipas na paksa. Binibigyan nito ang guro ng datos tungkol sa progreso ng kanyang mga estudyante. **Norm Referenced Assessment:** ay isinasagawa upang ikumpara ang performans ng populasyon ng mag-aaral sa iba pang mga estudyante **Isang Mungkahi sa Maayos na Pagtatanong at Pagpapahalaga ng Tugon sa Tanong** - - - - - - - - - **Ang Paghahanda ng Pagsusulit:** **Pagpaplano ng Pagsusulit:** Tiyakin ang layunin ng pagsusulit. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit. Itala ang mga layuning pangkagawian batay sa mga kasanayan at mga kakayahang susukatin. Ihanda ang talaan ng ispesipikasyon. Pagpasyahan kung anong mga uri ng pagsusulit ang gagamitin. **Paghahanda ng Pagsusulit:** 1. 2. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang kakayahang kasama sa talaan ng ispesipikasyon? Akma ba sa sinusukat na kakayahan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit? Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem May sapat na antas ng kahirapan ba ang aytem para sa mga target users o sa kukuha ng pagsusulit? May sapat na dami ba ng aytem para sa bawata layunin o kasanayan sa talaan ng ispesipikasyon? 3. 4. **SLK -- Sariling Linangan Kit** Idinisenyo ang SLK na ito upang tulungang matuto ang mga mag aaral upang mas epektibo at pagbutihin ang mga kasanayan sa wika na magiging mahalaga sa mga susunod na yugto ng pag-aaral. **Paghahanda ng Pagsusulit Pang-Wika** Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa ng kanyang mga estudyante. Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan para matamo ang pangangailangang ito. Pagsusulit Panwika sa makabuluhang Pakikipaghatiran (Communicative Test). Pagsususulit panwika sa mga bagay na kinapapalooban ng suliranin sa pagkatuto. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat subukin sa tunay na pakikipag-usap o pakikipaghatiran. Isa-isang subukin ang mga kahirapan. Subukin lamang ang naituro ng puspusan. Hindi lamang ang batayang simulain ang isalang-alang gayon din ang pamantayan sa pagpapahalaga sa pagsusulit. **Gabay sa Pagbuo ng Pagsusulit** **Badayos, 1999:** Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda. **Pagpaplano ng pagsusulit:** a\. Tiyakan ang layunin ng pagsusulit. b\. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit. c\. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayan at kakayahang susukatin. d\. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. e\. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin. **Paghahanda ng Pagsusulit:** a\. Isulat ang mga aytem. b\. Suriin ang mga aytem. c\. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit. d\. Ihanda ang mga panuto **Pagbibigay ng Pagsusulit at Pagwawasto ng mga Papel** **Pagpapahalaga ng Pagsusulit** **Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser