Daloy ng Kaalaman PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang talakayan tungkol sa korapsyon sa Pilipinas. Sinasakop nito ang mga gawain ng korapsyon tulad ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pandaraya sa halalan, at pagnanakaw sa kaban ng bayan.PDF

Full Transcript

Daloy ng Kaalaman A. Pangkalahatang Sipat sa mga Pangunahing Isyu ng Bayan: Korapsyon sa Pilipinas KORAPSYON Ang korupsiyon/korapsyon/katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral...

Daloy ng Kaalaman A. Pangkalahatang Sipat sa mga Pangunahing Isyu ng Bayan: Korapsyon sa Pilipinas KORAPSYON Ang korupsiyon/korapsyon/katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais-nais na pag-aasal. MGA GAWAING PANG-KORAPSYON 1. Pang-aabuso sa Kapangyarihan Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok sa isang puerto. Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit ng impluwensiya ng isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa ibang tao na karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na ang layunin ay makinabang ang sarili, mga kamag-anak o ilang mga indibidwal. Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan, ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal o kaya ay malihim upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga akto na naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang Pagmamanipula ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng mga kalahok sa parehong panig ng isang pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang produkto o komoditad sa isang itinakdang presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa gayong ang presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng pagkokontrol ng suplay at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang partido bagaman alang alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito ay ilegal sa karamihan ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga ng pamilihan na karamihan ay sinasanay kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang pagtawag sa mga nag-aalok halimabawa sa kaso ng mga kontratang konstruksiyon ng pamahalaan. 2. Pandaraya sa Halalan Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan. Ang mga akto ng pandaraya ay nakaaapekto sa mga bilang ng boto upang magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang sa mga pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe ng mga balota at pagbili o panunuhol ng mga botante. 3. Pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa Pangunahing lathalain: Pandarambong Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin ang kanyang bahay. Sa batas ng Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka- negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Ito ay: Sa pamamagitan ng paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal ng mga pondong pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko; Sa pamamagitan ng pagtanggap ng direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, persentahe, mga kickback o ano pa mang mga anyo ng pangsalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opiser ng publiko; Sa pamamagitan ng ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian na pag-aari ng pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyario nito; Sa pamamagitan ng pagkakamit, pagtanggap ng direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o ano pa mang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa; Sa pamamagitan ng paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan (commercial) na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o Sa pamamagitan ng higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito sa panganib o kapinsalaan ng madlang Pilipino at Republika ng Pilipinas. 4. Panunuhol at Pagtanggap ng Suhol Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal ng tumanggap nito. Ito ay inilalarawan sa Black's Law Dictionary bilang ang pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko pambatas. Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung saan ang isang komisyon ay binayaran sa kumukuha ng suhol bilang isang quid pro quo para sa mga serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga uri ng panunuhol sa kadahilanang may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente ng dalawang partido sa halip na ang pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang partida na makipagtulungunan sa ilegal na gawain.Mamamo 5. Pagtangkilik o Padrino Mga pangunahing lathalain: Nepotismo, Kronyismo, at Paboritismo Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa ay kung ang buong estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit na anyo nito ay sa Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga kababaihan at minoridad ay hindi isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng kronyismo ay ang "old boy network" kung saan ang mga hinirang sa mga opisyal na posisyon sa pamahalaan ay napipili lamang mula sa isang malapit at eksklusibong network na panlipunan gaya ng mga alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip na sa paghirang ng pinaka may kakayahang kandidato.Hakdog Isa ring maituturing na korapsyon ang “Pangingikil” o mas kilala natin sa tawag na “Blackmail” Daloy ng Kaalaman B. Konsepto ng Bagong Bayani Ang Talata Hango sa Konsepto ng Bagong Bayani sa mga Naratibo ng Overseas Filipino Workers Ma. Jovita Zarate Pamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas Bawat bayan ay may pangangailangan para sa bayani. Kung kaya naman, mahalaga rin ang teksto ng buhay at pakikipamuhay ng mga bayani dahil masasaksihan ang pagtirintas ng pribado at pampublikong aspekto ng kanilang buhay. Maaaninag ang epekto ng mga usaping panlipunan sa mga hakbang na tatahakin ng isang indibidwal. Sa pagkilatis ng mga ganitong teksto, nasasaksihan natin ang salimbayan ng personal at pulitikal, sarili at komunidad, indibidwal at kolektibo. Ngunit mas nananaig ang masaklaw— ang pamayanan, ang lipunan, at ang hinaharayang bayan. Nitong huling 30 taon, may pagbabago na ring naganap sa konsepto ng bayani. Ang pamahalaan na mismo ang nangunguna sa pagpapalaganap ng konsepto ng bagong bayani sa katauhan ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Mabilis lumaganap ang retorikang ito sa mga opisyal na daluyan ng pamahalaan. Halimbawa, mismong ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang naglunsad ng isang parangal, ang Bagong Bayani Awards, upang “kilalanin at magbigay pugay sa OFWs sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng daigdig; paglinang at pagtaguyod sa positibong imahen ng Filipino bilang isang mahusay, mapagkakatiwalaan, at marangal na manggagawa; at, sa kanilang malaking ambag sa kaunlarang pangekonomiya ng kani-kanilang komunidad at ng buong bansa.” KABANATA 4 MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL Modyul Blg. 03 Mga Paksa: C. Pangkalahatang Sipat sa mga Pangunahing Isyu ng Bayan: Mga Kalamidad sa Pilipinas 1. Pagbabagong Klima o Climate Change 2. Kahandaan sa Pagharap sa Kalamidad 3. Urbanisasyon ng Lungsod LAYUNIN Matapos mong mapag-aralan ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matukoy at maipaliwanag ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa; 2. Makapagmungkahi ng solusyong nakabatay sa pananaliksik sa mga pangunahing suliraning panlipunan; 3. Mapataas ang antas ng kamalayan sa kalagayan ng lipunan at higit na mapagmalasakitan ang bayan. Daloy ng Kaalaman C. Pangkalahatang Sipat sa mga Pangunahing Isyu ng Bayan: Mga Kalamidad sa Pilipinas Ang “kalamidad” ay binigyang kahulugan bilang “malubhang kapahamakan, gaya ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan o sunog” (Sacona). Kabilang sa mga kalamidad ang pagbagyo at pagbaha, paglindol, pagputok ng bulkan, at pagkakaroon ng sunog. At walang kahandaan sa mga epekto, masasabing walang katiyakan din ang kinabukasan. Bagamat maaaring hindi maiiwasan sa pamamagitan ng malay sa kalinangang pangangasiwa at pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ayon sa pahayag ng DOH, ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaringmagdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperature ng mundo, dadami ang sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa. SANHI NG CLIMATE CHANGE Ayon sa pag-aaral, dalawa ang sanhi ng climate change ito ay ang: 1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at ang init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperature o init sa hangin na bumbalot sa mundo. 2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases (GHGs). Ang GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. 1. Kahandaan sa Pagharap sa Kalamidad Kadalasan, ang pang-ekonomiyang plano ng mga probinsya ay nakasalalay sa pagmaksima sa likas-yaman nito,” Ngunit ang hindi maiuugnay sa mga planong ito ang maaaring mga epekto sa tao ng eksploytasyon sa kalikasan. 2. Urbanisasyon ng Lunsod Ang urbanisasyon ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga pagbabago sa isang lugar. Ayon din sa mga Bansang Nagkakaisa, tumutukoy din ang urbanisasyon sa daloy ng mga tao mula sa mga pook na rural tungo sa mga pook na urbano. Tinukoy din naman sa nasabing artikulo ang mga kailangang gawin. Una, malalabanan ang kahirapan sa pagtataguyod ng higit pang pag-unlad ng ekonomiya at paglikha ng trabaho. Ikalawa, dapat na isangkot ang lokal na komunidad sa lokal na pamamahala. Ikatlo, dapat bawasan ang polusyon ng hangin sa pamamagitan ng pagbabago sa paggamit ng enerhiya at mga alternatibong sistema ng transportasyon. Ikaapat, palaguin pa ang mga pampribado at pampublikong pagtutulungan upang makapaghain ng mga serbisyo tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pabahay. Ikalima, magtanim ng mga puno’t halaman ayon sa binagong disenyo ng lugar o tiyakin ang paglilinang ng mga tinatawag na “luntiang lungsod” bilang isang mahalagang elemento sa pagpaplano ng kalunsuran. A. Politikal at Kultural na Estado sa Pilipinas “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.” -Artikulo II, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon 1. Mga Mangagawang Pilipino Kapag sinabing Paggawa – ito ay ang paggamit ng lakas, talino, https://www.google.com/search at kakayahan ng tao upang ?q=mga+mang gagawa makatulong sa produksyon. Sila ay mahalaga bilang kasangkapan sa pag-unlad ng isang ekonomkiya, sapagkat sila ang lumilikha ng podukto na kailangan ng isang bansa, pinoproseso ang mga hilaw na material ng agrikultura, nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya, lumilinang ng likas na yaman, nagbabayad ng buwis sa pamahalaan, konsyumer ng mga produkto at iba pa. Gayunpaman, kahit napakalaki ng gampanin ng paggawa nanroon parin ang katotohanan na natatapos ito. Iba’t ibang klase ng manggagawa sa ilalim ng batas. Regular employee. Project employee Seasonal employee Casual employee Probationary 2. Multikulturalismo Ang “multikultural” ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang estado ng maraming bansa, katulad ng mga sinaunang Europyang emperyo, at ng Estados Unidos at Canada. Samantalang ang “multikulturalismo” ay isang kamalayan, o ideolohiya, na minsan ay naisasabatas, na kumikilala at nasisiyahan sa pagkakaroon ng isang estado ng maraming maliliit na bansa, sinisikap ng kamalayan at ideolohiyang ito na nananatili ang kultural na pagkakaiba-iba, at mabibigyan ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng mga etnikong grupo na nasasakop ng estado. ANG KATAYUAN NG MGA MINORYANG PANGKAT ETNIKO Ayon kay Dr. Mamitua Saber, sa kanyang papel na “The Majority- Minority Situation in the Philippines,” ang usapin tungkol sa mayoriya at minoriya sa ating bayan ay umiikot sa tatlong malalaking pangkat: ang mga Kristiyanong nasa kapatagan, ang mga Muslim ng Mindanao, at ang kalat-kalat ng mga tribung pagano. Medyo etnosentriko ang katawagang “pagano” na ginagamit ni Saber. Mas angkop sana ang katagang “indigenous people,” na siyang ginagamit sa ating batas, ngunit sumasaklaw ito pati sa grupo ng mga Muslim. Sa Mindanao ang salitang “Lumad” ay ang ginagamit nila para sa mga tao roon na hindi Kristiyano at hindi rin Muslim. 3. Kahirapan at Malnutrisyon Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas ay konektado sa kakulangan ng sapat na masusustansyang pagkain o kaya’y dahil sa hirap na maiabot ang mga kinakailangang pagkain https://www.google.com sea q=MALNUTR sa buong populasyon. Bukod pa ISYONEDITORIAL rito hindi din daw sapat ang kahalagahan ng nutrisyon. kaalaman ng lahat tungkol sa 14 Ayon pa sa mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas na kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay tinuturo ding salik kung bakit hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng bawat pamilya. Ang tinatayang 7.8 na porsyente ng kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing dahilan kung bakit hindi nabibili ang mga wastong pagkain na kailangan ng bawat myembro ng pamilya. Dagdag pa rito ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado. Ang mga pamilya na biktima ng mga kalamidad ay nanganganib din na maging biktima ng malnutrisyon. Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo ang ito sa bansa. Kinakailangan lamang siyempre na pag-ukulan ng pansin ang isyung ito, lalo na mula sa gobyerno. Siyempre pa, kinakailangan din ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay makamtan natin ang layuning mabura ang malnutrisyon sa mga Pilipino. Lahat ng mga nailahad na suliraning kinakaharap ngayon ng bayan ay patuloy na binabaka ng bawat Pilipino. Naghahangad ang bawat isa na sa pamamagitan ng isang kolektibong pagkilos na naghahangad ng pro- aktibong pagbabago ay malulunasan ang kalikuan ng sistemang umiiral Daloy ng Kaalaman Naging isang esensyal na kakayahan na sa bawat indibidwal ang pakikipagkomunikasyon sanhi ng iba’t ibang kaganapan sa buhay. Nagkakaroon ng pagkakasundo kung paano solusyunan ang maraming mga usaping hinggil sa kinakaharap ng lipunan. Kaalinsabay nito ay ang pag-usbong ng iba’t ibang paraan kung paano maipararating ang impormasyon sa isang masistema at mabilis na pamamaraan. A. Forum, Lektyur, at Seminar Ang Forum ay isang pagtitipon na bukas para sa publiko upang magkaroon ng talastasan o diskusyon kung saan ang pananaw o opinyon ng mga tao ay maaaring maibahagi. Ang Lektyur ay isang uri ng pagsasalita na nagmula sa salitang latin na “lectura” na ang ibig sabihin ay “pagbabasa”. Ito ay naglalayon na makapagturo o makapagtanghal at makapagpabatid ng isang ideya sa tao.. Mga katangian na dapat taglayin ng isang lektyurer Kontekstwalisidong komunikasyon sa NEUST-CAS Filipino 15 May interes sa kapaligiran May angking kasanayan May pulso sa publiko May ganap na kaalaman sa paksa Mapakiramdam at may pandamang palatawa Kontekstwalisidong komunikasyon sa NEUST-CAS Filipino 16 Google images Ang seminar ay isang programa na may partikular na outline at pormat na sinusunod sa isang aktibidad. Ang pagtuturo o talakayan ay nakaayon sa itinalagang speaker o tagapagsalita. Maraming mga seminar na idinaraos ang idinaraos sa sa labas ng akademya upang bigyang-kaalaman ang mga propesyonal at mga manggagawa. Ang seminar ay maaaring gawin sa pagpapataas ng kaalaman, halimbawa na lamang ay isang seminar tungkol sa medisina na lalahukan ng mga doktor at nars. B. Worksyap Ang worksyap ay pagpupulong kung saan ang grupo ng mga tao ay nakikilahok sa masinsinang talakayan at aktibidad sa partikular na paksa o proyekto. Ito ay gawaing pagsasanay sa isang tiyak na kasanayan na isinasagawa matapos ang isang seminar o kaya’y sa pagitan ng bawat pagtalakay. Daloy ng Kaalaman C. Simposyum at Kumperensya Ang simposyum at kumperensya Google images ay halos magkasingkahulugan na parehong tungkol sa pagpupulong. Ang simposyum ay tila isang Kontekstwalisidong komunikasyon sa NEUST-CAS Filipino 17 maliit na bersyon ng kumperensya. Tinatalakay rin dito ang isang partikular na isyu o usapin. Karaniwan ay mga eksperto sa isyu ang nagsasama-sama at nagtatalakay ng kanilang mga ideya sa simposyum. Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Simposyum 1. Pagsasagawa ng paunang pulong upang matalakay ang detalye ng simposyum a. Ang petsa kung kailan isasagawa ang simposyum b. Ang lugar na pagdarausan c. Ang mga komite at mga taong magiging bahagi ng bawat komite d. Ang pagmumulan ng pondo e. Ang mga pagkakagastusan tulad ng pagkain, imbitasyon, bayad sa bulwagan, dekorasyon at iba pa f. Ang mga tagapagsalita 2. Pagrereserba ng lugar at mga kagamitan 3. Pagbuo ng programa Kontekstwalisidong komunikasyon sa NEUST-CAS Filipino 18 Ang kumperensya ay isang pormal na pagpupulong na inorganisa ng mga miyembro ng isang organisasyon, grupo o mga tao upang talakayin ang isang paksa na ang mga miyembro ay may pangkaraniwang interes. D. Roundtable at Small Group Discussion Ang roundtable discussion ay tinatawag ding small group discussion kung saan nagkakaroong ng malayang talakayan ang maliit na grupo. Ang grupong ito ay binubuo ng 10 tao. Walang tagapagsalita (speaker) sa roundtable discussion, ngunit pinangungunahan ng facilitator upang maging maayos ang pagpapahayag ng ideya ng bawat isa hinggil ispesipikong paksa at isyu. Sa ganitong talakayan ay napapakinggan ang ideya ng bawat isa. Kahalagahan ng Rountable Discussion 1. Napapakinggan ang ideya ang bawat miyembro. 2. Nagiging bukas ang isipan ng bawat kalahok sa iba’t ibang ideya na ibinibigay ng iba pang kalahok sa usapan. 3. Naibabahagi ng bawat isang kalahok ang kanilang ideya hinggil sa paksa. Mga Kailangan para sa Epektibong Roundtable Discussion 1. Maayos ang oras ng pag-uusap. 2. Ang facilitator ay nakapokus sa paksa na pinag-uusapan. 3. Buod ng mga mahahalagang natalakay ng pangkat. 19 Daloy ng Kaalaman E. Kondukta ng Pulong/Miting Asembliya, Pasalitang Pag-uulat sa Maliliit at Malalaking Pangkat Ang Pulong ay ang pagsasagawa ng isang usapan na binubuo ng mga opisyal o kasapi ng isang grupo o organisasyon. Google images Ang Asembliya naman ay isang malakihang pulong ng grupo ng mga tao para sa iba’t ibang dahilan. Maaring pagtitipon ito na may kaugnayan sa negosyo, relihiyon o iba pang mahahalagang bagay na nais talakayin sa pagtitipon. Apat na Elemento ng isang organisadong Pulong: 1. Pagpaplano (Planning) 2. Paghahanda (Arranging) 3. Pagpoproseso (Processing) 4. Pagtatala (Recording) Pasalitang pag-uulat sa maliliit at malalaking pangkat Ang pag-uulat na pasalita ay sumasaklaw sa pagsasalaysay ng mga nalikom na impormasyon tungkol sa isang paksang nais talakayin sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay bunga ng masusi at maingat na pananaliksik ukol sa isang partikular na paksa na nais talakayin o pag- usapan. 20 t a o n Mga Gabay sa Maayos na Pag-uulat g Kinakailangang may n sapat at kakayahang a makasagot sa lahat ng a kinakailangan ng mga a tagapakinig batay sa b paksa. o t Ang paksang iuulat ay n dapat naaayon sa i pagkakasunod-sunod at t naihahayag ng buong o linaw sa mga tagapakinig.. Hiniling din ang tamang I lakas ng boses para sa s gagawing pag- uulat. a Mahalagang angkop ang s kasuotan na gagamitin sa a gagawing pag-uulat. m Kinakailangan ang tiwala at kompyansa sa a sarili. b u t F. Programa sa Radyo at Telebisyon i n A g ng n Telebisy a on ay isa g sa i pinakam n akapang g yarihang media sa e kasaluku p yan dahil e sa dami k ng t populasy o on o n 21 g g paglagan m ap ng g cable a satellite p connection ay upang maabot o r marating ang malalayong pulo o dito sa loob at labas ng bansa. g r a A m n a g s m a g t a e s l u e m b u i s s u y n o o n d a a t y r a a n d g y m o g : a D h Z a M l M i , m F b a a i w l a o n n 22 N w g , a I y n o v n e , s i t - i W g i a t t n i e v s e s D , o R c e u p m o e r n t t e a r r ’ i s e N s o , t R e e b e o l o t k i , m F e r a o t n m t a R r o a 23 m i p a n g i b a A. Video Conferencing Ang video conferencing ay isang instrumento 123rf.com na ginagamit sa malawakang pakikipagkomunikasyon. Ayon din dito, iba’t ibang sistema o video conferencing platforms ang patuloy na umuusbong bilang mabisang kasangkapan sa pagkatuto sa mga higher institutions. 24 Ito ay isang pagpupulong kung saan ginagamitan ng makabagong teknolohiya upang magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng magkakalayong kalahok. Kalimitan itong isinasagawa kapag mayroong pagpupulong ang mga malalaking kumpanya na may mga sangay sa ibang bansa. Ang video conferencing ay mayroon ding bersyon na makatutulong sa mga mag-aaral. Ito ay sa pamamagitan ng video call sa tulong ng messenger app. Kabilang pa sa maaaring gamitin na aplikasyon ay ang Skype, Facetime, Zoom, Google meet at iba ipa. B. Komunikasyon sa Social Media Ang plataporma ng social media ang isa sa pinakamalawak at mabilis na paraan ng komunikasyon sa kasalukuyan. Google images Ayon rin kay Osterreider, (2013). Ang social media ay mayroong malaking ginagampanan sa ating buhay. Halos ang ating pang araw-araw na pamumuhay ay hindi lumilipas ng hindi natin ginagamit ang isa o higit pag social media platforms tulad ng twitter, Instagram, youtube at iba pa. Ayon din sa kanya ang social media ay isang mabisang instrumento upang magkaroon ng ugnayan ang mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo Sa katunayan nahihigitan na nito ang tradisyonal na mass media tulad ng radio, telebisyon at print sa dami ng gumagamit nito. Sa katunayan ang ating bansa ang tinaguriang “Social Media Capital of the world” pangunahing anyo nito ay ang Facebook, 25 Instagram at Twitter. 4.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser