ARALIN 1: Ang Kahalagahan ng Pagsulat PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Summary

This document discusses the importance of academic writing. It identifies different types of academic writing based on purpose, use, and characteristics. It also highlights the importance of writing for students, professionals, and individuals.

Full Transcript

ARALIN 1 LAYUNIN: ✓ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat. ✓ Nakilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: a.) Layunin b.) Gamit c.) Katangian d.) Anyo ANG PAGSUSULAT AYON KAY…...

ARALIN 1 LAYUNIN: ✓ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat. ✓ Nakilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: a.) Layunin b.) Gamit c.) Katangian d.) Anyo ANG PAGSUSULAT AYON KAY… CECILIA AUSTERA EDWIN MABILIN Ang pagsusulat ay isang Ito ay isang pambihirang gawaing kasanayang naglulundo ng pisikal at mental dahil sa kaisipan at damdaming nais pamamagitan nito ay ipahayag ng tao gamit ang naipapahayag ng tao ang nais pinakaepektibong midyum niyang ipahayag sa pamamagitan ng paghahatid mensahe, ang ng paglilipat ng kaalaman sa wika. papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Para sa mga mag-aaral: Para sa mga propesyonal: Matugunan ang pangangailangan sa bahagi ng pagtugon sa bokasyon o pag-aaral bilang bahagi ng pagtamo sa trabahong kanilang ginagampanan. kasanayan. Para sa iba: Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa parang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. AYON KAY MABILIN… Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman. LIMANG MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA PAKIKINIG, PAGBABASA, PAGSASALITA AT PANONOOD PAGSUSULAT Madalas ang isang Ang taong nagsasagawa nito ay indibidwal na gumagawa nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol nito ay kumukuha o sa isang tiyak na paksa sa nagdaragdag ng mga pamamagitan ng kanyang kaalaman sa kanyang sinasabi at isinulat. isipan. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT Ayon kay Royo (2001) Malaki ang naitutulong ng pagsusulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam. Nakikilala ng tao ang kaniyang sarili, ang kaniyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kaniyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman, bukod sa mensaheng taglay ng akademikong sulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng makababasa nito. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AYO N K AY M A B I L I N … Personal o Ekspresibo Panlipunan o Sosyal Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa Layunin ng pagsusulat ay ang makipag-ugnayan sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng tawag sa layuning ito ay transaksiyonal. pagsusulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat. Halimba: Halimbawa: Sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba Liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, pang akdang pampanitikan. sulating panteknikal, tesis, disertasyon. KAHALAGAHAN O MGA BENEPISYONG MAAARING MAKUHA SA PAGSUSULAT ❑ Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. ❑ Malilinang ang kasanayang sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. ❑ Mahubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. ❑ Mahikayat at mapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kailangan sa pagsulat. ❑ Magduudlot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. ❑ Mahubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. ❑ Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT WIKA Ang wika ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa. Mahalaagnag magamit ang wika sa malinaw, tiyak, at payak na paraan. PAKSA Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na inilalagay sa akda o komposisyong susulatin. Ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang pansin. LAYUNIN Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalalman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa. PAMAMARAAN NG PAGSULAT May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng sumulat. ❖Paraang Impormatibo magbigay impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. ❖ Paraang Ekspresibo naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. ❖ Pamamaraang Naratibo magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkaka-ugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. ❖ Pamamarang Deskriptibo maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. ❖ Pamamaraang Argumentatibo manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. KASANAYANG PAMPAG-IISIP Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. Kailangan maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. Maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapliwanag ng mga impormasyon at kaisipang inilalahad sa sulatin. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT Dapat isaalang-alang ang pagkakroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular na sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN Kakayahang mailatag ang mga kaiisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado,obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito PATULOY NA MAG-IPON NG KAALAMAN.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser