Filipino 8 Past Paper SY 2024-2025, Term 2 PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Document Details

MeaningfulPoincare5442

Uploaded by MeaningfulPoincare5442

Junior High School Department

null

null

Tags

Filipino Junior High School Academic syllabus Philippine studies

Summary

This document is a sample from a Filipino 8 syllabus from a Junior High School. It contains lesson topics and instructions relating to appropriate conduct in a church setting. It doesn't include any questions or problems to solve.

Full Transcript

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Filipino 8 SY 2024-2025, Term 2 Pangalan: ____________________________________ Baitang 8 Seksyon: ____ ANG AASALIN SA SIMBAHAN Si Urbana kay Feliza, M...

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Filipino 8 SY 2024-2025, Term 2 Pangalan: ____________________________________ Baitang 8 Seksyon: ____ ANG AASALIN SA SIMBAHAN Si Urbana kay Feliza, Manila … FELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo’y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw-gaslaw, at kung marikit ang kagayakan ay nagpalingap-lingap na anaki tinitingnan kung may nararahuyo sa kanya. Marami ang namamanyo ng nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito’y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal. O Feliza! Napasaan kaya ang galang sa lugar Santo? Napasaan kaya ang kanilang kahinhinan? Di yata’y lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos sa kanila ni S. Pablo na pinapagtatakip ng mukha sa loob ng simbahan, pakundangan sa mga Anghel?1 Di yata’y hanggang sa kumpisalan ay dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Saserdote? May nakikita namang nakikipagtawanan sa kapwa babae, o uupo kaya at makikipagngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga’t sampu ng bahay ng Diyos ay ginagawang lugar ng pagkakasala. Itong mga biling huli na ukol sa lalaki ay ipahayag mo kay Honesto na bunso nating kapatid. Pagbilinan mo na pagpasok sa simbahan ay huwag makipag-umpukan sa kapwa bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan at pagbibiruan. Maninikluhod nang buong galang sa harapan ng Diyos, magdarasal ng rosaryo, at huwag tularan ang nakikita sa iba, sa matanda ma’t sa bata na nakatingala, nakabuka ang bibig na parang isang hangal, na napahuhula. Huwag bubunutin ang paa sa chapin, sapagkat isang kasalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang huli kong bilin ay huwag mong bubunutin sa Simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matakpan ng saya, sapagkat nakamumuhi sa malinis na mata ang ipakita. Ipahayag mo kay ama’t kay ina ang buong kagalangan ko: Adiyos, Feliza, hanggang sa isang sulat, - URBANA. ______________ 1. Cor. 11:10

Use Quizgecko on...
Browser
Browser