AP8-Module-3 (1) PDF - Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Document Details

HighQualityRococo

Uploaded by HighQualityRococo

Tags

ancient civilizations history geography culture

Summary

This module discusses the influence of geography on the development of ancient civilizations, focusing on Mesopotamia, India, China, and Egypt. It examines the political, economical, cultural, religious, and societal aspects. It also explores the contributions of these early civilizations. The module includes questions and activities to help students understand the topic better.

Full Transcript

Ang Impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Modyul 3 Inaasahang Maipamalas Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: 3.1 Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga...

Ang Impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Modyul 3 Inaasahang Maipamalas Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: 3.1 Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig 3.2 Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan 3.3 Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig Panimula Sa mga nakaraang aralin, ating natuklasan na malaki ang naging impluwensya ng kapaligiran sa paghubog ng kultura ng mga tao. Mula sa sinaunang pamamaraan ng pamumuhay ay unti-unti itong umunlad hanggang sa napadali na ng mga tao ang karamihan sa kanilang gawain. Sa araling ito, ating tatalakayin ang naging impluwensya ng heograpiya upang mabuo ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na naging daan sa Larawan mula sa pagkakatuklas ng karamihan sa https://www.thoughtco.com/ziggurat-ancient- teknolohiya at kulturang ginagamit towering-temples-or-ziggurats-116908 natin sa kasalukuyan. Makabuluhang Tanong Ano-ano ang katangian ng isang kabihasnan at ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang nabuo sa daigdig? Grade 8 –Araling Panlipunan Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Gawaing Pangtuklas ng Kaalaman YOU BELONG WITH ME Noong inyong nakaraang taon, nagkaroo na kayo ng kaalaman ukol sa ilan sa mga sinaunang kabihasnang nabuo sa Asya. Maliban sa mga ito ay umusbong din ang kabihasnan sa Aprika sa rehiyon ng Ehipto. Ang kahon sa ibaba ay ang ilan sa mga natuklasan ng mga tao noong sinaunang kabihasnan. I-grupo ang mga ito ayon sa kabihasnang kinabibilangan nito: Mesopotamia, India, Tsina, at Ehipto. (Ang mga teknolohiyang hindi ninyo napag- aralan noong Grade 7 ay nangangahulugan na kabilang sa Kabishasnan sa Ehipto.) Gamitin ang talahanayan upang paglagyan ng inyong kasagutan. Hieroglyphics Ziggurat Pyramid of Gaiza Taj Mahal Calligraphy Caste system Silk Road Cuneiform Great Wall Hanging Gardens of Babylon MESOPOTAMIA INDIA TSINA EHIPTO Tanong para sa Pagpapalalim ng Pagkaunawa 1. Ano ang ugnayan ng heograpiya at ng pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan? 2. Ano-ano ang mga katangian ng isang kabihasnan? 3. Ano-ano ang mga pangunahing kabohasnan na umusbong sa daigdig? Grade 8 –Araling Panlipunan 21 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Paunlarin ang Kaalaman Ang Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Isa sa mahahalagang katangian at pagkakatulad na apat na pangunahing kabihasnan sa daigdig ay ang lugar na pinag-usbungan nito. Kung ating mapapansin, lahat ng mga ito ay nagsimula sa mga kapatagan o hindi naman kaya ay sa mga lambak na may matabang lupain na nasa tabi ng mga pangunahing ilog na matatagpuan sa rehiyon ng mga ito. Ang Kabihasnan sa Mesopotamia ay sumibol sa kambal-ilog na Tigris at Euphrates, ang India sa Ilog Indus, ang Tsina sa Ilog Huang Ho, at ang Ehipto naman sa Ilog Nile. Sa kadahilanang ito kaya iniuri ang mga kabihasnang ito bilang “Riverine Civilizations o River Valley Civilizations”. Malaki ang naging impluwensya ng heograpiyang pisikal sa pagkakabuo at pag- unlad ng mga kabihasnang ito. Ang mga ilog ang siyang naging pinagmumulan ng irigasyon upang masuportahan ang agrikultura sa mga rehiyong ito. Nagsilbi rin ang mga ilog na ito bilang isa sa mga pamamaraan ng transportasyon ng mga tao na naging mahalaga upang makipagpalitan sila ng kalakal sa ibang lugar. Ang mga lugar na ito rin ay naging mayaman sa suplay ng pagkain dahil sa mga halaman at mga hayop na matatagpuan dito. Ang pag-apaw naman ng mga ilog na ito sa tuwing magkakaroon ng malakas na pag-ulan ay nakikita ng mga tao na parehong may positibo at negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao. Para sa nakararami, nakabubuti ang taunang pagbaha upang mapanatili ang sustansya ng lupa. Kasabay ng pag-apaw ng mga ilog ay nagdadala at nag-iiwan ito ng matabang lupa sa mga sakahan na mainam upang pagtaniman. Sa kabilang dako naman, may mga ilog din na hindi tukoy kung kailan ang magiging pag- apaw ng tubig kaya’t hindi rin tukoy ng mga tao kung kailan magiging mainam ang pagtatanim. Bukod pa rito, ang labis-labis na pag-agos ng tubig sa mga kapatagan ay nakasisira sa mga panamin at mga ari-arian at kumukitil sa maraming buhay. Mga Katangian ng Kabihasnan Ang pagkakaroon ng isang takdang sentro o defined center ang isa sa pangunahing katangian ng isang kabihasnan. Ang takdang sentro na ito ang kalimitang pinakamalaking lugar sa isang kabihasnan kung saan matatagpuan ang mga palasyo, templo, musoleo, monument, gusaling pampamahalaan, at lugar-pamilihan. Upang maiwasan naman ang bantang pananakop ng mga karatig-lugar at mga pangkat sa labas ng kanilang rehiyon, may mga kabihasnan din na nagtayo ng mga defense wall na nagsisilbing pananggalang nila. Grade 8 –Araling Panlipunan 22 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Mahalaga rin sa isang kabihasnan ang pagkakaroon ng isang sentralisadong pamahalaan na may kapangyarihan upang mapangasiwaan ang mga malawakang pagkilos para sa ikabubuti ng kanilang pamayanan. Bumubuo rin sila ng kodigo ng batas na nagiging basehan ng kanilang mga patakaran at siya ring naglalaman ng kapangyarihan ng bawat opisyal ng pamahalaan. Naging mahalaga rin ang pagkakaroon ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang pamayanan at upang masuguro na ang kanilang mga mamamayan ay napangangalagaan gaya ng distribusyon ng pagkain sa kanilang lumalaking populasyon. Ang mga pamahalaan din ay nangongolekta ng buwis sa mga tao upang magsilbing pinakabadyet ng kanilang lugar upang ipambili ng mga kagamitang pandepensa at ng mga bagay na salat o kulang sa kanilang lugar. Sunod na katangian ng kabihasnan ay ang pagkakaroon ng isang pormal na institusyong panrelihiyon. Naging mahalaga ito dahil ang relihiyon ang naging sentro ng pamumuhay para sa maraming kabihasnan noon. Nagkakaroon sila ng mga ritwal gaya ng pag-aalay para sa kanilang mga diyos sa paniniwalang may kapalit ang mga ito gaya ng masaganang ani. Nagkaroon ng malaking papel sa lipunan noon ang mga pari bilang pinunong panrelihiyon na pinaniwalaang may kakayahan malaman ang kagustuhan ng mga diyos. Dahil dito, nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng pinunong panrelihiyon at pinunong pampamahalaan. Ngunit nang nagtagal, maraming pinunong pampolitikal ang naghayag na ang kanilang posisyon ay nagmula sa kagustuhan ng mga diyos o kaya naman ay sila mismo ang kumakatawan sa kanilang mga diyos. Bunga naman ng patuloy nap ag-unlad ng mga siyudad noon, nagkakaroon sila ng mga labis na pagkain (food surpluses) na nagbigay oportunidad para sa pagkakaroon ng espesyalisasyon ng paggawa o ang pagkakaroon ng kasanayan sa isang espesipikong uri ng gawain. Ang sistemang ito ay tinawag na division of labor. Nagkaroon sila ng mga artesano o mga manggagawang may kasanayan sa paglikha ng iba’t ibang bagay gamit ang kamay. Kabilang sa mga pangkat na ito ang mga panday, nagdidisenyo ng alahas, naghahabi, naglililok, gumagawa ng mga banga at tapayan, at ga eskribano o tagatala. Nakatulong ang sistemang ito upang ang mga lugar na ito ay maging sentro ng kalakalan. Kasabay ng pag-unlad ng mga institusyon at ang espesyalisasyon sa paggawa sa mga lipunang urban, sumibol naman ang sistema ng pag-uuri sa lipunan. Ang pag-uuring ito ay nakaranggo mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang ranggo at ang basehan nila ay ang antas ng pamumuhay ng tao. Ang mga salik na tinitingnan nila sa pag-uuring ito ay ang hanapbuhay, yaman, at impluwensya ng mga tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang caste system sa India. Sa utos ng ilang malalaks na pinuno, ngatayo ang mga sinaunang kabihasnan ng malalawak at naglalakihang mga pagawaing bayan gaya ng mga proyektong pang- imprastraktura. Kabilang dito ang irigasyon, kalsada, tulay, at malalaking mga gusali gaya ng bahay-pamahalaan, palengke, palsyo, templo, at mga pader na panganggalang. Ilan sa mga layunin ng mga proyektong ito ay ang pagprotekta sa mga tao at syudad, pagsiguro sa suplay ng pagkain, at ang pagpapabango sa reputasyon ng mga pinuno. Grade 8 –Araling Panlipunan 23 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Ang bawat kabihasnan ay nakilala rin sa kanilang mga imbensyon at mga inobasyon na tumugon sa kanilang mga suliranin dulot ng patuloy na pagtaas ng bilang sa kanilang mga pamayanan. Ang mga teknolohiyang ito rin ay ginawa upang mapagaan ang kanbilang mga gawain. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga ararong bakal at ararong hinihila na nagpadali sa gawain ng mga magsasaka, paggamit ng mga sasakyang may gulong, at pagtatayo ng mga templo gaya ng ziggurat. Habang patuloy naming nagiging komplikado ang pamahalaan, relihiyon, at ekonomiya, nagkaroon ng realisasyon ang mga tao na kinakailangan nil ana magkaroon ng sistema ng pagtatala ng mga datos. Ginamit nila ang pagtatalang ito upang maitago ang ilan sa mga mahahalagang datos gaya ng koleksyon ng buwis, pagpapatibay ng mga batas, at pag-iimbvak ng mga butil. Kinailangan din ito ng mga pari upang ang kanilang kalendaryo ay masundan para sa kanilang pagriritwal, Ginamit naman ng mga mangangalakal ang pagtatala upang mairekord ang kanilang mga pautang at bayarin. Dala ng pangangailangan ng mga tao na magkaroon ng mga rekord, nagkaroon ang bawat kabihasnan ng kani-kanilang sistema ng pagsulat o pagtatala. Ang kauna- unahang sistema ng pagsulat ay nalinang noon sa Sumeria na noong una ay may pamamaraang pictographs o tinatawag na pictograms na gumagamit ng mga picture symbol na kumakatawan sa mga ideya (picture to show meaning). Nang nagtagal, naimbento naman ng mga eskribano ang sistema ng pagsulat na ideogram na gumagamit naman ng mga simbolo upang kumatawan sa mga salita (signs represent words). Ang sistema ng pagsulat na ito ay tinawag na cuneiform. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga sistema ng pagsulat ay phonetic kung saan ang mga simbolo ay kumakatawan sa mga tunog (signs represent sounds) gaya ng Modern English Alphabet. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Mga Kabihasnan sa Mesopotamia -ang kabihasnan dito ay umusbong sa kambal-ilog na Tigris at Euphrates -ang lahing pinagmulan ng mga pangkat ng sinaunang kabihasnan nang panahong ito ay lahing Semitic A. Sumer -Ang lahing ito ay nanirahan sa katimugang bahagi ng Fertile Crescent -Ang Ur ang itinuturing na pinakamatandang lungsod-estado -Relihiyon: Polytheism -Nakilala dahil sa pagtatayo ng mga templong ziggurat -Nalinang nila ang kaunahang sistema ng pagsulat, ang CUNEIFORM -Bumagsak dahil sinakop ng pangkat Akkadian -iniambag ang unang kodigo ng batas na isinulat ni Ur Nammu, unang lumikha ng tanso, unang nakaimbemto at gumamit ng gulong, unang naglinang ng mga lungsod- estado, kalendaryong lunar, sexagesimal system, algebra Grade 8 –Araling Panlipunan 24 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig B. Akkadian -Lider: Sargon I -Itinuturing na kauna-unahang imperyo sa daigdig -Gumamit ng militarismo sa pakikidigma -Naram-sin (apo ni Sargon I na pumalit bilang hari ng imperyo at kinilala bilang Hari ng Ikaapat na Bahagi ng Daigdig) -Bumagsak dahil sa hindi magagaling na lider C. Babylonian -Lider: Hammurabi -Siya ay nakilala sa kanyang Kodigo ng Batas (Kodigo ni Hammurabi) na may 282 lupon ng mga batas ayos sa prinsipyong LEX TALIONIS o "mata sa mata at ngipin sa ngipin" -Pangunahing diyos: Marduk -Bumagsak ng sakupin ng mga Kassite -iniambag ang kontratang pangkalakalan, paggamit ng mga selyo sa kontrata, pagsuot ng mga palamuti at alahas, at kaunahang mga literaturang naisulat gaya ng Epiko ng Gilgamesh D. Hittites -Nanirahan sa lupain ng mga Hatti sa Ilog Halys sa pagitan ng Caspian Sea at Black Sea na pinamunuan ni Telepinus -Lumaganap ang imperyo nang nanakop at nandarambong sa Babylonia ngunit binitawan kalaunan dahil sa layo nito sa kanilang imperyo. -Sinakop ang Syria -Suppiluliumas -inagaw ang Mitanni sa Egypt at bumuo ng tratado sa pagitan ng dalawang kaharian -Bumagsak nang sakupin ng Dinastiyang Mitas at Dorian at ng Aegean -Iniambag ang paggamit ng sandatang bakal, paggamit ng tanso sa kalakalan, pagpapasimula ng ideya tungkol sa titulo ng lupa at pag-iimbentaryo ng lupain E. Assyrian -Kinilala bilang pinakamalupit na imperyo sa lahat ng sinaunang pangkat ng tao -Nanirahan sa tabi ng Ilog Tigris sa bandang hilagang-kanluran ng Babylonia -Lider: Tiglath-Pileser I Grade 8 –Araling Panlipunan 25 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig -Assurbanipal II- pinakatampok na lider -Ang kabisera nitong Nineveh ay kinilala bilang pinakamatatag na lungsod estado noong sinaunang panahon -Ang kaunahang pangkat na nakabuo ng isang matatag na imperyo -Pinabagsak ng Chaldean, Medes at Persian -iniambag ang kauna-unahang aklatan na ipinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Assurbanipal II, at epektibong serbisyo-postal F. Chaldean -Kinilala bilang Ikalawang Babylonian -Lider: Nabopolassar -Nebuchadnezzar II- pinakatampok na pinuno -Siya ang nagpatayo ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa -Babylonian Captivity-paglusob sa Jerusalem at paggupo sa libo-libong Jew upang dalhin sa Babylonia -Pinatalsik ng pangkat ng Persian -Ipinakilala ng astronomiya sa pamamagitan ng pagbasa sa mga bituin (zodiac sign at horoscope) at ipinatayo ng pinakamataas na ziggurat (ETEMENANKI- Tore ng Babel sa Bibliya) G. Persian -Lider: Cyrus the Great -Religious tolerance -Pinalaya ang mga Jew sa pagkaalipin at pinabalik sa Palestine -Darius the Great -ipinakilala ang Persian bilang pinakamakapangyarihang imperyo ng sinaunang kabihasnan -ipinatayo ang Royal Road -Xerxes-di makatarungang pinuno -Bumagsak nang sakupin ni Alexander the Great -iniambag ang Coinage system, satrapy na naging konsepto ng sentralisadong pamahalaan, Zoroastrianismo o paniniwalang may walang hanggan matapos ang buhay sa lupa, kinikilala kay Ahura Mazda bilang diyos ng katotohanan at kay Ahriman bilang diyos ng kasamaan at ang banal na kasulatan: ang Zend Avesta Grade 8 –Araling Panlipunan 26 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig H. Phoenician -Tinagurian bilang "Dakilang Mangangalakal ng Sinaunang Kabihasnan" at "Traders of Antiquity" -Makitid ang mga lupain at hindi mataba ang lupa kaya hindi naging matagumpay na magsasaka -iniambag ang Alpabetong Phoenician na siyang naging batayan ng wikang Ehipto, Griyego, at pati na rin ng wikang Persian. Ito rin ang ginamit ng mga Hebrew sa pagsulat ng Lumang Tipan at ng mga Arabian naman sa pagsulat ng kanilang Koran I. Hebreo -Nanirahan sa Palestine na itinatag ni Abraham -Monotheism -Patriyarkal -Batas ng Mosaic- katipunan ng mga batas na tinipon noong Panahon ng hukom -Bumagsak dahil sa pagpataw ng mataas na buwis kaya nagrebelde ang mga anak ni Solomon sa pamumuno ng haring si Rehoboam -Iniambag ang pagpapakilala ng Kristiyanismo, paggamit ng Bibliya, ang ang mabuting pagtrato sa mga alipin Kabihasnan sa India Dalawang lungsod na umusbong sa Mhergah: MOHENJO DARO AT HARAPPA- kinakitaan na ng kaunlaran dahil sa pantay- pantay na tirahan ng mga sinaunang tao na yari sa bricks o luwad. PICTOGRAM- sistema ng pagsulat ng mga Harappan na walang sinumang nakababasa hanggang sa kasalukuyan kaya hindi masyadong nailahad sa kasaysayan ang tungkol sa sinaunang pamayanan sa Ilog Indus. DRAVIDIAN- pinaniniwalaang naglinang ng kabihasnang Indus at nanirahan sa hilagang bahagi ng India 2 TEORYA SA PAGKAWALA NG DRAVIDIAN: 1. Pag-apaw ng Ilog Indus dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayan Mountain Range at pagdating ng mga sakunang sumira sa kanilang kabuhayan 2. Pagdating ng mga Indo- Aryan Grade 8 –Araling Panlipunan 27 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig INDO-ARYAN- nagmula sa Siberia at pinaalis ang mga Dravidian. Ipinakilala nila ang sistemang caste sa lipunang India: 1. Brahmin- mga pinuno/ pari/hari 2. Ksyatriyas- mandirigma 3. Vaisyas- mangangalakal 4. Sudra- alipin at manggagawa *untouchables- outcast sa lipunang India at pinaniniwalaang nagmula sa lahi ng Dravidian Kulturang Indo-Aryan *Patriyarkal- lalaki ang namumuno sa mga pamilya at angkan *Monogamya- iisang asawa ng mga kababaihan ngunit polygamya o pag-aasawa ng marami sa kalalakihan hangga’t kaya nilang suportahan ang pangangailangan ng mga ito. *Sanskrit- sistema ng pagsulat at wikang ipinakilala ng mga Indo-Aryan *Naisulat ang pinakamahalaga at pinakabanal na aklat ng India, ang Vedas (Rig Veda, Sama Veda, Atharva Veda, Yajur Veda) MGA IMPERYONG NABUO SA INDIA A. IMPERYONG MAURYA -pinamunuan ni Chandragupta Maurya -sinundan ng anak na si Bindusara ngunit hindi gaanong katanyag ang naging pamumuno kaya pinalitan kaagad ng anak na si Asoka- nagpalawak ng Imperyong Maurya sa pamamagitan ng kampanyang militar. Nang lumaon, nabago ang kanyang paniniwala at niyakap ang Buddhism (Theravada). -ipinatupad niya ang dhamma- mga patakaran ni Asoka na hango sa Dharma- mga aral ni Buddha -binuo ang Dhamma-mahamat-tas- mga opisyal na may tungkuling palaganapin ang dhamma -Kushan- pangkat na pinamunuan ni Kanishka na nagpakilala ng Mahayana Buddhism 2 URI NG BUDDHISMO 1. THERAVADA- Si Buddha ay isa lamang guru. Makakamit ang walang hanggangb kasiyahan sa pamamagitan ng pagbabago ng sarili sa pamamagitan ng pagtalikod sa mundong mapagnasa. Grade 8 –Araling Panlipunan 28 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig 2. MAHAYANA-Si Buddha ay isang diyos at si Bodhisassata ay mas mababang diyos. Bago payagan ni Bodhisassata na makamit ng isang tao ang nirvana, kailangan muna nitong tulungan ang ibang tao na makamit ito. B. IMPERYONG GUPTA -itinatag ni Chandragupta I, at pinalitan ng anak na si Sumadra Gupta. -ang pinakatanyag na pinuno ng imperyo ay si Chandragupta II. -dahil sa pagpapayaman sa matematiko at astronomiya, ang panahon ng kanyang pamumuno ay tinaguriang “Gintong Panahon ng India.” -niyakap ang Hinduismo 3 pangunahing diyos: Brahma- tagalikha Vishnu- tagapangalaga Shiva- tagawasak C. IMPERYONG MUGHAL -Sa simula ay pinamunuan ng mga rajput (anak ng hari) -bago naitayo ang imperyo, isang grupo ng mga Muslim na nagnanais palaganapin ang Islam ang sumakop sa India at nagtayo ng Delhi Sultanate. -pinatalsik ang sultanato ng isang pangkat din ng mga Muslim sa pamumuno ni Babur. -Inakala ng mga taga-India na siya ay isang Indiano kaya tinawag siyang Mogul. -pinalitan ng apong si Akbar the Great. -mga ginawa ni Akbar: pinayagang mamuno sa pamahalaan ang mga taong hindi Muslim; binigyang gantimpala ang masisipag na manggagawa; binuksan ang kalakalan sa pagitan ng India at China; at hinayaan ang mga taong pumili ng sariling relihiyon. -pinalitan ng anak na si Jahangir (Gasper of the World) -bumagsak dahil sa pagkagahaman sa kayamanan ng asawang si Nur Jahan -pinalitan ng anak na si Shah Jahan na bumagsak din dahil sa inang si Nur Jahan. -si Mumtaz Mahal ang pinakamahal niyang asawa at nang namatay ito nang ipanganak ang ika-14 nilang anak, ipinatayo niya ang Taj Mahal, ang pinakaperpektong arkitektura sa buong daigdig. Grade 8 –Araling Panlipunan 29 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig -pinalitan ng anak na si Aurangzeb. Inalis niya ang ideya ang suttee, ang pagsusunog ng buhay sa kababaihan kasama ang namatay na asawa. -lahat ng mga ginawa ni Akbar sa kabihasnan ay binaligtad niya: hindi niya hinayaang mamuno ang mga Hindu at tanging Islam lamang ang relihiyong pwedeng sapian ng mga tao. Mga Kabihasnan sa Tsina -ang kabihasnan dito ay umusbong sa lambak-ilog Huang Ho at Yangtze. -Ang Huang Ho ay tinagurian bilang Pighati ng Tsina dahil sa ito ay nagdudulot ng pagkasira sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa tuwing ito ay umaapaw. Tinawag din itong Yellow River dahil sa pag-apaw nito, nag-iiwan ito ng loess na nagdudulot upang maging dilaw ang lupain sa tabi ng ilog at nagsisilbing pataba sa lupa. Dahil dito, natutong magtanim ang mga sinaunang tao sa tabing ilog at dito nagsimula ang pag- usbong ng mga pamayanan at kabihasnan sa Tsina. -Bago pa man magkaroon ng kabihasnan sa Tsina, pinaniniwalaang may dalawang pamayanan na ang umusbong dito: ang Yangshao at Lungshan. -Pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay sa mga pamayanang ito. -Ang Lungshan ay mas maunlad kumpara sa Yangshao dahil sa Yangshao, paggawa ng tapayan ang naging ambag at sa Lungshan naman ay ang paggawa ng potter’s wheel. -Ang Lungshan din ang sinasabing panahon ng transisyon patungo sa pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Shang. -Ngunit ayon sa mga arkeologo, bago pa man ang Shang ay may isa nang kabihasnan ang nauna: ang Shia o Xia. Dahil sa kakulangan ng mga patunay at walang nahukay na mga labi na magpapatunay sa pag-usbong nito, ang Shang ang itinuring na pinakaunang kabihasnan sa Tsina. A. Kabihasnang Shang -ang nagpatunay sa pag-usbong nito ay ang pagkahukay sa mga oracle bone na ginamit nila sa pang-araw-araw na pamumuhay. -Pinamunuan ito ng mga paring-hari at naging organisado ang kanilang pamumuno. -Sa panahong ito napaunlad ang kaunahang sistema ng pagsulat sa Tsina, ang calligraphy na siyang naging instrumento ng pagkakaisa ng mga Tsino. -Sila ay mga animist at binubuo ang lipunan ng mga maharlika, noble, at magbubukid. -Nagpasimula ng industriya ng seramiks (ceramics). Grade 8 –Araling Panlipunan 30 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig B. Kabihasnang Zhou/Chou -Sa dinastiyang ito nailipat ang Basbas ng Langit (mandate of heaven) at ang titulong Anak ng Langit. -nakaimbento ng bakal na araro, nagpagawa ng mga dike at mga kanal at gumamit ng mga chariot at bumuo ng mga hukbong nakakabayo. -Sa panahong ito nakilala ang ilang mga pilosopong sina Confucius, Lao Tzu at Mencius. -Bumagsak ito dahil sa lawak ng nasasakupan nito. C. Kabihasnang Chin/Qin -Pinamunuan ni Zheng na tinaguriang Shih Huang Ti (Unang Emperador). -Nais niyang alisin ang ideya ng Confucianismo kaya kanyang ipinalaganap ang ideya ng legalismo. -Ipinatayo niya ang Great Wall of China, ang pinakamahabang istrukturang naitayo ng tao, upang magsilbing proteksyon laban sa mga barbaro. -Bumagsak nang namatay si Shih Huang Ti. -Dito nagmula ang kasalukuyang ngalang China. D. Kabihasnang Han -Isa sa mga dakilang dinastiya ng Tsina sa pamumuno ni Liu Bang na pinalitan ang mararahas na patakaran ng Chin at kinilala ang Confucianism bilang opisyal na pilosopiya. -Sa panahong ito unang ginamit at ipinakilala ang papel, ang pinakamahalagang ambag ng Tsina sa daigdig -Sa pamumuno ni Wudi o Wuti, naitayo ang Silk Road na nagsilbing daan ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Europa. -Bumagsak dahil sa mga kaguluhang sibil at kakulangan sa magagaling na lider. E. Kabihasnang Sui -Sa pagpasok ng mga nomadikong mananalakay, muling naipalaganap ang Buddhismo at sa pagkakaisa ng mga Tsino, naitayo ang Grand Canal. F. Kabihasnang Tang -Ito ang itinuturing na Ginintuang Panahon ng Tsina at ang pinakadakilang dinastiya sa Tsina sa pamumuno ni Li Yuan. -Sa panahong ito, ang Tang lamang ang nag-iisa at pinakamakapangyarihang imperyo sa daigdig. Grade 8 –Araling Panlipunan 31 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig -Nakamit ang kapayapaan sa mahabang panahon na tinawag na Pax Sinica -Nag-ambag sa kabihasnan ng Woodblock Movable Printing, crossbow, ang pinakamatandang aklat sa buong daigdig (Diamond Sutra), kaunahang kalendaryo, baraha, at kaunahang diyaryo, ang Peking Gazette. G. Kabihasnang Sung -Sa panahong ito muling napag-isa ang Tsina sa pamumuno ni Zhao Kuangyin at nahati ito sa dalawa: ang Hilagang Sung at Timog Sung. -Pinalawak at pinatatag ang Grand Canal na itinuring na “longest man-made canal” at “longest shipping canal in the world” at nagpayaman sa dinastiyang Sung. -Nag-ambag ang dinastiyang ito ng pagkakaimbento ng kaunahang perang papel, bumuo ng unang hukbong-dagat, at unang gumamit ng gunpowder. H. Kabihasnang Yuan -Sa pamumuno ng apo ni Genghis Khan na si Kublai Khan na nagmula sa Great Khanate, natalo nila ang Sung at nagtayo ng kanyang imperyo sa Tsina, ang Yuan. -Ito ang kaunahang dayuhang imperyo sa Tsina. Pinagyaman niya ang edukasyon, kultura, at pakikipag-ugnayan sa kanluran. -Bumuo siya ng magandang ugnayan sa pagitan ng Europa at Tsina sa pamamagitan ni Marco Polo at kinilala siya bilang isang alamat sa Europa. -Sa kabila ng magagandang admirasyon ng dinastiyang ito mula sa kanluran, hindi ito naituring na isang magandang panahon sa Tsina dahil nagdulot ito ng mga kaguluhan. I. Kabihasnang Ming -Isa rin ito sa itinuturing na dakilang panahon ng Tsina. Patuloy nitong pinaunlad ang Grand Canal at ang Great Wall. Binuo rin sa panahong ito ang Forbidden City, ang palasyo ng mga emperador sa Tsina. -Nag-ambag ng kaunahang Chinese fan, compass, at magagandang porselana. J. Kabihasnang Manchu/Qing -Ito ay binuo ng mga Manchu, isang minoryang etnikong pangkat na konektado sa lahing Mongol. Ito ay ang hindi nakilalang dinastiya sa Tsina at nagpabagsak sa imperyo sa Tsina. -Nagpatupad ng isang batas na hindi nagustuhan ng mga Han: “To keep the hair, you lose the head. To keep the head, you cut the hair.” -Napabagsak ito nang dumating ang mga kanluranin sa silangan. Grade 8 –Araling Panlipunan 32 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Kabihasnan sa Ehipto -naitatag sa baybayin ng Ilog Nile na matatagpuan sa hilagang silangan ng Aprika -Ang unang dinastiyang naitayo ditto ay nasa ilalim ng pamumuno ni Menes na siyang nagpaisa sa mga pamayanan sa rehiyon -sa buong kasaysayan ng Ehipto ay mayroong hindi bababa sa 30 dinastiyang naitatag at ang bawat dinastiya ay may kanya-kanyang kapangyarihan na nawawala lamang kung wala na silang tagapagmana. -nahahati ang kasaysayan ng Ehipto sa tatlong panahon: Luma o Matandang Kaharian, Gitnang Kaharian, at ang Bagong Kaharian A. Matandang Kaharian -naitatag ang isang sentralisadong pamahalaan sa pamumuno ni Paraon Menes -ang paraon ay itinuturing ng mga tao bilang isang diyos -tungkulin ng isang paraon na depensahan ang kanyang nasasakupan -kinilala ang panahong ito bilang “Panahon ng Piramide” dahil nagsimula noon ang pagpapatayo ng mga libingan na hugis piramide -ang pagpapatayo ng mga piramideng ito ay sumimbolo sa matatag na pamahalaan ng Ehipto at maging sa kagalingan at kahusayan nila sa arkitektura at matematika -nakilala rin ang paraon na si Cheops o Khufu dahil sa pagpapatayo niya ng mga piramide na nagsilbing libingan ng mga paraon at siya rin ang nagpatayo ng pinakatanyag na piramide sa Giza na mayroobng kamangha-manghang disenyo kumpara sa ibang piramide -unti-unti itong bumagsak dahil sa mahihina na ang mga sumunod na paraon at walang masyadong kakayahan sa pamumuno B. Gitnang Kaharian -nagsimula ito sa pamumuno ni Mentuhotep II na siyang muling nakapagpaisa sa Ehipto at muling nagpalakas sa sentalisadong pamahalaan at sa kalakalan -kinilala ito bilang Panahon ng Maharlika dahil ang mahaharlika ang silang namumuno sa pamahalaan -napaunlad naman ni Amenemhet I ang sibilisasyon ditto sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa iisang pananampalataya sa kanilang diyos na si Amon at nagpatayo ng mga kuta na nagsisilbing proteksyon sa mga mananakop -pinasimulan din niya ang ideya ng pagtatalaga sa anak na lalaki bilang katuwang sa pamamahala Grade 8 –Araling Panlipunan 33 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig -pagsapit ng ikatlong dinastiya ay nagsimula ang paghina ng imperyo dahil unti- unti nang napasok ang mga hangganan ng kanilang kaharian -tuluyan naman silang nasakop ng mga Hyksos mula sa Gitnang Silangan noong 1640 at namuno sa lipunang Ehipsyano -maayos naman ang naging pamumuno nila sa loob ng 160 taon ngunit nag-alsa ang mga Ehipsyano sa pamumuno ni Ahmose I at ang tagumpay nila ang naging hudyat sa pagsisimula ng ikalabingwalong dinastiya at ng Bagong Kaharian C. Bagong Kaharian -itinatag ni Ahmose I matapos maitaboy ang mga Hyksos sa Ehipto at nagpabalik sa kapangyarihan ng mga paraon na nakapagtaguyod ng mga imperyo sa pamamagitan ng pananakop -kinilala ito bilang “Panahon ng Imperyo” dahil ang pagpapalawak ng teritoryo ang isa sa mga naging layunin nito -nagsimula rin ang pag-iral ng malawakang pang-aalipin na nakuha nil amula sa pananakop -yumaman ang imperyo dahil sa sistematikong pangongolekta ng buwis -ilan pa sa mga naging tanyag na paraon ay sina Reyna Hatshepsut, ang kauna- unahang babaeng paraon, Thutmose III na patuloy na pinalawak ang kanilang nasasakupan, at si Ramses II na nagpatayo ng mga gusali at nakipagdigma o di kaya ay nakipagkasundo sa iba pang mga imperyo -bumagsak ito dahil hindi na nakayanan ng mga sumunod na dinastiya na kontrolin ang unti-unting pagbagsak nito p Paglalapat Pumili ng isa sa apat na pangunahing kabihasnan sa daigdig at gumawa ng isang timeline o balangkas ng pinakamahahalagang pangayayring naganap dito. Gumamit ng isang template sa pagpapakita nito. Pamantayan Puntos Nilalaman 10 Paraan ng Pagtalakay 10 Pagkamalikhain 5 Kabuuan 25 Grade 8 –Araling Panlipunan 34 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig BALANGKAS NG KABIHASNANG __________________________ Grade 8 –Araling Panlipunan 35 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Subukin Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag sa bawat bilang at MALI naman kung hindi. __________ 1. Ang Kabihasnan sa Tsina ay umusbong sa Ilog Nile. __________ 2. Ang cuneiform ng Sumeria ang kauna-unahang sistema ng pagsulat na nagamit sa kasaysayan. __________ 3. Ang Gitnang Kaharian sa Ehipto ay kinilala bilang “Panahon ng Imperyo”. __________ 4. Ang mga Dravidian ang itinuturing na pinagmulan ng kabihasnan sa India. __________ 5. Sa panahon ng Kabihasnang Tang naipatayo ang Great Wall of China. __________ 6. Sa caste system ng India, ang alipin ang itinuturing na pinakamababang antas ng tao sa lipunan. __________ 7. Ang Kabihasnang Babylonia ang itinuturing na ikalawang yugto ng Kabihasnang Chaldean. __________ 8. Si Amenhotep II ang kauna-unahang pinunong nakapagpaisa sa buong Ehipto at nagtayo ng kauna-unahang dinastiya sa Ehipto. __________ 9. Ang Kabihasnang Yuan ang kauna-unahang kabihasnang dayuhan na naitayo sa Tsina. __________ 10. Ipinatayo ang Taj Mahal noong Panahon ng Imperyong Mughal. Repleksiyon Paano mo pahahalagahan ang mga ambg ng sinaunang kabihasnan sa daigdig? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Grade 8 –Araling Panlipunan 36 Modyul 2: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig Pagbubuod Ang heograpiyang pisikal ng isang rehiyon ay may malaking papel na ginampanan sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig kabilang ang kabihasnan sa Mesopotamia, India, Tsina, at Ehipto. Ang ilan sa mga pangunahing katangian ng isang kabihasnan ay ang pagkakaroon ng maunlad na syudad, organisadong pamahalaan, komplikadong relihiyon, espesyalisasyon sa paggawa, pag-uuring panlipunan, pangmalakihang gawaing bayan, sining at arkitektura, siyensya at teknolohiya, at sistema ng pagsulat. Karagdagang Sanggunian Abujero, Cary Dominic. Ang mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig. [Video]. (2014). https://www.youtube.com/watch?v=I3jRLjgDKc4 Sanggunian Antonio, Eleanor D., et al. (2017). Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig, Rex Book Store ThoughtCo. What is a Ziggurat. [Picture]. (n.d.). https://www.thoughtco.com/ziggurat- ancient-towering-temples-or-ziggurats-116908 Susi sa Pagwawasto Subukin: 1. MALI 2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. MALI 6. TAMA 7. MALI 8. MALI 9. TAMA 10. TAMA Grade 8 –Araling Panlipunan 37

Use Quizgecko on...
Browser
Browser