Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga detalye at katangian ng Katitikan ng Pulong. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng tala at rekord ng mga mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong.

Full Transcript

KATITIKAN NG PULONG ANO BA ANG "KATITIKAN NG PULONG"? Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulo ng. Sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Ito ang nag sisilbi...

KATITIKAN NG PULONG ANO BA ANG "KATITIKAN NG PULONG"? Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulo ng. Sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Ito ang nag sisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay. KATANGIAN NG KATITIKAN NG PULONG: -Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sun od ng mga puntong napag- usapan at makatotohanan. I big sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-poku s na mga pahayag. -Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang disku syon at desisyon. -Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng taga pangulo o pinuno ng lupon. NAKATALA SA KATITIKAN ANG MGA SUMUSUNOD: Paksa Petsa Oras Pook na pagdarausan ng pulong Mga taong dumalo at di dumalo Oras ng pagsisimula MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG: Maghanda ng pormat na maaaring sulatan ng katitikan. Siguruhing ang mga nakatala sa agenda ay kasamao hindi naisama sa napag-usapan. Katotohanan lamang ang isusulat sa katitikan. Maging alerto sa mga napag-usapan, mga napagkasunduanat hindi napagkasunduan, sa mga mahahalagang detalye. Kapag nagkataon na mayroong naunang pagpupulong,bago basahin ang adyenda nggaganaping pagpupulong, dapat munang ilahad ang katitikan ng nakaraang pagpupulong. TATLONG URI NG ETSILO SA PAG SULAT NG KATITIKAN NG PULONG: ULAT NG KATITIKAN Sa ganitong uri lahat ng detalyeng napag usapan sa pulong ay nakatala. maging ang pangalan ng nagsalita o tumalakay sa paksa. SALAYSAY NG KATITIKAN Uri na mahahalagang detalye lamang ng pulong ang isinasalaysay at maituturin na ligal na dokumento. RESOLUSY ON NG KATITIKAN Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napag kasunduan ng samahan lamang. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG: HEADING- naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. makikita din dito ang petsa at lokasyon at oras ng pagsisimula ng pulong MGA KALAHOK O DUMALO- dito nakalagay ang mga nanguna sa pagpapadaloy ng pulong at pangalan ng lahat ng dumalo PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG - dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng puloy ay nag patibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN- dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong PABALITA O PATALASTAS- hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngutin kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa dumalo ay maaring ilagay dito ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG- nakatala sa bahaging ito kung saan gaganapin at kailan ang susunod na pulong PAGTAPOS- inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nag wakas ang pulong LAGDA - mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite BAKIT MAHALAGA ANG KATITIKAN NG PULONG? Mahalaga ito dahil nakapaloob dito ang mahahalagang impormasyong may kinalaman sa operasyon ng organisasyon o kompanya. Kailangang siguraduhing naitatala rito nang wasto ang mahahalagang diskusyon, rekomendasyon, at desisyon. MGA HALIMBAWA NG KATITIKAN NG PULONG MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser