Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon (PDF)
Document Details
Uploaded by SpellboundConsonance3048
Tags
Summary
This document describes the physical characteristics of different regions in the Philippines. It discusses factors like elevation, terrain, and climate, providing details about the different regions and their unique attributes.
Full Transcript
Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon Ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Pilipinas ay magkakaiba. May mga rehiyon na nasa kapatagan habang ang iba ay nasa kabundukan. May mga rehiyon din sa mga baybay-dagat at maging sa mga lambak. Ang mga katangiang ito ang basehan ng uri ng...
Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon Ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Pilipinas ay magkakaiba. May mga rehiyon na nasa kapatagan habang ang iba ay nasa kabundukan. May mga rehiyon din sa mga baybay-dagat at maging sa mga lambak. Ang mga katangiang ito ang basehan ng uri ng kabuhayan ng mga naninirahan sa bawat rehiyong ito. Rehiyon I Ang Rehiyon I ay isang makitid na kapatagan sa pagitan ng Philippine Sea at bulubundukin ng Cordillera. Ang bulubunduking ito ang nagsisilbing panangga sa mga bagyo. Mahirap isagawa ang pagtatanim dito dahil sa mahabang panahon ng tag-init at limitadong lupang taniman. Rehiyon III Ang Rehiyon III ay katatagpuan ng malawak na taniman ng palay, maliban sa Bataan na isang tangway. Ang Nueva Ecija, na isa sa mga lalawigan sa rehiyon, ay itinuturing na “Rice Granary of the Philippines.” Maraming uri ng anyong lupa at anyong tubig sa Timog Katagalugan. Naririto ang mga bundok ng Makiling, Banahaw, Halcon, at Bulkang Taal. Iba’t ibang anyong tubig din ang makikita rito tulad ng look at lawa. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing Hanapbuhay ng mga tagarito. Marami ring industriyang pantahanan na pinagkakakitaan ng mga mamamayan rito. Rehiyon X Ang Rehiyon X o Timog Mindanao ay Isang pangkat ng mga pulo sa Mindanao. Ang rehiyong ito ay napapalibutan ng katubigan tulad ng Pacific ocean, Bohol sea, at Camotes Sea. Mabundok ang Lugar at ay ilang lambak. Dito matatagpuan ang ibat ibang anyong lupa tulad ng bundok, burol, at baybaydagat. Nag-uugnay sa Mindanao sa ibang bahagi ng Pilipinas at sa Mundo dahil sa makabagong paliparan at daungan nito. Klima - Tumutukoy sa pangkalahatang kondisyon ng panahon (weather) sa Isang lugar sa mahabang panahon (time). Panahon - Tumutukoy sa pang araw-araw na kalagayan ng temperature, galaw ng hanging, dami ng ulan, o tindi ng init sa Isang Lugar PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) - Tagapagbalita ng ng panahon - Pinag aaralan ang takbo ng panahon at isulat ito sa mamamayan. Mga Uri ng Klima sa Pilipinas 1. Unang Uri – Hindi tiyak ang panahon ng tag-ulan at tag-araw. - Tuyo mula Nobyembre Hanggang Oktubre, Lalo na sa gawing Kanluran ng Panay, Mindoro, at Palawan 2. Ikalawang Uri – Walang gaanong panahon ng tag-araw o tag- ulan sa buong taon. - Pinakamaulan mula Nobyembre Hanggang Enero sa Silangang Luzon, Albany, Catanduanes, Leyte, Samar, Sorsogon, at Silangang Mindanao. 3. Ikatlong Uri – Walang tiyak na panahon ng tag-ulanbagaman may maikling tag-araw naman mula Mayo hanggang Oktubre. - Maikli Naman ang tag-init Lalo na sa katimugang Quezon, Masbate, Romblon, Hilagang Silangang Panay, Negros, Cebu, at Hilagang Mindanao. 4. Ikaapat na Uri – Walang takdang panahon ng tag-ulan. -Wala ring tag-araw at halos pantay ang ulan sa buong taon sa Batanes, Hilagang-silangang Luzon, kanlurang bahagi ng Camarines Sur, Albany, Marinduque, Kanlurang Leyte, malaking bahagi ng rehiyon ng Davao, at Bohol. Mga Salik na Nakaaapekto sa Klima Temperature – Ang taas o baba ng isang lugar ay may kaugnayan sa temperatura nito. - Kapag mas mataas ang elebasyon ng isang lugar mula sa pantay-dagat, mas malamig o mas mababa ang temperatura. Ito ang dahilan kung bakit malamig sa Lungsod Baguio, Lungsod Tagaytay, at Bukidnon. -Ang taas o baba ng isang lugar ay may kaugnayan sa temperatura nito. Mainit naman ang temperatura kapag mababa o pantay-dagat ang isang lugar gaya Lungsod Dagupan, Lungsod Maynila, Lungsod Cebu, at Lungsod Davao. Galaw ng Hangin – Ang hanging umiihip sa Pilipinas ay maaaring hanging habagat o hanging amihan. Ang manaka-nakang ihip na ito ay tinatawag na monsoon. Ang hanging habagat (southwest monsoon) na nagmumula sa timog-kanluran ay nakaaapekto sa bansa mula Mayo hanggang Oktubre. -Malakas ang ulang dala nito. Hanging amihan (northeast monsoon) nagmumula sa hilagang-silangan na nagpapalamig sa bansa mula Nobyembre hanggang Pebrero. - Nagmula sa Siberia at China ang hanging ito. - Nakararating din sa bansa ang hanging hilaga (north wind) kasabay ng hanging amihan. Dami ng ulan – Ang ulan ay isa sa mahahalagang salik ng klima sa Pilipinas. - Ang dami ng ulan na tinatanggap ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay magkakaiba. - Ang Silangang Samar, Lungsod Baguio, at silangang bahagi ng Surigao ang pinakamadalas makaranas ng pag-ulan sa bansa (DOST-PAGASA 2023). Halumigmig (Humidity) – Ito ay tumutukoy sa kahalumigmigan ng atmospera ng isang lugar. - Mataas ang kahalumigmigan sa Pilipinas dahil sa mataas na temperatura at sa mga nakapaligid na dagat at karagatan. - Kaya nakararamdam ng alinsangan ang mga tao mula Marso hanggang Mayo ay dahil mataas ang temperatura sa mga panahong ito.