Graft & Corruption: Lesson 4 PDF

Summary

This lesson discusses graft and corruption in the Philippines, outlining different types and causes. It also looks at the effects corruption has on society.

Full Transcript

“GRAFT & CORRUPTION” INTRODUCTION Bakit sa tingin niyo hindi mawala wala ang mga balitang ukol sa Korapsyon dito sa Pilipinas? Ang graft and corruption ay itinuturing na kabilang sa mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang kahirapan sa ating bansa, ito ay n...

“GRAFT & CORRUPTION” INTRODUCTION Bakit sa tingin niyo hindi mawala wala ang mga balitang ukol sa Korapsyon dito sa Pilipinas? Ang graft and corruption ay itinuturing na kabilang sa mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang kahirapan sa ating bansa, ito ay nagaganap sa maraming bahagi at sangay ng lipunan, ito rin ay nararapat na solusyonan bilang isang isyung panlipunan. I. ANG KONSEPTO, URI, AT PAMAMARAAN NG GRAFT & CORRUPTION I. KONSEPTO KORAPSYON (Corruption) - ang maling kasanayan na pag-abuso ng pampublikong kapangyarihan, tanggapan, at awtoridad na ipinagkatiwala sa isang tao para sa pansariling kapakinabangan - Ayon sa: United Nations Development Program Ang GRAFT ayon sa Philippine National Anti-Corruption Framework and Strategy Graft - ang pagkuha ng pondo ng publiko o pag-abuso sa kapangyarihan ng indibidwal sa pamamagitan ng pandaraya at pag-abuso ng posisyon para magkamit ng financial gains (pinansyal na kita o pakinabang) PAGKAKAIBA: Sa madaling salita, ang graft ay isang partikular na anyo ng corruption na nakatuon sa maling paggamit ng kapangyarihan para sa personal na benepisyo, habang ang corruption ay mas malawak na konsepto na sumasaklaw sa iba't ibang uri ng katiwalian. TANDAAN: Maaaring maganap ang isang korapsyon na walang nagaganap na graft ngunit kapag may naganap na graft, siguradong may naganap na korapsyon dahil ang graft ay isang uri ng korapsyon I. MGA URI 1. Grand Corruption - ay isang uri ng korapsyon na nagaganap sa mataas na antas ng pamahalaan. - Halimbawa: PDAF scam" o Priority Development Assistance Fund scam. - Kadalasan din itong ikinakabit sa pangalawang uri: 2. Public Corruption - ang hindi wasto o hindi matapat na paggamit ng kapangyarihan o pang-aabuso nito bilang isang opisyal ng gobyerno. 3. Petty Corruption - ang pagtanggap ng maliit na pabor at halaga ng mga kinauukulan mula sa mamamayan na kadalasang gumagamit ng serbisyo ng pamahalaan. - 4. Administrative Corruption - Corruption na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga sangay ng pamahalaan. 5. Political Corruption - Corruption na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga batas at tuntunin na maaaring pumabor sa ilang tao.. III. MGA PAMAMARAAN NG GRAFT & CORRUPTION 1. Panunuhol o Bribery - Ito ay ang pagbibigay ng anumang bagay, salapi, o serbisyo upang makuha ang pabor ng isang tao sa posisyon ng kapangyarihan. - halimbawa: ang pagbibigay ng suhol sa mga opisyal upang makuha ang isang kontrata. > TANDAAN : Ang taong nagbigay at ang taong tumanggap aay parehong may sala kapag mayroong kaso ng bribery. 2. Pangingikil o Extortion - Ang paggamit ng isang opisyal o tanggapan ng pananakot at pagbabanta para makakuha ng salapi at iba pang kapakinabangan - halimbawa: kung hindi makatarungan iniipit ng inyong barangay capt. ang pagrelease ng inyong business permit kapalit ng kabayaran. 3. Nepotism (Paboritismo) - Ito ay ang pagbibigay ng mga pabor o oportunidad sa mga kamag-anak o kaibigan, kahit na hindi sila kwalipikado. 4. Cronyism o Padrino System - Halos kagaya rin ito ng Nepotismo, ngunit Imbis na kamag anak ang ipasok sa posisyon, ito ay iyong mga kaibigan at kaalyado. - halimbawa: Karaniwang nagaganap ito sa mga bagong halal na politiko kung saaan nagluluklok sila o nag aappoint ng mga taong nakatulong sa kanilang kampanya noong election sa kabila ng katotohanan na ang mga taong ito ay walang kakayahan 5. Fraud (Panlilinlang) - Ang paggamit ng posisyon para sa pandaraya o panlilinlang para sa personal na pagpapayaman 6. Plunder (Pandarambong) - ay tumutukoy sa pagnanakaw o maling paggamit ng mga yaman ng estado o pondo na nakalaan para sa mga proyektong pampubliko. 7. Embezzlement (Pangungupit) - Tinatawag din itong Graft kung saan ang taong pinagkatiwalaan ng pondo o yaman ay gumawa ng mga hakbangin upang mailipat ang yaman na ito sa kaniyang sariling bulsa. 8. Influence Peddling - Ang illegal na paggamit ng impluwensiya ng pamahalaan o koneksiyon sa mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng pabor o makakuha ng espesyal na pribilehiyo. - halimbawa: ang pagsasabi na kamag anak mo ang taong isang opisyal o politiko para makalagpas ka sa mga checkpoint o pagkakahuli sa kalsada. II. NAGTATAYA NG EPEKTO SA PAGTITIWALA at PARTISIPASYON NG MGA MAMAMAYAN SA PROGRAMA NG PAMAHALAAN 1. Ang Pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan ay nagdudulot ng kawalan ng kooperasyon at interes na makilahok sa pagpapabuti ng bansa. 2. Pagiging siniko sa mga pinuno at proseso sa pamahalaan Ang paulit-ulit na insidente ng graft and corruption sa gobyerno ay nagbibigay ng ideya sa mga tao na ang kanilang mga pinuno ay sakim at sinungaling. Dahil dito, tuluyan silang nawawalan ng pananalig sa sistema. Ang ganitong pag-iisip ay tinatawag na “Political cynicism” na kung saan naniniwala ang mga tao na ang mga pinuno, grupo, at proseso sa pulitika ay ipinakikilos lamang ng mga pansariling interes (Capella and Jamieson, 1997) na humahadlang na paniwalaan ang anumang kilos na marangal at hindi makasarili. Ang pagiging siniko ng mga mamamayan sa kanilang pinuno at sa prosesong pampulitika ang nagiging dahilan upang humina o tumigil sila sa paglahok sa mga prosesong pampulitika. Ang pagkadismaya sa korapsyon ng sistema ang minsa’y nagtutulak sa mga tao na mawalan ng pagpapahalaga sa batas at kaayusan. Kapag lumala ay maaaring magdulot ng paggawa ng mga krimen. 3. Pagdaos ng kabi-kabilang mga protesta at kaguluhan Ang patuloy na pagguho ng tiwala ng mamamayan sa mga pamahalaan ang kadalasang nagmimitsa ng tuluyang pagbagsak ng kaayusang pampulitika. Nagkakaroon din ng matinding pagnanais ang mga tao na humanap ng mas radikal na sistema, magsagawa ng mga protesta, o ‘di kaya’y mag-rebolusyon. Kapag nagpatuloy ang korapsyon, ang mga mamamayan ay maaaring: 1. Maging siniko sa pinuno at programa 2. Mawalan ng gana makilahok sa mga prosesong pampulitika 3. Magdaos ng kabi-kabilang protesta/kaguluhan 4. Lumabag sa batas III. Nagsusuri ang KAUGNAY sa Graft & Corruption sa EPEKTONG PANGKABUHAYAN AT PANLIPUNAN. 1. Pagbaba ng Tiwala ng Publiko - Ang graft at corruption ay nagdudulot ng pagbagsak ng tiwala ng mga mamamayan sa mga institusyon ng gobyerno. 2. Pag-taas ng Kahirapan - Ang mga corrupt na gawain ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng mga mahihirap na komunidad. Ang mga yaman ng bansa ay hindi naaabot ng mga nangangailangan, na nagiging sanhi ng pagtaas ng antas ng kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. 3. Pagkakaroon ng Masamang Moral na Halaga - Ang patuloy na graft at corruption ay nagiging sanhi ng paglaganap ng mga masamang asal sa lipunan. Ang mga tao ay nagiging mas handang makipag-ugnayan sa mga corrupt na gawain, na nagiging sanhi ng isang kultura ng katiwalian. 4. Epekto sa Serbisyong Pampubliko - Ang mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Bureau of Customs, ay madalas na itinuturing na pinaka-corrupt. Ang mga ganitong sitwasyon ay nagiging sanhi ng hindi maayos na serbisyo at pagtaas ng gastos para sa mga mamamayan. 5. Paghina ng Ekonomiya - Ang mga pondo na dapat sana ay ginamit para sa imprastruktura at mga serbisyong panlipunan ay nawawala sa bulsa ng mga corrupt na indibidwal. IV. Paraan Upang Maiwasan Ang Graft & Corruption Sa Lipunan Mga Mungkahing Paraan o Solusyon Upang Maiwasan ang Graft & Corruption 1. Matalinong pagpili ng mga ihahalal sa pwesto - Kailangan nating maging maingat sa pagpili ng mga kandidato. Alamin ang kanilang mga plano at kung paano sila nakilala. Kung ang mga tao ay may magandang reputasyon, mas mababa ang chance na sila ay mangurakot. 2. Pagkakaroon ng transparency o regular na pag-uulat ng pamahalaan tungkol sa pondo ng bayan - Dapat ipaalam ng gobyerno kung saan napupunta ang pera ng bayan. Kung makikita natin ang mga proyekto at gastos, mas madali nating sinusubaybayan kung may mga anomalya. 3. Pagsasabatas ng Freedom of Information Bill - Ang batas na ito ay nagbibigay-daan sa atin na humingi ng impormasyon mula sa gobyerno. Kapag alam natin kung ano ang nangyayari, mas madali nating mapanagot ang mga opisyal. 4. Paigtingin ang pagmomonitor ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) - Ang SALN ay listahan ng yaman ng mga opisyal. Dapat itong tingnan ng mabuti para malaman kung may naging yaman ng mabilis na hindi makatwiran. 5. Patawan ng mabigat na parusa ang mga napatunayang nangurakot - Dapat magkaroon ng mahigpit na parusa para sa mga nahuli sa corruption. Kapag alam ng lahat na may malupit na parusa, mas mababa ang chance na may mangurakot. 6. Paigtingin ang pagtuturo ng kasamaan ng graft at corruption sa paaralan - Kailangan nating turuan ang mga kabataan tungkol sa masamang epekto ng graft at corruption. Sa pamamagitan ng edukasyon, mas maiintindihan ng mga estudyante kung bakit ito mali at paano ito maiiwasan. Maraming paraan upang labanan at maiwasan ang graft and corruption sa lipunan ngunit ito ay hindi madaling gawin dahil hindi sapat na iilang tao lamang ang kikilos laban dito. Ang laban sa korapsyon ay mapupuksa lamang kung ang mga tao ay maging alerto sa kanilang karapatan at sa mga tungkulin ng pamahalaan. Ang paraan upang maiwasan ang graft and corruption ay hindi lamang nakadepende sa mga polisiya na binubuo ng pamahalaan. Ang mga ito ay dapat na ipinapatupad. Nakakagamit din dapat ng mga makabagong teknolohiya at higit sa lahat ay ang interes ng mga tao ang inuuna nito.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser