Araling Panlipunan Q1 Modyul 1 (2020) PDF
Document Details
Uploaded by ProgressiveHawthorn5766
2020
DepED
Alberto, Jr. S. Quibol
Tags
Summary
This is a learning module for Grade 8 students in the Philippines. It's part of the Araling Panlipunan (Social Studies) curriculum for the first quarter of 2020. The module focuses on physical geography.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Pisikal na Heograpiya ng Daigdig Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pisikal na Heograpiya ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 17...
8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Pisikal na Heograpiya ng Daigdig Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pisikal na Heograpiya ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Alberto, Jr. S. Quibol Tagasuri: Carolina G. Carumba, Gerson G. Abelgas, Jed I. Bete Tagaguhit: Menard M. Arenas Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V ASDS Basilio P. Mana-ay., CESE ASDS Emma A. Camporedondo, CESE CID Chief Alma C. Cifra, EdD LRMDS EPS Aris B. Juanillo, PhD AP EPS Amelia S. Lacerna Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Region XI Davao City Division Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970 Email Address: [email protected] [email protected] 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Pisikal na Heograpiya ng Daigdig Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pisikal na Heograpiya ng Daigdig! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pisikal na Heograpiya ng Daigdig! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Mag-aaral, handa ka na bang matuto? Siguro mayroon ka nang kaunting kaalaman hinggil sa ating daigdig na iyong napag-aralan noon, kung ano ang mga likas na yaman ang makukuha rito. Pero gaano mo ba kakilala ang ating planeta, lahat na ba ng iyong mga katanungan noon ay nabigyan na ng tamang kasagutan ngayon o mayroon ka pang gustong malaman? Kaya halina’t sabay-sabay tayong matuto. Sa modyul na ito inaasahang malilinang ang iyong kaalaman hinggil sa katangiang pisikal ng daigdig at kung paano ito nakaiimpluwensya sa pagkabuo ng isang kabihasnan. Mauunawaan mo rin nang mabuti ang iba’t ibang saklaw sa pag-aaral ng heograpiya at kung ano - ano ang limang tema ng heograpiya. Sa pamamagitan ng modyul na ito mas maiintidihan at makikilala mo pa ang pisikal na heograpiya ng isang bansa. Ang mga gawain sa modyul na ito ay inaasahang makatutulong sa iyo upang mapalalim pa ang iyong pang-unawa sa konsepto o teorya mula sa mga paksa at maging sa reyalidad na maaaring nararanasan na ng mga gumagamit nito. Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa baitang 8 na: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8SK-Id-4). Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang sumusunod na paksa: Pisikal na Heograpiya Katangiang Pisikal ng Daigdig Ang sumusunod ay mga layunin na magsisilbi mong gabay sa pagtahak sa modyul na ito: Nabibigyan ng kahulugan ang heograpiya. Naipapaliwanag ang mga saklaw ng pisikal na heograpiya at katangiang pisikal ng daigdig. Nakikilala ang mga katangian ng bawat saklaw ng heograpiya at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Natutukoy ang mga saklaw at ang mga mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. 1 Subukin Kumusta? Handa ka na ba? Susubukin naman sa bahaging ito ng modyul ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga katanungan sa panimulang gawain sa pamamagitan ng maramihang pagpipili. Ang gawaing ito ay susubok sa iyong mga nalalaman upang maihanda ka sa panibagong aralin o kaalaman. Tandaan na sa bahaging ito, ikaw ay hindi inaasahang makakuha ng perpektong sagot at mataas na puntos. Ito ay isa lamang paunang pagsasanay upang masubok ang iyong kakayahan. I. Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Bakit ibinabatay sa pisikal at kultural ang rehiyonalisasyon ng isang bansa o lugar? A. Upang mahati-hati ng pamahalaan ang limitadong likas na yaman. B. Upang madali lang gawin at hindi mahihirapan ang mga lider ng bansa. C. Para sa panahon ng kalamidad o sakuna madaling matugunan kung anong lugar ang may pinsala o problema. D. Dahil pinagbukuklod ang isang lugar batay sa kanilang stratehikong lokasyon at kadalasang ang mga lugar dito ay magkakatulad ang kultura. 2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng ‘lugar’ bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Pilipinas ay miyembro ng United Nations. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Ang Chocolate Hills sa Bohol ay isa sa magagandang tanawin sa Pilipinas. D. Ang Davao City ay isa sa mga lungsod ng Pilipinas ang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan. 3. Ang istruktura ng daigdig ay hinati sa tatlong bahagi. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng Core? A. Ito ang mabatong bahagi ng daigdig na walang buhay na makikita. B. Ito ay parte ng daigdig na kung saan maraming deposito ng langis. C. Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na kung saan matatagpuan ang metal tulad ng Iron at Nickel. D. Ito ay ang bahagi ng daigdig na kung saan may mga halaman na maaaring mabuhay at makapagbigay ng pagkain sa tao. 4. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng daigdig? A. Upang hindi maging mangmang sa ating mundong ginagalawan. B. Para malaman natin kung ano ang mga nangyayari sa ibabaw ng mundo at sa kaloob-looban nito. C. Para malaman natin kung saan matatagpuan ang mga likas na yaman sa daigdig tulad langis, ginto, pilak at iba pa. D. Para sa darating na panahon ang mga likas na yaman ay makatulong sa ating bansa para matugunan ang pangangailangan ng mga tao. 2 5. Mayroong dalawang uri na pantukoy ng lokasyon ng isang lugar ang absolute at relatibong lokasyon. Ano ang ginagamit upang matukoy ang relatibong lokasyon isang lugar? A. Ginagamit ang posisyon ng mga bituin sa kalangitan. B. Ginagamit ang pangunahing direksyon ito ay ang Timog, Hilaga, Kanluran at Silangan. C. Ginagamit ang astrolabe upang matukoy ang mga likas na yaman na makikita sa isang lugar tulad ng anyong tubig o anyong lupa. D. Ginagamit ang kunwa-kuwaring guhit na latitude at longitude na makikita sa mapa o globo na kung saan nagsasalubong ang dalawang kunwa-kunwaring guhit na ito. 6. Bilang isang mag-aaral bakit dapat mong pag-aralan ang piskal na katangian ng daigdig? A. Upang maunawan natin kung ano-ano ang mga likas na yaman ng bansa. B. Sapagkat parte na ito ng sistema ng lipunan na ating ginagalawan o kinabibilangan na lokasyon. C. Mahalagang malaman mo ang pisikal na katangian ng daigdig sapagkat salik ito sa sa pamumuhay at kultura ng tao. D. Dahil parte ito ng asignatura sa Araling Panlipunan 8, kaya mahalaga ito upang makapasa at mataas ang magiging marka o grado. 7. Kung iyong susuriin ang istruktura ng daigdig mayroon itong tatlong bahagi ang Crust, Mantle at Core. Paano mo mailalarawan ang katangian ng Mantle? A. Ito ay ang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. B. Isang patong ng mga batong napakainit, dahil dito ang ilang bahagi nito ay malambot at natutunaw. C. Ito ay karaniwang binubuo ng bato na tinatawag na granite ngunit ang Oceanic Crust ay pangunahing gawa sa bato na tinatawag na basalt. D. Bahagi ng daigdig na matigas at mabato. Ito ay may kapal na 8 kilometro at ang kapal pailalim sa mga kontinente ay umaabot sa 70 kilometro. 8. Ano ang naging impluwensya ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? A. Ang sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nakadepende sa yamang likas. B. Ang heograpiya ang nagtatakda kung anong uri ng kabihasnan ang umusbong sa isang partikular na lugar. C. Mahalaga ang ambag nito sa kasalukuyang panahon at kung paano nila napagtagumpayan ang iba’t ibang hamon sa kalikasan. D. Malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan na siyang humubog sa daloy ng kasaysayan ng daigdig. 9. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng katangian ng estruktura ng daigdig? A. Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. B. Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiinog sa araw. C. Hindi pantay ang distribusyon ng lupa at tubig sa daigdig. D. Ang daigdig ay may tinatawag na plates o mga malaking masa ng bato. 10. Isa sa halimbawa ng paggalaw ay ang migrasyon. Alin sa sumusunod ang TAMANG kahulugan ng migrasyon? A. Ang pamumuhay ng payapa sa isang tahimik na lugar ng isang mag-anak. B. Ito ay ang pagbubuklod ng mga tao sa isang lugar upang manirahan ng payapa. C. Ang paglipat ng tao sa isang lugar patungo sa iba pang lugar na may hangaring mag-ayos, permanente o pansamantala. D. Ito ay isang grupo o samahan na naglalayon ng pagbabago sa ating pamahalaan at sila ay kumakatawan sa mahihirap na mamamayan. 3 11. Kung ating pagmasdan ang daigdig hindi pantay ang distribusyon ng lupa at tubig dito. Ano kaya ang naging dahilan nito? A. Dahil sa naging lokasyon ng daigdig sa solar system. B. Dahil sa kabuuan, ang planetang daigdig ay tinatayang binubuo ng 71 porsyento na tubig. C. Dahil noong unang panahon ang daigdig ay nababalutan ng makapal na yelo at ng matunaw ito naging tubig. D. Dahil sa pagbabago ng ating panahon bawat taon dulot ng iba’t ibang isyung pangkapaligiran tulad ng Global Warming. 12. Sa kabuuan ang lawak ng katubigan sa daigdig ay tinatayang umaabot sa 361, 419, 000 kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9 % ng surface ng daigdig. Ano ang ipinapahiwatig nito? A. Malalim ang katubigan ng mundo. B. Malawak ang katubigan sa mundo. C. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa kalupaan. D. Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa kalupaan. 13. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng interaksyon ng tao at kapaligiran? A. Ang paglipat ng tao sa ibang bansa. B. Ang pagkakatulad ng katangiang pisikal at kultural. C. Ang pagputol ng mga puno upang magtayo ng bahay. D. Ang pagkakaroon ng natatanging kultura ang isang pangkat-etniko. 14. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng katangian ng paggalaw bilang isang saklaw ng pisikal na heograpiya? A. Naninirahan nang payapa ang mag-anak sa isang pook o lalawigan. B. Ang mga tao na umalis sa kanilang tahanan upang maiwasan ang terorismo. C. Ang pagtulong sa mga biktima ng isang kalamidad, tulad ng bagyo, at paglindol. D. Ang pag-ehersisyo tuwing umaga upang maiwasan ang sakit at mapapanatiling malusog ang katawan. 15. Ang sumusunod ay nagpapakita nga katangian ng isang LUGAR bilang saklaw ng heograpiyang pisikal MALIBAN sa isa. A. Ang Baguio City ang pinakamalamig na lugar sa Pilipinas. B. Ang Chocolate Hills ay matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. C. Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. D. Ang Hundred Islands National Park ay ang unang pambansang parke at isang protektadong lugar na matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan sa hilagang Pilipinas. 4 Aralin Pisikal na Heograpiya ng 1 Daigdig Isang mapagpalang araw para sa iyo! Handa ka na ba? Ngayon, iyong tatahakin ang Aralin 1 higgil sa pisikal ng heograpiyang pandaigdig. Sa ating pag- aaral sa kasaysayan ng daigdig, ano ang naging papel ng pisikal na heograpiya? Ano nga ba ang ibig sabihin ng heograpiya? Ang heograpiya ay may malaking ginagampanang papel sa pagtatag ng isang kabihasnan. Dito nahubog ang isang sibilisadong lipunan na nagbigay ng hanapbuhay sa mga sinaunang tao sa kabila ng iba’t ibang hamon na hinaharap ng mga sinaunang tao sa daigdig. Sa aralin na ito tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig at inaasahang malilinang ang iyong kaalaman hinggil sa pisikal na heograpiya, at limang tema ng heograpiya; ang lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon ng tao sa kapaligiran at paggalaw. Ano ba ang naging mahalagang papel nila sa pagbuo ng isang pamayanan o kabihasnan? Balikan Bilang bahagi ng ating pagbabalik-aral nais kung tukuyin ang lawak ng iyong kaalaman. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. ____________ 1. Ano ang kauna-unahang sistema ng pagsulat? ____________ 2. Ito ay tinatawag na lunduyan ng sinaunang kabihasnan sa daigdig? ____________ 3. Magbigay ng isang anyong tugbig na kung saan umusbong ang isang kabihasnan? ____________ 4. Anong yugto sa kasaysayan ang kinakitaan ng pinakamaagang pag- unlad ng tao batay sa ginagamit na kasangkapan? ____________ 3. Ito ay tumutukoy sa mataas na antas ng lipunan na kung saan kinakitaan na organisadong pamahalaan, kultura, kabuhayan, relihiyon at sistema ng pagsulat. Magaling ang iyong pagsagot sa pagbabalik aral. Ngayon, ay handa kana upang mag patuloy sa modyul na ito. Sa aralin na ito masasagot kung bakit natin dapat pag-aralan ang heograpiya, at mas makikilala natin ang istruktura ng daigdig na ating tinitirhan. 5 Tuklasin Magaling! Ngayon, dahil tapos ka na sa panimulang gawain susubukin naman ang iyong kakayahan sa pagsagot sa gawaing ito upang maihanda ka na pag-aralan ang heograpiyang pantao. Gawain A: Bubble Quote Isulat sa Bubble Quote ang iyong sariling pang-unawa sa Pisikal na Heograpiya. Ang iyong isusulat ay maaaring dalawang salita bilang sagot o isang pangungusap lamang sa bawat espasyo. Ito ay may katumbas na dalawang puntos bawat sagot sa bubble quote at may kabuuan na labindalawang puntos kapag nasagutan mo lahat ang bubble quote. Maaari kanang magsimula. Pisikal na Heograpiya 6 Gawain B: Hanapin mo Ako! Hanapin ang mga salita sa crossword puzzle sa ibaba at bilugan ang mga ito. Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng parihaba (15 puntos). Mantle Core Solar System Heograpiya Rehiyon Crust Absolute Earth Relative Location Paggalaw Geo Time Linear Daigdig Lugar C A T T C B L M I C E C L O V E D R G A O O B I C A N G E R U H O D U A R B V B N O A N U T A B G G N S B O A I U E R U N T R E C O A G T A O C P T A E P G A L I C E B R R A T F V H R O P E U O E B R S O E S O L A R S Y S T E M O G E O A L I F E T I M E H H A O L N M L R A I B T T T I M E U R A T D N U E T U N H U O K M A O T M Q A M T H I V G E H O J K N N H O U I E E I V G G H A P P L E P T L A G G M D E L O C A T I O N E S L H D Y G Y F O G H E O G R A P I Y A I P B O F L H G O P A B R E C G H G T H N P A G G A L A W Y G E V Y R J H J 7 Suriin Binabati kita, dahil nasagutan mo na ang panimulang gawain sa subukin at tuklasin. Ngayon ay handa ka na upang pag-aralan ang panibagong aralin hinggil sa pisikal na heograpiya at ang limang tema ng heograpiya. Matutunan mo ang kaugnayan nito sa ating pamumuhay sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Pisikal na Heograpiya Ang pisikal na heograpiya ay nakatulong sa paghubog ng isang pamayanan, dahil dito kinukuha ang mga likas na yaman at iba pang pangangailangan na nakatulong sa pag-unlad ng isang kabihasnan. Malaking bahagi ang ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang uri ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao noon, ang humubog sa kanilang pamumuhay at pagkakakilanlan. Sa kadahilanang ang pamumuhay noon ay naaayon kung anong uri ng heograpiya meron sila. Ano nga ba ang ibig sabihin ng heograpiya? Ang salitang heograpiya ay nagmula sa wikang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Bukod dito, saklaw sa pag-aaral ng Heorapiya ang mga anyong lupa, anyong tubig, klima at panahon, likas na yaman, flora (plant life) na tumutuhoy sa pag- aaral ng iba’t ibang uri ng halaman, fauna (animal life) naman ay tumutukoy sa pag-aaral sa iba’t ibang uri ng hayop na makikita sa daigdig, at ang distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito. Sa kabilang banda, noong 1984 kung saan binalangkas ng National Council for Geograpic Education at Association of American Geographers ang limang magkakaugnay na temang heograpikal. Ang layunin ng limang tema ng heograpiya ay gawing mas madali ang pag-aaral ng heograpiya. Tunghayan ito sa ibaba ng diyagram 1 ang limang tema ng heograpiya na makakatulong sa iyo upang mas maunawaan mo nang mabuti ang mga mahahalagang konsepto ng aralin. 8 Limang Tema ng Heograpiya Interaksyon Lugar Rehiyon ng Tao at Paggalaw Lokasyon kapaligiran Rehiyon ito Interaksyon Paggalaw ito Relatibong Lugar ito ay ay bahagi ng ng tao at ay ang paglipat Lokasyon – tumutukoy ang batayan daigdig na kapaligiran ng tao sa sa mga ay ang mga pinagbubuklo ito ay ang kinagisnang katangian lugar at d ng kaugnayan lugar patungo na natatangi bagay na katangiang ng tao sa sa ibang lugar. sa isang nasa paligid. pisikal o pisikal na Ang paggalaw pook. tulad Lokasyong kultural. katangiang ay ang daloy sa Absolute – na ng mga tao, sumusunod taglay ng gamit ang produkto, at Halimbawa: kaniyang mga A. Klima impormasyon imahinasyong 5 rehiyon ng kinaroroonan B. Anyong Asya; mula sa isang guhit ng Halimbawa: Lupa lokasyon latitude line C.Anyong 1. Timog patungo sa at longitude Kung line Tubig Asya ibang nakatira Halimbawa: D. Likas na (*India at lokasyon. kayo malapit Yaman Nepal) May tatlong Relatibong sa dagat ang E.Kultura at 2. Timog magkakaibang Lokasyon ng pangunahing iba pa. Silangang uri ng Pilipinas: pangkabuhay Asya paggalaw Timog – -an ninyo ay Halimbawa: (*Indonesia at (MacKenzie Celebes Sea pangingisda o Hilaga – Ang Thailand) and Susan pagtutuyo, Taiwan natatangi 3. Timog Green, 2008) dahil ito ang Kanluran – sa lalawigan Kanlurang 1. Paggalaw ng Asya mas South China ng Bohol ay tao (pagpunta (*Lebanon at madaling Sea ang sa ibang Oman) gawin dulot Silangan – Chocolate bansa) 4. Hilagang ng taglay na Pacific Ocean Hills, talon 2. Paggalaw ng Asya katangian sa Absolute na ng Maria Produkto Lokasyon ng (*Kazakhstan kapaligiran at Cristina sa at Tajikistan) (export & Pilipinas kung Iligan at 5. Silangang import) 12.8797 digri nakatira sa Magellan‘s Asya 3. Paggalaw ng hilaga, bukid ay Cross sa (China at impormasyon( 121.7740 pagsasaka Cebu. Japan) Text messages) digri naman ang silangan. *bansang sakop atbp. hanapbuhay. Diyagram 1 – Limang Tema ng Heograpiya 9 Gaano mo ba kakilala ang planetang Earth? Sapat na ba ang iyong mga nalalamang impormasyong nakalap, nabasa, napanood, at napag-aralan? Sa bahagi ng aralin na ito matutunan mo ang katangiang pisikal ng daigdig mula sa konsepto ng pisikal na heograpiya. Mauunawaan mo rin ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Ang daigdig ay isa sa walong planeta na nakapalibot sa araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system. Kabilang na ang pag-ikot nito sa sariling aksis at paglalakbay paikot sa araw. Ang istruktura ng daigdig ay hinati sa tatlong bahagi: ang crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Tinatayang umaabot ang kapal nito mula tatlumpu hanggang animnapu’t lima (30-65) kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na lima hanggang pitong kilometro (5-7 km). Ang mantle naman ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. Ayon nila Lagos, E., at Geta, M.C (2013) Ang daigdig ay may malalaking masa ng solidong bato na mas kilala sa tawag na plates, ang mga plates na ito ay gumagalaw ng limang sentimetro o katumbas ng dalawang pulgada bawat taon ang paggalaw. Ang itinuturing naging dahilan ng paggalaw ay ang lokasyon na plates sa mantle, na kung saan napakainit ang bahaging ito ng daigdig. Dagdag pa rito, kung magkakaroon ng malakas na paggalaw ng mga plates, ito ay nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng bulkan, at pagkabuo ng mga kabundukan. Ito rin ang pinaniniwalaang teorya kung bakit nag-iiba-iba ang naging posisyon ng mga kontinente sa daigdig. Kung ating pagmasdan ang daigdig ay hindi pantay ang distribusyon ng lupa at tubig dito. Sa hilagang bahagi ng daigdig ay tinatayang binubuo ito ng 61% na katubigan at 39% na kalupaan. Subalit, ang timog bahagi naman ng daigdig ay binubuo ng 81% na katubigan at 19% na kalupaan. Sa kabuuan, ang planetang daigdig ay tinatayang binubuo ng 71% na tubig. 10 Pagyamanin Magaling! Tapos mo nang basahin ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa pisikal na heograpiya at katangiang pisikal ng daigdig. Ngayon handa ka na sa panibagong gawain upang iyong mailapat ang iyong mga natutunan. Maaari kanang magsimula. Gawain 1: Pagpupuno ng Patlang. Isulat sa iyong sagutang papel ang tamang salita mula sa kahon sa itaas upang mabuo ang isang maayos na pangungusap. Lugar Rehiyon Habitat Flora Kontinente Crust Graphia Globo Core Mantle Earth Fauna _________________ 1. Ito ay itinuturing na isang modelo o replica ng daigdig. _________________ 2. Ito ay tumutukoy sa malaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. _________________ 3. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng katangiang pisikal o kultural _________________ 4. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng halaman (Plant life). _________________ 5. Ang nag-iisang planeta na maaaring tirahan ng tao. _________________ 6. Ito ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. _________________ 7. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng metal tulad ng iron at nickel. _________________ 8. Ito ay isang lugar na kung saan may iba’t ibang species ng halaman at hayop na naninirahan at nabubuhay. _________________ 9. Kung ang salitang heograpiya ay nagmula sa wikang Griyego na geo o daigdig. Saan naman nagmula ang salitang paglalarawan? _________________ 10. Ito ay tumutukoy sa mga katangian na natatangi sa isang pook; tulad ng klima, anyong lupa at anyong tubig, likas na yaman, kultura at iba pa. 11 Gawain 2. Pagpapaliwanag: Sagutin nang mabuti ang sumusunod: A. Pisikal na Heograpiya 1. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangian ng daigdig na may pakinabang sa tao at iba pang organismo na nabubuhay sa daigdig? (5 puntos) __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Sa kabuuan, ano ang pinag-aaralan sa heograpiya? (5 Puntos) __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ B. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig 1. Bilang mag-aaral, bakit dapat pag-aralan ang heograpiyang pisikal ng daigdig? (5 puntos) __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2.Ilarawan ang bawat bahagi na bumubuo sa istruktura ng daigdig (5 puntos). __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 12 Isaisip Magaling! binabati kita at natapos mo na ang ibang mga gawain. Ngayon dapat mong unawain ang mga butil ng kaalaman. Mga Butil ng Kaalaman Na Dapat Mong Tandaan Ang mga butil ng kaalaman na ito ay siyang tutulong sa iyo, upang mapadali mo ang iyong pag-intindi sa aralin na heograpiyang pisikal. Ito ay magsisilbing gabay mo upang iyong maunawaan ang aralin na ito. Ang mga terminolohiya sa ibaba, ang mga pinaikli na mga mahahalagang konsepto, ideya at kahulugan na hindi mo dapat kalimutan. Kung mayroon kang nalimutan balikan lang ang bahaging ito ng modyul. Umpisahan mo na ngayon! Ang heograpiya ay hango sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia naman o paglalarawan. Ang heograpiya ay tumutukoy sa sistematikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig. Ang heograpiya ay may malaking kaugnayan sa mga pangyayari sa kasaysayan, paghubog ng kultura at pang araw-araw na pamumuhay ng tao. Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay anyong lupa at anyong tubig, klima at panahon, likas na yaman, flora (plant life), fauna (animal life), distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito. Ang limang tema ng heograpiya ay ang lugar, lokasyon, rehiyon, interaksyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na nakapagpapanatili ng buhay. Ang daigdig ay may apat na hating globo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. 13 Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa para sa absolute at relative na lokasyon nito. Ang longitude ay isang pagsukat ng lokasyon sa silangan o kanluran ng prime meridian at Greenwich sa England. Ang latitude ay isang pagsukat sa globo o mapa ng lokasyon sa hilaga o timog ng Equador. Ang mga bahagi ng mundo ay ang crust, mantle, core at plate. Ang heograpiyang pisikal, tinatawag ding mga geosistema o heosistema, ay isa sa dalawang pangunahing mga kabahaging larangan ng heograpiya. Isa itong sangay ng likas na agham na nakatuon sa pag-aaral ng mga proseso at mga gawi sa likas na kapaligiran na katulad ng atmospera, biyospera, at geospera. Ang paggalaw ay ang daloy ng mga tao, produkto, at impormasyon mula sa isang lokasyon patungo sa ibang lokasyon. May tatlong magkakaibang uri ng paggalaw ayon kina MacKenzie at Susan Green (2008) ito ay ang paggalaw ng tao, produkto at impormasyon. Sa paggalaw ng tao, ang mga tao ay lumipat mula sa lokasyon patungo sa ibang lokasyon para sa ibat ibang kadahilanan. Paggalaw ng Produkto ay nakasalalay sa mga import at export na dapat panatilihing malakas ang kanilang ekonomiya. Ang paglipat at pangangalakal ng mga kalakal ay nag-uugnay sa mga tao at lugar. Paggalaw ng impormasyon ay nakasalalay sa teknolohiya. Ang impormasyon ay naiuugnay sa pamamagitan ng satellite. Ang rehiyon ay bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng katangiang pisikal o kultural. Ang timog bahagi ng daigdig ay binubuo ng 81% na katubigan at 19% na kalupaan. Sa kabuuan, ang planetang daigdig ay tinatayang binubuo ng 71% na tubig. Ang daigdig ay ang tanging planeta sa ating solar system na kilala upang suportahan ang buhay. 14 Isagawa Kumusta mag-aaral? Ngayon, may panibago na naman tayong gawain na susubok sa iyong kakayahan. Handa ka na ba? Simulan na natin! Gawain 3: Poster Slogan Bigyang pansin ang katangiang pisikal ng daigdig at gumawa ng isang Poster slogan na nagpapakita o kung papaano mo mailalarawan ang katangiang pisikal ng daigdig. Sundin ang rubrik sa pagsagawa na nasa ibaba. Ilagay ang iyong Poster Slogan sa isang malinis na papel o coupond bond. Rubric sa Poster Slogan Kraytirya Di- Kahanga- Katangagap Pagtatangka Pangkaraniwan Hanga Tangap (4) (3) (2) (1) Angkop na angkop May kaugnayan May maliit na Walang Paksa at eksakto ang sa paksa kaugnayan kaugnayan kaugnayan sa paksa Gumagamit ng Gumamit ng Makulay Hindi Makulay maraming kulay at kulay at iilang subalit hindi Pagkama- kagamitan na may kagamitan na tiyak ang likhain kaugnayan sa may kaugnayan kaugnayan paksa sa paksa Makapukaw ng Makatawag Pansinin Di - pansinin, di - Kalidad interes sa pansin ngunit di makapukaw ng ng Ginawa manunuod at may makapukaw interes at isipan epekto sa isipan at ng isipan puso Maganda , malinis Malinis Ginawa ng Inapura ang Kalinisan at kahanga– hanga apurahan paggawa at ang pagkagawa ngunit di - marumi marumi 15 Tayahin Maligayang pagbati sa iyo, tapos mo nang pag-aralan ang mga mahahalagang konsepto, ideya at mahahalagang aral na iyong natutunan hinggil sa heograpiyang pisikal. Gamit ang mga aral na ito mas mapapalawak nito ang iyong perspektibo sa buhay hinggil sa ating planeta. Sa Tayahin, susubukin ngayon ang iyong natutunan sa aralin na ito. Pakatandaan na ito ay isang Summative Assessment ikaw ay inaasahang makakakuha ng mataas na puntos. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ang struktura ng daigdig ay hinati sa tatlong bahagi. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng Core? A. Ito ang mabatong bahagi ng daigdig na walang buhay na makikita. B. Ito ay parte ng daigdig na kung saan maraming deposito ng langis. C. Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na kung saan matatagpuan ang metal tulad ng Iron at Nickel. D. Ito ay ang bahagi ng daigdig na kung saan may mga halaman na maaaring mabuhay at makapagbigay ng pagkain sa tao. 2. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng daigdig? A. Upang hindi maging mangmang sa ating mundong ginagalawan. B. Para malaman natin kung ano ang mga nangyayari sa ibabaw ng mundo at sa kaloob-looban nito. C. Para malaman natin kung saan matatagpuan ang mga likas na yaman sa daigdig tulad langis, ginto, pilak at iba pa. D. Para sa darating na panahon ang mga likas na yaman ay makatulong sa ating bansa para matugunan ang pangangailangan ng mga tao. 3. Mayroong dalawang uri na pantukoy ng lokasyon ng isang lugar ang absolute at relatibong lokasyon. Ano ang ginagamit upang matukoy ang relatibong lokasyon isang lugar? A. Ginagamit ang posisyon ng mga bituin sa kalangitan. B. Ginagamit ang pangunahing direksyon ito ay ang Timog, Hilaga, Kanluran at Silangan. C. Ginagamit ang astrolabe upang matukoy ang mga likas na yaman na makikita sa isang lugar tulad ng anyong tubig o anyong lupa. D. Ginagamit ang kunwa-kuwaring guhit na latitude at longitude na makikita sa mapa o globo na kung saan nagsasalubong ang dalawang kunawa-kunwaring guhit na ito. 4.Bilang isang mag-aaral bakit dapat mong pag-aralan ang piskal na katangian ng daigdig? A. Upang maunawan natin kung ano-ano ang mga likas na yaman ng bansa. B. Sapagkat parte na ito ng sistema ng lipunan na ating ginagalawan o kinabibilangan na lokasyon. 16 C. Mahalagang malaman mo ang pisikal na katangian ng daigdig sapagkat salik ito sa sa pamumuhay at kultura ng tao. D. Dahil parte ito ng asignatura sa Araling Panlipunan 8, kaya mahalaga ito upang makapasa at mataas ang magiging marka o grado. 5. Kung iyong susuriin ang struktura ng daigdig mayroon itong tatlong bahagi ang Crust, Mantle at Core. Paano mo mailalarawan ang katangian ng Mantle? A. Ito ay ang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. B. Isang patong ng mga batong napakainit, dahil dito ang ilang bahagi nito ay malambot at natutunaw. C. Ito ay karaniwang binubuo ng bato na tinatawag na granite ngunit ang Oceanic Crust ay pangunahing gawa sa bato na tinatawag na basalt. D. Bahagi ng daigdig na matigas at mabato. Ito ay may kapal na 8 kilometro at ang kapal pailalim sa mga kontinente ay umaabot sa 70 kilometro. 6. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng katangian ng PAGGALAW bilang isang saklaw ng pisikal na heograpiya? A. Naninirahan nang payapa ang mag-anak sa isang pook o lalawigan. B. Ang mga tao ay umalis sa kanilang tahanan upang maiwasan ang terorismo. C. Ang pag-ehersisyo tuwing umaga ay mabuti upang maiwasan ang sakit at mapapanatiling malusog ang katawan. D. Ang pagtulong sa mga biktima ng isang kalamidad, tulad ng bagyo, sunog, lindol at iba pang mga pangyayari ay kabayanihan. 7. Bakit ibinabatay sa pisikal at kultural ang rehiyonalisasyon ng isang bansa o lugar? A. Upang mahati-hati ng pamahalaan ang limitadong likas na yaman. B. Upang madali lang gawin at hindi mahihirapan ang mga lider ng bansa. C. Para sa panahon ng kalamidad o sakuna madaling matugunan kung anong lugar ang may pinsala o problema. D. Dahil pinagbukuklod ang isang lugar batay sa kanilang stratehikong lokasyon at kadalasang ang mga lugar dito ay magkakatulad ang kultura. 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng LUGAR bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Pilipinas ay miyembro ng United Nations. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Ang Chocolate Hills sa Bohol ay isa sa magagandang tanawin sa Pilipinas. D. Ang Davao City ay isa sa mga lungsod ng Pilipinas ang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan. 9. Kung ating pagmasdan ang daigdig hindi pantay ang distribusyon ng lupa at tubig dito. Ano kaya ang naging dahilan nito? A. Dahil sa naging lokasyon ng daigdig sa solar system. B. Dahil sa kabuuan, ang planetang daigdig ay tinatayang binubuo ng 71 porsyento na tubig. C. Dahil noong unang panahon ang daigdig ay nababalutan ng makapal na yelo at ng matunaw ito naging tubig. D. Dahil sa pagbabago ng ating panahon bawat taon dulot ng iba’t ibang isyung pangkapaligiran tulad ng Global Warming. 17 10. Sa kabuuan ang lawak ng katubigan sa daigdig ay tinatayang umaabot sa 361, 419, 000 kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9 % ng surface ng daigdig. Ano ang ipinapahiwatig nito? A. Malalim ang katubigan ng mundo. B. Malawak ang katubigan sa mundo. C. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa kalupaan. D. Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa kalupaan. 11. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN? A. Ang paglipat ng tao sa ibang bansa. B. Ang pagkakatulad ng katangiang pisikal at kultural. C. Ang pagputol ng mga puno upang magtayo ng bahay. D. Ang pagkakaroon ng natatanging kultura ang isang pangkat-etniko. 12. Ano ang pinag-aaralan sa Heograpiya? A. Ang pag-aaral sa pamumuhay ng mga dayuhan sa ating bansa. B. Ang pag-aaral sa agham at teknolohiya para maihanda ang hinaharap. C. Ang pag-aaral ng mga lugar at ang ugnayan ng mga tao sa kanilang kapaligiran. D. Ang pag-aaral sa iba’t ibang asignatura upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng mundo. 13. Alin sa sumusunod ang may pinaka-angkop na paglalarawan sa panloob ng core ng daigdig? A. Binubuo ito ng likidong bakal at nikel. B. Makikita ito sa pagitan ng crust at core. C. Kadalasan ito ay solidong patong na mga bato. D. Napakainit sa kaloob-loobang bahaging ito ng daigdig. 14. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng katangian ng PAGGALAW bilang isang saklaw ng pisikal na heograpiya? A. Naninirahan nang payapa ang mag-anak sa isang pook o lalawigan. B. Ang mga tao na umalis sa kanilang tahanan upang maiwasan ang terorismo. C. Ang pagtulong sa mga biktima ng isang kalamidad, tulad ng bagyo, sunog, lindol at iba pang mga pangyayari ay kabayanihan. D. Ang pag-ehersisyo tuwing umaga ay mabuti upang maiwasan ang sakit at mapapanatiling malusog ang katawan. 15. Alin sa sumusunod na pahayag ang isang katangian ng Crust? A. Makikita ito sa pagitan ng crust at core. B. Ito ang matigas at mabatong bahagi ng planeta. C. Ito ang napakainit na bahagi ng daigdig kaya walang nabubuhay rito. D. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. 18 Karagdagang Gawain Gawain 5: Larawan - Suri! Suriing mabuti ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong sagot sa larawan - suri chart. Sa ikalawang hanay isulat kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng larawan at sa ikatlong hanay naman ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot. Sa gawaing ito isang puntos ang bawat sagot sa ikalawang hanay at sa ikatlong hanay naman ay tatlong puntos bawat pagpapaliwanag. Kopyahin ang larawang suri chart sa iyong sagutang papel upang doon ka susulat sa iyong magiging sagot. Photo by:.Alberto Quibol Photo by:.Alberto Quibol Larawan 1 Larawan 2 Photo by:.Alberto Quibol Photo by:.Alberto Quibol Larawan 3 Larawan 4 Larawang Suri Chart Larawan Anong Tema ng Heograpiya Ipaliwanag 1 2 3 4 19 Kumusta? Tapos mo na bang sagutan ang Gawain 5 sa larawan - suri? Kung tapos na, maaari mo nang sagutan ngayon ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Ipaliwanag nang mabuti ang bawat tanong sa ibaba na may limang puntos bawat sagot. Pamprosesong Mga Tanong: 1. Ano ang mahahalagang natutunan mo sa gawaing ito? (5 puntos) __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ating mga likas na yaman? (5 puntos) __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Anong lugar na ba ang iyong napuntahan na masasabi mong katangi-tangi ang lugar na iyon? Ilarawan ito. (5 puntos) __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 20 Gawain 6: Alamin Natin, Facts o Views? Panuto: Sa gawaing ito susubukin ang iyong kakayahan na tukuyin ang pahayag sa ibaba kung ito ba ay FACT (katotohanan) o VIEW (opinyon). Isulat sa patlang ang iyong sagot. __________________ 1. Ang pag-ikot ng daigdig sa araw ng 365 days (in a non-leap year) ay tinatawag na rotation. __________________ 2. Ang kunwa-kunwaring guhit na humahati sa daigdig sa pagitan ng Timog at Hilaga ay ang Equator. __________________ 3. Sa kabuuan ang daigdig ay binubuo ng 71% na tubig. __________________ 4.May tatlong magkakaibang uri ng paggalaw ayon kina MacKenzie at Susan Green (2008). __________________ 5. Sa pamamagitan ng paggamit ng longitude at latitude na guhit ng isang lugar, maaaring matukoy ang absolute na lokasyon ng isang bansa sa globo o mapa. __________________ 6. Upang matukoy ang relative na lokasyon ng isang lugar ginagamit na pantukoy ang prime meridian. ___________________7.Ang mga kunwa-kunwaring guhit na longitude at latitude ay makikita sa labas ng daigdig. __________________ 8. Ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay ang pagdaloy ng mga tao, produkto, at impormasyon mula sa isang lokasyon patungo sa ibang lokasyon. __________________ 9. Ang limang tema ng heograpiya ay ang lugar, lokasyon, rehiyon, interaksyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. _________________ 10. Ang Fauna ay tumutukoy sa uri ng halaman at ang Flora naman ay tumutukoy sa hayop. _________________ 11. Ang sistematikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig ay tinatawag na heograpiya. _________________ 12. Ang daigdig ay binubuo ng crust, plates at core. __________________13. Ang pinaka sentro ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng iron at cobalt. _________________ 14. Ang crust ay isang panlabas na solidong bahagi ng daigdig. _________________ 15. Ang plates ay matatagpuan sa core. 21 22 Karagdagang Gawain Karagdagang Gawain Tuklasin Gawain A. Suggested/Possible Gawain B. Larawan 1 - lugar , dahil ito answers: ay tumutukoy sa 1. View natatanging burol sa Bohol Daigdig 2. View na Chocolate Hills Mga anyong lupa 3. Fact Larawan 2 - Lugar, dahil Agham 4. Fact ipinapikita dito ang Tarsier Pag-aaral sa Pisikal na 5. Fact na pinakamaliit na unggoy Katangian ng daigdig. 6. View na makikita sa Bohol. 7. View Larawan 3 - Paggalaw, dahil 8. View ito ay tumutukoy sa paglipat 9. Fact ng isang tao sa isang lugar 10. View sakay ng eroplano. 11. Fact Larawan 4 - Interaksyon ng 12. View tao at kapaligiran, dahil 13. View nagpapakita ito ng hanap 14. Fact buhay ng isang tao 15. View Tayahin Subukin Pagyamanin 1. D 2. D 1. A 1. Core 3. C 2. C 2. Earth 4. A 3. D 5. A 4. A 3. Mantle 6. B 5. B 7. A 6. C 4. Graphia 8. C 7. B 9. C 8. A 5. Lugar 10. D 9. B 11. B 10. C 6. Rehiyon 12. C 11. A 13. A 12. D 7. Flora 14. B 13. C 8. Habitat 15. B 14. B 15. C 9. Kontinente 10. Globo Susi sa Pagwawasto Sanggunian Blando R., Mercado M., Cruz M.A., Espiritu A., De Jesus E., Pasco A., Padernal R., Manalo Y., Asis K. (2013) Kasaysayan ng Daigdig, Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2nd floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue, Pasig City Philippines. Lagos, E., & Geta, M.C (2013) Aralin 2: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig. Retrieved from shorturl.at/qxGSW on June 10, 2020. MacKenzie J. & Green S. (2008) The Five Themes of Geography. Retrieved from shorturl.at/ckmw8 on June 28, 2020. Oishimaya, S.A (2017). The Five Themes In Geography. Retrieved from shorturl.at/bcUY9.html on June 1, 2020 The Editors of Encyclopaedia Britannica (N.D) Latitude and longitude. Retrieved from shorturl.at/lvFM2 on June 13, 2020. 23 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Region XI Davao City Division Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines Telephone: (082) 224 0100/228 3970 Email Address: [email protected]