ARALIN 1.2 - TEKSTONG DESKRIPTIBO AT NARATIBO PDF

Document Details

EnterprisingSymbol

Uploaded by EnterprisingSymbol

Tags

Tagalog writing descriptive writing narrative writing Filipino literature

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa tekstong deskriptibo at tekstong naratibo sa Filipino. Ang layunin ay ang matutunan ng mambabasa ang mga katangian at pagsulat ng naturang uri ng teksto. Nagtatampok ito ng mga layunin, panuto, at halimbawa.

Full Transcript

TEKSTONG DESKRIPTIBO AT NARATIBO MODYUL1.2 Layunin 1 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa 2 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa 3 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri...

TEKSTONG DESKRIPTIBO AT NARATIBO MODYUL1.2 Layunin 1 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa 2 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa 3 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto Marites, Marisol, Maricon Marites, Marisol, Maricon Mayroong ipakikita na larawan sa inyo na nasa kanan na bahagi. Kinakailangan mailarawan ito ng kasunod na mag-aaral patungo sa sunod na kamag-aaral hanggang sa makarating sa dulong bahagi. Ang mag-aaral na nasa pinakadulo ang siyang guguhit sa isang malinis na papel kung ano ang inilarawan ng mga naunang mag-aaral. Kasagutan Indibidwal na Pagsagot 1.Para sa Gumuhit: Sa iyong palagay, gaano kalapit ang iyong guhit sa orihinal na larawan? 2.Para sa mga Naglarawan: Ano ang mga hamon na iyong naranasan sa paglalarawan ng larawan? 3.Para sa lahat: Paano ninyo nailarawan ang proseso ng paglipat-lipat ng impormasyon mula sa isang mag-aaral patungo sa susunod? Bakit maituturing na pinakapopular na uri ng tekstong tinatangkilik sa buong mundo ang tekstong naratibo? Paano nakatutulong ang paggamit ng naaangkop na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalugdang basahin ang isang teksto? TEKSTONG DESKRIPTIBO TEKSTONG DESKRIPTIBO Maihahalintulad sa isang larawang ipinita o iginuhit kung saan kapag nakita ito ay parang nakita na rin ang orihinal na obra. TEKSTONG DESKRIPTIBO ▪ Nagtataglay ng impormasyong naglalarawan sa pisikal na katangian ▪ Madaling makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano at gumagamit ng pang-uri. KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO KATANGIAN 1. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mambabasa. KATANGIAN 2. Maaaring maging obhetibo o subhetibo, at magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan. DALAWANG URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pamalas ng may-akda gumagamit ng matalinhagang salita, tayutay at idyoma kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas o direkta ang paglalarawan MAHAHALAGANG KASANGKAPAN SA PAGLALARAWAN Ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan na karaniwang ginagamitan ng PANG-URI o PANG-ABAY. Ang malinaw na paglalarawan ay hindi nangangahulugan ng simple lamang o mababaw lamang na paglalarawan. Kinakailangan upang mapatibay ang inihayag na paglalarawan. "Magandang babae" "Napakarikit na dilag na may mahabang buhok, makinis at mamula-mulang kutis at malaanghel na mukha" Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paglalarawan, ngunit pakatatandaan na kailangang maging sensitibo. Gamitan ng kabisaan ang pananaw ng manunulat tungo sa isipan ng mambabasa Pag-iiwan ng kongkreto o tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa upang masabing ganap ang impresyong taglay ng binuong tesktong paglalarawan ang inihayag. IBA PANG BAHAGI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO Nabubuo sa isipan ang anyo, gayak, amoy, kulay, at iba pang katangian gamit ang pinakaangkop na pang-uri. Mahalagang pakilusin ang tauhan para mas magmarka ang katangian nito. halimbawa: "Ang Dalaginding" ni Iñigo Ed. Regalado "Tata Selo" ni Rogelio R. Sicat "Takipsilim sa Dyakarta" si Mochtar Lubis Dahilan ng tauhan kung bakit niya nagawa ang isang bagay na kung saan ay isinaad mismo ng gumanap ang emosyon na nararamdaman. PARAAN SA PAGLALARAWAN Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kaniyang paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang labi. "Ale, sa likod po ang pila. isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo pumila!" "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim-bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa kaniyang mga mata. Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kaniyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta. 𝑁𝑜𝑜𝑛, 𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝐵𝑢𝑘𝑎𝑠 Bigyan ng maikling paglalahad ang inyong kabataan, paaralang pinapasukan at propesyong nais makamit. TEKSTONG NARATIBO ✓ Napakamalikhain lalong higit sa anyong paglalahad at pagsasalaysay nito. ✓ Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o malikhain at di-piksiyon o makatotohanan. ✓ Maaaring ang salaysay ay tumutukoy sa karanasan ng nagkukuwento. URI NG TEKSTONG NARATIBO Ito ay isinusulat upang magbigay at maghatid ng kaalaman o impormasyon. URI NG NARATIBONG NAGPAPABATID O INFORMATIVE NARRATIVE NAGPAPALIWANAG O EXPOSITORY NARRATIVE Naglalayon magpaliwanag ng mga bagay-bagay maaaring ito ay makatotohanan o malikhaing depende sa nilalaman Halimbawa: Alamat URI NG NARATIBONG NAGPAPABATID O INFORMATIVE NARRATIVE PANGKASAYSAYAN O HISTORICAL NARRATIVE Nilalaman nito ang talang pangkasaysayan Halimbawa: Ang ekspidisyon ni Magellan URI NG NARATIBONG NAGPAPABATID O INFORMATIVE NARRATIVE PAKIKIPAGSAPALARAN O NARRATIVE OF ADVENTURE Nilalaman nito ang kabayanihan ng isang nilalang sa malikhaing pamamaraan Halimbawa: Bernardo Carpio -Isang Epiko ng mga Tagalog URI NG NARATIBONG NAGPAPABATID O INFORMATIVE NARRATIVE TALAMBUHAY O BIOLOGICAL NARRATIVE Nagsasalaysay ng buhay ng isang pamosong tao Halimbawa: Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal URI NG NARATIBONG NAGPAPABATID O INFORMATIVE NARRATIVE KATHANG SALAYSAY O SKETCH Naglalahad ito ng pangyayaring pansarili, kadalasan nasa anyo ito ng isang diary. 2. NARATIBONG MASINING O ARTISTIC NARRATIVE Isinusulat upang magbigay ng aliw Halimbawa: komiks KATANGIAN NG ISANG KWENTONG NARATIBO KATANGIAN NG ISANG KWENTONG NARATIBO Iba’t ibang pananaw o punto de vista (point of view) sa tekstong naratibo Dalawang uri ng saloobin o diyalogo sa tekstong naratibo KATANGIAN NG ISANG KWENTONG NARATIBO Iba’t ibang pananaw o punto de vista (point of view) sa tekstong naratibo Dalawang uri ng saloobin o diyalogo sa tekstong naratibo DALAWANG URI NG SALOOBIN O DIYALOGO SA TEKSTONG NARATIBO 1. DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG - ang tauhan ay tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng diyalogo, saloobin o damdamin. HALIMBAWA: “Donato, kakain na, anak”, tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa. DALAWANG URI NG SALOOBIN O DIYALOGO SA TEKSTONG NARATIBO 2. DI- DIREKTA/DI-TUWIRANG PAGPAPAHAYAG - tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, naiisip o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito ginagamitan ng panipi. HALIMBAWA: Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa. Talataan Punan ng angkop na pang-uri ang talataan sa ibaba sa tulong ng mga salitang mula sa talahanayan upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Lahat tayo ay may pangarap, batid din ng marami sa atin na hindi 1. ang pag-abot nito. Ngunit kung tayo ay 2. na maabot ito, lahat ay ating magagawa. Gaano man 3. o 4. ang ating pangarap basta’t pagsusumikapan ay tiyak na makakamtan. Hindi lahat sa atin ay natutupad ang mga pangarap ngunit kung 5. at 6. ang bawat indibidwal ay tunay na magkaroon ng katuparan ang mga pangarap. Written Work 1 Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto Pagsusuri sa teksto’y hindi lamang tungkol sa pagbabasa. Kundi paglalakbay patungo sa mas malalim na pag-unawa, pagtuklas ng kahulugan, at pagbuo ng sariling opinyon at kaalaman. Panuto: Pumili lamang ng isa sa alinman sa nakalahad na mga gawain sa ibaba (A o B). Gamitin ang rubrik para sa pagbuo ng awtput. Gawin sa isang malinis na bond paper na may sukat na 8.5 x 13 at ipapasa ito sa guro. PAGSUSURI AT PAGSULAT A. Basahing mabuti at unawain ang maikling teksto na “Mabangis na Lungsod” ni Efren Abueg, matapos nito ay matalinong sagutan ang gawain na "BUOIN NATIN" sa pahina 65-66 ng batayang aklat – PINAGYAMANG PLUMA. PAGSUSURI AT PAGSULAT B. Sumulat ng sariling tekstong naratibo na nagpapakita ng buong banghay ng pangyayari (Freytag’s Pyramid) anuman sa mga paksang ito: a. Diskriminasyon b. Polusyon c. Korapsyon Pormat ng Pagsasagawa MGA TAGUBILIN SA PAGPAPASA Walang bilang ng salita ang kailangan sa gawain na ito ngunit siguraduhin na magkakasya lamang ang mga kasagutan sa harap lamang ng isang pahina. Ang presidente ng klase ng bawat seksyon ang magpapasa ng lahat ng papel sa guro. Ipasa sa itinakdang araw ng pagpapasa na pinagkasunduan ng guro at ng buong klase. Mangyaring sumangguni sa guro kung mayroong mga katanungan. MENTIMETER Magbigay ng 3 katangian ng manunulat na marapat manahan sa kanya para sa pagbuo ng Tekstong Naratibo. Bakit maituturing na pinakapopular na uri ng tekstong tinatangkilik sa buong mundo ang tekstong naratibo? Paano nakatutulong ang paggamit ng naaangkop na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalugdang basahin ang isang teksto? SALAMAT ! BATAYANG AKLAT Rosario, A. M. (2017). Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksiksa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Ave.,Quezon City: Pheonix Publishing House, Inc. Servillano T. Marquez Jr., P. (2017). PINTIG Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksiksa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Ave.,Quezon City: Sibs Publishing House, Inc. Cantillo, A. V. (2015). Sikhay: Komunikasyong at Pananaliksiksa Wika at Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang. 1373 E. Rodriguez Sr. Ave., Kristong Hari 1112, Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation. PANANALIKSIK SA SILID-AKLATAN O INTERNET Mga Awtentikong kagamitan tulad ng: totoong senaryo, larawan o mga kagamitang pampagtuturo, LED TV, Powerpoint Presentation, Flash drive at board marker

Use Quizgecko on...
Browser
Browser