Araling Panlipunan Q1 PDF

Document Details

InnocuousManganese5956

Uploaded by InnocuousManganese5956

Tabaco National High School

Tags

economics review araling panlipunan social studies

Summary

This document is a review of Araling Panlipunan for the first quarter. It covers topics like economics, human wants, resources, and how they relate to decision-making.

Full Transcript

Araling Panlipunan Reviewer Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na...

Araling Panlipunan Reviewer Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomiya ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala (Viloria, 2000). Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources na maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya. Kakapusan - Ano ang gagawin - Paano gagawin - Para kanino - Gaano karami Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo Agham Panlipunan Matalinong Paggamit Ekonomiks Limitadong Yaman Kagustuhan ng Tao Ekonomista Adam Smith Ama ng Makabagong Ekonomiks Doktrinang laissez-faire o Let Alone Policy ang nagpapaliwanag na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng pribadong sektor ; sa halip, pinagtutuunan ng pansin ang pagpapanatili ng kapayapaan ng bansa Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga gawain sa produksiyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa. Sumulat ng aklat na “An Inquiry Into The Nature and Causes of The Wealth of Nations” David Ricardo Law of Diminishing Marginal Returns - Ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng pakinabang na nakukuha mula sa mga ito. Law of Comparative Advantage - Isang prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga bansa na nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga (production cost) kumpara sa ibang bansa. Thomas Robert Malthus Binigyang-diin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon Malthusian Theory - Ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa John Maynard Keynes Father of Modern Theory of Employment. Ipinakilala niya ang Keynesian Economics kung saan binigyang-diin niya ang pamumuhunan at pagkonsumo ay lilikha ng employment. Ang pamahalaan ay mas malaking gampanan sa pagpapanatili ng katatagan at balanse sa ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos ng pamahalaan. Sumulat ng aklat na “General Theory of Employment, Interest, and Money” Mga Mahalagang Konsepto sa Pagpili ng Pagdedesisyon - Ang pagpili at pagdedesisyon ay magkaugnay. Ang tao na nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin ay tanda na siya ay nakagawa ng pagdedesisyon. - Individual Choice - ang paggawa ng pagpili at pasya ng indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang-yaman - Social Choice - pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at oamahalaan ukol sa mga hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan. - Economic Choice/Economic Decision - may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman Mga Prinsipyong Pang Ekonomiya ni Nicholas Gregory Mankiw Nicholas Gregory Mankiw - isang Amerikanong makroekonomista at propesor sa Harvard University 1. Trade Off - ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. hal : mag-aaral ka ba o maglalaro 2. Opportunity Cost - tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. hal : Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na ipinagpalibang gawin 3. Incentives - mga bagay o sitwasyong makapagbibigay ng motibasyon o karagdagang pakinabang kapalit ang isang gawain o pabor. hal : Ang pagtaas sa presyo ng mansanas ay nagtutulak sa mga mamimili na babaan ang pagkonsumo nito habang ang pagtaas naman ng presyo nito ang nakapagbibigay motibasyon sa mga prodyuser na magdagdag ng suplay. 4. Marginal Thinking - “Rational people think at the margin.” Ayon dito, sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Kahalagahan ng Ekonomiks 1. Sa pag-aaral ng ekonomiks, maunawaan ang mga dahilan ng pagnanais ng tao na mabuhay. 2. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon 3. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal, sapagkat nasa ating mga kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya 4. Malilinang sa atin ang hangarin na maitaas ang antas ng sariling pamumuhay at matamo ang kaunlaran ng pamilya gayundin ng bansa 5. Maaaring maging higit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran 6. Mahuhubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawin sa pamamaraang makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap 7. Matutukoy natin ang wastong paraan ng paggamit ng ating limitadong yaman 8. Lubos nating mauunawaan ang mga isyung pangkabuhayan at panlipunang sa mga konseptong binibigyang-linaw sa pag-aaral ng Ekonomiks 9. Masusuri natin ang mga terminolohiya sa Ekonomiks na ang kahulugan ay naiiba sa karaniwang katawagan 10. Higit sa lahat, ang ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naaapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan Kakulangan (shortage) - nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto - isang kalagayang panandalian lamang na maaaring gawa o likha ng tao - maaari din na ito ay bunga ng mga kalamidad na nararanasan sa bansa - nagaganap kapag ang mga prodyuser at hindi makapag-supply ng mga produkto ayon sa kasalukuyang pangangailangan ng pamilihan halimbawa artipisyal na kakulangan ng bigas sa pamilihan hoarding - pagtatago ng mga supply na ginagawa ng mga kasapi ng rice cartel na nagiging dahilan ng pagkukulang ng supply ng isang produkto kartel - pangkat ng malalaking negosyante na kumokontrol at nagmamanipula ng distribusyon, pagbili, at pagpepresyo ng mga produkto pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahil sa bagyo, peste, El niño, at iba pang kalamidad Kakapusan (scarcity) - umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao - inilalarawan ni Nicholas Gregory Mankiw (1997) bilang isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng tao halimbawa kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural gas at iba pang non-renewable resources pagrarasyon ng malinis na tubig sa urban o rural na lugar kapag may naganap na kalamidad, kinakapos ang supply ng pagkain, elektrisidad, at pati langis Production Possibilities Frontier (PPF) - isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga produkto - nailalarawan din ang mga konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan Mga Kailangang Isaalang-alang sa Paggamit ng PPF 1. Mayroon lamang dalawang produktong maaaring likhain 2. Ang pamayanan ay may limitadong resources (fixed supply) Ang pinakamataas na produksiyon ng ekonomiya ay ang hangganan ng PPF Sa mga hangganang ito ay maituturing na efficient ang produksiyon Kahit alin sa mga punto sa hangganan ng PPF ang gamitin ay masasabing efficient ang produksiyon. Ang punto na nasa labas ng kurba ay naglalarawan ng konseptong infeasible na plano ng produksiyon Kung hindi magagamit ang lahat ng salik ng produksiyon ay masasabing hindi efficient ang paglikha ng produkto Efficiency/Masinop - matipid na nagamit - lubos na napakinabangan - walang naaksaya Paraan Upang Mapamahalaan ang Kakapusan 1. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon 2. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangan serbisyo 3. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa mga organisasyon, at mga institusyong nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya 4. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman Kakapusan Bilang Suliraning Panlipunan Sa paglipas ng panahon, maaaring maubos pa ang mga pinagkukunang-yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong umaasa rito Magiging dahilan ito ng malawakang kahirapan ay pagkakasakit ng mga mamamayan, Maaari rin itong magdulot ng sigalot, pag-aaway-away, at kompetisyon Palatandaan ng Kakapusan 1. Ang kagubatan ay maaaring maubos at magdulot ng pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng biodiversity 2. Bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang-dagat dahil sa pagkasira ng mga coral reefs. 3. Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha. 4. Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw 5. Ang gamit ng pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili ang lahat ng bagay Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa mga Pangangailangan ng Tao at Kagustuhan 1. Edad - ang pangangailang noong sanggol pa ay nagbabago habang nagkakaedad, ang mga produkto at serbisyo na binibili at ginagamit ay nagkakaiba, ang mga libangan ay nagkakaiba rin. 2. Antas ng Edukasyon - ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan 3. Katayuan sa Lipunan - maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo. 4. Panlasa - ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda, ang bawat tao ay bumibili ng mga produkto ayon sa kaniyang panlasa. 5. Kita - kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga pangunahing pangangailangan, samantala, naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking kita 6. Kapaligiran at Klima - kung malapit sa dagat ang isang lugar, pangingisda ang hanapbuhay, kung malamig ang lugar, maaaring maghangad ng produktong makatutulong upang malabanan ang matinding init tulad ng heater. Teorya ng Pangangailangan ni Abraham Harold Maslow Sa “Theory of Human Motivation” ni Abraham Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niyang ang Teorya ng Pangangailangan. Ayon sa kanya, habang patuloy na napupunan ng tao ang kaniyang batayang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na pangangailangan (higher needs) Pangangailangan Pisyolohikal Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na ito, maaaring magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan Magkakaroon ng pangangailangan ito kapag natugunan na ang naunang pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa marahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya at seguridad sa kalusugan Pangangailangang Panlipunan Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang pangangailangan na hindi niya kayang tugunan mag-isa. Maaaring magdulot ng kalungkutan at pagkaligalig ang sinumang hindi makatugon sa pangangailangang ito. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang Tao Kailangan ng tao na maramdaman ang kaniyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kaniyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay maaaring magdulot sa kanya ng mababang moralidad at tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo. Kaganapan ng Pagkatao Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni Maslow na ang taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao. Ang mga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa kaniyang sarili. May kababaang loob at may respeto sa ibang tao. - Pagkakuntento sa Bahay - Respeto, Diploma - Kasintahan, Kaibigan, Pamilya - CCTV, Trabaho, Educ. Plan, Ipon sa banko - Tubig, Pagtulog, Pagkain, Bahay, Damit Alokasyon - mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo - isang paraan upang maayos na ipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa - ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yanan, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiks. 1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? nakasalalay sa pangangailangan ng tao 2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? nakasalalay kung anong input ang gagamitin (teknolohiya o tradisyonal na paraan) 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? ang makikinabang ay kung sino ang nangangailangan ay may kakayahang makamit ito 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya Sistemang Pang-ekonomiya - tumutukoy sa institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan mithiin na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. Mga Sistemang Pang-ekonomiya 1. Traditional Economy 2. Market Economy 3. Command Economy 4. Mixed Economy Tradisyonal na Ekonomiya - unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya - upang matugunan ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiko, ito ay binabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala - ang paraan ng produksiyon ay batas sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat Command Economy - ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ang alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies) - katunayan ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinakukunang-yaman sa paglikha ng mga kapital. - tinutukoy nito ang uri ng ekonomiya sa isang politikal na estado kung saan ang gobyerno lamang ang may awtoridad - kadalasan ang mga industriya at kompanya sa ilalim ng isang command economy ay pagmamay-ari ng publiko o di kaya naman ay ng gobyerno - madalas makikita sa merkado ng mga komunistang bansa Mga bansang nakapaloob sa Command Economy : Russia China North Korea Cuba communist/country government Market Economy - Ang bawat kalahok, konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makukuha ng malaking pakinabang - Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain - Presyo ang pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan Tungkulin ng pamahalaan : pagbibigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian at kontrata na pinapasukan ng pribadong indibidwal Mga bansang nakapaloob sa Market Economy : Canada Mexico Germany Mixed Economy - isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy - kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan - nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy - hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring maghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katanungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado - nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibiwal. Gayunpaman, ito at hindi nangangahulugang ganao na autonomiya para sakanila sapagkat ang karamiyan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan. Mga bansang nakapaloob sa Mixed Economy : United States Norway Philippines Sweden Pagkonsumo - tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at magtamo ng kasiyahan ang tao. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo 1. Pagbabago ng Presyo - may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng tao - mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo, mababa ang pagkonsumo kung mataas ang presyo 2. Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao - habang Iumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo 3. Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan - hal. kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo - kapag may parte ng kaguluhang o inaasahang pagkakagustuhan sa hinaharap, binabawasan ang pagkonsumo 4. Pagkakautang - kapag maraming utang , maglalaan ng pambayad dito at magdudulot ng pagbaba sa pagkonsumo niya 5. Demonstration Effect - madaling maimpluwensiyahan ang tao ng nga anunsyo sa radio, tv, pahayagan ,at maging sa internet at iba pang social media - Pag-aanunsiyo - pagbibigay ng impormasyon pang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo. Uri ng Pagkonsumo Tuwiran - kung agad naravandaman ang epekto ng kalakal o serbisyo. Produktibo - kung ang isang kalakal o serbisyo ay nakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay ng higit na kasiyahan Maaksaya - kung ang produkto o serbisyo ay hindi nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan Mapaminsala - kung ang produkto o serbisyo ay nakakasama sa mamimili o sa lipunan. Walong Karapatan ng Mamimili Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan 1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan - may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangailangan pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay 2. Karapatan sa Kaligtasan - may karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan 3. Karapatan sa Patalastasan - may karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain 4. Karapatang Pumili - may karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo 5. Karapatang Dinggin - may karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isa-alang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan 6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa ano mang Kapinsalaan - may karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nag buhat sa produkto na binili mo - may karapatang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibinibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali kabayaraab o masamang hangarin 7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili - may karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan - ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisying pangmimili 8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran - may karapatan sa kalayaan, pagkapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pag utihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi Limang Pananagutan ng Mamimili 1. Mapanuring Kamalayan 2. Pagkilos 3. Pagmamalasakit sa Lipunan 4. Kamalayan sa Kapaligiran 5. Pagkakaisa Pitong Pamantayan ng Pamimili 1. Mapanuri - sinusuri ang mga produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon ng mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad. 2. May Alternatibo o Pamalit - may mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibilt. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o pagkahalili na makatugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili. 3. Hindi Nagpapadaya - may mga pagkakataon na ang mga mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tindera may nindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. 4. Makatuwiran - lahat ng konsyumer ay nakakaranas ng kakulangan ng salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng produkto ay isinasaalang - alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatuwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kumpara sa mga luho lamang. 5. Sumusunod sa Badyet - ito ay kaugnay sa pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang badyet. Hindi siga nagpapadala sn popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na maging sapat ang kanyang salapi sa kanyang mga pangangailangan 6. Hindi Nagpapanic-Buying - ang artipisyal na kakulangan ng bungo ng nagtatago ng produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi kinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. 7. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo - ang pag-endorso ng produkto ng nga artista ay hindi makakapagpabago ng pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsyo na ginamit. Consumer Protection Agencies - mga ahensyang tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mamimili 1. Bureau of Foods & Drugs (BFAD) - hinggil sa hinahaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at makeup 2. City Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang timbangan at mapanlinlang na sukat. 3. Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas kalakalan at industriya-maling etiketa ng produkto at mapanlinlang na gawain ng mangangalakal. 4. Energy Regulatory Commission - reklamo laban sa pagbebenta ng di wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng "Liquefied Petroleum Gas" 5. Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig). 6. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot. 7. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon 8. Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro 9. Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa illegal recruitment activities. 10. Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp. 11. Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain. Ang Republic Act 7394 - Ang batas na Republic Act 7394, o Consumer Act of the Philippines, ay naglalayong pangalagaan ang mga mamimili at isulong ang kanilang kagalingan. Ang batas na ito ay magtataka ng mga patakaran at regulasyon na dapat sundin sa mga negosyo at industriya upang maprotektahan ang interes ng mga mamimili.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser